Prinsipe Kong Tuod

 

Tablo reader up chevron

Chapter 1

"Kokey, iiwan mo na ba talaga ako?" Malungkot na tanong ng batang si Kakay.

"Oo, Kakay. Doon na raw kasi kami titira nina Mommy at Daddy sa Australia eh. Doon na-assign sa trabaho ang Daddy ko, kaya malamang dun na rin ako mag-aral." Sagot sa kanya nito.

"Edi ibig sabihin ba nito, hindi na tayo makakapaglaro? A-Akala ko ba wala tayong iwanan? Akala ko ba ang friendship lang natin ang may forever?" Lumakas ang pag-iyak ni Priscilla.

"Tahan na, Kakay." Hinaplos-haplos ni Kokey ang likod nya. "Babalik pa rin naman ako eh. Medyo matatagalan nga lang talaga. Huwag ka nang umiyak. Magkikita pa naman tayo, di ba?"

"Paano kasi wala na ako'ng kalaro dito. Magiging malungkot na ang life ko. Lagi na ako'ng magkukulong sa bahay. Hindi ko naman kasi kaclose yung sina Chestnut, ang aarte naman nilang kalaro sa chinese garter."

"Kakay, hindi naman puwede na magkulong ka nalang sa bahay habang wala ako." Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat. "Marami pa'ng bagay na puwede mo'ng pagkaabalahan. Gusto ko na mag-aral ka ng mabuti. Tulungan mo rin ang Mommy mo sa pagtitinda ng Banana Cue. Hayaan mo't susulatan kita buwan-buwan kapag nandoon na ako sa Australia. Tatawag din ako sa inyo paminsan-minsan."

"Anak, tara na! Mahuhuli na tayo sa flight!" Sabay silang napalingon nang tawagin na si Kokey ng kanyang ina. Naghihintay ang kotse sa gilid ng playground.

"Paano ba yan, Kakay. Kailangan ko na talagang umalis. Magpapakabait ka ha?"

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Kakay. "H-Huwag mo ako'ng kakalimutan ha? Hihintayin ko ang sulat mo."

"Oo, pangako Kakay." Hindi na rin napigilan ni Kokey ang maiyak. "Oo nga pala, bago ako umalis. May gusto sana ako'ng ibigay sa'yo." May kinuha ito sa kanyang bulsa.

"Kwintas?"

"Oo, kwintas." Isinuot nya ito sa leeg ni Kakay. "Huwag mo'ng iwawala yan ha? Magagalit talaga ako sa'yo kapag nawala yan. Yan ang magiging friendship necklace natin."

"Ang ganda naman nito. K-Kaya lang, bakit kalahati lang yung heart."

Ipinakita ni Kokey ang nakatago nya'ng kwintas. "Dahil nasa akin ang kanang bahagi nyan. Kapag nalulungkot ka at namimiss mo ako, tignan mo lang ang kwintas na yan. Isipin mo na darating ang araw na mabubuo ulit ang puso na yan dahil babalikan kita."

"Salamat sa lahat, Kokey. Hinding-hindi kita kakalimutan." Niyakap sya ni Kakay ng mahigpit.

"Ano ba, anak!? Bilisan mo na!" Muling pagtawag ng ina ni Kokey.

"Aalis na ko ha? Paalam, Kakay." At tuluyan nang naglakad si Kokey papunta sa kotse.

Naupo nalang sa sobrang lungkot si Kakay at iyak sya ng iyak habang pinagmamasdan na umaalis na ito.

Ngunit lumipas ang linggo, mga buwan at taon ay wala na sya'ng balita sa kaibigan. Hindi nito tinupad ang kanyang pangako na susulatan sya nito. Inisip nya na marahil ay masaya na ito sa bagong buhay nya sa Brisbane, Australia. Baka marami na ito'ng kaibigan at tuluyan na sya'ng nakalimutan.

Subalit itinago nya ang kwintas. Napakahalaga kasi para kay Kakay na naging parte ng buhay nya si Kokey.

He's the best childhood friend that she ever had. Para na nga nya ito'ng nakakatandang kapatid dahil palagi sya nitong ipinagtatanggol sa kanyang mga mapang-aping kalaro. Kung hindi dahil kay Kokey, baka hindi naging masaya ang kabataan nya.

"Nasaan na kaya si Kokey, natatandaan pa kaya nya ako?" Tanong nya sa kanyang sarili.

Sya na ngayon si Priscilla Angelica Manzanero, dalawampu't apat na taong gulang at isang part-time photographer. Masaya naman sya sa buhay nya, kaya lang lagi sya'ng namomroblema sa pera. Kung anu-ano'ng raket ang pinapasok nya. Pagtitinda ng bra, panty, brief, t-shirt, lipstick, cologne at pati na rin pagkanta sa patay ay pinasok na nya. Kulang na nga lang ay tawagin sya'ng Wonder Woman sa kasipagan nya.

"Ano ka ba, te? Bagay na bagay sa'yo ang bra na yan!" Inilatag nya ang mga paninda sa harap ng kanilang bahay. "Kapag isinuot mo yan, magiging tatlo ang dede mo!"

"Ay ayoko nyan! Baka naman sabihin ng asawa ko ay abnormal ako."

"Ang ibig ko'ng sabihin, mas lalaki ang dede mo ng tatlong beses. Ikaw talaga te, ang ganda-ganda mo pero bingi ka." Ibinalot nya sa plastic ang bra. "Oh ano? Bilhin mo na 'to, 150 lang?"

"Sige na nga!" Nakangiting sagot ng babae. "Dagdagan mo na rin ng brief na large. Para kay mister!"

Nilagyan ni Priscilla ng brief ang plastic. "Oh hayan, 250! May tawad na yan ha?"

"Thank you very much, Ganda! Sa susunod babalik ako dito ha?"

"Anytime!" Kumuha sya ng towel at ipinunas sa leeg nya. "Grabe! Hindi ko akalain na marami palang bibili ng paninda ko sa harap ng bahay natin, Inay! Puwede na pala ako'ng hindi magbahay-bahay nito."

"Oh diba, sabi ko naman sa'yo?" Sagot ni Aling Bebang. Nagtitinda naman ito ng Banana Cue at Buko Juice sa gilid nya. "Oh nagugutom ka na ba? Kumain ka muna nito'ng Banana Cue."

"Huwag na Inay. Itinda nyo nalang yan. Busog pa naman ako eh. Kukuha nalang ho ako ng tubig sa loob."

"Anak naman. Huwag mo'ng pabayaan ang sarili mo. Sige ka, gusto mo ba'ng magkasakit?" Inabutan sya nito ng Banana Cue. "Yung mga bayarin natin sa bahay, huwag mo nang masyadong isipin yun. Sapat naman ang paglalabada ko para may maipambayad tayo. Huwag mo'ng puwersahin ang sarili mo sa pagtatrabaho."

"Ano ho'ng sapat?" Muntik na sya'ng mabulunan. "Inay naman, kulang na kulang ho yun. Alam nyo naman na nagtaas na si Aling Tonyang ng upa sa bahay. Tsaka kayo ho dapat ang nagpapahinga dyan. Hindi naman kayo si Darna para pagsabayin ang pagtitinda ng Banana Cue at paglalabada sa loob ng isang araw."

Mahirap lang sila. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Priscilla, kaya kahit ano'ng raket ay pinapasok nya.

"Hoy baklang prinsesa ng mga bra!" Sabay na napalingon ang mag-ina nang dumating ang negrong bakla na si Jujubel. Sya ang matalik na kaibigan ni Priscilla. "May cheesemaks ako sa'yo!"

"Ano ba? Tanghaling tapat ay nagsisisigaw ka."

"Siguradong matutuwa ka sa sasabihin ko sa'yo. As in sobrang happiness to the max!"

"Ano ba kasi yun?"

Itinuro ni Jujubel ang kaharap na bahay. "Tignan mo, may bagong lilipat sa apartment ni Aling Tonyang!

"Oh eh ano naman ang nakakatuwa dyan?" Nagsalita sya habang kumakain. "Palagi naman na may bagong lumilipat dyan at umaalis din kaagad kasi hindi mabayaran ang upa ni Aling Tonyang."

Biglang hinila ni Jujubel si Priscilla. "Halika, sumama ka sa'kin!"

"Ano ba naman 'to? Kumakain pa 'ko oh." Nagpunta sila sa gilid ng truck na may lamang mga gamit ng maglilipat. "Ano ba kasi ang titignan natin dito? Ay bakla tignan mo, kamukha mo yung aso."

"Punyeta ka! Hindi yan ang ipinunta natin dito. Hayun!" Sabay turo ni Jujubel.

Pagkalingon ni Priscilla sa itinuro ng kaibigan ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Nilipad ang kanyang buhok at palda na para ba'ng nasa commercial sya ng feminine wash.

"Bakla, yung palda mo. Kita na yung tahong mo!" Kaagad na tinakpan ito ng kaibigan.

Subalit si Priscilla ay nanatiling nakatingin sa direksyong iyon. Isang napaka-gwapong lalaki, matangkad at may pagka-chinito ang bumighani sa kanyang mga mata. Kahawig sya ng isang sikat na chinese superstar na si Wu Yi Fan, pero lamang sya ng sampung paligo. Sa dinami-rami ng nagaguwapuhang lalaki sa kanilang barangay, sa sandaling iyon lang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

"Diyos ko, ang puso ko! Love at first sight na ba 'to? O baka naman inaatake na ko ng highblood?"

"Bakla, wala ka'ng highblood." Sagot ni Jujubel. "Talagang napaka-guwapo lang ng bagong kapitbahay natin. Para sya'ng anghel na napadpad sa barangay natin para mahalin ako."

Nag-iba ang hitsura ni Priscilla. "Pwede ba? Nakakawala ka ng gana! Sa tingin mo ba ay papatulan ka ng ganyang kaguwapo? Diyos ko, manginin-ningin ka nga sa salamin!"

"Aba! Ang sama naman ng ugali nito. Ikaw na nga ito'ng isinama ko dito para mabusog 'yang mga mata mo, tapos gaganyanin mo 'ko?" Nagpa-maywang sya. "Mabuti pa, lapitan nalang natin sya. Magpakilala tayo;"

"Ay oo nga! Tama ka dyan, bakla." Nilapitan nila ang guwapong lalaki na nagbubuhat ng gamit.

"Hi pogi!" Bati ni Jujubel, sabay labas ng dila na parang si Anaconda. "Gushto ko shana'ng magpakilala sha'yo. Ako nga pala si Jujubel. Jujubel nalang for short. Nakatira ako dun oh, dun sha may shinampay?"

Ngunit hindi sya pinansin ng lalaki at pumasok na ito sa bahay.

"Ano ka ba naman!? Bakit mo tinakot yung lalaki!"

Nalungkot si Jujubel. "Talaga? Natakot sya sa'kin? M-Maganda naman ako ah?"

"Alam mo, di 'ko alam kung sa matres ka ba talaga nanggaling o sa puwet ng nanay mo? Shunga ka. Syempre, hindi ka talaga papansinin nun. Nilabas mo pa kasi 'yang dila mo!" Sumilip si Priscilla sa loob ng bahay. "Mabuti pa, ako nalang ang magpapakilala sa kanya. Watch and learn!"

Dahan-dahang nilapitan ni Priscilla ang lalaki. "Hello pogi? Pasensya na pumasok na ako dito sa bahay mo ha? Ako nga pala si Priscilla." Napangiti sya nang tumingin sa kanya ang lalaki.

"Magkano ba? Tatlong libo?"

"Ha? A-Ano'ng tatlong libo?" Pagtataka ni Priscilla. Kumuha ang lalaki ng pera sa bulsa at inabutan sya ng pera. "Teka? Gusto ko lang naman na magpakilala. Hindi mo naman kailangan na..."

"Makakaalis na ho kayo. Maraming salamat."

Itinulak ng lalaki si Priscilla palabas ng bahay at saka biglang isinara ang pinto.

"Ano'ng nangyari?" Tumingin si Jujubel sa hawak nito. "Ano yan? Ba't may hawak ka'ng pera."

"Hindi ko alam!" Mangiyak-ngiyak nya'ng sagot. "Gusto ko lang naman na magpakilala, pero bigla nya ako'ng binigyan ng pera. Mukha ba ako'ng nanghihingi ng tulong?"

"OMG! Napagkamalan ka'ng kargador!? HAHAHA!" Tumatawang inagaw ni Jujubel ang pera at iniabot sa mga kargador. "Kasi naman, tignan mo 'yang hitsura mo. Hindi ka man lang nag-ayos bago humarap dun sa lalaki. Mukha ka'ng manghihingi ng relief goods! May pa-watch and learn ka pa'ng nalalaman dyan!"

"Grabe! Na-hurt ako dun ah?" Bigla sya'ng ngumiti na may mapaglarong mga mata. "Pero I'm so happy talaga, bakla! Baka pangitain na 'to para sa matagal ko ng kahilingan? Baka sya na ang lalaking para sa'kin!"

"In your dreams! Ang ganyang mga lalaki, magaganda lang ang hanap. Tandaan mo na ang gwapo ay para sa maganda lamang, at ang maganda ay ako! HAHAHA!"

"Baka naman wrong timing lang yung pagpapakilala natin. Alam mo naman na kahit sino'ng tao dito sa barangay ay ka-close natin. Imposible naman na hindi rin natin sya maging ka-close, di ba?"

"So, ano'ng balak mo'ng gawin?"

Hinawakan nya ang mga kamay ni Jujubel. "Bakla, ibalato mo nalang sya sa'kin. Marami ka nama'ng mga boylet sa palengke eh. May shitzu, bulldog at german shepherd ka na. Sakin nalang sya, please?"

"Teka, nilalagnat ka ba?" Idinampi ni Jujubel ang kamay sa noo nya.

"Hindi ako nilalagnat!"

"Totoo ba 'to? Talagang gusto mo nga yung lalaki? Dati naman e hanggang boy watching lang tayo, pero mukhang nahulog ka na ngayon."

Dati ay normal lang kay Priscilla ang magkagusto sa isang lalaki.

Para sa kanya ay taghiyawat lang ang infatuation na kusang nawawala. Hindi rin sya nag-eentertain ng mga manliligaw noon, dahil mas priority nya ang kanyang mga raket.

Subalit ngayon, dumating na ang matagal nya'ng hinihintay. Ang lalaking makakapagpatibok sa puso nya na matagal na nya'ng hinihiling sa mga bulalakaw ay bumagsak na sa tapat ng kanilang bahay.

"Anak, bakit hindi mo bigyan ng chance ang sarili mo na magka-boyfriend?"

"Inay, hindi ko pa kasi nahahanap ang lalaking magpapatibok sa puso ko. Hindi ba't kusang dumarating naman yun? Kapag dumating na ang oras na yun, hindi ko sasayangin ang pagkakataon ko."

"Ito'ng anak ko, nagmana talaga sa'kin." Ngumiti ang kanyang ina. "Pero tandaan mo, may mga taong nauuwi rin sa wala ang paghihintay."

"B-Bakit naman po?"

"Dahil yun ang realidad." Sagot nito. "Anak, hindi masama kung susubukan mong magmahal ng lalaking ayaw mo o sa tingin mo'y hindi karapat-dapat sa'yo. Kagaya nalang ng mga gustong manligaw sa'yo na tinaboy mo noon. Bigyan mo sila ng chance. Minsan ay maaaring matagpuan ang makakapagpatibok sa puso mo sa taong nandyan lang sa paligid mo at hindi mo inaasahan."

"Eh paano po kung dumating nga ang taong mamahalin ko?"

"Edi go na kung go!" Natawa si Priscilla sa kanya. "Huwag mo'ng sayangin ang oras mo. Iparamdam mo na kaagad sa taong yun kung gaano mo sya kamahal. Maging successful man o hindi, ang mahalaga ay ginawa mo kung ano ang makapagpapasaya sa'yo. Minsan lang ang maging bata, anak. Kaya habang may pagkakataon pa, sunggaban mo na kaagad."

Napag-isip-isip nya na hindi na nya dapat pa'ng sayangin ang oras.

Magustuhan man sya o hindi ng lalaki, gagawin nya ang lahat para maging magkasundo sila. Sabi nga ng kanyang ina, i-enjoy nya ang kanyang kabataan dahil minsan lang ito. Hindi naman siguro makakasagabal sa pagtatrabaho nya kung magpapakasaya sya kahit minsan. Ang mahalaga ay maibabaon sya sa pagtanda. Ayaw nya'ng pagsisihan balang araw ang mga hindi nya nagawa na gusto nya'ng gawin sa buhay nya.

"Bakla, na-love at first sight yata ako dun sa guy. Hindi pa naman siguro ako nababaliw ano? Naririnig ko kasi kanina ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ang guwapo nya kasi!"

"Naku! Yan nga yung mga senyales!"

"Na nababaliw na 'ko?"

"Hindi! Na na-love at first sight ka!" Nagtatalon sa tuwa si Jujubel. "Diyos ko, mabuti naman at may nagustuhan ka na. Napaka-choosy mo kasi sa lalaki. Imbis na magkaroon ka ng boyfriend, nagiging boyfriend ko yung mga nanliligaw sayo. Sunggaban mo na ang lalaking yun ha? Kundi, titirahin ko yun!"

"Gaga!" Bulalas nya. "Gusto ko muna sya'ng makilala ng husto. Kakaibiganin ko sya, bakla. Saka ko nalang sasabihin ito'ng nararamdaman ko kapag dumating ang araw na mapatunayan ko na dapat nga ba talaga sya'ng mahalin. Well kung hindi nya ako magustuhan, edi okay lang. Wala nama'ng mawawala sa'kin, hindi ba?"

"Sigurado ka na ba?"

"Tutulungan mo naman ako, di ba?" Tumango sa kanya si Jujubel. "Oh yes! This is really is it!"

 

***** 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

"Naaalala mo pa kaya ako, Kokey?" Sabi ni Priscilla habang tinitignan ang kwintas. "Alam mo ba'ng miss na miss na kita? Hindi mo na tinupad ang pangako mo sa'kin na babalikan mo 'ko."

"Nandito lang naman ako Kakay eh."

Napatayo sa kaba si Priscilla. "N-Nagsasalita ka!?"

"Oo, nandito ako sa loob ng kwintas. Tulungan mo ako'ng makalabas, Kakay!"

"Hindi! Hindi ito totoo! Nananaginip lang ako!" Hinampas-hampas nya ang ulo. "Gumising ka, Priscilla!" Hanggang sa nagulat sya nang biglang may humampas sa kanyang ulo. "Aray ko!"

"Kung hindi ako ang kasama mo, baka napagkamalan ka nang siraulo dyan."

"Inay naman!" Reklamo nya. "Akala ko tuloy nasa loob nga ng kwintas si Kokey."

"Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang uhuging bata na yun? Alam mo anak, pustahan tayo nakalimutan ka na nun. Baka nga may asawa't anak na yun."

"Inay naman eh. Basta naniniwala ako na babalikan ako ni Kokey. Wala ako'ng pakialam kung may asawa na sya. Gusto ko lang na tuparin nya yung pangako nya. Sya kasi ang dahilan kung bakit naging maganda ang mga ala-ala ko noong bata pa ako. Sya ang naging ultimate savior ko."

Hindi na sumagot ang kanyang ina. Inasikaso na nito ang kanilang kakainin at naghain na sa lamesa.

"Inay, nakita nyo ba yung bago nating kapitbahay? Yung kalilipat lang dyan sa harap?"

"Yung guwapo?" Umiling-iling sya. "Pati ba naman ikaw anak ay nahumaling na rin sa lalaking iyon? Aba'y usap-usapan yan sa mga kapitbahay kanina. Paano kasi, ipinagkalat ng kaibigan mo'ng bakla na may guwapo dyan sa harap. Edi pati yung mga talanding dalagita na taga malayo dumayo pa dyan sa harapan natin."

"Inay, type ko sya. Ang yummy-yummy nya." Biglang may naisip si Priscilla. Kumuha sya ng tupperware at inagaw ang sandok sa kanyang ina. "Inay, puwede'ng bumawas dito ng kaunti?"

"Ano'ng babawas? Nakahain na sa lamesa oh."

"Hindi, Inay. Gusto ko sana'ng bigyan ng ulam yung poging kapitbahay natin." Nag-beautiful eyes sya ng sumimangot ang kanyang ina. "Sige na Inay, please? Gusto ko talaga sya'ng makaclose eh. Malay nyo balang araw ay sya pala ang mapangasawa ko. Oh edi maganda ang magiging breed ng mga apo nyo."

"Ano ka? Palahiang aso?" Inagaw ni Aling Bebang ang sandok. "Mamaya na! Kumain muna tayo. Yan ang nakukuha mo sa kakasama mo dun sa kaibigan mo'ng bakla! Pati ikaw, nagiging talandi na rin!"

Pagkatapos nilang kumain ay dali-daling nag-sandok ng Ginisang Munggo si Priscilla at inilagay sa tupperware. Nagpaganda rin sya at naglagay ng kolorete sa mukha. Pagkalabas nya ng bahay ay nagpalakpakan ang mga lasing na nag-iinuman sa tindahan ni Aling Pacing.

"WOOOH! Bigyan natin si Priscilla ng isang masigabong palakpakan!" Sigaw ni Mang Jun.

"Ano ba'ng problema nyo sa'kin!?" Pinamaywangan nya ang mga lalaki. "Ako na naman ang trip nyo?"

"Eh saan ba kasi ang punta mo?" Natatawang sabi ni Mang Jose. "Pulang-pula ang suot mo at naka-polka dots ka pa. Chinese New Year na ba mamaya? HAHAHA! KUNG HEI FAT CHOI!" Nakasuot kasi sya ng pulang Spaghetti Strap Tank Top na kita na ang cleavage at polka dots na miniskirt.

"WALA KAYO'NG PAKIALAM! GRRR!" Sigaw nya. Mas lalong nagtawanan ang mga nag-iinuman.

Madalas kasi sya'ng pagtripan ng mga ito kapag nakikitang lalabas sya sa gabi. Minsan, kahit wala namang dapat pagtawanan sa kanya ay pinagtitripan pa rin sya.

"Halika ka nga dito'ng bakla ka!" Hinila sya ni Jujubel nang makita sya sa tabing kalsada. "Ano 'to!? Bat pulang-pula ka? Buang ka! Mukha ka'ng pokpok!"

"Masagwa ba talaga? Sexy naman, di ba?" Naiilang nya'ng tanong. "Nag-try lang naman ako'ng magsuot ng mga paninda ko. Gusto ko'ng humarap kay poging kapitbahay na presentable."

"Hindi ka presentable! Mukha ka'ng mantel!" Tumingin ito sa hawak nya'ng tupperware. "Magbibigay ka lang ng ulam, ganyan ang suot mo!? Kamukha mo si Mystika!" Napakamot sya ng ulo.

"Eh naisip ko lang kasi na baka ito yung mas magandang paraan para mapansin kaagad ako ni Crush." Inilabas nya ng kaunti ang cleavage. "Ipit na ipit na nga 'tong dede ko. Sasabog na oh!"

Bumuntong-hininga si Jujubel. "Bakla, hindi mo naman kailangang mag-suot ng ganyan para mapansin ka nya. Bakit hindi ka magpakatotoo sa sarili mo? Hindi ka naman ganyan magsuot ng damit ah? Hindi ka ba naiilang sa sarili mo na pinagtitinginan ka ng mga lasing at ang tingin sa'yo ay pulutan?"

"Sige na nga." Ngumisi si Priscilla. "Hintayin mo 'ko dito ha? Magbibihis ako ng panibago."

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Priscilla sa bahay nila. Naka-simpleng t-shirt lang ito at jogging pants na pinaglumaan. Naglagay din sya ng konting foundation sa mukha at inalis ang kanina'y pulang-pula nya'ng lipstick. Napakaganda nya kapag simple lang. Kung hindi nga lang naging bakla si Jujubel ay baka na-inlove na rin sya kay Priscilla. Walang imik naman na nakatingin sa kanya ang mga lasing habang nakangiti. Speechless sila, dahil napaka-cute nga naman ni Priscilla.

"Ganito ba ang gusto mo'ng isuot ko?" Naiilang na tanong ni Priscilla.

"Ah-umm!" Binigyan sya nito ng isang malaking tango. "Mas maganda ka kapag simple, bakla. Huwag mo nang uulitin yun dahil masusuntok na talaga kita sa susunod!"

Kumapit si Priscilla sa braso nya. "Mabuti pa, samahan mo nalang ako sa bahay nila. Tutal naman ay pareho nating hindi sya nakikilala. Siguro naman ay papansinin na nya tayo ngayon."

"No! Ikaw lang ang pupunta doon. May date pa kami ni Papa Junjun ko. Kailangan na nya ng pang-tuition!"

"Mamaya na yun!" Inis na sagot nya. "Bakla, hindi ko kayang magpakilala ng mag-isa sa kanya. Alam mo naman na palaging sa'yo lang ako humuhugot ng kakapalan ng mukha."

"Sige na nga!" At naglakad na sila papunta sa kabilang bahay.

Nang makita nilang bukas ang gate ay pumasok na sila. Pagkapasok ay sumilip naman sila sa mga bintana para malaman kung nasa may living room ba ang lalaki, ngunit walang tao doon.

"Walang tao, bakla. Baka naman lumabas sya ng bahay?"

"Bukas yung TV oh." Sinubukang pihitin ni Jujubel ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto. "Bakla, hindi naka-lock. Mabuti pa pumasok na tayo sa loob."

"Hoy! Ano ka ba?" Hindi nya napigilan ang kaibigan at basta nalang ito'ng pumasok. Sinundan nya ito. "Baklita, mapapahamak naman tayo nyan sa ginagawa mo eh. Doon na tayo sa labas maghintay!"

"Aba bakit pa tayo lalabas e nandito na tayo sa loob?"

"Bakla naman! Sana hindi nalang kita isinama dito. Ipapahamak mo 'ko!"

Hindi sya pinansin nito. Nakatuon na kasi ang atensyon nya sa mga display.

"Bakla, ang bongga naman ng mga gamit dito oh? May elephant pa oh." Hawak nya ang babasaging elephant figurine.

"Hoy! Bitawan mo nga yan. Baka mamaya makabasag ka pa dito."

Hanggang sa nagulat sila nang may marinig na nagsasalita.

"Okay lang naman ako dito. Wala kang dapat na ipag-alala. Medyo nag-aadjust pa nga lang ako dahil maingay sa kapitbahay." Sabi ng lalaking nakatira doon habang may kausap sa cellphone.

Kalalabas palang nito sa banyo at kagagaling pa lang sa shower.

"Oo, anytime. Okay lang talaga ako."

Dali-daling nagtago sina Jujubel at Priscilla sa ilalim ng lamesa.

"Bakit tayo nagtago sa ilalim ng lamesa? Akala ko ba magpapakilala tayo sa kanya?" Tarantang tanong ni Jujubel habang hawak pa rin ang elepanteng figurine.

"Hindi ko alam sa'yo. Nauna ka'ng pumasok dito sa ilalim kaya sumunod na rin ako."

"Mabuti pa, lumabas na tayo." Ngunit pinigilan sya ni Priscilla sa braso.

"Kapag lumabas tayo dito, magmumukha tayo'ng masama. Wala na tayo'ng magagawa. Hintayin nalang natin sya'ng umalis dito sa sofa at bumalik na tayo sa labas."

Narinig ulit nilang nagsalita ang lalaki. "Oo, ayos na ang mga gamit dito. Natulungan naman ako ng mga kargador kaninang umaga." Nagtaka ang dalawa nang may mahulog na tuwalya sa harap ng lamesa. "Nag-bayad na rin ako sa landlady. Huwag mo na ako'ng problemahin dito."

"B-Bakla, bakit may nalaglag na towel?" Tanong ni Priscilla.

"H-Hindi ko alam. Baka kagagaling lang nya sa paliligo?"

Hanggang sa nagulat ang dalawa nang umupo ang lalaki sa kaharap nitong lamesa. Walang saplot ang lalaki. Kaya pala nalaglag ang tuwalya ay kusa ito'ng nahulog habang naglalakad sya.

"D-DIYOS K-... Ummm!"

Nakangiting tinakpan kaagad ni Jujubel ang bibig ni Priscilla. "H-Huwag ka'ng maingay, bakla..." 

Bumuyangyang sa kanilang mga mata ang elepanteng humigit-kumulang na nasa walong pulgada at may pambihirang mabalbon na balat.

Ayon sa National Geographic Channel, bibihira na lamang ang ganitong lahi ng elepante sa Pilipinas dahil kabilang na raw ito sa endangered species. Napatunayang ito ay isang hervibore at kumakain lang ng halaman. Masuwerte raw ang makakakita nito kagaya nalang ni Jujubel na parang naka-jackpot sa sweepstakes.

"U-UMMM... UMMM..." Nakapikit, nanginginig at nangingilabot na daing ni Priscilla.

"H-Huwag ka'ng maingay dyan. Nag-eenjoy pa ako sa nakikita ko. N-Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang gifted, kaya pagbigyan mo na 'ko, bakla. T-Tignan mo yung six-pack abs nya oh. Palaman nalang ang kulang, bakla..." Hawak pa rin nya ito sa bibig. "B-Bakit kasi hindi mo imulat ang mga mata mo, at pagmasdan mo ang biyayang ibinigay kay Adan? C'mon, open your ey... AAHHHHH! PUT*NGINA MO, PRISCILLA!"

Napasigaw sya nang biglang kagatin ni Priscilla ang kanyang kamay.

Nabigla naman ang lalaki at mabilis na tumayo. Hindi sya magkaintindihan kung magtatakip ba ng kamay o tatalikod dahil kinuha pa ni Jujubel ang tuwalya at itinago sa likod nya.

"S-SINO K-KAYO?" Nagtago ang lalaki sa gilid ng sofa.

"S-S-SORRY! Hindi namin sinasadya na makita ang elepante, este ang biyaya... Diyos ko! Ewan ko! ETO NA ANG GINISANG MUNGGO MOOOO!" Inilapag ni Priscilla sa lamesa ang pagkain at patakbong lumabas ng bahay.

Naiwan sa loob si Jujubel. "Hi pogi?"

Kumikembot na lumapit ito at inabot ang elepante na parang tropeyo.

"I would like to share this Elephant... for the longest... and the most thickest... AHIHIHI... I mean, I would like to share this award for giving me this opportunity... For making me see the real nature and the wildlife experience of giant elephants... and I believe that..."

"TARANTADO KA!" Biglang hinila ni Priscilla ang tenga ni Jujubel. "Lumabas na tayo dito! IMMORAL KA!" At mabilis na lumabas sila sa bahay.

Patakbo nama'ng isinara kaagad ng lalaki ang pintuan, ini-lock ito at pinatay ang ilaw sa living room.

 

Kinabukasan, isa na nama'ng napakagandang umaga. Ngunit ang umagang yun ay impyerno para kay Priscilla.

Hindi nya makalimutan ang kahihiyang nangyari noong nagdaang gabi. Hindi rin mawala sa kanyang isipan ang mahiwagang elepante na nag-aparisyon sa kanya sa ilalim ng lamesa.

"Ganda, ano ba'ng bagay sa'king panty dito? Meron ka ba nung may bulsa?" Tanong sa kanya ng ale.

"Meron ho dyan. Kalkalin nyo nalang." Walang gana nya'ng sagot.

Napatingin naman sa kanya si Aling Bebang. Si Jujubel naman ay natatawa habang pinagmamasdan sya.

"Wala naman dito eh. Hanapin mo naman para sa'kin. Gusto ko yung may flowers na design ha? Nakita ko yun dito noong isang araw. Baka naman may stock ka pa sa inyo?"

"Punyeta! Hanapin nyo nalang kasi dyan!" Bulalas nya.

"Ang sungit naman nito! Hinding-hindi na ako bibili sa'yo ng panty at bra!"

"Edi huwag ka'ng bumili! Mukha ka nama'ng hindi nagpa-panty!" Bigla hinila ni Aling Bebang ang kanyang buhok. "Aray ko naman, Inay!"

Humingi ito ng pasensya. "Pagpasensyahan nyo na ho ito'ng anak ko. Ganyan lang talaga yan kapag umaga. Ako nalang ho ang hahanap para sa inyo."

"Huwag na!" Sigaw ng ale. "Nawalan na ako ng ganang bumili ng panty sa inyo! Sa mall nalang ako bibili!"

"Ay bonggacious. Nausuhan din pala kayo ng mall?" Biro ni Jujubel.

"Edi dun ka bumili sa mall!" Bulalas ni Priscilla. Kinurot naman sya ng kanyang ina sa baywang. "Aray! Aray ko! Bakit ba, Inay!?"

"Ano'ng bakit? Napapansin ko kanina mo pa sinusungitan ang mga nabili sa'yo ah? Meron ka ba ngayon at ganyan ka?" Binalingan nya si Jujubel. "Ito'ng kaibigan mo'y pagsabihan mo nga. Agang-aga perwisyo!"

Kinulbit ni Jujubel si Priscilla. "Hoy. Tigil-tigilan mo na 'yang kaartehan mo. Mabuti pa kumain ka nalang nitong Banana Cue kasi hindi ka pa nag-aagahan." Pero ibang saging ang nakita nya sa Banana Cue.

"AYOKO NYAN!" Hinampas nya ang kaibigan. "Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo!"

"Ano ka ba, bakla? Move on! Pasalamat ka pa nga at nakakita ka ng tunay na elepante."

"Ang baboy mo! Nakakadiri ka!" Nang mapatingin sya sa kaharap na bahay ay nakita nya'ng lumabas ang lalaki. Napatayo sya sa kanyang kinauupuan. "S-Si...."

Tumingin sa kanya ang lalaki. Ngunit bigla itong nailang at tinakpan ng kamay ang kanyang short.

Kumindat naman si Jujubel sa lalaki habang dinidilaan ang Banana Cue. Nagmadali tuloy ang lalaki na bumalik sa kanyang bahay.

"H-Hindi! T-This is not true." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Priscilla. "Kung hindi kasi tayo pumasok ng basta-basta sa bahay nya, hindi sya iiwas sa atin! Kasalanan mo 'to, Bakla!"

"Aba basta para sa'kin, worth it ang nangyari kagabi."

Hinampas nya ulit ang kaibigan. "Nakakainis ka! M-Mukhang malabo na tuloy na pansinin nya ko. N-Nagkaroon pa tayo ng bad impression sa kanya." Sinakal naman nya ito.

"Aray ko! Ano ba!? Bubuntisin kita dyan!"

"Kasalanan mo 'tong, ulikba ka! Mukha ka'ng sunog na panggatong!" Inis na pumasok na sya sa kanilang bahay at doon nagmukmok.

"Aba! Ang sama ng bunganga ng babaeng ito ah? If I know, nag-enjoy ka kagabi!"

Nagtaka naman si Aling Bebang. "Ano'ng nangyari dun?"

"May phobia ho pala sa elepante ang anak nyo, ano?"

"Ano'ng elepante?" Natawa nalang si Jujubel sa kanya.

 

 

***** 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3

"Magsi-labas kayo riyan! Labas!" Alas singko ng umaga ay nabulabog sa pagtulog ang mag-inang Priscilla at Aling Bebang. "Kapag hindi kayo lumabas dyan, gigibain ko ang pintuan nyo!"

Bumangon si Priscilla. "Inay, si Aling Tonyang ba yun?"

"Aba oo nga." Kinabahan si Aling Bebang. "Kay aga-aga ay nambubulabog sya ng mga natutulog."

"Inay, nakapagbayad na ba tayo ng monthly rent?"

"Naku, Anak!" Bulalas nya. "Nakalimutan ko'ng magbayad kay Tonyang. Noong isang linggo kasi ay nagbayad ako ng bill sa kuryente at tubig. Inuna ko muna yun dahil baka maputulan na tayo."

Napakamot si Priscilla sa ulo. "Inay, paano na tayo ngayon? Nangako pa man din tayo kay Aling Tonyang na magbabayad na tayo ng upa ngayong buwan. Tatlong buwan na tayo'ng hindi nakakabayad sa kanya."

Tumayo si Aling Bebang at huminga muna ng malalim. "Huwag ka'ng mag-alala. Siguro naman ay mapapakiusapan si Tonyang. Hihingi ulit ako ng palugit, kahit isang linggo lang."

Bata palang si Priscilla ay ganito na ang buhay nya. Kapit patalim silang mag-ina sa lahat ng bagay. Nakailang lipat na rin sila nang dahil sa hindi sila makabayad on time. Lahat yata ng mga paupahang bahay sa barangay nila ay natirahan na nila.

"Inay, samahan ko na ho kayo." Tumango sa kanya si Aling Bebang. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Sumunod sya nang lumabas na ito ng bahay.

"Hoy, Bebang!" Si Aling Tonyang kaagad ang bumungad pagkabukas nya ng pintuan. "May balak pa ba kayo'ng magbayad? Aba'y mamumulubi na ako sa ginagawa nyo! Umalis nalang kayo dito kung ganyan kayo!"

"T-Tonyang, kung maaari lang sana. Pwede ba'ng humingi ulit kami ng ilang araw na palugit? Talagang hindi kami makakabayad ngayon eh. Napakarami nami'ng binayaran ngayong buwan na ito."

"Na naman!?" Nagsalubong ang kilay nya. "Diyos ko naman, Bebang. May pamilya rin ako na kagaya mo. Kung hindi ka magbabayad, wala ako'ng maipangtu-tuition sa mga anak ko. Wala rin ako'ng maihahain sa lamesa na namin. Ang liit-liit na nga ng singil ko sa inyo, hindi nyo pa mabayaran ng ayos."

"Parang awa mo na oh." Lumapit ito at hinawakan ang mga kamay ni Tonyang. "Isang linggo lang, Tonyang. Ipinapangako ko sa'yo na makakabayad din kami. K-Kung gusto mo, maglalabada muna ako sa inyo habang naghihintay ka ng ipambabayad ko sa'yo."

"Inay!" Sambit ni Priscilla. "Inay, wala na nga tayo'ng kinikita. Maglalaba ka pa sa kanila?"

Hindi sya pinansin nito. "Sige na, Bebang. Nagmamakaawa na 'ko sa'yo. Bukas na bukas din ay maglalabada ako sa inyo. B-Basta't huwag mo lang kami'ng paalisin dito."

"Oh sya sige! Kung hindi lang ako naaawa sa inyo. Aasahan kita bukas. Agahan mo ha?"

"Oo sige! S-Salamat, Tonyang ha? Maraming salamat talaga." Nakahinga ng maluwag si Aling Bebang.

Nang umalis na si Aling Tonyang ay nakita nya ang reaksyon ni Priscilla. Maiiyak na ito nang dahil sa awa sa kanya. Sya naman ay halos madurog na ang puso, pero nagkunwari sya'ng ayos lang.

"Inay, ako nalang ho ang maglalabada sa kanila. Kaya ko naman ho yun eh. Dito nalang ho kayo sa'tin. Magtinda nalang ho kayo ng Banana Cue." Pag-aalala ni Priscilla.

Sa tuwing magtatrabaho ito ng mabigat ay sobra ang pag-aalala ni Priscilla.

Dati kasi ay bigla na lamang hinimatay si Aling Bebang nang dahil sa sobrang pagod. Gustuhin man nya'ng tumulong, pero nagagalit lang ang kanyang ina kapag pinagsabihan.

"Hindi mo kakayanin yun, anak. Ikaw ang magtinda dito sa atin at ako ang pupunta doon bukas."

"Inay, naman eh. Makinig naman ho kayo sa'kin. Noong huli ay hinimatay kayo sa sobrang pagod. Alagaan nyo naman ho ang sarili nyo. Basta ako na ho ang pupunta dun bukas."

"Hindi." Seryosong sagot nito. "Kapag sinabi ko'ng ako ang gagawa, ako. Kung gusto mo'ng hindi tayo mag-away ay susunod ka sa'kin." Iniwan nya si Priscilla sa labas ng bahay.

Tanghali nang pumunta si Jujubel sa kanilang bahay. Nang makita sya ni Priscilla ay hinila kaagad nya ito sa malayo. Ayaw nya kasi'ng marinig ng kanyang ina ang sasabihin nya sa kaibigan.

"Bakla, gusto ko sana'ng humingi ng pabor sa'yo eh."

"Oh sige, huwag lang pera ah? Wala ako'ng pera ngayon." Umaatras ang leeg ni Priscilla.

"Bakla, yun nga sana ang gusto ko'ng hingiing pabor sa'yo eh. Hindi ko kasi alam kung saan kukuha ng pambayad sa bahay. Mapapalayas na kami dito kapag hindi pa rin kami nagbayad ngayong week na ito."

Hinawakan nya ito sa mga kamay. "Bakla, baka mayroon ka naman dyan kahit kaunti. Babayaran ko nalang. Ayoko'ng puwersahin ni Inay ang kanyang sarili sa pagtatrabaho para lang makumpleto yung pambayad sa bahay. Kulang na kulang kasi talaga ang kinikita namin sa Banana Cue at pagbebenta ng bra."

"Eh bakla, w-wala na rin ako'ng pera ngayon eh. Naipambili ko na ng gamot para kay Lola Zoraida. Alam mo naman yun, palaging sinusumpong ng rayuma. Kung ipapahiram ko pa sa'yo ang pera ko ngayon, baka wala na kami'ng kaining dalawa. Magbabayad na rin kami ng monthly kay Aling Tonyang."

"Ganun ba?" Naupo sya sa sobrang pag-aalala. "Kanina pa kasi ako nagtatanung-tanong sa mga kapitbahay natin. Kaya lang, wala talagang magpahiram sa'kin. W-Wala ka ba'ng alam na puwedeng pagkunan ng pera? Wala kasi ako'ng ibang raket ngayon kundi ito lang pagtitinda ng bra."

Bumuntong-hininga si Jujubel. "Pasensya na talaga, bakla ha? Kung meron naman ako e hindi ko ipagadadamot sa'yo. Talagang walang-wala rin ako. Kulang na kulang pa samin yung kinikita ko sa pagmamanicure at pedicure. Hayaan mo't magtatanung-tanong ako sa iba."

"Salamat ha?" Sagot ni Priscilla. Tatayo na sana sya para bumalik sa pagtitinda nang makita nya na kalalabas palang sa bahay ng kanilang bagong neighbor. Bigla sya'ng nakaisip ng paraan. "B-Bakla, hindi naman siguro masama kung kakapalan ko ang mukha ko, ano? O-Okay lang kaya na manghiram ako sa kanya?"

"Kanino ka naman manghihiram?"

"Sa kanya." Itinuro nya ang lalaki. "No choice na talaga eh. Mukha naman sya'ng may kaya sa buhay. Nakita naman natin yung mga display nya sa bahay, may pagka-mamahalin."

"Ang tanong, kaya mo ba? Siguro naman naaalala mo pa ang nangyari noong isang araw." Biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang kahihiyang nangyari sa kanila sa bahay ng lalaki.

"Kung kinakailangang lumuhod ako para lang mapatawad nya ako, gagawin ko. B-Basta mapautang nya lang ako kahit dalawang libo. Mabayaran ko lang kahit yung isang buwang upa."

Kung hindi nya kakapalan ang mukha ay walang mangyayari sa kanila. Wala sya'ng kasiguraduhan kung kakausapin nga sya ng lalaki, pero susubukan nya.

"Papaano kung umayaw sya?"

"Pipilitin ko sya, bakla. Kahit ibigay ko pa sa kanya ang katawan ko, gagawin ko alang-alang sa dalawang libo." Napansin nya'ng tinatawanan na sya ng kaibigan. "B-Bakit ka natatawa dyan?"

"HAHAHA! As if naman na hingiin nya talagang kapalit ang katawa mo."

"Hindi ako nagbibiro ha? Talagang totoo ang sinasabi ko, bakla!" Depensa nya.

"Oh eh kaya mo naman pala yun, bakit hindi ka nalang magbugaw dyan sa kanto. Maraming tricycle driver na papatol sa'yo. Wala pa'ng isang gabi, baka maka-10k ka kaagad." Biro nya.

"Ano'ng tingin mo sa'kin, pokpok? Hindi ako ganoong ka-desperada sa pera, ano?"

Nagkibit-balikat sya. "Basta... pupuntahan ko sya mamaya. Mangungutang ako at ibibigay ko ang katawan ko sa kanya kung kinakailangan." Mas lalo sya'ng pinagtawanan ni Jujubel.

 

ALAS OTSO NG GABI ay nakita ni Aling Bebang na naglalagay na naman ng ulam sa tupperware si Priscilla. Pinigilan nya ito at inagaw sa kanya ang pagkain.

"Para saan na naman 'to? Aba kung makapagbigay ka ng ulam, parang mayaman tayo ah?"

"Akin na yan, Inay." Ipinagpatuloy nya ang pagsasandok ng ulam. "Sayang naman ho kung hindi ako mamimigay nitong Ginisang Kalabasa. Wala tayong refrigerator, baka mapanis lang."

"Ang sabihin mo, bibigyan mo na naman ng ulam yung lalaki sa harapan. Eh baka nga mas masarap pa ang ulam nya sa'tin, hindi ka ba nahihiya?"

"Bakit naman ako mahihiya? Masustansya naman ho ito'ng kalabasa. Pampalinaw pa ng mata."

Tumaas ang kilay ni Aling Bebang. "Anak, kung gusto mo talaga'ng makipagkaibigan, hindi mo na kailangan pa'ng magbigay ng ulam. Hindi mo ba alam na puwede ko pa'ng iinit yan bukas para sa agahan?"

"Hindi ko naman ho uubusin eh. Bibigyan ko lang sya ng kaunti. Tsaka ho gusto ko lang kasi na magkaroon ako ng rason sa pagpunta ko doon. Ang sagwa naman ho tignan kung mangangatok ako dun ng ganitong oras at sasabihin na gusto ko lang na makipag-usap sa kanya."

"Eh bakit ba kasi ngayon ka pupunta doon? Talaga ba'ng seryoso ka sa lalaking yun? You don't even know him."

Nagulat si Priscilla. "Wow! Nag-english si Mother!" She chuckled. "Kaya nga ho kinikilala ko na sya eh. Hindi ba sabi nyo noon, enjoyin ko ang pagiging dalaga ko. Oh eto na ho, ineenjoy ko na. Tsaka hindi naman ho ako umaasa na magkakagusto rin sa'kin si Pogi. Gusto ko lang talaga sya'ng maka-close. Napapansin ko kasi lagi sya'ng mag-isa dun sa bahay nya."

Bakit nga ba laging mag-isa ang lalaking iyon?

Limang araw na simula nang lumipat ito sa kanilang barangay, pero hindi nya nakikita na may kasama ito. Nagtaka rin sya kung bakit lagi ito'ng nasa bahay. Oo nga't lumalabas sya, ngunit para lang bumili ng ulam sa tindahan. Minsan nakita nya ito na nakatambay sa terasa. Sinubukan nya'ng sutsutan ito, pero hindi sya nito marinig. Hanggang sa mapansin nya na isang oras na pala ito'ng nakatulala sa mga halaman doon.

Never pa sa buhay nya na makakita ng ganoong klaseng lalaki. Napakagwapo nya, but he seems weird.

Para ba'ng sinasadya nito na huwag makihalubilo sa mga kapitbahay. O baka naman ayaw nya talagang makihalubilo sa mga kapitbahay.

"Baka homebased ang trabaho nya. Hindi ba't ganoon ang usong trabaho ngayon?"

"Siguro nga ho, ano?" Tumangu-tango sya. Inilagay na nya sa plastic bag ang tupperware. "Oh Inay, dalhin ko na ho ito doon." At nagpaalam na sya sa kanyang ina.

Natuwa sya na baka homebased nga ang trabaho nito.

Karamihan kasi sa mga naka-homebased jobs ay malaki ang kita, lalong-lalo na kung IT Programmer. Mas malaki ang chance na maaaring makahiram sya ng pera dito.

 

Nang makarating sya sa bahay ng lalaki ay nakita na naman nya'ng nakabukas ang gate. Basta nalang sya'ng pumasok at dumiretso kaagad sa may pintuan.

"Tao po?" Sabi nya habang kumakatok. "Magandang gabi po? May tao ba sa loob?" Ngunit walang sumasagot. Hanggang sa napansin nya na kusang bumukas ang pinto. Hindi pala ito nakalapat at naka-lock. "Bakit bukas palagi ang pintuan nya? Baka mamaya malooban sya, mahirap na."

Gustuhin man nya'ng pumasok, pero kinabahan sya na baka makasagabal na naman sa privacy nito. Ayaw na nya'ng maulit ang nangyari noon. She really wants to apologize for what happened before.

"Baka naman nasa labas sya at bumibili sa tindahan?" Sabi nya sa kanyang sarili.

Ngunit hindi nya napigilan ang sarili. Gusto nya talagang silipin kung nasa loob ba ito o hindi. Kaya dahan-dahan nya'ng itinulak ang pinto at sinilip ang living area.

Then suddenly, nakarinig sya ng tunog ng piano.

Isang malungkot na musika na kahit kailan ay hindi pa nya naririnig. Hinanap nya sa living area kung saan nanggagaling ang musika, hanggang sa makita nya na ang lalaki pala ang tumutugtog ng piano.

Sinabayan pa ng lalaki ang tugtog ng kanyang napaka-gandang tinig.

Mula ng aking masilayan

Tinataglay mong kagandahan

Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal

Laman ka ng puso't isipan

Di na kita maiiwasan

Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sa bawat lirikong kinakanta ng lalaki ay parang gravity na hinahatak ang kanyang puso. Nangungusap at ipinaparamdam ng musika ang tunay na kahulugan nito.

Malungkot ang kanta, ngunit napaka-romantic din. Hindi namalayan ni Priscilla na nakarating na pala sya sa likuran ng lalaki. Doon nya ipinikit ang kanyang mga mata habang pinakikinggan ang musika.

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at

Di na mawala-wala pa

Kahit na alam ko na ang puso mo

Ay may mahal na ngang iba

Ayaw ng paawat ng aking damdamin

Tunay na mahal ka na

Sanay hayaan mong ibigin kita

Maghihintay pa rin... at aasa

Hanggang sa napansin nya na biglang huminto ang musika. Nang imulat nya ang mga mata'y nakita nya'ng nakatingin na pala sa kanya ang lalaki. Medyo nagulat sya, pero hindi nya ito masyadong ipinahalata.

"Ang galing mo palang tumutugtog ng piano!" Pilit sya'ng ngumiti at pumalakpak. "Tapos ang ganda-ganda pa ng boses mo. S-Sarili mo ba'ng komposisyon yun? Hindi ko pa kasi naririnig yan sa radyo eh."

Ngunit tumayo ang lalaki at hinawakan sya ng mahigpit sa braso.

"S-Sandali! Huwag mo naman ako'ng paalisin kaagad oh." Hinila sya nito palabas ng bahay. Isasara na sana nito ang pinto nang biglang pigilan sya ni Priscilla. "May mahalaga ako'ng sasabihin sa'yo!"

"Hindi mo ba alam na trespassing ka? Gusto mo ba'ng magsumbong ako sa Barangay Hall?"

"Hoy, wag naman!" Tinapik nya ito sa braso. "Wala naman ako'ng ginawang masama. Nakita ko lang kasi na nakabukas yung pintuan mo, kaya pumasok na ako. M-May hihingiin lang kasi ako'ng favor."

"Close ba tayo?" Seryoso nya'ng tanong.

"Ah eh... K-Kaya nga ako nakikipag-close eh." Itinulak na ulit ng lalaki ang pinto. Pinigilan pa rin ito ni Priscilla. "Wait naman kasi! Pakinggan mo muna kasi ako bago mo 'ko paalisin!"

"Hindi ako interesado sa sasabihin mo."

"P-PAUTANG!?" Nauutal nya'ng naitanong kaagad. Natigilan ang lalaki. "Alam ko'ng hindi pa tayo close at magkakilala, p-pero nanganganib na kasi kami ng nanay ko na mapalayas dyan sa harapan. Ikaw lang ang makakatulong sa'min. P-Pautang naman ako ng dalawang libo oh."

"Wala ako'ng pera." Itinulak nya ang pinto.

Buong puwersang pinigilan nya ulit ito. "D-Dalawang libo lang naman! Maawa ka na samin ng nanay ko, wala kami'ng pambayad sa bahay!" Pagmamakaawa nya.

"Wala nga ako'ng pera. Sa iba ka nalang mangutang." Itinulak nya ulit ang pinto.

Nakipagtulakan pa rin sya. "Oh sige! 1,500 nalang! Oh hayan may discount ka na ha!?"

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sabi ko, wala nga ako'ng pera." Itinulak nya ng mas malakas ang pinto. Nang sasara na ito ay napasigaw nalang si Priscilla.

"ARAAAAY!"

Binuksan ng lalaki ang pinto. "B-Bakit?"

"Walanghiya ka! Bakit mo inipit ang daliri ko! WAAAAH!"  Sabay hagulhol nya ng malakas.

Nakita nya'ng dumudugo na ito. "N-Nanghihiram lang naman ako ng pera, pero sinaktan mo pa ako! Ang sama-sama mo!" Patuloy sya sa pag-iyak.

"Hindi kita sinaktan, okay? Kanina ko pa isinasara ang pinto, pero inihaharang mo ang kamay mo."

"So, ako pa talaga ang may kasalanan!? Kita mo naman na dumudugo na oh!"

"Doon mo nalang gamutin yan sa inyo."

"HINDI!" Bulalas nya. "Bayaran mo 'ko! Kailangan ko ng dalawang libo pampa-ospital! Kapag hindi mo 'ko binayaran, kakasuhan kita ng... I-Injury!" Nag-isip sya ng mabilis. "INJURY OF FINGERS!"

"Are you crazy?"

"Yes, I'm crazy! I'm crazy for you! T-Touch me once and you'll know it's true!"

"Pakisara ng gate kapag umalis ka na ha?" Isasara na ulit ng lalaki ang pinto, pero ayaw pa rin magpaawat ni Priscilla. Nakipagtulakan na naman sya. "What?"

Nagmakaawa ulit sya. "S-Sige na naman, please. Kung gusto mo, gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo. Handa ako'ng ibigay ang katawan ko. Kahit alipinin mo ako, itali mo sa kisame or gawin mo ko'ng sex slave!"

"Nahihibang ka na ba? Hindi kita type, miss." Parang sinaksak sya sa sinabi nito. "Please lang, huwag mo nang ipilit ang gusto mo dahil tatawag na talaga ako sa Barangay Hall kapag hindi ka pa umalis dito."

"Pero..." Itinulak sya ng lalaki at mabilis na isinara ang pintuan. "Aray ko! B-Babayaran ko naman yung pera eh. Bakit ba ayaw mo 'kong pahiramin!? Dahil ba naabutan ka namin na naka-buyangyang ang elepante mo!? Pumikit ako nun! Wala ako'ng nakita! As in wala!"

Mas nasaktan pa sya sa sinabi nitong "Hindi kita type, miss." kaysa sa pagkakaipit nya sa pintuan.

"Kahit isang libo nalang? Hindi ba talaga puwede? Promise babayaran ko naman eh!"

Hanggang sa biglang namatay ang ilaw sa labas ng bahay. Pinagpatayan na rin sya nito ng ilaw sa living area. Doon na sya natahimik at nawalan ng pag-asa. Wala na sya'ng nagawa kundi umuwi, hawak-hawak ang kanyang nasugatang daliri.

 

 

***** 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 60 FINAL

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like 12pm12am's other books...