Kinara

 

Tablo reader up chevron

Panimula

Kinara

By: AkosiPhen

 

Shana at Onin.

Magka-ibang nilalang. 

Magka-ibang mundo.

Ngunit pareho ng nararamdaman. 

May pag-asa bang sila'y magkasama?

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kinara

KINARA

By: AkosiPhen

(Not yet edited. Please bear with typo errors. Thank you so much! :))

 

 

Plok. Plok. Plok.

 

Napatingin si Shana sa kalangitan. Namutawi sa kanyang mga pulang labi ang isang napakatamis na ngiti. Umuulan na. Magkikita na ulit sila.

 

Mula sa pagkaka-upo sa kanyang higaan ay na nagmadali siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. Matagal din nang huli silang nagkita. At iyon ay sa tuwing umuulan lamang. Kinuha niya ang payong sa gilid ng kanilang pinto at tumakbo siya palabas ng kanilang bahay. Wala naman ang kanyang mama dahil nasa trabaho ito.

 

Nilakad-takbo niya ang daan papunta sa gubat na malapit sa kanilang tinitirhan.

 

Sumisilakbo sa tuwa't galak ang kanyang puso dahil makikita niya ulit ang lalaking pinakamamahal. Paano nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon?

 

Nagsimula lang naman iyon nag minsan siyang maligaw sa gubat kung saan siya papunta

ngayon. Umuulan din noong araw na iyon. Napadpad siya sa gubat dahil hindi niya alam ang daan pauwi. Bagong lipat lamang sila noon at naisipan niyang mamasyal. Hindi niya namalayan ang pagsapit ng gabi at di niya aakalain na maaabutan siya ng ulan.

 

Sa pagmamadaling maka-uwi ay hindi niya namalayan na nakapasok na siya sa napakadilim na gubat na kinatatakutang puntahan ng kanilang mga kalapit-bahay. Marahil ay dahil sa kadiliman nito at baka may kakaiba rito. Ramdam niya ang ginaw, gutom at takot. Palagay niya ay hinahanap na rin siya ng kanyang mama. At ang isa pang masama ay hindi niya dala ang kanyang telepono.

 

Sumilong muna siya sa isang malaking puno. Palilipasin muna niya ang ulan at saka niya ipagpapatuloy ang paghahanap ng daan palabas ng gubat.

 

Pilit niyang inaalis sa isip ang mga nakakatakot na bagay. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam na siya ng antok. Ngunit bigla iyong nawala nang may narinig siyang kaluskos sa itaas ng puno. Napatayo siya nang may maaninag. Madilim ngunit alam niyang may naaninag siya. Gusto na niyang maiyak sa takot. At lalo pang nadagdagan ang naramdamang takot nang may binaba sa kanyang harapan.

 

"S-sino k-ka? Pakiusap! H'wag mo kong sasaktan," nanginginig niyang wika sa kaharap. Hindi niya ito makita ng maayos dahil sa kadiliman ng paligid.

"H'wag kang matakot, binibini. Nandito ako upang tulungan kang makalabas."

 

Boses lalaki. Iyon ang narinig niya. At paanong nakababa ito ng puno ng ganoong kabilis at sa ganoong kataas na puno? Maniniwala ba siya sa sinabi nito? Ang kaninang takot na nararamdaman ay biglang nawala.

 

Sino ang kaharap niya?

 

Bakit nakakaramdam siya ng pagkakomportable sa presensya nito?

 

"Sigurado ka bang tutulungan mo ako? T-teka... sino ka? A-anong pangalan mo? Bakit nandito ka sa gubat?" Sunod-sunod niyang tanong. Narinig niyang tumawa ito. Sayang lamang ay hindi niya makita ang kabuuan nito.

 

Dugdug. Dugdug.

 

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok. Anong mayroon sa kanyang kaharap para bumilis ang tibok ng kanyang puso? Hindi iyon takot. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman. Bakit ba bigla siyang naging komportable sa kaharap?

"Hinay-hinay lang, binibini. Ako si Onin isang Kinara. Dito ako namamalagi sa gubat sa tuwing umuulan. At habang ako'y namamahinga ay nakita kita. Tila ikaw ay naliligaw."

"K-kinara? A-ano yun?"

Ngayon niya lamang narinig ang salitang yun. Kakaiba. Hindi kaya... engkanto ang kaharap niya? Kung ganun man ay bakit hindi siya makaramdam ng takot?

"Mangako ka muna na hindi ka matatakot. Ayaw kitang mabigla."

Natawa siya sa tono ng pagsasalita. Parang isang bata. "Pangako." Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay.

"Sabihin na natin na ang mga Kinara na tulad ay isang taong ibon. Ngunit wala akong balak manakit. Sana ay 'wag kang matakot sa akin."

"Kahit hindi kita makita, hinding-hindi ako matatakot. Nararamdaman naman na mabait ka. At kung balak mo akong saktan, dapat kanina mo pa iyon ginawa, hindi ba?"

 

Nagkakwentuhan sila habang tinutungo nila ang daan palabas ng gubat. Masaya itong kausap. Marami itong alam tungkol sa mga tao. Lagi itong nasa gubat tuwing umuulan dahil laying mainit ang mga pinupuntahan nitong mga lugar at bihira lang kung umulan. Naging tahanan na rin nito ang gubat.

 

 

Simula ng gabing iyon ay lagi na siyang pumupunta ng gubat. Tag-ulan pa ng nga panahong iyon kaya panigurado itong nasa gubat si Onin namamalagi. At sa wakas ay nakita na rin niya ito. Kung hindi lamang ito taong ibon ay maaari na itong mag-artista ngunit mas mabuti bang h'wag na lamang. Paniguradong maraming magkakagusto rito. Alam niya sa sarili na may nararamdaman siya para rito.

 

Sa araw-araw na silang magkasama ay hindi imposibleng mangyari iyon. Siguro nga ay gusto na niya ito simula ng makasalamuha niya ito noong gabing iyon. Bukod pa sa mala-artista ang hitsura nito ay ay matipuno pa ang pangangatawan. May pag-asa kayang magkagusto din ito sa kanya?

 

Alam niyang mali ang magkagusto dito dahil tao siya at si Onin naman ay isang Kinara o taong ibon. Pero may paraan be para pigilan ang puso na makaramdam ng pagmamahal para sa hindi ordinaryong nilalang?

 

Nalaman niya na ang mga tulad ni Onin na isang Kinara ay tapat magmahal. Isang mortal ang kanilang pinag-aalayan ng kanilang pag-ibig. Napa-isip siya kung may pinag-alayan na ba ng by pag-ibig si Onin. Kung mayroon man, maswerte ang babaeng iyon dahil panghabang buhay ang pag-ibig ng mga Kinara. Nakakalungkot nga lang dahil kung sakalinvg mayroon man ay hindi niya mararanasan iyon.

 

"Ang lalim ata ng iniisip mo, Shana."

Napapitlang siya nang makita si Onin sa kanyang harap suot ang napakagandang ngiti nito.

"Ayos lang ako, Onin. H'wag mo akong intindihin."

"Maaari ba iyon? Hindi ako sanay na tahimik ka at matamlay. May problema ba? May gumugulo ba sa iyong isip?"

Natawa siya sa sunod-sunod nitong tanong. Parang noong gabi lang na naligaw siya sa gubat. "Dahan-dahan lang. May bigla lang kasing pumasok sa isip ko."

"Ano naman iyon?"

Tumingin siya kay Onin na nasa tabi niya. Huminga muna siya na malalim at inalis ang tingin sa lalaki. "Naranasan... naranasan mo na bang magkagusto? Ah hindi! Mali pala. Naranasan mo na bang... magmamahal?"

Kinakabahan siya sa magiging sagot Onin. Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Onin.

"Bakit? May minamahal ka ba ngayon?"

Napatingin siya kay Onin. Nawala ang kaninang matamis na ngiti nito. Bakit kaya?

"Ahm... m-meron. Ang kaso nga lang mahirap eh. Mahirap ang sitwasyon. Hindi ko alam kung may mahal siyang iba kasi hindi ko naman tinatanong. Ayaw ko ding umasa na may gusto siya sa akin sa kabila ng nga pinapakita niya. Mahirap, Onin."

"Sino naman ang hunghang na lalaking iyon?"

"Oy madaya ka, Onin ha! Hindi mo sinagot ang tanong ko. Nagmahal ka na ba?"

"Nagmahal? Hindi pa. Nagmamahal at may minamahal? Mayroon."

Pinigilan niya ang umiyak. Tama nga siya. Mayroon na itong mahal. Tumango-tango siya at umiiwas na tumingin sa gawi ni Onin. Ayaw niyang maluha sa harap nito.

"Ta-talaga? Maswerte ang bababeng yun kung sino man siya? Habang buhay siyang mamahalin ng tulad mo."

"Maswerte nga siya. Ang problema nga lang ay parang may mahal na siyang iba."

"H-ha? Paano mo naman nalaman? Naka-usap mo ba siya? Nakita mo ba kung sino yung tinutukoy mong mahal niyang iba?" Kung ganoon ay pareho lamang sila ng sitwasyon ni Onin. Ang saklap ng pag-ibig.

 

Nagulat si Shana nang hawakan siya ni Onin sa magkabilang balikat. Mataman itong nakatitig sa kanya. Hindi niya mapigilan na hangaan ang mga magaganda at mapupungay nitong kulay berdeng mga mata. Nakakahalina at nakakapanatag ng loob.

"Paano ko nalaman? Narinig ko ngayon lamang. Sa mismong harapan ko. Sa mismong bibig niya nanggaling."

Napakunot ang noo ni Shana. Narinig nito ngayon lamang? Pero silang dalawa lamang ang naroon. Di kaya...

"A-ako ba ang... tinutukoy mo, Onin? Ako ba?"

Nais niyang umiyak sabihin lang nito na siya nga ang tinutukoy nito. Sana nga...

Hindi sumagot si Onin at nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya. Hindi na niya napigilang maluha. Bakit hindi ito sumasagot? Maya-maya pa ay hinawakan ni Onin ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha.

"O-onin, sabihin mo... a-ako ba? Sumagot ka naman!"

Ngumiti si Onin at tumango. "Oo. Ikaw nga, Shana. Ako din ba ang tinutukoy mo, ha? Ako din ba, Shana?"

Lalo siyang naluha sa mga narinig niya muka kay Onin. Tumango siya dito kasabay ng paglapat ng kanilang mga labi. Lumulundag sa tuwa ang kanyang puso dahil sa pareho sila ng nararamdaman.

Marahil ay may mali nga sa kanikang relasyon. May malaking pagkaka-iba ngunit kakayanin niya, nila na harapin ito. Handa siya basta kasama si Onin.

 

 

Nakarating na rin siya sa gubat. Sabik na siyanv masilayan ang lalaking pinakamamahal. Mula sa ilalim ng malaking puno kung saan sila unang nagkita ay nakita niyang nakatayo roon si Onin. Nakangiti ito sa kanya at nakalahad ang mga braso. Nabitiwan niya ang dalang payong at nagmadaling tumakbo papunta rito. Kinulong agad siya nito sa isang mainit na yakap. Nang magkahiwalay ah binalot siya nito sa isanvmg mainit na halik na agad niyang tinugon. Pinaramdam nila ang pananabik sa isa't-isa dulot ng matagal na pagkakawalay.

 

Ito ang isa pa sa mga pagsubok sa kanilang relasyon bukod sa kanilang pagkaka-iba. Matagal silang nagkakawalay dahil kailangang maglakbay ni Onin at bumabalik lamang sa tuwing tag-ulan sa kanilang lugar. Kahit ganun pa man, panatag siya na babalik ito sa para sa kanya. At nananatili ang pagmamahal nito sa kanya dahil gaya nga ng sinabi nk Shana ay panghabang buhay ang pag-ibig ng Kinara.

 

"Masaya ako dahil ligtas kang nakabalik," ani Shana kay Onin habang nakasandal sa balikat nito at yakap naman siya ni Onin. Nasa taas sila ng isang malaking puno kung saan sila nagkikita. Umuuh lan ngunit hindi iyon alintana ni Shana. Nasanay na si Shana na mabilad sa ulan.

"Masaya din ako at nakita na kita. Labis akong nangungulila sa iyo sa tuwing nagkakawalay tayo."

 

Pansin ni Shana ang lungkot sa tono ng pananalita ni Onin. Ganoon din naman siya. Kahit marami siyang ginagawa ay hindi niya maalis sa kanyang isip si Onin. Kung ligtas ba ito? Kung maayos lang ba ang kalagayan nito? Labis ang kanyang pag-aalala at pangungulila sa lalaki. Ganito siguro ang nangyayari kapag nagmahal ng isang Kinara. Mahirap dahil maraming problema dala ng pagkaka-iba. Isang mortal at isang taong ibon. Masarap din sa kabilang banda dahil panatag sa kalooban na isa lang ang mamahalin ng mga ito. Ngunit ginusto niya ang sitwasyon nila. Umibig siya sa isang Kinara kaya handa siyang harapin ang magiging resulta nito. Oo, mahiral nga ngunit ganoon naman talaga siguro kapag nagmahal.

 

"Hindi ka ba nagsisisi na umibig ka sa isang tulad ko?"

Napatingin si Shana kay Onin na nakatingin din sa kanya. Ngumiti siya dito at hinawakan ang makinis nitong mukha. "May dapat ba akong pagsisishan ha, Onin? Alam ko kung ano ang iniisip mo. Iniisip mo na sana ay nagagawa natin ang ginagawa ng ibang magkapareha. Nakakapunta sa kahit anong lugar. Makapaglakad habang magkahawak ang kamay sa harap ng maraming tao. Ipaalam sa lahat kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. At alam kong marami pang iba."

"Paano mo nalaman na iyan ang iniisip ko? Tama naman ako hindi ba?"

Tumango-tango si Shana. Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaking mahal lalo na ang mga mata nito. Ngumiti siya.

"Tama ka. Sana nga magawa natin iyon. Pero hindi mo ba naisip na maaari nating gawin ang ibang ginagawa ng magkapareha? Siguro nga hindi sa harap ng maraming tao pero hindi ba ang mahalaga ay mahal natin ang isa't-isa? Nakikita ko sa mga mata mo ang salitang 'sana'. Onin, tandaan mo ito. Kailanman ay hindi ko pagsisisihan ang pagmamahal ko sa iyo. Hangga't nandiyan ka, makakaya natin ang lahat ng pagsubok. Mahal na mahal kita. Iyan lagi ang tatandaan mo, ha?"

"Napakaswerte ko dahil ikaw ang aking inibig. Maswerte ako dahil minahal mo ang tulad ko. Handa kong ibigay ang buong buhay ko para sa iyo. Kung kailangan kong mamatay maprotektahan lang kita ay aking gagawin. Ganyan kalalim ang pagmamahal ko para sa'yo."

Naluha si Shana sa mga narinig mula kay Onin. Niyakap niya ito. Gagawin niya din ang lahat para sa lalaking mahal. Kung kaya nitong itaya ang buong buhay para sa kanya ay ganoon din siya. Naniniwala siya na si Onin ang lalaking mamahalin niya habang buhay.

 

Pinagsaluhan nila ang sandaling sila ay magkasama. Pinaramdam nila ang init ng kanilang pagmamahalan. Walang ibang bagay na iniisip kundi silang dalawa lamang. Nangako at pinaramdam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

 

 

"Anong iniisip mo?" tanong ni Shana kay Onin na nakatingin sa labas ng kweba kung saan ito nanunuluyan.

"Panandalian lang ang ulan ngayon, mahal. Mapapa-aga ang aking pag-alis," sagot nito. Niyakap siya nito at binalot sa init ng mga pakpak nito.

 

Nakaramdam siya ng lungkot. Mawawalay na naman siya kay Onin. Matagal na panahon na naman bago niya masilayan ito. Naramdaman niya ang pagpatak ng kanyang nga luha na pinunasan naman ni Onin. Alam at nararamdaman niya na ganoon din ang nararamdaman nito. Ngunit wala naman silang magagawa dahil sa una pa lamang ay alam na nila ang kalalabasan ng kanilang relasyon.

"Nasasaktan ako dahil nakikita ko ang pag-iyak mo nang dahil sa'kin. Patawad, mahal."

Umiling-iling si Shana. "Ano ka ba?! Bakit ka humihingi ng tawad? Ayos lang ako. Ganito lang ako dahil matagal na naman bago ulit kita makita. Pero maghihintay ako. Hihintayin pa rin kita kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Shana. Tatandaan mo 'yan."

 

 

Lumipas ang dalawang araw ay lumisan na rin si Onin upang maglakbay. Panandalian nga lamang talaga ang ulan na nagdaan. Hinihiling ni Shana na sana ay dumating na ang tag-ulan upabg makita na niya si Onin.

Lumipas ang mga araw at buwan. Sumapit na rin ang tag-ulan na siyang hinihintay ni Shana.

 

 

Plok. Plok. Plok.

 

Napatingin si Shana sa bintana ng kanyang kwarto. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Umuulan na. Makikita na muli niya ang kanyang pinakamamahal.

 

Gaya ng nakagawian ay nag-ayos siya at nagmadaling lumabas upang tumungo sa gubat. Lakad-takbo ang kanyang ginawa dahil sa pagkasabik na nararamdaman. Ngunit bumahid ang kalungkutan sa kanyang mukha nang wala siyang makita sa ilalim ng mataas na puno. Wala roon ang lalaking pinakamamahal. Walang naghihintay sa kanya.

 

Nagmadali siyang pumunta sa kweba kung saan ito nanunuluyan ngunit wala rin ang lalaki roon. Walang bakas na nagpunta ito doon. Nagsimula na siyang makaramdam ng pag-aalala sa lalaking mahal. Kung anong nangyari dito?

Naghintay siya hanggang sumapit ang gabi ngunit walang dumating na Onin. Walang tigil ang pagtangis ni Shana nang dumating sa kanilang bahay. Ayaw niyang mag-isip ng masama kung bakit hindi dumating si Onin.

 

Lumipas ang mga araw ay laging nagpupunta si Shana sa gubat upang maghintay sa pagdating ni Onin ngunit walang dumadating. Ganun pa man ay naghihintay pa rin ang dalaga gaya ng pangako niya dito. Hanngang sa lumipas ang isang taon ay hindi niya nasilayan ang kanyang mahal. Gabi-gabi ang pagtangis ni Shana ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkikita sila ng lalaking pinakamamahal.

 

 

Isang araw nang umuwi galing sa trabaho si Shana ay bumakas ang pagtataka sa maganda niting mukha. May nakaparadang itim na kotse sa harap ng kanilang bahay.

 

"Bakit may kotse sa harap ng bahay? Wala pa namang tao dun," aniya sa sarili.

Nag-aalangan siyang lumapit ngunit sa huli ay lumapit na din siya. Iniisip niya na baka kamag-anak o kakilala ng kanyang mama. Namataan niya ang isang lalaki na nakatalikod mula sa kanya. Naka-itim na Amaricana at maganda ang tindig ng katawan. Sa unang tingin pa lamang ay mukhang mayaman.

 

"Ah mister?" tawag ni Shana sa lalaki. Ngunit hindi ito humarap sa kanya.

"Mister? Sino pong hinahanap ninyo?" tanong niya.

Nang humarap ang lalaki ay napatakip siya ng bibig at agad na tumulo ang kanyang luha. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang hinihintay ay mismong nasa kanyang harap. Wala na ang pakpak nito. Nakabihis na rin ito ng tulas ng mga mortal. May sarili na rin itong sasakyan.

 

Anong nangyari sa lalaking pinakamamahal?

 

"Shana..."

 

Ang ngiti nitong nakakahalina. Ang mga berdeng mata na nakakapgpanatag ng loob. Siya pa rin si Onin na mahal niya. Siya pa rin ang lalaking kanyang hinihintay.

Tumakbo siya at binalot ito sa mainit at mahigpit na yakap at ganoon din ito. Hindi niya napigilan ang sarili na maiyak. Nasilayan niya ulit si Onin. Yakap ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na babalik. Naghihintay pa rin ako sa'yo. Sabik na sabik na kong makita ka. Bakit ang tagal mo? Anong nangyari sa'yo?" Sunod-sunod na tanong niya na ikinatawa ng lalaki.

"Ganoon din ako, mahal. Ngunit tiniis ko na hindi magpakita upang mapunta tayo sa sitwasyon na 'to. Humingi ako ng tulong sa isang engkantado upang gawin akong mortal. At naging kapalit ang aking mga pakpak."

"B-bakit... bakit mo ginawa iyon?"

"H-hindi ba sinabi kong handa kong ialay ang aking buhay para sa'yo? Na nasasaktan ako kapag umiiyak ka? Mahal na mahal kita kaya ipinagpalit ko ang aking mga pakpak upang maging mortal at upang makasama ka. Ayokong nasasaktan ka sa tuwing umaalis ako. Ayokong naghihintay ka ng matagal para sa pagdating ko. Nais na kitang makasama habang buhay. Wala nang malakibg balakid sa atin. Shana, handa ka bang makasana ako habang buhay?"

Tumango si Shana. "O-oo. Oo, Onin. Mahal na mahal kita," umiiyak na sagot niya.

"Mahal na mahal din kita. Magpakasal na tayo at bumuo ng pamilya."

 

Tumango si Shana at naglapat ang kanilang mga labi.

 

Sino nga ba ang mag-aakala na maaaring mangyari ito sa kanila? Magka-ibang nilalang. Ang isang mortal at isang Kinara ay maaaring magsama. Maaaring tama nga ang sinasabi ng iba na walang imposible sa pag-ibig. Para kay Shana at Onin, makakaya nila ang mga darating na pagsubok basta't sila ay magkasama.

 

 

WAKAS. 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like AkosiPhen's other books...