Keep On Falling
SYNOPSIS/INTRODUCTION
Halos tatlong taon nang magkakilala sina Mydze Cortez at Kaiser Robles. Madalas silang nagbabangayan, nagbabarahan, at nagsasapakan. Pero nang malaman ng buong Tennis Team na crush ni Mydze si Kaiser, nagbago ang lahat. Hindi nga siya inaway ni Kaiser, pero nilayuan siya nito. Kaya nanan nasaktan si Mydze lalo na't muntik na siyang mamatay noong bata pa siya. Kailan ba kasi aamin si Kaiser? May mga kokontra ba sa pagsasamahan nilang dalawa? May mga pilit bang mangingielam sakanila? Anong paganib ang naghihintay kay Mydze? Mananatili kaya silang enemies or magkakaroon ng chance na maging lovers din sila?
PROLOGUE
"I'm falling in love if I can't stay mad at him for more than a minute."
Ako si Mydze Cortez, isang babae na nangangarap na magkaroon ng taong magmamahal sa akin na hindi ako sasaktan.
Kaso lang, hindi madali. Ilang beses na akong nahulog ng nahulog sa mga lalaki. Pero ni isa sa kanila walang hindi ako sinaktan at dinirog-durog ang aking puso.
Tinanong ko ang sarili ko...
"Hindi na ba ako makakahanap pa ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo? 'Yong lalaking hindi ako sasaktan at hindi pababayaan ang puso kong mabasag? Lagi nalang ba akong mahuhulog sa lalaking hindi ako sasaluhin?
★ ★ ★ ★ ★
"Keep On Falling"
By: eigerciagar17
Tablo
Copyright © 2015 by eigerciagar17
All Rights Reserved
No part of this story may be reproduced,
Distributed or transmitted in any form or
by any means, or stored in a database or
retrieval system, without the prior permission
of the author.
Any resemblance to places, events, names,
People, products and incidents are purely
coincidental. All are based on writer's thoughts
and imagination
Started: March 8, 2015
Finished: --/--/----
Facebook: facebook.com/eigersoul
Twitter: twitter.com/EiGER_17
IG: instagram.com/eigerciagar17
Wattpad: wattpad.com/eigerciagar17
★ ★ ★ ★ ★
CHAPTER 1: IN DENIAL
"Hindi kaya!"
"Oo kaya!" pasigaw na sabi ni Kaiser.
Heto na naman kami, nagbabangayan. Siya naman kasi ang nanguna.
"Hindi nga eh!"
Napakamot si Kaiser sa ulo niya. "Bakit hindi mo pa ba aminin na tumingin ka sa akin kanina?"
"Feeler ka rin 'no? Bakit may pruweba ka ba?" Kanina pa ako nagtitimpi sa lalaking ito. Matagal ko nang crush si Kaiser. Magaling siyang mag tennis, gwapo at maputi.
Hinawakan ni Kaiser ang mga balikat ko. Nipalit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Pruweba ba Mydze? Tumingin ka sa mga mata ko." Sinipa ko siya ng malakas sa binti niya. "Adik ka!"
Tinanggal ni Kaiser ang pagkahawak niya sa aking mga balikat at hinawakan niya ang parte ng binti na sinipa ko.
"Aray! Para saan ba 'yon?!" namimilipit sa sakit nitong tanong.
Inirapan ko lamang siya. Inilagay ko ang kulay itim kong buhok hanggang kili-kili ko. "Adik ka kasi, feeler pa!"
"Ang sakit! Mydze Cortez, hindi pa tayo tapos!" pagbabanta nito sa akin.
"Bakit? Kailan pa ba natapos ang pag-aaway natin, Kaiser Robles?" sarkastikong sabi ko rito.
Sasagot pa sana siya ng bigla kaming nilapitan ni Coach Tom.
"Tama na 'yan. Kaiser, magsisimula na tayo." Naglakad na siya paalis at kinindatan ako ng mokong. Tinabihan niya ang matalik niyang kaibigan na si Sam Ventura.
"Ayaw pa kasi umamin ni Mydze, tinitignan mo siya eh. Hahaha!" pabirong bulong sa akin ni Coach.
"Hindi po kaya, Coach!" pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nagsimula na kami. Si Sam at Kaiser ang nanguna sa stretching and warm-up namin. Katabi ko si Jessica, ang matalik kong kaibigan.
"Uy Mydze," bulong sa akin ni Jessica. Napatingin naman ako sa kanya. Maayos na nakatirintas ang itim niyang buhok. Nakasuot siya ng kulay itim na fitted t-shirt. "Totoo bang tinitignan mo si Kaiser kanina?"
Sumagot ako. "Hindi 'no! Baka siya ang 'yong nakatingin. Hahaha!" Napatawa ako. Kung nasabi ni Kaiser na nakatingin ako sa kaniya, ibig sabihin tinitignan niya rin ako 'diba?
"Hahaha! Asa ka na lang Mydze." Lumuwag ang tali ng tali ng buhok ko. Nahulog ito sa sahig. Napansin ni Kaiser na nahulog ito kaya dapat kukunin niya iyong tali at saktong kukunin ko rin. Kaya naman nahawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya
"S-sorry," sabi ni Kaiser.
"Wala 'yon." Pinipigilan ko ang ngiti ko. Nang makatalikod na siya, tska ako ngumiti ng bonggang-bonga. Wala na akong pakielam kung makita ako ni Coach na namumula. Nahawakan niya kamay ko eh! Kinikilig ako!
"Namumula si Mydze oh!" sigaw ni Kuya Bryan, isa naming team mate. Matangkad siya't may kayumangging kulay.
"Oo nga 'noh! Ayiiiie!" hirit pa ni Wileen, isa pa naming ka-team
Maputi siya at maliit. Matangkad pa nga ako sa kanya eh. 5'5 nga lang ang height ko.
"Ano pinagsasabi ninyo? Hindi ako kinikilig 'no! Ako? Kikiligin sa kanya?!" pagsisinungaling ko sabay turo kay Kaiser.
"Ouch naman Mydze," sabi ni Kaiser tapos inakbayan niya ako.
"Tanggalin mo nga 'yang braso mo!" pilit kong tinanggal ang braso ni Kaiser, pero tinitigasan niya ang braso niya para di ko ito matanggal.
"Ayoko nga." Binelatan niya ako. Pinabayaan ko nalang siya hanggang sa maboring siya at tanggalin ang braso niya.
Kakatapos lang namin mag sit-ups ni Jessica. Ang sakit sa tiyan. 100 full sit-ups pa namab ang pinagawa.
"Ang sakit, grabe!" reklamo ko.
"Oo nga eh." Sabi ni Jessica. "Alam mo ba Mydze, si ate excited na sa prom natin eh Novemeber palang. Naghahanap na siya ng bestida na susuutin ko. Si ate talaga..." medyo gumulo na ang buhok ni Jessica. Kanina ang ayos-ayos ng buhok niya. Pawis na pawis narin s'ya.
"Grabe naman 'yang Ate Kristine mo! Excited much? Hahaha! Ang pinoproblema ko ang prom date ko. I-invite mo si Sam, date mo siya. Ahahaha." Crush kasi ni Jessica itong si Sam, simula noong nag tennis kami, nagka-crush agad kami sa kanila. Ako kay Kaiser, siya naman kay Sam. Tatlong taon na namin silang crush.
"Sam? Naku, hanggang pangarap nalang siya. Ikaw? Invite mo si Kaiser. Kayo maging partners. Hahaha!"
"Kaiser? Eww no. Hahaha!"
"Ay sus, Mydze! Kunwari ka pa." Uminom si Jessica ng tubig. Dumulas ang bote sa kamay niya kaya naman tumapon sa aking ang tubig. Nabass ang mga hita ko.
"S-sorry Mydze! Sorry talaga!" Ilang beses nag sorry sa akin si Jessica at ilang beses ko rin siyang pinatawad.
"Okay lang, Jessica." Nakita kong papalapit si Kaiser sa amin na may dalang puting towel. Pumunta siya sa harap ko at iniabot ang towel niya sa akin.
"Oh, iyan. Punasan mo ang hita mo," tinuro niya ang hita kong basang-basa. Kinuha ko naman ang towel na may nakatahing 'KAISER ROBLES'.
"Salamat ha?" nginitian ko siya. Pinisil niya ang pisngi ko. "Wala 'yon, Mydze. Ang lambot naman ng pisngi mo, ang sarap pisilin." Pagkatapos sabihin 'yon ni Kaiser, kinuha na niya ang towel niya at naglakad papunta kay Sam. Nakangiti si Kaiser at namumula.