Bawal na Pag-ibig

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Everyone of us can love someone and be loved by someone.
 
Pero paano kung.. nagmamahal ka ng taong hindi mo pwede ibigin?
 
Hanggang kailan mo s'ya kayang ipaglaban?
 
Hanggang kailan mo s'ya kayang mahalin?
 
Wait...
 
Are you sure about it?
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
Annerie

salamat po sa mga nagbabasa! :)

Prologue

 
"S-sorry, pero hindi na tayo pwede," garalgal ang boses na sabi ni Aliah kay Krish, ang kanyang nobyo. Makikipaghiwalay na s'ya gaya nang sabi ng kanyang ina, kahit na masakit at napakahirap para sa kanya.
 
"A-ano? Pero Aliah, bakit?!" hindi makapaniwalang tugon ni Krish sa nobya. Alam n'yang maaaring sabihin ito sa kanya ni Aliah dahil masyado s'yang matanda para rito. Ang pinagtataka lang n'ya ay bakit biglang sinabi iyon ng nanay ni Aliah, samantalang ang sabi ni Aliah noon ay tanggap na s'ya ng kanyang ina kahit na magkasing edad lang sila. Balak na nga sana s'yang pormal na ipakilala ni Aliah sa nanay nito ngunit hindi ito sumipot kahapon.
 
"Hindi ko alam! Basta ang sabi n'ya hiwalayan na kita! Kaya please K-krish, maghiwalay na tayo!" umiyak na si Aliah. Ayaw n'yang gawin ito, labag ito sa kanyang kalooban ngunit kailangan n'yang gawin dahil hindi talaga sila pwede sa isa't isa. Mali ang pagmamahalan nila.
 
"Hindi mo alam?! What the fuck Aliah?! Sasabihin mo na lang 'yan nang walang dahilan?! No! Hindi ako papayag! Nasaan ang nanay mo at kakausapin ko s'ya!" may diin na sabi ni Krish. Hindi s'ya papayag sa ganito, hindi n'ya makakayanan ito. Mahal na mahal n'ya si Aliah kaya hindi s'ya makakapayag na mawala ito sa kanya.
 
"H'wag!" biglang nataranta si Aliah nang marinig ang sinabi ni Krish na kakausapin ang nanay n'ya. Sa lahat ng tao, si Krish at ang kanyang ina ang hindi dapat magkita. "H'wag mong gagawin 'yan. Please Krish, kung mahal mo talaga ako hahayaan mo nalang ako sa mga desisyon ko."
 
"Pero hindi ko maintindihan Aliah! Bakit ayaw sa akin ng mama mo? Bakit hinahayaan mo na lang s'ya na mag desisyon para sa ikaliligaya mo? Akala ko ba mahal mo ako? Ha?! Please Aliah! I need explanations!" napaluha na rin si Krish sa sobrang sama ng loob. Napatungo si Aliah, hanggat maaari ay ayaw n'yang sabihin ang katotohanan kay Krish. Lubos itong mahihirapan kapag malaman n'ya ang totoo.
 
"Dahil mas mahal ko ang mama ko kesa sayo Krish. A-alam kong tama na makinig ako sa kanya dahil sa bandang huli ay tayo lang din ang masasaktan. Krish, hindi tayo pwede, kahit anong gawin natin mali 'to. Mali ang pagmamahalan natin. S-sana maintindihan mo ako Krish." humagulhol ng iyak si Aliah.
 
Tama, tamang sundin n'ya ang kanyang ina. Dahil kahit anong gawin nilang dalawa ay mali ang pagmamahal na ibinibigay nila para sa isa't isa. Kaya para sa kanya, kay Krish, at sa kanyang ina ay gagawin n'ya ito.
MALI, maling-mali na ibigin n'ya ang kanyang AMA.
 
Tama nga ba ang kanyang pagpapalaya rito?
 
Tama nga bang iwan n'ya ang lalaking  mahal n'ya?
 
Ngunit paano kung mali s'ya ng inaakala?
 
Magkaroon pa ba ng pagkakataon ang kanilang pag-ibig? O..
 
Ito ay mananatiling BAWAl na PAG-IBIG?
 
@Annerie
 
 
I hope, no one judge my story. Hehe. Sana po basahin n'yo muna hanggang dulo bago n'yo i-judge! Salamat!
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Aliah's POV
 
“Hay Diyos ko! Nasaan na ba ako? Ang sakit sakit pa ng katawan ko,” sabi ko habang hawak ang balakang ko. Hinipo ko din ang mga bandages na nakalagay samay noo, braso at sa katawan ko. Buti na lang ay hindi nila ako binihisan ng hospital dress, pero para akong napadaan sa gyera sa itsura ko. Ang dami kong gasgas, pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao sa kalsada.
 
Buti na lang walang nakapansin sa akin na mga staff ng hospital na 'yun, dahil kung hindi patay ako. Wala kasi akong pambayad eh! Humanda talaga sa akin 'yung lalaking 'yun! Kung sino man s'ya. Iniwanan na nga ako sa hospital tapos ni hindi manlang ibinalik yung bike ko!
 
“Salamat.” parang gusto kong tumalon sa tuwa nang makita ko na ang coffee shop na pinagta-trabahuan ko. Kabubukas pa lang nito dahil konti pa lang ang tao, tsaka kaka-alas-dyes pa lang. Alas-dyes talaga ang bukas ng shop namin pero alas-otso palang ay nakapasok na ang mga empleyado para mag ayos sa loob. Agad na akong pumasok sa loob ng shop.
 
“Teka ma'am,” pigil sa akin ng guard. Tiningnan ko naman s'ya.
 
“Ha? Ay oo nga pala.” kinuha ko agad ang I.D. ko sa bag ko at ipinakita din ang laman ng bag ko sa kanya.
 
“Ikaw pala Aliah. Anong nangyari sayo? Bakit ang dami mong sugat? Tsaka sobrang late ka ngayon,” sita sa akin ni manong guard. Napalabi naman ako.
 
“Eh kasi po na aksidente ako. Sige po papasok na ako, kailangan ko pang harapin si Carl,” paliwanag ko.
 
“Ano? Eh kumusta ka naman? Dapat hindi ka na lang muna pumasok,” pag-aalala nito.
 
“Hindi po pwede eh. Sige po!” tinalikuran ko na s'ya at nag mamadaling pumasok. Una kong pinuntahan ay ang office ni Carl. Kailangan kong mag explain sa kanya. Naku.. katakot takot na sermonan na naman ito.
 
Lahat nang nakakasalubong ko ay tinatanong na lang kung ano bang nangyari sa akin o kaya naman ay sinasabihan ako ng lagot ako dahil late na naman daw ako. Hindi ko sila pinapansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad papunta sa ikalawang palapag ng shop, andun kasi ang office ni Carl at ang mga locker naming mga trabahante. May isa ding kwarto doon, ang sabi ay 'yun ang office ng may-ari ng shop.
 
“Carl?” tawag ko habang kumakatok sa office n'ya. Hindi s'ya sumagot kaya kumatok ulit ako pero wala pa din. Tri-ny ko ding buksan ang pinto pero naka-lock, wala atang tao. “Nasaan kaya 'yun?”
 
“Aliah?” napalingon ako sa tumawag sa akin, walang iba kundi si Carl. Galing s'ya doon sa isang kwarto, yung sa may-ari. “What happen to you?” gulat na gulat n'yang tanong habang tinitignan ang mga benda ko sa katawan.
 
“K-kasi-” hindi ko na ituloy ang sasabihin ko dahil binuksan n'ya na ang katapat kong pinto at hinila ako papasok doon. Pinaupo n'ya ako sa upuan na katapat ng table n'ya at tumayo s'ya sa harap ko.
 
“What happen to you? Bakit late ka na naman? Aliah naman, three hours late ka!” ayan na, naguumpisa na s'yang maginit.
 
“Teka, okay? Mag e-explain muna ako bago mo ako sermunan?” sabi ko. Bumuntong hininga s'ya.
 
“Okay fine. Go.” sabi n'ya.
 
“Alam ko, naiinis ka na sa akin kasi palagi ako late. At nangako pa ako kahapon na hindi na ako ma le-late. Pero sorry, kasi, na aksidente kasi ako,” paliwanag ko na ikinabigla n'ya.
 
“What?! Kumusta ka? Wala bang masakit sayo?” nag-aalala n'yang tanong sa akin.
 
“Okay na ako. Dinala naman ako sa ospital nung mawalan ako ng malay kaso.. nakakainis yung naka disgrasya sa akin! Alam mo, dinala lang talaga ako sa ospital. Ni hindi manlang binayaran yung bill ko!” reklamo ko sa kanya.
 
“Buti naman kung ganon. Pero, paano ka nakalabas sa ospital? Ikaw nagbayad? Nagsumbong ka na ba sa pulis?” tanong n'ya. Alam n'ya kasing kapos ako palagi sa pera.
 
“Syempre hindi 'no? Wala akong pambayad. At, hindi ko kasi nakilala yung naka bundol sa akin kaya hindi ako nakapagreklamo.” paliwanag ko. Umupo s'ya sa upuan n'ya, katapat ko.
 
“Eh ano ang ginawa mo? Paano ka nakalabas?” nagtataka n'yang tanong.
 
“Tumakas,” nakangiti ko pang sabi.
 
“Ano?! Tumakas ka? Aliah, hay naku!” umiiling-iling s'ya.
 
“So ano? Papagalitan mo pa ba ako?” lumabi ako. Tinitiginan naman n'ya ako na para bang sinasabi na Hindi-mo-ako-madadala-sa-ganyan. Pero dahil malakas ako sa kanya kaya..
 
“Pasalamat ka. Haist! Buti na lang walang nag rereklamo kay sir! Sige na, ayusin mo na ang sarili mo. O gusto mo mag pahinga ka na lang muna? Andyan kasi ngayon si Sir kaya hindi kita maasikaso,” alam kong naiinis s'ya sa akin pero hindi n'ya masabi dahil kaibigan n'ya ako. Hindi lang basta kaibigan, bestfriend n'ya ako. Umiling ako.
 
“Hindi. Wag na. Kaya ko naman magtrabaho. Medyo masakit na lang ang katawan ko pero kaya ko nam-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may biglang tumawag mula sa labas ng office.
 
“Carl?” tawag nito. Lalaki iyon. Agad tumayo si Carl at nagmamadaling binuksan ang pinto. Isang lalaking matangkad at medyo kulot ang buhok. Kayumanggi ang kulay ng balat nito, well, yes, gwapo ito. Kaso parang matanda na 'to.
 
“Sir, sorry po may kinausap kasi ako.” tumingin sa akin si Carl pati yung lalaking tumawag sa kanya. Nangunot pa ang noo ng lalaki.
 
“Ah. Okay. What happen to her? Empleyado ba s'ya dito?” tanong nito kay Carl habang tinititigan ako. Diko naman na keri ang mga titig n'ya kaya tumingin ako sa ibang direksyon ng silid.
 
“Opo sir, empleyado s'ya dito. Na aksidente po kasi s'ya kaya s'ya may mga benda,” paliwanag ni Carl, tumingin naman sa akin si Carl at tinawag ako. “Halika dito! Ano ka ba?” lumapit ako sa kanya.
 
“Sino ba s'ya?” tanong ko. Siniko naman ako ni Carl.
 
“SI sir Krish 'yan! Ano ka ba? Yung may-ari nitong shop!” mahinang singhal sa akin ni Carl. Nakita kong napangiti ang lalaki at kinausap ulit si Carl.
 
“It's okay. Btw, what is her name?” tanong nito kay Carl.
 
“Aliah po sir. Ah sir, ito na po pala yung hinihingi n'yong report. Sorry po ulit kung natagalan.” may inabot si Carl na folder sa lalaki. '..ang alam ko s'ya yung may-ari ng KriAnn's Coffee shop,' bigla kong na alalang sabi nang nurse kanina.
 
“Okay thank you. I have to go no-”
 
“Ikaw!” bigla kong sigaw sa kausap ni Carl na si sir Krish daw. Napatingin naman silang dalawa sa akin.
 
“Yes?” nagtatakang tanong ni Sir Krish sa akin.
 
“Ikaw ang may-ari ng shop na 'to diba?” tanong ko. Hinawakan naman ni Carl ang braso ko para pigilan ako.
 
“Aliah ano ba? S'ya nga ang may-ari nito. Umayos ka nga!” saway sa akin ni Carl.
 
“Yes? Ako nga? Bakit?” para namang umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa tanong n'ya.
 
“Ang kapal ng mukha mo! Sabi ng nurse sa akin ang may-ari daw ng KriAnn's Coffee shop ang naka aksidente sa akin! So ikaw 'yun! Gago ka!? Bakit iniwan mo ako iniwan sa ospital?! Matapos mo akong bundulin? Iiwanan mo ako sa ospital? Tatakbuhan mo pa ako ha?!” singhal ko sa kanya na ikinagulat n'ya at ni Carl.
 
“Wait? Ikaw yung babae kanina?” tanong pa nito.
 
“Oo! Ako nga! Ang sama mo! Alam mo bang ordinaryong mamamayan lang ako ng bansang 'to at wala akong maraming pera katulad mo?!” tumulo na ang luha ko. Naguluhan naman silang dalawa. “Matapos mo akong sagasaan! Iiwan mo ako sa ospital na wala kahit ano kundi itong bag ko na pagkain at t-shirt ko lang ang laman?! Unang beses kong ma-ospital at hindi ko alam ang gagawin ko! Pati yung bike ko, waah! Yung bike kong dalawang taon pinag-ipunan ng mama ko at iniregalo sa akin nung debut ko! Nasaan na ba yung bike ko?!” sumisinghot-singhot ko pang sabi. Nakakainis s'ya! Parang wala manlang sa kanya yung nangyari at nakuha pa n'yang magtanong nang ganon? Inalo naman ako ni Carl.
 
“Huh? Wait miss, sorry kung iniwan kita sa ospital kanina. Nag-mamadali kasi ako kanina, may meeting akong hinahabol. But wala akong balak iwanan ka talaga. Actually, pabalik na sana ako doon ngayon pero andito ka na. Sorry talaga,” paliwanag nito. Tiningnan ko s'ya ng masama.
 
“Kahit na! Dapat hindi mo pa din ako iniwan doon ng ganon lang! Sana nag-iwan ka manlang ng pambayad sa ospital! Kailangan mo akong panagutan!” sigaw ko sa kanya.
 
“Krish? Nakabuntis ka?! What the-” singit ng isang lalaki na hindi na ituloy ang sasabihin dahil kinotosan ito ni sir Krish. Mas maliit ito ng isang pulgada ata kesa kay sir Krish. Magandang lalaki din ito, maganda ang mga mata n'ya na binagayan ng makapal nitong kilay.
 
“Baliw! S'ya yung kinukwento ko kanina sayo!” iiling-iling na sabi ni sir Krish tapos ay tumingin sa akin. “Of course. Pero please mag hunos dili ka! Ito,” may dinukot s'ya sa bulsa n'ya, wallet. “Para sa pagpapagamot mo sa mga sugat mo at pangbili mo ng bagong bike. Magkano nga pala yung bill mo sa ospital?” tiningnan ko ang pera na hawak n'ya. Pinunasan ko muna ang luha ko bago nagsalita.
 
“Ano, ah.. hindi ko alam eh. Umalis lang ako doon,” paliwanag ko. Sabay na nag-angat ng kilay si sir Krish at yung kadadating lang na lalaki.
 
“What do you mean umalis ka lang doon?” tanong ni sir Krish.
 
“Ah sir. Sorry po kung makulit 'tong kaibigan ko. Sabi n'ya kasi sa akin kanina, tumakas lang s'ya sa ospital kasi wala s'yang pangbayad,” singit ni Carl. Natawa naman yung bagong dating na lalaki at nagulat si Sir Krish.
 
“What? Ibig sabihin, come on. Babalik tayo sa ospital!” sabi ni sir Krish at akmang hihilain ako.
 
“Teka! Ayoko! Baka, baka ikulong nila ako,” nakalabi kong sabi. Siniko naman ulit ako ni Carl. “Aray! Nakaka dalawa ka na Carl ha?!”
 
“Ang dami mo pa kasing sinasabi eh! Sumama ka na lang!” pasinghal na sabi sa akin ni Carl. Inirapan ko naman s'ya.
 
“No, hindi nila gagawin 'yun. Mukhang hindi pa sila tapos sa pag-examine sayo kaya kailangan talaga nating bumalik doon,” paliwanag nito.
 
“Talaga?” ngi-ngiti ngiti itong tumango. “Sige. Pero wag mo akong iiwanan doon!”
 
“Hind-”
 
“Sige na pare. Ako na ang bahala sa shop,” natatawa pa din sabi nung lalaking kadadating lang. Bumuntong hininga si sir Krish.
 
“Okay fine. Halika na,” sabi nito at tumalikod na. Agad naman akong sumunod sa kanya.
 
 
(c) Annerie
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Annerie's other books...