Panaginip

 

Tablo reader up chevron

Panaginip

"Rose! Nakikinig ka ba sa akin?!" Kinalabit ni Hannah ang kaibigan n'yang natulala nang mapadaan sila sa tabing dagat. Bago pa kasi sila makarating sa eskwelahang pinapasukan nila ay may madadaanan silang dagat. Hindi sumagot ang kaibigan n'ya kaya muli n'ya itong tinawag. "Rose?" Kinalabit n'ya ulit ito. Para pa itong nagulat nang lingunin s'ya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Rose sa kaibigan. Hindi alam ni Hannah kung matatawa ba s'ya o maiinis sa itsura ng kaibigan n'ya. Para itong nagugulat na natatakot na hindi n'ya malaman.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Tatawa-tawa pang tanong ni Hannah kay Rose. Para namang natauhan si Rose at umiling. Hindi n'ya pa rin matigilang hindi lumingon sa dagat. Kinakabahan s'ya, para bang may kung anong hindi magandang mangyayari.

"W-wala!" Tugon ni Rose. "Halika na nga at baka ma-late na tayo!" Hinila na ni Rose ang kaibigan n'ya bago pa ito magtanong ulit. Nagtataka na lang na nagpahila si Hannah sa kaibigan.

 

Ilang minuto lang ang nilakad nila ay nakarating na sila Rose sa kanilang eskwelahan. Wala pa ang kanilang guro kaya naman ay may panahon pa silang magpahinga at makipag usap sa iba pa nilang mga kaklase. Makalipas ang sampung minuto ay dumating na ang kanilang guro. Kagaya ng mga nakaraang araw, nag discuss lang ito ng ilang lesson at pagkatapos naman ay nagpakopya na naman. May mga kaklase s'yang umaangal dahil doon. Ang dahilan nila ay nasa kolehiyo na sila ngunit pinapakopya pa rin sila ng pagkahaba-haba na parang sa elementary at high school. Ngunit para sa kanya ay okay lang iyon kesa naman sa magbigay ito ng pagsusulit.

Natahimik na ang buong kaklase ng mag umpisa na silang lahat kumopya sa pagkahaba-habang lesson na nakasulat sa isang manila paper. Lahat gustong makatapos agad para makapag pahinga rin agad. Ang kanilang guro naman ay abala rin sa pagsusulat ng kung ano sa kanyang desk. Limang minuto, sampung minuto ay walang nangyari. Hanggang sa..

"Ano 'yon?" Nagtatakang sabi ni Hannah. Lahat sila ay napatigil sa pagsusulat at nakiramdam.

"T-teka.. Lumilindol!" Sigaw ng isang kaklase nila Rose. Nagsigawan na rin ang iba habang ang iba naman ay agad na pumailalim sa lamesa nila. Ganon din ng ginawa nila Rose at ng kanyang guro.

"Class! Stay calm at pumunta kayo sa ilalim ng desk n'yo!" Nag aalalang sigaw ng guro nila. Nag sisunod naman lahat ng mga estyudante sa tinuran nito.

"R-rose! A-ano 'to? M-mamamatay na ba tayo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Hannah sa kaibigang si Rose habang nakatakip ang dalawang kamay sa ulo. Pinakalma naman ni Rose ang kaibigan. Matatakutin kasi ito at napaka iyakin.

"Hindi! Ano ka ba? Mawawala rin 'yan!" Sabi ni Rose ngunit mukhang hindi pa rin ito nakatulog kay Hannah kaya niyakap n'ya ito gamit ang isang kamay, ang isa naman n'yang kamay ay nakatakip sa kanyang ulo. Kinakabahan na rin s'ya dahil lubhang napakalakas ng lindol. Naglaglagan na ang mga naka display sa loob ng silid-aralan nila. Ang mga libro, may isa rin fluorescent lamp na nahulog kaya nakaragdag ito ng takot sa kanila. Rinig din nila ang mga sigawan ng ibang estyudante sa kabilang silid. Nasa ikalawang palapag ang kanilang silid kaya naman ay kahit natatakot na rin s'ya ay pinili n'yang maging kampante. Dahil may napanood s'ya sa telebisyon na mas maganda raw kung nasa mataas kang building kapag ganitong nalindol, kahit daw kasi gumuho ang kinalalagyan nilang building ay di sila masyadong mapupuruhan dahil nasa itaas sila. Umabot ng halos sampung minuto ang pagyanig ng lupa. Inutusan sila ng kanila guro na h'wag munang umalis sa pwesto nila at maghintay muna ng ilang sandali. Makalipas ang ilang sandali ay nag sitayuan na sila.

"May nasaktan ba?" Nag aalalang tanong ng kanilang guro. Lahat sila umiling lang dahil sa nahihintakutan pa rin sila. "Okay, dahan-dahan tayong bumaba at pumunta sa court. Dahan-dahan dahil maaring may mga after shock pa tayong maramdaman." Utos nito at nag umpisa nang pumila sina Rose at ang kanyang mga kaklase. Lahat sila ay nakatakip pa rin ang mga kamay sa ulo. May mga nag iiyakan, merong takot pero pinipilit na kumalma pa rin.

Pagkalabas nila Rose ay nakita n'yang ganon din ang ginagawa ng mga estyudante sa ibang silid. Ngunit nang mapatingin s'ya sa labas ng kanilang paaralan ay lubos s'yang nanlumo. Doon na s'ya nakaramdam ng takot at gustong mag iiyak nang maalala n'ya ang pamilya n'ya. May mga gumuhong establisyimento, mga posteng nagtumbahan, ang mga sasakyan ay nagkabunggo-an. May nakita rin s'yang mga taong mga nasaktan at sugatan. Hindi maiwasang mapaluha ni Rose.

"M-ma'am, pwede po bang umuwe na lang kami. K-kasi yung pamilya ko siguradong nag aalala sa aki-"

"Oo Rose," bumuntong hininga ang kanilang guro. "Pero kailangan muna natin pumunta sa court para makita kung may nasaktan ba sa inyo o ano. At hindi namin kayo pwedeng paalisin ng walang magulang na sumusundo sa inyo." Paliwanag nito. Napatungo si Rose.

"O-okay po." Tugon na lamang n'ya at lumapit sa kaibigan. Nahihintakutan pa rin ito at hindi pa rin natigil sa pag iyak kaya pinunasan n'ya ang kanyang mga luha upang hindi nito makita.

"R-rose. N-nag aalala ako kina mama." Takot na sabi ni Hannah. Bumuntong hininga si Rose.

"Ako rin naman. Pero hindi raw kasi tayo pwedeng umalis sa school nang walang sumusundo sa atin." Paliwanag ni Rose sa kaibigan.

"Eh paano kung wala na palang susundo sa atin?"

"A-ano ka ba Hannah!?" Nakaramdam ng kaba si Rose sa sinabi ng kaibigan n'ya. May punto ito. "Halika na nga! H'wag mo nang isipin 'yan!" Hindi na nilingon ni Rose ang kaibigan at sumunod na lang sa paglalakad.

Pagkarating nila sa court ay lahat ng mga estyudante ay naroon na rin. Maging ang ibang mga guro nila. Pinakalma ng mga guro ibang ang mga estyudante dahil may mga nag iiyakan at naghe-hesterical sa takot. Habang si Rose naman ay nakatayo lang at pinagmamasdan kung ano ang bunga ng lindol na tumama sa lugar nila. Ngunit natigilan s'ya nang mapatingin s'ya sa may bandang dagat.

"Rose? Bakit?" Tawag ni Hannah sa kaibigan nang makita n'yang nakatulala ito. Hindi s'ya sinagot nito kaya naman ay pinagmasdan din ni Hannah ang tinitingnan ni Rose.

Hindi mawari ni Rose ang kabang nararamdaman n'ya nang mapatingin s'ya sa parte kung nasaan ang dagat kahit na hindi n'ya ito nakikita. Bigla na lang may malakas na ugong silang lahat na narinig. Nagtaka ang ibang mga estyudante kaya may lalong nag iyakan. Meron ding sumigaw na katapusan na ng mundo.

"R-rose.." Kumapit si Hannah sa braso ng kaibigan. Umiyak na rin s'ya dahil sa takot. Napakalakas ng ugong na naririnig nila. Maya maya ay nakarinig na sila ng sigawan at meron na ring nagtatakbuhang mga tao mula sa labas ng gate ng eskwelahan nila.

"H-hannah. T-tubig," nauutal na sabi ni Rose. Kumunot ang noo ni Hannah.

"D-diyos ko! Pumunta kayong lahat sa mataas na lugar! May tsunami!" Sigaw ng isang guro kaya nagtakbuhan na bigla ang mga estyudante. Halos magkaroon na ng estampid. Si Rose naman ay parang na estatwa sa kanyang kinatatayuan kaya hinila s'ya ng kaibigan.

"Rose! Halika na!" Sigaw nito at boon lang natauhan si Rose. Kaya naman ay tumakbo na rin sila. Naghanap s'ya ng pwedeng ma akyatan nilang dalawa ng kaibigan n'ya. Alam n'yang hindi makakatulong kung babalik sila sa loob ng room kagaya ng ginagawa ng ibang estydante.

"Hannah! Doon!" Tinuro ni Rose ang isang malaking puno ng mangga malapit sa canteen nila. Malawak kasi ang kanilang eskwelahan kaya naman ay may mga puno ring mga nakatanim. Halos lahat din ng puno roon ay matagal na at matibay. Nagmadaling umakyat si Rose at Hannah sa puno ng mangga. Buti na lang ay marunong silang umakyat sa mga puno dahil ginagawa nila iyon palagi noong mga bata pa sila. "Kumapit ka ng maige Hannah!" Sumunod naman si Hannah at mahigpit na niyakap ang puno. Ganoon rin ang ginawa nila. Napanganga si Rose nang makita n'ya ang malaking tubig na sumasagasa sa lugar nila. "H-hannah, h-humanda ka!" 

"M-mamamatay na ba tayo!?" Humahagulhol nang iyak ni Hannah. Hindi alam ni Rose kung ano ang isasagot n'ya kaya ay pumikit na lang s'ya at hinintay na tumama sa kanila ang malaking tubig. Pero muling minulat ni Rose ang kanyang mga mata nang marinig n'yang malapit na ang tubig sa kanila. Napanganga s'ya nang makitang mas mataas pa ang tubig na rumaragasa kesa sa kinalalagyan nila. Halos matakpan nito ang araw sa laki kaya napahangad na lang si Rose at --

 

 

 

"Rose!" Sinampal ng malakas ni Belinda ang anak dahil kanina pa n'ya ito ginigising ngunit hindi ito magising. Puro ungol lang ang ginagawa nito. "Rose gising!" Muling sigaw ni Belinda at doon lang napabalikwas ng bangong si Rose. Hingal na hingal ito at takot na takot. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Nag aalalang tanong ni Belinda sa anak. Samantala ay nakahinga ng maluwag si Rose nang malamang nananaginip lang s'ya. Hindi s'ya makapaniwala sa napanaginipan n'yan. Parang totoo ang lahat dahil ramdam n'ya ang takot.

"W-wala po ma. Binangungot lang ata ako," paliwanag ni Rose sa ina. Umiling iling naman si Belinda at tumayo na.

"Bawas-bawasan mo kasi ang pagbabasa at panonood ng mga nakakatakot. Pinag aalala mo ako eh! Bilisan mo na d'yan at dumaan na rito si Hannah."

"O-opo." Tugon na laman ni Rose. Lumabas na sa kanyang silid si Belinda. Pagkalabas nito ay napahigang muli si Rose sa higaan n'ya. "Ano kaya 'yon?" Nagtatakang tanong sa sarili ni Rose habang inaalala ang napanaginipan. Ngayon lamang s'ya nagkaroon ng panaginip na ganoon. Bumuntong hininga si Rose at minabuti na lamang kalimutan iyon at tumayo na upang maghanda sa pagpasok n'ya.

 

"Rose! Ayiee may chicka ako sa 'yo!" Kinikilig pang sabi ni Hannah sa kaibigan nang magkita na sila at nag umpisang maglakad papuntang paaralan.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ni Rose. Hindi n'ya nilingon ito dahil alam n'yang tungkol ito sa kasintahan nito. Naiinis s'ya sa tuwing kinukwento nito ang tungkol sa relasyon nila. Hindi sa may gusto rin s'ya kay Naethan, ngunit dahil sa hindi lang talaga n'ya gusto ang mga ganoong bagay. Kaya nga hanggang ngayon na bente anyos na s'ya ay wala pa rin s'yang boyfriend.

"Kagabi kasi pumunta s'ya sa bahay. Tapos alam mo ba, waaaah!" Tumili pa ito saglit kaya napailing na lang si Rose. "May dala s'yang fries! Tapos na nood kami ng movie sa bahay kasi ma-" natigilan si Rose nang madaanan na nila ang dagat. May madadaanan kasi silang dagat bago makarating sa kanilang paaralan. Tumigil s'ya sa paglalakad at tinitigan ang dagat. Biglang may kabang bumundol sa kanyang dibdib nang titigan ni Rose ang dagat. Hindi n'ya maipaliwang pero may pakiramdam s'yang may mangyayari, na may kinalaman ang dagat.

"Rose! Nakikinig ka ba sa akin?!" Nagtaka si Hannah dahil walang sumasagot sa kanya at nang nilingon n'ya ang kaibigan ay nakita n'yang nasa nakatayo ito at nakatingin sa dagat. Dali-dali n'ya itong nilapitan at kinalabit.  "Rose?" Kinalabit n'ya ulit ito. Para pa itong nagulat nang lingunin s'ya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Rose sa kaibigan. Hindi alam ni Hannah kung matatawa ba s'ya o maiinis sa itsura ng kaibigan n'ya. Para itong nagugulat na natatakot na hindi n'ya malaman.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Tatawa-tawa pang tanong ni Hannah kay Rose. Para namang natauhan si Rose at umiling. Hindi n'ya pa rin matigilang hindi lumingon sa dagat. Kinakabahan pa rin s'ya, para bang may kung anong hindi magandang mangyayari.

"W-wala!" Tugon ni Rose at nag umisa nang maglakad. "Halika na nga at baka ma-late na ta-" Natigilan si Rose sa paglakad sa sinabi n'ya.

'Parang sinabi ko na ito ah?.' Nagtatakang tanong ni Rose sa isipan.

 

End

September 16, 2016

(c) annerie15

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Annerie's other books...