Against All Odds

 

Tablo reader up chevron

Introduction

  Malakas ang ragasa ng tubig mula sa shower. Timid lamang na nakatingala si Daimon habang dinadama ang tubig sa mukha niya pababa sa kanyang katawan. Hinahayaan niyang dumaloy ang dugo na nakadikit sa kanyang katawan habang inaalala kung paano niya tinapos ang buhay ng isang negosyanteng ipinapatay sa kanya.

   Habang abala sa paliligo si Daimon ay wala namang tigil sa kakatunog ang telepono nito. Ilang sandali lang ay natapos na rin siya at lumabas ng banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at nakalantad ang makisig at moreno nitong katawan. Nakabagsak din ang buhok niyang medyo may kahabaan. 

   Agad niyang tinungo ang telepono niya at sinagot ito.

"Hello?" 

"Is this the Dagger?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

  Hindi agad sumagot si Daimon. Naglakad muna siya papasok sa kanyang kwarto dala pa rin ang telepono.

"Yes. What do you want?"

------

   Naglalakad sa mall ang magkasintahang sina Alyana at Eric. Mahigpit ang hawak ni Eric sa kamay ni Alyana at para bang may gusto itong sabihin sa kasintahan dahil labis ang pagka-balisa nito.

"Babe? Are you okay? Kanina ka pa hindi umiimik." Pansin ni Alyana sa kasintahan niya.

    Magandang babae si Alyana. Hindi ito mukhang simple dahil halata sa kanyang itsura ang pagiging elegante at sopistikada. Naka-bagsak ang mahaba at kulay brown nitong buhok na umaabot sa beywang niya. Hapit na hapit ang katawan nito sa black dress na umaabot hanggang sa ibabaw ng mapuputi niyang tuhod. Naka-suot din ito ng black laced wedge na halatang mamahalin din. Isa siyang walking billion dollar barbie doll. 

  Ang kasintahan naman niyang si Eric ay isa rin namang magandang lalaki. Matangkad at maputi ito. Singkit ang kanyang mga mata na nagpapahalata sa kanyang dugong tsino. Pormal itong manamit na para bang laging nasa opisina. Hindi rin maikakaila sa kanyang itsura ang pagiging mayaman dahil mamahalin din ang mga suot nito.

  Perfect match. 'Yan ang tingin ng marami sa magkasintahang ito dahil sa pagkakapareho ng estado nila sa kanilang buhay. Sino pa nga ba naman ang pwede mo pang maipareha sa kanilang dalawa kung hindi mga kapwa nila matataas ang pinag-aralan at may marangyang buhay?

"Babe, you were there at the office yesterday?" Kunot noong tanong ni Eric kay Alyana.

"Yes, babe. Inabutan kitang kausap si Tito Joaquin. And it seems na parang nag-aaway kayo. May problema ba sa business niyo?" 

   Nasa parking lot na silang dalawa ngayon at nakatayo sa tapat ng kotse ni Eric. Seryoso lang itong nakatingin kay Alyana. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng kasintahan at sabay hinalikan ito sa labi. Nagtataka man ay hindi na pumalag si Alyana. Alm niyang ayaw nalang pag-usapan ni Eric ang naging problema niya sa kanyang Tito Joaquin.

"Business is business, right?" Nakangiting sabi ni Eric nang magbitiw silang dalawa.

  Hindi man naiintindihan ni Alyana ang sinabi ni Eric ay tumango na lamang siya. Hinawi ni Eric ang buhok ng kasintahan at saka niya iton hinalikan sa noo. Nguniti si Alyana dahil sa ikinikilos na ito ng kasintahan. Madalang lang kasi siya nito pakitaan ng pagiging sweet niya dahil palaging naka-focus ito sa pagtatrabaho.

"I'm not used to this, babe. Why do I have this feeling na huling beses mo na 'tong gagawin sa akin? Aalis ka ba?" Nanlalambing na tanong ni Alyana.

  Ngumiti lamang si Eric. Niyakap niya si Alyana ng mahigpit at pumikit siya. Hinaplos niya ng dahan-dahan ang mahabang buhok ng kasintahan at inilapit ang bibig niya sa tenga nito.

"I'm sorry."  Ang bulong ni Eric.

  Kumunot ang noo ni Alyana at biglang napabitaw sa pagkakayakap sa kanya ni Eric. At sa pagbitaw niyang iyon ay nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Sunod na lamang niyang nakita ay ang nakahandusay na duguang katawan ni Eric. 

"ERIC!!!" Sigaw ni Alyana at agad niyang nilapitan ito. "Eric no! Please stay with me. Please. Please."

   Humahagulgol si Alyana habang yakap ang bangkay ng kasintahan niyang si Eric. Hindi niya namamalayan na ang gunman na gumawa nito sa kanya ay patungo na mismo sa kinaroroonan niya. Nakasuot ito ng itim na polo at itim na pantalon. May itim na gloves din ang kamay niyang may hawak na baril.

  Itinutok niya ang baril sa ulo ni Alyana, "Get up." Utos niya dito.

Tumayo si Alyana at hinarap ang lalaking ito. Walang takip ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pagkakakilanlan ng lalaki sa harap niya. Agad niya itong sinugod at pinagsasampal.

"How dare you! You son of a b*tch! You killed him! You killed him!" Sigaw ni Alyana habang walang buong tapang na pinaghahampas ang lalaki kahit na alam niyang tinutukan siya nito ng baril.

  'Tila nainis ang lalaking ito sa kanya kaya bigla niyang pinukpok ng baril si Alyana para makatulog. Nang mawalan ito ng malay ay agad niya itong binuhat at isinakay sa kanyang sasakyan. Sunod naman niyang binuhat ang katawan ni Eric at isinakay sa kotse din mismo ni Eric. Nagawan na niya ng paraan na masira ang mga cctv kaya't walang nakakita sa mga nangyari. Wala rin namang iba pang taong naroroon kaya mabilis din iyang nakaalis kasama si Alyana at iniwan ang bangkay ni Eric.

----

    Nagmulat ng mata si Alyana at ramdam pa rin ang sakit ng ulo niya dahil sa pagkakapukpok ng baril. Inikot niya ang tingin sa lugar kung saan siya nagising. Nasa loob siya ng kwarto. Maganda ito at halatang nasa loob din siya ng isang magandang bahay. 

  Black and white ang kulay ng mga gamit sa loob ng kwarto. Malaki ang kamang hinihigaan niya. At sa itsura pa lang ng mga gamit ay halatang lalaki ang nakatira dito. Konti pero maayos ang mga gamit na ito. Puro abstract paintings ang design sa mga dingding nito at halos libro ang nakalagay sa ibabaw ng study table.

"Where the heck am I?" Tanong ni Alyana sa sarili habang sapo pa rin ang ulo niya.

   Tumayo siya at tinungo ang pinto ng kwarto. Naka-lock. 'Yan ang sabi niya sa sarili.  Pinilit niya pa itong buksan ngunit talagang naka-lock ito mula sa labas. Noon lamang muling naalala ni Alyana ang nanyari.

  Pinatay ang boyfriend niyang si Eric sa kanyang harapan at ngayon ay kinidnap siya ng taong pumatay dito. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Alyana dahil sa nangyari. Napa-upo ito sa sahig at bigla na lamang napa-iyak. Paano nga ba ito nangyari? Bakit ito nangyari sa kanila? At sino ang lalaking iyon na pumatay sa boyfriend niya?

Ilang sandali lang ay bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang lalaking nagdala sa kanya sa bahay na iyon. Si Daimon. Wala na ang suot nitong pang-itaas at nakapantalon na lamang ito. May dala siyang ilang piraso ng damit.

  Nadatnan niyang naka-upo sa sahig si Alyana at nakatulala. Napatingin siya dito at hindi naiwasang masagi ng paningin ang mga hita nitong nakalitaw dahil sa pagkakalislis ng suot na dress ng dalaga. Sakto din namang napa-angat ng tingin sa kanya si Alyana at agad nitong napansin ang pagkakatitig ni Daimon sa kanyang mga hita kaya mabilis niyang ibinaba ang suot niyang dress.

"Tss." Naiiling na ngisi ni Daimon.

   Ibinato niya ang damit na dala niya kay Alyana at saka niya ito bahagyang sinipa sa binti.

"Tumayo ka dyan. Magpalit ka ng damit mo. I'm not comfortable seeing you with that filthy dress." Seryosong sabi ni Daimon at lumabas na siya ng kwarto. Muli niya pa rin itong ni-lock.

   Tinignan ni Alyana ang damit na ibinato sa kanya ni Daimon. T-shirt at isang sweatpants. Napailing si Alyana dahil ito. Hindi siya makapaniwalang pagsusuoting siya ng ganitong damit. Ngunit wala siyang magagawa. Dahil maging siya ay hindi na kumportable sa dress na suot niya. Lalo na't may ibang lalaking kasama siya.

  Tinungo niya ang banyo sa loob ng kwartong iyon at doon siya nagpalit ng kanyang damit. Inis na inis man siya dahil sa damit na ipinasuot sa kanya ay tiniis niya ito. Inilibot niya ang tingin sa banyo habang nag-iisip kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon. Nakita niya ang isang toothbrush na nakalagay sa isang baso sa ibabaw ng sink.

   Agad niya itong kinuha at lalo siyang natuwa nang makita niyang matulis ang dulong bahagi ng toothbrush na iyon. 'Tila ba nakaisip siya na gamitin ito laban sa lalaking kumuha sa kanya. Kaya naman lumabas na agad siya ng banyo. Itinago niya sa likod niya ang toothbrush na nakuha niya. Nang maglakad siya patungo sa kama ay nagulat siya dahil naka-upo na dito si Daimon habang hawak ang isang libro.

"Ang tagal mo ah? Nakaisip ka na ba ng paraan para makatakas dito?" Nakangising sabi ni Daimon habang naka-dikwatro pang naka-upo.

   Humigpit ang hawak ni Alyana sa toothbrush na hawak niya. Sa inis at galit niya ay bigla nalang niyang sinugod si Daimon gamit ang toothbrush na iyon para saksakin. Ngunit wala siyang laban kay Daimon. Mas mabilis ito sa kanya. Agad lamang itong hinwakan ang dalawang kamay ni Alyan ng mahigpit dahilan para mapabitaw si Alyana sa hawak niya dahil sa sakit ng pagkakawak sa kanya ni Daimon.

"Seriously? A toothbrush?" Natatawang sabi ni Daimon bago nito ibinalibag si Alyana sa kama.

"F*ck you!" Sigaw ni Alyana sa kanya habang namamalipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakabalibag sa kanya ni Daimon.

"Want me to f*ck you?" Nakangising tanong ni Daimon, "Sorry, but no thank you." 

   Muli niyang nilapitan si Alyana at marahas na sinakmal ang magkabila nitong braso. "No one leaves this house alive. That means you can't leave if you want to live. If ever you'll try to escape, gigilitan kita ng leeg gamit 'tong toothbrush na 'to."

"Hayop ka! Papatayin kita!" Sigaw ni Alyana.

Ngumisi lamang muli si Daimon at marahas na binitawan si Alyana. "Shut up and do it if you can."

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

  ALYANA*

    Since that guy dragged me into this house, umiyak lang ako ng umiyak. Wala akong magawa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako binuhay pero ikukulong lang din pala niya ako. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung bakit niya pinatay si Eric. Wala akong alam na nakaaway ng boyfriend ko.

"Babe, you were there at the office yesterday?" 

"Yes, babe. Inabutan kitang kausap si Tito Joaquin. And it seems na parang nag-aaway kayo. May problema ba sa business niyo?" 

   Bigla kong naalala 'yung pag-uusap namin na 'yun ni Eric. May kinalaman ba si Tito Joaquin dito? Siya ba ang nagpapatay kay Eric?

I stood up and look around. He's obviously a rich man. Hindi siya kagaya ng mga pipitsuging kidnapper na bulok ang hideout na kagaya ng sa mga palabas. If Tito Joaquin is behind this, he probably spent a lot hiring this man to kill Eric.

  I can't think of any reason why would he hire someone to kill his right hand. Tito Joaquin knows that Eric and I are gonna get married. Para na nyang magiging son-in-law si Eric dahil si Tito na ang tumayong parent ko ever since mom and dad died. Kung tungkol naman sa business ito, parang napakababaw naman ng reason para ipapatay niya si Eric.

  I jumped on the bed when I hear the door screeching. Nanginginig ang buong katawan ko kapag naririnig kong may papasok sa kwarto. I don't know what is on this guy's mind. Hindi ko alam kung isang araw pala pagpasok niya dito, papatayin na niya ako.

"Good heavens. You're keeping your mouth shut." He sarcastically said.

  I didn't bother looking at him. Kumukulo lang ang dugo ko kapag tinitignan ko siya, at the same time, natatakot din ako.

"Eat."

  He has a deep and authoritative voice. Parang kahit ayaw kong sumunod, mapapasunod nalang ako.

  Lumapit ako sa tray na pinatong niya sa kama ko. I'm in awe to see a decent meal for a hostage. Beef broccoli and pineapple juice. This man is not just a killer. He's a murderer with class.

  Before I eat my meal, I aked him that one question that's been bothering me, "Hey, I want to know, who told you to kill Eric?"

  And again, I saw another evil grin on his face. Kinuha niya yung upuan malapit sa bed at inupuan niya iyon the opposite way, facing the back board at me.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanong niya.

  Tumango lang ako bilang sagot. Sandali siyang tumingin sa akin at bigla niya kinuha ang tinidor na nasa pinggan ko. Itinutok niya iyon sa akin pero malayo.

"You're the one I'm hired to kill." Seryosong sabi niya.

  Hindi ako agad nakasagot. I suddenly felt the chills all over my body. Siguro kaya niya ako kinulong dito dahil gusto niyang unti-untiin yung pagpatay sa akin. He's insane. And why the hell did he killed my boyfriend instead?

"Then why did you do it to Eric?"

   He put down the fork back again on my plate. Then, narinig ko siyang tumawa ng mahina. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero alam ko, seryoso ang tanong ko.

"Your boyfriend is a hero, my dear. He received the bullet that's suppose to be for you," he stood up and pat my head, "Isn't that a good love story to tell?"

   Nanginginig ako sa galit! Mahigpit kong hinawakan ang tinidor na kaninang hinawakan niya. Gustong-gusto kong isaksak sa kanya ito pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng takot ko sa kanya. Lalo na ngayon na nalaman kong ako pala dapat ang papatayin niya.

"If ako pala dapat, bakit hindi mo pa ako pinatay? Bakit mo pa ako dinala dito?" Buong tapang na tanong ko sa kanya.

"I'm only paid to kill just one. Kapag pinatay din kita, kulang na yung binayad sa akin," naglakad na siya papunta sa pinto, "You see, this is how you run business."

  He slammed the door right after he glance an evil grin. I'm supposed to be eating this decent meal but I can't forget the fact that I'm supposed to be dead. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko at hindi ko rin maibuka ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano ako kakain o kikilos.

  I need to find a way to escape here. Kailangan kong matawagan si Tito Joaquin. Siya lang ang makakatulong sa akin. Kapag hindi ako umalis dito, hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sa akin. I need to get out of here as soon as possible.

---

   Nagising ako dahil narinig ko nanamang bumubukas ang pinto. Bigla akong napaupo at isiniksik ko ang sarili ko sa dulo ng headboard ng kama.

Pumasok siya na may dalang apat na paper bags. At lahat iyon ay mula sa mga sikat na brand ng damit at lingerie. Mukha din siyang galing sa labas dahil nakabihis siya.

"I don't know if these clothes will fit on you. But you need to change, pangalawang araw mo na yang suot mo."

  I don't know if how will I react on this. I can't thank him because for all I know, hindi niya deserve. Hindi nalang din ako sumagot at hinayaan ko nalang siyang iwan yung mga dinala niya. Pero hindi iyon ang ginawa niya. Tinitigan niya lang. Hindi ako nakatingin sa kanya pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig lang siya sa akin.

"Tumayo ka dyan. Maligo ka."

   I still didn't do anything.  Nakaupo lang ako at hindi siya pinapansin. Hahayaan ko lang siyang umalis bago ako maligo. Ayokong nakikitang sinasatisfy ko yung gusto niya. Kung balak niya akong patayin, gawin na niya ngayon, dahil kapag ako nakagawa ng paraan para makatakas, he'll pay for all of this.

"Don't make me repeat myself. Tumayo ka na dyan!" Sigaw niya sabay binalibag ang isa sa mga paper bag.

  Lalo ko lang isiniksik ang sarili ko sa headboard. Bahala siya pero hindi ako tatayo dito hangga't hindi siya umaalis. 

  Hindi na rin niya natiis ang inis niya sa akin. He grabbed my arm and pulled me up. Sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa akin at pakiramdam ko ay mag-iiwan iyon ng pasa sa braso ko. Akala ko hanggang doon lang ang gagawin niya sa akin. Pero bigla niya ako pinasok sa banyo at itinapat sa shower. The next thing I know, basang-basa na ako.

"Ang arte-arte mo! Gusto mo pa talaga ako magpaligo sayo?" Galit na sabi niya habang itinututok ang shower sa akin.

"Stop it! I can do it myself!" 

   Inagaw ko ang shower head sa kanya. Basang-basa na ang buong katawan ko pati ang mga damit na suot ko. I start to remove the t-shirt I'm wearing, only to realize that he is still there watching me strip. 

"Do you mind?" I rolled my eyes.

   Hindi na rin naman siya sumagot at padabog niyang isinara ang pinto ng banyo. Ako naman ay isa-isa ng tinanggal ang mga suot ko. Dalawang araw ko na ring pinagtitiisan ang mga damit na iyon. Tinignan ko ang katawan ko. It's only been two days but I already got thinner. Nagkaroon din ako ng pasa sa kaliwang braso ko dahil sa pagkakahigpit ng hawak niya sa akin kanina. 

"You'll be sorry if I get out of here."

---

DAIMON*

   Damn that girl. She's really getting into my nerves. Siya nalang talaga dapat ang tinuluyan ko. Now I have to suffer looking out for that brat. I really don't want anyone around here but me. Pero kinailangan ko pa siyang dalhin dito para lang walang makakita sa kanya. Why does she have to get involve?

   Muli akong dumaan sa kwarto niya para tignan kung tapos na siya. Napaka-arte pa kasi niya. At kung tignan niya pa ako kanina parang may balak pa akong masama sa kanya. Ang arte na niya napaka-proud niya sa sarili niya. Porket alam niyang maganda siya akala niya lahat ng lalaki magkakandarapa sa kanya.

   Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at diretso akong pumasok. Pero napatigil ako ng makita ko siya. Nakatalikod siya sa akin habang kasalukuyang isinusuot ang strap ng bra niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I'm sweating as f*ck. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Alam ko kung bakit ko ito nararamdaman pero hindi ako sanay ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin ko.

   Sinubukan kong umatras para tahimik na lumabas na lamang ng kwarto pero natamaan ko ang upuan sa may bedside table. Narinig niya iyon kaya napalingon siya agad sa akin at nanlaki ang mga mata niya.

"PERVERT! Anong ginagawa mo dito??" She exclaimed.

   She covered herself with the bath towel. As if that'll do anything, I already saw what's beneath that towel. Hindi ako sumagot sa kanya at tinignan ko lang siya ng seryoso para hindi ipahalatang nabigla din ako.

"Can't you knock? Hndi ba uso sayo ang kumatok muna bago pumasok?" Sigaw niya sa akin habang mahigpit na hnahawakan ang towel niya.

"You're at my house. This is my room. And you're not a guest. I abducted you, remember?" Sarcastic na sagot ko na lamang sa kanya. I tried to sound calm to hide my nervousness. Damn these urges!

  Padabog niyang kinuha ang isang paper bag at bumalik siya sa loob ng banyo. Pagkasara niya ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Dali-dali rin akong lumabas ng kwartong iyon. I really felt the throbbing of my fella down there. Hindi ako attracted sa brat na iyon pero nakaramdam pa rin ko ng ganito.

  Damn! Ganito ba ang kailangan kong tiisin araw-araw habang kasama ko siya.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2


   Hindi mapakali si Daimon habang iniisip ang nangyari sa kwarto ni Alyana. Nahihirapan siyang alisin sa isip niya ang mga nakita niya. Alam niyang hindi niya pwedeng pag-isipan ng kahit ano si Alyana. Wala siyang karapatan.

   Nasabunot ni Daimon ang may kahabaang buhok niya habang mahinang napasigaw. Hindi mawala ang init na nararamdaman niya. Ilang araw na niya itong nararamdaman dahil sa babaeng kasama niya sa bahay pero hindi ito kagaya ng ngayon.

"Damn it!" Inis na sigaw ni Daimon at tumayo siyang muli para pumunta sa kwarto ni Alyana.

   He doesn't know why he's even going there. Is this to satisfy his needs? Can he do it? His mind and 'the fella down there' are about to explode.

  He anxiously stood up in front of Alyana's room. Pawis na pawis siya at hindi niya alam ang gagawin niya. Hinawakan niya ang doorknob ng pinto at dahan-dahan itong pinihit.

Naka-lockSabi ni Daimon sa isipan niya. Napakunot siya ng noo. Nakalimutan niyang siya din pala ang naglalock ng pintuang ito kaya siya lang din ang may hawak ng susi para mabuksan ito.

  Kinapa niya ang susi sa bulsa ng pantalon niya at inilabas ito. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang papalapit ang pagpasok ng susi sa doorknob. Napa-pikit siya nang mabuksan na niya ang pinto.

"Ano nanamang kailangan mo?" Agad na salubong sa kanya ni Alyana kahit na hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa kwarto.

   Hindi niya ito pinansin. Hindi na alam ni Daimon ang ginagawa niya. Masyado na siyang nagpadala sa pagnanasang nararamdaman niya.

   Mabagal siyang naglakad papasok sa kwarto. Nakatitig siya kay Alyana na nakasuot ng red silk nighties. Lalong nabaliw ang utak ni Daimon. Napakagat pa ito ng labi nang mapatingin sa maputing dibdib ni Alyana na litaw na litaw ang cleavage.

"What are you doing here? Matutulog na ako." Inis na sabi ni Alyana sabay itinaas ang kumot para matakpan ang katawan niya.

   Marahang umupo si Daimon sa gilid ng kama. He lightly grab the end of Alyana's blanket. Alyana pulled the blanket closer but Daimon's got a grip on it.

"Hoy ano ba!" Kinakabahan pero sumigaw pa rin si Alyana.

   Tumingin si Daimon kay Alyana na parang isang hayop na hayok sa laman. Lalong kinabahan si Alayan kaya naman sumiksik siya dulo ng kama at mahigpit na hinawakan ang kumot.

"Come on. Just this once."

   Daimon's eye were full of lust. He also got that smirk that made Alyana cringe and uncomfortable. This is worst than getting bruises from him.

"No! Leave me alone!"

   Parang walang narinig si Daimon. Bigla na lamang niyang hinila ang kumot at tumambad sa kanya ang makikinis at mapuputing hita ni Alyana. Agad din niyang hinawakan ang dalawang paa nito at hinila papalapit sa kanya. Napasigaw ng malakas si Alyana pero wala siyang magawa. Bawat kilos ni Daimon sa kanya, nanghihina siya.

   Pinaghiwalay ni Daimon ang mga binti ni Alyana at pumwesto siya sa pagitan ng mga hita nito. Pumaibabaw siya kay Alyana at sinimulan na niya itong paghahalikan sa leeg.

"Please stop! Please!" Pagmamakaawa ni Alyana.

   Ngunit 'tila wala ng ibang marinig pa si Daimon. Nakakulong na siya sa kanyang pagnanasa. Hindi ito madalas na gawin ni Daimon. Ni wala siyang pakialam sa mga babae. Napakadalang lamang kung maghanap siya ng babae. Hindi niya alam kung bakit hindi niya napigilan ng matagal ang kay Alyana. Ilang araw pa lamang silang magkasama ngunit hindi na nito napigilan pa ang kanyang pangngailangan.

   Sabay na hinila pababa ni Daimon ang magkabilang strap ng nighties ni Alyana. Nagpupumiglas si Alyana at tinutulak pa rin si Daimon kahit alam niyang malabong maitulak niya ito.

"Tama na! Please!" Umiiyak na sabi ni Alyana.

  Patuloy lang si Daimon sa ginagawa niya. Marahan niyang itinaas ang laylayan ng nighties ni Alyana dahilan para masilayan niya ang kulay itim nitong underwear.

"No! No! Stop! I'm begging you!" Pagwawala ni Alyana.

Pinagtutulakan pa rin niya si Daimon. Pinagsasampal na niya ito hanggang sa makalmot niya ang mukha. Nagkaroon ng tatlong bakas ng kalmot si Daimon sa kaliwang pisngi niya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil naramdaman niya ang hapdi mula dito.

  Bigla siyang napatingin kay Alyana. Takot na takot ang mukha nito at walang tigil sa paghikbi. Napatingin siya sa katawan nito na halos mahubaran na. Nakita niya rin ang sarili na nasa pagitan ng mga hita ni Alyana. Nakalislis ang suot nitong nighties at nakaakma niyang huhubarin ang underwear na suot nito.

   Napapikit si Daimon. Inalis niya ang kamay niya na nakahawak sa underwear ni Alyana. Nang muli siyang magmulat ay itinulak siya palayo nito.

"Y-you're a monster!" Nangangalit na sabi ni Alyana sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

   Nakatulala lamang si Daimon. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Dahan-dahan siyang napapaatras. Naisuklay niya ng marahas ang kanyang kamay sa mahaba niyang buhok.

  He went out the room. He was vastly breathing like he just went on a battlefield. His heart was aching. He couldn't explain why he's feeling that way.

   Agad na tinungo ni Daimon ang kanyang kwarto. Mabilis niyang hinubad ang mga damit at dumiretso sa shower. Kailangan niyang mahimasmasan.

***

   Mahigit kalahating oras nang nakatulala sa pintuan si Alyana. Kanina pa nito pinakikiramdaman si Daimon. Nagpalit kaagad siya ng damit na mas matatakpan ang katawan niya matapos lumabas ni Daimon sa kwarto niya.

  Ngayon ay nagpasya siyang tumayo. Nagbabaka-sakaling nakalimutang ilock ni Daimon ang pintuan ng kwarto niya. Dahan-dahan niya itong binuksan.

  Nanlaki ang mata ni Alyana nang ito ay bumukas. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Eto namakakatakas na siya!

  Mabilis pero maingat na lumabas si Alyana sa kwarto. Tahimik nitong tinungo ang hagdan. Humingan muna siya ng malalim bago gawin ang unang hakbang pababa sa hagdan na ito.

"This is it." Mahinang sambit niya.

  Bitbit ang isang pares ng tsinelas ay mabilis na bumaba si Alyana sa hagdan. Malapad at mahaba ang na ito kaya medyo may katagalan bago marating ang baba. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa baba ay may nakasalubong na siya. Napahinto siya at halos tumigil din ang paghinga niya.

  Isang lalaking may katangkaran at nakabihis na pang-doktor ang sumalubong sa kanya sa hagdan. Kunot-noo itong nakatingin sa kanya.

"Sino ka?" Tanong ng lalaki.

  Hindi na nagdalawang isip pa si Alyana at mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ng lalaking ito.

"Help me! Kinidnap ako! May lalaki dito---- ahhhh!"

  Hindi na naituloy pa ni Alyana ang sinasabi ng biglang hilain ni Daimon ang buhok niya. Hinila niya ito pabalik sa taas. Hindi na rin nakatayo pa si Alyana at tuluyan siyang nakaladkad sa hagdanan papunta sa kwarto niya.

"I told you. No one leaves my house, alive!" Sigaw ni Daimon matapos niyang ibalibag si Alyana papasok sa kwarto nito.

  Galit na galit ang mukha nito habang tumutulo pa ang basa nitong buhok sa half naked niyang katawan. Mabigat ang paghinga niya habang matalim na nakatitig kay Alyana.

"Patayin mo nalang ako! Ayoko na dito! Hindi ko na matiis na makita ka! I hate you!" Sigaw ni Alyana sa kanya.

   Masama ang pagbagsak ni Alyana nang ibalibag siya ni Daimon. Ramdam niya ang sobrang sakit sa kanyang braso na una niyang naitukod nang matumba siya. Pero hindi niya iyon ininda sa harap ni Daimon.

"Talagang papatayin kita kapag sinubukan mo ulit na tumakas!" Pagbabanta sa kanya ni Daimon.

"Daimon, what's going on? Sino siya?"

  Nasa likod na ni Daimon ngayon ang lalaking nakabihis doktor. Nakatingin ito kay Alyana at kanya ding napansin ang pagbabago ng kulay sa kanang braso nito.

"You don't need to know. She's none of your business." Seryosong sagot ni Daimon sa lalaking iyon.

  Nakatungo lamang si Alyana. Mangiyakngiyak na ito dahil sa sakit na nararamdaman niya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang braso ngunit lalo lang siyang nasaktan kaya napasigaw siya ng mahina.

  Itinulak ng mahina ng lalaking doktor si Daimon at lumapit kay Alyana. Agad niyang inalalayan ang braso nitong napilayan. Inakay din niya ito paakyat sa kama.

  Matalim ang tingin ni Daimon sa kanilang dalawa. He clenched his fist and walk towards them. He doesn't like what he is seeing.

"What are you doing? Who told you to touch her?" Daimon said in an authoritative voice.

"Look at her arm. It's broken. It's because of you, as*hole!" He answered back.

  Napatingin lamang si Alyana sa kanilang dalawa. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa sa isa't-isa. Mas mahaba lang ang buhok ni Daimon at may balbas pero sobra ang pagkakahawig nila.

Demetri RomanovIyon ang nabasa ni Alyana sa nameplate ng lalaking tumulong sa kanya.

"Leave her be. She deserves it." Daimon said in a cold tone.

"Don't you dare, Daimon. This is your fault.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Antonie Joann Tiler's other books...