Environmental Hazard

 

Tablo reader up chevron

Dedikasyon

Una sa lahat, ang dedikasyon ay mapupunta sa mga nagbasa ng aking mga akda. Hindi ninyo ako iniwan sa ere. Maraming salamat po. Pangalawa, ang aking pamilya at sa aking kamag-anak. Pangatlo, sa taumbayan at sa Kalikasan. Ang aking crush rin ang aking naging inspirasyon na gawin ito. At sa huli, sa Dios na lumikha sa ating lahat. Kahit na Dystopian Sci-Fi ang genre ng kuwentong ito, may ilalagay pa akong magandang aral para naman may silbi ang pagbabasa nito.

Muli, hindi ko pa rin pinapayagan ang mga ganito:

1) Pangongopya ng aking mga akda

2) Pangongopya sa mga Book Covers at babaguhin ito

Kung sinuman ang lumabag sa dalawang batas na iyan, malalagot siya sa akin.

Itong librong ito ay isang kathang-isip lamang. Mga pangalan, mga karater at mga pangyayari ay imahinasyon lamang ng may-akda.

Anumang pagkakahalintulad sa mga pangyayari, at tao ay hindi sinasadya.

Wala rin akong ineendorsong mga armas, kompanya, Hukbong Sandatahan at kung anu-ano na meron dito.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Sypnosis

Environmental Hazard:

"Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay LALAGO." – Daniel 12:4 (Ang Dating Bibilya)

________________

Simula na maimbento ang teknolohiya mula pa noong Industrial Revolution, marami na ang nagbago. Noon, typewriter ang ginagamit ng mga tao para makapag-type sila ng mga mensahe at ngayon, napalitan na ito ng keyboard. Dati, ang tren ay pinapatakbo lamang ng uling subalit nang lumaon, naimbento ang high-speed train. Sa antas naman ng edukasyon, ang libro'y nasasakop na ng mga digital na bahay. Sa kabilang dako naman, ang dating pluma at papel na ginagamit para makipagkomunikasyon ay napabilis na. Salamat sa inobasyon ng Skype na mula sa Estoniya at iba pang social networking sites.

Ang larangan ng militar ay hindi rin nakaligtas sa hagupit sa pagtakbo ng teknolohiya. Dati, ang labanan ay mula sa bato pero ngayon – mga missile na makakaabot saanman sa daigdig ang nabanggit. Hindi lang iyan. Sa aspeto ng eroplano, nagsimula ang pagdevelop nito sa propeller at ngayon, nagkaroon na ng mga jet engine. Nagkaroon tayo ng kuryente dahil sa mga materyales na nakukuha natin mula sa mundong ito. Mahirap nang sabihin kung ano na ang bago at ang sinasabi nilang 'outdated.'

Sa kabila ng halos kidlat na paglago ng teknolohiya sa daigdig na ating kinatatayuan, umuusbong ang mga katanungan na kung napapangalaan ba ang kalikasan kasabay ng paglago ng teknolohiya alinsunod na rin ng polusyon na nakakasira sa paligid. Habang patagal nang patagal, lumalala nang lumalala ang sitwasyon. Ebidensya? Ang mga bagyo ay lumalakas na nang lumakas samantalang ang tungkol sa El Nino at La Nina ay pa-grabe nang pa-grabe.

May mga kasunduan na naipanukala para maibsan kahit papaano ang lumalaking banta. Kyoto Protocol, Montereal Protocol, Paris Agreement at kung ano-ano pang mga kasunduan na isinusulong para maibsan ang epekto ng climate change. May mga teknolohiya na rin na binuo upang pangalagaan ang kaliksan at isang halimbawa nito ay ang solar-powered at wind turbine-powered power plant. Ang pagpalit mula sa plastik patungo sa papel at ang isa pang halimbawa. Mga sasakyan na pinapatakbo sa pamamagitan ng hangin, tubig o anumang mga likas-yaman na makakapagsabi na, hindi ito makakapinsala sa Inang Kalikasan. Pero, paano kung ang lahat ng ito ay naging isang kapalpakan katulad ng nangyari sa diesel? Paano kung ito ang magiging hudyat ng katapusan ng lahat ng mga nabubuhay at hindi nabubuhay na mga bagay sa mundong ito? Paano kung maghiganti nang matindi ang ating daigdig?

Ayon nga sa isang manunulat na nakilala ko, ang mundo ay isang 'house of cards.' Isang pitik lang, babagsak ang lahat. At iyon na nga ang isa sa aking mga nakikita.

Sa petsang Pebrero 10, 2027, isang kakaibang pangyayari ang naganap sa isang siyudad sa Probinsya ng Shandong, China. Halos lahat ng mga tao ay nawawala at hindi pa matuloy kung saan sila dinadala. Notorious pa naman ang lungsod na iyon sa makapal na smog pati na sa maruming paligid.

Kaya naman, pinadala ng pamahalaan doon ang mga piling mga sundalo sa Hukbong Panlayang Popular Hukbong Katihan pati na ang mga helikoptero mula sa Hukbong Panlayang Popular Hukbong Himpapawid. Pero, matapos lamang ang isang linggo, wala na ni kahit isang balita ang natanggap ng headquarters.

"Nakain kaya sila ng smog?" Ayan lamang ang naging tugon ng isang Heneral na naging ugat upang isama na rin nila ang mga siyentipiko upang magsaliksik sa mga pangyayari. Ang buong mundo'y nakaabang pero, nangyari muli ang unang resulta. Kaya naman, naglabas na ng resolusyon ang Mga Nagkakaisang Bansa o United Nations sa wikang Ingles na kokordonan ang siyudad kaya naitayo ang 30-km exclusion zone.

Ilang araw matapos ang unang araw ng pagkadestino ng mga U.N. peacekeeper doon, nawalan na rin sila ng kontakt. Sa kabilang dako, binalita ng Star TV ang isang smog na lumalamon ngayon sa bayan ng Tianjin at base sa mga interview ng mga tao doon, nakakakita sila ng mga 'tao na parang halimaw, kumakain ng laman at nangangalmot' pati na rin daw ang 'higante at babaeng maganda na may mga buntot' pero 'walang awa kung pumatay.' Pinagtawan lamang ito ng karamihan subalit ang mga nasa pamahalaan ay sineryoso ang alegasyong ito.

Abril 10, 2027 na nagdeklara na ng WHO na isang malaking krisis na pinangalanan pang 'health and humanitarian'. Nagpadala sila ng isang grupo sa bansang Pakistan – ang isa sa mga apektadong bansa. Kinuhaan nila ng dugo ang mga pasyente na nagpapakita ng sintomas na halos katumbas ng sa dengue pero ito'y nakapatindi. Nag-iiba na rin daw ang kanilang mga kulay ng balat pati na ang pangkalahatang anyo. Nag-iiba ang lasa nila sa pagkain at kapag naanigan na sila ng araw, biglang mamumula ang kanilang mga balat. Base nga sa isa sa mga naipadala, nagmumukha na silang mga zombie na kinalanunan ay tinawag nila bilang Infected.

Kinabukasan, inanunsyo sa media na mas lumalala na ang pagkatunaw ng mga bloke ng yelo sa Antartika pati na rin sa Arktika na naging isang kontribusyon kung bakit bumaha sa ilang bahagi ng Pilipinas at hindi ligtas ang iba pa.

Dalawang buwan na ang nakalipas, matapos ang matinding pagsusuri, nalaman ng mga siyentipiko na ang smog ay may nakahalong virus na ayon sa doktor mula sa Kanada na si William Mort-Heusaff, ay mabilis mag-mutate. Pinangalanan niya itong 'Mitholyndia.' Sinubukan nilang gumawa ng anti-bodies para sa paglalatag ng bakuna pero tumakbo na ang ilang buwan, dineklara nila sa buong mundo sa pamamagitan ng mga taga-media na:

"Ang bakuna kontra sa virus na pinangalanan naming Mitholyndia, na kumitil sa halos kalahating bilyong katao, ay nabigong magawa. Kahit na ang gamot ay nawalan rin ng pundasyon."

Dahil sa pahayag na ito, nagsimula na ang pag-imbak ng mga pangunahing pangangailangan at sa ilang aspeto, bala at baril. Ubos ang mga paninda sa mga grocery at tindahan hindi dahil sa marami ang bumibili – kundi sa mga nagwawalang mga tao na desperado na para mabuhay. Pinatay na nga nila ang mga nagbabantay para lamang malaya silang makakuha ng mga pangunahing pangangailangan. Naging mabenta rin ang mga gas mask upang makaiwas sa smog.

Ano nga ba ang Mitholyndia virus? Ito lang naman ang virus na naghahalo sa polutadong hangin at may kakayahan rin ito na mag-mutate sa mabilis na panahon. Hindi pa tukoy kung saan ito nagmula ayon sa mga eksperto. Ang mga carrier nito ay tinawag nilang mga 'Infected.'

Sa petsang Setyembre 30, 2027, nai-leak ng isang inhinyera ang isang top-secret file na naglalaman ng mga detalye ukol sa mga itinayong 'Greenhouse.' Base sa pinakita ng inhinyera na may pangalang Aryana van Durken mula Olanda o the Netherlands, ang Greenhouse ay isang malaking bunker na kinonsepto noon pa noong kasagsagan ng Digmaang Malamig sa takot na mangyari ang posibleng digmaang tatapos sa sangkatauhan.

Base sa mga conspiracy theory na kumakalat, ang mga Greenhouse ay ginawa lamang para magsilbing tahanan ng mga mayayaman at may kakayahang magbayad. Pinabulaan naman ito ng pamahalaan at hindi pa ito binubuksan sapagkat hindi pa tapos ang pagtatayo.

Dahil dito, mas naging marahas ang mga tao sa puwersa ng pamahalaan. Sa katunayan, limang pulis at 13 protestador ang namatay sa kasagsagan ng riot sa Italya at madugo rin ang naging sitwasyon sa Turkiya matapos ang riot sa pagitan ng mga denialista at puwersa ng pamahalaan. Nauwi nga ito sa pagkamatay ng apat na demonstrador at isang pulis. Sumabay pa sa insidente ang pag-abot ng smog sa kanilang kinalalagyan na matagal na lumamon sa Sirya at Hordan. Matapos ang 24 na oras, pinasok na rin ng nakamamatay na smog ang bansang Israel.

Noong Oktubre 17, 2027, isa-isa na naglulubugan ang mga isla sa karagatang pasipiko. Nabura na sa mapa ng daigdig ang mga bansang Vanuatu, Fiji, French Polynesia, Maldives. Tatlong araw na ang natapos at sumunod naman sa listahan ang Iska Pasko o Christmas Islands sa wikang Ingles, Komoros, Seychelles , Micronesia at iba pang mga bansa na masasabing nasa gitna mismo ng dagat.

Sa pagpatak ng Araw ng mga Patay, imbes na pagdadalamhati at paririkamay sa mga namatayan ang nangibabaw, kaliwa't kanang balita tungkol sa gulo at bandalismo ang pumuno sa mga headline ng balita na kung saan, humihiling ang mga mamamayan na ipasok na sila sa Greenhouse para hindi na sila maabutan pa ng virus. Inabot na rin ang Korea at Hapon ng smog.

Kinabukasan, umulan ng acid rain sa siyudad ng Athens at sa iba pang bahagi ng Balkan Europa katulad ng Serbiya. Nasira ang mga pananim at imprastraktura at ang mga napatakan ng acid rain ay naging mga abo na lamang pero matigas na parang kongkreto. Ilan sa mga sasakyan ay sumabog dahil sa reaksyon ng asido sa makina. Kumalat pa ang smog sa Silangang Europa at ang mas malala, nasama na ang radiation mula sa Pripyat na pinakamalapit pa naman sa sumabog na Reactor 4 ng Chernobyl Nuclear Power Plant noong 1986.

Nobyembre 10, 2027. Naulit sa Pilipinas ang naranasan nito sa bagong Yolanda o sa internasyonal na pangalan, Haiyan. Halos humigit-kumulang sa tatlong-daang libong katao ang namatay. Kasabay nito, umabot na rin ang smog sa Timog-Silangang Asya. Bakit tumagal ang panahon kaysa inaasahan? Dahil ito'y sa direksyon ng hangin.

Samantala, sa parehong petsa rin, nakapasok na ang virus sa iba pang bahagi ng Europa, halimbawa, sa bansang Pransya, 500 kaso ng Mitholyndia virus ang agad naitala kaya nila sa Scarlet level ang Vigipirate kahit na kadalasang ginagamit lamang kapag may banta ng terorismo at pananakop. Ito ang naging sanhi kung bakit ang Schengen Area na isang polisiya ng Unyong Europeo ay agad-agad pinatigil sa takot na kumalat sa kanila ang virus pero huli na ang lahat para sa kanila. 

Sa katunayan nga, sinunog na lang ng Bundeswehr o Hukbong Katihan ng Alemanya, na may basbas ng Chancellor, ang mga pasyente na agad na lamang pinatay para hindi na maging Infected pa kahit na kinondena ito ng mga aktibista sa aspetong Karapatang Pantao. Unti-unti namang kinokonsumo ng kumakalat na smog ang halos buong Rusya at Sentral Asya.

Tatlong araw matapos ang unang pagkatala ng kaso ng Mitholyndia virus sa bansang Pransya, ang mga residente sa bansang Ukrainiya ay nag-ulat sa media na ang mga hayop sa lupa, himpapawid at dagat ay nag-mutate at nananakot na rin sa mga tao. May mga balita ring mga residente ng Kiev na nakakaranas ngayon ng sintomas ng Acute Radiation Syndrome. Ang simpleng ibon ay tumutuka na rin sa ulo ng isang biktima hanggang sa mamatay.

 Dahil sa bilis ng paghawa ng virus, ang kahalating populasyon ng daigdig ay naging mga Infected na – ang pormal na tawag sa kanila matapos ang emergency meeting sa Suwisa (Switzerland). Napagtanto rin na ang Mitholyndia virus ay hindi lamang isang virus na kumakalat sa hangin – pati na rin sa tubig.

Ilang oras lang matapos ang emergency meeting, may mga ulat na ang mga tao ay kinakain na rin ang isa't isa para lamang mabuhay. Ang inflation ay napakataas na na kung saan ang pera ay isa na lamang maituturing na papel. Umangat na rin sa 'all-time high' ang kaso ng krimen base sa istatistika ng mga bansa sa daigdig.

Dalawang linggo na ang nakalipas, nakaranas naman ang Queensland sa bansang Australiya ng acid rain na kumitil sa buhay ng pitong katao at nagtala ng gastos na humigit-kumulang sa tatlong trilyong Dolyar Australyano. Pinabigat pa ito ng smog na nakapasok na sa kanilang bansa na nagpalala pa sa sitwasyon. Maraming mga riot ang nangyari.

Disyembre 4, 2027. Nakapagtala ng unang kaso ng Mitholyndia sa Estados Unidos. Kumalat na rin ang smog sa kanilang bansa at matapos lamang ang tatlong buwan, sinakop na ng smog ang Hilagang Amerika at patuloy naman nilalamon ang katimugang bahagi.

Sa bahagi naman ng Aprika, unang nagapi ang Ehipto at Ethiopia na nakaranas ng matinding taggutom. Hindi na malaman kung gaano kabilis ang pagkalat ng virus lalo na't karamihan sa mga bahagi ng kontinenteng nabanggit ay nakakaranas ng kung hindi digmaan, ay malawak na pagkagutom at pagpatay base sa lahi o tinatawag na ethnic cleasing. Mula noon, wala na balita pang lumalabas mula sa iba't ibang panig ng daigdig. 

Matapos ang pitong buwan, halos buong sangkatauhan na ang nabura. Ang mga nakaligtas katulad ko? Nabubuhay na ngayon sa mga tinayong Greenhouse at pilit na binubuhay ang ating mga sarili. Ang tinatawag naming ibabaw ay nangangahulungang kamatayan, kaya ang mga pumunta lamang doon ay may kakayahan na makipaglaban at may lakas ng loob.

_____________________

Sa matagal kong pamumuhay sa Greenhouse, hindi ko pa rin alam kung ilan kaming lahat nakaligtas. Hindi ko rin batid kung mayroon pang mga humihinga sa iba pang panig ng mundo. Ang alam ko lang – nagbago na ang takbo ng aming buhay. Matindi ang naging modipikasyon ng ecosystem at ang paghahari ng mga tao ay lumipas na. Ang tanong ko sa aking sarili, papatawarin pa ba tayo ng Dios sa ating ginawang paglapastangan sa kanyang mga nilikha? Bibigyan pa ba Niya tayo ng ikalawang pagkakataon? Hindi ko alam.

Tayo ang sumira sa ating mundo. Tayo ang gumawa ng Environmental Hazard.

   

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

[Sa mata ng batang Yura]

Gabi na sa labas at ang mga ilaw mula sa mga matatayog na gusali ay nagpapaliwanag sa siyudad ng Makati at nagsisilbing gabay sa pagtulog ng araw. Masarap ang hanging humahaplos at humahawak sa aking katawan at ang mga bituin ay kumikislap sa kabila ng madilim na kalangitan. Bilog na bilog ang buwan sa itaas.

Sa gawing ibaba naman, tanaw ko ang Koreatown – ang lugar na kung saan matatagpuan ang aming condominium. Maraming mga pamilihang Koreano ang nagsulputan na parang mga kabute magmula sa mga restawran na tinatampok ang pangkaing Koreano hanggang sa mga grocery store. Dumadaan rin ang ilan sa mga sasakyan sa kalsadang natatanaw ko.

"Yura, gusto mo bang mag-laro?"

Ah, si Angela nga pala. Siya ang aking nakababatang kapatid at alam ninyo, mahilig siyang maglaro ng mga laruang pambabae. Araw-araw nga ay binabasahan ng aking ina ang kapatid ko ng mga istoryang pang-tulog. Kung hindi ito mangyayari, hahagulgol siya.

Lumingon ako sa kanya. Bihis pambahay at may hawak na manika sa kanang kamay. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nilapitan ko na siya. Pinuntahan pa namin ang living room na kung saan kami madalas mag-laro. Doon, mayroong kulay puti na sofa na nilagyan ng dalawang unan at sa harapan, sampung limang metro ang layo, matatagpuan ang tatak-LG flat-screen T.V. na nakapatong sa T.V. cabinet.

Malapit naman dito sa sofa ay ang maliit na mesang salamin na pinatungan ng pasong bulaklak na nilagyan ng aloe vera. Nakalagay rin sa mesang iyon ang remote.

"Gusto mo bang malaman kung sino siya?" Tanong niya sa akin. Mahilig talaga siyang maglaro ng ganito, ako ang manghuhula at siya ang sasagot. Teka, mukhang alam ko na.

"Ah... si Lyne Fosterialia?"

"Hindi." Sabi ko na nga ba eh. "Siya ay si Angela Lee! Siya ay isang modelo ng mga damit na magiging endorser pa ako! Pangarap niyang maging model!"

"Magiging model ka rin balang araw! 안녕 (annyeong! [Hello!]), nandito na si Papa!"

"아빠! (appa! [Itay!])" Sabay pa namin na pagkakabanggit!"

Si Matthew Lee o sa madaling salita, aming ama. Mga nasa edad 45 anyos na siya at dahil mula sa trabaho, naka-suot siya ng pormal na damit. Ipinipinta ng kanyang mukha ang saya at pinapakita ng mga labi ang ngiti niya. Sigurado ako na mayroon na naman siyang nakuhang promosyon sa pinagtatrabauhan niya sa Bonifacio Global City.

Lumapit na kaming dalawa sa aming itay at nagyakapan sa isa't isa. Nagbatuhan na rin kami ng mga halik sa mga mukha namin at matapos ang saglit na pagpapalit ng aming pagmamahalan sa relasyon ng tatay at anak? Umupo na kami sa sofa. Pinakita ni Angela ang manika na nilalaro namin kanina.

"Sino siya?"

"Ang hawak ko po ngayon ay si Angela Lee! Isang modelo sa Giordano at nakatira sa Milan, Italya – ang isa sa mga Top 5 na siyudad pagdating sa pagmomodelo!" Nilakad niya pa talaga ang manika sa mesang salamin ang lapag. "Balang araw, rarampa po ako sa catwalk ng Milan! Io sono una supermodella! (Ako'y isang supermodel!)"

"Maabot mo rin ang pangarap mo balang araw. Ikaw naman, Yura. Ano ang gusto mo maging balang araw?"

"Maging isa rin pong modelo. Kaso sa akin naman, ang ispesyalidad ko naman ay mga cosplay!"

"Oh siya, may ikukuwento ba kayo sa akin na kung saan ay magiging hakbang ang mga iyon para maging mga modelo kayo?"

Umalis panandalian si Angela at may kinuha sa kanyang maliit na bag. Isang libro na ang pamagat ay 'Filipino Para Sa Lahat: Unang Baitang' ang nahugot at pinakita niya na naman kay itay ang mataas niyang grado. 20/20 – perfect kumbaga.

"Aba, magaling! Angela, gusto ko ang ginagawa mo sa eskwelahan. Nakakasagot ka ba sa klase?"

"Opo, itay. Nagtataas po lagi ako ng kamay."

"Gusto ko iyan, Angela. Yura, musta ang eskwelahan?"

"Ok lang po. Tinuro lang naman po sa amin ang tungkol sa mga astronaut. Natutunan ko nga po na ang 'Celsius' sa temperatura ay nakuha mula buong pangalan ng isang astronaut na mula sa Suwesiya o Sweden sa wikang Ingles. Anders Celsius."

"Isang bagong kaalaman iyan, Yura! Ano-ano pa ang mga natutunan mo? Mayroon ka bang ipapakita sa akin na nagbibigay sa akin ng karagdagang lakas para mag-trabaho pa?"

"Si Yuri Gagarin ay ang unang astronaut na nakapunta sa kalawakan at ang unang paglapag ng mga tao sa buwan na pinamumunuan ni Neil Armstrong."

"Tungkol naman sa mga grades?"

"Recitation ko? Nakakuha po ako ng tatlong stub mula sa aking guro matapos kong sagutin ang tanong niya tungkol po sa mga fractions."

"Aba, mahusay! Alam nyo ba, mayroon rin akong ibibigay sa inyo na magiging dahilan para magsipag pa kayo sa pag-aaral?"

"Ano po iyon?" Sabay naming tanong sa aming ama na mahilig talagang magbigay ng mga supresa.

"Na-promote na ako! Isa na akong boss sa kompanyang pinapasukan ko sa Bonifacio Global City!"

"Talaga po?" Hindi ako makapaniwala. "Binabati ka na po namin, itay!"

"Yakap!"

Nagyakapan kami sa isa't isa pero matiyagang inabot ni Matthew Lee ang remote saka binuksan ang telebisyon. Tutal, kakapanood ko lang ng kakataps lang na palabas sa TV5 tungkol sa mga tips kung paano maging isang modelo na kung saan si Angela ay titig na titig kanina sa screen ng telebisyon. Ang pamagat ng palabas na iyon? Asia's Next Top Model. Wala kaming pake sa season ngunit sigurado ako na mga bagong episode iyon.

Pinindot na ang power sa remote at pinakita na ng screen ang logo ng LG saka pinakita na ang pinapalabas ngayon sa GMA 7 na ang tema ay pag-ibig sa nakalipas na Dinastiyang Joseon. Ang eksenang pinapakita ngayon sa telebisyon ay ang pakikipaglaban na sa tingin ko ay bida kontra sa hari ng kalaban nilang imperyo.

_________________

"Hindi kita titigilan! Sugod!" Ayon sa audio na naririnig ko sa telebisyon ngayon.

_________________

"Tara, maglaro tayo. Kunwari ay mga model tayo."

"Sige."

Sumugod na kami sa gilid ng living room at naglaro na ng kami ng model. Ang catwalk ay ang daanan patungong kusina at pabalik. Oh siya, nagbato-bato-pik pa kami. Bato, papel o gunting? Kailangan kong manalo para ako ang unang rarampa dahil unang tira lang at kapag talo, si Angela ang mauuna. Kapag siya naman ang talo, ako ang mauuna.

"Bato, bato, pik!"

Ah, kainis. Si Angela nga ang mauuna. Oh sige na nga, ikaw na. Di bale, nagsimula na siyang rumampa. Kita ang aura sa paglalakad niya at taas-noo siyang natutuwa sa ginagawa niya ito. Umikot pabalik at naglakad. Pagkakataon ko naman. Naglakad na ako sa rutang nilakad ng aking kapatid at pinakita ko na ang aking aura at alas para masabi na ako'y isang model. Ginaya ko si Angela at pak! Nagawa ko na ang dapat kong gawin.

"Halika na, kakain na tayo!"

Tumawag na ang aming inay na ang pangalan ay Andrea Lee. Ang mga magulang ko talaga ay parehong Koreana kaya masasabi ko sa aking sarili na ako'y isang Koreana pero Filipino sa paraang de jure at sa paraan ng pamumuhay. Dahil na rin ito siguro sa paglipat namin sa bansang ito para mag-negosyo ng restawran sa Pampanga.

"Ano po ang ulam natin?"

"Adobong manok!"

"Yehey!" Sigaw namin pareho at niyakap si mama.

Nakipagkarerahan pa kami sa pag-upo sa mga upuan. Magkatabi pa kaming nagtawan matapos mauna na naman si Angela sa pag-upo. Hahahahaha. Kaya, tumabi na lang ako sa gawing kanan niya at umupo. Nilatag na ng aming nanay ang mga plato at ang dalawang malalaking tasa na ang laman ay kanin sa isa at adobo sa isa pa. Ang paraan ng paghahanada ng kubyertos ay talagang binase pa sa restawran.

Maliban kasi sa part-time model, chef rin ang aming nanay na si Andrea Lee. Sa kanya kami kumukuha ng inspirasyon kung bakit nangangarap kami maging modelo sa isang clothing brand o freelance. Kahit ano lang sa dalawa, ok na kami. Tinawag na ni Andrea si Matthew.

"Honey, kain na!"

"Mamaya na ako kakain, magpapahinga pa ako."

"Mahirap hintayin ang pagkain, baka magtampo!"

"Oh, mamaya na ako." Nagbago kaagad ang isip niya. "Sige na nga."

Wala na siyang nagawa kaya napilitan siya na tumayo at ihinto ang kanyang panonood sa telebisyon saka pumunta na sa kusina na kung saan matatagpuan sa gitna ang mesa na pinaglalagyan ngayon mga kubyertos, tissue, tasa, at aming makakain.

Halata naman na sa kalan elektronika na kakatapos lamang ng pagkakaluto. Malapit lang naman ito sa lababo. Kaunti lamang ang distansya ng lababo mula sa refrigerador na kung saan, sasabihin namin ang salitang '아싸! (assa! [Dyakpot!])' kapag nakakakuha ng pagkain lalo na kapag keyk.

Matindi ang interes ko sa mga keyk, siguro ay dahil na rin sa impluwensya ng aking ina na nagturo pa sa akin kung paano gumawa ng cupcake na nagsisilbing ugat kung bakit mayroong horno na malapit sa kalan. Katabi ng refrigerador ang water dispenser.

Sumasandok na si Andrea ng kanin at nilalagay sa aming mga plato. Tatlong sandok kada tao. Kaya naman, labingdalawang ulit ito ginawa at ang serve spoon ng tasa sa abodo ay handang-handa na.

"Alam nyo ba kung ano ang una nating gagawin bago kumain?" Ani Andrea.

"Ang magdasal." Sagot naming lahat.

"Mabuti. Tara na't magdasal na tayo. Teka, di ba, si Yura na ang mamumuno sa panalangin natin ngayong araw?"

"Opo, ako nga po ang susunod. Simulan na po natin."

Ayan. Sinimulan ko na ang pagdarasal. Pinagbunggo ko ang magkabilang palad at pinostura ang kamay na sa gesturang nananalangin.

"Ama, biyayaan nyo nawa ang mga pagkain na ito sa aming harapan. Gawin nyo po sana ito na hindi lang simpleng pagkain, kundi maging gabay sa aming isipan, laman, at lalong-lalo na po – sa ispirituwal na bagay. Nagpapasalamat na rin po kami sa biyayang ibinigay ninyo sa amin na nakaharap ngayon. Humihiling kami na mabiyayaan nyo rin po ng pagkain ang mga taong nagugutom pati na ang nangangailangan upang masabi po nila na mayroong Dios na gumagabay. Hinihiling po namin ang mga panalangin na ito sa pangalan ng iyong anak na si Hesukristo, AMEN."

"AMEN." Tugon nila.

Tapos na ang aming pagdarasal at nagsimula na ang pagkalapag ng mga kubyertos. Sinabawan na ang kanin at kumuha ng manok kasama ang pinya na panigurado ay mula sa Del Monte Pineapple Tidbits. Talagang kainan hanggang sa maubos ang pagkain sapagkat napakahalaga nito.

Matapos lamang ang dalawampung minuto, natapos na namin ang paglamon at inayos na ang mga ginamit namin sa pagkain. Ngayon, ang aming nanay ang maghuhugas ng mga plato kaya umalis na si Matthew at nainis nang malaman na hindi na ang pinapanood niya ang pinapalabas ngayon sa telebisyon.

_________________

[Sa mga mata ni Matthew]

"Bakit ganito? Emergency broadcast? Ano meron?"

Tanging mga kulay lang at isang mensahe na nagsasabing 'Emergency Broadcast System: This is NOT a drill' na may sagisag ng Pilipinas sa itaas ang aking natatanaw at ang font ay halatang mula pa noong 1980s. Ang background naman sa likuran ay ang larawan na makikita kapag sinimulan na ang sign-off sa isang istasyon ng telebisyon. Ano kaya meron? Hindi ko maintindihan kung bakit?

Naririnig ko na rin ang mga sigaw mula sa labas kaya nagdesisyon ako na sumilip sa bintana. May nadatnan ako na mga sasakyan na matutulin ang takbo pati na ang mga tao na kung hindi nagpapahayag na may mangyayari na hindi ko pa maintindihan, ay mga armadong grupo na bigla na lang papasok sa mga restawran at kukuha ng anuman ang mapakikinabangan nila.

"EMERGENCY BROADCAST. *static* gabi sa inyong lahat." Creepy ang boses. "Ang nagsasalita sa telebisyong ito *static* ay ang Pangulo ng *static* Pilipinas. Ngayong araw, humahagupit na ang *static* lumalamon ngayon sa bayan ng Tarlac *static* probinsya. Ang lahat ng ating mga pinadalang tauhan *static* mula sa *static* NDRRMC at *static* bigla na lang nawala *static* nating kasundaluhan. May mga *static* natatanggap mula sa Kagawaran ng Kalusugan *static* na pumapatay ngayon ng tao. Hiniling *static* sa inyo na *static* sa awtoridad sapagkat dadalhin *static* sa Greenhouse. Ihanda ninyo *static* papeles na nagpapatunay *static* isang mamamayang Filipino. Sa mga *static* na nakatira na, ganoon rin ang *static*" Hindi na natuloy pa ang broadcast at tanging nakaririnding tunog na lamang ang aking naririnig. Tooooooooot.

"Ano ang nangyayari, honey?"

"Hon, ihanda mo na ang mga papeles. Birth certificate, pasaporte, papel de imigracion (immigration paper), business permit at iba pang mahahalagang papel. Yura, kunin mo ang susi ng sasakyan na nasa kuwarto ko – kabinet. Ikaw naman Angela, ihanda nyo na ang inyong mga school ID. Ilagay nyo lahat sa mesa at maglalagay ako ng malaking bag para doon ninyo ilagay ang mga dapat ilagay. Aalis na tayo dito."

May narinig pa na isang pagsabog di kalayuan. Nagulat ang dalawa kong anak.

"Itay, ano po meron?"

"Hindi ko alam. Basta, gawin nyo na lang ang pinapagawa ko."

Kumilos na sila at hinanap na ang aking pinahahanap. Pinaalala ni Andrea ang tungkol sa leaflet na binigay ng pamahalaan noong namumuo pa lang ang problemang ito.

"Naalala mo pa ba ang leaflet na binigay mo sa akin? Kukunin ko."

"Sige, ako naman ang bahala sa baril pati na ang mga kakailangin para mabuhay tayo ng tatlong araw."

Hinanap na namin ang aming mga gamit. Mabilis kong hinanap ang lalagyan ng mga gamot at nilagay ko sa ibabaw ng mesa. Pinasok ko pa ang aking kuwarto na kung saan naroon sina Yura at Angela saka binuksan ko ang kabinet na hindi nila naaabot. Kinuha ko ang Beretta 92FS at nilagyan ng magasin na punong-puno. 15 rounds na may dalawa pang reserbang magasin. Sinunod ko naman na ayusin ay ang pistol holster at nilagay ko doon ang baril. Malaking benepisyo talaga ang maging isang miyembro ng shooting club.

Sinunod ko naman na kunin ay ang Benneli M4 automatic-shotgun at ang kahon na naglalaman ng mga shotgun shell. Nilagay ko sa kama ang kahon at binuksan. Pagkatapos ay binuksan ko muna ang ejection port na nagsisilbi na rin na charging handle at nilagay ang 12 gauge na bala sa chamber saka tinakpan. Sinunod ko naman ang paglalagay pa ng lima pang bala. Saktong naubos. Kinasa ko na ang parehong baril at lumabas kasama ang dalawa kong anak na nakuha na ang mga I.D.

Sa kusina, nadatnan ko na ang isang malaking bag na nilalagyan ni Andrea ngayon ng mga kakailanganin. Mga lata ng tuna, corned beef at sardinas, tatlong 1000 mL ng bote ng mineral water – puno, lalagyan na kung saan naroon ang mga gamot at ang mga damit. Tinapon na rin sa malaking bag ang isang mahabang sobreng plastik na pinaglalagyan naman ng mga importanteng papele.s Tapos na rin hanapin ng aking mga anak ang kanilang mga I.D.

"Kumpleto na ba?"

Tumango lang sila. Tinignan ko pa ang laman sa loob at sigurado ako na kumpleto na. Sinarado ko na ang zipper ng malaking bag na ito at sinabit ko na sa aking likuran. Hinawakan ko na rin nang mahigpit ang M4 shotgun at lumabas na ng aming kuwarto.

_________________

[Sa mga mata ng batang Yura]

"Ano po ba ang nangyayari?" Tanong ko sa aking mga magulang.

"Hindi ko rin alam, anak. Basta, sumunod ka na lang kay tatay."

Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Ano ba ang nagaganap at bakit parang halos lahat ay tarantang-taranta? Wala naman akong ideya kung ano meron kaya sumunod na lang ako sa aking mga magulang na sumugod papuntang basement at pumunta sa aming sasakyan.

Talagang magulo na sa basement dahil sa sigawan ng mga tao at ang mabilisang paglabas ng mga kotse para makaligtas lang sa kung anoman iyon. Ang ilan sa kanila ay may dala pang mga baril na sa aking mga mata, nakakatakot silang tignan.

Tapos na ang paglalagay ng malaking bag sa trunk ng kotse na kami ang nagmamay-ari. Sinaksak na ng aking ama ang susi sa susian at binuksan ang pinto saka pumasok. Taranta ring pinagana ang makina ng kulay pulang Toyota Vios at may pinindot siya sa maliit na remote control na iyon.

"Pasok na!"

Mabilis naman kaming sumakay sa kotse at sinara na kaagad ang pinto. Gamit ang remote control, ni-lock niya na ng aking tatay ang mga pintuan ng sasakyan. Umiiyak naman si Angela sa dahilang may naririnig na siya na mga putok ng baril. Gusto ko man pakalmahin pero kahit ako ay, natatakot.

Tinapakan niya na ang accelerator at lumabas na ng basement. Talagang magulo na sa labas na umabot na sa puntong hindi ko na sila maintindihan pa. Sa aming pagdaan sa mga kalsada, Kung hindi mga sunog na gamit o pinagbababaril na grocery store, makikita ang mga helikoptero na lumilipad sa himpapawid, nagpapalabas ng mabibilis na projectile.

Narating na namin ang EDSA at talagang hinarurot ni papa ang pagmamaneho. Nakita nga rin namin doon ang mga trak ng militar na nagdadala ng mga sundalo at sibilyan. Ang hindi naman pinalad, maglalakad nang napakalayo.

"Buksan mo ang radyo." Ani Andrea. "Nababahala talaga ako sa nangyayari ngayon." Nakarinig ng isang malakas na pagsabog mula sa nag-leak na trailer truck na ang dala ay gasolina. Hindi na nakakapagtaka na nasakop na ang buong kalsada kaya naman ito sunog. At, ano ang mga tao doon sa nakikita ko sa harapan na halatang

"엄마 (eomma! [Inay!])" Humahagulgol na si Angela sa takot. Pinapatahan ko naman siya.

"Hindi tayo iiwanan ni Mama at Papa."

"Mga anak, hindi ko kayo iiwanan." Paalala ni Matthew bago pa kinambyo pakanan ang sasakyan para maiwasan ang nasusunog na bahagi ng EDSA.

Kasunod na kanyang ginawa ay ang pagbubukas ng radyo. Bakit ganoon? Static na lang ang lumalabas sa mga speaker? Di ba, kung hindi musika ay mga balita ang aming maririnig? Bakit static?

"Bakit static? Paano natin malalaman ang balita? Sige, honey. Ilipat mo sa iba."

Pagkatapos ilipat ng aking ina ang istasyon ng radyo, wala pa ring nangyari. Static na talaga ang lahat.

"Static na ang nilalabas ng mga istasyon ng radyo ngayon. Hindi ko naman alam kung bakit."

"Baka siguro ay nagpapaunahan na rin sila sa pagpasok sa Greenhouse. Akin na ang mapa, baka naliligaw na tayo."

Hindi lang simpleng mapa iyon. Isang flash drive ang aking nakita sa kamay ng aking ina at sinaksak sa USB Port. Nagmamaneho si tatay habang si inay naman ay hinahanap pa ang file. At matapos lang ang ilang sandali, nahanap na rin ang file.

"Eto, nasa Quezon ang pinakamalapit na Greenhouse. Tapos, ang istasyon naman ng tren na magiging entry natin sa Greenhouse ay nasa Muntinlupa naman. Dali, iharurot mo na doon!"

"Ok, gagawin ko na." Nabangga niya pa ang isang tao na nagmamadaling tumawid.

"Hon, ano ang ginawa mo?"

"Pa, ano po iyon?" Tanong ko naman sa kanya.

"Wala na tayong magagawa pa para mailigtas o mapanagot tayo. Kailangan na nating magmadali."

Mabilis ang pagharurot ng sasakyan kahit na kasalubong na namin ay ang mga trak ng militar pati na ang iba pang mga kotse na nagmamadaling makaalis sa siyudad na ito. Nang papalapit na kami nang palalapit, pabagal naman nang pabagal ang harurot at sa gawing kalsada na kung saan malapit na kami sa istasyon ng tren, tinapakan na ni itay ang preno, may pinidot sa remote at lumabas. Binuksan niya na rin ang trunk at pinalabas na kami.

"Lumabas na kayo! Hindi na mapapasok ito ng mga sasakyan!"

May naririnig pa kaming putok ng baril. Kahit ako'y takot na takot nang marinig iyon. Hinawakan ko na lang si Angela sa kamay at sumusunod naman ako kay itay. Pinalalabas niya na si Andrea.

"Hon, lumabas na tayo!"

Ang mga halimaw ay nagsidatingan na. Isa-isa na nilang pinagkakakagat ang mga residente pati na ang iba pang mga nakatira. Kita na rin ang parang isang malaking ulap na tumatakip na sa ganda ng mga ilaw ng Kalakhang Maynila.

"Hon, sundan mo lang ako. Angela, Yura! Nasaan na kayo?"

"Nandito po kami!" Bulyaw ko sa kanya.

"Tara na, hindi tayo puwedeng manatili pa dito. Sundan nyo lang ako. Tatahakin natin ang eskinitang iyon."

Naglakad na kami sa eskinitang natagpuan niya. May mga tao na kinakain ang laman ng kapuwa tao. Grayish-white ang kulay ng kanilang mga balat at parang basa ang kanilang mga katawan. Hindi ko alam, ano ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari sa kanila? Wala na ba sila sa tamang pag-iisip?

Sinubukan ng isa sa mga nakakatakot na mga nilalang na iyon na kalmutin ako kahit na tumatakbo.

"아빠, 도와주세요! (appa, dowajuseyo! [Itay, tulungan mo ako!])"

"Yura!"

Tumalikod na ang aking itay at binaril na ang nilalang na iyon. Hugis tao pero papatay ng tao. Di kalayuan, tanaw naman namin ang isang babae, 21 anyos, na kinakain na siya ng mga halimaw. Nakakatakot sila.

"Kumaliwa tayo!"

"Ahhh!" Sigaw niya at pagkatapos, napatumba na lamang sa lupa.

"Honey!"

"Inay!"

Hindi maaari, nakagat na rin siya ng mga iyon! Ayokong maging isa ang aking ina sa kanila! Pinagkakakagat na siya ng babaeng halimaw na kumakain ng tao. Binaril na ni Matthew Lee ang halimaw sa ulo. Sa leeg ang kanyang tinamaan na kagat. Lumapit na kami sa aming nanay pero pinapaalis niya na kami. Ganoon rin ang ginawa ng aming ama.

"Hon, hindi!"

"Umalis na kayo, hindi na nila ako tatanggapin."

"Hindi maaari!"

"Alis na. Paalam na sa inyo."

Sumugod na rin ang iba pa na tulad nila. Kami naman ay takot na takot kaya napatakbo na lamang kami. Lalong umiyak si Angela. Gumanti naman ang aming papa ng mga putok ng baril habang tumatakbo pero narinig pa namin ang isa pang pagsabog di kalayuan. Palapit na nang palapit ang mga ulap na nakikita ko sa itaas. Isa sa mga helikoptero na nakita kong lumilipad ay sumugod sa mga ulap na papalapit na sa amin. Talagang itim na pinaghalong gray at kayumanggi.

"Pa, ano po yung ulap na iyan?"

"Hindi ko pa alam, pero sumunod lang kayo sa akin."

Matapos ang pagpupunta sa eskinita, sa wakas, narating na namin ang harapan ng istasyon ng tren. Katulad nga ng aming inaasahan, bantay-sarado ito ng mga sundalo pero ang mga tao ay nagkukumahog na pumasok. Pumasok na ako sa loob at Natutulak ako at parang... may kakaiba. Bakit hindi ko na makita sina Angela pati ang aking ama? Ano meron? Parang naliligaw ako.

"Angela? Itay? ANGELA! ITAY!" Tumutulo na ang aking mga luha sapagkat nahiwalay na ako sa kanila.

Sinubukan ko pang bumalik pero unti-unti na nagsasara ang mga pintuan. Tinakbuhan ko pa pero dahil nga sa dami ng tao, hindi ko na sila naabutan pa. Matapos lamang ang limang minuto naisara na ang mga pintuan, wala na akong nagawa pa. Nasama na ako sa agos ng mga tao na nais makaligtas, wala sina Angela o ang aking ama. Kahit anino ay hindi nagpakita sa akin. Sa madaling salita, dumilim ang aking mundo.

"Hinddddddddddddddddddi!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1: Bangungot

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 2: Torture

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 3: Pulang Rebolusyon

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 4: Araw ng Suweldo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 5: Isang Malupit na Kritiko

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 6: Kalsada A-15

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 7: Hazing

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 8: Ilog ng Tiwala at Pangamba

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 9-1: Sa Ibabaw ng Daigdig

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 9-2: Maikling Laro

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 10: Hwasa

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 11: Malungkot na Balita

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 12: Yeongdong

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 13: Paglusob sa Artemas

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 14: Kakaibang Dimensyon

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 15: Pagkalabas ng Ospital

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 16: Pagpupurga

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 17-1: Kulturang Mall

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 17-2: Bagong Kaibigan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 18: Naglulunggang Ahas

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 19: Isla Tagaytay

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 20: Bahay Pula

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 21: Isa Pang Yakap

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 22: Pinturang Dugo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 23: Kuwaderno

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 24: Konsensya

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 25-1: Naudlot na Plano

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 25-2: Hindi Inaasahang Pagtatagpo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 26-1: Skravia

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 26-2: Pagpapatunay

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 27-1: Evac Point

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 27-2: Patayin Mo Na Siya

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Author's Note:

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like ArjhayTabios's other books...