Turista

 

Tablo reader up chevron

Dedikasyon

Una sa lahat, ang dedikasyon ay mapupunta sa mga nagbasa ng aking mga akda. Hindi ninyo ako iniwan sa ere. Maraming salamat po. Pangalawa, ang aking pamilya at sa aking kamag-anak. Pangatlo, sa taumbayan at sa Kalikasan. Ang aking crush rin ang aking naging inspirasyon na gawin ito. At sa huli, sa Dios na lumikha sa ating lahat. Kahit na Military Thriller ang genre ng kuwentong ito, may ilalagay pa akong magandang aral para naman may silbi ang pagbabasa nito.

Muli, hindi ko pa rin pinapayagan ang mga ganito:

1) Pangongopya ng aking mga akda

2) Pangongopya sa mga Book Covers at babaguhin ito

Kung sinuman ang lumabag sa dalawang batas na iyan, malalagot siya sa akin.

Ang librong ito ay isang kathang-isip lamang. Mga pangalan, mga karater at mga pangyayari ay imahinasyon lamang ng may-akda. Anumang pagkakahalintulad sa mga pangyayari, at tao ay hindi sinasadya. Wala rin akong ineendorsong mga armas, kompanya, Hukbong Sandatahan at kung anu-ano na meron dito.

HINDI rin sumasalamin sa mga pamahalaan ng mga bansang tinampok sa akdang ito. Ang mga ahensya ng pamahalaan na ginamit sa akdang ito ay ginamit lamang ayon sa kathang-isip na tagpo. Hindi na kasalanan ng may-akda kung bibigyan ng mambabasa ang kulay.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Sypnosis:

Turista. Ito ang tawag sa mga taong pumunta sa mga atraksyong nakasalamin hindi lamang sa kasaysayan, pati na rin sa imahe ng bansa. Sila ang nagsisilbing mga bisita kapag nakatapak ka sa bansang pinuntahan nila o kung sa kaso naman ng lokal, pagtangkilik sa mga lugar ng iyong bayan pati na sa pag-husga sa mga dayong nagsasaya sa bansang ito. Tinutulungan nila ang mga nasyong magkaroon ng kita upang gamitin sa pagpapaganda pa lalo ng lugar at isa pa, may binibigay silang mga trabaho sa ating mga kababayan katulad ng pagiging isang tour guide.

Ang perang ibinabagsak ng mga turista, mapa-lokal man o mula sa ibang bansa, ay malaking halaga na kung maituring. Magagamit ang perang ito hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan at kagandahan ng lugar, pati na rin maiangat ang buhay ng mga nagtatrabaho sa sektor ng turismo. Kumikita rin ang pamahalaan sa mga ganitong aspeto.

Ano-ano ang mga pangkaraniwang gawain ng mga turista? Pupunta sila sa mga magagandang tanawin at kukuha ng litrato, kasama sila o hindi. Kakain ng maraming putahe ng bansang pinuntahan nila o sa aspetong lokal, lalamon ng pagkaing gawa ng sariling kultura. Bibisitahin ang kanilang mga kamag-anak, kung meron man sila. Matuto ng wika ng bansang pupuntahan nila. Gagawa ng mga alaala at marami pang iba. Halos lahat ng ito – may tungkulin ang perang nagpapalago sa ekonomiya ng isang bansa. Sa katunayan nga, isa sa mga importanteng sektor ng ekonomiya ng Pilipinas.

Pero, paano kung sabihin ko sa inyong hindi lahat ng mga turista ay talagang turista?

Ilan sa mga dayo ay ginagawang pagkakataon ang pagiging isang turista upang gawin ang mga kriminal na gawain katulad ng pagdadala ng droga pati na ang terorismo. Ang ibig sabihin nito, hindi lang nagpapalago ng pera ang larangan ng turismo, nagsisilbi rin itong panira sa kita ng bansa.

Bilang sagot sa mga pangyayaring iyan, may mga tagong operasyong isinasagawa ang lahat ng mga bansa upang hulihin at/o patayin ang isang target gamit ang kanilang Pambansang Kaalaman o sa wikang Ingles, 'National Intelligence'. Paano naman ito gumagana? Magpapadala ng misyon ang nakakataas sa tatlong ahente nila at depende sa magiging detalye nito, bibigyan sila ng mga kagamitang angkop sa kanilang magiging paligid.

Ang mga turista ay inaasahang maga-adapt sa kultura ng bansang kung saan man sila nakatapak ngayon. Ganoon rin ang mga Turistang ipinapadala buhat ng isang misyon. Dumarayo rin kami sa mga sikat na atraksyon at kakain. Makikipag-kaibigan kami sa mga lokal at kukuha ng mga litrato ng mga magagandang tanawin – kasama kami o hindi. Pag-aaralan ang wika nila. Gagawa kami ng mga alaala. Halos parehas lang ang mga ginagawa ng ordinayong turista pati na rin ang iba pang uri ng Turista. Pero, hindi kami basta-bastang mga dayo. Sapagkat kapag tinawag na kami ng tungkuling iniatang sa amin ng Republika, kami'y mawawala na sa inyong mga tingin at gagawin ang mga dapat gawin.

Hindi lahat ng mga turista ay talagang mga turista. Kami'y mga Turista at kami'y mga dayo lamang.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

[Sa mga mata ni Isabel]

Ang buwan ay tuwang-tuwa ngayon sa mga nangyayari sa isa sa mga kilalang siyudad sa bansang Thailand – ang Pattaya. At ano pa ba ang dahilan kung bakit kilala ang lungsod? Eh ‘di sa ‘Walking Street’ lang naman. Kada gabi, nagbubukas ang mga club dito at pagkakataon naman ito ng mga lokal pati na ng mga banyagang makita ang tinaguriang ‘red light district’ sa bansang nabanggit. Club doon, club dito. Baka mahilo ako sa kakapili kung ano ang club ang nararapat sa akin kung sakaling gusto ko ng aliw, isama na rin ang mga karatulang may mga pangalan ng kanya-kanyang club. Pero, hindi ko gustong paglaruan ang pita ng aking katawan.

Maliban sa mga pampabigay ng aliw, matatagpuan rin dito ang ilang kainang nagpapaalala sa akin noong nasa Lungsod ng Anglees pa ako. Kadalasan, inaalok rito ang mga pagkaing tatak Thai at hinaluan pa ito ng iba pang putahe mula sa iba’t ibang bansa. Kahit may kasikipan ang mga kalsada, hindi talaga mapipigilan ang mga pumupunta rito upang maghanap ng kasiyahan kaya sa aking paghihintay, may mga naabutan akong ilang babaeng parang naghihintay ng kanilang magiging kliyente kapalit ng pera.

Pinadala ang Falcon 3 na binubuo nina Francis ‘Drakono’ Reyes, Richard ‘Razor’ Perez, at ako – Isabel ‘Capitana’ Santos. Bakit nga ba ‘Capitana’ ang aking alyas? Sapagkat gusto kong maipakita ang aking pagiging isang babaeng 24 anyos, mula sa Lungsod ng Zamboanga. Lahat kami’y nakaposisyon na para mahuli ang malaking lobo sa The Triangle – ang barahang sangkot sa bagong banta ng ‘Humanoterorismo’ o ‘Humanoterrorism’ sa wikang Ingles. Nakaupo ako sa isang kainan dito, nag-oobserba. Ang callsign ng aming Forward Operating Base sa Bangkok ay ‘HQ’ at istandard ito sa lahat ng aming hanay.

“HQ, nasa designadong Area of Operations na kami ngayon.”

“Roger that, Falcon 3. May visual na ba kayo sa target?”

“Negative sa ngayon.”

“Balitaan niyo na lang kami kapag nakumpirma ninyong nandiyan siya.”

“Copy that.”

Dumating sa aking tinatambayan ang dalawang Thai na sa aking palagay, ay magkasintahan. Magda-date siguro sila kaya pagkatapos ng mahaba kong pag-upo, tumayo ako upang bigyan sila ng respeto.

“Salamat po.” Wika ng lalaki.

“Walang anoman.”

Lumabas na ako at saka ko ipinaulat ang aking mga kasama sa Falcon 3. Hangin pa rin ang nakikita ko sa aming minamanmanan.

“Drakono, Razor – report, over.”

“Capitana, ito si Drakono. Malapit ako sa dalampasigan, dulo ng Walking Street.” Ulat ng alyas Drakono. “Walang sinyales ni The Courier ngayon.”

“Narito si Razor, Capitana. Nasa restawran ako, malapit sa kanto. 8 Tours Restaurant, kung gusto mong malamang kung nasaan ako.”

“Hindi tayo pumunta dito para gawin ang inaasahan nilang gagawin natin.” Nagbigay ako ng liwanag sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit narito kami. Baka kasi mahatak sila ng tukso. “Ang hinahanap natin ay ang lalaking may alyas na The Courier. Siya lang naman ang sinasabi ng ating intel mula sa loob ng The Triangle na nagbabakasyon ngayon sa Pattaya, o sabihin na nating gusto nilang maglagay ng galamay dito. At iyon ang iniiwasan natin upang hindi sila lalong lumakas pa.”

“Oo, alam ko. Worldwide ang operasyon ng The Triangle at kapag nahuli natin siya, malaking suntok sa buwan ito sa mga nakakatataas sa kabila.”

Tinignan ko ang smartphone para sa reperensya. Kulay kayumanggi ang balat at batang-bata pa. Nasyonalidad? Filipino. Edad ay nasa 27 taong gulang at ang tangkad ay 5’4”. Marunong mag-Tagalog, Ingles, Ruso, Kastila, Pranses at Thai. Sa aking muling pagtingin sa paligid, dumaan na ang target. Pinalayo ko nang kaunti at panahon na upang bumuntot ako sa kanya.

“Drakono, Razor – target on sight. Inuulit ko, target on sight. Sinusundan ko na siya ngayon. Drakono, maghanap na ka ng posibleng escape vehicle natin kung sakaling magtawag ng pulis ang sinoman dito. Razor, bigyan mo ako ng support.”

“Ano’ng uri ng support?” Tanong niya sa akin.

“Ihanda mo na lang ang baril mo sa posibleng pagsunod naman sa akin ng mga alagad niya. Baka nagdala sila ng pasalubong eksotiko para sa akin.”

Kilala naman ang bansang ito sa mga pagkaing eksotiko katulad ng salagubang. Kahit ako’y sinanay ng pamahalaan sa mga mahihirap na kondisyon, hindi ako basta-basta mapapakain ng ganyang uri ng pagkain. Pero, wala na rin akong magagawa – kultura nila iyon kaya respetuhin na lang.

“Roger that.”

‘Di bale, kung sakaling magkaloko-loko ang lahat katulad ng pagsabog sa aming kober, nasa likuran ko lamang ang P226, gawa mula sa Suwisa o Switzerland sa wikang Ingles. Dinisenyo para sa 9x19 mm Parabellum, kaya nitong magbitbit ng labingpitong bala sa isang magazine at ang maximum range na kayang makapinsala ay 40 metro. Bonus na lang ang suppressor na aking kinabit para hindi makapagsimula ng malaking iskandalo. Sa maikling paalala, sinabihan ko ang Forward Operating Base sa Bangkok.”

“HQ, ito ang Falcon 3. Operator: Capitana. Natanaw na namin ang target. Sinusundan na namin.”

“That’s an affirmative. Maaari niyo siyang saktan upang mapabagal ang pagkilos niya sa inyong paghuli sa kanya. Pero, hindi niyo patayin ang target na isang malaking tiket papunta sa mga pinuno ng The Triangle na sangkot sa mga sari-saring krimen sa Pilipinas.”

“Ok, got it. Sa ngayon, aalis muna ako. Capitana out.”

Sinundan ko ang target at kahit marami-raming tao dito, nagawa ko siyang sundan sa Club Noche. Malaking harang ang aking nadatnan – iniinspeksyon ng mga bantay na suot pa ang amerikana ang mga pumapasok doon. Isabel, isip-isip.

Bingo! May natagpuan akong fire exit at ayon sa istandard, dapat hindi nakakandado ang mga pintuang inilaan upang gawing labasan kung sakaling may mangyaring sakuna katulad ng sunog. Talagang pumunta ako sa likuran ng club upang hindi ako mahalata sa gagawin kong ito. Tinalon ang hagdanan at saka umakyat. Pagkaakyat,  dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Khorosho.

Katulad sa labas, nakikipagkumpetensya ang mga ilaw kung ano ang magiging dominante. Animo’y nagpaalala sa akin ang Star Wars buhat ng mga liwanag. Talagang kasiyahan kung kasiyahan. Kahit nasa ikalawang palapag ako, hindi pa rin nawala ang mga sumasayaw ng pole dancing sa entablado at ang mga manonood naman ay parang nadala sa Cloud Nine sapagkat nalimutan nila ang kanilang mga problema. Ilan sa mga parokyano ng club ay nakaupo at umiinom ng iba’t ibang uri ng alak.

Sa ‘di kalayuan, may parihabang butas na hinaharangan ng mga railing. At siguradong doon sa ibaba nagmumula ang ingay mula sa nagwawalang DJ kasama ang mga nagsasaya sa ibaba. Lumapit ako sa railing at naabutan ko nga ang isang swimming pool na pinagpipiyestahan ngayon ng mga lalaki at babaeng nag-iinit ang katawan ngayong gabi. Ang iba nga sa kanila’y nagdala pa ng water gun para mambasa.

 “Drakono, Razor – nasa loob na ako ng club. Razor, ano ang SITREP sa labas, over?”

“Wala pa naman sa ngayon.”

“Roger that. Drakono, musta ang escape vehicle?”

“Nakadale ako ng SUV mula sa paradahan malapit sa dalampasigan. Whew, ang ganda pala rito. Puwede ba akong tumira panandalian para makahagip ng isang babaeng Thai?”

“Hahahaha. Loko ka. Wala tayo sa dating Siam para maghanap ng magiging girlfriend mo sa panghinaharap. Kalma lang, darating ka rin diyan.”

“Tungkol pala sa target, nakapasok na ba ang animal?”

“Papunta sa kuwartong pang-VIP. Oh sige, pupuntahan ko muna.” Naglakad ako patungo sa hagdanan. “FOB-Bangkok, nasa loob ako ng club na pinasukan ng target. Paumanhin, pansamantala ko munang puputulin ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng Falcon 3 at sa inyo, Capitana out.”

Pansamantala ko munang pinutol ang pakikipagugnayan at nagpokus ako sa misyon ko dito. Dumadag pa sa detalye ng unang palapag ang mga babaeng seksi ang suot na nagbibigay ng fan service at ang bartender, mukhang isang Belarusa, naghahalo ng mga inuming nakakasipa ng pag-iisip. Nagbunganga na naman ang DJ na parang isang leon sa gubat.

“Pattaya, hindi pa tapos ang gabi! Uuwi tayo ng alas-2 ng madaling araw at sabog!” Sa pagsasalita niya, sumasabay ang tugtog. “Nandito tayo ngayon para magsaya! Tara, huwag natin sayangin ang pagkakataong ito! Heto na! NOW PLAYING: LOVE POTION BY GANA.”

Nagsimula nang magbagsak ng beat ang DJ at ang mga nakikisaya ay tuwang-tuwa. Wala naman akong pakialam sa kanya eh, kaya pinuntahan ko na lang ang pintuang binabantayan ng dalawang guwardiya. Katulad ng inaasahan, pinahinto nila ako at hinahanap ang VIP card.

“Ma’am, kailangan niyo pong makakuha ng VIP card para makapasok dito.”

“Paano po ako makakakuha ng VIP card?” Tanong ko sa kanila, kunwaring nagkaroon ako ng interes sa pagtukmal nito.

“Kailangan niyo pong pumunta sa kinauukulan ng Club Noche sa ikalawang palapag at magpaparehistro po kayo doon. Tatlong araw ang itatagal ng proseso. Ang iba pang detalye ay sila na ang magsasabi sa iyo.”

“Salamat po.”

Lumabas ang babae mula sa pintuan sa aking harapan at siguradong mayroon siyang VIP card. Hindi ko puwedeng hintayin ang tatlong araw sa pagpoproseso lamang ng VIP card habang nasa misyon ako! Sundan ko na lang siya at nakawin ang kinakailangang card para makapasok ako sa loob. At ang aking binagsakan? Banyo.

Katulad ng ginagawa ng mga babae, nagpapaganda siya sa harapan ng salamin. Naglabas siya ng make-up kit – foundation, lip gloss, salamin, eyeliner at iba pa. Sinara ko na ang pinto at lumapit sa lababo saka binuksan ang gripo. Bumagsak ang tubig at pagkakataon ko na upang maghugas ng kamay habang ang katabi ko naman ay naglalagay na ng foundation. Samantala sa likod, may limang cubicle na reserbado sa mga iihi.

Matapos ang sampung segundo, pinatay ko ang gripo at saka agad kong sinakal gamit ang kaliwang braso ang leeg ng aking biktima. Parang kadenang mahigpit ang lakas ng aking pagkakasakal. Sinusubukan niya pang pumiglas ngunit hindi niya na nagawa pa. Pinasok ko ang nalagutan ng hininga sa ikatlong cubicle at dahan-dahan kong hinalik ang katawan niya sa lupa. Sinuri ko ang bag kung nasaan ang card at bingo, nakuha ko.

_______________________

Name: Francesca da Silva
Gender: Female (F)
Age: 24 (Twenty-four)
Date of Birth: April 24, 1999
Place of Birth: Sao Paulo
Country of Origin: Brazil (Federal Republic of Brazil; Republica Federativa do Brasil)
Nationality: Brazilian
In Thailand Since: April 10, 2023
VIP Club Membership Expiration Date: May 2027

Notes:
1) This card can only be used in any clubs managed by Do 7 Clubs Ltd. and it’s associates within Thai territory.

2) This card is NON-TRANSFERABLE. Use of this card in other clubs aside from the ones managed by Do 7 Clubs Ltd. and it’s associates will render this card as null and invalid.

3) This VIP card is under the laws of Thailand. Duplication, tampering, identity theft and other illegal uses of this card under Thai laws have punishment according to the rules of the government. It is also expected that the end-user, who holds this card, will pay from one-hundred thousand Thai Bahts (100,000) to one million Thai Bahts (1,000,000) for the locals and five hundred thousand U.S. dollars ($500,000) up to one million, five hundred thousand U.S. dollars ($1,500,000) for the foreigners. The money will be used to repair the damages inflicted to the Do 7 Clubs Ltd. and its associates.

_______________________

Nakuha ko rin ang susi papunta sa loob. Lumabas na ako ng banyo at binalikan ang dalawang guwardiya. Pinakita ko sa kanila ang card na kinuha ko mula sa aking napaslang. Tinignan. Buti na lang at pinapasok nila ako.

“Ang bilis mong mag-suot ng damit.”

“Ah, ganyan talaga.”

“’Di bale na. Bom noite, Senhorita Francesca da Silva.” (Magandang gabi, Binibining Francesca da Silva.)

“Graçias, Senhores.” (Salamat, mga Ginoo.)

Binuksan na nila ang dalawang pinto at ako’y pinapasok na. Umakyat ako papunta sa ikalawang palapag at katulad nga ng inaasahan, iba ang itsura ng club proper sa kuwartong inilaan para sa mga VIP.

Dito sa VIP, libre ang mga alak at inuming para sa mga miyembro nito. Pati rin ang mga babaeng nagbibigay ng fan service ay libre rin at ang mas malala pa, iba’t ibang nasyonalidad. Mayroon itong aquarium sa pader na kung saan malayang nakakalangoy ang mga isda, kasama ang kanilang kending coral. Sa gitna naman, mayroong malalambot na sofa na kung saan naroon nga ang mga lalaking kung hindi umiinom o tumitira ng pulutan, ay nagbibigay ng fan service. Katulad rin sa regular, mayroong pole dancer at ang pinapatugtog ng DJ ay rinig rin mula rito, salamat sa mga speaker na nakasabit sa kisame.

Hinahanap ko ang The Courier. Naglibot pa talaga ako para lamang matunton siya. Matapos ang tatlumpung segundo, natunton ko rin ang target.

«Как дела, мой дорогой?» (Kak dela, moy dorogoy? [Kumusta ka, aking minamahal?])

«У меня всё очень хорошо, мой Юлиа.» (Ako’y ok na ok, aking Yulia.)

«Как твой Русский?» (Musta ang iyong Ruso?)

«Не отдам.»

Nadale ko na siya. Nakikipag-fan service siya sa isang Rusang nasa edad 27 taon. Mag-uulat muna ako sa HQ para malaman nilang nakita ko na ang target. Patago.

“HQ, ito si Capitana ng Falcon 3. Malapit na ako sa target, over.”

“Hulihin mo na siya. Pero mag-ingat ka sapagkat may mga guwardiyang nagbabantay sa loob ng club.”

Biglang nagbago ang frequency ng aking earpiece. Tumawag si Razor at binagsakan niya ako ng bagyo.

“Capitana, may mga armadong lalaking papunta sa iyong club. Mukhang pakay rin nila si The Courier. Papunta na ako diyan para pigilan sila.”

“Salamat sa SITREP.”

Lumapit ako sa kanya at saka hinugot ang P226 mula sa holster na nasa aking likuran saka tinutok sa ulo niya. Tinaas ang parehong kamay pagkatapos at ang nagbigay ng fan service sa kanya’y nagulat. Oo, litertal na tumigil ang daigdig matapos mabigla ang mga taong nasa VIP room sa aking ginawa.

«Идёшь, девочку.» (Idyosh’, devochku. [Alis ang babae.])

Umalis na nga ang babae at ang The Courier na lang ang natitira. Pinatayo ko siya at pinahalik sa floor mat.

“Tumayo ka at dumapa. TAYO!”

Tumayo ang target. Paluhod pa lang sana siya ngunit hindi niya tinuloy matapos may marinig akong nagsasalita sa likuran, nagbabanta. Ramdam kong may inaasinta siya sa akin.

“Ibaba mo ang baril mo.”

“Ano iyan...”

“Umalis na tayo dito. Mukhang may hindi magandang mangyayari dito ngayong gabi.”

Wala akong nagawa kundi bitawan ang pistolang aking hawak. Pero, nakakuha ako ng tiyempo. Tumalikod ako agad-agad at sinungaban ang kanang braso ng isa palang guwardiyang tumutok ng baril sa aking ulo saka ko binali ito. Sinuntok ko siya sa ulo, kasinglakas ng paghampas ng sledgehammer. Pagkatapos, tinadyakan ko namang mala-bulldozer ang kanang binti niya. Nagsimula nang matakot ang mga narito dulot ng aking ginawa at napalabas sila sa VIP room.

Tinulak ako ng The Courier papunta sa aquarium de estante at nakalikha ito ng lindol. Ang salamin ay muntikang mabasag. Pagkatulas niya sa akin, kumaripas siya ng takbo ala-kabayo at nagtatatalak ng tulong.

“Tulong, may nanggugulo sa VIP room!”

“Tumawag kayo ng pulis! Tumawag kayo ng pulis!”

Napatago ako sa sofa at saktong pumasok ang dalawang bantay, armado ng XCR-L, walang gun stock. Inunahan ko na ang isa sa ulo kaya napasandal siya sa salaming nagsisilbing telebisyon ng mga nasa VIP room ukol sa mga nangyayari sa ibaba. Nakaganti ng limang bala ang isa pa pero hindi ako tinamaan. Bang! Bang! Bang! Tatlong tama ang nasalo niya sa katawan bago tumumba at naligo sa sariling dugo.

“Umalis kayo  diyan! Alis! Layas!”

Dali-dali kong pinulot ang XCR-L at saka tinuka ang dalawang STANAG magazine. Pagkababa, in-ambush na ako ng iba pang bantay kaya napatawag ako sa earpiece.

“Razor, makakalabas ang animal! Maghanda ka na diyan!”

“Roger that.” Tensyonado ang tono ng boses niya.

Hindi, kailangan kong lumaban para mahuli ko ang animal. Nagtago ako sa isang pilar at tinatad ng bala ang bantay na malapit sa swimming pool. Limang bala ang aking naipakawala.  Lumingon ako sa kanan at tinapos ang hininga ng isa pang malapit sa pintuan. Nagpalit ako ng magasin at kinasa ang charging handle sa gilid matapos kong kumatok na ang aking baril.

Tumakbo ako papunta naman sa isa pang pilar habang ang tatlong natitira pa’y sinusubukan akong patayin. Dahil sa kanilang ginawa, nabasag ang speaker pati na rin ang ilang mga boteng lalagyan ng mga alak. One more hostile down. Buwesit, may dalawa pa sa itaas! Dehado ako.

Isabel, isip. Isip. Isip. Mag-isip ka ng paraan kung paano mo sila malalampasan. Gotcha. Nag-reload ang isa sa kanila kaya siya na ang una kong itinumba sa tama ng bala sa leeg samantalang ang dalawa sa itaas ay nadale sa dibdib. Isa ka na lang. Napatumba ko pa ang mesa at kahit ito, binutas talaga sila. Suwerte namang hindi tumagos ang bala. Sinagot ko siya ng limang alingawngaw at natamaan sa ikatlo sa ulo.

Wala nang tao at tanging tugtog na lamang ang aking naririnig. Tumawag si Razor sa akin at mukhang hindi maganda ang nangyayari sa tono pa lamang ng boses niya.

“Capitana, ito si Razor. Nabitbit na ng mga armadong lalaking binalita ko sa iyo kanina si The Courier.”

“Tawagan mo si Drakono at patumbahin ninyo ang target. May sniper rifle naman siya, hindi  ba?”

“Hindi magagawa. Maraming mga karatulang nakaharang.”

“Kaya ginawa ang anti-materiel rifle para sagutin ang mga ganitong sitwasyon. Sige na, habulin mo na siya. Weapons free. Weapons free. Ingat lang sa mga sibilyan.”

“Solid copy. Razor out.”

Nakalabas na ako ng club at ang mga tao’y halatang lumalayo na mula dito matapos marinig ang mga sunod-sunod na putok ng baril. Lumingon ako sa kaliwa. Nada. Sa kanan, nakakarinig ako ng mga sunod-sunod na putok ng mga baril. Pumunta ako sa pinagmumulan ng sagutan ng bala at nadatnan ko na lamang si Razor na nakikipagsagutan ng bala sa mga tauhan ni The Courier. Sumali ako sa labanan at itinumba ko ang tatlo sa mga ito habang ako’y mabilisang tumungo sa kasama ko saka ko tinapik.

“Sundan mo ako!”

“Copy.”

Tumigil na siya sa pamamaril at sinundan ako sa pagpasok namin sa eskinita. Animo’y nakikipagkarerahan kami kung sino ang mauunang makarating sa dulong bahagi ng eskinita. Buwesit, nakakarinig na ako ng huni mula sa mga kotse ng pulis at hindi nga ako nagkamali!

Lumabas ang dalawa mula sa sasakyan ngunit agad silang napatay matapos namin silang barilin. Pero, salamat. Mayroon na kaming libreng sasakyang pantakas. Ako ang pumunta sa kaliwa para magmaneho at tumabi sa akin si Razor. Sinara namin ang pintuan ng kotse at umulan ng mga bubog ng salamin matapos basagin ng aking katabi at saka pinahinto pa ang kanilang pag-abanse.

“Hanapin na natin ang target.”

Sinabi mo iyan. Paang elepante ang aking binagsak sa accelerator at umandar ang ninakaw naming sasakyan. Dumeretso kami at iniisip muna kung paano naming matatakasan ang mga tauhang ipinadala para kay The Courier. Mahirap talaga sapagkat marami siyang koneksyon sa bansang ito. Heto pa ang istorbo, ang radyo ay tsimosa sa walang humpay na pag-uulat ng pulis sa wikang hindi ko naiintindihan!

“Mobile 052, hindi pangkaraniwan ang inyong ruta. Umaalis na kayo sa pinagyayarihan ng krimen. Bumalik kayo roon sa lalong madaling panahon.”

Tinawagan ko na si Drakono para sa update tungkol sa kilos ni The Courier.

“Nasaan si The Courier?”

“Binabagtas niya ngayon ang kalsadang malapit sa dalampasigan. Hinahabol ko na siya ngayon.”

“Ok, papunta na rin kami diyan.”

Kinambyo ko ang manibela pakaliwa at lumiko naman ang kotse sa inaasahang direksyon.  Nagtawag na ng back-up ang nasa kabilang linya. Nai-deklara na bilang ‘rogue’ ang kotseng ito.

“All units, ang Mobile 052 ay isang rogue vehicle! Inuulit ko, ang Mobile 052 ay rouge vehicle na! Habulin ninyo ang sinomang nagmamaneho at hulihin ninyo. Papunta sila sa kalsadang malapit sa dalampasigan.”

 “Enemies, 6 o’clock!”

“Roger that. Papunta na ang Mobile 051, 021, 124 at 652.”

Nangangahulugang dadami pa ang problema namin. Pero, magpokus muna kami sa isa.

“Ako na ang bahala sa kanila.”

Ah, buwesit. Dalawang van ang bumubuntot sa aming likuran at ang mga sakay nito’y binutasan ang aming kotseng pampulisya! Pinagsisisira rin ni Razor ang mga van ng mga sumusunod sa amin! Napatay pa ang isa sa mga drayber matapos matamaan ng bala sa leeg. Sinundan pa niya ito ng pagbutas sa kaliwang harapang gulong kaya nawalan ng kontrol ang van at bumangga sa isang tindahan.

“Hmmppph!” Guni ko na lang matapos kong ikabig pakaliwa ang manibela nang napakabilis buhat ng adrenaline rush. Sumunod pa ang isa pang van. Nagpalit ng magasin si Razor para sa MP7A1. Pati mga pulis ay nakisali na rin sa gulo.

“Ilagay mo sa kabila! Ilagay mo sa kabila! Kabilang kalye!”

Pinapakita sa akin ng side mirror ang limang sasakyang kapareho sa aking minamanehong bumubuntot.

Kaya sinunod ko ang kanyang kahilingan. Tinawid ko ang minamaneho kong kotse ng pulis sa center island. Ang van ay nanatili. Salubong na salubong kami sa mga sasakyang posibleng humalik sa harapan! Kahit mga sibilyan ay hindi talaga sila titigil sa pamamaril! Isa ngang Hi-Ace ang nawalan ng kontrol matapos mabaril ng mga nasa kabila ang drayber nito at tumuloy pa sa dulong bahagi ng trak at isa pa, ang humahabol sa aming pulis na pinakamalapit sa amin ay nabundol ng paparating na bus.

Natanggal na ang mga ilaw sa itaas ng police mobile at ang windshield ay pumormang mababasag na ito.

“Hayaan mong tulungan na kita.”

Gamit ang binunot kong P226, binasag ko ang windsheld at nagsimulang magpaputok. Napatay ko ang lalaking namamaril sa likuran ng van na kanila pang bumubuntot sa amin. Pinagpatuloy ni Razor ang pagbutas sa kalaban naming sasakyan at nadale niya naman ang kaliwang likurang gulong kaya nawalan ng kontrol ang drayber at pinaalis sa kalye ang isang maliit na kotse o compact car at ang sasakyang kung saan kilala ang Thailand – ang Tuk Tuk.

“Nakikita ko na ang target.”

Binalik ko sa kaliwang bahagi ng kalye ang kotse ng pulis na tadtad ng bala. Sa harapan naman, natanaw na namin ang target sakay ng isang motorsiklo at hinahabol naman siya ni Drakono. Mabilis kong kinambyo ang manibela pakanan at ang ikalawa sa mga bumubuntot ay nakasalubong ang sedan.

“Wala na ang pangalawa!”

“Mabuti. Full throttle!” Tinapakan ko pa ang accelerator at binabasa ng speedometer? 94 km/h at tumataas pa. Mahirap itong kontrolin! Ang pagdulas nga ng kotseng ito matapos kong isalpok sa mababang center island ay naging sanhi pa ng pagkakabunggo ng humahabol. Magaling talaga ako.

“Hahabulin na natin ang nakawalang leon doon at sasagutin niya ang mga krimeng ginawa niya laban sa mga mamamayan ng Pilipinas!”

Inikot ko ang kambyo pakaliwa dahil doon rin sila pumunta. Suwerte namang hindi na kami natagpuan ng mga pulis. Pagkarating namin sa pinakakalsada, kinabig ko pakanan ang manibela. May sumulpot na namang tatlong sedan at kasama sa bagahe nito ang mga supresa – isang ambush!

“Roadblock!” Bulyaw niya.

“Kahit anong 40 mm grenade launcher na may bala, sapat na para mapalayo sila.” Buti naman, may eskinita sa kaliwa. “Ililiko ko na lang sa kaliwa.”

Kaliwa at diretso. Nagawa pa niyang magpalabas ng limang bala. Ang layo na ng nararating ng aming paghapon sa The Courier. Buti na lang at walang ni isang sasakyang dumadaan dito pero ang hindi maganda’y mga pedestal ang namamayani at halatang takot na takot sila matapos marinig ang mga alingawngaw!

“Ahhhhh!”

“Tumabi kayo! Tabi!”

Limampung toneladang kanang kamay ko ang aking binagsak sa manibela at nakalikha pa ito ng malaking iskandalo. Binangga ang mga food stall katulad ng isang bulldozer at ang resulta? Binyo ng bagyo ang harapang bahagi ng kotse. Napaalis na rin sila, baka masuwag pa ng toro.

“Falcon 3, ito ang HQ – nahuli niyo na ba ang target?”

“Hinahabol pa rin namin siya sa ngayon.”

“Nawa’y mahuli ninyo ang animal.”

Kaunti pa, kaunti pa, kaunti pa! Niluwa rin kami ng eskinitang dinaanan namin at saktong binangga namin ang motorsiklong sinasakyan ni The Courier kaya nawalan siya ng kontrol at napadapa samantalang dumulas sa kalsada ang motorsiklo niya. Tungkol naman kay Drakono, hinalikan ng kulay itim na sedan ang isa pang motorsiklo kaya bumangga sa poste ng traffic light at tumilapon patungo sa botikang malapit.

“Isabel!”

Ah, animal! Bumangga sa amin ang truck at nawalan na ako ng kontrol! Dahil sa aking bilis, sumudsod ang kotse papunta sa gitnang bahagi ng kalsada at rumampa sa mababang center island! Sumirko ang behikulo at... bam! Bumagsak sa kabilang kalye, pabaligtad. Basag na basag ang windshield at naglabasan ang mga air bag. Ayon na lamang ang aking naaalala.

_______________________

“Hahahahaha. Kahit ilang beses niyo pang subukan, hindi niyo kami basta-basta mawawasak.”

Boses halimaw at animo’y nakakatakot – ganito ang aking narinig matapos kong gumising mula sa aking pagkawalang malay. Bukas pa ang air bag at pagkalingon sa kaliwa, tanaw si Razor na bumubulwak ng lava mula sa bulkang gawa ng pagtusok ng malaking bubog sa kaliwang mata niya. Wala nang pag-asang humihinga pa siya buhat ng natatakpan ng dugo ang mukha niya. Umabot pa hanggang sa likurang bahagi ng ulo ng pagkakatusok. Nako, gumagapang mula sa sasakyan ang gasolina. Delikado.

“Falcon 3, ano ang inyong SITREP? Falcon 3? Falcon 3! Please respond, over!”

Sa gawing silangan ko naman, kita ang mga iba’t ibang uri ng sasakyan pati na ng mga taong paniguradong armado. Kita ko mula sa salamin ang pagkadapa ni Drakono, animo’y naputulan ng hininga. Ngunit, kahit mukhang patay na siya, hindi pa rin siya pinatawad.

“Paumanhin.”

Binaril siya sa ulo ng tatlong beses at dalawa sa katawan gamit ang Five-Seven.

At ang iba sa kanila’y lumalapit sa amin. Binuksan niya pa ang pinto. Hindi, ito si Prachatkur Shinolawara! Kahit nasa edad 45 na siya, napapanatili niya pa ang unang puwesto sa mga most wanted sa Thailand dulot ng pakikipagtulungan niya sa The Triangle. Nakakabahala at animo’y gustong-gustong pumatay. Kahit nga ang parehong baga ay pinatay niya rin sa sunod-sunod niyang paninigarilyo. Kasama niya ngayon ang The Courier na may bitbitin isang pistola. Hindi ako makagalaw, hindi ako makagalaw!

“Falcon 3, nakarinig ako ng putok ng baril! Mula ba iyan sa inyo?"

“Kumusta, kaibigan. Nawa’y matuwa kayo sa inyong pagbisita.” Nagawa niya pang bumati. “ยินดีต้อนรับ.” Yin-dee-ton-rab. Maligayang pagdating.

Tinapon ang upos ng sigarilyo at nagsimula ng pagliyab. Binaril naman ako ni The Courier sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sa huling bala, tinapos na ang aking kuwento dito sa ibabaw ng daigdig.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1: Bangkok

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like ArjhayTabios's other books...