Dating Agency

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Torpe ?

Pag nandyan yung taong gusto mo ay feeling mo naiihi o hindi mapakali.

Alam ko ang FB niya pero hindi ko maclick-click ang "Add Friend" Button kasi nahihiya ka. At kung clinick mo man ang "Add Friend" Button ay pinagpawisan ka at sinasabi mo sa sarili mo ay hindi mo na sana siya in-add kasi baka i-reject ka lang niya pero nasa isip-isip mo ay sana i-accept niya.

Once na in-add mo siya hindi ka mapakali check ka ng check sa FB notifications mo kung inaccept ka ba niya.

Assuming na friend mo na siya sa FB, lagi mong chinecheck ang profile niya ang photos niya ang status niya halos lahat na ata ng info tungkol sa kanya memorize mo na eh.

nauutal ka pagkausap mo siya.

Lagi ka na lang tingin ng tingin sa crush mo mula sa malayo

 May kakaibang kang nararamdaman sa iyong sikmura pag nakakaharap mo siya

 Sabi mo sa sarili mo "Bukas, kakausapin ko na talaga siya" pero pagdating ng bukas "Ay bukas na lang, hindi maganda yung timing eh!" in short you make excuses whenever you try to reach a particular milestone. Tssskk.. Hanggang kelan mo paninindigan ang pagiging Torpe mo?

Until when are you going to keep those feelings of yours.

The unspoken feelings, and the action that can’t be shown. Until when are you going to keep it all to yourself.

That’s the reason why I always want this to do.

We always do a play, and I love doing it. Because the best part of it is my role, I love playing as the Cupid.

That’s the reason why, I the Heir of AJSJ Groups of Companies build this Agency to help them in their Lovelife, to play as the Cupid of their lives.

 

Here in Dating Agency we’ll take care of your Lovelife 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

I'm scanning the reports here in my table when the door open..

"Ma'am nandito na po yung new client" so he's here..

"Come in" i said still not looking them.. busy pa ako sa records na binabasa ko..

tumayo na ako at tinignan ang client ngayon..

ngumit lang ako sa secretary ko.. sign na ok na at iwan na nya kami..

"Have a seat" sabi ko sa cleint

umupo naman sya.. ng makaupo na din ako, nagfake cough sya..

"what brought you here mr??" i ask.. pointing out to say his name also

"Yexel Escalona" escalona?? sound familiar

"So Mr.Escalona what can we do for you??"

"Yexel just call me yexel, and I want her" sabi nya sabay lapag ng picture sa table ko

tinignan ko yung picture.. i know her..

"We'll just call you when is the operation" i told him still looking at the picture..

"Ok then I'll be going now" nagshake hands kami then pinatawag ko na yung secretary ko para ihatid sya sa labas..

nakatayo ako sa harap ng window ng opisana ko habang hawak yung picture na pinakita ni yexel..

[Ms.blue what can i do for you??]

"Mafel, call our investigator and tell the agents to get ready" i said to mafel over the intercom

[Aright!]

a new play will start eh?? *smirks* i'll play the best part again..

a few minutes later..

our investigator came ..

"Ms.blue, eto na po yung pinapahanap nyong information" its here..

"thank you, you may leave now" he nods then umalis na din sya..

nasa kamay ko na ang informations na kailangan ko..

shall we start?? ^_^v

Name: Allyssa Paula Reyes Tolentino

Age: 16

Birthday: October 22, 1998

School: Ajsj University

Work: Writer at Wattpad

Allyssa Paula is known as PulaPtootsy in wattpad, a social networking site, where you can read and write stories. PulaPatootsy wrote the stories namely : I Accidentally Married A Gangster who reach 2M reads, IAMAG: I Married A Gangster which is still on going and some side stories.

That explain why she seems too familiar..

So she's a writer.. hhmm, this will be fun and exciting *smirks* madali lang mauumpisahan ang operation dahil sa Ajsj University sya nag-aaral.

I just wonder kung anong klase ng buhay ang meron sya sa loob ng University kung gayong sikat na writer pala sya??

marami pa akong tanong na hindi agad masasagot.. and there's only one way to find out all the answer for those questions.

Its time to plan out ^_^v

i press the intercom connected kay mafel..

"mafel?? the agents??" dito sa agency mayroong dalawang klase ng trabahador dito.. ang Core at Agent..

[ok na po, papasok na po kami sa hall]

"aright hurry up" after ko sabihin yun tinapos ko na yung intercom namin ni mafel.. dahil ilang seconds lang nandito na sa hall ang core and agents..

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

"We're here"and here they are..

nagnod na lang ako sa kanila , agad naman silang umupo sa pwesto nila..

let me introduce Cupids angel's to you..

CORE:

  • Mafel Iguiz
  • Clef Musico

AGENTS:

  • Kathleen Ann Inciong
  • Kristel Ann Layug
  • Robin Atienza

sila ang knight's and heads ng operation

tumayo na sa harapan si mafel para ipakilala na sa kanila ang target

"Our target is Allysa Paula Tolentino also known as PulaPatootsy sa wattpad, she wrote the stories 'I Accidentally Married A gangster and IAMAG: I Married A Gangster" nabasa ko na yung mga story nya, and i can na she's really good at writing..

"nabasa ko na yang story na yan, and her story I Accidentally Married A Gangster is now to be publish"sabi ni kristel, addtional information noted, so to be publish na pala yung story nya..

"ako din na basa ko na yung mga stories nya" sabi ni kathleen, nice so karamihan pala sa kanila nabasa na yung stories nya

"ok good then for those who haven't read her stories better read it ok" yeah they better read it,makakatulong yan sa operation

"ok next, sa ajsj university sya nag-aaral, she's now a 4th year high, since nasa first quarter pa lang na naman sila, agents you'll enter ajsj university together with the client as tranferee student exactly sa class ni target" tadhana nga naman, tsk tsk, mukhang mabilis mauumpisahan ang love story nila ah..

"agents never let her escape from your eyes ok?? and always wear your ear-piece para kung may orders kaming mga core sa inyo magagawa nyo agad" ganyan naman sila eh.

"core watch attentively every scenes para kung may mawala man sa ayos o may hindi nagawa sa plano,maayos at mapapatch natin agad" kaya na nila ang operation, but this time i'll play cupid at the same time i'll be in the battle field

"lets start the operation tomottow and by the way i'll join the operation" kaya na naman nila yan, pero this time sasama ako sa agents sa operation, usually kasi ginaguide ko lang sila sa audio room habang pinapanuod sila.

"but ms.blue---" di ko na pinatapos si mafel sa sasabihin nya

"no buts ok, tomorrow i'll join the agents sa operation, come on guys iguiguide ko parin naman kayo eh so cheer up" this is the first time na sasama ako sa operation kaya ganyan sila

"ok guys its still the same, ganun parin ang plano, its just that agents lagi nyo lang makikita si ms.blue sa paligid, walang magbabago" yup ganun parin yun, makikita lang nila ako sa paligid

tumayo na kaming lahat..

pinagpatong patong nila yung mga kamay nila, at sa pinakataas ang kamay ko

"ok guys lets do this in the name of love" ganyan lagi ang sinasabi namin tuwing may operation kaming ginagawa, its for the name of love.

"one two three.. fighting!!" sabay sabay naming sabi.. nag silabasan na rin sila ng hall at bumalik na sa kanya kanyang pwesto..

tomorrow is the day..

kinuha ko na yung phone ko and dialed our client's number

[hello??]

"the operation will start tomorrow so be ready"

[got it] after that in-end call ko na..

this is it, cupid will make new lovestory again..

and this is the first time in the making that cupid will join the operation..

i can't wait to know what will be the ending of this operation..

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

today is the day

nasa ayos na lahat..

ngayon kami papasok sa ajsj university.. to be honest, this is the first time na papasok ako sa isang university, take note sa kilalang pang university.. for your information im just a 16 years old girl. magkaka-age lang kami kaya hindi kami madaling pagsupetsyahan, kahit na legal naman yung work namin, hindi lang teens ang nagiging client namin, meron ding mga adult, minsan naman client namin is yung mga mag kaaway na mag-asawa na nagpapatulong upang makapagbalikan sila. Hindi porket isa kaming Dating Agency ibig sabihin na nun ay kami na yung nagseset ng date, like what they called Blind Date, dyan kayo nagkakamali.. This Dating Agency is different from other dating agency. kasi kami, hindi lang kami basta basta nag seset ng date kung kanino, iniimbistigahan at pinag aaralan namin mabuti ang ang pwedeng mangyari pag sinimulan na ang operation, tumutuong kami upang mag ka-ayos ang mga couple na nagkahiwalay kahit both side ay pareho pa nilang mahal ang isa't - isa. kami din ang tumutulong upang mapalapit ang isang tao sa mahal nya. and now that our mission to do..

[Ms.blue ok na po, kayo na lang po niintay] narinig kong sabi ni mafel sa earpiece na suot ko..

nandito kami ng mga agents sa grounds ng ajsj university.. ang mga core nasa agency sila at pinapanood kami.. may mga hidden cameras dito sa university..

"agents mauna na kayo together with yexel, susunod ako sa inyo" nag si tanguhan naman sila at na una nang lumakad.. malalayo layo na sila nung nagsalita ulit ako

"yexel don't, wag ka masyado magpahalata, be friendly para smooth ang flow nung operation" sabi ko kay yexel over sa earpice namin.. mag kaka-konekta ang earpice na suot naming agents at ni yexel, nakakonekta din kami sa agency kaya nariinig din ng mga core ang pinag-uusapan..

[ok] sagot naman ni yexel.. by this time im sure na paakyat na sila.. wala naman akong masyadong alam sa university na to.. basta ang alam ko lang pag-aari to ng ajsj groups of company..

malaki pala ang school na to..

[ms.blue nakarating na po sila sa tapat ng room ng target..] narinig ko boses ni clef sa earpiece ko nandun na pala sila..

tumingin ako sa relo ko.. its time

[ok got it] sabi ko at nag simula nang mag lakad papunta sa room ng target..

iba iba ang schedule ng mga students dito sa university kaya may mga students pang pakalat kalat..

grabe sila makatingin sakin.. tsk.. dont get me wrong ah.. kaya sila ganyan makatingin dahil sa itsura ko.. -.- mukha kasi akong nerd.. im wearing nerdy glasses and may hair is tie like pigtails.. they look in me with disgust..

tss, kala naman nila kay gaganda nila, parang si pulapatootsy nga lang yung maganda na nakita ko dito eh..

i didnt mind their gaze at nagpatuloy na ako papunta sa room ni pulapatootsy..

"core ano na nangyayari??" tanong ko sa mga core na nasa agency..

[tapos na po magpakilala yung mga agents, si yexel na po yung magpapakilala] great..

"ok im almost near the room" rinig ko na yung boses yexel dito sa labas.. actually nandito ako sa tapat ng room

"Im Yexel Alcharl Escalona, just call me yexel" bongga pala pangalan nitong si yexel eh..

ok time to do the first plan

"Ms.alvarez, let Mr.escalona sit beside Ms.allyssa paula tolentino" sabi ko teacher sa harapan, through earpiece and mouthpiece syempre.. and yes, kasabwat namin ang mga staffs ng university na to.

"ok Mr.escalona please sit beside Ms.tolentino" narinig kong sabi ni Ms.alvarez...

"ms.blue nakaupo na po si yexel sa tabi ni pulapatootsy" after kong marinig yung sinabi ni clef

kumatok na ako sa pinto

"I'm sorry Im late" sabi ko pagpasok ng pinto, para di masyadong halata na superior ako dito.. -.-

"your one of the transferee right??" sabi sakin ni Ms.alvarez.. scripted na yan..

"amm yes" sabi ko pa ng nahihiya kunwari.. -.-

"Ok please introduce yourself" eto yung ayaw ko eh... but no choice kailangan talaga eh..

im not good at introducing..

"Im Blue" napansin kong parang nag-aabang pa sila ng sasabihin ko..

"nice too meet you all" that's it..

"please take your seat" nasa likod ang vacant seat, at dadalawa lang yung upuan dun sa likod.. dun ko pinalagay yung vacant chair sa likod para masusubay bayan ko sila yexel at pulapatootsy, but unlucky me, may katabi ako.. -.-

pumunta ako sa chair ko at naupo na.. napansin kong hindi nag-iimikan sila yexel at pulapatootsy nung nakaupo na ako.. tss walang mangyayari sa kanila nyan eh..

"approach her" sabi ko over sa earpiece na suot ko, syempre mahina lang dahil may katabi nga ako..

nakita ko namang sinunod ni yexel yung sinabi ko.. nagtatawanan na nga sila.. nice start..

hindi ako nakikinig sa teacher, tss alam ko na naman yung tinuturo nya dahil advanced yung turo sakin, Im home schooled kasi..

"Kanina ka pa nakatingin sa kanila ah, may gusto ka dun sa transferee noh.." napatingin ako sa nagsalita..

yung katabi ko pala, akala ko natutulog sya..

hindi ko na lang sya pinansin at tumingin ulit kila yexel

"di ka nun mapapansin, may gusto ata yun kay allyssa eh.." sabi pa nya, like duh.. tss

[Ms.Blue nagpunta po dito ang kuya nyo" narinig ko boses ni mafel... and what did she say?? si kuya??

"what?? anong ginawa nya dyan??" ano na naman kaya kailangan ni kuya??

[hinahanap po kayo, sabi ko nasa operation po kayo] great just great mukhang madedehado pa ata ang operation..

"bakit daw nya ako hinahanap??" hindi naman nya ako hahanapin kung wala syang importanteng sasabihin..

[Pinapasabi po nya na umuwi daw po kayo sa inyo mamayang 7 pm, may importanteng sasabihin daw po ang papa nyo] ano na naman kaya yun

"aright thank you" sigh~ they up to something again..

mukhang smooth ang operation ngayon ah..

"alam mo kung nagseselos ka wag mo na silang tignan, nasasaktan ka lang eh.." napatingin ako sa katabi ko.. -.- kanina pa sya ah..

nakatingin lang din sya kila yexel sabay tingin sakin..

"di ka naman martyr para tignan sila kahit na nasasaktan ka na" sabi nya habang nakatitig sa mata ko..

"im not" sagot ko na lang sa kanya tsaka tumingin ulit ako kila yexel.. bahala na sya mag-isip ng kung ano - ano sa sagot ko.. maraming meaning yun..

"your not what, your not martyr or your not hurt??" sabi nya, ramdam ko na nakatingin pa rin sya sakin..

inis ko syang hinarap..

"pwede ba, just mind your own business" singhal ko sa kanya, nag smirk sya sakin sabay sabing..

"you see, I am minding my own business my dear fiance"

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like atengblue's other books...