The Untrusted Promise

 

Tablo reader up chevron

Introduction

PROLOGUE:

Reid Daryl Torres and Ayessa Francine Escalla have been best friends and then they became lovers.

 

Reid promised to Ayessa na kahit anong mangyari, kahit tumanda pa sila, she will be his FOREVER, ONLY HER.

 

But what if something happened in their lives?

 

At yun pala ang makakapag pabago ng pakikitungo nila sa isa’t isa?

 

Isang hindi inaasahang pangyayari lang ba ang makakasira sa kanilang dalawa?

 

Paano na ang mga pinagsamahan nila? Itatapon nalang ba nila ito ng basta basta?

 

Matutupad pa kaya nila ang binitawan nilang mga salita na “I love you 'till eternity?"

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Ako nga pala si Ayessa Francine Escalla. 16years old. Makulit, malambing, mapang-asar at friendly din naman. Hindi ako chubby, hindi din naman payat. Sakto lang. Tama lang para sa isang teenager na tulad ko.

Since I was a kid may bestfriend na ako na ngayon boyfriend ko na. Childhood sweethearts kami nun eh. Si Reid Daryl Torres. Ang napakaintindihin, mabait at gwapo kong boyfriend. Kaso nga lang mataba siya. De joke lang. Hahaha. Pareho lang kami na hindi mataba at hindi din naman payat. Lagot ako kapag nabasa niya ito kasi malalaman niyang sinabihan ko siya ng mataba. Peace baby ko. Haha :D

Masaya kaming magkasama ni Reid ngayon. Umaga palang kasi tinext ko na agad siya para sabihin na magkita kami dito. Sabi ko kasi sakaniya na gusto kong sabay kaming maglunch. I also said that I don’t take “NO” as an answer. Masyado akong mapilit sa mga bagay na gusto ko. Sa relasyon nga namin, halos palagi akong sinusunod ni Reid sa mga gusto ko. Alam niya kasi at kabisado na niya kapag sinumpong na ako ng pagtatampo. Alam niyang mahaba na namang suyuan. Kaya hanga nga ako sakaniya dahil napakalaki ng pasensiya at pag-intindi ang ginagawa niya para lang sa akin..

“I’m so happy that you skipped out on lunch with your parents just to be with me. Thank you dahil pinagbigyan mo ako.” Sabi ko kay Reid ng ngiting ngiti. (Tulad nito oh :) Hahahaha)

Reid smiled, as he stirred his mug of hot chocolate coffee. Nandito kami ngayon sa favorite café namin, The Cafella House. Palagi kaming nagpupunta dito since we were kids and we ordered also the same hot chocolate coffee.

“Well, I know how much this lunch means to you. Adi kung hindi ako nagpunta, nagtampo ka na naman baby. After all, you are a little moody type of girl..”

I gave him a playful glare saka ko pinigil na mapangiti. As much as I pretend to hate it kapag inaasar na ako ni Reid sa pagiging moody ko, but I secretly loved it. “Shut up! Mr. Oh so perfect guy in case of attitude.”

Reid laughed while holding my hands. “You said you would never make fun of me on being such a nice and perfect guy to you. Hahaha.”

Patuloy parin kami sa pag-aasaran ng bigla nalang siyang tumahimik at titig na titig sakin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang paraan niya ng pagtitig, parang nang-aakit lang? Hahahaha chos.

“You love me, right baby?” tanong sa akin ni Reid. He even pressed his forehead against mine.

Bigla naman akong napangiti at napapikit nalang dahil sa ginawa niya. Hinapit pa niya lalo ako sakaniya at niyakap ako ng mahigpit..

A laugh escaped on Reid’s lips. Kinilabutan ako sa sumunod na ginawa niya. He’s kissing me. And his hand travelled to my spine. Matagal na ang nakalipas simula nung una niya kong hinalikan but inspite of that, walang nagbago sa pakiramdam na naidudulot ng halik niya sa akin. Nakakaramdam parin ako na parang may kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan.

“Will you be mine forever, Ayessa Francine Escalla?” tanong na naman ulit ni Reid habang nakayakap ng mahigpit sa akin.

“I’ll be yours forever and always, Reid Daryl Torres.” I whispered and then he kissed me again.

I rolled my eyes, as I gave him a teasing smile. “Ikaw ah. Nakakarami ka na ng halik sakin. Pervert! Hahaha” pambibiro ko sakaniya.

Suddenly,his phone vibrated. Nakatingin lang ako dahil mukhang may tumatawag sakaniya. “Who is it?” I asked.

Reid picked up his phone, tiningnan niya muna kung sino yung tumatawag before cursing under his breath. “Crap! It’s my father.” He sighed. “I was supposed to meet with him for lunch today.”

Bigla akong nakaramdam ng guilt, as Reid gave me a reassuring smile. “Don’t worry about it. Sasabihin ko nalang sakaniya na kasama kita ngayon. He likes you for me, remember?”

Natawa nalang ako sa sinabi niya. When he picked up the call, immediately, his face frowned. “Who’s this? My Father’s in the hospital?” Gulat na gulat na tanong ni Reid sa kausap niya sa cellphone. “Uh! I’m Reid Daryl Torres, his son. Yes, pupunta na ako diyan.”

Reid hung up quickly at tumayo na siya mula sa pagkakaupo. Hindi na din niya nagawa pang ubusin yung chocolate coffee na inorder niya. Nalilito ako sa nangyayari. Tumayo na din ako at sumabay sakaniya palabas ng café.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan niya ipinarada yung kotse niya, hindi ko na napigilan na hindi magtanong..

“Reid, what’s wrong?” I asked worriedly.

Hindi agad sinagot ni Reid yung tanong ko. His hands were shaking as he gripped onto his steering wheel. Napansin ko din na unti unti na siyang umiiyak..

Ilang minuto din ang nakalipas bago niya nagawang sagutin ang tanong ko..

“Sabi ng doctor nasa emergency room daw si Papa. He got into a car accident on the way home to find me.” Sabi ni Reid sakin. His voice barely on the edge of cracking.

I was so shocked. Napahawak nalang ako bigla sa dibdib ko. I could tell that Reid was trying his best not to cry.

I gulped. Napaiyak na din ako dahil sa nangyayari. Natatakot ako para sa sitwasyon ni Reid. I quickly wiped my tears with the back of my hand nung napansin kong nasa parking lot na kami ng hospital.

Nakalabas na ng kotse si Reid kaya lumabas na din ako. Tumakbo na siya agad papasok sa hospital para malaman na agad ang kalagayan ng kaniyang Papa. Sinundan ko siya..

When I got inside, kinakausap na ni Reid yung receptionist sa front desk. “I can only let family members inside. Mr. Torres is in critical state.” The nurse said while raising an eyebrow at me.

“I’m his son.” Reid said. Saka siya tumingin sa akin. “She’s my girlfriend.”

Tiningnan ako ng nurse ng my pag-aalinlangan. And then she typed on her keyboard.  She let out a sigh, giving us a weak smile. “Mr. Torres is in the emergency unit, 3rd floor, room 264B.”

Reid nod as an answer. Saka ko hinarap ang nurse and I mumbled a, “Thanks.”

Sumakay na kami ng elevator, riding up to the 3rd floor. Reid’s breaths were short and quick, halatang halata sakaniya yung sobrang pag-aalala at pagkatakot at sa same time. Nakaramdam ako ng sakit habang tinititigan ko siya. Ngayon ko lang nakita na ganito si Reid throughout our many years of being together.

When we got to room 264B, nakita na agad namin ang Mama ni Reid na matiyagang naghihintay outside the waiting room. Nakayuko lang siya at umiiyak ng tahimik. When she finally raised her head and saw her son, hindi na niya napigilan na mapahagulgol.

“Where’s Papa?” tanong agad ni Reid. Medyo napalakas pa ang boses niya at hindi maipagkakailang nanginginig ito.

Nakatayo lang ako habang tinitingnan na nag-uusap si Reid at ang Mama niya. Mrs. Torres face turned pale. Bago pa masagot ni Tita ang tanong ng anak niya, I knew exactly what happened. Parang naramdaman ko na..

And there it is, Tita said that his father died.

Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko. Namanhid bigla ang katawan ko as I heard a sickening cry escaping Reid’s lips. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas, sobra akong nanghihina dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko na alam kung anong paraan ang maaari kong gawin para mapagaan man lang kahit papaano ang nararamdaman ng boyfriend ko.

Pakiramdam ko kasalanan ko kasi pinilit ko pa siya na puntahan ako. Masiyado akong naging selfish. Alam kong pinilit ko si Reid na mapuntahan talaga ako kaninang lunch. Hindi ko na naisip na baka may iba pa siyang lakad. Mas pinili niya kong puntahan kesa sa Papa niya. Pinagpalit niya ang lakad nila para lang masamahan niya ako at mapagbigyan ako sa gusto ko. Nakaramdam ako ng sobrang guilt. I hate seeing him like this. Ayoko siyang nakikitang umiiyak kasi hindi ako sanay. Napaka jolly at masayahin na tao ni Reid, ibang iba ang nakikita ko ngayon.. Hurt, anger, hatred, fear at parang gumuho na ang mundo niya..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

After Reid’s father had passed away, lagi ko na siyang kasama. Hindi ako umaalis sa tabi niya. Minsan nga kahit parang hindi na ako nag-eexist sa mundo niya dahil hindi niya ko pinapansin o kinakausap man lang, iniintindi ko nalang dahil alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Kung alam lang niya na doble sa sakit na nararamdaman niya ang nararamdaman ko dahil lang sa nakikita ko siyang ganun.

 

How I wish na bumalik na yung dating Reid na minahal ko, yung masayahin, malambing, mapagbiro. Alam ko naman na hindi ganun kadali yung gusto ko pero maghihintay pa din ako hanggang sa mangyari na yun at bumalik na sa dati ang lahat.

 

Simula ng mamatay ang Papa ni Reid, lagi ko na din siyang tinatawagan. Gusto ko malaman kung kamusta na ba siya? Gusto kong maramdaman niya that I cared for him, na nag-aalala din ako sa mga nangyayari.

 

Responsibilidad ko na maipadama sa boyfriend ko na nandito lang ako para sakaniya, na hindi ko siya iiwan lalo na sa mga sitwasyon na ganito. Pero everytime na tinatawagan ko siya he did not ever return my calls.

 

Hindi pa din ako napagod o sumuko kakatawag sakaniya, until one day hindi ko nalang siya na’contact. He just changed his number. Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay nila, pero laging “WALA” nalang  ang sagot sakin ng kasambahay nila kapag tinatanong ko ito. Nakakaramdam na ako ng kakaiba. Parang hindi na tama. Pinagtataguan ba ako ni Reid? O iniiwasan?

 

I didn’t want to think that Reid’s pushing me away, but I knew he was.

 

Hindi na din siya halos pumapasok sa school for an entire month, napakarami na din na tanong ang naglalaro sa utak ko. Kung bakit nagkaganito kami? Bakit biglang nagkaganito? Hindi ko na alam. Naguguluhan ako…

 

When he finally came back, lagi nalang siyang pinag-uusapan at sinusundan ng mga istudyante. Nagtataka din marahil ang mga ito kung bakit nawala nalang siyang bigla ng wala man lang pasabi sa loob halos ng isang buwan..

 

I always saw Reid in the school. I also always tried to make eye contact with him, pero kapag napapansin na niya ang ginagawa ko, bigla nalang siyang umiiwas, he always looked the other way, na para bang ayaw niya kong makita.

 

He always ignored me, and walked to other direction everytime I tried to stop him in the hallways a few times before.

 

Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Girlfriend niya ako pero pakiramdam ko wala nalang ako sakaniya. Balewala nalang ako. Hindi na mahalaga. Kapag naiisip ko ang mga bagay na mas lalong makakapag pasakit ng damdamin ko, pinipilit ko pa din isipin na kaya lang ganyan si Reid kasi kailangan pa niyang mag-move on sa nangyari. Ang tangi ko nalang magagawa ay ang umiyak.

 

Napaka sakit na yung taong mahal mo, iniiwasan ka.

 

Hindi na siya yung dating Reid.. Napaka cold na niya at wala na akong mabasang expression sa mga mata niya..

 

It’s been two months since he returned to school. Wala pa ding pagbabago, ganun pa din siya. Iiwas pag nakikita ako. Hindi man lang niya ako magawang tingnan.

 

Hindi na ako nakatiis sa mga nangyayari sa amin dalawa, kasi hindi naman kami ganito. Mahal namin ang isa’t isa sa pagkakaalam ko. Kaya naman nag-ipon na ako ng lakas ng loob para malapitan siya at maconfront when he’s having his lunch sa canteen.

 

Nung papalapit na ako sa table na kinakainan niya, I felt nervous. I stood in front of Reid with a shy smile on my face. Tiningnan ako ng mga kaibigan niya na kasama niya sa table na parang may pagtataka.

 

“Hi, Reid” I whispered. Mahina lang ang pagkakasabi ko nito kaya I wasn’t sure if he heard me.

 

His eyes flashed towards me for a split second. Nakita ko sa mga mata niya na naalala na niya kung sino ako sa buhay niya, pati na ang mga pinagsamahan namin since we were kids. Dahil sa napansin ko, bigla akong nagkaroon ng pag-asa na maaari pa naming maayos kung ano man ang problema sa relasyon namin. Maiintindihan ko naman siya basta I’eexplain lang niya ng mabuti kung ano ang nangyari at kung bakit siya nagkaganun.

 

But to my surprised, the bright light and smile in his eyes disappeared. It replaced with a dull, cold glare. Halos maiyak na ako sa paraan ng pagtingin ni Reid sa akin..

 

I was so shocked at naramdaman kong nanginginig na din ako nung makita ko mismo ang ginawa niya. He suddenly put an arm around the pretty girl beside him.

 

Hello? Earth to Reid? Nandito po ang girlfriend mo!!! >.<

 

Sobra na akong nagseselos sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya bakit siya nagkakaganito. Naiintindihan ko yung pagkawala ng Papa niya, naiintindihan ko na napaka sakit nun. Pero yung ganito, pati relasyon namin madadamay sa mga pinag gagagawa niya? Hindi na yata tama ito.. Wala na siya sa katinuan..

 

Reid had never formally called the two of us off, so why was he acting like this?

 

His glaring at me with eyes full of hate. Kitang kita sa mga mata niya yung galit at pagkalumo. “What do you want?” Reid’s asked.

 

Hindi na ako halos makagalaw at hind ko na din magawa pang magsalita. Hindi ako makapaniwala sa inaakto niya.. I forced the tears that’s starting to welled up in my eyes.

 

“Reid, I just -..”

 

“Ayokong makausap ka. You can leave now.” Bigla niyang sabi bago ko pa masagot ang tanong niya. He’s obviously pushing me away, ignoring me.

 

By now, ramdam na ramdam ko na nag-uunahan ng lumabas sa mata ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Natigilan si Reid nung makita niya akong umiiyak..

 

“Save your tears for someone who cares.” Sabi nalang niya.

 

Parang tinusok ako sa dibdib ko ng napakaraming kutsilyo sa simpleng salita lang na yun ni Reid. Nawalan ako ng lakas. Parang wala kaming pinagsamahan sa inakto niya. Parang hindi niya ako girlfriend. parang hindi niya ako minahal.

 

Tinuloy nila ng mga kaibigan niya ang kanilang pagkwekwentuhan na para bang walang nangyari.

 

Habang hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa matinding pag-iyak, I slowly turned around and walked away. As I bit my lower lip, napansin ko na may mangilan ngilan na istudyante na tumitingin sa akin. Hiyang hiya ako dahil sa nangyari, dahil sa ginawa ni Reid. I ran out at the cafeteria with tears in my eyes..

 

I knew my Reid hated me so much. Hindi naman niya magagawang ipahiya ako at mambabae kung hindi naman. Sobrang sakit, napakasakit. Nakalimutan na niya lahat ng pinag samahan namin ng maraming taon.

 

Naisip ko na kung hindi ko lang sana pinilit si Reid na mag-skipped ng lunch with his parents just to be with me, hindi sana mangyayari ito. Hindi sana maaaksidente ang Papa niya dahil lang sa paghahanap sakaniya. At kung hindi umalis ang Papa niya para hanapin siya, sana buhay pa ito. Sana nakakasama pa nila ito..

 

 

Ngayon ko lang din naisip na siguro, Reid’s thinking that I was the reason why his father died. Ako nga ba???

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Ayeh Mariel Franco's other books...