Only when I Sleep

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Love for him means waiting...
.........means never impatient.

...............means undying admiration.

...................means to love and to hold.

 

Love for her means romance.

...........means transparency.

..............means wanting and needing each other.

....................means never greedy.

..........................means contentment.

................................means to know when to let go.

 

One of them has to die to be able to live again...

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

“But I say to you who hear, Love your enemies, do good to those who hate you…”

Luke 6:27

 

Alden Lloyd Cruz. Isang perfect example ng tall, dark and handsome description. Bunos points, brain and money. Sabi nga nila para ka daw’ng nanalo sa lotto pag naging boyfriend mo siya. Perfect person para sa isang trophy boyfriend. Pero sabi nga nila ‘Nobody is perfect’ kaya kahit balutin pa ng pera itong si Alden ay lumalabas pa din ang flaws nito sa ugali. Stress “S”, Flawsss.

Lahat na yata na kabulastogan sa isang classroom noong highschool siya ay nagawa na ni Alden. Masyadong kasi itong pasaway, maingay at magulo sa klase. Ganoon pa man, nag aagawan pa din ang mga teachers na maging advisers nito. Bakit hindi? E sa lahat ng contest na ginaganap sa school, division, regional o national ay lagi itong first place. Worst performance na para kay Alden ang second placer. Nakikipag away pa ito sa first placer if naging second place siya dahil feeling niya ay nadaya siya.

Dahil sa pagka-awesome ni Alden ay nagkaroon na ito ng ‘Fun-Club’. Ala artista na ang dating nito pag nasa loob ng campus o sa mall. But sabi nga nila “You can’t please everybody”.

Scarlet Ledezma. Always the second best. Laging second placer sa mga contest na sinasalihan niya. Syempre sino pa ba ang first place? Nakatago ang kagandahan sa likod ng reading glass. Lagi kasing babad sa books; kung hindi academic books ay isang novel ang nasa harapan nito.  

Siguro dahil sa sobrang opposite ng attitude nila ni Alden ay lagi silang nagka-clash, mapa oral recitation or debate. Dala na din siguro ng inggit at insecurities kaya siya naging anti-fan ni “Mr. Cruz”. Ito ang tawag niya kay Alden. Never pa niya itong natawag sa first name.

“Hoy apat-ang-mata!”

Napalingon ang mga studyante sa loob ng library sa lalaking kakapasok pa lamang. Nakatayo ito sa pintuan at nakatingin sa likod ng babaeng naka upo sa pangatlong mesa mula sa kinaruruonan nito. Bitbit sa kanang kamay ang tablet na nakaopen sa homepage ng school website.

“Quiet! This is a library not a playground!”  Napatayo si Gng. Masipag mula sa pagkakaupo sa likod ng information desk. Nasa gitna ito ng library.

Padabog na pumasok ang lalaki na para bang hindi nito narinig ang sinabi ng librarian. Bakas sa bawat lapag ng kanyang mga paa ang galit na nararamdaman. Nagkatinginan ang mga studyanteng nasa paligid at ang iba ay napasinghap sa maaaring mangyari. Napamaang na lamang ang librarian sa ginawa ng lalaki. Nag dadalawang isip din itong sawayin ang anomang mangyayari dahil sa lalaking pumasok.

Prenteng nakaupo ang babae at tahimik na kumukopya sa isang encyclopedia na para bang walang pakialam sa nangyayari o sa paligid.

“Hoy! Apat ang mata!”

Pag uulit niya ng makarating siya sa harapan ng babae. Dahil sa katahimikan ng paligid ay um-echo ang boses nito sa loob ng library. Itinigal ng babae ang pasusulat at tumingala sa lalaking nakatayo.

“Are you talking to me?”  Inosenting tanong ng babae sa kanya.

“Hindi! Siya!”  Sarkastikong sagot ng lalaki at itinuro ang payatot na lalaking nakaupo sa kanyang likuran. Umangat ang puwit nito sa gulat ng makita ang hintuturo ng lalaking nakatayo.

“E di harapin mo siya. May mata ka ba sa likuran kaya feeling mo kaharap mo na siya?”  Kalmadong sagot nito pero bakas ang pagkasarkastiko.

The guy smirked. Hindi siya makapaniwala sa sagot ng babaeng nakaupo. Nilapag niya ang tab sa mesa at dumokwang palapit sa mukha ng babae. Amoy na amoy niya ang mild scent ng chamomile habang ang isang ay napaatras at itinigil ang pagsusulat. Natutuwa siyang pag masdan ang bahagyang takot ng babae sa kanya.

“Hoy! Inggiterang trying hard. Kahit ilang sakong bigas pa ang kainin mo, Ilang eyebags pa ang patuboin mo at kahit ilang araw kang di matulog dahil sa kakaaral mo hindi mo pa rin ako mapapantayan. Mas hindi mo ako malalamangan. Kaya bumabawi ka nalang sa paninira sa akin.”  Nakakalukong ngiti ang kanyang pinakawalan pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Bato na ang hindi maiinis o masasaktan sa linyang kanyang binitawan.

Tumaas ang kanang kilay ng babaeng nakaupo at inilipat ang mukha sa kanya na siya naman nagpaatras sa kanya. Ang kaninang takot na naramdaman ay napalitan ng pagiging poker face nito.

“Bakla ka ba?” walang ka gatul-gatol na tanong nito sa kanya.

“HUWATT?!!”  Di makapaniwalang tanong niya. It’s either she’s playing innocent or talaga lang bastos ang bunganga nito.

“Bakla! Juding! Bading. Beks.”  Iniisa isa pa nito ang maaring tawag sa isang bading. “Maka kuda ka at makapang lait talo mo pa si Jhulz sa kabadingan.” Pagpapatuloy nito. Inalis

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Belle Cabilida's other books...