Little Love

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Start with her liitle love~

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

00

MABAGAL akong bumangon mula sa pagkakagising nahuli ako sa klase dahil sa sobrang puyat ko sa kung ano-anong ginawa gamit ang aking computer. Mabilis akong kumain ng brunch at agad nag ayos.

Pagkarating ko sa park ng aming subdivision kakaunti lang ang tao, maari’y dahil ilang linggo pa lamang ang nakaraan ng magsimula ang klase.

Third year high school na ako, hindi ako honor sa klase papetiks-petiks lang ako pero hindi ako nagpapabaya sa pag-aaral minsan lang ako lumiban katulad ngayon, nagpuyat talaga ako dahil balak ko talagang umabsent ilang araw na kasing pinipilit kong pumasok kahit masama ang pakiramdam ko. Hindi ko lang sinasabi sa kuya dahil siguradong hindi ako papayagang pumasok ng ganoon ang lagay ko.

 Napabuga ang ng hangin habang narito ako sa munting kubo ng park, limang bahay lang naman ang layo mula sa bahay. Dito ako madalas tumatambay mag-isa lalo na’t katulad sa bahay lagi akong mag-isa dahil laging nasa trabaho ang kuya ko.

Ang mga magulang ko kasi ay parehong nasa ibang bansa. Sa korea sila nagt-trabaho na dapat ay ang aking mama lamang ngunit siguro ay nangulila ang papa kaya sinundan niya ito ngayon ay may negosyo na sila doon. Sang-ayon naman kami kahit kami ay mami-miss sila, pagsasanay na din namin ‘tong magkapatid dahil malaki na kami. Kahit papano sanay na ako. Anim na buwan na sila roon madalas naman silang tumawag gamit ang social networks kaya kahit papaano nababawasan ang pangungulila naman sa kanila. Habang nakaupo, nahiga ko ang ulo ko sa dingding ng kubo at nahikab, inaantok pa ako.

Pagkagising, napansin kong nakahiga na ako, napasarap ako ng tulog, nahiga na pala ako. Mabilis akong tumayo ngunit halos sumigaw ako sa sakit ng tumama ang mukha ko sa isang mukha rin. Nakita ko ang isang lalaki na iniinda din ang sakit ng nangyari. Nang makarecover kaming pareho. Masama ang tingin namin sa isa’t-isa.

“Ba’t ang lapit-lapit ng mukha mo sa`kin?” panimula ko.

“Pasensya na, nakita kasi kitang papahulog na ‘yang ulo mo habang natutulog,” ani`ya ngiting ngiti.

“Eh? Anong ngiti ngiti mo d`yan? At tsaka ano naman kung ganoon? Ang lapit parin ng mukha mo,”

Umiling siya at naupo, “Hiniga na kita para hindi ka mahirapan kaya naman sobrang lapit ng mukha ko sayo ay dahil…” pinutol niya ang sasabihin at mabilis na tumakbo palabas nitong kubo.

Nagulat ako sa bilis niyang tumakbo kaya halos makalimutan kong hindi niya sinagot ang tanong ko, bwiset `yun. Hayaan na nga. Wala naman siguro siyang ginawang iba maliban sa paglapit ng mukha niya sa`kin. Napatungo ako at napakita ko sa aking relo na halos mag-aa-singko na ng hapon. Patay ako kay kuya, grabe ang tulog ko inabot ako ng ilang oras.

***

                    NABATUKAN ko pa ang ulo ko ng makita ang sasakyan na nakaparada na, nandito na si kuya, lagot ako. Maingat kong binuksan ang gate na mabuti naman ay hindi nakalock, si kuya talaga hindi nagl-lock muna, dahan-dahan akong naglakad at ng makarating ako sa pinto ganoon din ang ginawa ko. Napapikit ako ng makita ang kuya kong ang sama ng tingin sa`kin habang nasa sala, nakaupo.

“Kuya,” mahina kong tawag sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya lumapit ako at tumabi sa kanya.

Napatingin ako kay kuya ng tumayo siya, “Pumunta kang kwarto mo at mahiga,” ‘yoon lamang at dumiretso sa kusina. Napakagat akong ng paibabang labi, alam na ni kuya, dapat pala sinabi ko na kainis.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si kuyang may dala dalang tray na mukhang may lamang pagkain at gamot, alam na talaga ni kuya.

“Kainin mo ‘to pagkatapos ay inumin mo itong gamot at magpahinga ka na. Hindi kita pinuna nung nakaraan dahil alam kong ayaw mong umabsent pero Heart naman, alam mo namang tayo lang dalawa dito sa bahay. Kapag may nangyari sa`yong masama…” pumikit siya ng mariin at napahilamos ng mukha. Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya,

“Pinag-alala mo ako, kahit na nakikita kong maayos ka na hindi mo maaalis sa`kin mag-alala. Bigla ka nalang mawawala, hindi ka naman pumasok diba? Hinayaan kita dahil ilang araw mong pinipilit ang sarili mong gumising at pumasok kaya sa susunod please Heart ‘wag mo ng uulitin `yun ha?” patuloy niya ngumiti siya at pinitik ng marahan ang ilong ko.

“Sorry kuya, hindi na mauulit” sagot ko habang humuhikbi. Tumahan na agad ako at nagsimulang kumain habang siya ay humarap sa computer ko.

Si Kuya Spade, twenty-six years-old. Single ‘yan ayaw pa kasing mag asawa madami nadin siyang naging girlfriend pero lahat ‘yun nauwi sa paghihiwalay. Kapag tinatanong ko siya kung bakit ayaw niya pang mag-asawa ang lagi niya sagot ay mag-iipon muna siya. Sa mga naging girlfriend niya, wala pa daw siyang nakikitang babaeng dadalin niya sa altar. Sabi ko naman,

Edi maayos wala na kasi akong kasama dito kapag nag-asawa ka kuya,” tinawanan lang ako sabay sabing

“Wala? Sigurado namang uuwi sina Mama kapag nangyari ‘yun, pupunta padin ako dito o kaya pwede ka sakin muna umuwi oh diba?”

Close kami ni kuya pero hindi kami ‘yung nagyayakapan kapag kakauwi niya lang or what, kahit kay Mama at Papa hindi kami sanay na iki-kiss sila pag-uwi galing trabaho, nagmamano lang kami, tapos.

Ako nga pala si Heart. seventeen years young.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

01

 MAAYOS na ang pakiramdam ko paggising kaya nakapasok na ako.Normal naman ang naging takbo ng klase, pero maya maya ay napabalikwas ako sa pagsusulat ng lecture ng bigla akong maramdaman ng gumagalaw sa bag ko na nasa likod ko lamang. Napatingin tuloy sa`kin ang katabi ko kaya napailing nalang ako bumalik siya sa ginagawa habang ako ay kunot-noo paring pinapakiramdaman ‘yung bag sa likod ko. Ng hindi na muling gumalaw hinayaan ko na lamang, balik sa ginagawa.

                Nang mag-break hinintay ko munang lumabas ang mga kaklase ko,sanay kasi akong nagbabaon. Pero ng buksan ko ang bag ko ay halos magulantang ako sa nakita. Ang dala kong baon na nakatupperware ay wala ng laman. Anong nangyari? May nilagay naman ako kanina dito ha. Dinouble check ko pa nga. Imposibleng kinain ‘to ni kuya.

                Isasara ko n asana ang bag ko ng may biglang tumalon mula doon, kaya napaatras ako at nahulog sa upuan ko. Asar naman.

                Hinanap ko kung ano ‘man ang tumalsik or tumalon mula sa bag ko. Guni-guni lang ‘to. May nakita akong nakaupo sa desk ko na maliit na tao. Literal. Kinusot-kusot ko pa ang mata kong may eyebag pa pero hindi nawawala sa paningin ko ang tao—o kung anumang nilalang na’to.

                Taimtim lang siyang nakatitig sa`kin, umiling iling pa ako pero wala, ngayon ko lang napagtanto na ako lamang ang nasa classroom kahit halos ilang minuto na ang nakalipas. Dapat tapos na ang breaktime. Nasaan na sila?

                Ang lakas ng kabong ng puso ko dahil sa kaba, tatayo na sana ako para tumakbo ngunit napaupo muli ako ng biglang maging masama ang tingin niya sa`kin kaya lalo akong natakot. Hindi! Kailangan kong umalis dito, minamaigno na ata ako.

                “Si-sino ka?” kinakabahan kong tanong habang hawak ko ng mahigpit ng dalawa kong kamay ang panyong dala ko.

                Biglang dumilim ng kaunti ang apat na sulok ng classroom, nangingilid na ang luha ko sa sobrang takot.

***

LAKING pasasalamat ko ng may makita akong papasok sa classroom kahit hindi ko siya kilala mabilis akong tumawa at lumapit sa kanya. Hindi ko na inantala kung ano man ang nangyari pumunta ako sa likod niya at kumapit sa shirt niyang napakabango, napailing ako. Ano ba Heart! Naisip mo pa ‘yan!

                Nagtatakang nilingon ako ng lalaking basta ko nalang kinapitan, mabilis akong umiling at tinuro sa kanya ang nilalang na nakita ko ng hindi tumitingin. Naramdaman kong humarap siya sa`kin sabay sabing… “Miss, anong problema? Gusto mo bang ako magligpit ng pinag-kainan at ng gamit?” umangat ang tingin ko sa kanya.

                “Huh?”

                “Ang sabi ko…” hindi ko na siya pinatapos ng makita kong wala na doon ang nilalang na prenteng nakaupo sa desk ko. Ang tupperware kong wala nang laman at ang gamit kong nakakalat sa sahig ‘yun na lamang ang nakita ko. Nasaan na ‘yung buwiset na ‘yun?

                Mabilis kong inayos ang kalat na hindi ko naman ginawa, pinagtitinginan tuloy ako ng mga kaklase ko na bigla na lamang nagsidatingan. Ilang minute? O oras ang nakalipas? Ngayon lang sila dumating. Kainis. Wrong timing sila.

                Hiyang-hiya tuloy ako tinignan ko saglit ang lalaking kanina . Nakangiti siyang nagpupulot din ng kalat este ng gamit ko. Inabot niya sa`kin ‘to at mabilis ding umalis. Sino kaya siya? Hindi ‘man lang ako nakapag-thank you.

                Hindi na ako nagtaka kung bakit wala manlang nagtanong kung anong nangyari dahil wala talaga akong close kahit sino sa klaseng ‘to na kahit naman sa ibang klase wala. As in wala.

                Second year ng lumipat ako dito pero hanggang ngayon hindi ako makabuo ng circle of friends kahit na isa lang, wala talaga. Minsan tinatanong pa ako ni kuya bakit wala akong pinapakilala o nakikitang may kasama. Minsan kasi sinusundo niya ako pauwi minsan kahit papasok. Hatid sundo ako sa kanya na pabor naman sa`kin kahit na pwede namang lakarin.

***

                ISANG subject nalang, konting tiis nalang Heart magbe-bell na. Gusto ko ng umuwi. Tuwing naalala ko ‘yung maliit na ‘yun hindi mawala sa isip ko ‘yung masamang tingin niya. Baka narito pa siya, kanina ay maigi kong pinagpag ang bag ko bago ilagay ang gamit ko para makasiguro na walang ibang laman ito sa sobrang takot ko sa maliit na ‘yun.

                Ilang minuto nalang at magbe-bell na ngunit hindi padin kami pauuwi ng huling teacher. Umalis siya saglit at pagbalik niya may kasama siya hindi lang kung sino kung hindi ang lalaking kinapitan ko na naman. Ano bang pangalan niya? At bakit siya nandito? Transfer? Eh bakit ngayon lang? Tumingin siya buong klase na hindi nawawala ang ngiti. Hindi manlang nawawala ‘yung ngiti niya?

                “Section A,” tawag ng aming guro sa amin, ginaya niyang magpakilala ang lalaki na napunta naman sa gitna.

                “Hey guys. Ako pala si Rsovflei. R-S-O-V-F-L-E-I. Robsley ang bigkas. Weird ng pangalan ko kaya wag niyo ng tanungin kung bakit ‘yan ang pinangalan sa`kin dahil hindi ko din alam,” tumawa siya

                “Anyway, kaya ako nasa harapan niyo dahil kailangan ko ng dalawang student mula sa klase niyo na magvo-volunteer para sa charity ng school. Hindi ‘to sapilitan ‘yung willing lang magvolunteer. May ibibigay akong form kay Ma’am. Fill-up niyo then ibalik niyo din kay Ma’am pagkatapos. Kapag may napili na kami. We will inform you guys. So, salamat sa pakikinig. Pasensya na sa pang-iistorbo. Nararamdaman ko kayo dahil ganyan din ang ginawa sa amin nung uwian last week,” sabay tawa uli, masyado siyang masaya pati tuloy kami napapangiti. Bago ako umuwi humingi ako ng form kay Ma’am.

                Susubukan ko, sana mapili ako. Para naman may magawa ako minsan at hindi masayang. Makakatulong pa ako.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Bernadette Miralles Uy's other books...