Dream And Nightmare

 

Tablo reader up chevron

Dream and Nightmare

Dream and Nightmare

by Bernadette Miralles Uy (BernaMiraYu)

 

Lahat sila nakasuit parang lahat sila ikakasal sa mga suot nila. Nakahelera sila at sa bawat daanan sa lugar na ito. Napakarami nila na kung titignan. Parang sila lang ang nasa paligid. Bakit ganito? May mga tao naman kaso nga lang parang ako lang ata ang nakakakita sa kanila

 

Nagising ako sa sigaw ng aking kapatid halos sumakit na ang magkabilang tenga ko sa kanyang pagsigaw. Napabangon agad ako at nagkusot ng mata.

 

May kasama ako at halos lahat sila ay nagkakasiyahan. Ang tanong ko sa sarili ko. Saan ba 'to? Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang nasa may parang ginagawa kami na gusali 'yung bawat side ay walang harang kaya nakakatakot tumungin sa baba.

 

 Kilala ko ang iba pero hindi ko sila matukoy ang kanilang pangalan sa aking isip. May tao na nasa likod ko tatlo sila. Nagtatawanan sila, nagkukunware na nakahawak sila sa hawakan ng isang dyip. Tawa lang sila ng tawa hanggang sa tinulak ko ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Wala akong naramdaman sa oras na ‘yun. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa pinagbagsakan nila dumulas sila patalikod kaya nahulog sila sa ginagawang gusali.

 

 Naglakad ako ng mabilis at nakita sila na unti-unting nang nahuhulog. Buti na lamang may nakakita sa baba at agad silang tinakbo at sinalo ngunit nahiwalay ang isa sa kanila at sa kasawiang palad. Nakita ko na lamang siya na dinala sa sasakyan. At kitang kita sa kanya na malambot ang buo niyang katawan at para siyang nawalan nang buto.

 

Doon ko naramdaman ang kaba at takot sa aking puso hindi ko alam ang aking gagawin. Napaupo ako pero agad ding naisip na bumaba mula sa kinaroroonan ko ngunit hindi ko naituloy dahil bumagsak at nanghina ako sa mga pangyayari. Tumulo ang aking luha at ang nasa isip ko nalang sa mga sandaling ‘yun. Ako ang may kasalanan sa mga nangyari.

 

Napabalikwas ako ng bangon sabay iling. Kumawala ang luha sa aking mata.

 

Isang hilera ng mga kalalakihan na nakapormal ang suot. Ang ilang ay may kausap na babae. Nakatingin lang ako sa kanila pero may napansin ako sa kanila. Isang lalaking nakayuko. Magkadikit lang ang kamay niya na animo’y nagdadasal bakas sa kanya ang kaba. Tumingala siya at nakatingin na siya sa’kin ngunit hindi ko makita ang mukha niya malabo ito pero nasilayan ko ang ngiti sa kanyang labi. Napahawak ako sa aking dibdib ang bilis ng tibok nito.

 

Napamulat ako ng mata kahit na nagkaroon ako nang masamang panaginip napawi naman nito ang isang panaginip na mukhang tatatak sa isip ko. Nacurious ako sa kanyang mukha. Sino siya?

 

Nagtungo ako sa park malapit sa’min at naupo sa swing, pumikit ako habang inaalala ang panaginip ko. Dinilat ko ang aking mata ng marinig akong nagsalita malapit sa’kin. Nasa harapan ko siya nagtaka naman ako lalo na nang magpakilala siya sa’kin.

 

Magsasalita na sana ako pero may sumigaw mula sa malayo at ang sunod ko na lamang nalaman ay naglapat ang labi naming dalawa.

 

The End

“Dream and Nightmare”

A story by Bernadette Miralles Uy

(BernaMiraYu)

Revised Version Jan 17 2015 ©

All rights reserved

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Bernadette Miralles Uy's other books...