My Girlfriend is A Lesbian?

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Paano kapag nalaman ko na isa siyang Lesbian , yung babaeng iniibig ko Nawala na lang Bigla . Pero Hindi Hadlang iyon .. Ibibigay ko pa rin yung hinahanap niya sa isang Lalaki Kahit Ganun . Pero Matitiis ko ba ?? Kahit maraming Problema ang Dumating . I Love You ! 

Sana Malaman Mo Na Mahal Kita kahit isa kang LesBian . =) Ginagawa Ko ito para sa Kapakanan mo ito .. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Maaga akong Gumising.Magkahalong Saya at Kaba ang nararamdaman ko sa araw na iyon dahil iyon ang araw ng unang interview ko para sa trabaho ko . Ako nga pala si Harvy E . De Jesus 21 years old at tapos sa kinuha kong course na Hotel Management sa University of the Philippines.

``Hanz , Gising Ka na ba ? tawag ni mama sa akin . 

``Yes Ma !! sagot ko naman kay mama .

Agad ako Tumayo sa Higaan ko at Tumingin sa orasan para malaman ang oras . Eksaktong alas sais . Nangangahulugang may dalawang oras pa ako para makapagprepare at pumunta sa interview ko.Pagkatapos kong Kumain ng ALmusal Pumunta na ako sa shower . Sinabon ko talaga ang aking Katawan para Mabango ako sa Interview ko .

``Hanz Tapos ka na ba ?? 

``Wait Ma , Malapit na po . 

``Ok .. Hanz , hinanda ko na sa kuwarto mo yung susuotin mo .! 

``Thank you ma . 

Pagkatapos kong magshower pumunta na ako sa kuwarto para isuot ko na yung damit para sa interview . excited na ako para sa interview kaya hindi ko mapigilang mapatalon sa kuwarto ko . habang sinusuot ko ang damit sa salamin hindi ako makapaniwala na ito na ako malapit ko na maabot yung pangarap ko .pagkatapos ko magbihis ng damit at magpabango lumabas na ako .

``Ma , Aalis na po ako .. 

``Oh ,, SIge ,, Magiingat Ka God Bless and Good Luck sa Interview !

``Salamat po ma .

Pagkatapos kong magpaalam kay mama Umalis na din ako , Sa Kalye Parang Nagiba ako ng Anyo , Parang Maangas ako sa bawat ng Yapak Ko Kaya yung iba napapatingin sa akin tapos sabay sabi , ``Harvey Iba Dating mo ah , Saan Punta mo at kung bakit ayos na ayos ka ?? kaya minsan napapangiti ako at hindi ko na lang sinasabi kung saan punta ko . 

Nang Umalis ako sa bahay namin , Hindi ko na rin namalayan yung Oras Pagtingin ko sa Relo ko Bigla akong Napasigaw , isang Oras na lang at dapat Nanduon na ako kaya imbes na dapat magbus na lang ako nagtaxi na lang ako dahil isang oras at kalahating oras kapag  nagbus ako pero kapag nagtaxi ako kalahating oras din ang aabutin at makakaabot pa ako . Pero akala ko madali ang maging taxi pero ganun din pala sa Bus . Hindi ako Nakaligtas sa Trapik Doon Sa Edsa Ortigas Kaya sabi ko sa Driver : 

``Manong Wala po bang Shortcut diyan at Nagmamadali ako ?? Pwede po ba !! halos napasigaw ako sa Driver . 

Ginawala na lang ni Manong yung sinabi ko nagshortcut kami Pero May time na Ganun pa din Buti na lang at Nagsacrifice yung Bodyguard at tinulungan kami . Halos Kinakabahan ako sa bawat minutong Lumilipas kaya nang Makapunta na yung taxi sa Destinasyon ko Tinignan ko yung Orasan at magiisang oras na . 

``Sir , 455 po yung babayarin ninyo po !

``AH ?? Bakit naman .. ?? eh nakalagay nga dito 255 .00 eh ? 

``Dinagdagan ko po kasi Trapik po eh .. 

``Ay Manong ,, !! Tigilan mo nga ako ,, Oh eto yung bayad basta nakalagay dito yung babayarin ko eh ,, 

Sabay abot ng bayad , Parang nagdabog pa si Manong at Binugahan pa ako ng Alikabok sa sinasakyang taxi kaya napamura ako ng sobra, bastos itong driver na ito ah ,, pasalamat siya at hindi naplakahan . tinignan ko uli yung oras at isang oras na kaya napatakbo ako ng mabilis . Pagdating ko agad magsisimula na yung interview pagod na pagod ako kaya Napabuga ako ng Hangin . Ang daming Nakatingin yung iba Nakangisi lang at Galit . Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy akong nakikinig sa mga tinatawag .

``1 , 8 , 9 ``

``Yes Sir ``

Maghalong kaba ang nararamdaman ko dahil tinawag na ako , Iniisip ko na yung prinaktis ko sa bahay yung pagsagot ng ingles . Ganito pala yung Feeling na kapag ininterview ka na . 

``Number 9 !

``Yes Sir !!

``What`s your name ?? 

``Harvy E. De jesus Sir !!

``Ok Then how are you ??

``i`m fine sir ., 

``What`s your feeling ?? 

``I`M OK SIR ,, 

``Okay .. Hmm When you are college student What is your Course ??

``Hmm ,, Hotel Management Sir ,, 

``Why do you want to work at our company ?

``Because Your company is the one of the top most company which plays a vital role in nation income. And I am awaiting for the job which offers me challenging tasks in my daily life which creates more interest to do work and I listen that your company is the only company that offers me to study while doing work.

``Okay !! Thank you !! Congratulation 

``Thank you Sir , 

``You will start in Monday !

Hindi pa rin ako makapaniwala , Tanggap na ako sa Trabaho At sa Lunes na Ako magsisimula . Dahil Kompanya ang pinasukan kong trabaho tumingin ako sa kalendaryo kung ano ang araw ngayon . Biyernes pala ngayon . Pauwi na ako kaya Sumakay na lang ako sa Bus . Pagdating ko sa BUS Station At Agad akong pumila sa Isang Bus . Manila to Pasig city .  Nang Makapasok ako sa Bus Nakahinga na ako ng maayos dahil bukas yung aircon at may t.v pa . Umupo na ako sa pangalawang Upuan AT Humiga habang Nakatingin sa Labas . Nagmamadali nang pumasok yung mga tao sa Loob at maya - maya may umupo sa tabi ko . Babae siya na may Bonnet at may bag pa siya . Hindi ko siya napansin nung Una pero nung Umaandar na yung Bus Napansin ko siya sa Tabi ko . Kumaikain siya habang nanonood ng pelikula sa t.v . Nagandahan ako sa Mukha niya . Pinagmamasdan ko siya sa tuwing Ngumunguya siya ng pagkai n . Pero natigilan ako nang Tumingin sa akin yung babae . 

``Bakit po ?? May Madumi po ba sa Mukha ko ??

``Ah ?? eh ?? Wala 

``Bakit po kayo nakatingin sa mukha ko ??

``Ah .. WALA  .. 

``oK ..

Napahiya ako , Kasi kung bakit ako nagagandahan sa kaniya . . Napastatwa ako nung tinanung niya ako . kasi .. 

``Sino po ba Bababa sa Pasig ?? 

``Ah , ,Manong ako po .. sabi ko habang nakataas yung kamay .. 

``Ako din po ! sabi ng babaeng katabi ko na nakataas din ang kamay . 

``Ah ,, Kuya Ano po ba pangalan mo ?

`Ah ,, eh ,,, 

``Ano ??

``Harvey .. ikaw eh ?

``Ah !! AKo nga pala si Juliet .

``oK .. 

``Nandito na po tayo sa Bus Station ng Pasig Sino ba bababa ?

``Kami po ..

``Oh ,,Bumaba na kayo . 

``Teka Lang po. .

Sabay kaming bumaba sa bus station . Nagkahiwalay lang kami sa mga Street . Madilim na ang daan kaya niyaya ko siya na ihatid ko na siya pero Tumanggi siya . desisyon niyaiyon eh Hindi ko naman  pwedeng ipagpilitan . Kaya Umuwi na rin kami  sa amin nakangiti akong naglalakad sa daan at tanaw ko na yung ilaw doon sa amin . Hindi naman Delikado sa Amin dahil maraming Streetlight sa amin may mga pulis na umaaligid at Hindi kalayuan ang baranggay dito . Patakbo akong pumunta sa mama ko Para sabihin ang magandang balita . Agad akong kumatok sa Bahay namin .

``Ma ?

``Oh ,, Hanz teka lang . 

``oK MA ,, 

Binuksan ni mama yung pinto at agad akong nagmano , Niyaya muna ako na magDinner Eh Hindi naman ako tumanggi dahil pagod din ako kaya todo kain ko . Habang kumakain ako Binalita ko kay Mama yung GOOD NEWS. 

MA ,,  pasok na po ako sa Monday na ako magsisimula  !!

``Talaga ,, Oh mabuting balita iyan !!

``Oo nga po pagbubutihan ko po mama para sa inyo .

``Salamat Anak 

``Walang anuman po iyon ma . 

Kanina Lang nakita kong Malungkot si mama , Na curious Ako kaya tinanung ko si Mama , 

``Ma , Bakit po kayo Malungkot ?? 

``Ah ,, Naalala ko lang yung Papa Mo siguro Proud na Proud sa iyo yun !!

``Siguro nga po ma , Kaso Wala na po siya dito .

Hindi ko pa pala naikukuwento yung tungkol sa papa ko , Bata pa lang ako nang Mawala si papa sa Buhay namin ni mama , Namatay siya sa Aksidente . Sumasakay siya sa Bus ng Biglang Nahulog yung Sinasakyan niya sa Bangin kaya Dead On Arrival si papa , Halos Binagsakan ako ng Langit at Lupa sa Nangyari . Hindi alam  ni mama ang gagawin kaya nung Minsan naisip niyang Magpakamatay . . Pero Pinigilan nila Tita at Tito . Kaya Minabuti na lang ni mama na ituon sa akin yung Atensyon niya sa akin . Abot makakaya niya akong pinagtapos mula sa elementarya hanggang Collegio . 

Pagkatapos kong Kumain ng Hapunan , Natulog na din Ako ng Mahimbing na Mahimbing . Hindi ko pa rin Makalimutan ang Kanina sa Bus na Nagkakilala Kami . 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

``Hanz !! Hanz !! sigaw ni mama habang kinakatok yung pinto.

``Yes , Ma  Bakit ang ingay ninyo po ??

``oH !! Gumising Ka na Diyan !!

``Opo .. 

Gumising ako sa Higaan Ko at Tinignan ko yung Oras  . 7:30 a.m na pala Kailangan ko nang Mag-agahan kaya Binuksan ko na yung pinto at Bumaba para Mag-almusal . Naghihikab pa ako Bago ako Kumain . Pagkatapos kong Mag-agahan Lumabas muna ako sa Bahay namin Para Magpahangin . Maya  - Maya  naalala ko na naman si Juliet yung babaeng nakasabay ko kagabi . 

Iniisip ko siya kung Kamusta na siya kung ano ang ginagawa niya kaya nagisip ako kung paano kung malalaman ang Bahay niya kaya pinuntahan ko kung saan naghiwalay kami ng Landas . Lumilingon pa ako sa mga Street maya maya May narinig akong Boses. 

``Sino Hinahanap mo ?? 

Lumingon ako at Nakita ko siya sa Likod ko . Ngumiti siya sa akin at Napangiti ako Parang tingin ko isa siyang Diyosa sa Buhay ko . Ang Ganda ng mga Ngiti at Mata niya sa Akin parang nasa Langit na yata Ako .

``Ikaw Pala Harvey !!

``Ah ,, Oo Kamusta ka na Juliet ??

``Ah  ,, Eto Ok lang ikaw ?

``Ok lang naman 

``Ano ang ginagawa mo Harvey dito ?? 

``Ah ,, eh ,,, Wala !! Wala !!

``Ok ..  

``Saan ka pala Nakatira .??

``Ah , Doon sa Bandang kaliwa ng street sabay Kanan tapos may tindahan doon sa Tapat nun !

``Ah ,, Ok ..

``Ikaw ??

``AH ?? Malayo pa Doon sa Baba tapos tatawid ka lang tapos banda kanan sabay kaliwa pagkatapos kumanan ka may Malaking bahay na may Hagdan doon . Ayon na ang Bahay ko . 

``Ok .. Gusto mo Pumunta sa Bahay ko ??

``Ah ,, Eh . Wag na !! Nakakahiya Kasi eh .

``AH,, Wag ka na Mahiya Ok lang iyan . 

``ok .

Sabay kaming pumunta sa Bahay nun , Unti pa Lang nilalakad ko  parang Pagod na pagod na yung Katawan ko . Pawis na Pawis ako kaya Sinabi ko muna na Magpasilong muna kasi Mainit ang Sikat ng araw . Pumayag naman Siya kaya Sumilong kami muna . Pagkatapos namin Sumilong Tinuloy na namin yung paglalakad Hanggang Makaabot sa Bahay niya . May Kaya naman sila Katulad ko . Maganda at Maayos yung Tirahan . Maya-Maya Tinawag niya yung Nanay Niya .

``Nay !! Nay !! Nay !!

``O , Teka Lang .. 

``Nay Mano po  . 

``Oh ,, Juliet Sino yan ?? Boyfriend mo siguro nuh ?? 

``Ah ,, IKAW Talaga nay !!

``Nagbibiro lang !!
``Ah ,, Nay ako nga pala si Hanz .. Mano po ..

``Hanz ?? 

``Yes po Nay !

``Akala ko Harvey Ka ?? pagtataka ni Juliet sa Akin . 

``Ah ,,  Nickname ko kasi Hanz pero True Name ko Harvey .. 

``Ok .. 

Pagkatapos kong magpakilala sa Nanay ni Juliet Tumuloy na Kami sa Bahay niya . inihanda pa kami ng Meryenda Tapos siya Kumuha ng mga Story Book at Magazine .Kinukuwento niya yung Buhay niya Ako naman Nakikinig ako habang Kumakain ng inihanda ng nanay niya . Sayang Saya ako sa mga Nakikita ko Hindi ko Namalayan na Tanghali na pala Kaya Nagpaalam na ako kay Juliet at sabi ko na siya naman yung iimbitahin ko sa Bahay . Pumayag naman siya kaya Sobrang Saya ko parang Nakajactpot ako . Pagkauwi ko sa Bahay kinuwento ko kay Mama yung Nangyari . Ngumiti naman si Mama sa akin Kaya Hindi ko mapigilan Magsaya . 

Kaya Nung Sunday Niyaya Ko siya na Kumain sa Labas . Pumayag naman siya . Ayos na AYos ako sa Araw na iyon habang inaantay ko siya tapos Biglang may Dumating na Nakasuot ng Magandang Damit na Nagniningning Tapos yung Babae Palapit sa akin  . Nagtaka ako kung Sino siya . Nagulat na lang Ako ng Umupo siya sa Harapan ko . Siya Si .... Siya Si ...... Juliet .. ?? 

Nagulat ako ng Sobra at Napa Wow Ako . Ang ganda Niya Sobra yung Puso parang Tumatalbog sa Saya . Yung Lips niya ang Ganda Kaysarap Hagkan At yung Mata niya Parang Nagniningning sa Ganda katulad ng isang Diamond at Crystal . Yung Straight na Buhok niya Ang ganda Nagiba lalo Kulot na siya tapos Wala na yung Laging sinusuot niyang Bonnet . Parang FairyTale ako ang prinsipe at siya ang Prinsesa . MagkakaForever Na ! Tapos Sa Dulo may Magsasabi na ``They Lived Happily Ever After . ``

``O , Harvey ano nangyari ? 

`Ah ,, Ang ganda mo kasi eh Ngayon parang Nag-Blow ka katulad ng isang Bulaklak .

``Salamat Ikaw Rin ! Ang Gwapo Ngayon . 

``aH ,, eH ,, Salamat . 

``Waiter !!

```Yes Sir , 

``Palagyan mo ito ng wine yung dalawang baso tapos ano ang Best Menu dito ?

``Hmm ,,, Baked Paprika Cheese ,, Sir .

``Ok ,, 2 Order . 

Ok ,, Sir .. 

``Psst . Harvey baka Mahal Yan , Huwag na .. 

``Hindi ,, Treat Ko ito ngayong gabi . Pero sa susunod ikaw naman AH .. .

``Oo na .. 

``Sir , Eto na po ... Sabay lapag ng Pagkain .. 

Kitang kita ko sa kaniyang Mga Mata na masaya siya sa Gabing iyon . Parang sa damdamin ko siya na ang nilalaman nito pero Hindi Puwede maari . Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho eh pero kahit ganun parang sa tingin ko mahal ko na siya .

``Bakit Hindi ka pa Kumakain ?? 

``Ah ,, wala may iniisip lang ako ..

``Ok .. Bilisan mo baka Maubusan ka .. 

``Hahaha , Sige kain ka lang ..

Natatawa ako sa kaniya kapag nakikita ko siya na Ganiyan Siya . Kaya Sabay kami Kumain . Pagkatapos namin Kumain Lumabas na din Kami . Tinanung ko siya kung Masaya siya Sabi niya Oo naman .Ayoko ko naman na Sumakay kami sa Bus O Sa Jeep kaya NagTaxi Na Lang Kami nung Sandaling yun .Habang nasa Taxi kami Tahimik lang siya Nakatingin sa Labas at Ako naman Nanonood sa Kaniya , Sa Kaniyang Magandang Mukha .

``Sir , Nandito na po Tayo .. 

``Ok . po Manong eto po bayad . 

Pagkaabot ko ng Bayad Lumabas na Kami sa Taxi . Nagpaalam na rin siya sa Akin Pero bago kami Magpaalam sa isa`t isa Tinanung Ko siya Uli kung Gusto niya Ulitin Tapos Sabi niya ,, 

``Kung Papayagan Ako ni Mama``

Sabi ko naman Ay . : `` O , Sige , Sabihin mo lang sa Akin kung Gusto mo pa AH .. 

``Ok . 

Pagkatapos Naghiwalay na Kami ng Landas , Habang Ako ay Tuwang Tuwa sa Nangyari Kanina . Parang Nagdadate Lang Kami AH ,, Hindi Ko Ma-imagine kung Mag Syota na Kami . ``ANu Bayan Gumagana na naman yung imagination ko Kailangan ko pang Tulungan si Mama`` Sabi ko tuloy sa Sarili Ko . Habang Naglalakad Ako nakasalubong Ko Si Razel . Kaibigan kong Babae Parang Kapatid ko na rin siya . 

``O , HARVEY Gabi na ah !! Bakit nanjan ka pa .

``Ah , Razel may Pinuntahan Lang Kasi Ako .,,

``Ok ,, Umuwi ka na Baka Nag-aalala na Si Tita ..

``Ok ,, Salamat sa Pagaalala .. 

``Walang Anumang iyon Parang Kapatid na yata Kita eh Harvey ,, 

``HAHAHA Syempre Naman Simula Nang Bata Pa Tayo . 

``Hahaha ,, Tama na yung Kuwentuhan Umuwi ka na ,, 

``Oo .. 

Simula nang Mawala Ang Aking Ama Parang Naging kapatid ko na si Razel Tumutulong Rin siya sa Gawaing Bahay kahit hindi namin Kaano ano siya Dahil Kapit-Bahay Lang namin sila . Marami na nga Ang Nagbago sa Buhay namin ni Mama Kaya kapag Nagtrabaho na ako Bukas Pagbubutihan ko talaga para ma-promote ako .

Ma !! Ma! 

Harvey !! Kamusta yung Date ninyo ni Juliet ??

``Mama , Hindi po Date yun Kumain lang po kami . 

``Ok ,, 

```Mano pala Ma ,, 

``Oh ,, Matulog Ka na ,, 

``Opo .. 

Pagkauwi ko sa Bahay namin Natulog na din Ako Dahil sa Sobrang Pagod . Pagod na Hindi man Lang ako Nagbuhat ng Mabigat . Nagdasal ako sa Diyos na Sana Siya na yung Sign na hinihingi ko sa iyo .

At Natulog na Ako ng Mahimbing . 

 

``Hanz !! Hanz !!

``Nay Bakit Po ?? 

``Si Juliet Nandito . 

``Ahh . 

Gumising agad ako Tapos Tinignan ko yung Orasan . 7:30 .am na pala . Bakit siya nandito ?? Ano ang gagawin niya ?? Dapat Maayos ako . Kaya Nagbihis ako at Tinawag ko si Mama ng malakas ..

``Bakit Anak ?? 

``Pumunta ka po dito..

Pumunta si Mama sa Kuwarto ko , Tapos sinabi ko kay mama na Aliwin mo na siya para Paglabas ko Maayos ako at Magwapuhan siya sa Akin , Pumayag naman si Mama kaya inaliw niya si Juliet .

Habang Ako ayos na Ayos . Muntik na ako Madapa at Mahuli ni Juliet sa Pagmamadali Buti na lang Nakahawak ako sa Kahoy Namin kaya Hindi niya Ako pinansin . Pero Ring din ang Mga Yapak Ko Kaya Dinaan Daan Ko Lang .

`` Nasaan po si Harvey ??

``Ah , eh ,, May Ginawa lang yata sa Kuwarto ,, Hintay ka lang Neng At Lalabas Din yun . pagsisinungaling ni Mama ,, 

Maya - Maya 

Parang may narinig silang Baba sa Hagdan . At Ako iyon Ang Bumaba . Biglang Nagulat sila at Napasigaw sa Nakita Nila nung Bumaba ako . 

``Harvey Wow !! sigaw ni mama sa akin Habang si Juliet .. 

``Harvey ikaw Ba yan ?? Tanong niya sa Akin.

``Syempre Naman , May Nagbago ba ?? Tanong ko sa Kaniya . 

``ah ,, Eh ,, Wala naman Harvey Pero Parang Nagiba lang ang itsura mo .

``Sus , Ako pa rin ito Juliet . 

``ikaw pa rin yan ?? 

``Oo naman .

``Oh ,, iha at Harvey Ano na inaantay ninyo ,,

``Oo nga pala ,, Simula pala ng trabaho ko .. 

``Oo nga Harvey ,, Hatid na kita .

``O , Sige .. 

``Ma , Bye na Po .. 

``Sige , Maiingat Kayo ah . 

``Bye Na rin po Tita .

``Ingat ka Iha ,, 

matapos kaming magpaalam kay Mama , Lumabas na kami sa Bahay ko . Tinignan ko siya habang Naglalakad kami Kaso Hindi ko namalayan na May Bato pala sa Harapan ko kaya Nadapa ako . 

``O ,, anong nangyari sayo ?? ok ka lang Ba ??

``Ah ,, Wala ok lang Ako eto pa .

``Anong wala eh tignan mo dumudugo oh , baka madumihan yung Suot mo .

Pinabayaan ko na lang siya , Buti na lang at Parating Handa siya may dala siyang Bulak at iba pa kaso ang kinatatakutan ko ay yung Alcohol . Mas mabuti pa yung Biodine Masakit unti tapos Nangangakit lang . 

``Lagyan lang natin ng Alcohol Yan ,, 

``Ah ,

``Huwag kang Matakot Hindi naman yun Masakit eh at Hindi ka na Bata ,,

``Ok ,

Sabay Dukot sa Bag . Nilabas niya yung Alchol sabay punas sa Sugat ko . Halos Mapatalon ako sa Sakit Kaya Sumigaw na Lang ako . Maya-Maya Narinig ko siyang Tumatawa habang pinupunas yung mga dugo .

``Bakit ka Tumatawa ??

``Ah ,, Nakakatawa ka kasi eh . Biruin Mo Takot ka pa pala sa Alcohol.

``Oy ! Hindi nuh !!

``Wee ... 

Inulit niya uli yung ginawa niya pinisat niya yung sugat ko . Napasigaw ako sa Sakit kaya Sinigawan ko siya sa Galit pero Natatawa pa rin siya kaya Hindi ko na lang inintindi pero Habang pinupunas na Tumatawa Napangiti ako Dahil ang Cute niya pala Kapag Tumatawa . 

``Oy Juliet Tama na nga yan !! Baka Mahuli pa ako .

``O sige .. 

Tinigil na rin niya yung pinupunas sa Sugat ko . Sabay kaming tumayo AT Lumakad papunta sa Bus Station . Nang Makapunta kami sa Bus Station Dito na ako Nagpaalam .

``O , Sige ma Umuwi ka na . 

``Ah , Mamaya pa Aantayin kong Umalis Yung Bus .

``HAHAHA , Ang Sipag Mo AH .. 

``Hahaha ,, O Baka Maagawan ka pa ng puwesto 

``Oo nga sige Bye .

``GoodBye !! Ingat ka ah Harvey ,,

``Ah , ikaw Din . Salamat sa Paghatid sa Susunod ako naman .

``Ikaw ang Bahala ,, 

Ngumiti siya sa Akin habang Nagpapaalam . Paalis na Ako mula sa Amin  Habang umaandar ang bus Tumingin ako sa Malayo at Nagpaalam . Ngumiti siya sa Akin habang sinasabi na Ingat Ka Ah ,, 

 

 

 

 

 

 

                                                    

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like brenceaquino's other books...