Chocolates and Papers

 

Tablo reader up chevron

Introduction

                                                                   **Prologue

Maganda, sexy, maputi, makinis ang balat at talagang habulin ng mga lalaki.

  Ooooops! Hindi ko dini-describe ang sarili ko. Dini-describe ko lang yung babaeng character ko dito sa bago kong story. Bagong story na hindi ko alam kung kailan ko matatapos. Ang hilig-hilig ko kasing magsimula ng isang istorya, pagkatapos ay hindi ko rin naman matatapos agad. 

   Naiinis na tuloy mga readers ko sa akin! Sorry po *Chichay way*

Paano ko kaya tatapusin ang istorya ko? May writer's block nanaman ako. Kailangan ko ng inspiration ko. Hmm... Tama!

Yung telescope! 

Excited akong nagtata-takbo papunta dun sa pwesto ng malaking telescope ko. Ano kaya ang bago kong makikitang inspiration ngayon? Hmmm...

   Matyaga kong inilibot-libot ang pagtingin ko sa telescope ko. Mayroong matandang nakaupo sa balkonahe ng condo, may babaeng nagdidilig ng sunflower, may lalaking naghahanap ng signal, may batang naglalaro ng laruan niyang eroplano at nagtatatakbo sa loob ng bahay. 

Hayy.. Anong inspirasyon ang makukuha ko sa kanila?

   Tumingin ako ulit sa telescope ko. At sa pagtingin kong iyon ay may nahagip ako sa may bandang kaliwa ng tapat ng unit ko. Isang lalaking naka-suot ng apron at may kagat-kagat na malaking bar ng chocolate. Chinito ang lalaking iyon at napaka-puti. Ang ganda rin ng built ng katawan niya. Kahit na ang dumi-dumi ng suot niyang apron ay parang napaka-linis niya paring tignan.

Ang gwapo niya! 

    Nag-eenjoy na akong pagmasdan siya habang kinakain niya yung chocolate bar na hawak niya. Nakatingin lang siya sa malayo at nakangiti siya. Kitang-kita ang malalalim na dimples niya. Hahayy! Jackpot! Ang sarap ng update ko neto!

Teka teka!

"Hooooy! Sandali lang! Bumalik ka! Please! Please!" sigaw ko habang nakatingin pa rin sa telescope ko. Bigla kasi siyang pumasok sa loob ng unit niya e. Waaah! Di pa tapos ang sight seeing ko!

Kasi naman e! >.<

  Padabog kong pinaikot yung telescope. Ang hirap talaga kapag isa kang writer na may magulong utak. Ang hirap isiksik sa utak nung mga tamang words para sa isusulat ko! At ngayon! Nagulo pa utak ko dahil sa lalaking yun! 

Hindi naman ako tinamaan ng bongga sa kanya. Kaya lang kasi unti-unti ko ng nabubuo yung mga tamang words sa utak ko ng bigla naman siyang umalis! Nakakainis! 

  Hinawakan ko nalang ulit yung telescope ko at walang kung anu-ano'y bigla nalang akong napatingin ng wala sa ulira't ko. At tamang-tama naman ito na nakatapat sa unit na katapat na katapat  ng unit ko. Matagal ng walang nakatira dun kaya minsan ay takot din akong tumingin dun.

Isasara ko na dapat ang telescope ko ng bigla magbukas ang pintuan ng balcony nung katapat na unit ko. Napa-gasp ako sa nakita ko!

   Isang lalaking may napaka-masculine na katawan ang lumabas mula roon. Half naked siya at nakatapis lang siya ng tuwalya. Six pack abs! Oh my! Ang tagal ko ng pinangarap na maka-hawak ng ganon! >.<

Naghihikab siya at itinaas pa niya ang dalawang kamay niya. Para bang sinabi niya ring good morning world!

Pwede na siyang maging inspiration. Nabubuhayan ako ng loob sa kanya. Nag-iinit ang mukha ko! Shet bakit? Naaakit ba ako sa mala-machete na katawan niya ?

    Huling sight ko na sana sa kanya ng bigla nalang malaglag ang tuwalya na nakatapis sa kanya! Waaaaaaah! My eyes! Waaaah!

"Waaaaaah! Takpan mo yan! Waaaah!" sigaw ko pero hindi ko parin maialis ang tingin ko sa telescope ko. Bakit ba nakatingin pa rin ako?

At parang narinig niya ata ang pagsisisigaw ko. Bigla kasi siyang napatingin sa akin at nanlaki ang mata niya! Agad niyang pinulot ang tuwalya niya at pinantakip iyon sa jun-jun niya. Napatingin ulit siya sakin at sumigaw, "HEY YOU! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?" 

   Hindi kalayuan ang building nila sa building namin kaya dinig na dinig ko ang sigaw niya.

 Bigla akong nanlambot at napaluhod. Feeling ko gusto ko ng magpalamon ng buo sa lupa ngayon! Nakakahiya! Nahuli niya ako! Nakita niyang nakita ko ang ano niya! Waaaaaah!

I only wanted an inspiration but why did this happen to me? Why me

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1: Introvert's Visitor

*************

    HANGGANG ngayon ay napaka-lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan pa rin ako sa kakaisip kung anong gagawin ko kapag sinugod ako nung lalaki sa kabilang building.  Baka mamaya idemanda niya ako? Tapos makukulong ako sa salang paninilip? Nakakahiya!

  Ni hindi ko nga halos idisplay ang sarili ko sa labas dahil sa nahihiya ako, tapos paano kung ipakulong pa ako nung lalaking yun? Hindi ko naman kasi sinasadyang makita yung toot niya e! Kasalanan niya yun! Hindi niya dapat dinidisplay ang sarili niya sa balcony ng nakatapis lang ng tuwalya!

  Kinalimutan ko nalang lahat ng isipin na yun. Umupo nalang ako sa harap ng computer at sinimulan ko ng i-type ang update ko ngayong araw. Naghihimutok na ang mga readers ko sa kakahintay ng update ko e. Ang bagal-bagal ko daw kasi. E ano bang magagawa ko? Wala talaga akong mai-type..

"Ay tekla!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Nag-uunahan nanaman ang mga daga sa dibdib ko! Jusko! Eto na ba ang katapusan ko?

     Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at sinilip sa butas kung sino ang kumakatok na iyon. Nanginginig at namamawis kong inaninag kung sino ang taong iyon sa labas ng unit ko. 

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na hindi pala iyon yung lalaki sa kabilang building. Yung kapit bahay ko lang palang makulit. Araw-araw akong chini-check nun bago siya umalis para pumasok sa trabaho. Sa kanya kasi ako ibinilin ng parents ko.

Binuksan ko na ang pinto at nakangiti akong humarap sa kanya.

"Good morning, Tita Helen." Bati ko naman sa kanya.

"Good morning, Jean. Nag-almusal ka na ba? Oh eto, sandwich. Ginawa ko yan kanina." Iniabot niya yung paper bag na may laman na sandwich.

"Thank you po."

"O siya sige. Aalis na ako. Punta ka nalang sa unit ko kapag may kailangan ka ha? Nandoon lang naman si Kamille at Kathyryn sa bahay." 

"Sige po, tita. Ingat po kayo."

   At nang makaalis na si tita Helen ay isinara ko na agad ang pinto. Mahirap na. Baka mamaya pa e kasunod lang niyang dumating yung lalaki na yun. 

Tinungo ko ang sofa at humiga ako doon. Kumuha ako ng isang sandwich sa loob ng paperbag at kinagatan iyon. Hmm. Chicken sandwich. Alam talaga ni tita ang favorite ko.

     Habang kumakain ay nagmuni-muni ako. Ganito nalang ba lagi ang buhay ko araw-araw? Pasilip-silip sa telescope. Uupo sa harap ng computer at magta-type ng story. Kakain. Maliligo. Matutulog. Pagkagising sa umaga, uulit lang ang lahat. Paminsan-minsan ay dadalawin ako nung mga anak ni tita Helen na sina Kamille at Kathyryn. Mga kaibigan ko naman ang mga yun kaya ayos lang sa akin na dalawin nila ako, pero kapag ibang tao, hindi ko talaga pinapa-pasok. 

   Tatlong taon na akong nakatira dito. Nabili ko 'tong condo unit ko na 'to 3 years ago gamit yung perang naipon ko dahil sa pagsusulat ko. Tinulungan din naman ako ng parents ko dito. Nasa U.S na kasi silang lahat, pati ang mga kapatid ko. Ako lang ang nagpa-iwan dito dahil di ko talaga feel manirahan sa ibang bansa. Mas gusto kong ako lang ang mag-isang namumuhay.

   Introvert ako. Kaya kong mabuhay ng hindi lumalabas ng isang taon sa bahay ko. Kaya kong hindi makipag-usap kahit kanino. Namuhay ako ng ganito katagal. Inisolate ko ang sarili ko sa mga tao. Hindi ako namuhay sa realidad. Nabubuhay ako sa mundo kung saan ang tanging kausap ko ay ang mga characters sa mga istoryang ginagawa ko.

     Alam kong iniisip ng ibang tao sa akin ngayon. Alam kong iniisip nilang nababaliw na ako. But I'm completely fine. Mas gusto ko lang talagang nandito ako sa loob ng bahay buong maghapon kesa makihalubilo sa mga taong walang ibang ginawa sa akin kung hindi pagsalitaan ako ng masama. 

   Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ako naging isang introvert ay ang panlabas na itsura ko. Hindi kagaya ng mga characters ko na merong magagandang physical features, ako naman ay isang ugly duckling. Mataba ako. Maitim. Ma-pimples. Pango ang ilong ko at sungki-sungki din ang mga ngipin ko. Hindi ko iniexagerate ang description ng itsura ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

  But I used to look pretty when I was younger. I was slimmer that time. Fair complexion. Smooth skin. I used to have all of that. Kaya lang para akong sinumpa na maging kabaliktaran ng lahat. Siguro dahil karma ko na rin 'to sa mga kalokohan ko nung teenager palang ako.

    Napa-balikwas ako ng higa ko ng biglang may mag-door bell nanaman. Baka sina Kamille lang ito at dumadalaw. Hayy.. 

Tumayo ako at tinungo ang pintuan. Matamlay kong binuksan ang pinto at  sabay tumalikod na ako. Alam naman nilang welcome na welcome sila sa bahay ko kaya hinayaan ko nalang silang pumasok.

"Hey? Are you out of your mind?"

   Bagsak ang balikat ko at halos kalahati nalang ay papikit na ang mga mata ko. Antok na antok na talaga ako. Ano ba 'tong pinagsasabi ni Kamille? Bakit boses lalaki siya? Teka... Boses lalaki?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kung sino ang taong pinagbuksan ko ng pinto. Ang lalaki sa kabilang building! 

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong ko. Shet! Bakit ba nawala sa isip ko na mag-ingat sa mga pinagbubuksan ko ng pinto?

   Tuluyan na siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto. Inilibot niya ang tingin niya sa bahay ko. Dahan-dahan siyang naglalakad habang iniinspection ang mga gamit ko. Para siyang isang amo na tinitignan ang bahay niyang nilinis ng katulong niya.

"Baliw ka ba? Bakit basta-basta ka nalang nagpapa-pasok na hindi mo kakilala? Hindi ka ba natatakot na manakawan o mapatay dahil sa ginagawa mo?"

"Mapatay agad? Hindi ba pwedeng ma-rape muna?"

     Tumaas naman ang kilay niya at tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko? Hindi ba't bago patayin, ire-rape muna?

"So you're really hoping to get raped before getting killed? Sa tingin mo may magkakamali? Sa itsura mong 'yan?" natatawa pang saad niya.

   Tumagos lahat sa kaluluwa ko ang mga salitang sinabi niya. Masama pala ang ugali niya. Kagaya din siya ng ibang tao sa labas. Kaya nga ba ayokong nakakakilala ng ibang tao e. Puro panlalait lang ang inaabot ko.

"Ano bang kailangan mo?" seryosong tanong ko.

Tumikhim muna siya bago sumagot, "Nandito ako para itanong sayo kung anong ginagawa mo kaninang umaga. Bakit mo ako sinisilipan ha? Stalker ba kita?"

Napa-kunot noo naman ako sa mga sinabi niya. Ako? Stalker niya? Kapal naman ng mukha niya?

"Hindi mo ako stalker. Hindi rin kita sinisilipan. Pwede ka ng umalis." tuloy-tuloy na sagot ko sabay pinagtutulak ko na siya papunta sa pinto. 

"Wait wait! Ganun ganun nalang yon? Matapos mong makita 'tong jun-jun ko?" hindi makapaniwalang tanong niya. E ano pa ba gusto niyang gawin ko?

"Oh? Anong gagawin ko? Papanagutan kita? I doubt na ako ang unang nakakita niyan. I'm pretty sure na hindi ka na virgin pa, noh?" 

   Hindi ko nanaman napigil ang bibig ko. Nagtapang-tapangan nanaman ako. Ay sus ginoo! Bahala na nga si iron man kung ano mang gagawin nito sa akin.

"E paano kung sabihin kong oo? Ikaw palang ang unang nakakita ng ano ko. Kaya oo, pananagutan mo." seryosong sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin. Gago ba 'to?

"Nabuntis ka ba? Gago ka no? Ikaw yata 'tong may sira sa tuktok e! Lumayas ka nga dito!" pagtataboy ko sa kanya.

   Naitulak ko na siya palabas ng pinto pero may huling hirit pa rin siya.

"You won't get away with this! Di kita titigilan!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2: The Chocolatier

 

******

KINABUKASAN pagkagising ko ay agad kong tinungo ang telescope. Kailangan ko ng pampa-good vibes. Pero parang itong araw na ito ay simula ng maghapong bad vibes ko.

"PANAGUTAN MO ANG NAKITA MO! AT ANG MGA MAKIKITA MO PA!"

Yan ang unang-una kong nakita ng matapat ang telescope sa unit nung lalaking nanggaling dito kahapon. Nakadikit ang mga placards na yun sa sliding door sa balcony niya. Anong trip ng lalaking yun? May saltik ba yun? Gwapo sana e. Kaya lang parang baliw. Ano namang pananagutan ko? E nakita ko lang naman yung ano niya? Ni hindi ko nga nahawakan e.

Para siyang babae kung mag-inarte. Tapos pa-virgin epek pa. E obvious namang hindi na. Sa gwapo niyang yun? I doubt. I really really doubt it.

"ANO NG NAKITA MO?"

This time, siya na mismo ang ay hawak nung placard. Para talaga siyang tanga. Diko akalaing sa laki ng katawan niya, ganyan siya mag-isip. Ano kaya tinitira niya?

Binaling ko nalang sa kaliwa yung telescope para hindi ko na siya makita pa. Pero laking gulat ko naman ng makita ko ang isa pang lalaking nakita ko din kahapon. Yung lalaking kumakain ng chocolate. Palipat-lipat ngayon ang tingin niya sa amin nung lalaki sa katapat na unit ko. Para bang hinahanap niya kung sino yung pinagpapakitaan nung katabing unit niya nung placard na hawak niya.

Nakita kong kumunot ang noo niya. Parang kinausap niya din yung lalaking may saltik at parang ako ang pinag-uusapan nila. Bigla akong kinabahan.Kusa nalang akong napa-takbo sa pinto at ni-lock iyon.

Gosh! Wag naman sanang mangyari yung iniisip ko.

ISANG oras na akong palakad-lakad sa loob ng bahay. Hindi ako ma-pirmi sa isang lugar dahil sa kaiisip kung anong napag-usapan nila. Baka mamaya napag-usapan nila na ipa-salvage ako? Paano kung pumunta sila dito ng may kasamang mga pulis?

At eto na nga ang ikinakatakot ko. May nag-door bell na sa pinto at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bubuksan ko ba? Paano kung hindi naman pala sila? Pero paano na nga kung sila yun? Shiiit! Anong gagawin ko??

Nagtip-toe ako papunta sa pinto. Sumilip ako dun sa butas at awtomatikong napatakip ako ng bibig ng makita ko kung sino ang nasa tapat ng unit ko. Yung lalaki sa tabing unit nung lalaking may saltik. Si chocolate guy.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili ko.

Muli nanaman siyang nag-door bell. Nag-door bell siya ng paulit-ulit at halatang naiinis na siya dahil walang lumalabas. huminga muna ako ng alalim bago tumayo mula sa pagkakaupo ko. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at marahan ko ring binuksan iyon bago tuluyang humarap sa lalaking kanina pa nasa tapat ng unit ko.

Naka-kunot ang noo niya at halatang inis na inis na siya. Iba ang itsura niya ngayon kesa sa itsura niya kahapon nung una ko siyang nakita. Ano bang ginawa ko? Ano kayang sinabi sa kanya nung lalaking yun?

"Bingi ka ba?" seryosong tanong niya habang pinanlilisikan ako ng mata.

Kunot noo akong umiling sa kanya bilang sagot. Kusa naman siyang pumasok sa unit ko kahit na hindi ko siya pinapasok. Aba't pareho pala silang walang modo ng lalaking iyon?

"Hindi mo ba naririnig na kanina pa ako nagdo-door bell?" tanong nanaman niya.

"Naririnig ko." matipid na sagot ko.

"E bakit ang tagal-tagal bago mo buksan? May pinagtataguan ka ba?" mapanghinalang tanong niya.

"Wala akong tinatago. Talagang hindi lang ako sanay na may ibang taong pinapa-pasok dito." diretsong sagot ko. Hindi ko pinapahalata sa kanya na kinakabahan na ako ng bongga.

"So kaya pala naninilip ka?" nakataas pa ang isang kilay niya ng sabihin niya ang bagay na iyon.

"Naninilip? Hindi ako naninilip!" mariing tanggi ko sa binibintang niya sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko! Kung anu-ano nalang siguro ang sinabi sa kanya ng lalaking yon kaya kung anu-ano nalang din ang iniisip niya sakin.

Pero ano pa bang pakialam ko sa isipin nila sa akin? Sanay na akong pinag-iisipan ng masama. At higit sa lahat, masyado ng madaming tao ang naglalabas masok sa bahay ko. Ayaw ko ng ganito!

"E anong tawag mo sa ginagawa mo gamit ang telescope na 'to? Alam mo bang pwede kitang ireklamo dahil sa ginagawa mo? You're invading someone's privacy dahil sa ginagawa mo."

Ano bang masama sa ginagawa ko? Hindi ko naman sila pinapakialaman sa ginagawa nila ah? At anong privacy ba ang naiinvade ko? Balcony lang naman ang nakikita ko. Wala naman sigurong gagawa ng something private sa balcony diba? Maliban nalang sa ginawa nung may saltik na yun. Pero hindi parin tama na basta nalang nila akong pagbibintangan ng kung anu-ano! I just wanted an inspiration for my wrtings. That's all!

Mabilis pa sa alas kwatro ng kunin ko ang telescope mula sa pwesto nito sa tapat ng bintana. Masakit man sa kalooban ko ay kailangan kong gawin ito para lang matigil ang pangbibintang nila sa akin at ang paglabas masok ng mga tao sa bahay ko.

Binali ko iyon at marahas na ibinato sa sahig. It was broken into pieces. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naman napaupo siya para pulutin ang mga bahaging nagka-basag basag.

"Why did you do that?" tanong niya.

"Tumayo ka na diyan at lumayas ka dito. Binali ko na yan para hindi na mainvade ang privacy niyo. At para tigilan niyo na ako. Wag na kayong babalik dito. Please lang. Umalis ka na."

Tumayo naman siya at parang naintindihan na niya. Naglakad na siya papunta sa pinto. Ako naman ay lumuhod para pulutin ang mga bubog na nagula sa telescope na binasag ko. Nanginginig ang kamay ko dahil sa nagpipigil akong umiyak. Ayaw kong makita pa niyang umiiyak ako. Ayaw kong isipin nila na mahina ako.

Isa-isa kong pinulot ang mga bubog, ngunit di ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng hapdi sa daliri ko. At ng tignan ko ay napakarami na ng dugo na tumutulo mula rito.

"Shit!" bulalas ko.

Nanlalambot na ako ng makita ang napakaraming dugong iyon. Halos hindi na ako makatayo. Takot ako sa dugo. Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi matulungan ang sarili ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Dumudoble na ang nakikita ko. Naninikip ang dibdib ko. Diyos ko, kayo ng bahala sa akin...

NAPABALIKWAS ako ng higa ng maramdaman kong may kung anong dumampi sa kamay ko. Nang silayan ko kung ano ito ay halos mapatalon ako sa gulat. Ang lalaking nandito kanina sa unit ko ang taong iyon. Hawak niya ang kamay ko at nilalagyan niya iyon ng benda. Napansin ko ring nakahiga na pala ako sa kama ko ng mga oras na iyon.

May kung anong pumasok sa isip ko na baka kung ano na ang ginawa niya sa akin pero binalewala ko na lamang iyon. Ako pa ba ay pag-iinteresan niya? Sa itsura kong ito? Sus.

"I was about to say sorry nung bumalik ako pero nakita na kitang nakahandusay sa sahig at puro dugo na yung kamay mo kaya binuhat na kita papunta sa kama mo para magamot ko yang sugat mo." paliwanag niya ng matapos na niyang lagyan ng benda ang kamay ko.

"Ah ganun ba. Sorry. Nagbuhat ka pa ng mabigat." walang ekspresyong sabi ko naman sa kanya. Alam ko namang nabigatan siya sa pagbuhat sa akin lalo na't mag-isa lang siya. Baka nga habang tulog ako ay kung anu-ano na ang pinagsasabi niya sa akin e.

Pero imbis naman na sumagot at narinig ko lang siyang natawa ng mahina. Tinignan ko lang siya at tinanong kung anong pinagtatawanan niya.

"Nothing. It's just that the way you answered. I find it wierd." natatawang sagot niya.

"Wierd? Ano namang wierd doon?"

"Humingi ka ng sorry dahil sa nabigatan ako sayo. Hindi ba wierd yun? You could have just said your appreciation sa ginawa ko sayo pero sa halip ay nag-sorry ka sa kabigatan mo? If you're really sorry for your weight, then why don't you lose some?"

Hindi ko alam kung sinasadya niyang mang-insulto o talagang hindi lang siya aware sa mga sinasabi niya. Wala akong pakialam kung gwapo siya, isa rin naan siya sa mga taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Matagal na akong napuno sa mga taong kagaya niya kaya hahayaan ko nalang. Besides, may utang na loob din naman ako sa lalaking 'to.

"Thank you. Makakaalis ka na." yun nalang ang naisagot ko sa kanya at humiga na ako ulit. Tumalikod ako sa direksyon niya dahil ayokong makita niya pa akong nagmumukhang mahina. Baka lalo lang akong makatanggap ng panlalait.

"My name is Stephen Jin Lee. Nice to meet you, Ms. Jean Selice. I know you're wondering how did I know your name. Medyo natignan ko kasi yung mga folders sa harap ng computer mo at nakita ko ang pangalan mo. Nakita ko din yung mga manuscripts at mga librong nagawa mo. Isa ka palang writer. Maybe that's the reason kung bakit ka may telescope at tumitingin sa ginagawa ng ibang tao. Maybe you're just looking for inspiration. Ganun din kasi ako kapag hindi ko magawa yung tamang lasa sa mga chocolates na ginagawa ko. Lalabas ako sa balcony at titingin sa kung saan para makuha ang mood na kailangan ko." huminto siya sandali sa pagsasalita at tumikhim, "Sorry for what I said. Sorry kung napagbintangan kita. Uhmm, sige. Aalis na ako. Hindi na kita iistorbohin pa. Sana ok lang sayo kung bumalik ako bukas? Gusto sana kitang dalhan ng chocolates na ginagawa ko. Para man lang kahit papaano ay makabawi ako sa mga sinabi ko sayo. And I would also love to read one of your works."

Narinig kong lumakad na siya palabas ng unit ko. Hinayaan ko na muna siyang makalabas bago ako umikot sa pwesto ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko ngayon. Eto na ba yung kilig? Matagal ko ng hindi nararamdaman ito kaya hindi na ako sigurado kung ito pa ba yun. Yung para bang may kung anong insektong lumilipad-lipad sa tiyan ko.

Bakit ko nararamdaman 'to? Dahil ba sa mga sinabi niya? Pero bakit? Ano naman ngayon kung babalik pa siya bukas para dalhan ako ng chocolates? Ano naman kung gusto niyang basahin ang mga gawa ko? Ano naman? Ano naman????

Ayoko ng magpaloko ulit sa mga mabubulaklak na salita ng mga lalaking iyan. Sawang sawa na akong umasa. Pero sina ba naman kasi ang may sabi na umasa ako diba? Wala naman siyang sinabing gusto niya ako.

Jean Selice. Wag kang assuming. Nagmamagandang loob lang yung tao.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Caeyo Strauss's other books...