And Lance Met Cassey

 

Tablo reader up chevron

Synopsis

 

Synopsis

 

Nakilala ni Cassey si Lance minsang makita siya nito sa kahabaan ng EDSA na tila pasan niya ang buong mundo dahil sa bigat ng mga problema niya. Bumigay ang isang takong ng sapatos niya, wala siyang trabaho at paubos na rin ang ipon niyang pera.

Nang hapon ding iyon ay tinulungan siya ng binata at inalok ng trabaho—ang maging asawa nito. At dahil walang wala siya, napilitan siyang tanggapin ang alok nito. Bonus pang maituturing na gusto siya ng ina nito para dito. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang loob niya sa binata. Umabot pa siya puntong hindi na siya nagpapanggap kundi umaakto na siya na parang sa isang taong wagas kung magmahal. Hanggang sa dumating ang ex-girlfriend nito na si Glenda at nagdeklarang babalik na ito sa buhay ni Lance. Naiwan siya sa ere na luhaan at sugatan.

Subalit hindi niya hahayaang maikasal si Lance kay Glenda lalo na at natuklasan niya ang maitim na balak ng mga ito laban sa lalaking mahal niya.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

CHAPTER ONE

 

“Kapag minamalas ka nga naman. Bakit kailangang sabay sabay sa isang araw?” wala sa sariling sambit ni Cassey. Marahang tinanggal niya sa mga paa ang suot niyang sandals, hindi alintana kung nasa kahabaan man siya ng EDSA at maraming mata ang nakatunghay sa kanya.

Nanlulumong naupo siya sa bangketa. Tila wala na siyang lakas na magpatuloy sa paglalakad. Sinipat niya ang kapares ng sandals niya na tuluyan nang nabali ang takong. Tuluyan nangang nag-resign ang tatlong taong gulang niyang sandalyas.

May namuong luha sa gilid ng mga mata niya subalit agad na sinupil niya ang mga iyon. Hindi siya maaaring panghinaan ng loob. At hindi isang takong ang maaaring magpaguho sa kumpiyansa niya sa kanyang sarili.

Hinayon ng mga mata niya ang kahabaan ng EDSA nailang linggo na rin niyang matiyagang binabagtas sa pagbabakasakaling isa sa mga nagtataasang building na iyon ang magluluwal ng trabaho para sa kanya. Pero tuwina ay lagi siyang bigo; gaya na lang ng araw na iyon.

Bahagya pa siyang napangiti ng mapagmasdan ang papalubog na ang haring araw. Ilang saglit na lang ay tuluyan nang lulukubin ng dilim ang napakaingay na lungsod na iyon. Hindi na bale, may bukas pa. Sa bawat pagsikat ng araw, may pag-asang naghihintay. Piping saad niya sa sarili.

Napaigtad siya ng isang magarang kotse ang bumusina at humimpil sa tapat mismo ng kinauupuan niya. Unti unting bumaba ang salamin sa passenger’s seat at tumambad sa kanya ang isang lalaking sa tantiya niya ay nasa late-twenties.

Kung nabatubalani siya sa magara nitong sasakyan, tila naengkanto naman siya sa pagkakatitig sa gwapong mukha ng lalaking nasa likod ng manibela. Moreno, matangos ang ilong, malamlam ang mga mata at mapipintog ang natural na mapula nitong labi na tila nangangako ng sanlibong kasiyahan.

Marahil ay nagtataka ito kung bakit ang isang tulad niya na may western feature at pormal ang kasuotan ay nakasalampak ng upo sa gilid ng EDSA.

“You have a problem, Miss?” narinig niyang tanong ng binata sa baritonong boses.

Itinaas niya rito ang mga sapatos niya kasama ang nabaling takong. Nang makita iyon ay bumadha ang awa sa maamong mukha nito sabay iling. Sa pagtataka niya ay bigla na lang niyong pinaandar ang kotse palayo sa kanya. Pero nang sundan niya ang taillights ng sasakyang iyon ay nakita niyang pumarada iyon sa tapat ng isang establisyemento.

At tila isang eksena sa pelikula na dahan-dahang bumaba ang may-ari ng sasakyan na iyon exposing long and muscular legs covered in a pair of jeans. Maglilimayon pa sana ang mata niya sa kakisigan ng binata ng maupo ito sa tabi niya. She was back in reality shortly.

Tahimik na kinuha nito mula sa kamay niya ang sapatos niya na may takong pa. At sa panggigilalas niya ay walang anu-anong pinutol nito ang takong niyon.

“There! Okay na siguro yan for the mean time. At least, pantay na sila.” He was looking at her face intently. Admiration was written all over his face.

“Thank you. You’re my hero,” may himig ng pagbibirong sabi niya dito. Hero my ass! Where the hell did I get that?Isinuot na niya sa paa ang sapatos niya na pareho nang walang takong. Thanks to this man, her hero. She cannot help taunt herself in silence.

“Alam mo, lubusin mo na ang pagiging hero mo. Ilibre mo naman ako, pogi, kahit kwek-kwek lang, ayos na. Kanina pa kasi ako nagugutom.” Hindi na siya nahiyang magsabi dito dahil mukha naman itong mabait, at mukhang anak-mayaman kaya’t maano bang ilibre siya nito kahit kwek-kwek lang?

Nangingiting tinanguan siya nito. “Sure! It will be my greatest pleasure. Na-amuse siguro sa kanya kaya napapayag niya itong ilibre siya ng kwek-kwek. Marahil ay noon lang ito naka-encounter ng estrangherang lakas loob na umungot na magpalibre dito. Tumayo ito at iniabot ang isang kamay nito sakanya. Inalalayan siya nitong makatayo. Aware siya sa init na nanunulay sa balat niya habang gagad nito ang kamay niya. At sa pagkakalapit nila, nasasamyo niya ang pabango nito na humalo sa natural nitong amoy. Para siyang maliliyo sasensasyong idinudulot niyon sa kanya.

Pero sa halip na sa stall ng kwek-kwek ay iginiya siya nito palapit sa kotse nito at ipinagbukas pa siya ng kotse. Biglang nagtunugan ang warning bells sa utak niya. Hindi kaya’t miyembro ito ng isang sindikato? Kahit napaka-pogi nito ay hindi rin impossibleng miyembro ito ng mga sindikato. Wala nang pinipiling mukha ang ganoong trabaho sa ngayon.

“I’m not gonna hurt you, or anything. We’ll just eat in some decent place,” narinig niyang sabi ng hero niya ng malamang nahulaan nito ang iniisip niya. 

Diskumpiyadong tinitigan niya ito. “Kapag kumilos ka ng masama, hindi ako mangingiming saktan ka. Marunong akong mangarate,” she said although it was just a bluff.

Bahagya itong natawa sa sinabi niya. “I know you’re just bluffing. But I’m telling you, I’m not gonna hurt you, okay?” Nginitian pa siya nito.

And that’s it! Sa narinig mula dito ay pumayag na siyang sumakay sa kotse nito. Pinili niyang ignorahin ang mga warning bells sa utak niya at mas piniling sundin ang isinisigaw ng nagra-rumble niyang tiyan. And maybe it was the way he smiled at her that made her nod so instantly.

Humantong sila sa isang mamahaling restaurant sa The Fort. Parang gusto niyang tumakbo palabas nang makita ang presyo ng mga pagkaing nasa menu book na iniabot ng waiter sa kanya. Tig-isa sila noon.

Sinenyasan niya itong ilapit ang mukha sa kanya at saka niya ito binulungan, “Alam mo, parang pang-aabuso naman na yata itong ginagawa ko. Okay lang naman sa akin kahit sa fast food chain na lang tayo kumain. Kahit nga kwek-kwek lang, solve na ako.” Isinatinig niya ang nasa isip. 

Pero agad na sinansala siya nito nang sabihin niyang masyadong mahal ang mga pagkain doon.

“It’s okayHindi naman kita paghuhugasin,” nakatawang saad nito. “Besides, hindi pa rin naman ako nagdi-dinner kaya huwag ka ng mag-alala diyan. Malungkot kumain ng mag-isa kaya isipin mo na lang na ginagawan mo pa ako ng pabor sa pagsama mong ito sa akin,” dagdag pa nito.

Nagpatiayon na lang siya dito. Besides, minsan lang siyang makakain sa mga ganoong uri ng restaurant kaya’t lulubus-lubusin na lang niya ang kabaitan ng binatang ito. Siya namismo ang humula na binata pa ito dahil wala naman siyang nakitang singsing sa daliri nito. The thought made her smile. And she does not exactly know why.

Hindi nagtagal ay nilalantakan na nila ang masasarap na pagkaing nakahain sa mesa nila. Kung na turn-off man ito sa kanya dahil sa lakas niyang kumain ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay ang malamnan ang kumakalam niyang sikmura.

“How I wish all girls would eat just like you,” komento nito ng matapos na silang kumain. Niyaya siya nitong maglakad lakad sa kahabaan ng Bonifacio High Street.

“Para sa mga katulad kong maswerte na kung makakain ng dalawang beses sa isang araw, walang pagkain ang dapat na masayang. Lafang kung lafang,” mabilis na sagot niya rito.

Naupo sila sa isang bench na malayo sa maraming tao. May ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila. “Salamat ha? Salamat dito,” itinaas niya ang mga paa niya. “At dito,” hinimas naman niya ang tiyan niya.

Natawa ito sa ginawi niya. Bakit ganun? Lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya habang lumilipas ang ilang oras na magkasama sila.

 

 

 

 

 
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

 

Chapter Two

 

“So bago kita makita sa may EDSA, saan ka nanggaling? Parang pasan mo ang buong daigdig kanina.”

“Naghahanap ako ng trabaho. Pero puro ‘We will just call you’ ang sabi ng mga pinag-applyan ko. Ang hirap talagang maghanap ng trabaho lalo na kung high school graduate lang.” mapait na saad niya. Hindi niya ugaling i-share sa ibang tao ang mga suliranin niya sa buhay niya. Pero sa pagkakataong iyon ay gusto niyang ikwento sa binatang iyon ang mga hinanakit niya sa buhay upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng loob na dinadala niya.

“That’s sad. Pero tiyaga lang, I’m sure makakahanap ka rin niyan,” pagpapalubag loob na sambit nito. “So where are your parents?” tanong nito.

“Ulila na ako. Noong nakaraang taon tuluyan nang namaalam ang nanay ko dahil sa sakit na cancer. Iyong tatay ko naman na kano, bata pa lang kami ng iwanan kami ng nanay ko. May mga relatives ako, pero ipinagtabuyan na nila ako kaya practically, mag-isa na lang ako sa buhay,” sagot niya dito.

“I’m sorry to hear that.” Was it just her imagination o talagang may nagdaang lungkot, hinagpis at awa sa maamo nitong mukha? Inignora na lang niya iyon. Normal lang sigurong maawa ito sa kanya.

“Okay lang. Matagal ko nang tanggap ang kapalaran ko,” nakangiting saad niya dito.

“You said ipinagtabuyan ka ng mga kamag-anakan mo, bakit?”

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntung-hininga. “Well, hindi siguro nila matanggap na may kamag-anak sila na anak ng pokpok,” dagling lumarawan sa mukha niya ang lungkot ng banggitin ang naging trabaho ng nanay niya.

"Bunso sa apat na magkakapatid ang nanay ko. Medyo malayo ang agwat ng edad ni nanay sa iba nitong mga kapatid kaya hindi siya naging malapit sa mga ito. Lahat ng mga kapatid ni nanay, nakapagtapos. May Engineer, may nurse at iyong isa naman Accountant. Si nanay lang ang hindi nakapagkolehiyo. Dahil doon, ikinahiya nila ang nanay ko. Ang hindi alam ng mga kapatid ni nanay na kaya ito hindi nakatuntong ng kolehiyo ay dahil sa panahon na magtapos ang ikatlo niyang kapatid, wala nang natirang ari-arian kanila lolo at lola. Naubos na sa tatlo niyang kapatid. Matanda na rin sila lolo at lola that time kaya’t hindi na siya nagawang papag-aralin.

Sa halip na tulungan siya ng mga kapatid niya para makapag-aral tutal tapos na ang mga ito, ikinahiya pa nila ito. Iyon ang nag-udyok sa nanay ko na makipagsapalaran dito sa Maynila. Dahil sa taglay na ganda, nakapasok itong dancer sa isang mumurahing club sa Malate. Doon niya nakilala iyong ama ko at ako nga ang naging supling nila. Dala na rin ng trabaho nito, maagang binawi ang buhay ng inay ko.” Mahabang pagsasalaysay niya sa naging buhay nilang mag-ina. “Pero alam mo, kahit ganoon ang naging trabaho ni nanay, mahal na mahal ko yun. Kung hindi lang siguro naging madamot ang pagkakataon sa amin, buhay pa sana siya.”

Naramdaman niya ng kabigin siya nito palapit dito at marahang niyakap. Luckily, there were no tears. Hindi katulad noon na tila dam na umaagos ang mga luha niya kahit naiisip lang niya ang naging kapalaran nilang mag-ina.

She continued with her story kahit na pinigilan na siya nito. Gusto niyang lubusin ang pagkakataong iyon na may taong makikinig sa mga sintemyento niya. Anyway, kapag naghiwalay sila ng landas mamaya ay hindi na yata magsasanga pa ulit ang landas nila. Ang mahalaga lang sa ngayon ay may napagsabihan siya ng mga niloloob niya. Bagay na hindi naman talaga niya ginagawa kahit sa mga kaibigan niya.

“Nang mamatay ang inay, lakas loob akong lumapit sa mga kamag-anak ko sa Leyte. Tinanggap naman ako ng isang tita ko sa Leyte. Pero parang hindi kamag-anak ang turing nila sa akin. Mas tamang sabihin na alila ang tingin nila sa akin that time. Nagtratrabaho ako sa kanila kapalit ng libreng tirahan at pagkain. Hindi rin ako nakaligtas sa pang-uusig at panglalait nila sa akin at sa nanay ko. Pero lahat ng iyon, tinanggap ko.

Aside sa gawaing bahay, nagtrabaho akong secretary cum yaya ng asawa ng tita ko. Isang araw, kaming dalawa lang ng asawa ng tita ko ang naiwan sa bahay.” Bahagya pa siyang natigilan ng maramdaman ang marahang pagpisil nito sa isang kamay niya na hawak nito. Tila nagsasabi iyong tama na. Pero nagpatuloy siya sa pagkukwento.

“Iyon na nga, kaming dalawa lang sa bahay. Nagbubusa iyong asawa ng tita ko dahil may mali raw sa ipinagawa niya sa akin. Panay ‘Fuck’, ‘Fuck’, ‘Fuck’ lang iyong binabanggit ni kuya na sinamahan ng ilang tagalog na mura. Parang lalamunin niya ako ng buhay that time. Iyak na ako ng iyak at sabi ko sa kanya, Kuya, stop fucking me. Please kuya, stop fucking me.” Saglit na tumigil siya para tumawa ng maalala ang katangahan niyang iyon. Ito man ay natawa rin. “Iyon lang ang parteng narinig niya ng dumating siya galing sa trabaho niya. Ang akala nito ay may nangyayari sa amin ng asawa niya.

Nang araw ding iyon ay pinalayas niya ako sa bahay nila. Pero bago ako tuluyang makalabas ng bahay ng mga ito ay nagpabaon pa ito ng mga masasakit na salita. Na kesyo kiri daw ako at mana ako sa nanay ko. Alembong, pokpok at kung anu-ano pang masasakit na salita. Hindi ko na nalinaw sa Tita ko na mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi kong iyon. I know I shoud’ve not said ‘Kuya, please stop fucking me,’ but damn, I was so tense that time!” aniya sabay tawa.

“Pero mabuti na rin iyong umalis ka sa poder nila. At least, hindi mo na kailangan pang makisama sa mga taong baboy ang trato sayo,” he said. Mataman itong nakatingin sa kanya. Parang malulunod siya sa mga mata nito. At bago pa man humantong ang tinging iyon sa kung ano pa mang kaganapan, nagbawi siya ng tingin.

“Masyado nang gabi, kailangan ko ng umuwi. Maraming salamat ulit, my hero.” Naglakad na siya palayo dito. Natatakot siyang baka kapag nagtagal pa siya na kasama ito ay tuluyan nang mahulog ang loob niya rito. Love is the last thing that she would need right now. Nakaka-ilang hakbang na siya ng may maaalala. Pumihit siya ulit paharap dito para lang mapatili dahil nasa likod na pala niya ito. Ilang dipa lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya. “I don’t think we have properly introduced ourselves. I’m Cassey. Cassey De Vera,” pakilala niya rito sabay lahad ng kamay.

“Lance De Ocampo.” Pinaghugpong nito ang mga kamay nila. And for a fleeting moment, nagsulputan muli ang tila mga paru-paro sa tiyan niya. Bago pa siya makahuma ay inakbayan na siya nito. “Ihahatid na kita, Cassey.” And right there and then, she was totally lost in his eyes again.

Inihatid nga siya nito sa Mandaluyong kung saan siya nakatira. Pero hindi na niya ito niyayang pumasok sa loob mismo ng lugar nila dahil madaming sira-ulo sa lugar na iyon at natatakot siyang mapag-tripan pa ito pagpauwi na ito. Di bale nang maglakad siya hanggang sa bahay niya na isang kanto na lang naman ang layo.

“You live here?” hindi makapaniwalang tanong nito. He surveyed the place, and he grimaced at what he saw.

“Yes. Ito ang mundo ko, Lance. Pero huwag kang mag-alala, safe ako dito. Ako yata ang reyna ng lugar na to,” pagpapatawa pa niya. Partly, it was true. Kilala siya sa lugar na iyon. Hindi bilang pariwara o kung anupaman. Kilala siya doon dahil sa pagiging palabati niya sa mga tao. Binibiro nga siya ng ilang kakilala niya na pwede na siyang tumakbong barangay kagawad at tiyak na mananalo siya dahil sa dami ng nakakakilala sa kanya.

Nakasandal ito sa kotse nito habang hawak ang kamay niya. Pinipisil pisil nito ang mga iyon. “Cassey, I’d like to give you a job.” Then she saw a glint in his eyes, was it love?

Ang O.A. ha? Love agad? Hindi ba pwedeng attraction muna, teh? Pagbubusa ng isang bahagi ng isip niya.

“Baka naman naaawa ka lang sa akin kaya gusto mo akong bigyan ng trabaho?” aniya rito.

“Of course not.” Lumunok pa ito bago muling nagsalita. “Cassey, be my wife.”

Literal na na-shocked siya sa sinabi nito. Be my wife? Tama ba ang pagkakarinig niya? It couldn’t be. Naawa ba ito sa kanya? O baka naman naparami lang ang nasinghot nitong katol. Pero agad din niya iyong iwinaksi sa isip dahil tiyak na naka-aircon ito at walang space ang katol sa bahay ng mga ito. At kung ano man ang naglalaro sa isip nito at niyayaya siya nitong magpakasal dito ng walang kaabug-abog, wala na siyang pakialam pa doon. Isa siyang malaking baliw kung kakagatin niya ang alok nito.

Binawi niya ang kamay dito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya. “Sorry Lance, I can’t accept you proposal. I can’t marry you,” tahasang sabi niya dito. At bago pa magbago ang isip niya ay tinulay niya ang distansiyang nakapagitan sa kanila. Her lips touched his. It was just a short and gentle kiss. But it was enough to make her knees go weak.

“I had a great night, Lance. Maraming salamat ulit para sa lahat.” Marahang humakbang siya ng patalikod. “Umuwi ka na sa inyo Lance at matulog ka ng mahimbing. Siguradong bukas ay makakalimutan mo rin ako. Ituring mo na lang na panaginip lang ang lahat ng nangyari ngayong gabi.”

Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ito. Matinding pagsisikap ang ginawa niya na huwag itong linguning muli kahit na ng marinig niyang tawagin siya nito.

Another day has passed in her life. But that day was extra special because it’s not every day that she got the chance to meet someone like Lance.

At tuluyan na siyang nilamon ng dilim sa iskinitang iyon.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like chadkinis's other books...