ONE LAST CHANCE

 

Tablo reader up chevron

ONE LAST CHANCE [Short Story]

 

ONE LAST CHANCE 

by ChastineCabs_11

 

 

Sabi nila.. it feels good to fall in love. It makes you feel on cloud nine. It makes you crazy like smiling for no reason at all, it makes you inspire and it makes you do things you didn't do before. 

It is all because of LOVE - the most beautiful thing in the world, and at other times, the most horrid and painful thing we can feel..  

Love has always two different faces - sadness and happiness. Hindi palaging 'saya' ang hatid nito sa atin dahil kalakip nito ang 'kalungkutan' at 'kabiguan' kaya dapat kapag nagmahal ka, dapat handa ka din masaktan. Dapat alam mo kung kailan ka maghohold-on at maglelet-go.

Pero minsan pala.. kapag nagmamahal ka, kahit nasasaktan kana, patuloy ka pa rin umaasa, umaasang isang araw mapapansin ka rin niya... 

 

"PAMBIHIRA, pards!!" nakasimangot na angal ni Bryant nang tumama ang bola sa dibdib niya. "Sobrang lakas n'on ah!"

"Buti nga sayo. Bheeh!" sabi ko sabay belat sa kanya na natatawa. Nagba-basketball kaming dalawa sa court ng village namin. Ipinasa ko ang bola sa kanya pero ang kumag biglang nawala ang atensyon sa paglalaro nang mapadaan ang crush niyang si Amber na nakabisekleta. Parang tangang sinundan niya pa ng tingin ito sa labas kaya nong ipinasa ko ang bola sa kanya, tumama iyon sa dibdib niya. Tss..

"Hoy! Sinadya mo yun noh?" sabi ni Bryant na dinuduro ako. 

"Hindi ah! Ikaw dyan ang tatanga-tanga!" pang-aasar ko sa kanya.

"Ah, ganon ah? Humanda ka! Lagot ka saken!" pagbabanta ng loko sabay takbo palapit sa'kin.

"Whaaaah! Hahahaha! Catch me if you can! Bheeeh!" tumakbo din ako paiwas sa kanya at kumembot pa habang binibelatan siya. Tawa lang ako ng tawa dahil hindi niya ko mahuli-huli. Aba, ekspert yata to sa habulan at patintero noh! :p

Pero ang loko, mukhang walang balak sumuko. Hiningal nalang ako kakatakbo at kakaiwas sa kanya dahil halos bawat sulok ng court ay naikot ko na sa paghahabulan naming dalawa. Hanggang sa maramdaman ko nalang na lumadlad sa balikat ko ang mahaba kong buhok. Ang walang hiya! Huli na nong  marealize kong hawak-hawak na niya ang bullcap ko, iwinagayway niya iyon sa ere sabay ngisi sa'kin.

"Hoy! Bryant! Akin na yan! Ibinalik mo saken ang sumbrero ko!" sabi ko at ako naman ngayon ang humahabol sa kanya.

"No! Bayad mo to sa pananakit mo saken kanina!" nakangising sabi niya. Itinupi niya ang bullcap ko at ibinulsa iyon.

Kainis! Naisahan ako roon ah! Isa na naman ang nalagas sa bullcap collections ko! Buti sana kung fake lang ang mga 'yun, eh pulos branded kaya 'yun dahil mga pasalubong sa'kin 'yun ni Momsie from states pa! 

Madalas, ganyan ang eksena namin dalawa. Kanya-kanyang trip sa isa't isa, pero sa huli.. ako ang palaging naiisahan ng mokong. 

 

Oh, bago ang lahat, ako nga pala si Haylie Montelejo, 23 years old, no particular job pero hindi ako tambay ha. Nagkataon lang na ako 'yung tipong hindi nakasteady lang sa isang trabaho. I'm a part time freelance photographer slash part time barista. Barista sa  coffee shop na pag-aari ng Tito ko, at freelance photographer sa photo studio ni Bryant, tulad ko.. he is also a photographer at iyon ang business niya.

He's my bestfriend since high school. Tropa siya ng Kuya ko na ngayon ay nasa states na nakabase. Well, actually.. buong family namin, nasa Canada na, ako nalang ang naiwan dito sa Pinas. Minsan, nagpupunta ako doon para bisitahin sila, but I don't want to stay there.. not yet, not now.. for some reason.. no, for one reason...

Itong si Bryant Larson ang madalas kong kasa-kasama, dahil bukod sa nagtatrabaho ako sa photo studio niya, tropa din kami. Lakad ko, lakad niya, lakad naming dalawa. Partner in crime namin ang isa't isa. Our friendship started just like a roller coaster. Kunbaga, sa dami ng bangayan, asaran at pangti-trip namin sa isa't isa, at the end of the day.. we're still "bestfriends". Bryant treated me like a buddy, just one of the boys, pero kahit si Kuya Ralph ang pinakamalapit na kabarkada niya, sa akin siya madalas magpakita ng kabaliwan niya, ako ang nilalapitan nya kapag may problema, gaano man ka-petty at ka-nonsense minsan. Pero siempre, never ko naman natiis ang isang 'yon kaya palagi akong toda rescue sa kanya. Mapa lovelife man 'yan o ano pa man..

I'm always here for him, no matter what happen.. because that's the best way to stay close to him. Just being a friend.. a 'bestfriend'. Nothing more, nothing less. 

 

"SARAP ng kain mo, ah!" nakatawang bati ni Bryant nang makita niyang nakataas ang isang paa ko sa silya. Mas kumportable kasi ako sa ganong pwesto at mas lalong napapasarap ang kain ko sa pritong isda with toyo na may kamatis at sibuyas na sawsawan.

"Para ka lang nasa probinsya." dagdag niya pa dahil kumakain ako ng nakakamay lang. Hindi na din ako nagulat sa basta niyang pagsulpot sa harapan ko dahil may duplicate key siya ng aparment ko, at siyempre meron din ako ng sa kanya. 

"Mas masarap kumain ng nakakamay. At bakit pa mag-iinarte, eh nag-iisa naman ako rito?" umirap ako.

"Mag-isa? Ano palang tingin mo saken?" sabi niya. 

"Bakit ba? Sino ka ba? Para ka namang others." sagot ko naman na halos mapuno na ng laman ang bibig sa laki ng mga subo ko. 

Sa halip na magkumento pa, nailing nalang si Bryant at inilapag ang supot ng Mcdonald sa mesa. "O, pasalubong ko sayo. Pakabusog ka. Ubusin mo yan ha." 

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa supot ng Mcdonald na mukhang complete meal pa yata with fries, cokefloat, apple pie, big mac at sundae ice cream. "Pasalubong? Aba pards! Himala ito. Anong meron? Libre mo ba to saken?" 

"Hindi, ibebenta ko," sarkastikong sagot niya. "Ano naman ang palagay mo saken? Kuripot? Ikaw nga tong mas makunat pa sa inuyat." 

Napairap ako sa kawalan. "May 'inuyat' ka pang nalalaman dyan. Kumain kana nga lang din, saluhan mo na ko rito sa dala mong Mcdonald."

"Huwag na, Mukhang kulang pa yan sa'yo eh." sabi niya na may halong pangaasar.

Sinimangutan ko siya. "Tse! Madami na akong nakain, di na kakayanin ng pondo ko ang umubosin lahat ng yan." 

"Don't mind me. Kumain na ako bago ako nagpunta rito." sagot ni Bryant. "I used the duplicate key, akala ko kasi umalis ka, hindi ba't may pasok ka ngayon sa coffee shop?" 

"Wala. Nag day off ako tutal linggo naman ngayon. Tsaka, magchat daw kami mamaya nila Momsie." sagot ko na patuloy sa pagsubo. "So what brought you here? Hindi ka pala sure kung aabutan mo ako?"

He smiled. "Wala lang. Namiss lang kita. Kaya, sinurprise-visit kita." sabay tanggal sa bullcap sa ulo ko dahilan para maladlad na naman ang mahaba kong buhok.

"Brie naman! Akin na yan!" saway ko kay Bryant ng iiwas niya ang sumbrero ko ng akmang aagawin ko 'yun sa kanya. Ang walang hiya. Tiniklop at ibinulsa na naman ang bullcap ko. 

Then, he tapped my other hand na pilit pa din binabawi ang sumbrero. "Stop wearing this cap, Haylie. Hindi mo dapat itinataas ang buhok mo. Mas maganda ka kapag nakaladlad ang buhok." 

And because of that, napatanga naman ako. Did I heard it right? Maganda daw ako.. I knew, I'm blushing kaya bago pa makahalata si Brie, nginusuan ko nalang siya at muling itinuon ang mukha ko sa pagkain.

But deep inside, halos magtatalon na ang puso ko sa tuwa. He said first, he missed me.. tapos ngayon naman 'maganda ako. Oh God! Ito na naman sa pagwawala ang puso ko. Simple at natural lang naman 'yung magkakasabi non ni Bryant, but it gives a lot of impact to me, pakiramdam ko, kahit umaga palang, buo na kaagad ang araw ko. If only he knows... but as it was, wala siyang alam. At wala siyang malalaman. I'm not a 'tomboy', duh! Sa ganda ko na to? (..and according to Bryant) Medyo boyish lang talaga ako kumilos at pumorma, pero pusong babae pa din naman ako, na lihim na nagmamahal kay Bryant. Yes, I'm secretly in love with my bestfriend and he has no idea, akala niya hindi kami 'talo' dahil pusong lalaki daw ako, so I just put on that disguise para lamang mapanatili ang aming pagkakaibigan. More than anything else, I cherished our friendship. I don't want to ask for more.. this is enough for me. Pagkakasyahin ko nalang ang sarili ko sa lihim na kasiyahang nararamdaman ko sa bawat maikli at manandaliang saya sa tuwing kasama ko siya.

But I know.. itong kasiyahang nararamdaman ko, hindi permanente. Kaya bago pa ako tuluyan mag day dream, I was back to my sense. "Sorpresa ka riyan at may maganda pa ha?! Hoy! BRYANT LARSON! Kilalang kilala na kita! Siguro, may hihingin ka na namang pabor, ano?"

"Sobra ka naman, pards." nakangising sabi niya na napakamot ulo. "But on second thought..."

I rolled my eyes and released a very deep sigh. Sinasabi ko na nga ba!

 

INAYOS ko ang pagkakasuot ng sumbrero ko habang matyagang naghihintay sa entrace ng Ospital kung saan nagtatrabaho si Amber bilang nurse. Naging classmate ko siya nong elementary but I'm not that sure if she still remember me, though sa village din namin siya nakatira. Halos mag-iisang oras na din akong nakastand-by roon para abangan ang paglabas niya. Base sa pagtatanong tanong ko, naka night shift siya kaya malamang ngayon umaga ang out niya. Alas sais palang gumising na ko para mag jogging at pagkatapos ay dumiretso na ko roon. Tumambay ako sa nearby coffee shop sa tapat ng ospital para mas madali kong mahagilap si Amber.

Bakit ko ba ginagawa 'to? Isa na naman 'to sa kabaliwan ni Bryant eh, matagal na niyang crush si Amber, kaso hindi niya malapitan, ewan ko ba sa lalaking 'yon, gwapo naman.. sa katunayan n'yan, campus heartthrob pa nga siya nong high school kami pero pagdating sa diskarte, negative. Ang torpe lang. Naku, kung hindi ko lang talaga mahal—-besfrend ang ugok na 'yun, I will never ever do this! -_-

Ilang sandali pa, natanaw ko na si Amber na papalabas ng ospital kaya naman kaagad akong naglakad para salubungin siya, planado ko na to——

"Ouch! Shit!!" napatili ako nang matapunan ako ng hot coffee. Dahil sa magmamadali ko, nabangga ko yung nakasalubong kong may dalang cup of coffee. 

"OMG! I'm sorry Miss.. nagmamadali din kasi ako," hinging paumanhin ng babae. Naranta din siya dahil halos mabuhos sa akin 'yung laman ng cup na dala niya. 

Hindi ako makapagsalita sa sobrang hapdi. Namula kaagad ang kaliwang braso ko. Shet lang. Nalapnos pa yata ang balat kooo! Nagulat nalang din ako nong biglang may lumapit sa aming babae na nakauniform ng pang nurse! And guess who?

It's Amber! She was heading to coffee shop nong napansin niya 'yung eksena namin ni ateng nakabunguan ko. 

Sinamahan ako ni Amber pumunta ng ospital. Sabi niya, 'yung paso ko, first-degree burn daw kaya kaylangan kaagad malapatan ng first aid. Napapikit ako sa sobrang hapdi. Ramdam na ramdam ko ang paso ko. Kainis! It's my fault for being a careless so I can't blame si ateng nakatapon ng kape sa'kin. 

"Don't worry, hindi naman magpepeklat 'yan, iwasan mo lang wag muna mabasa, i-continue mo lang din 'yung ointment na ibinigay ko sa'yo." nakangiting sabi ni Amber. 

Tumango-tango ako at muling tiningnan 'yung braso kong napaso na nalagyan na ng gasket.

"Anyway, you look familiar to me.. hindi ko lang matandaan, but have we met before?" mayamaya sabi ni Amber habang nakatitig sa mukha ko. 

Doon ko lang naalala ang totoong sadya ko kaya ako naroroon. Hindi ko lang inexpect na kaylangan ko pa mapaso para lang malapitan at makausap siya ng kusa.

I smiled to her. "I think so... Amber, right? We attended the same school. In Xavier Academy."

She stared at me again. Then, bigla namilog ang mga mata niya ng makilala ako. "Haylie! The kid sister of Ralph Montelejo, is it you?"  

I half smiled. So she remembered me because of Kuya? Tss.. sa pagkakatanda ko, may crush 'to dati sa kapatid ko. And honestly, I don't like her even before, yes she's really pretty and sexy. Kaya nga naging campus muse siya dati ng school namin, pero kilala din siya sa pagigng campus playgirl niya. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon, ganoon pa din siya, lahat nalang kasi yata ng gwapo sa school namin ay naging boyfriend ni Amber. Except to Kuya Ralph  na nuknukan ng pagkasuplado and Bryant na noon, hindi pa siya pansin dahil ahead sila sa amin ng two years. 

"Kamusta ka na? Tagal na din natin hindi nagkikita pero.." anito sabay head to toe niya sa akin. "Parang wala namang nagbago sa'yo. You're still in boyish outfit." sabay tawa. 

Napataas kilay ako. So what? Baka pag nagbihis babae ako, mas lamang pa ng tatlong paligo ang ganda ko sa'yo! Grrr.. 

"Fine," sagot kong pilit na lang ang sigla sa tinig. Hindi na din ako nag-aksaya ng laway para kamustahin siya. I don't care and I still don't like her.. 'yan lang ang sure ako. 

"Oh, well.. it's good to see you again, Haylie. Anyway, kanina pa kasi tapos ang duty ko. I really need to go now. But I hope, we can catch up again. May number ka ba? Kunin mo nalang din ang number ko." Amber said sabay kuha ng phone niya sa bag.

Oh great! Akalain mo? Yan talaga ang sadya ko! But I don't know.. if what should I call this.. a 'luck' or a 'curse'. Kaylangan ko pa pala madisgrasya para lang makuha ang number nitong si Amber. You should owe me for this Bryant! 

Wala sa loob na nilabas ko ang cellphone ko.

"Wow, Haylie, 'ganda ng cellphone mo, ah!" bulalas ni Amber pagkakita sa phone ko.

I smiled coyly. Bakit? Mukha bang hindi ko kayang maka-afford ng ganitong cellphone? Latest model ng iPhone kasi ang cellphone ko, at limited palang ang stock nito sa market kaya bihira palang ang may ganoon sa pinas. 

"Gift sa'kin ni Bryant nong last birthday ko." hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya. "So anong number mo?"

Mabilis naman niyang idinikta iyon sa akin. "Boyfriend mo ba 'yung nagregalo nyan sa'yo?" intregerang tanong ni Amber after we exchanging the numbers.

I looked at her. Gusto ko sanang sabihing 'Oo' pero once na gawin ko 'yun, para ko din nilaglag si Bryant sa babaeng nagugustuhan niya. 

"Nope, besfrend ko." sagot ko nalang at nagpaalam nasa kanya. "Sige, una na ko Amber, thank you nga pala." 

"No problem. Mag ingat kana lang next time." ani Amber. "And call me up, okay?" she added.

Nginitian ko siya.  "Sure," then I went out first to the hospital dahil ayokong magkasabay pa kami sa paguwi. 

 

"THANK YOU pards! Bilib na talaga ako sayo!" tuwang tuwang sabi ni Bryant na kulang nalang ay sakalin ako sa pagkakaakbay sa akin. Ibinigay ko na sa kanya 'yung number ni Amber. Nasa photo studio niya kaming dalawa ng araw na iyon.

"Tss.. Oo na," sabi ko sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.

Pero pinigilan nya ang paghawi ko sa kamay nya nong napansin nya yung benda sa kaliwang braso ko. "Anong nangyari sa braso mo?" seryosong tanong ni Bryant saken.

Kaagad ko namang binawi ang kamay kong hawak niya. "Ah, w-wala lang to." 

"Sure ka? Bat may benda?" worried niyang usisa na nakatingin pa din sa kaliwang braso ko. 

"Nah, bunga lang 'to ng katangahan. Anyway, I did my part, so the rest is yours.. diskarte mo na 'yan." pag-iiba ko ng usapan habang pilit na ibinababa ang manggas ng tshirt ko para di niya na mapansin ang gasket sa braso ko. 

This time.. I'll let Bryant to make his own move for a girl, simula't sapul kasi ako nalang palagi ang nagiging tulay niya sa mga babaeng nagugustuhan niya. Honestly, halos lahat ng naging girlfriends niya since high school, ako ang nanliligaw para sa kanya, hindi ko nga maintindihan, gwapo, mayaman, matalino, at mabait din naman pero wala.. torpe lang talaga pagdating sa mga babae. Saklap! Hay.. Oo, alam ko naman eh, tanga na kung tanga pero wala eh, kapag humihingi siya ng tulong sa'kin, hindi ko talaga kayang tiisin ang lalaking 'to.

"Yeah, I know.. sana lang magwork out lahat ng moves mo. Do you think, magugustuhan niya din ako, Haylie?" tanong nya saken.

I just shrugged my shoulders. "With the looks and financial status ng pamilya mo, for sure 'yun."

"That's it? You mean she can fall head over heels with that reason only?" exasperated na bulalas ni Bryant.

"Exactly!" I said, raising an eyebrow. "But not necessarly with you, as in Ikaw." 

"Ang sakit mo naman magsalita, pards. Hindi ba ako ka-in love-in love?" parang nahurt talaga niyang sabi.

In that second, I looked at him. Oh, Bryant.. kung alam mo lang...

"Of course you are, kaybigan mo ako, eh," sa halip ay sagot ko sa kanya. "But the likes of Amber, I don't think.. she can love you enough without that, you're aware to her figure in the campus before, right? The moment na makakita 'yan ng iba o mas nakahihigit sa'yo, walang pagdadalawang isip na iiwan ka niyan sa isang tabi." 

Napabuntong hininga si Bryant. "Baka naman nagbago na siya..."

"Sana nga. Who knows? So bago mo siya ligawan, you should know her better." payo ko sa kanya.

Sa sandaling iyon, nanahimik si Bryant. I sighed. Don't get me wrong Brie.. hindi ko 'to sinasabi sa'yo para sa pangsarili kong kapakanan, ayoko lang magkamali ka at masaktan once na mafall kana sa kanya ng sobra.. di baleng ako nalang 'yung masaktan.. wag ka lang.. because I can't bare the thought of seeing you in pain.. 

Mukhang napaisip din siguro ang loko. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Ba't ba ganyan ka kainteresado sa kanya? Don't tell me in-love kana talaga kay Amber?" 

He took a deep breath. "I'm not so sure, but I know.. I like her and I want to get to know her more.." napapangiti niyang sabi then isinukbit na ang DSLR cam sa leeg niya.

I looked at him. Even it hurts, I smiled. Ganoon yata talaga kapag nagmamahal ang isang tao.. kahit nasasaktan na, we're still hold on for the small hope na balang araw, napapansin ka din niya, hindi bilang isang kaybigan o katropa, kundi isang taong pwede niya din mahalin.. 

 

"WHAT? Kayo na? Agad-agad? Tinanong mo palang siya kung pwede kang manligaw? Sinagot kana??" gulat kong pagkukumpirma kay Bryant. Sa sorang pagkaexcite niya, kaagad siyang nagpunta sa coffee shop na pinapasukan ko para lang sabihin sa akin ang good news niya. Well, good news nga ba 'yon para sa'kin? 

Ngiting-ngiting tumango naman ang loko. "Kahit ako, I didn't expect na sasagutin niya din kaagad ako. But it doesn't matter now dahil girlfriend ko na siya." 

Napailing nalang ako at hindi pa din makapaniwala. Aba, ibang klase din pala ang babaeng 'yon, ano?! Matinde pa sa inaakala ko. I think.. she still playing around with the boys.. pero paano ko maiiwas si Bryant sa kanya kung sila na? Hays! 

"But Brie, that's too fast huh. Sure ka bang mahal ka non? I mean.. dalawang beses palang kayong nag 'date' then now.. kayo na?  Sigurado kana ba talaga sa kanya?" 

"Oo naman! Mas okay nga 'to, mas madalas na kaming magkakasama, mas makikilala pa namin ng mabuti ang isa't isa." masayang sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako. What should I do? Wala.. just be a friend and stay by his side Haylie.. my mind said.

 

"HAYLIE, sumama kana, 3 days lang naman tayo sa Tagaytay." yaya ni Bryant sa akin nong gabing bumisia siya sa apartment ko.

Tumawa ako. "Ano na naman ba 'yang naisipan mo?" 

"Sige na pards, samahan mo na ako," pangungulit nya. "Baka kasi.. mailang si Amber kapag kaming dalawa lang."

Nailing ako sa sinabi niya. "Ah, so gagawin mo na naman akong chaperone?"

Napakamot siya sa ulo. "Hindi naman sa ganon pards, medyo awkward kasi, you know.. bago palang kami, at least kung kasama ka, mas madali sa akin ang dumiskarte."

At sinabi ni Bryant.. I can't help but to feel the pain. Nasasaktan ako dahil kahit hindi niya sabihin.. alam kong sabit lang ako sa lakad nila ni Amber. He just want me to go with them dahil sa diskarteng sinasabi niya. 

"I won't, Brie. Madami din kasi akong gagawin ng araw na 'yan.." tanggi ko.

"Tulad ng ano?" seryoso niyang tanong sa akin.

Nagsisimula na naman bumigat ang loob ko. Ba't ba ang manhid mo! Argh! At ano bang akala nya sa'kin? Anytime, available? Kung sa ibang pagkakataon, siguro pwede pa, pero kung isasabit niya lang naman ako sa lakad nila ng GF niya, aba sobra naman 'yun.. gusto ko naman ipahinga 'tong puso ko kahit paano sa sakit sa tuwing makikita ko siyang may kasamang iba. 

"Trabaho. Alam mo namang hindi lang iisa ang trabaho ko di ba, busy ako kaya hindi  ako makakasama." sagot ko sa kanya. 

 "Ang dami mo naman excuses, Haylie. You know, kung talagang gusto mo, maraming paraan. Kung ayaw mo maraming dahilan."  tila nairitang sabi ni Bryant. Tinalikuran niya nako at tinungo ang pinto.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman maatim na magalit siya s akin. Kaya sa huli.. hindi ko na naman siya natiis. Hinabol ko si Bryant at pinigilan sa braso.

"Sige, sige, sasama na ako!" 

Nilingon niya ko na nakataas ang mga kilay. "Parang labas naman sa ilong 'yang magpayag mo."

Sinimangutan ko siya. "Sasama ko but I will bring my own car."

Napakunot noo siya. "Bakit pa? Magsasayang ka lang ng gasolina, pwede ka naman sa kotse ko sumakay ah."

"Ah basta! Ayoko sumakay sa kotse mo. Baka mamaya, maduwal pa ako sa kaeklayan n'yo." giit ko.

Natawa si Bryant at inakbyan ako. "Asus, takot mainggit ang best friend ko!"

Hindi lang mainggit. Takot din akong masaktan Bryant.. 

 

Nong araw na nagtungo kami sa Tagaytay.. kahit anong iwas at pagkukunwari ko, aaminin ko, masakit.. sobrang sakit. Wala naman akong magagawa kundi itago iyon sa loob ko. Sa tuwing nakikita ko silang nagtatawanan at naglalambingan ni Amber, pilit ko nalang iniiwas ang mga mata ko, kung pwede nga lang pati ang magkabilang tenga ko, takpan ko nalang din para wala akong marinig sa pagpapalitan nila ng mga sweet words. Gusto kong magsarili ng lakad pero ayaw naman pumayag ni Bryant, baka daw mawala ako, ano ako paslit? Tss! Gusto niya lang yata palagi akong nakabuntot sa kanila. Kainis! Ba't ba ang nagpapakamartir ako ng ganito?

Mabuti nalang, madaming magagandang tourist spot sa Tagaytay kaya kahit paano nadivert ang atensyon ko sa mga iyon. Last day na namin nong nagpunta kami sa mga tindahan ng mga souvenirs at doon ako nagkaroon ng pagkakataon para makaiwas sa kanila, malaki naman 'yung pamilihan kaya nagikot-ikot ako mag-isa. Habang nag-iikot ako, napatigil ako doon sa tindahan ng iba't ibang accessories. 

Napangiti ako pagkakita ko sa isang cute na hairclip na kurting heart na may diamon na red sa gitna. Habang pinagmamasdan ko 'yon, nagulat ako nong may bigla nalang may dumampot non. Nag-angat ako ng mukha para tingin kung sino.. pero nasorpresa ko nang mabatid na si Bryant pala iyon.

"You like this?" nakangiting tanong niya sa akin. 

Bago pa man ako makasagot, bigla niya nalang hinubad ang bullcap na suot ko dahilan para maladlad ang mahaba kong buhok.

"Brie, yan kana naman—-"

Natigilan ako nong iniligay niya 'yung hairclip sa buhok ko. Napatitig nalang tuloy ako sa kanya. 

Napangiti si Bryant. "Oh, bagay pala sa'yo, pards. I'll buy this for you huh," 

Nahiya naman akong bigla. Feeling ko nagblush pa ko. 

Hind pa man ako nakakarecover sa pagkabigla at hiyang nararamdaman ko nang biglang sumulpot si Amber at yumapos kay Bryant. "That's a nice hairclip, can I try, babe?"

"Yeah, sure.. wait babe, I'll get the other one for you," naghanap si Bryant don sa mga nakadisplay pero mukhang nag-iisa nalang 'yung hairclip na 'yon, sabi nong tindera, last piece na daw 'yun, wala ng stock.

I removed the hairclip in my hair. "Its' okay Brie, hindi ko din naman magagamit 'to, kay Amber mo nalang ibigay." sabay abot sa girlfriend niya.

Napatitig lang sa akin si Bryant at umiling. "Haylie.. no—-"

"Thank you Haylie," ngiting ngting sabi ni Amber at bumalin kay Bryant. "Babe, can you put this in my hair?" malambing niya pang sabi.

Sinenyasan ko nalang siya na 'okay lang' kaya napilitan siyang harapin si Amber para isuot ang hairclip sa buhok nito, I don't know.. pero sa pagkakataong iyon, I saw disappoint on his face. Isinuot ko nalang ulit ang sumbrero ko then tumalikod na ako sa kanila at nagpunta sa ibang tindahan.

Pero hinabol ako ni Bryant at inakbayan. Napalingon ako sa likod and I saw the iritation on Amber's face pero kaagad din siyang ngumiti nong napansin niyang nilingon ko siya. 

"Sorry, pards.." Bryant said.

I looked back at him. "For what?" 

"About the hairclip, but don't worry, ibibili din kita ng katulad non, okay?"

"No need, okay nga lang, hindi ko din naman magagamit 'yon." sabi ko.

"Ah, basta." giit niya at nagpunta na kay Amber dahil tinawag siya nito. 

I sighed. Yung hairclip na 'yun same as what I feel to Bryant .. gustuhin ko man,  pero hindi talaga para sa akin.. kahit nauna ko man 'yun nagustuhan, sadly.. sa iba pa din mapupunta.

 

"HOY BRYANT! Open the door!" tawag ko sa besfrend ko habang sunod-sunod at walang tigil ang pagkatok sa pinto ng apartment niya. Tinawagan niya ako kanina but he didn't say anything so I was so worried kaya napasugod ako kaagad roon. At hindi ko na kaylangan magtanong o magisip sa kung anong dahilan because I knew it. Aist! There he goes again..

"Brie! Nandyan ka ba? Papasok na ko." sabay kuha ng duplicate key sa bag ko. After I putted the key, pinihit ko kaagad ang doorknob at itinulak ng kaunti ang pintuan upang sumilip. My eyes scanned the room and there.. I found him sitting on the sofa, his hands cupping his face. Tingnan mo 'tong lalaking 'to, nandito lang pala, hindi pa ako pinagbuksan ng pinto! 

Tatawagin ko sana siya para ipaalam ang presensya ko when I heard him sob. Napabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Bryant..." I said and I sit beside him. "Ano na naman bang nangyari?"

Hindi siya sumagot. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga habang pinagmamasdan siya na kahit nakatakip ang mga kamay sa mukha, I know.. he's crying. I'd never see him like this.. mukhang mas malala yata ngayon ang problema niya. 

"It's about Amber, right? Nakipag cool off na naman ba siya sa'yo?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko naman ang sagot dahil hindi na bago iyon. Si Amber lang naman ang dahilan ng pagkakaganito ng besfrend ko. 

Sa sinabi ko.. doon lang siya napatingin sa akin, and I saw the teardrops in his eyes na nagpasikip ng dibidib ko. He's really crying right now.

"Haylie.. she b-broke up with me..w-wala na kami," garalgal niyang sabi sa akin. 

"What? But why?" I asked him.

Hindi na ako masyadong nagulat sa breakup nila ng GF niya dahil madalas na itong makipag cool-off kay Bryant, cool-off or breakup. It's the same, right? Alam kong doon at doon din naman ang punta ng relasyon nila. Ewan ko ba dito sa lalaking 'to, he still hoping that he can fix it again. Sa loob ng almost one and half year, on and off na ang naging takbo ng relasyon nila. Kung alam ko lang na ganito ang kakahantungan nila, sana nong una palang hindi ko na siya tinulungan makipaglapit sa Amber na 'yon. Sino bang matinong babae na may boyfriend na ang magpapaligaw at makikipagdate sa iba? She's totally a bitch, playgirl! Kaya hindi ko alam kong bakit naging ganito kaseryoso si Brie sa kanya. 

"Sabi niya.. h-hindi n'ya na daw ako mahal. I can't understand her reason Haylie.." he scoffed as tears rolled down from his eyes. "I can't believe this. Ano bang ginawa kong mali?"

Nagsimula na din mamuo ang mga luha sa mata ko. I feel his pain.. and it hurts me more. Umiling ako. "Wala. Wala kang ginawang mali Brie.. nagmahal ka lang and it's part of love." then I hugged him and I wished.. na sana AKO nalang.. na AKO naman..

 

Almost two weeks nang hindi nagpupunta si Bryant sa studio. Simula nong nakipagbreak sa kanya si Amber, palagi nalang siyang nagkukulong sa apartment niya kaya nag-aalala na ako sa kanya. He's still in pain, sa tuwing pupunta ako ng apartment niya, palagi ko siyang nakikitang umiinom, araw-araw nalang yata siyang nagpapakalunod sa alak. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya sa ganoon kalagayan, he messed up his life for girl like Amber. She didn't deserve Bryan, even his love. But I know.. siya lang din ang pwedeng makasalba sa kamiserablehan ngayon ng kaybigan ko.

"Amber, I'm begging you.. please listen to me." pakiusap ko kay Amber habang sinusundan siya sa paglalakad. Hinintay ko siyang makalabas sa ospital na pinapasukan niya para makiusap. "Bryant is in mess right now at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya, please talk to him once more. Baka.. sakaling maayos n'yo pa."

"There's no reason for us to talk. Break na kami, mahirap bang intindihan 'yun?" naiinis niyang sabi sa akin.

I took a deep breath para pigilan ang sarili. Gusto ko siyang sigawan dahil parang wala nalang sa kanya 'yung pinagsamahan nila ng kaybigan ko. "Look Amber, I know.. wala akong karapatan panghimasukan ang problema ninyo ni Bryant, but I can't help it. Why you're so mean to him? After all.. naging mabuti naman siyang boyfriend sa'yo, diba? Then why? Tell him, he deserve to know the reason, 'yung maiintindihan niya. "  I said and I held her hand. 

"We're over, Haylie. At wala akong obligasyon magpaliwanag sa'yo." aniya sabay alis ng kamay kong nakahawak sa kanya at tatalikod na sana siya ng pigilan ko siya sa braso.

"I'm not asking you to explain. I'm asking you to do something for him right now. Nagkakaganoon lang naman siya dahil nakipagbreak ka sa kanya ng walang sapat na dahilan!" this time, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

She turned back and glared at me. "How many times do I have to tell you we're over, Haylie. I don't love him! Enough? At ano bang karapatan mong kausapin ako ng ganito?"

Without hesitation, I slapped her dahilan para matigilan siya at mapatulala. "I'm Bryant's bestfriend. I'm not care about you, I care for him. Bakit nga ba ko nag-aaksaya ng oras na kausapin ka? He didn't deserve you and you will never be the right woman for a guy like Bryant Larson." then I walked away. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon makapagsalita at sampalin ako pabalik. Hah! Kulang pa yan sa pananakit niya kay Bryant!

 

Few months later...

"What are you planning to do, hintaying saktan kana naman ng babaeng 'yon? Brie, she's not deserve you. Just move on and let her go!" I scolded Bryant. Paano ba naman, he's planning to get back Amber. Pagkatapos siyang saktan, gusto niya pang bumalik sa buhay niya ang babaaeng 'yon! 

"I can't help it, Haylie.. nong nagkita kami ulit.. kahit galit ako sa kanya, I still like her.. nong sinabi niyang gusto niyang magkabalikan kami, naramdaman kong it's not too late to start over again with her. But I want her to realize first kung ano 'yung pinakawalan niya noon.." seryosong sabi ni Bryant.

"What do you mean by that, Brie?" I asked while looking at him. 

"Sinabi kong may girlfriend na ko." aniya at tumingin siya sa akin.

Napakunot noo ako. "Girlfriend? Sino?"

He smirked. "Ikaw.."

My eyes went wide after I heard what Bryant said. "WHAT?" 

 

"WHAT did you say? Haylie! You're crazy! Bukas na bukas uuwi talaga ako dyan para ako na mismo ang kumaladkad sa'yo papunta dito sa Canada!" galit na sabi ni Momsie habang magkausap kami sa Skype. 

"Momsie naman... don't do that.. please give me some times, promise.. last po ito."  pakiusap ko sa nanay ko. I know na magagalit siya once na malaman niya ang pinasok ko. Nagkasundo kasi kami ni Bryant na magpi-pretend kaming dalawa na 'kami' na para pagselosin at turuan ng leksyon si Amber.

My mother knows everything.. alam nIyang may lihim akong pagtingin kay Bryant, alam din niya ang lahat ng katangahang ginagawa ko. Nong nalaman niyang for the very first time ay na-inlove na ang unica hija niya ay tuwang tuwa siya dahil may totoong dalaga na daw siyang anak na inakala niyang pusong lalaki noon. Naging supportive sa'kin si Momsie, dahil boto din siya kay Brie para akin, pero nong nalaman niyang nag ka GF na ito at lahat-lahat ng nangyari, gusto niya na akong papuntahan sa states.

Napabuntong hininga si Mommy. "Anak, I'm sorry but this time.. hindi na kita hahayaan sa katangahang 'yan, and I want you to stop now. Stop hoping. Mas lalo ka lang masasaktan, hindi lang ang puso mo, pati ang pride mo. Kung hindi mo lang din naman kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, umuwi kana dito and that will be the end of the fight. That's enough, Haylie because I won't let you to continue of doing that kind of stupidness." she said frankly.

Marahan akong tumungo. My tears started to fall down my face. "I-I'm sorry momsie... blame me for being stupid but this is my one last chance.. I'll take this chance and never have regret. After this.. I'll go.." 

Pagkatingin ko sa screen, nakita kong umiiyak na din si Momsie. "You really have to anak, mas nasasaktan ako para sa'yo, you deserve someone else.. and I want you to go back here soon.. i'll book your ticket now."

"Please momsie... just let me to take this chance.. my last chance.. one month, give me another one month, promise after this, I'll go there." I said with begging face. 

Hindi umimik si momsie but after a while.. I heard her hard sigh. "Okay, one month. But promise me.. after that,  you'll stay here."

I nodded kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. "Promise momsie..."

 

"KUWADRO dos!" 

Nanlaki ang mga mata ko nang ibagsak ni Bryant ang huling apat na baraha. Naglalaro kami ng pusoy-dos sa apartment niya. Ako ang nagbalasa pero hindi ko naman inakalang sa kanya lahat mapupunta ang dos. Hinati kasi namin ang mga baraha at ginawang dalawang sets ang laro.

"Hindi bale," sabi ko, saka umirap. "May isang set pa. Makakabawi pa ako, kaya wag ka muna magdiwang dyan."

Ipinamalagi ko ang mga natitirang baraha. Pero mukhang sinuswerte ang mokong dahil pagkatapos ng laro, panay alas naman ang ibinagsak niya. 

"I won again!" hiyaw ni Brie.

Napanguso ako. Naku, ayoko na mag 'dare' pulang pula na ang ilong ko sa kakapitik ng walang hiya! 

"Hep hep hep! Enough for dare, truth naman ako." pigil ko sa kanya nong bumubuwelo na para sa pagpitik sa ilong ko.

He laughed. "Okay," tapos nagsimula na siyang magisip ng itatanong habang nakatingin sa akin.

"Ano na? Ang tagal mo naman magisip. May next round pa tayo." naiinip kong sabi sa kanya. 

Ngumisi lang siya at umayos sa magkakaindian seat niya. "Uhm, uh.. pards, na in-love kana ba?" 

Natigilan akong bigla. Saglit akong napatitig sa kanya pero kaagad din nag-iwas ng mga mata. "AHh, uh.." sagot ko na sinabayan ng tango.

"Really? Bat di ko yata alam 'yun? Kilala ko ba?" tanong ni Bryant na parang biglang nacurious sa lovelife ko,

"Hoy! Isang tanong lang di ba? Nasagot ko na 'yung tanong mo, next round na." pag-iwas ko. Oh my god! Bakit naman sa dinami dami ng itatanong ni Bryant eh, ito pa ang naisipan niya? Hindi ako prepared! 

"Tss! Ang daya mo naman pards! Ako, wala akong inililim sayo, so tell me who?" 

Napakagat labi ako. Shocks! Should I tell him na ba? Or Should I confess it to him now?

Pero sa huli... naduwag na naman ako. "I'll tell you... but not now, Brie." 

Nangulit pa din si Bryant pero hindi ko pa din sinabi sa kanya kung sino ang lalaking mahal ko.. feeling ko kasi wrong timing 'yun, but in that day.. nagsimula na akong mag-isip kung kelan at paano ko 'yun sasabihin sa kanya.. 

 

"HAPPY BIRTHDAY, Brie!" masiglang bati ko kay Bryant pagkabukas niya sa pinto ng apartment niya. May dala-dala akong cake na pinagpuyatan kong i-bake kagabi.

"Oh! Akala ko, kinalimutan mo na, di mo kasi ako binati kaninang alas dose. Anyway, thank you, pards." nakangiting sabi niya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ako sa loob.

"So saan ang celebration?" tanong ko sa kanya at naupo sa sofa.

"May party daw sa bahay mamayang gabi, sabi ni Mommy, doon ang kainin. But before that, we will go to resort in Laguna, nag-invite si Amber. So we should go." sabi niya sabay wink sa'kin. Alam ko na ang ibig sabihin non. We will pretend again.. of course, as part of Bryant's plan. 

"Uh, okay." sabi ko nalang tapos binuksan ko yung bag ko para kuhanin ang gift ko sa kanya. "Here oh, regalo ko."

Natawa si Bryant saka inabot 'yung gift ko. "Nag-abala ka pa, you know even without this, basta wag mo lang kalilimutan ang birhtday ko, ayos na 'yun." 

"Sus! Ang drama neto. Buksan mo na nga lang regalo ko, let's see kung pasok ba 'yan sa taste mo." utos ko sa kanya. 

Sinunod naman niya ang sinabi ko at mabilis na tiningnan ang laman ng paper bag. At ganoon nalang ang sayang naramdaman ko nong mapangiti siya pagkakita sa gift ko sa kanya. It's a leather black jacket. Alam ko, gustong gusto niya 'yung balikan nong minsan kaming napasyal sa mall kaso wala ng stock, bibilhin sana niya 'yung nakadisplay kaso may damage naman, kaya nong isang araw, bumalik ako don sa store at nagbakasali. At suwerte ko dahil sakto meron ng bagong stock. 

Tinabihan ako ni Bryant sa sofa at pinagkatitigan ako. "Pards.." 

I looked at him. "Hmm?"

"Thank you.."

"You're welcome!" natatawa ko namang sagot sa kanya.

Napangiti siya pero maya-maya, naging half serious ang mukha. "Haylie, hindi ko ito laging sinasabi sa'yo pero sasabihin ko ngayon. Importante ka sa akin at asahan mo, I'll be with you every step of the way." 

Natigilan ako at napatitig sa kanya. I feel and I see the sincerity in his eyes. Nagbaba ako ng tingin nong maramdaman kong bigla nalang akong napapaluha. 

"I..I must have done something good to deserve you." I said and I simply wipe my tears.

"You have. You love me."

Suddenly, my heart skipped a beat of what I heard. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kanya. Did he know? Did he know it all along?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong ng bigla ulit siya magsalita. "You've been the best friend I have always wanted in my life, Haylie. And you'll always be my best friend whatever happens." 

Halos malaglag naman ang panga ko pagkatapos makumpleto ni Bryant ang sinasabi niya. May kung anong tumadyak sa puso ko but I tried to smile para takpan ang nararamdaman kong sakit. 

"K-Kahit mag-asawa ka na?" I asked out of nowhere. 

"Kahit pa, kung hindi ka kayang mahalin at tanggapin ng mapapangasawa ko then I'll let her go." sagot ni Bryant. 

I looked away. "Nasasabi mo lang 'yan, pards.. because you're still not there."

Sumandal siya sa sofa. "Well, maybe.. pero kung dumating man sa puntong mamimili ako, hinding hindi ko igi-give up ang friendship natin. But I don't think it would be a prob—-Hoy babae, saan ka pupunta?" tawag ni Brie ng bigla nalang akong tumakbo.

"Hindi ko na mapigil, eh. CR na CR na ako." sabi ko at mabilis na tinungo ang toilet.

Pagkapasok ko sa loob, kaagad kong sinara ang pinto. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lavatory at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Unti-unti... lumandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.. 

Ang sakit... at ang hirap mafriendzoned, pero mas masakit at mas mahirap pala ang mabestfriendzoned. It's really difficult to get out of that. Saklap! Hanggang dito nalang ba talaga kami ni Brie?.. :'{

Sa pagitan ng pagluha, napatingin ako sa bote ng muriatic acid. Lumaklak nalang kaya ako ng asido para matapos na ang paghihirap ng kalooban ko? 

Napasabonot nalang ako ng buhok sa mga pinag-iisip ko. Hay.. stupid Haylie! 

 

In that day.. nagpunta kami sa isang resort sa Laguna. Pag-aari daw iyon ng relatives nila Amber kaya nagoffer ito na i-invite kami roon ni Bryant. Of course, she knows na ngayon ang birthday ng ex niya kaya ininvite niya kami at mukhang pabor naman iyon kay Brie para gawin magpapanggap naming 'kami'.

"Happy Birthday, Brie!" bungad na sabi ni Amber sabay yakap kay Bryant ng makarating kami sa resort nila.

Nagulat si Brie sa ginawa ni Amber pero hindi niya ipinahalata. Grabe, nakalimot yata na wala na sila, kahit magkaholding hands kami ni Bryant ng dumating roon, walang kaabog-abog na yumapos siya sa bestfriend ko. Grr..

"Mabuti naman't natandaan mo pa 'yung way papunta dito, Brie." tila excited niya pang sabi.

"Ah, yeah. Hindi naman mahirap tandaan ang pasikot-sikot dito." sagot naman ni Bryant at inakbayan ako.

Nakita ko ang pagsulyap ni Amber sa kamay ni Brie na nasa balikat ko. "Well, that's good." aniya sabay balin sa akin. "Anyway, buti nakasama ka, Haylie." 

Ngitian ko lang siya. Tapos niyaya niya na kami sa loob. Bumungad sa amin ang apat na malalaking swimming pool. Malawak ang resort, may mga building din para sa mga nag-over night at nagistay ng ilang days roon. At dahil weekdays ngayon, hindi masyadong ma-tao. According to Amber, usually, Saturday at Sunday daw ang dagsa ng mga taong nagpupunta roon. 

Bukod sa amin, ininvite din ni Amber ang ibang schoomates namin nong highschool and some of them ay kabatchmate ni Bryant na nasa circle of friends ni Amber. Kaya nagmistulang reunion nila ang nangyari, while me.. feeling outcast naman ang drama ko dahil sa kwentuhan nila sa mga happenings nila nong High School. Hindi ako makarelate, hindi ko naman kasi sila kaclose, 'yung iba hindi ko na din matandaan ang mga mukha. Eh, paano naman.. buong high school life ko, si Bryant lang ang palagi kong kasa-kasama. 

At nong nalaman nilang naging si Amber at Bryant, hindi na matigil ang panunukso sa kanila na magkabalikan. Tuwang-tuwa naman si Amber, kunwari pa na nahihiya as if I know.. gustong gusto niya ang panunuksong iyon sa kanila. Sasabihin pa sana ni Brie na kasama niya ang GF niya, pero pinigilan siya ni Amber, hayaan nalang daw. Nong sumulyap sa akin si Bryant, umiling nalang din ako. Alam ko naman, may feelings pa din siya para kay Amber at hindi naman talaga totoong 'kami' para sabihin niya pa iyon sa mga schoolmates namin. At sooner or later.. magkakabalikan din naman sila ni Amber.

But deep inside, pakiramdam ko parang dini-driball ang puso ko sa sakit. Hindi ko yata kinaya kaya pasimple akong lumabas ng cottage at nagpahangin sa labas. Nagsisikip na kasi ang dibdib ko, parang naging item of the day na ang 'Amber-Bryant' tandem, hindi ba pwedeng 'Haylie-Bryant' tandem naman? 

Wag ka ng umasa, malabo 'yun Haylie! my mind said.

Napabuntong hininga nalang ako. Even my 'monkey' mind contradict myself. Hay...

After a while.. mukhang natapos na ang umpukan nila dahil nagsimula na silang magswimming. Pero hindi ko nakita si Bryant, maybe he still in the cottage kaya bumalik ako doon para puntahan siya. Pagpasok po, I saw him with Amber, parang nag-uusap yata sila. Nakatalikod siya sa pinto kaya si Amber ang unang nakakita sa akin, pero ang hindi ko inaasahang sumunod na eksena ay nong bigla nalang silang maghalikan. Si Amber ang nag-initiate na halikan si Bryant. Naka-open eyes pa siya habang nakatingin sa akin. 

Napakurap ako ng mga mata sa pagkagulat at kaagad na tumalikod sa kanila. Nanghihina ang mga tuhod kong umalis ng cottage. Nagpunta ako don sa pinakamalaking swimming pool, doon sa pinakadulong parte na wala masyadong tao. There, I let my tears to flow out in my eyes. Sobrang sakit pala kapag harap-harapang ipamukha sayo na kahit kasama mo ang taong mahal mo, kung hindi ka naman talaga ang nagmamay-ari ng puso niya, he will never be yours.. I know, sinadya talaga ni Amber na ipakita 'yun sa akin, just for me to realize na sa kanya pa din si Bryant. 

"Hi Haylie, bakit mag-isa ka?" napaangat ako ng tingin kay Amber na bigla nalang sumulpot sa likod ko. Nakaupo ako sa gilid ng pool habang ikinukuyakoy ang mga paa kong nakalublob sa tubig. 

Nangigigil ang mga kamay ko sa inis. Gusto ko siyang saktan sa panghahalik niyang ginawa kay Bryant kanina. Kahit alam ko namang they've been through it before, pero mas tagos pala 'yung sakit kapag nakita ng dalawang mata ko.

"Wala lang, gusto ko lang mapag-isa." wala sa loob na sagot ko.

"Oh, I see." aniya na nanatiling nakatayo sa likod ko. "Ahm, Haylie.. pwede ba tayong mag-usap." 

Tumingala ako ulit sa kanya at saka tumango. Tumayo ako para harapin siya dahil mukhang wala yata siyang balak umupo sa tabi ko. 

"Matagal na ba kayo ni Brie? I mean.. kaylan pa naging kayo?" walang pasakaling tanong niya sa akin. 

Bahagyang napataas ang kilay ko. So curious na siya ngayon? Samantalahang dati, halos wala siyang pakialam kay Briant nong mga panahon naging miserable ito dahil sa pang-iwan niya. 

"Nong narealize niyang he deserve someone better." matapang kong sagot sa kanya. 

She chuckled. "Oh, really? So yung 'someone better' na 'yun ay ikaw?" nakataas kilay na din niyang sabi. Lihim akong natawa. Sinasabi ko na nga ba, she's still a bitch! Hindi ko hahayaan na balikan 'to ni Briyant! I swear! 

"Do you think, meron pa ba? Sino bang girlfriend niya ngayon? Ako lang naman di ba?!" I said with may panghahamon. Hinding hindi ako magpapatalo sa kanya even the fact na nagkukunwari lang naman kami ni Bryant na girlfriend niya ako para turuan ng leksyon ang Amber na 'to. 

"You know what.. ang kapal din ng mukha mo no? Dati halos magmakaawa ka pang balikan ko si Bryant tapos may hiding agenda ka din pala." sabi niya sabay halaklak na parang witch. "I feel so pity for you.. kung akala mo,  mahal ka talaga ni Bryant, nagkakamali ka, dahil isa ka lang REBOUND! Oh, one thing pa.. tungkol don sa nawitness mong napakagandang scene naming dalawa kanina, wala akong balak magexplain sa'yo. I'm only claiming what's rightfully mine!"

Napaclose fist ako sa pagpipigil na gumawa ng eksdalo dahil may mga tao sa palagid. Pero nagulat nalang din ako ng bigla akong sampalin ni Amber.

"Ganti ko 'yan sa pagkakasampal mo sa'kin dati, kung inaakala mong sayong-sayo na ni Bryant dahil kayo na, nagkakamali ka, dahil sa'kin pa din siya at ako ang mahal niya!" sabay tulak niya sa'kin. 

Sa lakas ng pagkakatulak n Amber ay na-out of balance ako dahilan para  mahulog ako sa pool. Medyo may kalaliman ang parteng pinagbagsakan ko kaya nagkakawag ako. Oh my god!  I'm don't know how to swim! 

Nakangising pinagmamasdan lang ako ni Amber. Pero ilang sandali pa ay unti unting din napalitan ng takot ang mukha niya nang marealize niyang hindi ako marunong lumangoy. 

"Bryant!" tili ko habang patuloy na ikinakawag ang mga paa ko. Pero pakiramdam ko, mas lalo lang akong lumulubog sa tubig kaya nabalot na ako ng kaba at pagkataranta.

 

"What happened? Where's Haylie? Haylie!"

"WHAT?? she can't swim!!"

 

Kahit unti-unti na akong lumulubog sa ilalim ng tubig, nabosesan ko si Bryant, may narinig din akong kaagad na nagdive sa tubig until everything went black. Bryant... save me... 

Pagkamulat ko ng aking mga mata. Ang mukha kaagad ni Bryant ang una kong nakita. Our faces were just inches apart.

"B-Brie..." tawag ko sa kanya at sunod-sunod na naubo, parang may kung anong nakabara pa sa lalamunan ko pero sinikap kong makapagsalita.

Kaagad siyang napatuwid sa pagkakaupo. "Haylie...? Oh! Thanks God! Are you alright?" maluha- luha niyang tanong sa'kin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya.  

"Amber said, na-out of balanced ka daw kaya ka nahulog sa pool. Alam mo namang hindi ka marunong lumanggoy, hindi ka nag-iingat." he said in a scolded tone, pero mas lamang ang sobrang pag-aalala sa boses nito. 

Napatingin ako sa likod niya and I saw Amber na hindi makatingin sa'kin ng diretso. I gave her a blank looked.  Lier! 

"God! You scared me to death, Haylie!" bulaslas ni Brian sabay yakap sa akin ng napakahigpit.

"I'm sorry, Brie.." 

He sighed. Kumalas siya ng pagkakayap sa akin at hinawakan ang kamay ko. "No, I'm the one who's sorry. It's just that.. God, hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko kung may mangyaring masama sa'yo."

"Hey, I'm still alive, Brie.." I said and I tapped slightly his face.

Hindi na siya sumagot. Hinawi nalang niya ang basa kong buhok na dumidikit sa noo ko at yumuko. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Matagal. 

Nong muli siyang tumuwid sa pagkakaupo, doon lang iminulat ni Bryant ang kanyang mga mata, his eyes were wet with tears. 

"Promise me you won't scare me again," pabulong niyang sabi sa akin.

Marahan akong tumango sa kanya.  "Promise." 

Then, nilagyan niya ko ng towel at binuhat papunta sa isang cottage. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang gilid ng aking mga mata habang pinagmamasdan si Bryant na buhat-buhat ako. I thought, I was dying.. but Bryant saved me.  

 

Habang abala ako sa paglilinis ng apartment ko ay may narinig akong may nagdoorbell. Iniwanan ko ang magva-vacuum para tingnan kung sino ang tao sa labas. Pagkasilip ko sa door peephole, isang lalaking may dalang box ang nakita ko. 

"Magandang araw Ma'am, delivery po para kay Haylie Montelejo." bungad sa akin ng delivery boy. 

Napakunot noo ako. Delivery? Para saan? At kanino naman galing? Imposible namang galing kila Momsie.. local courier lang ito. 

Nagtataka man ay kaagad ko din iyon ni-recieved kay kuyang nagdeliver. Pagkatapos ay ibinigay niya na sa akin yun malaking box. Pagkabalik ko sa sala ay kaagad kong binuksan iyon at sakto namang nagring ang cellphone ko.

Bryant is calling...

Sinagot ko naman ang tawag niya habang patuloy sa pagbubukas sa balot ng box.

Ako: "Oh? Napatawag ka?"

Bryant:"Narecieve mo na ba 'yung package ko sa'yo?" 

Ako:"You mean, sa'yo 'to galing?"

I heard him laughed.

Bryant: "So narecieved mo na nga. Just take a look first."

Napanguso ako. May nalalaman pang padeliver ang mokong. Pero dahil curious ako sa laman ng box, hindi na ako nagtanong at kaagad ko nalang binuksan iyon para makita ang nilalaman. At ganoon nalang ang pagkamangha at pagkagulat ko ng makita ang isang red dress. Well, kahit hindi ako nagsusuot non, alam kong maganda iyon.

Ako:"Para saan naman 'tong dress na ito, pards? Sigurado ka bang para akin talaga 'to?"

Bryant:"Bakit? May iba pa bang nakatira dyan sa apartment mo?! Pards....alam ko kasi wala kang isusuot mamaya sa party. Binilhan na kita para hindi kana maproblema. I-fit mo na kaagad ha, let's see kung tama 'yung size na napili ko."

Ako:"Tss.. kala mo naman sa'kin? May damit naman ako no! At saka kaylangan ba talagang nakadress pa don sa anniv party ng parents mo?"

Bryant:"Ibibli ba kita nyan, kung hindi?! Basta i-suot mo 'yan mamaya. I'll pick you up at around 7 at night."

Then, he ended the call. Tingnan mo 'tong lalaking 'to! Binabaan na kaagad ako. But seriously? Isu-suot ko talaga 'tong dress na ibinigay niya?? 

Pinasadahan ko ng tingin ang pulang dress na nakapatong sa kama ko. Naisukat ko na  iyon at ang mokong, magaling tumansya. Sakto lang naman sa akin 'yung dress, medyo daring nga lang sa neckline, hindi kasi ako sanay na nai-expose ang balat ko. Huling suot ko yata ng dress or gown ay nong kasal pa ni Kuya Ralph. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng mga girly dress. Kung hindi lang kailangan ay never na magsusuot ako ng ganitong damit.

Napabuntong hininga ako. For sure relatives lang naman nila Bryant ang mga bisita sa wedding anniversary ng parents niya. Some of his cousins naman ay kilala ko, 'yun nga lang baka manibago sila sa akei. Hayts! Bahala na nga.. 

"Ay palaka!!" tili ko ng wala sa oras pagkalabas ko ng kwarto ko nang mabungaran ko si Bryant sa sala. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat!

"Bwiset ka, Brie! Ginulat mo naman ako! Akala ko kung sino ng engkanto ang nakapasok sa apartment ko!" bulyaw ko sa kanya. Pero tinawanan lang ako ng kumag na kampateng nakaupo't nakataas pa ang mga paa sa mesa. 

"Ready?" tanong niyang hindi nakatingin sa akin dahil busy sa maglilipat ng chanel sa TV. 

Doon lang ulit bumalik ang pagkailang ko sa suot ko. Kanina pa ko nakabihis pero naubos ang oras ko sa kakatunganga sa harap ng salamin, naiilang kasi talaga ako sa suot ko. At sa halip na sagutin si Bryant, muli kong hinila pababa ang laylayan ng suot kong damit. Pero napahinto ako sa ginagawa ko nang mapansin kong nakatayo na si Bryant sa harapan ko. 

Tumuwid ako sa pagkakatayo at tiningnan siya. Nakatitig lang siya sa akin,

"B-Bakit ganyan kang makatingin?" naiilang kong tanong sa kanya. 

He puts his hands in his pocket. "Wala naman," sabi niya na napapangiti. "Ngayon lang kasi kita nakita sa ganyang ayos. You look... feminine."

Inirapan ko siya, just hide my discomfort. "Sigurado ka bang bagay sa 'kin 'to?" 

He smiled at me sabay alis ng mga kamay niya sa pagkakapamulsa. "Tada!" sabay pakita sa akin ng hairclip na hawak niya.  That was the same  hairclip I saw when we went to Tagaytay before, naalala ko... sinabi niyang ibibili niya ako ng katulad non. 

I just smiled while trying to control my tears to fall down. Kahit simpleng hairclip lang 'yun, sobra-sobrang saya ang naramdaman ko.

Lumapit sa akin si Bryant at isinuot ang hairclip sa buhok ko. "You're beautiful... and it is perfectly fit on you." 

Nong mga sandaling iyon.. napatitig lang ako sa kanya, tila nawalan ako ng salita, ang tanging alam ko lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, I knew I'm blushing! 

Pero mayamaya, biglang napalis ang mga ngiti ni Bryant at biglang napahilamos ng kamay sa mukha ng mapatingin siya sa ibaba.

"Langya! Sabi ko na nga ba, may kulang eh! Sapatos!!" 

Napatingin ako sa suot kong shoes at napangiti. "Why? Mas okay nga to kaysa magheels! Dress with sneakers."

Natatawang napailing si Bryant at muling pinasadaan ang kabuhuan ayos ko. "Okay na sana eh, but well...it looks cool outfit."

"And this what you called 'fashion'."  I added and we both laughed. 

"Tara na nga!" yaya ni Bryant sabay akbay sa'kin.

Napasulyap ako sa kanya.. he still laughing habang kinuwento kung paano niya binili 'yung dress na suot ko. At nong mga sandaling yon.. hiniling ko na sana... kahit sa huling pagkakataon, manatili pa din siya sa tabi ko.. 

 

"PWEDE ko bang maisayaw ang napakaganda kong bestfriend?" nakangiting yaya sa akin ni Bryant at inalahad ang kamay niya sa harap ko. Kasalukuyan na kaming nasa bahay nila para sa wedding anniversary ng parents niya.

Napangiti naman ako at tinaggap ang pa-anyaya niya. Kahit hindi ako marunong magsayaw ng sweet dance, I took that chance to be with him.. my last chance to be with him as his bestfriend...

 

[ NP: LAST CHANCE by MYMP - MV on the side >>>>>>>>>>>>> ] 

 

♪♫ This is my last dance with you

This is my only chance to do all I can do

To let you know that what I feel for you is real..

When the music started to play... naramdaman ko na ang lungkot sa loob ko. I looked to Bryant, he smiling at me. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. I want to touch his face .. he looked so handsome, so sweet.. so everyhing... so, I gently touched his face and because of that, napatitig si Brie sa akin. 

♪ This is the last chance for us

This is the moment that I just cannot let end

Before I know that there's a chance were more than friends..

Nginitian ko siya. I want to savor this moment.. because maybe, this is the last chance I can touch is face so I want to memorize every part of it.. and to grave it in my memory..

Nong maramdaman kong malapit ng pumatak ang mga luha ko, I hugged him. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko, but then.. I felt that he hugged me back.

♪♫ So don't let go, don't let go

Make it last all night

This is my last chance to make you mine..

"Brie.." I whispered.

"Hmmm?" 

"Di ba, you asked me before, kung sino 'yung... mahal ko. Do you still want to know?" I asked.

"Yeah," sagot niya.

I took a deep breath as I putted my head on his shoulder. Hearing his heartbeat is enough para magkaroon ako ng lakas ng loob na magconfess sa kanya. 

"Honestly... matagal na akong in-love sa kanya, but I don't have the courage to tell him if what I really feel for him.. because I-I'm scared.. na baka mawala ko siya, na nawala siya sa'kin..." panimula ko at kasabay non ang pagpatak ng luha sa aking mata ko. Nagpapasalamat ako na magkayakap kami dahil hindi niya makikita ang pagluha ko. 

♪♪ I kept my feelings so deep

I kept my dreams of you and me somewhere inside

Although I prayed that you would see it in my eyes..

"I kept telling to myself.. na kung ano man 'yung meron kami, hanggang don nalang 'yun. Na hindi bale ng magkaybigan nalang kami habang buhay. At least, we have the same friendship, at mas mainam na 'yon kaysa mawala siya ng tuluyan. I didn't expect anything but I admit.. I'm hoping for a small chance that he can feel the same way to me. But I realized, na mas okay na 'yung sumugal kahit walang kasiguraduhan, so sa huli wala akong pagsisisihan, and now.. I have only one last chance to tell this to him..."

♫ But this is my last chance to say

Whats in my heart before you stay out of my life

And then you'll understand the way I feel inside..

He didn't say anything. Nanahimik lang si Bryant.. pero naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin. Maybe, he already sensed kung sino 'yung taong tinutukoy ko.. 

♪ This is my only chance to do all I can do

To let you know that what I feel for you is so real

So don't let go...

I sighed hard. I know.. this is my last chance to tell to him of what I really feel for him that I kept for a long time.. this is the moment of truth na maaring magtapos sa kung anong meron kami...

♪♫ Just make it last all night long

This is my last chance to make you mine, yeah

To make you mine...

"Bryant, I'm sorry pero.... ayoko nang maging duwag. Ayoko nang maging bestfriend mo. I'm sorry because I love you for than as a friend. I'm really sorry for not telling you I loved you straight away. I just... couldn't help it. " then kumalas na ako  ng pagkakayakap sa kanya at tumakbo palabas.  

"Haylie!" 

Bryant called me but I didn't looking back at him. Pagkalabas ko ng gate ng bahay nila, sakto namang may taxing dumaan at kaagad ko 'yung pinara. Habang nasa taxi ako, I cried silently. Pakiramdam ko, I lost everything I have. Si Bryant at ang magkakaybigan namin.

Being honest with him is the best choice, even how much I want to remain our friendship and to stay by his side forever, alam kong hindi na pwede. After all.. duwag pa din pala ako. Natatakot akong marinig kay Bryant ang salitang maulit-ulit kong binitawan sa kanya. Ayokong mag 'sorry' din siya na hindi niya kayang suklian ang feelings ko para sa kanya. 

"Sorry.. silly word," I just uttered. Sorry. Iimang letra, pero ang katumbas sobrang hirap at sobrang sakit.. so I don't want to heard it from him na kapalit ng 'I love you too..'

Hindi din naman ako nagi-expect eh, pero masakit pa din pala.. dahil kahit anong gawin ko, habang patuloy akong nasa tabi niya, aasa at aasa lang ako na somehow.. somewhere... or even someday.. he can feel the same way to me... but I know, he can't because he's already inlove with someone else.. 

 

"MA'AM, airport na po." sabi nong taxi driver sa akin. 

I looked out the window. I'm still in a deep thought so I didn't notice na nakarating na pala kami sa airport. Bumaba na din kaagad ako ng taxi pagkatapos kong i-abot ang bayad ko kay manong.

After that night.. hindi ko na ki-contact si Bryant. Dini-activate ko na ang mobile ko, at instead nasa apartment ko, I stayed in the hotel for 2 days before my flight going to Canada. Ginawa ko iyon para tuluyan ng iwasan si Bryant. He don't even know na ngayon araw ang alis ko. Tapos na ang palugit na one month sa akin nila Momsie, nagawa ko na din naman 'yung dapat kong gawin, which is magconfess at magpakatotoo sa feelings ko kay Bryant. Sad to think nga lang na kaylangan ko i-give up ang friendship naming dalawa. 

Love is taking a risk. Kahit walang kasiguraduhan.. sumusugal ka pa din. Ang mahalaga, kahit sa huling pagkakataon, may ginawa ka para ipaalam sa taong  'yun ang totoong nararamdaman mo.. may katugon man o wala 'yung pagmamahal mo sa kanya.

Sabi nga nila.. hindi mo malalamang nagmamahal ka, kung hindi ka nasasaktan. It's part of love ikaw nga. Loving someone isn't a choice.. it's comes from the heart.. so we can't choose who we can fall in love with.. and that's one thing about love..

I released I hard sigh.

Pagkapasok ko sa departure area, nagchek-in na kaagad ako then I went straight kung saan ang boarding gate ako. Nagmadali na ako dahil  30 mins. nalang before ang flight sched ko pero bago ako makapasok sa loob, nagulat nalang ako ng bigla akong pigilan ng dalawang lalaki at pinosasan ako. Naka police uniform sila! 

"Teka! Ano to? Ba't nyo ho ako pinoposasan?" gulat kong tanong sa kanila.

"Sorry Miss Montelejo, but we have warrant of arrest." sabay pakita sa akin ng papel na hawak ng isang lalaki. 

Halos manlaki ang mga mata ko, pagkakita sa pangalan ko don sa papel! WHAT THE?? How come? 

"You can't leave the country without settling your case, Miss Montejo." sabi naman nong isa pang pulis.

"WHAT? Wait, I can't understand! Wala naman po akong ginagawang masama! Paano ako nagkaroon nyan?" tanong ko, sinusubukan ko pa din kalmahin ang sarili ko kahit ang totoo, kinakabahan na ako. OMG! I'm not a criminal! What the hell is happening right now? 

"Ano ba! Pakawalan nyo ko! Wala akong kasalanan!" nagsimula na akong maghysterical nong bigla nalang nila akong hawakan sa magkabilang braso ko at akayin kung saan. 

"I said, just get off me!! Ano bang ginawa ko? You can't arrest me without justifications!!!" nagsisigaw kong sabi sa mga walang hiyang pulis na basta nalang dumakip sa akin.

Pinagtitinginan na kami ng madaming tao pero wala na akong pakialam! OMG! Seriously? Ikukulong ba talaga nila ko? Wuaaaah! Momsie! Popsie! Help me! :'[

Hindi kami lumabas ng Airport pero dinala nila ako sa isang security room. Nagpupumiglas pa din ako sa dalawang mamang pulis, pero natigil ako nong mabungaran ko ang isang lalaking nakadiwatro ng upo sa isang table roon. He smirked at me. 

"BRYANT???" I said in disbelief. 

Ngumisi siya at tumayo sa pagkakaupo.

"Pwede nyo na siyang pakawalan." utos niya don sa dalawang pulis. Binitawan na nila ako at inalis ang posas sa mga kamay ko. 

"Anong ginagawa mo dito? Anong ibig sabihin nito? Ba't nila ako hinuhuli??" 

He raised his eyebrow at naglakad malapit sa akin. "Bakit? Akala mo basta-basa ka na  lang makakaalis, Haylie? Pagkatapos mong sabihing mahal mo ko, lalayasan mo nalang ako? Sorry but I won't let you go." 

"You mean, ikaw ang may pakana nitong magdakip ng mga walang hiyang pulis na 'to saken?" naniningkit kong mga matang singhal kay Bryant at balin sa mga mukhang impostor na pulis na nagdala sa akin roon.

Napayuko sila at sabay pang napakamot sa ulo. "Sorry, Ma'am. Napag-utusan lang po." tapos lumabas na sila ng security room. Kaya naiwan nalang kaming dalawa ng magaling kong bestfriend sa loob. Mali, hindi na pala kami magbestfriends...

Ang walang hiya! Namumula sa inis na binalinan ko si Bryant. "Ano bang pakulo 'to Bryant?? Ha? Pakawalan nyo na nga ako, malalate na ako sa flight ko!" 

"No, hindi ka aalis." sabi niya.

"Anong sabi mo?" napatingala ako sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha sa mata ko, Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. "Why are you doing this, Brie? Tama na.. hindi pa ba malinaw sa'yo 'yung mga sinabi ko? Ayoko na.. ayoko ng maging bestfriend mo, and there's no reason for me to stay here." 

"Ganoon nalang ba 'yun, Haylie? Ni hindi mo lang ba aalamin 'yung side ko? Sa kung anong sagot ko sa lahat ng mga sinabi mo sa'kin?" seryosong tanong ni Bryant.

I bit my lower lips to control my tears. "H-hindi naman 'yun tanong para sagutin mo."

"Then, ask me now! Or at least let me to answer you Haylie, before you go.." he said.

Natahimik ako sandali at napatitig lang sa kanya. What for? Just to say sorry? And he still want me to be his bestfriend even he knows I love him that much para i-give up ko ang pinagsamahan namin ng ilang taon.

Umiling ako at tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mata ko. "No need, Brie.. nong sinabi ko sayong mahal kita, I didn't expect anything from you. Gusto ko lang maging honest sa'yo even for the last time, masabi ko sa'yo 'yung feelings ko, dahil ayokong magsisi balang araw at ayokong magkaroon ng mga what ifs' sa utak ko. Even how I much I want to stay with you... hindi na pwede.. I really can't, B-Bryant.." I turned to leave but he grabbed my arm.

"But even you want to go now, you can't escape, Haylie. Because you're in blacklisted. Nakalimutan mo na yatang may kaso ka." 

Pagkarinig ko nyan, natigilan ako at napalingon sa kanya. Nakangising itinaas ni Bryant 'yung papel na ipinakita sa'kin ng dalawang pulis na dumakip sa akin kanina. 

I glared at him at inaagaw sa kamay niya 'yung papel. Pupunitin ko na sana 'yun sa inis ko. But I changed my mind, hindi ko pa pala nakikita't nababasa 'yung warrant of arrest 'kuno ko daw. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang mga nakatala roon. Napakurap ako at halos mapanganga sa kaso ko with matching seal pa! 

Theft. As in pagnanakaw??? Ano namang ninakaw ko?? 

Lumapit sa akin si Bryant at isinuot pabalik ang posas sa mga kamay ko. "YOU'RE UNDER ARREST FOR STEALING MY HEART AND NOT GIVING IT BACK!"

I looked at him in shock and disbelief. Oh my god! I couldn't believe this!! Siguro kung nasa ibang sitwasyon kami ni Bryant, kikiligin na ako sa pinagagagawa at pinagsasabi niya sa'kin ngayon pero hindi eh.. I'm so confused and I think.. I'm going crazy! 

"Stop this Brie," I said and I looked down. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko.

"No, I can't, Haylie.." Bryant said and he gently wiped my tears. "Remember that time na kamuntikan ka nang malunod sa swimming pool namin?!"

I'm not sure, kung tanong ba 'yun para sagutin ko but I just nodded instead. 

"Nong nagdive ako para kuhanin ka sa ilalim ng pool, hindi kaagad kita nakita. Nong time na 'yun, parang biglang tumigil ang mundo ko, natakot ako na baka huli na ko... pero hindi ako tumigil sa pagsisid until I saw you in the deepest part. Then, non mai-ahon na kita, I felt so scared.. seeing you na walang malay, doon lang ako nakaramdam ng sobrang takot sa buong buhay ko, ayokong mawala ka, takot akong mawala ka, Haylie. Because I love you." naiiyak na pahayag ni Bryant sa'kin.

Nagulantang ako sa mga narinig ko sa kanya. I was stunned and speechless.. His crying right now, not because of Amber o ibang babae. He's crying now because of me. I'm the reason of those tears..

"I love you the way you love me. Maybe, I loved you for so long. Hindi ko lang kaagad narealized 'yun sa sarili ko. I'm sorry for being dense, but now there's one thing I am sure of - one thing I am very, very sure.. mahal kita, Haylie. Mahal na mahal kita." then he hugged me.

I started sobbing. It's not because of pain, it's because I couldn't contain my happiness. I was deeply touched and overwhelmed.

Bahagyang kumalas si Bryant ng pagkakayakap niya sa akin. He smiled at me and gently wiped away my tears in my face. "Sshh, don't cry, Haylie. Hindi ka pa naman makukulong eh, pwede ka pang maabsuwelto. So just say it again, without 'sorry'. I want to hear it again from you."

I smiled slowly and I looked at him straight in the eyes. "Hindi mo alam kung gaano ako kasiya ngayon, pati sa mga pagkakataon na magkasama tayo. I love you, Bryant."

Pagkasabi ko nyan, naramdaman ko kinalas na niya yung posas sa kamay ko.

"And I love more, Haylie. It's nice to have you back, my best friend... my girlfriend..." then, he leaned down to kiss me. I answered it immediately with full of love. My very first kiss... with my first and last love... 

I still can't believe na darating 'yung ganitong sandali sa buhay sa ko. Akala ko.. hanggang magbestfriend nalang talaga kami ni Byrant at doon nalang din magtatapos iyon.

Akala ko din noon, ang saklap-saklap ng buhay ko dahil palaging sakit nalang ang nararamdaman ko pero mapalad pa din pala ako.. dahil sa kabila ng hirap, sakit at lungkot na naramdaman ko, at the end.. ibinigay pa din ni God ang kaisa-isang hiniling ko..

At yung ay ang mahalin din ako ng taong pinakamamahal ko. :")

 

 

                                                               ~Fin~

 
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like ChastineCabs_11's other books...