SECRETLY IN LOVE

 

Tablo reader up chevron

SECRETLY IN LOVE 
by ChastineCabs_11

 

Minsan, may mga bagay na akala mo madali.. pero sobrang hirap pala, lalo na pag ikaw na 'yung nasa isang sitwasyon. Magulo, nakakalito at nakakakaloka! Yung pakiramdam na.. 'tinamaan ka ng lintek? Alam n'yo ba ang ibig sabihin n'yan?

Ako kasi, sobrang gulong-gulo ako sa 'lintek' na yan! Yung pakiramdam na hindi mo alam kung paniniwalaan mo ba s'ya o ipagsasawalang bahala mo nalang lahat.. at ang pinakamalala ay yung pakiramdam na sana.. madaming sana..

Nang dahil sa lintek na yan, pakiramdam ko I have the worst regret in my life and that is one thing that I could have done but I never did..

Anyway, I'm Ma. Calla Dela Rosa or 'Mookie for short, 23 years old and I'm presently employed in BGM Company as Junior Architect. Mahilig akong magdesign at isa sa pangarap ko is to build my own house na ako mismo ang magdi-design kaya heto, kahit magkanda kuba na'ko sa nakakaover time just to make my dreams come true dahil ang target ko after two or three years mayroon na kong sariling bahay. Well, isa lang naman 'yan sa mga plans ko for my future.. at least kahit dyan nalang mabawi ko yung isang bagay na pinakawalan ko kahit abot kamay ko na noon..

Almost four years... four years na din simula nong nabigo ako or right to say apat na taon na simula nong narealize kong tinamaan ako ng lintek. Yeah, lintek or I prefer as LOVE..

**

"Uwuaaaaaaaaaaaah!!!! Ilayo mo sa akin 'yan! Parang awa mo na!" I almost screamed nong pagbukas ko ng isang box, isang itim na malaking daga na pula pa ang mata ang bumungad sa akin!

Sino bang hindi matatakot don? My goodness!!!! :|

Damn! Sobrang takot ako sa daga!!!!!!!!!!!!

"Ilayo mo sabi 'yan! Isa.. dalawa.. tatlooooooooooo.." naiiyak kong sigaw sa demonyong si Jad!

Argh! Alam ko sinadya niya 'to dahil alam niyang matatakutin ako sa daga! Yuckness talaga! Ewww! Nakakatakot pa yung hitsura! :"{

"H-heto, ilalayo ko na nga oh, pero.. ayaw mo talaga? Ang cute kaya! Last look.." -sya na pinakita pa ulit sa akin yung laman ng box! :'[

"Uwuaaaaahhhh! Jareeeeeeeeeed! Ilayo mo 'yan sa'kin! saway ko sa kanya at nagsimula na kong mangatog sa takot. Ang salbahe talaga n'ya.. T_T

"Sabi ko nga, ilalayo ko na oh, Mookie I thought favorite pet mo ang daga, di ba?" -demonyong Jad na obvious namang pinipigilan lang ang pag ngisi! Argh talaga!

"Bwisit ka talaga Jared Allen!!! I hate you! I really hate you! Ano bang kasalanan ko sayo at palagi mo nalang akong pinagtitripan?" naiiyak kong bulyaw sa kanya.

Naupo nalang ako sa sahig at niyakap ko ang magkabilang tuhod ko. Naiyak nalang talaga ako sa sobrang takot at inis sa kanya. Nangangantog ang mga tuhod ko sa sobrang takot don sa malaking dagang itim na 'yun, akala ko dadambahin na'ko kanina. T_T

"Shet!" narinig kong bulong ni Jad sabay napasabunot pa sa buhok niya. Tapos bigla siyang umupo sa tabi ko at marahang hinagod ang likod ko. "Look Mookie, I didn't mean to scared you. Tahan na, wag ka na umiyak, sorry na talaga.."

Tumunghay ako para tingnan siya. Nakita ko namang sincere siya sa pagso-sorry niya but still..I couldn't help crying.

"Nakakainis ka!" I'm still crying.

"Sorry na Mookie, please.. tell me if how can you forgive me.. kahit ano," -Jad na patuloy pa din sa pagpapatahan sa akin.

Tumingin ulit ako sa kanya. This time, mas naging seryoso na siya at mukhang taranta dahil sa pagiyak ko. Mukhang sincere naman kaya tumigil na'ko sa pagiyak at marahang pinunasan ang mga luha sa mukha ko.

"Kahit ano?" I asked him again just to know na totoo yung paghingi nIya ng tawad sa akin.

He just nodded at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin. And because of that.. I felt my face turning red. That smile.. 'yan lang naman 'yung ginagamit niyang charm sa mga babae niya! Ampf!

"Hoy Jared Allen! If you think madadala mo ko dyan sa pangiti-ngiti mo, nagkakamali ka! Akala mo patatawarin lang kita ng basta-basta sa pananakot mo sa akin? Pwes humanda ka! Magbabayad ka talaga!" naiinis kong sabi sa kanya without looking at him. Baka makita niya pa na nagbablush ako, aasarin lang ako ng mokong to!

So after that.. we ended up eating ice cream doon sa madalas naming tambayan.. sa ice cream house sa labas ng campus namin. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, ice cream lang palagi ang katapat ko, pero syempre dahil may kasalanan ang salbaheng si Jad sa'kin, ililibre niya ako ng ice cream ng isang linggo. Umaangal pa nga ang mokong dahil mauubos daw ang allowance niya, hah! Bahala siya dumiskarte, bayad niya 'yan sa ginawa niyang matatakot sa akin. :p

Siya si Jared Allen Santillan.. kababata ko na walang ibang ginawa kundi asarin, at pagtripan ako. Naiinis ako sa kanya dahil sa madalas niya akong pagtripan, isa nga doon yung 'birthday gift' kono niya daw sa akin, nasa white box pa na may red ribbon pa. Pero 'yun pala, 'yung halimaw na daga lang ang nasa loob noon, bwesit!

Madami na siyang kalokohang ginawa sa akin, pero iyan 'yung pinakaworst sa lahat kasi may trauma talaga ako sa daga, lalo nasa malaking itim na daga at dahil din 'yun sa kanya. Hindi ko nalang idedetalye, ayoko na din kasi maalala pa 'yun basta lahat ng masasamang bagay na naexperience ko, 90 percent don ay si Jared Allen ang may kagagawan!

Feeling ko nga, kaya siya pumasok sa university na pinasukan ko para patuloy akong asarin at pagtripan. Minsan, iniisip kong may saltik siya at ako ang napagdidiskitahan niya! =_=

Pero kahit ganoon siya sa akin, hindi ko pa din magawang magalit sa kanya ng sukdulan kasi sa tuwing umiiyak ako, siya yung palaging nagpapatahan sa akin. Binibilhan nIya ako palagi ng ice cream tapos tumatahan na'ko. Since bata palang kami 'yan na ang nakasanayan nIya, at sa araw-araw na ginawa ng dyos, normal na yata sa kanya ang pagtripan ako but at the end of the day, sIya din ang nagpapatahan at sumusuyo kapag nagagalit ako sa kanya. Pag umiiyak ako, natataranta siya tapos dadalhin niya na ako don sa ice cream house.

"Mookie! Happy Valentines! Flowers for you!" -Jad na may inaabot sa akin isang paso ng bulaklak. -_-

"Ay, ang sweet naman ni Jared!"

"Kayaaah! Sana ako din bigyan niya ng flowers! Naku bakla! Kahit damo pa ibigay niya sa akin, okay lang basta sa kanya galing, tatanggapin ko." -sabi 'yan ng mga echoserang estudyante na napapadaan sa hallway. Yung iba natatawa at nagbubulungan pa.

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiinis, parang nang-aasar lang naman kasi siya. Imagine? paso ba naman ang ibigay sa akin? Take note, 'yung paso na nasa hallway pa ang kinuha niya. Malakas talaga tama nitong si Jad!

I gave him a fake smiled sabay irap at talikod sa kanya. Nakakahiya, pinagtatawanan tuloy siya ng mga kaklase ko at ibang estudyanteng nakakakita sa amin. Kainis! Pati tuloy ako, nahihiya e!

"Mookie!!! Sandali!" -Jad na pinigilan ako sa braso sa paglalakad at hinabol pa talaga ako hanggang sa hagdan.

Hinarap ko siya. "Jad! Ano bang problema mo? Kung pagtitripan mo lang naman ako, lumugar ka naman kahit kaunti lang!" napipikon kong bulyaw sa kanya. Nakakainis na kasi, Sobra na!

"Mookie, hindi naman kita pinagti-tripan e.. bat ayaw mong tanggapin tong bulaklak na ibinibigay ko sayo? Hindi mo ba gusto? Choossy ka pa, buti nga may nagbibigay pa ng flowers sa'yo ngayon valentines day.." -Jad na maagas pa ang pagkakasabi.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Ang kapal mo talaga! M-marami ng nagbigay sa akin ng bulaklak, at hindi ako basta lang tumatanggap ng flowers lalo na kung galing sayo! Baka mamaya kung ano pang inilagay mo dyan, insekto, langgam, tinik o kung ano-ano! Ibalik mo na nga y'an, mapapagalitan ka pa ni Dean kapag nalaman nilang kinuha mo 'yan don sa harap ng faculty office e. Kung pangtitrip lang naman ang motibo mo, ako na magsasabi sayo, tagumpay ka! Because you never fail to irritate me!"

Pagkasabi ko n'yan. Tinalikuran ko na siya sa sobrang inis ko. Nang makababa ako ng hagdan, pasimple ko sIyang sinulyapan sa itaas. Nandoon pa din sIya nakatayo sa unahan tapos bigla siyang naupo at ginulo-gulo ang buhok niya sabay batok sa sarili nya.

Nailing nalang ako. May saltik talaga, naiinis siguro dahil nasemplang ko siya. Akala niya kasi natutuwa ako sa pinaggagawa niya. Kahit na kaylan, hindi siya nagseryoso kapag ako ang kasama at kausap niya, simula bata palang kami, ganyan na siya. Hindi na nagbago, nasa kolehiyo na, isip bata pa din.

"Mookie! Dali, may kaylangan kang makita sa labas!" -Lianne na classmate ko, bigla nalang niya kong hinila palabas ng building namin.

"Teka, ano ba yon? Bat parang kilig na kilig ka?" nagtataka kong tanong sa kanya habang papalabas kami ng building.

"Just go out and you will see.. si Jared nasa rooftop with matching malaking banner, dalian mo! Ikaw nalang hinihintay ng lahat," -excited pang sabi ng bruha. Ay ewan. Pero bigla akong kinutuban, si Jad daw nasa rooftop with matching big banner?

Hindi kaya.. pinagtitripan na naman ako ng walang hiya?

Paglabas namin ng building, bumungad sa akin ang napakadaming tao.. as in kalahati yata sila ng populasyon ng school namin, estudyante from different courses at ilang mga profs pa. Lahat sila nakatingala.

And everybody's chanting 'Go Jared! Idol!'

Kinabahan naman akong bigla, ano na naman bang kalokohan ang pinagagawa ng lalaking 'yon? Nakipagsiksikan ako sa madaming tao para tanawin si Jad na nasa itaas ng rooftop. And I was really shocked nang makita ko siya at 'yung nakasulat don sa malaking banner na hawak nya.. ito lang naman po 'yung nakalagay oh..

"Maria Calla Dela Rosa! I LOVE YOU! Can you be my Girlfriend?"

Napapikit nalang ako at napahilamos ng mukha. At that moment mas gugustuhin ko pang lamunin nalang ako buhay ng lupa sa labis na kahihiyan!!! >_<

After he made a scene in the rooftop. Ang loko, mas lalong pinag igihan ang pangtitrip sa akin, he started courting me. Sinusuyo niya ko, sinusundan, kinukulit na mas lalo lang nakakapagpairita sa akin. Hindi na nga niya ako pinagtitripan pero yung ginagawa niya this is really FUN! Just a fun para inisin niya ko. Argh!

Palagi lang siyang nakasunod sa akin sa school at parang kabote na biglang nalang susulpot sa harap ko. Hindi ko siya pinapansin kasi nga galit ako sa kanya don sa ginawa niyang kahihiyan sa rooftop na halos magtrending ang usap-usapan ng lahat dahil si Jared Allen, for the first time, naging romantic.

Oo nga pala, I forgot to mention na kilala siya sa school namin as 'Campus Heartthrob'. Uhm, okay I admit guwapo nga talaga siya pero sobrang yabang at ang lakas ng trip sa buhay! Kaya kahit anong gawin niya, hinding hindi ako sasakay sa trip nya. Sa lahat ng pangtitrip nIya sa akin, aside don sa daga, this is the most worst thing he did to me! Hindi ko alam kong ano bang gusto niya at ginagawa niya to sa'kin. Nakakainis.. gawin niya na lahat, kahit anong trip pa 'yan pero wag niyang paglalaruan ang nararamdamn ko.. :"(

Until one night.. bigla nalang siyang nagpunta sa bahay. S'yempre nagulat ako pero mas nagulat ang nanay at tatay ko. Humihingi kasi sIya ng consent kung pwede daw ba sIyang manligaw sa akin. Yung totoo, sa ginawa niyang 'yan, gusto ko ng maniwalang sincere talaga siya. Na ang isang Jared Allen na kilala ko is just for real now..

Natuwa naman ang parents namin pareho, kasi magiging 'magbalae' na daw sila. Agad-agad? As if namang sasagutin ko siya! Boto din ang parents ko kay Jad. Kaya wala na din akong nagawa, hindi ko na siya pinigilan sa gusto niya o sa kung ano pang trip niya sa buhay.

He just courting me, from first year to fourt year college, naging consistent pa siya huh. Naappreciate ko din naman lahat ng ginawa at ginagawa niya just to prove na sincere siya sa feelings niya sa akin. Kahit madalas nIya pa rin akong asarin, nature na yata niya 'yun pagdating sa akin.

Pero sa totoo lang.. kahit naiinis ako sa kanya, there are times that I found myself smiling kapag nakikita kong nagi-effort siya, and somehow.. parang unti-unti napapaniwala na niya akong sincere talaga siya sa panliligaw niya sa akin. But I still have doubt.. and I'm terrified to fall deeply to him..

"Jad, what was that for? I mean.. what's the purpose of doing such things? Like nong panliligaw mo sa akin, honestly.. medyo nag-iisip pa din ako na baka pinagtitripan mo lang ulit ako," I asked him directly. Nasa tree house kami non sa tapat ng bahay, nagkukuwentuhan habang kumakain ng ice cream.

Napabuntong hininga siya. "Grabe ka naman Mookie, all these years of courting.. hindi pa din pala ako sincere sa lagay na 'yon? You still don't believe me na mahal talaga kita?" -Jad said na medyo natatawa pero ramdam kong medyo nasaktan ko siya don sa sinabi ko. Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Dapat hindi ko nalang sinabi 'yon sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot. That was the first time na.. sinabi niyang mahal niya ko. Hindi ko alam pero parang ang sarap pakinggan at ulit-ulitin 'yung sinabi niya.

"S-sorry Jad, gusto ko lang maging honest sa'yo, ikaw naman kasi... simula bata palang tayo, wala ka ng ibang ginawa kundi inisin, asaran, bwisitin at pagtripan ako. Kaya 'yan tuloy.. parang ang hirap paniwalaan 'yang feelings mo para sa akin." sabi ko nalang to break the silence.

Tumingin siya sa akin. His face his half serious. "Bata palang tayo, lagi na tayong magkasama. Laging magkalaro, magkaklase, magkaibigan. At sa bawat pagkakataong iyon, unti-unti ring akong napo-fall sa'yo. Paniwala ka man sa hindi, gusto na kita kahit nong mga bata palang tayo, at sa paglipas ng panahon na magkasama tayo, kahit palagi kitang inaasar.. believe mo Mookie, mahal na kita.." sabi niya at hinawakan niya yung isang kamay ko.

Naging speecless ako sa mga sinabi niya. Again, he said it. Tanging nagawa ko lang ay tingnan at titigan siya sa mga mata. Gusto ko makasiguro kung totoo ba lahat ng sinasabi niya. I saw the sincerity in his eyes, but... so many buts inside my head.

"Yeah, I admit.. I always pissed you off.. from time to time, simula bata palang tayo 'yan na ang naging routine ko just for you to notice me, and I think.. hindi naman ako nabigo dahil sabi mo nga, I never failed to irritate you, yun nga lang minsan, napapasobra na. Buti nalang nandyan si ice cream para i-rescue ako kapag napapaiyak kita Mookie.." -Jad said tapos inakbayan nIya Ako.

""Kaya.. tayo na lang, katulad nina Rain at Storm. At alam mo ba na childhood friends always end up together," he added, then he winked at me. Pacute pa ang loko!

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan mo naman nakuha 'yan?"

"Dito.. dikta ng puso ko," -Jad na may pagtap pa sa kaliwang dibdib niya.

I laughed."Ang corny mo na ha, at ang yabang mo pa!" sabi ko nalang. Pero deep inside.. kinilig ako sa mga sinabi niya. >.<

Tumawa lang ang lokong Jad sabay gulo sa buhok ko. Then, we ended up again na nagkukulitan at nag-aasaran na naman.

Graduation Day na.. yung araw na nagpromise ako kay Jad na sasabihin ko na 'yung sagot ko sa kanya. Sa totoo lang.. I'm still confused that time, or mas tamang sabihing takot pa din ako sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko. I'm still afraid na baka masaktan ako o baka sa huli.. malaman kong he still making fun of me. Buong kabataan kasi namin, 'yun na ang palagi nIyang ginagawa sa akin.

Hay... pero ramdam ko naman na sincere talaga siya, at alam kong totoo din lahat ng sinabi niya sa akin. Actually, nong naka one year na siyang nanliligaw sa akin, he already prove himself and his love for me. Kaso hindi pa ako ready magkaroon ng boyfriend that time at masyado pa din kaming bata non, but now.. we're in a right age, in a right time and in a right reason para bigyan ko ng chance si Jad. But still, there's a part of me, na naguguluhan, may pag-aalinlangan at natatakot pa din..

Hanggang matapos na 'yung graduation namin, naghintay pa din siya sa sagot ko. Pero nawalan ako ng lakas ng loob sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Umiwas ako sa kanya, at sa tuwing magtatanong sIya, nagcha-change topic ako, palagi kong iniiwasan 'yung mga tanong niya. Ayoko siyang saktan, pero naging mahina at duwag ako..

Until he left.. Oo, umalis si Jad nang hindi ko man lang nasabi sa kanya 'yung feelings ko. Hindi ko nagawang umamin sa kanya, na mahal ko na din siya, noon pa man. Nag migrate nasa Canada ang buong family niya, doon kasi nagtatrabaho ang daddy ni Jad, kaya after so many years nakuha na din sila ng daddy niya.

Nong umalis siya, don ko lang narealize 'yung totoo kong nararamdaman para sa kanya pero nawalan ako ng lakas ng loob. I really felt so sad and regret, simula bata palang kami siya na 'yung palaging nasa tabi ko, kahit madalas niya kong pagtripan nasanay ako na tuwing iiyak ako, patatahanin niya ako at bibilhan ng ice cream, sa tuwing naiinis at nagagalit ako sa kanya, sinusuyo niya ako. Hay! Bakit kasi ang duwag ko?! :(

Nagpunta ako sa Airport, hinabol ko pa siya doon, umaasa na maabutin ko siya at kahit sa huling pagkakataon, masabi kong mahal ko sIya.. na mahal ko din siya. Kaso.. huli na e, nakaalis na siya.

"Jad!! I'm so sorry, mahal kita.. mahal din kita, at mahal na kita noon pa man!" nag-iiyak kong sigaw don sa loob ng airport. Bawal pumasok sa loob pero nagpumilit ako but it was pointless.

Naiyak nalang talaga ako doon, nong pagtingin ko sa boarding flight monitor, naka closed na 'yung boarding gate going to Canada. Nakaalis na yung plane.. and it was too late for me.. for us.. Alam kong pinagtitinginan nako ng napakaraming tao doon but I didn't even care, iyan 'yung matagal ko ng gustong sabihin kay Jad.. iyan 'yung mga salitang hinintay niya ng apat na taon na hindi ko masabi-sabi dahil natakot at naduwag ako.

Ang tanga ko lang, kasi umalis na 'yung taong dapat na pinagsasabihin ko n'yan, na dapat makarinig ng mga sinasabi ko. Nong mga sandaling 'yon, napakadaming what ifs sa utak ko.. and that's the worst regret that I made in my life..

**

I smiled bitterly while remembering the past. I've never felt so regret and sad in my life as I do now. Kung nasabi ko lang sana.. kung nagawa kong magpakatotoo.. siguro hanggang ngayon, kami pa din ang magkasama..

Madilim na ang buong palagid. Gabi na, obviously. Well, late naman ako palagi lumabas ng office. Tinatapos ko kasi lahat ng designs para sa big client ng company namin, actually it's a house.. tulad ng dream house ko kaya nga inspired ako sa pagdedesign. According to our boss, sinabi daw ng client na ako na mismo bahala gumawa ng design ng bahay na pinapagawa niya. It almost done, 'yung pinaka land escape nalang sa labas ng bahay ang ginagawan ko ng design, na may mini garden tapos may malaking pool sa pinakagitna, same as my dream house.

Sa dami ng designs na nasa portfolio ko, yung dream house ko pa 'yung napili ng client namin para sa bahay niya. Okay lang naman kung pareho kami ng desenyo ng bahay, nakakatuwa nga dahil mukhang pareho pa kami ng taste ng client namin na 'yun. Siguro, mas pagagandahin ko nalang 'yung future house ko, and for sure, magugustuhan ito ng soon to be wife ng client namin. Sabi kasi ni Boss, ikakasal palang daw yung client namin, at yung house na pinapagawa nIya ang wedding gift nIya don sa babaeng papakasalan nIya. Ang suwerte naman ng babaeng 'yon.. how I wish na sana ganoon din kasweet 'yung future groom ko..

Kaso, sa tuwing naiisip ko 'yung future groom ko, si Jad pa din ang nakikita ko. I remember before, nong nanliligaw pa siya sa akin, sabi nya.. 'yung dream house ko daw siya na ang bahala basta siya lang daw ang pakakasalan ko. Tinawanan ko lang siya noon, hindi ko masyadong siniseryoso 'yung mga banat niyang 'yan sa akin dati..

I sighed. Tama na nga ang pagsesenti mode ko, I want to relax my mind. Imbes na umuwi, naglakad-lakad muna ako sa kahabaan ng Ayala Avenue, coding ako ngayon kaya wala akong saakyang dala. Lalakarin ko nalang din 'yung terminal ng bus pauwi.. medyo ilang metro lang din naman ang layo non sa office na pinapasukan ko.

Habang naglalakad ako, napatingin ako doon sa mataas building na may malaking big screen. And I suddenly stopped when I saw the guy on the TV screen.

It's Jared Allen Santillan.

Tama, si Jad.. si Jad yung nasa screen pero alam n'yo ba 'yung pinakamasakit sa lahat? Doon sa screen, ina-announce lang naman ang 'UP COMING WEDDING niya.

Bakit siya nasa TV?

Isa na kasi siyang hollywood director. Sikat na direktor sa mga American Independent Films. Masaya naman ako para sa kanya, Film Making ang course niya nong college kami and look at him now.. naging successful na siya sa career niya, at isa pa siya sa pinaka 'youngest popular and excellent film director' sa mundo ng hollywood at the age of 24. Napakalayo na ng narating ni Jad.. siguro nga, everything has a reason, and maybe, we're really not meant to be together..

I was barely holding my tears at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. It almost hurts me.. I'm still hurting inside dahil sa katangahan ko noon, but I should move on. Alam ko, maybe someday.. somewhere.. I'll forget him, and I can get over him..

..

..

"Mookie, anak! Nariyan kana pala, naku alam kong matutuwa ka kapag nalaman mo kung sino ang bisita mo," tuwang-tuwang bungad ni nanay nong makauwi na'ko sa bahay.

"Bisita? Sino po?" takang tanong ko kay nanay. Nang makapasok ako sa loob ng bahay namin, nagulat ako nang mabungaran ko ang bisitang sinasabi sa akin ng aking ina sa sala. Yung kaninang pinapanuod ko lang doon sa big screen, ngayon nasa harapan ko na..

"J-Jad?"

Napatayo siya sa pagkakaupo sa sofa nang makita ako. He smiled and he walked towards me.

"Mookie!!!" -Jad sabay yakap sa akin. Suddenly, my world stopped and I forget everything when he held me in his arms. Parang naibsanbigla 'yung sakit at bigat na naramdaman ko. I'm really happy to see him again.

That night also, niyaya ako ni Jad sa isang sosyal na disco bar na tambayan ng mga mayayaman at artista. Mukhang sanay na siya sa night life. Sa bagay, sa America uso 'yon, hindi din naman ito ang unang beses kong magpunta ng bar. Minsan sumasama din ako kapag nagkakayayaan magunwind ang mga kaofficemates ko.

So ayon, tamang inom lang kami ng wine habang nagkakamustahan at nagkukwentuhan. Habang tinitingnan ko si Jad, nakikita kong masaya na siya, at kuntento sa buhay niya ngayon. Sobrang layo na talaga ng narating niya kung ikukumpara sa akin.. although successful na din naman ako sa career ko, but I can't say that I'm completely happy right now..

Or should I say na 'yung gabing yon.. ang pinakamasakit at napakamalungkot na sandali ng buhay ko.

Bakit?

Kasi nong gabing iyon, binigyan niya ako ng wedding invitation para sa nalalapit niyang kasal. Tinitigan ko lang 'yung invitation habang nakikinig sa mga detalyeng sinasabi niya tungkol sa surprise wedding plan ceremony na ginawa niya para sa soon to be wife niya.

Ang sakit... ngayon ko lang naramdaman lahat ng pain na dulot ng katangahang nagawa ko noon..

"You should come, okay? Pag hindi ka pumunta sa kasal ko, ako mismo susundo sa'yo sa bahay ninyo para kaladkarin ka sa simbahan." -Jad na pinagbabantaan pa ako.

Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang sakit lang. "O-Oo naman, and c-congrats ha, in advance."

Pakiramdam ko sa mga sinabi kong y'an, I slowly kill myself and any moment I was about to cry but I controlled my tears. Ayokong makita niyang nasasaktan ako, dapat maging masaya ako para kay Jad.. tulad nang kasiyahang nakikita ko sa mukha niya.

Medyo napadami na din 'yung wine na nainom ko. Idinaaan ko nalang sa paginom para mawala 'yung sakit na nararamdam ko. At dahil medyo lasing na akom namalayan ko nalang na nasa itaas na ako ng stage at inagawan ng eksena 'yung bandang tumutugtog roon. Pinipigilan pa nga ako ni Jad pero hindi ako nagpaawat.

"P-pwede bang.. magrequest?" tanong ko don sa banda.

"Sure Miss beauty, anything.." sabi nong vocalist.

I smiled at lumapit ako sa kanya para ibulong 'yung request ko. Then, pagkasabi ko ng request ko, inabutin nila ako ng isang mic at nagsimula na silang tumugtog. It's a mellow song.. and this is my only way to tell him one thing.. na noon ko pa gustong sabihin sa kanya.

[ NOWPLAYING: MUNTIK NA KITANG MINAHAL by Carol Banawa - MV on the media box>>>> ]

(A/N: I putted the English translation of the song)

 "I have a secret I want to tell you

Something happened that you didn't know

It's a secret I've been hiding for a long time

I almost loved you." ♪♪

Habang kinakanta ko 'yan, I'm looking at him. Nakatingin lang din siya sa akin at kahit sintonado pa ang boses ko, I didn't mind because this is chance, my only chance to tell him what I feel for him.. na dapat noon ko pa sinabi.. 'yung hindi pa huli ang lahat..

 "I have a secret I want to tell you

Something happened that you didn't know

It's a secret I've been hiding for a long time

I almost loved you." ♪♪

♪ "Then I didn't have the ability to make you feel

Whatever feelings this heart of mine had

And until now I still remember

I almost loved you." ♪

"Jaaaad, advance gift ko na 'to sa'yo, *sniff.. k-kahit hindi k-kagandahan ang b-boses ko, *sniff.. n-ngayon lang ako kumanta sa madlang pipol huh," I said laughingly sa pagitan ng paghikbi ko. Pakiramdam ko, ang pathetic ng pinaggagawa ko pero at least kahit sa kanta.. I did to tell him that I almost loved him even before..

Narinig kong nagpalakpakan 'yung mga tao don sa bar pagkatapos kong kumanta. At namalayan ko nalang na nasa stage na din pala si Jad, seryoso 'yung mukha niya, akala ko kakaladkarin niya ko pababa ng stage pero nagulat nalang ako nong bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Thanks Mookie, that's the best wedding gift that I ever got." bulong ni Jad sa akin.

At naluha nalang ako. I hugged him back. I hugged him as tightly as I could because this is the last time na magagawa kong yakapin ng ganito ang lalaking mahal ko. I wish I could freeze this moment, right here, right now and stay in his arms forever.

If only I could.. 

..

Sumapit na ang wedding day. Dito sa Philippines gaganapin ang venue ng kasal ni Jad. Ayoko sana pumunta, pakiramdam ko kasi para ko na din pinatay ang sarili ko sa mismong araw ng kasal niya. pero ayoko naman mawala sa pinakaimportanteng araw ng kababata ko, kahit hanggang dyan nalang talaga ang parte ko sa buhay niya..

Feeling ko nga, ang sosyal-sosyal nang wedding ni Jad. Kahit 'yung mga bisita, pinagawan din nila ng damit, kahapon may idineliver na box sa bahay.. naglalaman iyon ng damit na isusuot sa kasal. Ang ganda nga e, it's a lace white dress na high-low ang design, above knee siya unlike sa gown na gamit sa wedding na mahahaba. Siguro, sobrang ganda din nong wedding gown ng bride niya. Talagang pinaghandaan ng mokong, mahal na mahal nyia talaga 'yung babaeng papakasalan niya, wala kasing name don sa invitation kung sino. Siguro, taga Hollywood din 'yon. Wala na agad akong panama.

Ang daming tao! Grabe, karamihan mga foreigner ang nakikita ko, maybe some of them kasama ni Jad sa hollywood and some are his friends. At sa dami ng bisita halos hindi ko na makita si Jad, pati yung bride niya. Gusto ko sana siya batiin, kahit sagli lang, I can see him even for the last time. Siguro mas gwapo siya ngayon sa suot niyang wedding suit, kung sa TV nga ang gwapo na niya, for sure he is even more handsome now.

"Hey Miss.. bisita ka din di ba?" tanong nong baklang bigla nalang lumapit sa akin, coordinator yata sa kasal.

"H-ha? Yeah, friend ako ng groom.." sagot ko tapos nagulat nalang ako nong bigla niya kong hatakin papunta doon sa mga nakapilang bride's maids.

"T-teka, hindi po ako abay, bisita lang po ako.." mariing tanggi ko.

"I know, kulang kasi 'yung abay, may isang hindi makakapunta so ikaw nalang ang magsubstitute sa kanya." -sagot nong baklang coordinator.

"W-what? Agad-agad? Walang tanong-tanong? No, pasensya na, humanap nalang po kayo ng iba--"

"Walang ng oras girl, isa pa saktong-sakto ang outfit mo. Kaya pumayag kana, okay? Boys and girls pumila na kayo and go to your partners now." utos niya at nagpunta na doon sa unahan.

Tatanggi pa sana ako kaso nagstart na 'yung ceremony. This is really great, kapag umaayon talaga sa akin ang tadhana oh.. mas lalo pa yata akong pasasakitan. :'(

Wala na akong nagawa nong nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng simbahan. Nagtaka ako kasi ako lang 'yung walang partner at ako pa' yung nasa dulo. Napalingon pa ako sa likod baka nandon na 'yung bride kaso wala akong nakita.. 'yung bridal's car lang 'yung nakita ko sa sa labas. Maybe, she's still inside the car. At kahit naiilang ako dahil parang lahat sila nakatingin sa akin, wala nga kasi akong partner. I tried to chin up and looked straight down the aisle. Hay! Ano ba tong pinasok ko? Nakakainis!

Malamng inutusan ni Jad 'yung baklang coordinator na 'yun para isama ako sa mga abay, para pagtripan na naman ako. Walang patawad talaga ang lalaking 'yon! Asar!

While walking down the aisle.. I saw Jad, wearing his white tuxedo. He' smiling and half grinning at me, but it couldn't hide he happiness in his eyes. He really looks so happy..

Napanguso ako at nginitian ko nalang din sya, and I gave him 'Oo, tagumpay ka naman sa pangtitrip mo sa akin' look. But deep inside of me.. nasasaktan at nalulungkot ako. I should be happy for him, right? But I just couldn't feel that. Alam ko nasa likod ko na 'yung bride.. kasunod ko na sya, gusto ko mang lumingon para masilayan 'yung babaeng papakasalan ng lalaking mahal ko, wala akong lakas ng loob. Hindi ko kaya..

Magi-exit na sana ako nang makarating ako sa gitna ng altar when suddenly, Jad grabbed my hand and place me on his side. Sobrang nagulat ako sa ginawa nIya at napantingin ako sa kanya. Nakangisi pa ang mokong?!

"Jad, ano bang ginagawa mo?" nagpupumiglas kong bulong sa kanya. Pakiramdam ko halos lahat ng tao nakatingin na sa akin!

"Nakatayo, kasama ng babaeng papakasalan ko," he said smilingly.

Natigilan ako sa pagpupumiglas sa kanya at naguguluhang tiningnan ko siya. Ngumiti lang si Jad sa akin sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

"I don't understand.. ano na naman ba 'to, Jad?" naguguluhan kong tanong sa kanya sabay lingon sa likuran ko. Wala akong makitang bride. Wala nang tao sa entrance ng simbahan. At halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin, sa amin dalawa ni Jad.

Tapos 'yung baklang coordinator kanina, kumaway pa sa akin. I'm totally confused and clueless sa mga nangyayari, halos lahat sila nakangiti. I looked around, scanning the people there inside the church. At mas nasorpresa ako ng nakita ko sila Nanay at Tatay at ang mga kapatid ko, nasa bandang unahan sila kasama ang parents ni Jad. Lahat sila nakangiti sa akin.

Naguguluhan ulit akong tumingin sa lalaking nasa tabi ko. Ngumiti lang ulit sya sa akin pero mas ikinagulat ko sa lahat nong tanungin niya ako ng isang bagay na akala ko.. never ko nang maririnig mula sa kanya.

"Mookie, will you marry me?" -Jad na lumuhod pa sa harap ko with a box of ring.

Pagkarinig ko n'yan. Kusa nalang tumulo ang mga luha sa mata ko. Nataranta si Jad at tumayo sa pagkakaluhod niya para patahanin ako.

I looked at him and my eyes filling with tears. Parang alam ko na.. no! Now, I understand.. kaya pala.. kaya pala walang pangalan ng bride doon sa wedding invitation na ibinigay niya sa akin dahil pangalan ko 'yung nakalagay doon, na kaya ako nakawhite gown ngayon kahit bisita lang naman talaga dapat ako sa kasal na 'to.. dahil ako yung bride at kaya ako lang 'yung walang partner nong nagmartsa na 'yung mga abay dahil 'yung partner ko.. nasa unahan na ng altar.

"Nakakainis ka! Bat ba palagi mo nalang ako pinagtitripan.. and I wasn't expecting this," umiiyak kong sabi kay Jad at pinaghahampas ko siya sa dibdib niya.

"You know me, I always do unexpected things. So.. ano na? Sagot na Mookie! Naghihintay na si Pader oh," -Jad na demanding. Nagpo-propose na siya ng lagay na 'yan ha. Ibang klase talaga!

Napatingin ako kay Pader. Ngumiti lang siya a amin. Nakakahiya tuloy kasi don pa kami nagbangayan sa harap ng altar. Nagpeace sign nalang kaming pareho kay Pader. ^_^v

Then, I looked back to Jad. Napaluha ulit ako at ngumiti sa kanya. "YES I DO!"

Nong tumayo si Jad sa harapan ko, I saw the tears came down from his eyes. Bahagya pa siyang natawa sa pagitan ng pagluha. Inabot niya ang isang kamay ko at isinuot ang singsing sa daliri ko.

He caresses the ring in my hand at tumingin sa akin. "I love you, Mookie. I Iove you so much."

I smiled with tears in my eyes. "Mahal din kita, Jad. Mahal na mahal kita kahit noon pa."

And everything is heaven. Nga pala.. 'yung client na nagpadesign sa akin ng bahay, walang iba kundi si Jared Allen.. 'yung dream house ko, that's my wedding gift from him. :')

                       

Fin ~

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like ChastineCabs_11's other books...