Diver

 

Tablo reader up chevron

Introduction

© 2014, Closet_geek

ALL RIGHTS RESERVED. Plagiarism is a crime. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author. 

    I am very fond of the sea. Ewan ko ba, pero gustong-gusto ko ang dagat... Isang araw habang nakatanaw ako dito may isang asungot na kasabay kong tumatanaw nito...At?

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Marina’s PoV

Malakas ang simoy ng hangin.

Nililipad nito ang aking itim at mahabang buhok.

Lumapit pa ako ng konti.

Dito tanaw na tanaw ko ang napakagandang karagatan.

Para itong painting sa sobrang ganda, peaceful and relaxing. Isama pa ang asul na langit at ang kumikinang na reflection ng araw sa tubig.

Tuwing pinapanood ko ito, nakakalimutan ko lahat ng aking iniisip.

Kumakalma rin ang aking magulong kalooban.

*inhale*

Hmmm…wala ng mas babango pa sa simoy ng hangin dito free from pollution.

The sea always lightens up my mood.

Ipinikit ko ang aking mga mata.

Tanging ang himig ng alon lamang ang aking naririnig. Napakaganda nito, parang isang musika, wala mang lyrics pero ma-LSS ka.

*sigh*

Masakit ngayon ang kalooban ko dahil, may-alitan kami ng boyfriend ko and its my fault. Thanks to the scenery, I felt better.

Lumapit pa ako…

 “Kung ako sayo hindi ko itutuloy yan”

*TOINKS*

Naimulat ko ang aking isang mata…

 (-_O)

Tch. Walangya hindi ba niya nakikita na feel na feel ko na ang moment?

Tss. Panira.

 “Wag mong dungisan ang purong karagatan, hindi ko gustong  mabalitaan na may pangit na white lading pagala-gala dito”

Lumingon ako sa kinaroroonan ng nagsalita at nakita ko ang isang lalaking, chill na chill lang na nakaupo sa gilid ko.

Teka, kanina pa ba siya diyan? Nakakahiya, ang amards ko pa naman kanina

Nakatuon ang kanyang atensyon sa karagatan, at maaliwalas ang kanyang expression habang nakamasid dito. Siguro katulad ko din siya, gustong-gusto ang karagatan.

“Kuya, Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Suicide?” tanong ko

Lumingon siya.

Syete! Ang pogi, pero mukhang suplado.

“Alam mo naman pala ba’t nagtatanong kapa?” sagot niya

Aba—t

“Pwes, mali ka po kuya” sagot ko

“Tch. Ajdhgqdgj” Tch. Lang ang narinig ko dahil Lumingon siya pabalik, at tinignan muli ang karagatan. Nakita kung nagmumurmur siya pero di ko to narinig

Oh well. 

Lumakad na ako pababa. Pabalik sa aking kotse, nakatungtong kasi ako sa sea wall habang siya ay nakaupo kaya niya nasabing magsusuicide ako.

Bago pa man ako makaalis lumingon ako sakanya, nakatanaw pa rin siya sa karagatan.

Tss. Weird guy

Pinaandar ko ang aking kotse.

*Vroom*

[after 10 minutes]

Nakarating ako sa bahay. Nagbihis ako at iniwan ang mga unnecessary things, wallet at cellphone lang ang dala ko ngayon.

“Mom alis lang ako saglit” paalam ko, medyo madilim na kasi

“San ka pupunta?” tanong ni mom

“Dyan lang po sa tabi-tabi” sagot ko

“Sige anak wag kang magtagal madilim na” Mom

“Opo. bye”

Ako nga pala si Marina as of the sea, my father is a captain of a big ship.

My parents met in a cruise ship when dad saved mom from drowning. Mom is very troublesome when she was young and she loves travelling, she would’ve die if dad did’nt came and saved her.

Naglalakad ako patungo sa aking favorite place aside sa Sea.

The Streets.

Madalas kasi akong gumala dito whenever I feel down.

Madilim na pero napaka lively pa rin ng paligid.

Samu’t-saring lights ang makikita rito.

Marami ang nagtitinda ng street foods, like kwek-kwek, tempura, fishball, banana cue, siomai, siopao, ice-cream, balut, halo-halo, may stall din ng fired rice, pansitan at iba pa.

Maingay, ngunit hindi nakakaabala dahil ito ang nag papalively ng atmosphere.

Pinagmasdan ko muna ang paligid at lumapit sa isang stall.

“Kuya pabili ng limang kwek-kwek at tatlong tempura, samahan niyo na rin po ng buko juice”

Suki na ako dito kaya hindi muna ako pinabayad.

Kinuha ko ang phone sa bulsa, hoping na sana’y may mag *pop at lalabas na message ito galing kay Zack. He’s my boyfriend. Habang nakatingin dito,hinalukay ko ang inbox, at umupo na sa stool.

Psh. Madilim ang mukha kong nilagay ito pabalik sa bulsa. Hindi man lang siya nag text.

Napatingin ako sa harap

 (O_o)

Nagulat ako ng Makita ko si kuya, yung katabi ko sa sea wall kanina. Hindi ko man lang namalayan na nandiyan siya.

Komportable siyang nakaupo, at poker-face na nakatingin. 

*silence*

“Kuya, may hinihintay ka ba?” ako na ang naunang nag salita to break the silence

“Wala” sagot niya, baka kasi may ka date siya, nakaupo pa naman ako sa harap niya baka mapagkamalan pa kong third party.

“Ganun ba? Paupo po ha?” pag papaalam ko.

“Nakaupo ka na.” walang gana niyang sagot. 

*TOINKS* Sorry naman po nagpapaalam lang.

Ang rude naman neto.

“Ito na po limang kwek-kwek, tatlong tempura at malamig na buko juice” si manong, Sa wakas naluto na rin. Walang ano-anoy sinunggaban ko ito.

*chomp*chomp*

Ooopss.

Nakakahiya, nakalimutan kong nandyan pa pala si kuya pogi.

Tiningnan ko siya ng pasimple. Powtek, nakatingin lang siya, baka naglalaway, may inorder kaya siya? Kasi nauna siya dito, impossible namang akin ang naunang naluto

“Kuya may inorder kaba?” tanong ko

“Wala.” sagot niya

“Bakit nandito ka eh, wala ka namang kakainin?” tanong ko,

“Bakit hindi ba uso ang umupo lang dito?” kuya pogi

“Ah oo nga sabi ko nga” *note the sarcasm*

Sorry naman po, okay mag shashadapp na ako *zips mouth*

[After a couple of minutes]

“Kuya, gusto mo bang kumain? My treat” offer ko, ang awkward kayang kumain na may kaharap na walang nilalamon, nakaka guity diba? Ikaw? Gusto mo rin bang kumain?

“Wag na, hindi ako kumakain” siya.

“Bakit? Hindi ka ba nagugutom o naglalaway man lamang?” tanong ko, habang slow mo na sinusubo ang kwe-kwek with matching takam na takam facial expressions.

Tignan na lang natin ko hindi siya gutomin. *grin*

“Hinde” tipid niyang sagot

Okay. 

Hindi na lang ako, nag tanong, baka nakakaabala na ako.

Ah, siguro anak mayaman to si kuya. Choosy eh, masarap kaya ang street foods. Diba?

Nakailang order na rin ako, habang siya ay komportable pa ring nakaupo.

Tss.

Kinakausap ko siya at paulit-ulit at inooferan ng pagkain pero ayaw parin eh, kaya yaan na.

Tinawag ko ang assistant ng tindero at binigyan ito ng bayad.

Lumapit ito at tinignan ang kinauupuan ni kuya pogi, tumingin rin siya sa’kin..

?_?

Weird kid. Nag me-make-face kasi siya habang paulit-ulit na nakatingin sa’kin at sa kinauupuan ni kuya pogi.

*Kriinggg

Ooops, may tumawag, ah, baka si Zack na to.*giggles*

Sana naman magkaayos na kami huhu T3T

I press the answer button immediately, nilagay ko to malapit sa aking tenga at tinaas ang aking ulo.

“Hello?”

Si Zack nga!

I swing my head to the left, para maayos ang aking bangs, humaharang kasi sa aking paningin.

“Let’s break up”

Napako ako sa aking kinauupuan.Teka? Tama ba ang narinig ko? L-Let’s BREAK UP!?

*snap*

Bumalik ako sa huwisyo ng nag snap ang kanyang fingers niya sa mukha ko, Pucha! natulala kasi ako.

Hindi ko na siya pinansin o nilingon man lang, umalis ako kaagad. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Uwaaaaaaaa! *hikbi*sob*"

T.T

“Uwaaah! Bakit? Anong kasalanan ko?”

‘Mabait naman ako’

‘Sweet’

‘Caring’

‘Thoughtful’

Honest naman ako, I didn’t hide any secrets’

‘I always have time for him’

“So why? Uwaaaahhhh”

T.T

Lakad lang ako ng lakad, wala na akong care kung san ako dadalhin ng aking mga paa, wala pa akong ganang umuwi.

Napahinto ako at lumingon-lingon muna sa paligid

(O_o)

At nakita ko siya, si kuya pogi slash suplado, at mukhang papunta siya sa kinaroroonan ko.

“Sinusundan mo ba ako? *taas kilay*” tanong ko, bad mood na ako ngayon kaya pasensiya na, total rude naman siya sa’kin kaya I’ll give him the same treatment.

May mga taong napapatingin sa’kin thinking na sila ang kinakausap ko, so I never make eye contact with one of them for them to know na hindi sila ang kinakausap ko.

Imbes na sagutin nilagpasan niya lang ako at dumiretso siya sa paglalakad. Kay, nice talking. Lumingon-lingon ulit ako sa paligid.

(O_o)

Anak ng tikbalang! Asan na ako? Ngayon ko lang na-realize na,  I’m lost! *yakap sa sarili*

Bukod sa street na yun sa, beach at bahay namin lang ako gumagala, hindi ako napapadpad sa place nato, actually ngayon pa lang ako nakapunta dito, and worst is madilim na, pero marami pa ring tao.

Sinundan ko na lang si Kuya. Infairness ang hina niyang maglakad, pero Pucha! Biglang bumilis ng sinundan ko siya, napapatakbo tuloy ako.

Nabigla ako ng huminto siya at bahagyang lumingon.

“Ikaw yata ang sumusunod sa’kin *smirk*” ngumiti pa siya na mapang-asar.

“Aba—t—!“

Napalingon ang ilang tao. Tss. Sabi nang hindi sila ang kausap ko, si kuya pogi ang sinasabihan ko Hellow?

Hindi ko na tinapos ang aking sasabihin. Powtek nakakahiya.

Napansin kong pumasok siya sa isang bar, sumunod na rin ako. Aba malay ko ba sa lugar na to. Mas mabuti ng pumasok kesa, kidnappin ako at ibenta ang aking mga lamang loob.

Mukhang nice naman ang bar na ito dahil di gaya ng mga typical bar na may pole dancer, mga basagulero o any violent people. Classy ito, peaceful at elegante.

Umupo ako sa high stool. And the bartender noticed me.

“Give me anything, vodka, tequila,  basta anything strong” sabi ko

Gusto kong magpaka lasing, para makalimutan ang masamang panaginip na ito.

The bartender placed different drinks, iba-iba ang mga color. And I tried the light blue green one, naaalala ko kasi ang sea sa drink na to.

Pwe! ang panget ng lasa pero, dire-diretso ko pa ring tinungga to.  Bahala na si Batman @_@

‘I recall when you said that you would never leave me’

‘You told me more, so much more like the time you whispered in my ear’

‘there was heaven in my heart, I remember when you said that you’ll be here forever’

Powtek, nang-aasar ba ang bar na to?

Nakailang inom rin ako, pero napansin ko na nandiyan si kuya pogi sa tabi ko, hindi siya umiinom.

“Hoy, kuyaa who arr yuu” medyo umiikot na ang paningin ko pero nakuha ko pa ring tanungin siya.

@_@

“ahskdh” kuya pogi slash suplado

Ano daw?? Ivan? Evan? E-boy??

“Huh??”

“Ewan ko sayo.” siya

“Ahh…nays tu meet yuu koya Ewan” sabi ko habang inilahad ang kamay para makipag shake hands.

Tumingin lang siya pabalik sa counter at dineadma ang aking kamay.

Tsk. ang rude talaga =_=

‘I was afraid this time will come’

‘I was’nt prepared to face this kind of burden from within’

“Kuya ewan, bakett hindey ka umorder? Indi kah bah umiinowm?~”

Hindi siya sumagot at diretso lang na nakatingin sa’kin

“Shigee naa, umorder kaa akow ang magvavayahd, lebrehy to tol *tapik sa balikat*~”

Huh?

Hindi siya natamaan ng kamay ko siguro dahil tatlong siya ang nakikita ko at napaka weak na ng kamay ko.

Hindi na siya kumibo at tumingin pabalik sa counter.

Maybe I’ll just dream of you tonight and if into my dreams you’ll come and touch me once again’

“Tss… ahng weak mow nameyn meyn~” Maasar nga

Blurry man ang paningin ko pero napansin ko pa rin na kumunot ang noo niya, haha ang cute.

“*hikbi* *sob”

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang aking mga luha.

“Uwaaaahh!!!”

Para na akong baliw na umiiyak sa counter. Napapatingin na nga ang mga tao sa’kin, well it’s not like I care. 

T.T

“bakeyt~?”

“magandah nameyn *sobs* akow~?”

“*hikbi*sobs* sexy~?”

“Anow bah *hikbi*sob* ang kulang sakeen~? Bakeyt? Niya kow hiniwalayan? *sobs*”

“Uwaaah!!!”

T.T

“Shut up, miss sinisira mo ang image ng bar ko” sabi niya

‘I’ll just keep on dreami’n till my heartaches end~’

“Eeeeeh ayaw, *pouts* shumayaw ka muna~”

*3*

“...” siya

“Kuyah Ewan, sayow palah ang varr na tow, pwes waley akowng pakey kowng maseyrah ang imeydz ng bar mow”

=_= --> siya

“Wahahahh, bute ngah, ang shama mow kase Wahahahah”

At tumawa ako na parang nasisiraan ng ulo. Wala na akong paki kung ano ang tingin ng mga tao sakin, hindi naman nila ako kilala, so why bother?

“Wahahahaha! *0* Zack! Uwaaaaaah! TT3TT, Wahahah! ^_^ Uwaaaaah! T,T"

@_@

(Zz_Zz)

*knock-out*

[Kinabukasan]

-_-

-_o

o_-

O_O

Uggghh!!! Ang shaket ng ulo ko!!! Parang binibiyak ito at pinupokpok ng martilyo.

Bumangon ako at pumunta sa Cr, mga ilang minuto rin akong nakatulala dun.

Nag toothbrush ako at naligo.

Bigla kong naalala ang nangyari kahapon.

T.T

Madali akong nakaget-over sa sakit ng ulo, pero bakit mahirap sa puso?

Matapos kong gawin ang dapat gawin sa Cr, nagbihis at lumabas na ako. I put some light make-up para maayos ang napaka haggard kong mukha.

“good morning mom”  daig ko pa ang zombie sa kinikilos ko ngayon

“Marina anak! Sadgwyfhlwfjanb duqwurioqwriwnfqjdn hlqwrhmbf3u5nfq,u92 khjdhlqjmlq2hrku3y4i23yi u23y4iuyu— wag mo nang uulitin yun ha?” mommy

“Yes mom sorry =_=” yan na lang ang nasabi ko kahit hindi naabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya.

Pagkatapos kong kumain ay, dumiretso na ako sa kwarto at natulog ulit.

---

O_O

Hindi ko na namalayan ang oras. Bumangon agad ako at tinignan ang relo. Shet! It’s already 5:30! May date— naputol ang aking iniisip ng naalala kong break na pala kami.

I ignored the truth at naghanda na para umalis.

Maglalakad ako, wala lang trip ko lang. Nasisiraan na ako ng ulo, kaya shaddap ka na dahil ito ang gusto kong gawin. 

Habang naglalakad ako naalala ko si Kuya ewan, Siya kaya ang naghatid sa’kin kagabi? Kung ganon dapat ko siyang pasalamatan. Napansin ko ang isang store sa gilid ng kalsada, Uyy jackpot.

Nag rent ako ng Mountain bike. Meron naman ako nito samin pero kapagod bumalik kaya ito na lang ang gagamitin ko.

Yey! Finally nakarating rin ako dito.

Lumakad ako parating rito, and I get excited everytime na palapit ng palapit ako at sasalubungin ng simoy ng hangin at mas lalong lalakas ang himig ng alon.

Yes, nandito ako, nandito na naman ako nakatayo sa Sea Wall kung saan tanaw na tanaw ko ang karagatan.

*inhale

Hmmm ang bango talaga.

O_O

Omo. Ang ganda!!! May pagka kulay peach with light blue ang langit at ang karagatan ay mukhang kulay red na may pagka orange because the sun is setting!

*Q*

Woah ang ganda talaga pramis! Kahit paulit-ulit ko na tong nakikita rito dahil I always went here, nasha-shock pa rin ako. The sea’s beauty is really suprising!

Hindi ko alam pero lumingon ako thinking na nandyan si Kuya Ewan, at Tadaaa!

Wala siya =_=

Sayang gusto ko pa naman sana na Makita niya yun, I know na he’s like me, he loves the Ocean.

Medyo tinagalan ko talagang mag-stay dun, baka kasi dumating siya, pero wala pa rin eh, kaya umuwi na lang ako. Medyo ok na ang pakiramdam ko dahil sa dagat. Diba sabi ko iyun lamang ang nagpapakalma sa buhay ko, pero kumikirot pa rin ang puso ko.

------------------------------------

-Next day-

Maaga akong nagising. If I’m just any other heartbroken girl, magluluksa ako ngayon, but I’m not, kahit may konting kirot pang natitira, pumunta kaagad ako sa Dagat, hindi na sa may sea wall sa dagat na talaga yung matatapakan mo ang sand at mababasa ng tubig ang paa mo.

“Psst”

Walang ano-ano’y lumingon kaagad ako. I did not get disappointed because it’s him.

“Hello Kuya (*^_^*)” with smiling face at open arms ko yang sinabi.

“Hi?”

Naguguluhan yata siya, kasi ang dali ko kasing naka recover sa heartbreak, masakit pa rin ng konti pero keri naman.

Nag-usap kami ng nag-usap

He’s not bad at all.  Masaya at may sense siyang kausap, although binabara niya ako minsan =_=

“Ahahahahh!!!! *o*” siya

Kitams? Tumatawa pa nga siya dahil naikwento ko sakanya ang pagtili ni Zack nung pumasok kami sa horror house.

“Kaya ka pala iniwan, Sirena pala ang ex mo AHAHHH” siya

*3*

“Hindi kaya ang kyut nga niya eh *pouts* ” sabi ko…

“Basta sirena siya Ahahahah” siya

“*pouts* kung sirena siya edi shokoy ka Ahahahaha!!!” ako

“Gwapong shokoy *smirk*”

“Heh!” Tss ang feeling nito…

Nag kwentuhan pa kami ng nagkwentuhan…

“HAHAHAHAHH!!!”  this time ako na naman ang tumawa sa kwento niya

Nagkwekwento siya tungkol sa coach nila. Isa kasi siyang swimmer tapos ang coach niya ay strict, may malaki itong tiyan, sinabi niyang nadulas ito habang pinapagalitan sila.

“Buti nga sakanya :P Ahahah!!” siya

“Uy, ang bad mo, pero ahaha nakakatawa gumulong at nalunod siya sa pool AHAHA!” sabi ko

“Pumalya kasi ang salbabida niya Ahahahah” siya

“Ikaw ba ang nag CPR sa kanya?” tanong ko

“Ew yucks~ Ayaw ko nang maalala=_=” siya

“Ahahahaha!!!! Ewww~ umamin ka rin eww~ sirena ka rin pala Ahahahah!” ako

“Di noh! =_=” sigaw niya in an irritated tone

“Weh? :P”

Pinagtitinginan kami ng mga tao, at ang weird nilang tingnan because they have the same expression, yung look na What’s-with-them? or Is-she-crazy?

Ganun ba talaga ako ka weird tumawa?

Mga ilang oras na rin ang nakalipas sa pagkwekwentuhan namin. Nung nag 1:30 pm na, nagsimula na akong mag swimming, hindi na kasi masyadong mainit.

“Huy…” tawag ko sakanya with matching sundot sa tagiliran

Poker face na lumingon siya.

Yaan na, nasanay na ako, nature na talaga niya yan. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang don’t judge a book when you’re not a lawyer.

“What?” tanong niya

“Magswimming tayo.” I said happily

Natigilan siya,  pero binawi niya agad ng ngumiti siya, at sinabing:

“Pass muna ako”

“Sige na *3*” naka puppy eyes na ako pero hindi ko pa rin siyang makumbinsing mag swimming.

*swimming here*

*swimming there*

*swimming everywhere*

Woah! Ang sarap sa feeling it’s been a long time since the last time I swim here. Busy kasi ako eh..

*swims*

I dive deep into the depths of this beautiful ocean.

Deeper and deeper

Hindi ko na namalayan ang oras.

Nung umahon ako.

(O_o)

Patay! Ang layo ko na sa shore

And worst is-

HIGH TIDE NA!

Bigla akong sinampal ng napakalaking alon, na out of balance ako at unti-unting nalunod. Pinilit kong lumangoy pero masyadong malakas ang hampas ng alon kaya hindi ko magawa.

 “Help! *glug* He-Help! *glug*glug* Somebody Help!” I shouted

Naku, mukhang walang nakarinig, huhu lord ano na ang gagawin ko ngayon?

Napatingin ako sa seashore and I saw him watching me with his worried eyes. Matagal na kaming nag-usap pero hindi ko parin alam ang name niya.

“Kuyaa!! He-help mee!!!” sigaw ko

Hindi ko na nakita kong ano ang ginawa niya dahil, nilamon na ako ng karagatan.

 

---

O_O

Napatingin ako sa paligid, Maputi ito.

Nasa langit na kaya ako?

*engkk*

Biglang bumukas ang pinto.

“Anak!”

Agad-agad na niyakap ako ni Mom and Dad

Napaluha ako.

Salamat lord at buhay pa ako.

“Mom nasan si Ku—“

Naputol ang sasabihin ko ng ma realize ko na hindi niya pala totoong pangalan yun.

“Sino?”mom

“Ah, wala” yan nalang ang nasagot ko…

Mga 3 days din akong namalagi sa Hospital, at sabi ng doctor hindi malubha ang nangyari sa’kin, He just said na becareful next time.

Tinanong ko kung sinong nagligtas sa’kin, sinabi nilang isang lifeguard, hindi ko alam pero na disappoint ako ng konti.

Nung nakalabas na ako. Pumunta kaagad ako sa Sea Wall kung saan kami unang nagkita.

Wala siya.

 

---

[Next day]

Maaga ulit akong pumunta dun pero hindi ko talaga siya Makita.

Naghintay rin ako ng mga ilang oras pero wala pa rin siya.

Ganun ang routine ko everyday.

Mas napadalas na ang pagpunta ko, hoping na Makita ko siya.

Pero...

Wala pa rin.

Asan ka na ba kuya? At least let me know your name

It’s been one week since I started to look and wait for him near the Sea wall.

*ting

May bigla akong naalala

“Shut up, miss sinisira mo ang  image ng bar ko”

Sinabi niyang sakanya ang bar na pinuntahan ko. Kaya pumunta kaagad ako dun. Sana Makita ko na siya.

Sa wakas nakarating na ako sa Bar.

Pumasok ako.

Mukhang namukhaan ako ng bartender dahil pasimpleng tumawa ito.

Oo nga pala nag-eskandalo ako dito… nakakahiya man pero tuloy pa rin ako sa pagpasok.

Umupo ako malapit sakanya at tinanong kaagad siya.

“Uhm, do you remember me?”

Ay, Pucha! Ba’t yan ang natanong ko, alam na alam ko namang hindi niya ako makakalimutan, dahil sa ginawa ko 2 weeks ago.

“Yes mam, do you want to drink something?” tanong niya

“Ah… no thanks, gusto ko lang tanungin kong kilala mo ba yung katabi ko nung naglasing ako dito?”

Natigilan siya, mukhang iniisip ang gabing nandito ako.

Mga ilang Segundo rin siyang ganon kaya I snap may fingers in front of his eyes..

*snap*

Natauhan naman siya.

“Ah a-ano?” tanong niya

“Psh. Sabi ko kung kilala mo ba yung katabi ko nung naglasing ako dito.”

“Pero wala kang kasama nung nandito ka” sabi niya

?_?

“Huh?”

“Opo, ikaw lang pong mag-isa, naglalasing habang kinakausap ang imaginary friend mo yata” sabi niya

“Huh?”

Hindi ko siya maintindihan. I’m sure na may katabi ako, nag-usap pa nga kami, diba?

“Sigurado po ako, kahit medyo matagal na yun, I’m sure na ikaw lang mag-isa dito” sabi niya

“Pero sabi niya siya raw ang may-ari ng bar nato” sabi ko

Napako siya sa kanyang kinatatayuan, Natulala at Namutla.

?_?

Medyo matagal din siyang nakaganun, so I snap my fingers again. Not once but THRICE!

Natauhan naman siya at biglang nag walk-out.

Kay, nice talking.

Ilang Segundo bumalik siya na may dalang picture frame.

“Siya ba ang tinutukoy mo?” nanginginig na tanong niya

“Oo siya nga!” napatayo pa nga ako sa tuwa at hinablot yun kay kuya bartender

“Ano ba ang pangalan niya?” tanong ko

“Siya po si Ocean Collins, o mas kilalang Cean, siya po ang may-ari ng bar nato” sabi niya

Wow, ang ganda ng name niya Ocean~ sing ganda ng karagatan…

 “Sigurado po talaga kayo? Baka naghahalucinate lang kayo kasi lasing kayo” sabi niya

“Oo, naman siya nga ang nag guide sa’kin papunta dito dahil naligaw ako” sabi ko

Namutla siya at lumunok ng laway.

*gulp*

“P-pero Patay na si Sir…”

Nabitawan ko ang picture frame na hawak ko.

 

---

‘Pe-pero Patay na si Sir…’

‘Pe-pero Patay na si Sir…’

‘Pe-pero Patay na si Sir…’

Paulit-ulit itong nag play sa utak ko.

Hindi ko alam na patay na pala siya.

Nung una hindi ako naniwala pero nung bumisita ako sa puntod niya dun ko na na confirm.

Iniyakan ko pa nga siya, oo umiyak ako, kahit bago ko pa lang siya nakilala.

One-month na pala siyang patay.

Now that explains all.

Bakit hindi ko namamalayan ang pabigla-bigla niyang pag sulpot.

Bakit hindi siya kumakain at omorder ng street foods.

Bakit lumilingon at nag me-make face ang mga tao tuwing kinakausap ko siya.

Bakit hindi siya umorder ng drinks sa bar.

Bakit hindi niya tinanggap ang kamay ko nung inilahad ko ito para makipag shake hands.

Bakit hindi lumapat ng kamay ko nung gusto ko siyang tapikin sa bar.

Bakit hindi siya Lumangoy nung inaya ko siya kahit kitang-kita ko sa mata niya na gustong-gusto niya talaga.

 

At bakit hindi niya ako nailigtas.

Namatay siya dun malapit sa Sea Wall, Ayon sa kwento ng bartender.

Cean loves swimming more than anything, kaya niyang ipagpalit ang kanyang kayamanan para dito. Isang araw, nung nag tre-training sila, biglang sumakit ang mga paa ni Cean, hindi lang ito normal na cramp dahil hindi na makakilos si Cean sa sakit. Pina hospital siya at dun nalaman na may cancer siya sa Bone-Marrow at worst stage four na yun. Matagal na palang sumasakit ang paa ni Cean ngunit iniisip lang niya na isang cramp lang yun dahil sa tindi ng training. Na frustrate siya dahil it’s 1 week before the national competition. Pilit siyang nagmakaawa sa coach na sumali dun for the last time, pero hindi siya pinayagan ng kanyang parents dahil critical na ang kanyang kondisyon. He stayed and suffered in the hospital for 1 month. Isang araw nabalitaan na lang nila na tumakas si Cean. He left a note, saying, na I’m sorry and Goodbye.

 Ayon sa nakakita sa kanya  nakatayo siya sa Sea Wall habang bakas sa mukha ang kasiyahan, nag stance daw ito na parang magswiswimming, at tumalon like a professional swimmer, akala ng nakakita na makakaahon ito dahil sa tingin niya napakagaling nitong lumangoy, hindi kasi niya alam na takas ito sa hospital dahil naka swimming attire siya. Umalis ang nakakita at hindi na alam ang sunod na nangyari.

Kinabukasan nabalitaan na lang nila na patay na si Cean, nakita ang kanyang bangkay sa seashore. Labis na hinagpis ang dinanas ng kanyang pamilya pati ng ang kanyang mga ka teammates with their coach. Pero napanatag na rin ang loob nila dahil for the last time he swam and made it to the goal which is the shore.

Hindi lang yun.

He save two lives. There were couples who fell off the boat. Kahit mabigat sila. He tried hard na mahatid sila sa shore despite of his weak body. And after he save them he died.

T.T

Napaiyak ako bigla.

*sobs*

Kaya pala alam na alam niya na mag susucicide ako sa araw na yun. Oo, tama siya, nagpla-plano talaga akong mag suicide sa araw na yun…Malaki kasi ang away naming ng ex ko kaya na frustrate ako lalong lalo na alam kong ako ang dahilan

Kahit na patay na siya, nakuha niya pa rin akong mailigtas.

Thanks to him I’m still alive now.

“Salamat Cean, ang bait mo, hindi mo hinayaang maaksaya ang buhay ko, nag-abala ka pang sundan ako dahil alam mo ang balak ko, hindi mo ako pinabayaan, tinulungan mo ako and you made me realize many things”.

 

Ito ang mga katagang gusto kong sabihin sa kanya

 

---

Ngayon nandito ako nakatanaw sa napakagandang karagatan…

As, usual the scenery is very stunning…

My eyes are smiling while watching the sun sets…

And

I saw him.

I saw him diving into the sea with his smiling face that lights up the sea just like the sun.

He’s my savior.

The diver who gracefully dives into my world to save me from drowning in the depths of darkness.

-The End-

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Closet_geek's other books...