So Close

 

Tablo reader up chevron

Introduction

ONE SHOT STORY

Katy Sheen Lopez was still 16 years old when she met her puppy love or what most people say, "first love". Lahat ng ginagawa ng mag boyfriend/girlfriend ay naranasan na niya kay William Sy kahit na wala pa namang label ang relasyon nila. It was almost perfect, everything was going good but something came up that changed their fate forever. 

It was so close, yet so far. 

"So Close" was first published  at Wattpad. Written in Tagalog/Filipino language but I will release an English version of this one soon. 

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please do not distribute or copy without a permission from the author.

SO CLOSE 

@ 2016 | All Rights Reserved

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

The Beginning

"Uy Seth! Sama ako!" pagtawag ko sa best friend ko. Ang bilis naman kasing kumilos ng lalaking 'to.

Dali dali kong inilagay sa bag ang mga gamit ko. Sa wakas, Friday na! Walang pasok bukas kasi weekend.

"Bilisan mo, Katy! Naghihintay yung pinsan ko sa bahay." Reklamo ni Seth at nauna nang umalis sa class room.

Nilagay ko sa likod ang backpack ko at hinabol ko siya. "Bakit kasi kailangan magmadali? May lakad ba kayo ng pinsan mo?"

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Oo, pero hindi ka pwedeng sumama. Ihahatid na kita sa gate para maka-uwi ka na."

Hinampas ko ang balikat niya ng libro kaya napasigaw siya. "Aray! Anong problema mo?"

"Ikaw! Eh bakit ayaw mong sumama ako? Hindi ka naman ganyan ah? Lagi mo naman akong sinasama sa mga lakad mo." Padabog akong naglalakad sa tabi niya.

Ang unfair kasi ng kumag. Best friends kami ni Seth, halos hindi kami mapaghiwalay dahil sobrang close namin. Yung tipong kung saan pupunta ang isa, doon din ang isa. Feel ko nga minsan magkapatid kami sa labas.

Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. "Lalaki kasi ang pinsan ko. Syempre kung sasama ka, baka ma out of place ka lang."

"Kahit na. Lalake ka rin naman ah, bakit hindi ako na o-OP? Pakilala mo na lang ako sa pinsan mo. Madali naman akong maka adjust Seth."

"Hindi nga sabi eh. Ang kulit mo naman."

"Eh kung ayaw mo, edi wag na lang! Bahala ka na nga diyan." Inalis ko ang kamay niyang naka akbay sa akin at mabilis naglakad patungo sa exit. Ayaw ko pa sanang umuwi kasi wala rin naman akong gagawin sa bahay. Kaso mukhang magbabasa na lang ako ng wattpad buong gabi sa kwarto. Wala pa namang update sa story na inaabangan ko. Boring.

Nasa labas na ako ng school at pumapara ng jeep nang mabilis akong hinila ni Seth papunta sa kabilang jeep.

"Ayan na ha. Pinagbigyan na kita. Basta behave ka lang, naiitindihan mo?" ani Seth. Mabilis naman akong tumango at ngumiti ng malawak. Sabi ko na nga ba eh. Hindi rin ako matitiis ng kumag kong best friend.

 

Mabilis lang ang byahe papunta sa bahay nila Seth. Nang makapasok ako sa bahay nila, nakita ko ang isang lalake na nakaupo sa sofa nila Seth at umiinom ng juice. Nilingon niya kami nang makitang nasa bukana na kami ng pintuan at nagpalipat lipat ang kanyang mga tingin sa amin ni Seth.

"Liam! Kamusta ang byahe?" lumapit si Seth sa lalaking nakaupo sa sofa at nag high five.

"Good. Galing ka bang school?" tanong ng estrangherong lalaki. Uh, sino ba 'to? Pagkagwapong nilalang naman.

"Yup, oo nga pala. Kasama ko ang best friend ko, si Katy. Uhm, Katy...eto nga pala ang pinsan ko. Si William."

Shemay! Pinsan niya 'to? Shet ang gwapo! Para siyang isang talent ng star magic. Ang tangos ng ilong at ang tangkad niya. Yung mga mata niya ay singkit. Para akong na star struck sa lalaking papalapit sa akin to the point na nakanganga na ako.

"Hi! William nga pala, but you can call me Liam." Aniya at sinabayan pa ng nakakamatay na ngiti. Oh Jesus! Pahinging tubig! Mahihimatay na ako.

"Ah eh. Hello! Hehehe! I'm Katy. Ikaw pala ang pinsan ni Seth." Sabi ko.

"Yup. It's nice to meet you."

Inilahad ni William yung kamay niya sa akin para makipag hand shake nang humarang bigla sa pagitan namin ni William si Seth. Anak ng!

"Tara na Liam! Punta na tayo sa basketball court. Diba sabi mo gusto mong maglaro ng basketball?"

Kumunot ang noo ni William pero tumango din siya ng kalaunan. "Okay, let's go."

Nakakainis naman si Seth oh! Chance ko na yun para mahawakan ang kamay ni William, naudlot pa! Nakabusangot ako habang nasa likuran nila ako. Naglalakad na kami ngayon patungo sa basketball court ng village. Ang dami nilang pinag-uusapan at halatang ayaw ni Seth na isali ako. Lagi niya akong binabara pag nagsisimula na akong magsalita. Kainis!

 

Naglaro agad sila ng basketball nang marating namin ang court. Parehas silang dalawa na magaling sa sports na 'to pero ewan ko ba. Mas na a-attract talaga ako kay William. Sabi ni Seth kanina sa jeep na kasing edad lang namin yung pinsan niya pero ang ganda na ng pagkakahulma ng biceps niya. Sixteen pa lang kami pero nako, ang yummy niya na.

Parehong singkit si Seth at Liam pero mas chinito nga lang si Liam. Kaya siguro ganoon kasi half chinese lang si Seth. Mas pinili kasi ng Papa niya na maikasal sa isang pure Filipino at base sa kwento ni Seth, itinakwil ng Lolo niya ang kanyang ama at kinuha ang pamana nito. Magpinsan sila ni Liam so I guees pareho lang din sila ng apelido. Ang gwapo naman ng lahi ng mga Sy. Nakaka-inggit! Maputi naman ako pero mas maputi talaga sila. Kinabog ako ng magpipinsan na ito. Tss.

Pagkatapos ng game nila, umuwi na ako. Tinawagan na rin kasi ako ni Mama para tulungan siya sa paghahanda ng hapunan kasi may bisita siya. Sayang naman, gusto ko pa sanang maka usap si William pero alam ko naman na babarahin lang din ako ng kumag kong bestfriend. Ewan ko ba sa lalaking yun.

Kinagabihan, may na receive akong text mula sa isang unknown number. Binasa ko agad iyon.

Unknown: Hi Katy! This is Liam. Just want to check if you arrived home safely.

Emerged! Nagtatalon na ako sa sobrang tuwa. Tinext ako ni William! At mukhang concerned pa siya sa akin. Agad akong nag reply sa kanya.

Ako: Hello Liam! Okay naman ako. Nasa kwarto na ako at nagpapahinga. Salamat sa concern. :D

William: Buti naman. :)

Ako: Hihihi. Uy ikaw, naka-uwi ka na ba?

William: Yep. Sinundo ako ng driver namin.

Wow! May driver siya? May kotse naman sila Seth pero wala silang driver. Yung Papa niya lang ang nag da-drive. Pero si William, may driver talaga. Nagtipa ulit ako ng mensahe.

Ako: Nice. Paano mo nga pala nakuha ang number ko Liam?

William: Kinuha ko sa cellphone ni Seth. Iniwan niya kasi kanina habang naliligo siya. Is it okay if I text you?

Ako: Of course! Bakit naman hindi? Hehehe.

At doon nagsimula ang mahabang usapan namin ni William. Napagkaalaman ko na may clothing business sila at yung Mama niya ang mismong nagdidesenyo ng mga damit na binibenta sa shop nila. Wow! Kaya pala may driver siya. Mayaman naman pala ang pamilya nila.

Nakakapanliit naman tuloy. Hindi naman kasi kami mayaman. Yung mga magulang ko nagtatrabaho sa gobyerno. Sakto lang yung kinikita nila para sa pamilya namin. Doon ko na realize na ang taas ng estado ng buhay ni William. Ngayon pa lang, parang ang hirap niya ng abutin.

 

Ilang araw rin kami nagtetetxt ni William. Pag break time, siya agad ang tinetext ko. Ganoon rin naman siya. Minsan niyaya niya akong mag snack pagkatapos ng pasok namin. Magkaiba kami ng school pero humahanap kami ng paraan para magkita. Paglumalabas kami, lagi niya akong hinahatid pauwi.

Sa ilang araw kong nakakasama at nakakausap si Liam, masasabi kong isa siyang perfect example para sa adjective na 'gentleman'. Pag nagtetetxt kami, hindi niya ako tinutulugan. Hinihintay niya talagang ako ang maunang matulog. Lagi niya akong kinakamusta at pag nakita niyang nahihirapan ako, tumutulong agad siya. Tulad na lang noong nahirapan ako sa project ko, siya ang tumulong sa akin.

Bago ako magising sa umaga, may laman na agad ang inbox ko ng good morning text niya, at sa gabi naman ay nag go-good night siya. Pag kumakain kami sa labas, hindi niya hinahaayan na gumastos ako. Sabi niya, siya raw ang lalaki kaya't siya raw dapat ang gagastos. Alam mo yung mga galaw na hindi naman talaga required na gawin niya, pero ginagawa niya pa rin? Ganoon siya eh.

 

Dumaan pa ang ilang araw at mas nagkakaigihan kami. Ewan ko lang ha, pero may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Mabilis itong tumitibok pag nakikita ko siya. Parang hindi kompleto ang araw ko pag hindi ko siya nakaka-usap o nakikita.

"Katy." Tawag sa akin ni William nang makababa ako mula sa sasakyan nila. Galing kasi kami sa isang ice cream parlor at ngayon ay inihatid niya ako sa bahay.

"O, bakit?" tanong ko.

Bumaba na rin siya ng sasakyan at isinara ang pinto. Nakakunot ang noo niya at parang balisa siya.

"Liam? May gusto ka bang sabihin?"

"Uhm, ano kasi Katy. Hmm.." aniya sabay kamot sa batok niya. Nako! Ang cute niya naman. Halatang nahihiya siya eh.

Lumapit ako ng isang hakbang sa kanya at nang ilang pulgada na lang ang layo namin, bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya habang siya naman ay nag-iwas ng tingin at namumula 'yung tenga niya.

"Uhm, sige. Alis na ako. Pumasok ka na sa loob. Bye!"

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse. Pero bago pa man siya makapasok ay pinigilan ko na siya. Hinawakan ko ang braso niya.

"Liam." Lumingon siya sa akin.

"Bakit Ka—"

Naputol siya sa pagsasalita nang ginawaran ko rin siya ng halik sa pisngi. Oh my god! Ginawa ko ba talaga iyon? Parang instinct lang din kasi iyon eh. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para gawin iyon pero hindi ako nagsisisi.

Mas lalong namula si Liam at natulala sa harap ko. Nauna na akong tumalikod at binuksan ang gate namin para makapasok. Sandali akong sumandal sa likod ng gate para mapakinggan ang tambol ng puso ko. Ang lakas lakas nito at para yatang mabibingi ako.

Ilang sandali pa ay umalis na ang kotse nila Liam at mabilis akong tumakbo sa loob ng kawarto ko at nagtatalon sa kilig.

 

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para ibalita kay Seth ang nangyari. Pumasok ako sa room at nakita ko siya roon sa armchair niya na nagsusulat.

"Seth!" tili ko. Nag angat naman siya ng tingin. Yung mukha niya naka poker face lang.

Pero dinedma ko lang iyon at umupo sa tabi niya. "Alam mo ba? Ang saya saya ko ngayon. Kasi ano..may nangyari kagabi. Hinalikan ako ni Liam sa pisngi tapos hinalikan ko rin si—"

"Ano?!" napapitlag ako sa sigaw ni Seth. "Hinalikan ka niya? Sabihin mo Katy, may nangyari pa bang iba na higit pa dun?" Naririnig ko na may bahid ng galit ang pananalita niya.

"Kalma lang naman. Parang halik lang naman sa pisngi, kung maka react to oh. Tss. Syempre hanggang dun pa lang. Pero alam mo ba Seth, tingin ko may gusto si Liam sa akin. Yieee!"

"Hindi siya pwedeng magkagusto sayo Katy. Ngayon pa lang, binabalaan na kita. Huwag mo nang paasahin ang sarili mo.

"Bakit ka ganyan? Best friends tayo Seth diba? Pinsan mo yun, dapat suportahan mo ako sa kanya."

"Pinsan ko nga siya kaya't alam ko na kung anong pwedeng gawin ni Liam. Kaya habang maaaga pa at pwede pang agapan, itigil mo na."

Nagsimula ng tumaas ang mga boses namin. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Seth. Ayaw niya ba ako para sa pinsan niya?

"Alam mo Seth, kung ayaw mo akong suportahan sa kanya edi huwag! Basta ang alam ko wala kaming ginagawang masaya ni Liam para magalit ka ng ganyan."

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan." Niligpit niya iyong notebook na sinusulatan niya at umalis ng classroom.

 

Nagpatuloy kami sa routine namin ni Liam at hindi na lang pinansin ang pagiging masungit ni Seth sa akin. Kung galit siya sa akin, galit rin ako sa kanya. Nakakainis naman kasi yung inaasal niya. Mabait naman si Liam eh, bakit parang sinasabi niya na may gagawin na masama yung pinsan niya sa akin?

Nagkikita pa rin kami Liam pagkatapos ng classes namin. Habang tumatagal talaga, mas nag lelevel-up kami. Minsan pag naglalakad kami, hinahawakan niya ang kamay ko. Tapos yung bag ko, siya ang bumibitbit nun. Yung tipong parang boyfriend ko na talaga siya. Pag hindi ako nakakareply sa kanya sa text, tumatawag agad siya para icheck ako.

Wala pa namang ligawang nangyayari pero parang mag on na kami. Ang saya nga sa feeling eh. Parang may sekreto kami na kaming dalawa lang ang nakaka-alam. May mutual understanding sa pagitan namin pero hindi namin iyon binibigyan ng pangalan.

Sa totoo lang gustong gusto ko na si Liam. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko dahil sa araw-araw na kasama ko siya mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Liam, gusto mo bang pumasok sa loob?" Pag iimbita ko sa kanya. Nakakahiya na kasi, lagi niya akong hinahatid sa bahay at nakakahalata na sila Mama at Papa. Ito ang kauna unahang pagkakataon na iimbitahin ko siya sa loob ng bahay namin.

"Okay lang ba sayo?" Aniya at nagkamot sa batok niya. Ganyan talaga yung kilos niya pag nahihiya siya. Alam na alam ko na ang mga galaw niya.

"Oo naman. Ipapakilala kita sa mga magulang ko."

"Alright. I also want to meet the parents of the beautiful girl in front of me now."

Ay shet! Yung mga paruparo sa tiyan ko nagwawala na.

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay namin at ipinakilala siya sa mga magulang ko. Si mama tuwang tuwa pa kay Liam. Si papa hindi masyadong nagsasalita pero ngumingiti naman siya. At least alam ko na okay yung mga magulang ko kay Liam. Kung mapupunta nga talaga kami sa isang mas malalim na relasyon ni Liam, hindi na ako magkakaproblema sa pagitan niya at sa magulang ko.

 

Halos dalawang buwan na kaming ganito ni Liam. Walang araw na boring dahil sa kanya. Natuto na rin akong maglaro ng basketball nang dahil sa kanya. Pag weekends kasi pumupunta siya dito sa amin at pinapaalam niya ako sa mga magulang ko na maglalaro kami ng basketball sa gym na malapit lang din sa amin.

Weekend ngayon at inaasahan ko na pupunta si Liam sa bahay namin. Karaniwan, sinusundo niya ako ng mga alas nwebe sa umaga pero mag aalas diyes na at wala pa rin siya. Nagtipa ako ng text message sa kanya.

Ako: Liam, nasaan ka na? Maglalaro ba tayo ng basketball ngayon?

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya nakapagreply.

William: I'm sorry Katy. Something came up. Babawi na lang ako sa Monday. Sabay tayong mag lunch.

Ako: Ah sige. Kung ano man iyan sana okay ka lang. Ingat!

William: Yup, I will. Ikaw rin. Take care my Katy.

Napabuntong hininga ako. May emergency si Liam. Hindi naman siguro siya nagsisinungaling sa akin. Hindi iyon ugali ni Liam. Di bale, sabay naman kami maglulunch sa Lunes kaya makakabawi rin siya.

Since wala naman si Liam, ako na lang mag-isang umalis. Pumunta ako sa mall para mamili ng mga kinakailangan para sa project ko sa school.

Pumunta ako sa school supplies at pagkatapos kong mamili, nakaramdam ako ng gutom. Kaya sinunod ko ang lukso ng tiyan ko. Kakain na lang muna ako at para na rin magpalipas ng oras.

Plano ko sanang kumain sa Mcdo na lang pero parang may tumatawag sa akin na dumaan sa kabilang wing ng mall kung saan may nakahilera ang mga mamahaling resturants. Naglakad ako patungo roon at bigla na lang ako napatigil sa kinatatayuan ko nang namataan sa di kalayuan si Liam.

Hindi siya nag-iisa. May kasama siya. Sa gilid ni Liam, may kasabay siyang naglalakad na isang babae. Maputi siya at mahaba ang kanyang itim na buhok. Ang kanyang mga mata ay singkit din tulad ng kay Liam. Nakasuot siya ng floral dress at nagmistula siyang artista sa postura niya.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Sa likod nila, may nakasunod na mga taong nasa 40's na ang edad. Napagtanto ko na mga magulang iyon ni Liam at yung dalawang pares naman ay mukhang magulang rin ng babaeng kasama ni Liam.

Si Liam nakayuko lang habang naglalakad, yung babae naman panay ang pagsasalita. Pumasok sila sa isang restaurant.

Ano bang nangyayari? Sino ba yung kasama niya? Tumalikod ako at dali daling umuwi sa amin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong nakaramdam ng selos. Wala pa namang kami ni Liam pero may parte na sa akin na ayaw siyang makita na may kasamang ibang babae bukod sa akin.

 

Lunes at sabay kaming nag lunch ni Liam tulad ng napag-usapan namin. Ang dami niyang baong kwento pero hanggang ngiti lang ang nasusukli ko sa kanya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay nababagabag ako sa nakita ko noong sabado.

"Katy, what's wrong?" ani Liam. Nasa harap na namin ang pagkain na inorder namin pero hindi ko pa rin ito nagagalaw.

"Huh?"

"Kanina pa kasi ako nagsasalita pero hindi ka sumasagot. May problema ba?"

May problema nga ba? Kailangan ko ba problemahin yung nakita ko? Pero iba kasi talaga sa pakiramdam eh. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa pero binawi ko iyon. Kumunot naman ang noo ni Liam sa reaksyon ko.

"Sinong kasama mo noong Sabado?" untag ko. Sana huwag naman siya magsinungaling.

"My parents. Bakit?"

"Mga magulang mo lang ba talaga? O may kasama ka pang iba?"

Nawala ang kalmadong aura sa mukha ni Liam. "Just my parents Katy."

"No. Hindi iyon ang nakita ko. May kasama ka pang iba bukod sa mga magulang mo. May babae kang kasabay na naglalakad papunta sa isang restaurant Liam."

"Nasa mall ka noong Sabado?"

"Yup. Pumunta ako sa mall para mamili ng materials sa project ko at nakita ko kayo. Sino ba siya Liam? Sino yung babaeng kasama mo?"

Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. "I'm sorry Katy."

Napasinghap ako ng mahina sa kina-uupuan ko. Bakit siya nag so-sorry? Huwag mong sabihin na...

"I know this sounds crazy but I'm already engaged to someone else."

Napa-awang ang bibig ko sa narinig ko. "Ano? Anong engaged?"

"It's a tradition in our family. My parents already arranged my marriage with the girl you saw with me. Siya ang papakasalan ko balang araw pagkatapos ko sa college."

Bigla akong nanghina at bumilis ang aking paghinga. Ibig sabihin ba nun, wala kaming pag-asa ni Liam? Pero bakit ganito?

"Ba-bakit Liam? Gusto mo ba siya?"

"No! Believe me Katy, hindi ko siya gusto. I'm just stuck with this stupid fixed marriage. Gusto ni Daddy na sa isang pure Chinese ako ipakasal para mas lumago ang negosyo namin. Tying up with other powerful Chinese family will make our business successful in the future."

Hindi ako kumibo. Para akong nababasag sa mga naririnig ko. Hindi ako Chinese, at isa yung sampal para sa akin. Hindi ko pa man nakikita sa personal ang mga magulang ni Liam pero alam ko na kung ano ang mangyayari. Hining hindi nila ako magugustuhan para kay Liam dahil wala kaming business at hindi ako Chinese.

"Ikaw ang gusto ko Katy. I think it's pretty obvious that it's you I want. I want my future with you. 

"Gusto rin kita Liam. Pero ikaw na nga ang nagsabi na gusto ng Daddy mo na ikasal ka sa isang babaeng pure Chinese. Wala akong dugong Chinese. Walang negosyo ang pamilya ko na maipagmamalaki sa inyo."

Kinuha niya ulit ang kamay ko at pinisil pisil ito. "No, Katy. I like you. I will break the rules."

"Hindi pwede ang gusto mo Liam. Kahit na gusto natin ang isa't-isa, alam natin pareho na gulo lang maidudulot nito."

Unti-unti nang mangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam na masakit pala ang ganito. Yung gustong-gusto mo ang isang tao pero hindi kayo pwede. Kasi bawal. May restrictions kumbaga.

Binawi ko ulit ang kamay ko at umalis sa table namin. Lumabas ako sa fast food chain at tumakbo palayo. Pero nahabol lang ako ni Liam at hinarangan niya ang dinadaanan ko.

"Please Katy. Don't run away from me."

"Please lang din Liam, huwag na nating ipilit 'to. Sundin mo ang mga magulang mo."

"No. Di bale ng magalit sila sa akin basta huwag ka lang mawala. I like you so much Katy and I don't want to lose what we have."

"It's better to lose what we have right now while it's still not deep. So please, Liam. Huwag na natin pahirapan pa ang isa't-isa. Kalimutan mo na lang ako. Kakalimutan na lang din kita." 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

The End

Simula noong araw na iyon, hindi na kami ulit nagkita ni Liam. Ilang linggo na ang lumipas pero hindi talaga siya nagpaparamdam. Kahit sa text, wala rin. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Lagi kong pinipigilan ang sarili ko na i-contact siya. Kasi alam kong bawal.

Nasasayangan ako sa amin. Andun na kasi eh. Gusto na namin ang isa't-isa pero hindi pwedeng ituloy. Habang lumilipas ang mga araw, maraming mga konklusyon ang nabubuo sa isipan ko.

Makasarili ba ako? Sa tingin ko ay hindi. Kasi kung naging selfish lang ako, hindi ko na sana hinayaang mawala sa akin si Liam. Sana hindi ko na lang siya pinagtulakan na kalimutan ako at unahin ang pamilya niya.

Duwag ba ako? No. Hindi kailan man naging tanda ng pagiging duwag ang magparaya. Letting go doesn't mean you're coward to face the situation. Letting go is a sign of courage that you understand and accept what it is without struggle and fear.

Mahal ko ba siya? Almost. Muntik ko na siyang minahal. Hindi rin naman kasi mahirap magustuhan at mahalin si Liam. Kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalake. We were almost perfect indeed. We were almost lovers. It was SO CLOSE.

But in the end, we have to make decisions in order for us to move forward. At sa kaso ko, iyon ang desisyon ko. Ang pakawalan si Liam habang hindi pa lumalalim ang nararamdan ko para sa kanya. Masakit para sa akin ang desisyon ko pero alam kong mas masasaktan ako pag hinayaan ko na mas tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero hindi naman natin hawak ang tadhana diba? Siguro kung tama na ang panahon at ang sitwasyon, pwede na maging kami. Pero hanggang hindi pa pwede, huwag na lang pilitin. Sayang naman din ang buhay kung mananatili ka isang sitwasyon na walang kasiguraduhan.

Go out and explore the world ika nga. At yun ang gagawin ko. Habang wala pa ang lalaking itinakda sa akin, magsusumikap ako na maging karapatdapat para sa kanya. Mag-aaral ako ng mabuti nang saganon ay magkaroon ako ng magandang trabaho at aayusin ko ang sarili ko.

Sa ngayon, may isang bagay pa akong kailangan ayusin sa buhay ko. Dali dali kong inubos ang pagkain ko para makapunta na sa school. Nagising talaga ako ng maaga para abangan siya sa room. Early riser kasi siya eh. Best in attendance talaga ang kumag.

Hindi nga ako nagkamali at nakita ko siya na naka upo sa armchair niya na malapit sa bintana ng classroom. Naka earphones siya at nakapikit ang kanyang mga mata habang nakasandal ang kanyang ulo sa may bintana.

Tinanggal ko ang earphone niya kaya napabukas ang kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I miss my best friend.

"I'm sorry Seth. Sorry kung matigas ang ulo ko."

Hindi siya gumalaw nung una pero di nagtagal ay niyakap niya na rin ako.

"I miss you, Katy." Aniya sa malambing na boses.

"Na miss din kita Seth."

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Criza Beriong's other books...