ROSS AND SCARS

 

Tablo reader up chevron

PROLOGUE

I hate myself. I abhorred to be the introverted type. Gusto kong maging maingay, palasalita, yung tipong makapagpatawa ng ibang tao kahit gaano ka lame ang joke ko. But I can't be someone else that I'm not. I could never please everyone. Boring ako, mahiyain, awkward, sensitive...ito ay ilan lang sa mga ayaw ko sa aking sarili.

 

Pinagmamasdan ko ang aking kabuuan sa harap ng salamin. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon. I feel fat and ugly. Ang bilog ng mukha ko. Ayaw ko sa mga braso't binti ko. Kaya siguro walang nagkakagusto sakin kasi ganito ang itsura ko. I don't feel attractive at all. 

 

Sa ganitong paraan naman talaga tayo unang nagugustuhan. Sa pisikal na anyo. Kahit sabihin pa nilang wala yan sa itsura kundi sa ugali, still, unang mapapansin ng mga tao ay kung gaano ka kaganda o kagwapo. Pangalawa na iyong sa ugali.   

 

May diin kong pinipindot ang aking pisngi. Sunod kong nilagay ang aking kamay sa magkabilaang balagat. Pinakinaramdaman ko ang aking collar bone. Napasimangot ako dahil hindi siya masyadong kita. Kailangan ko pa ng diet at physical activity. Pinipsil pisil ko naman ang aking mga braso hanggang sa namula na ang mga ito. Sunod kong inaapi ang aking tiyan. Marahas ko itong pinipisil at hinahampas hanggang sa sinasampal ko na ang aking mukha at lahat na ng parte ng aking katawan.

 

I'm not comfortable with my own skin.

 

"Lumabas kana jan kakain na!" rinig kong sigaw ni mama.

 

Sinuot ko muli ang aking white shirt at pajamas bago lumabas ng kwarto. Nagtungo pa rin ako sa hapag kainan hindi para kumain kundi uminom lang ng tubig. Nakaupo na sila sa mga upuan nila. Si mama ay nagsasalin ng tubig at pinagsandok si papa ng kanin.

 

"Umupo ka na dito Maeve." utos ni papa.

 

"Hindi po ako kakain."

 

"Kagabi ka pa hindi kumakain a? Ano nalang ang laman niyang utak mo tuwing nagaaral ka kung walang sustansya sa pagkain?" sermon  niya. Kunot noo nila akong tinitignan habang umiinom ng tubig.

 

"Busog po ako."

 

"Kahit itong sabaw lang, wag ka nalang mag kanin basta may laman lang yang tiyan mo, kahit tatlong subo lang." mataray na sabi naman ni mama na pinagsalin pa ako ng tinolang manok na maraming sabaw at gulay.

 

Walang akong nagawa, pinaghirapang lutuin ni mama yung ulam kaya kakain nalang ako. Pero bago yun, bumalik muna ako sa kwarto at hinanap ang appetite suppressant pills na tinitake ko bago kumain isa hanggang dalawang beses araw araw. Kumuha ako ng isang capsule saka bumalik sa kusina para inumin yun kasabay ng isang basong tubig saka umupo na upang sumalo sa kanila sa pagkain.

 

As usual, gumana yung pills na iniinom ko. Yun naman kasi talaga ang purpose nung gamot...isang food suppressant kaya kaunti lang ang nakain ko. Tatlong higop lang ng sabaw busog na ako. Kung mapadami man ang kain ko, may laxative naman akong iniinom kaso ayaw kong iniinom yun araw-araw lalo na kapag may pasok. Ayaw ko kasi ng pabalik balik sa c.r  kapag alam na...tapos naglelecture pa yung teacher.

 

Magiisang taon na rin akong ganito. Simula kasi nung nag take ang isa kong kaklase para magpapayat after sila naghiwalay ng boyfriend niya, sinubukan ko rin i-take yun. Nag lose naman ako ng konting timbang, dagdagan pa nung stress sa school. Pero di pa rin ako kuntento, I want to lose until mag 40 plus ang weight ko, 55 lbs kasi ako and I don't like it.

 

Walang may alam ng ganito kong lifestyle maliban sa aking mga kaibigan. Nalaman nila dahil nakita nila ito sa bag ko. Isang box ang binili ko nun. Pinagsabihan lang nila ako na wag nangi uulit pa ngunit pinagpatuloy ko pa rin. My parents never knew. Hindi ko naman sila pinagsabihan at hindi pa nila ako nahuhuli.

 

Kinagabihan ay naghihilab na ang aking  tiyan sa gutom. Kailangan kong tiisin 'to. Iinom nalang ako ng maraming tubig para maibsan ang gutom. Hindi ako komportable kapag nabubusog ako, pakiramdam ko kasi ay lumalaki ang aking tiyan. I tried crunches as an exercise but most of the time hindi ko na nagagawa dahil sa busy sched sa school.

 

Humarap ulit ako sa salamin. I stared at the picture of Candice Swanepoel at the upper left side of the mirror. It's for motivation purposes kapag nag eexercise ako. I detested my busy schedules dahil halos everyday ang exam kaya wala na akong oras mag gym, sa bahay ko nalang ginagawa.

 

Lumabas ako ng kwarto and I didn't even expect on what's on the dinner table. One box of pizza...something that I could never ever resist. Kahit ano o ilang pagkain pa ang ihahain jan kayang kaya kong tanggihan but not my one and only pizza. It's my guilty pleasure. My parents really know how to tame me. So this is their bait to make me eat.

 

I guess tonight's the night that I'm gonna take my last piece of laxative sachet.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

ONE

CHAPTER ONE

 

Kanina pa ako dito sa pinakahuling cubicle sa loob ng c.r at hinihintay ang aking pag-iisa. Ang tagal naman kasing mag-ayos ng mga babae rito. Kahit may mga lipstick pa eh todo lagay pa rin sila nito at kulay red pa talaga. Habang ginagawa nila iyon ay pinag-uusapan nila ang mga taong kanilang kinaaayawan at pinaplastik. Pati mga guro ay walang takas sa kanilang usapan. Mga ex boyfriends na niloloko sila, mga bagong lalakeng dini-date nila, mga sinagot nila sa quiz kanina, kainan kung saan sila magla-lunch mamaya at kung ano ano pa. Nakikinig lang ako sa kanilang mga tsinitsismis.

 

Nang humupa ang kanilang pag-iingay ay nakiramdam ako sa paligid. Sinisigurado kong wala na talagang ibang tao dito sa loob ng c.r maliban sa'kin. Rinig galing sa kabilang room ang guro na naglelecture sa ibang course. About credits and debits kasi ang dinidiscuss kaya marahil mga accounting students o business ad ang nasa kabilang room.

 

Sinimulan ko nang gawin ang aking pinunta rito. Kanina pa sumasakit ang aking tiyan. Bakit ba naman kasi ako uminom kagabi kahit may klase ako ngayon? Ito tuloy ang napala ko. Hindi ako nakapagconcntrate sa discussion kanina sa Leadership and Management at muntik pa akong lumabas ng classroom sa kalagitnaan ng lecture.

 

May narinig akong mga yapak papasok ng cr dahilan upang madaliin ko ang aking ginagawa.

 

"Maeve!" malakas na tawag ni Erika.

 

"Ano?!"

 

"Saan ka? Magsisimula na yung lecture baka markahan ka pa ng absent!" kinakatok niya bawat cubicle. Mabuti nalang ay nagsilabasan na ang mga tao dito kanina. Sinadya ko talaga na ako lang mag-isa. Ayaw kong mapabilang sa ibang mga tao kapag wala akong kakilala.

 

Flinush ko na ang toilet bowl at binuksan ang pinto. I saw her sigh of relief nang makita niya ako. Naghugas muna ako ng kamay at kinuha ang handy alcohol sa bulsa ng aking uniform.

 

"Are you using it again? ang tagal mo kasing lumabas." may pagdududa niyang tanong.

 

"Kakapasok mo nga lang sa cr eh."

 

"Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo. Akala namin na flush ka na rin sa bowl."

 

Hindi na ako nagsalita.

 

Well ganoon naman talaga ako kapag walang pumapasok sa utak ko na pwedeng ikomento. Kaya nga ako palaging tahimik and I am not comfortable being with a lot of people especially pag hindi ko kilala.

 

I'm not good in making friends and I am not a social butterfly. I totally hate parties or any social gathering. I'm sort of a wallflower.

 

Lumabas na kami at naglakad papunta na sa classroom. I noticed her eyeing me suspiciously.

 

"So gumamit ka na naman?" she means the laxative.

 

Yes.

 

"No." pagsisinungaling ko. Marami na naman kasi siyang sasabihin kapag inamin ko and I am tired of getting told on what to do. Kahit ano pang panenermon niya, hindi ko din naman susundin.

 

"Sure?"

 

"Oo nga." Nayayamot kong sagot. Nag kibit balikat lang siya at nanaig ang katahimikan hanggang sa nakapasok na kami sa room at nakinig sa lecture.

 

Pagdating ng lunch, naisipan nilang kumain sa isang bagong carenderia kung saan ang may-ari ay isa ring student sa school namin. Hindi kami kumakain sa canteen kasi namamahalan kami sa mga pagkain, saka mas maraming choices kapag sa labas ng school.

 

Nilabas na ng mga kaibigan ko ang mga baon nila. Si Sean at Leroy ay palaging may dalang baon. Kahit may ulam na sila ay bumibili pa rin sila ng isa pang ulam at minsan ay kanin.

 

Pero kahit ilang servings pa ang kinakain nila, I think pinakamarami according to my observation ay nakakatatlong rice lang naman, ganoon pa rin ang mga figures nila, slender. Sabihin na natin na ganoon naman kapag lalake pero kasi they are gays, and they don't play sports that much like straight guys do, so why are they still slender kung ganoon karami ang nakakain nila at ang tanging activity ay nakaupo lang sa classroom for eight hours.

 

Samantalang ako, kahit hindi nagkakanin ay ganoon pa rin, never as slender as them. Life is totally unfair.

 

Ericka and Ruth on the other hand ay minsan lang nagbabaon. Sa carenderia na sila bumibili ng makakain.

 

They're not as slender as Sean and Leroy but they're thinner than me. They love fried and crunchy chicken skin so much kaya palaging ito ang inoorder nila. Still, no change in the body frame.

 

Pinapanood ko nalang silang kumain until Leroy noticed me na pinagmamasdan lang sila.

 

"Kain na Maeve." Ngumunguya niyang sabi. Umiling ako.

 

"Nauuhaw ako. Bili lang ako ng tubig sa pharmacy. Pakibantayan ng bag ko." tumayo na ako at kinuha ang wallet ko sa bag.

 

"Are you at it again?" naghihinalang tanong ni Ruth sa'kin habang lumulobo ang pisngi dahil sa puno ang bibig nito.

 

"No. Tumigil na ako don't worry." Hindi ko na hinintay na may magsalita pa kaya tumalikod na ako at umalis.

 

The truth is nauuhaw talaga ako so I badly needed water. Pero may double purpose din ako kaya sa pharmacy ako nagtungo. Naubos na kasi yung laxative ko kagabi dahil sa pizza na dala nila mama so I'm planning to buy five pieces.

 

Nang makapasok sa pharmacy, una kong tinungo ang sa mga drinks. Nagahip ng aking paningin ang mga ice cream na nasa gilid. Damn, I'm craving for those. At may chocolate chip cookie flavor. Para silang may mga nang-aasar na mukha at kumakaway sa'kin. What a temptation. Tsk, control Scarlet Maeve....you have to control. Remember Candice Swanepoel's picture? You want that figure, right?...

 

I sighed in frustration. Tumingin ako sa mga nakahilerang 1.5 liter ng mineral water. Pinanliitan ko ito ng paningin at agarang kumuha ng isa without looking back at the ice cream again. Siguro naman kapag uminom ako ng marami nito ay mawawala ang craving at gutom ko. Right, water would be my solution.

 

Pumunta ako sa row ng mga inumin na sachets and I found what I was looking for. Kumuha ako ng isang box which contains five pieces at binayaran ko na kasama ang tubig.

 

Pabalik na ako sa aming pinagkainan pero bago makaliko ay may bumangga sa'kin which pissed me off. Hindi ko naman kasi kasalanan dahil nakatingin ako sa daan habang siya ay nakatutok lang sa cellphone niya.

 

I didn't dare look at his face, binulyawan ko agad."Tsk, tumingin kasi sa dinadaanan!"

 

"Sorry." yumuko siya at kinuha ang nahulog na plastic kung saan nandoon ang binili ko. Inabot niya ito sa'kin and I snatched it from his hand saka mabilis na tumalikod at naglakad.

 

No thank you to him.

 

"Sorry again!" sigaw niya. Hindi ko na siya nilingon. Mainit ang ulo ko ngayon. It's either because of the hot weather o dahil sa hindi ko pag kain, which is I have no plan of doing today.

 

Pagkarating ko, nakangisi silang apat. Anong meron? What's with their goofy smiles?

 

"really Maeve?" turo ni Ruth sa dala kong 1.5 liter na tubig.

 

"bakit? anong meron sa tubig ko?"

 

"haha! ikaw nalang gagawin naming supplier ng mineral water, tamad kasi kaming magdala ng tumbler, di gaya mo hindi manlang nabibigatan dalhin yan." maarteng sabi ni Leroy. Mas bulgar siya kesa kay Sean. Si Sean kasi ay demure ang pagkabakla.

 

"akin lang to no." I held the bottle possessively.

 

"oh c'mon! we're thirsty! Please..." pakiusap ni Erika.

 

"bumili kayo, di kayo nagsabi na kailangan niyo ng tubig edi sana binilhan ko rin kayo sa pharmacy."

 

"konti lang..."

 

"tsk." Inabot ko sa kanya ang bottle. Sumunod na uminom ang tatlo. Akala ko siya lang, sila palang lahat!

 

"oi konti lang! lunch ko na yan!" sita ko sa kanila. Napahinto sa pag-inom si Sean.

 

"ano? Maeve naman..." iyak ni Sean. Nagpapaawa niya akong tinignan.

 

"ba't ayaw mong kumain?"di makapaniwalang ani ni Ruth.

 

Because I'm fat and I'll get more fat and I'd be more ugly until no one will like me and I'd be forever alone forever and it sucks.

 

"masakit sa panga." I lied. I can't say what's on my mind. Hindi nila ako maiintindihan. They've never been where I've been through. And I think they will never be.

 

Hindi makapaniwalang tumawa si Erica habang nganga ang tatlo. Actually kumukulo na ang tiyan ko so I grabbed the bottled water from Sean's hand at tinungga ito.

 

 

"pero nagbreakfast ka?" tanong ulit ni Ruth

 

No.

 

"Oo." I lied again.

 

"are you sure? namumutla ka kasi." Pag-aalala ni Sean.

 

"maputla naman talaga ako." I shrugged. Thanks to my natural pale skin at nagamit ko ito as an excuse.

 

"Maeve, alam mo namang nakakabaliw yung hindi pag kain di ba?"

 

"C'mon, I've eaten. Tara na nga, mag aala-una na, late na tayo." Kinuha ko ang aking bag na nasa tabi ni Erika at nauna na akong maglakad.

 

Oo, alam kong mali ang ginagawa ko. As a nursing student, where we talk about health, counsel patients and conduct heath teachings with do's and dont's and nursing care plans plus we have our psychiatric nursing subject, I've been a hypocrite.

 

But I can't seem to stop. Hindi ako mapakali kapag hindi ako nakakainom ng laxatives if marami na akong nakain. I binge, yes, but not all the time. I do several times a month.

 

At walang nakakaalam nun, not even my friends. Ang alam lang nila ay gumagamit ako, yun lang. Hindi nila alam kung bakit, I didn't let them know. At ngayon, ang alam nila ay huminto na ako, which I didn't. Sinabi ko lang yun para hindi na nila ako kulitin pa.

 

Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad sa'kin ang nakakunot noong si mama. Highblood na naman to. Palagi naman.

 

Bago pa ako makapsok sa kwarto ay tinawag niya ako na ganoon pa rin ang pinipinta ng kanyang mukha. Nakahalukiphip siya at hindi maipagkakailang manunumbat. Ano na naman ba ang ginawa ko?

 

"Hindi ka ba marunong maglinis ng kwarto mo? Nakailang sermon na ako sa'yo na linisin mo dahil ang kalat pero lagpas kabilang tenga lang yung mga sinasabi ko sa'yo." kapag ganito na ang tono ng pananalita niya, which is stern, ay may sasabihin na naman siyang ikakabahala ng loob ko.

 

"Naglilinis naman ako. Timing lang talaga na hindi kayo pumapasok kapag malinis, dyan na kayo pupunta kapag hindi ko pa nalinisan."

 

"Nagdadahilan ka pa!"

 

"eh sa naglilinis naman talaga ako . Last week. Pero this week hindi pa, busy eh."

Umiling lang siya.

 

"nursing student ka pa naman, dapat palagi kang naglilinis ng kwarto mo. Ba't di ka tumulad sa anak ng kapitbahay nating si Kimberly, palaging nagwawalis sa labas ng bahay nila."

 

There goes the comparison again. Ampunin nalang kaya nila si Kimberly. Parang ayaw nilang ako ang anak nila.

I just sighed. Pagod na talaga ako sa pakikipagargumento sa kanya. Bakit mali ko lang ang pinapansin nila. Kahit kailan wala pa akong narinig na mga compliments galing sa kanila. Palaging 'ang bait ni ano...', 'ang talino niya...', 'tumulad ka sa kanya...', buti pa siya...'. Eh ako?

 

"ma, highschool palang yun, ako college na. Syempre mas busy ang college di ba? Araw araw ang quiz, may time pa ba akong mag walis?"

 

"Kahit na! Mas bata nga siya sa'yo pero marunong na ng gawaing bahay. Eh ikaw parang wala ka namang alam! Puro reklamo ka lang! Di ka katulad ng ate mo, walang ka rekla reklamo yon, masipag at may ambisyon. Ikaw, may ambisyon ka ba?"

 

Pakiramdam ko'y sinusuntok ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Papalabas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ganito nalang palagi.

 

Hindi ako makasagot pabalik na may galit. Oo galit ako, pero hindi kay mama kundi sa sarili ko. Bakit ba kasi ako ganito? Hindi nila ako gusto dahil hindi ako tulad nila. Hindi ako si ate, anak ng kapitbahay o kung sino mang kinukumpara nila sa'kin.

 

At parang may gusto akong gawin sa galit sa sarili ko.

 

"lahat naman tayo meron." mahina kong sabi. Pinipigilan kong sumigaw. Napupuno na ang dibdib ko na gusto ko nang sumabog.

 

"parang di ko naman nakikita yun sa'yo."

 

"Palagi naman kasi kayong wala sa bahay." bulong ko.

 

"ano?!" inis niyang tanong.

 

"wala po."

 

Nagbuntong hininga lang siya saka ako tinalikuran. Bago pa siya pumasok sa kanilang kwarto, nilingon niya ako.

 

"hala sige, kumain ka na at ikaw na maghugas ng mga plato para may silbi ka naman."

 

"hindi ako kakain." nanatili ako sa kinatatayuan. Tumulo na ang luha ko kaya yumuko ako.

 

"ganon? Bakit? Para hindi ka makapaghugas?"

 

"ako na maghuhugas."

 

"wag na!" pabalibag lang niyang sinara ang pinto. Pinipigilan kong humikbi sa pamamagitang ng pagkagat ng labi ko. Pumasok na ako sa kwarto at binuhos lahat ng galit.

 

Palagi nalang ganun...pinapamukha nila sakin na wala akong ambisyon. I'm always a failure. Di katulad ng ate kong nasa abroad at naibigay ang mga pangangailangan at gusto nila. Ako, walang silbi. Ni walang nakakaapreciate sa mga ginagawa ko. Kailan pa ba ako napuri ng mga tao? Palagi nalang mali ang mga ginagawa ko. May ginagawa o wala, sermon ang natatanggap ko. Kailan pa naging tama sa kanila ang mga ginagawa ko?

 

 

Nanginginig na ang aking mga kamay sa gigil na parusahan ang aking sarili. Winakli ko ang mga gamit sa study table para mahanap ang hinahanap ko. Natagpuan ko ang aking pencil case saka kinuha ito at binuksan. Agad kong kinuha ang bagong bili na stainless blade saka idiniin ito sa pulsuhan ko.

 

Tatlong linya...

 

 

 

Dugong walang tigil sa pagdaloy

 

 

 

Pigil at tahimik na hikbi...

Tinawag ako ni papa. Kumabog ang dibdib ko dahil ano mang oras ay papasukin nila ang aking kwarto. Hindi ko manlang nai-lock yung pinto. Tatayo na sana ako ngunit huli na ang lahat.

 

Nanlaki ang mga mata ni papa. Tinawag niya si mama at pinagmadaling pinapunta sa aking kwarto. Ramdam ko ang pagkataranta sa mga hakbang niya at ang di makapaniwalang mga pagsinghap ng ama ko.

"Anong ginawa mo ha?!" Nanggigigil na tanong ni mama. Eto na nga't sinasaktan ang sarili ko dadagdagan pa nila.

 

Alam kong hindi sila sang ayon pero sana naman hindi ganito. Sana wala nalang akong malay para hindi marinig ang mga tono ng boses niya.

 

Niyuyugyog ako ni mama na paiyak na. Si papa naman mabigat na humihinga at pabalik balik sa paglalakad habang nakahawak sa sentido ang isang kamay nito at ang isa'y sa baywang.

"Di mo ba alam ha? Kasalanan yang ginagawa mo? Miyembro kami ng isang samahan sa simbahan ng papa mo pero eto ka't gumagawa ng isang bagay na labag sa utos ng Diyos! Bakit? Bakit mo ginagawa yan?! Kung may problema ka sabihin mo samin! hindi yung kinikimkim mo lang! Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan namin sa simbahan? Ng ate mo? Na may anak kaming ganito! Na hindi namin naipalaki ng maayos ganun?" niyuyugyog niya ako habang binibigyan ng mga bahagyang sampal.

"So imahe nyo lang ang pinapahalagahan nyo! Ayoko na, wala naman akong halaga!"

"So ganito gusto mo? Ang mamatay?! ha!" sinampal nmiya ulit ako at binatukan kaya lalo akong napahagulhol. Nagtataka tuloy ako kung ganito ba ang mga psychiatrists o psychologists ka therapheutic para makipagusap sa mga suicidal patients nila.

"Sige! Lakasan mo pa! Lakasan mo pa ang sampal mo!Sige!" iyak at sigaw ko. Tinigil niya ang ginagawa. Hinilamos na lamang ni papa ang mukha sa kamay niya saka nagbuntong hininga.

"Saan ba kami nagkulang sayo Maeve? Binigay naman namin sayo lahat?"

 

"Wala! wala! Ako na mali, palagi nalang! Wala akong silbi!" tinakpan ko ang aking tenga. Ayokong marining ang panibagong mga sumbat na nagpapahiwatig na ako ang may mali. Inaamin ko naman pero bakit hindi nila makuha ang dahilan ko?

 

"Hindi. Sabihin mo samin, wag mong kimkimin!" diin ni mama. Nakakunot noo niya akong tinitigan.

"Hindi niyo maiintindihan!"

 

"Hindi namin maiintindihan dahil hindi mo ipinaiintindi samin. Kaya nga sabihin mo kung ano man yang hinanakit mo para matulungan ka namin."

 

Napailing nalang ako. Alam kong wala silang magagawa. Kung may gugustuhin man ako ay hindi nila sasang-ayunan ang mga ito.

 

Tinignan lang ni mama ang mga nakasulat sa dingding sa kwarto . Mga doodles na puno ng hinanakit. Emo na kung emo pero ganoon talaga. Hindi nila ako masisisi dahil may pagka emotional at sensitive ako.

 

Nakita kong binabasa niya ang mga nakasulat. Napailing siya at tumingin kay papa na parang may iniisip. Napabuntong hininga nalang si papa. Tumingin ulit sila sakin na humihikbi parin saka ako nilapitan ni mama.

 

"Linisin mo sarili mo. May bahid pa ng dugo yang damit mo, mahirap tanggalin yan." malamig niyang sabi. Dahan dahan akong naglakad papuntang banyo. Hindi agad ako naligo, imbes ay umupo lang ako at niyayakap ang sarili saka humikbi ulit.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWO

Matamlay akong pumasok ngayong umaga sa school na mugto pa ang mga mata at may malaking band-aid sa'king pulsuhan. Tinakpan ko lang yun sa'king relo.

Wala kaming imikan ni mama kanina. Si papa naman, tinanong lang ako kung anong oras ang dismissal. Ewan ko kung bakit siya nagtanong. Ngayon pa kasi siya nagtanong ng ganun. Siguro para may mapagusapan lang.

Habang nakikinig sa lecture, I mentally grimaced. Ang topic naman kasi ay about eating disorders and self esteem. Patay malisya lang akong nakikinig at naglalagay ng neon orange na highlight sa mga importanteng sentences sa libro.

Sa gilid ko ay seryosong nagdo-drawing si Sean ng mga gowns. Pangarap niyang maging fashion designer. Si Leroy ay matiyagang nakikinig. Sa kabila ng antok niya,pumipikit pikit na siya at nahuhulog na ang mga mata. Sinusubukan pa rin niyang idilat ang mga ito. Napansin ko naman si Erika na humihikab at si Ruth na patagong nagtetext.

Hindi na pansin ng mga kaibigan ko ang aking pananamlay at pananahimik. Sanay na sila. Palagi kasi akong ganito. Parang walang gana sa mga bagay bagay. Ang nakakapagpangiti lang naman sa'kin ay kapag nakakapasa ako sa mga quizzes which is 75% ang passing rate, at ang mga kalokohan nina Sean at Leroy. Effortless makapagpatawa ang mga baklang yun. Napaihi nga si Erika sa kakatawa na mas lalong ikinatawa namin.

Pagkadismissal ay nag-aya silang mag mall pero tumanggi ako. Wala din naman akong gagawin sa doon dahil wala akong dalang pera. Saka maa-out of place lang ako sa kanila. Tahimik kasi ako and I really hate it. Kaya sa tingin ko they find me really boring that's why hindi ako nakikipag socialize sa iba. They will just criticize me for being not the person that they're going to like.

I mean, who wants to be with a boring person? Wala naman kasi akong masabi at kung meron mang pwedeng sabihin, if I speak what's on my mind, I'm afraid they're going to reject it at mananahimik nalang sila kung saan mga kuliglig lang ang maririnig.

Halimbawa nalang kung magkukomento ako sa isang bagay and I haven't received any reply but just bunch of poker faces as if I didn't say anything, well I've been in that situation before and I don't want to feel that kind of unresponsive treatment again. Kung sa FB pa, na seen zone.

Why can't I just be extroverted and 

funny

?

 

Nasa labas na ako ng university at tutungo na sana sa sakayan ng jeep pauwi nang may humarang sa'kin.

"pa?" nagtataka kong tanong.

"hali ka na." naglakad na siya papunta sa sasakyan. Nagtataka ko siyang sinundan.

"huh?biglaan yata ang pagsundo mo sa'kin?"

"May pupuntahan tayo."

"saan?"

"basta."

Tahimik ang naging biyahe. Hindi ko alam kung parehas ba sila ni mama ng nararamdaman ngayon patungkol sa'kin. Though kinakausap naman niya ako unlike ni mama na may cold treatment sa'kin. Wala nga siya dito kasama ni papa eh.

Pumasok kami sa entrance ng Perpetual Succour Hospital. First time ko makapunta dito at naguguluhan ako kung bakit kami nandito.

May nakita akong graduate ng school ko na naka staff uniform, obviously dito siya nagtatrabaho. Hindi ko talaga ma imagine ang sarili kong maging nurse, bakit pa kasi ito ang kinuha kong kurso?

Nakarating kami sa isang hallway na maraming nakakaintimidate na mga doctor. Sa kakapuna ng mga ginagawa nila ay hindi ko tuloy nakita ang signage kung anong department na to ang pinasukan namin hanggang sa huminto si papa sa isang pinto at pinauna akong pinapasok.

"Pa, ano to?" naguguluhan kong tanong.

Bumungad sa'kin ang malamig na kwarto na may magkatapat na sofa at pinagitnaan ng isang babasaging mesa. May isa pang pinto sa gilid . Kumatok doon si papa saka pinihit ang doorknob.

May nakita akong nakaputing blouse na babae na kaedad lang yata ni mama. Nakaupo ito sa isang mahogany-made table at mabait na nakangiti.

May bigla namang inabot sa'kin si papa na form. Umupo ako sa isang bakanteng sofa at sinagutan ang form sa table malapit lang din sa sofa na inupuan ko.

Tumayo na ako pagkatapos kong mag fill up. Tinuro ni papa yung pintong binuksan niya kanina. Nagdalawang isip pa akong humakbang.

"dito lang ako sa waiting room." Sabi ni papa saka ako iginiya sa loob ng isang di ko kilalang tao. Sa pagka-preoccupied ng utak ko, hindi ko na siya natapunan ng tingin.

Bakit ba ako nandito? Anong gagawin ko?

Tumingin ulit ako sa babae. She greeted me with a warm and motherly smile. Matipid naman sumukli ng ngiti. She gestured me to sit down on one of the chairs in front of her table. Inabot ko sa kanya ang form.

"good afternoon." Kalmadong bati niya sa'kin.

"good afternoon po."

"You are... Scarlet Maeve Ruiz." Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos i-confirm ang pangalan ko sa pagbasa sa form.

"yes po."

"so what is your concern in seeking therapy?"

Seeking therapy? Hindi naman ako naghanap. Biglaan lang naman ang pagsama ko rito.

Nilibot ko ang paningin sa paligid hanggang dumako yun sa table niya na may plaka kung saan nakalagay ang kanyang pangalan. May salita sa gilid doon na nakapagparealize sa'kin kung bakit ako nandito.

Martha MCostello, M.D, Psychiatry

Yeah right. So natupad ni mama ang gusto niyang ipatingin ako sa isang psychiatrist or therapist. Matagal na niya itong gustong gawin. Third year highschool ako noon nung pinagbantaan niya akong ipakonsulta sa isang psychiatrist.

Tinignan ko si Dr. Costello na kalmado pa rin ang nakatingin sakin at ngumingiti.

"Scarlet?"

"uhmmm..."

Ano bang sasabihin ko? it was my mother who wanted this. Pero andito na, wala na akong magagawa but just to go with the flow.

Hindi ako sumagot. Alanganin kong tinuro ang pulsuhan kong may band-aid.

"may I know kung anong meron sa band-aid?"

Tinanggal ko ang aking relo saka isinunod ang band-aid. Sariwa pa rin ang tatlong hiwa sa pulsuhan ko. Tinignan ko siya, hindi man lang ngumiwi. Maybe she's used to encounterclients with the same diagnosis as me. But I saw her taking down notes.

Tumango lang siya at doon ko ulit binalik ang band-aid sa pagkakatakip sa pulsuhan.

Marami pa siyang tinanong sa'kin. Maikli ko lang sinagot ang mga yon. Hindi ko kasi maipaliwanag ng maayos. Saka pakiramdam ko kapag sasabihin ko ang mga pinagdaanan ko ay mabababawan lang siya sa dahilan kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na hindi dapat gawin.

May ilang mga tanong rin siya kung saan sinusulat ko ang mga sagot ko. I can't seem to verbalize it. May times naman talaga kung saan we just rather express our emotions in writing than speaking. And this is one of those times for me.

Nag conduct din siya ng psychological tests sa akin.

Sa mga nasasabi niya to ease my emotional feelings, alam kong ganoong interventions ang dapat gawin but I'm too stubborn to follow. In other words, I'm resistant to this therapy. I mean, I like her as a therapist. She's calm and warm, ganoon naman talaga siguro ang mga therapists di ba?

Pero I wasn't prepared for this. Sa babaw ng mga issues ko siguro naman I can solve this on my own and doesn't need a help from a person with a doctorate degree in Psychiatry.

She ended the session by asking if we are a good match. Sure we are, but I'm not sure if I want to go back. Maybe if I get worse, that would probably be the time na babalik ako dito. But for now, I'm still having this feeling of wanting to hurt myself. So I just told her politely na I would just call her or make my mother call if I want a second session.

Nasa waiting room ako at naghihintay kay papa na kausap ang doctor sa loob. Inaasahan ko na matatagalan siya. Sa kadaldalan niya I'm sure marami na naman siyang kinukwento. Minsan nasisita pa siya ni mama sa kanyang kadaldalan.

Sinaksak ko ang earphones sa'king tenga at naghahanap ng magandang kanta sa ipod nang masilaw ako sa flash ng 

camera

. Inangat ko ang aking ulo at nakita ang taong nakadekwatrong umupo sa kaharap kong sofa. Natabunan ang mukha niya ng kanyang white Nikon camera. Nung ibinaba na niya ang cam ay sumilaw ang isang ngiti ng lalakeng hindi kaputian at hindi rin maitim pero nababagay ang fair complexion nito sa gwapo niyang mukha.

 

I mentally gape by the sight.

Naging ice cream ako sa aking kinauupuan. Siya ang araw at ako ang tinutunaw. But damn it Scarlet! Wag kang pauuto sa kagwapuhan niya. Mga paasa ang beauty ng lalakeng ganyan.

"hi!" nakangiting bati niya.

Hindi pa rin nawawala ang poker face kong mukha. Tinignan ko lang siya saglit saka ibinalik ang paghahanap ng magandang kanta na naaayon sa mood ko ngayon.

Shit lang, naninindig ang balahibo ko sa ngiti niya.

"hey cutie! Smile." tawag ulit niya.

Simangot ko siyang binalingan. Pero ang loko, nanatiling nakangiti. Kinuhanan niya ulit ako ng litrato.

Napatakip ako sa aking mukha. Sa lahat ng ayaw ko ay ang kinukuhanan ako ng litrato lalo na kapag stolen shots dahil pangit ako sa mga kuhang ganoon.

"ano ba!" inis kong sabi. Tumawa lang siya ng mahina.

"burahin mo nga yan kung sino ka man."

"No...I love taking masterpieces." Matamis siyang ngumiti na tinugunan ko ng pagkukunot noo.

"I'm not even half of a masterpiece.." bulong ko. Hindi ko akalaing maririnig niya.

"Oh, I see....self esteem issues eh?" he shot me a knowing smile.

Hindi ko nalang siya pinansin. Di ko pa rin mahanap ang kantang gusto kong pakinggan ngayon.

"you know what? na love at first sight ako." bigla niyang sabi.

"tss...it doesn't even exist."

"hmm...may trust isuues ka rin pala."

"...."

"hindi ka naniniwala na nageexist ang mga ganoong bagay kasi...hindi ka pa nakakaranas ng ganon, tama ba?" napatingin ako sa kanya.

"ano naman ngayon? It's my belief not to believe anymore in love , especially at first sight. Para lang yan sa mga taong in love sa pagiging in love."

Aliw siyang tumawa na sinabayan pa ng paghampas sa kanyang binti. Tuluyan na siyang hindi nakahawak sa camera na nakasabit lang ang strap sa leeg nito.

"So I'm right! Paano ka maniniwala kung hindi mo hahayaan ang isang taong patunayan yun? For example, ako interested sa'yo, paano ko mapapatunayan kung hindi mo ako hahayaang iparamdam sa'yo na I could be the one who can accept you for who you are? Sarado kasi ang puso't isip moYou shut people outYou are always afraidGive people a chanceHow can you know if you won't risk it?" parang unusual para saking tignan ang maangas niyang mukha na palaging nakangiti. Mostly kasi kapag may bad boy look ay cold at arrogant, pero siya ay mukhang masayahin.

"Shut upYou don't know anything." I snapped.

"Yeah...I don't know anything, but I know something."

"Stop talking to meI don't even know you." pagsusungit ko.

I should distance myself from this man. He looks like a playboy. He looks like someone who jumps from one girl's bed to another. He sounds like flirting and he seems like making me one of his victims.

"Can I trust you, then?" ngumiti na naman siya. The heck with that smile!

"Why are you even talking to me? Maghanap ka nga ng ibang kausapMarami doon sa labas o." inirapan ko siya.

"Ikaw lang naman kasi ang nanditoSo I think you need someone to talk to, you know...catch up with each other's livesWe could be...two less lonely people in the world." taas baba niya ng kanyang kilay. Inirapan ko ulit siya.

"Whatever, old soul."

Tumawa siya ng marahan saka nagsalita."Gusto ko kasi maging katulad ni mamaCounsel people and instill in their minds the hope in living." nangangarap niyang wika na ikinagulat ko.

"Mama mo si Dr.Costello?"

Mas lalong lumiwanag ang mukha niya."Yep!" pinicturan na naman niya ako.

Yumuko na ako bago paman niya mapindot ang shot button.

"Di mo ba ako napansin? Ako yung nagpapasok sa'yo kanina and I handed a form to your father."

Napatingin ulit ako sa kanya and there he took a shot again. Ughhh!

Well speaking of a while ago, kaya pala panlalake ang naamoy kong pabango nung iginiya niya ako papasok.

"at sorry ulit."

I furrowed my brows. "Why?"

Nahihiya niyang kinamot ang kanyang batok."Ako kasi yung nakabangga sa'yo kahapon." nahihiya niyang sabi.

Natahimik ako. But my seriousness didn't change.

Mainit ang ulo ko kahapon so I didn't accept his apology. Since hindi ako super badtrip ngayon, at para makabawi sa pagsusungit ko sa kanya kahapon, maybe it's not bad to be a little bit friendly to him. A little bit lang naman.

"ilang beses ka na bang nag sorry?"

He thought outloud."Hmm...tatlo yataEh galit ka pa rin kasi sa'kin." kinagat niya ang kanyang ibababang labi sa hiya. Damn it!

"Mainit lang ulo koDon't worry, you're forgiven." sabi ko na may halong pagsusuplada. I can't be softspoken. And I am not a softspoken type of person.

"yes!" he exclaimed through a whisper. Binulong pa niya, naririnig ko pa rin naman.

Weird.

Nag scroll ulit ako sa ipod hanggang sa nahanap ko na ang kantang gusto ko.

"Give me therapy...I'm a walking travesty..but I'm smiling at everything.." napaangat ulit ako ng ulo at nagtataka siyang tinignan. Bakit niya alam na itong kanta ang pinatugtog ko? he even sang it!

"That's Therapy playing, right? By All time low." Turo niya sa'kin with a i-know-right smile.

"you know them?"

"been to their concert." proud niyang sabi.

Napanganga ako at napangiti. Mabilis niyang kinuha ang cam niya at hindi nagsayang ng oras na pinicturan ako na ganoon ang reaksyon. Pero wala na sa'kin yun.

Finally may karamay na rin ako sa pagkahilig sa mga banda. Isa ito sa mga bagay na hindi makarelate ang mga kaibigan ko o ako sa kanila. Songs from bands and when I say bands, I mean rock bands, not boy bands.

Nagsimula na siyang magkuwento sa kanyang concert experience pero ni walang pumasok sa aking isipan sa mga sinasabi niya dahil napapalitan ito ng mga malalakas na kabog sa aking dibdib.

Ang kanyang boses na sa tingin ko'y hindi ko makakalimutan na pati sa panaginip ko'y mamumugad. Ang gwapo niyang mukha na walang katulad. Ang mga ngiti...tawa...mga kaliit-liitang detalye ng mga kinikilos niya...hindi ko maitatanggi na madaling mahulog ang kung sino mang babaeng mapapalapit dito.

But I'm still building my walls . Hindi pwede. I don't deserve any of his friendly treatments. He's just going to break hearts. Including mine.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY THREE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY FOUR

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY FIVE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY SEVEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY EIGHT

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

TWENTY NINE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

THIRTY THREE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

THIRTY FOUR

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

THIRTY FIVE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

THIRTY SEVEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

THIRTY EIGHT

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like BLACKPEARLED's other books...