Maggie and the Amiable Band

 

Tablo reader up chevron

Introduction

Isa lang akong ordinaryong mag-aaral na mahilig sa musika gaya ng love songs, acoustics, theater songs, at classics. Minsan nagsusulat din ako ng kanta kapag nasa mood.

Lahat ng yan ay nagpapatanggal ng stress at nagpapagood vibes sa akin.

Hindi naman ako loner na tao, may bestfriend naman ako na sobrang ingay at isang fangirl ng isang boy band na Amiable Band.

Ewan ko ba kung anong nakikita ng mga babae, except me, at mga binabae diyan sa bandang yan na sobrang kinikilig at napapatili pa sila kapag nagpepreform o kaya'y makita lang nilang naglalakad kahit isa lang sa membro ng Amiable Band. Sabi nga ng iba, fangirl syndrome.

"KYAAAAH! NANDITO NA SILA. NANDITO NA ANG AMIABLE BAND."

Tss. Paki ko!

*****

DKC

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

"Best, samahan mo na ako sa concert. End of summer na oh, di pa rin tayo nakakapagbonding." As if namang makakapagbonding kami sa concert ng Amiable Band na yan eh, sigurado akong panay ang tili ng babaeng to. Fan girl eh.

"Promise last na to di na kita kukulitin. Pretty please." May magagawa pa ba ako eh, nakapout na tong isang to at nakahawak pa sa laylayan ng tshirt ko. Tss. parang bata lang.

"Oo na. Sasamahan na kita. Kailan ba yan? Nang may oras pa akong bumili ng ticket." Pasalamat ka talagang bruhilda ka, kung di lang talaga kita bestfriend, nunka sasama ako sa concert na yan.

I am a music lover and I'm avid fan of love songs, theater song, and classic. Hindi ako mahilig sa mga banda-banda na yan, particularly boy bands, nagpapapansin o should I say nagpapacute lang sila sa mga fans, specially girls para kumita yung mga kanta nila.

"THE BEST KA TALAGA BEST KAYA LOVE NA LOVE KITA. Magyaya kaya ako kung wala pa akong nabili na ticket atsaka dinalawa ko na alam ko namang di mo mahihindian ang maganda mong bestfriend." Coincided attacks. Tss.

"Oh siya, siya. Kailan ba yan?" Walang gana kong sabi ng di ko siya tinitignan.

"Mamayang gabi na best. Oh siya, mauna na ako sayo best, magshoshopping pa ako ng damit na isusuot ko mamaya sa concert." Tss. Kailangan pa talagang bumili ng bagong damit para sa concert na yan?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ano na naman kaya ang trip ng babaeng to?

"Sumama ka na lang kaya sa akin sa mall ng makabili ka na rin ng bagong damit." So, anong tingin niya, na luma at out of fashion yung mga damit ko?

Well, that's true. Anong magagawa ko, eh, kumportable ako sa mga tshirt, jeans at converse shoes.

"Thanks but no thanks, marami pa naman akong damit diyan." Tss. Para saan pa ang bagong damit eh, napakarami ko namang damit diyan na maiisuot mamaya.

"Sabi ko na nga ba. Sige bayers! Susunduin nalang kita mamaya." At lumabas na siya ng kwarto ko.

Hayyy! Salamat tahimik na naman ulit ang kwarto ko. Magkakaroon ka talaga ng peace of mind.

.

*Beef* *Beef* *Beef*

Ano ba yan puro nalang beef-beef. Di ba pwedeng chicken or pork naman. Hahaha. ANG CORNEY KO.

"BEST! TARA NA BAKA MAUNAHAN PA TAYO MAMAYA SA HARAP NG STAGE." NapakaOA talaga nito, maunahan eh, VIP yung ticket na binili niya, siyempre nakareserve na yun.

"Alam mo, ang OA mo. Hindi ka naman mauunahan sa upuan mo. VIP nga di ba yung binili mong ticket." Sabi ko sa kanya ng makapasok na ako sa kotse nila. Magkatabi kami ngayon dito sa pasenger seat, may driver ang lola niyo kaya wag kayong magtaka kung sinong magdadrive.

"Hehehe. Naninigurado lang best. KYAAAH! I'm so excited to see them on stage, yung close na close." Nandito pa nga kami sa kotse, kinikilig na ang lola niyo how much more kung nandun na kami sa concert hall?

"Kung ikaw nalang kaya ang nasa stage at magconcert." Gusto mo ng close na close, eh.

"Best naman eh, binabara mo na naman ako. Pwede kahit ngayon lang makisama ka naman sa akin, wag mo muna akong barahin." Ay! Nagdrama na naman. As you can see or read, palagi kong binabara tong bestfriend ko, eh, kasi naman ang OA ng mga reactions niya.

Alam ko namang nafefeel bad siya sa tuwing binabara ko siya. Nagui-guilty din naman ako, kaya minsan binabawi ko. MINSAN.

Tumahimik nalang ako at napatingin sa labas ng bintana. Siya naman nagse-selfie paminsan-minsan sinasali ako.

"Ay! Ang ganda natin dito best. Maipost nga. #offtoconcert #AmiableBand #withprettybest." Napailing nalang ako, hindi naman siya gaanong obsess sa hashtag noh?

.

"OH MY! Ang daming peoplets.__Kuya Banjo, dito nalang po kami. Tetext ko nalang po kayo kapag uuwi na kami."

Bumaba na kami ni Courtney at sumabak sa mga nagkukumpulang mga babae para makapasok sa concert hall.

Tss. Ito ang ayaw ko sa mga concert-concert eh, pahirapan sa pagpasok.

"Excuse me, makikiraan." Sabi ni Courtney, may nakaharang kasi na babae na parang galit sa make-up sa dadaanan sa mga VIP, which is kami yun.

"Anong makikiraan? Style mo miss bulok. Makikiraan daw tapos bigla nalang sisingit. Hoy! Matiyaga at maaga kaming pumila dito para makita ang Amiable Band kaya doon ka sa likod pumila." At tinulak niya si Courtney. Buti nalang nasa likod niya ako kaya nasalo ko siya.

Walang yang tong babaeng to. Makikita niya.

"HOY! BABAENG GALIT SA MAKE-UP. SINO KA PARA ITULAK ANG BESTFRIEND KO?" All eyes on me, medyo nakakuha na ako ng atensyon ah. Di bali nalang para din naman to sa bestfriend kong naagribyado.

"KUNG MAKASIGAW KA AKALA MO KUNG SINO. BAKIT SINO KA BA? ANONG KARAPATAN MONG SIGAWAN AKO?" Ato to? Palitan ng tanong.

"Best, wag mo ng patulan. Tara na." At hinila na ako ni Courtney palayo.

"Salamat best. Pinagtanggol mo ako sa babaeng yun." At niyakap niya ako, niyakap ko na rin siya, ayaw kong maging rude sa bestfriend ko.

Nasabi ko ba sa inyo na emo tong bestfriend ko?

O, nasabi ko na, kaya yan mahilig magdrama.

"Wala yun. Nandito tayo para mag-enjoy hindi magdrama kaya tara na sa loob baka nag-umpisa na." Hinawakan ko ang kamay niya at nagpatiuna akong maglakad baka kasi may sa Ms. Minchin na namang manakit dito kay Courtney.

*****

DKC

 
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Chase's POV

"Bro, natulaley ka diyan? Dihens, ka naman makapaniwaley sa mga peoplets na nakafall in love--este fall in line diyan sa labas?" Kunting-kunti nalang maniniwala na akong bakla tong si Tyler, katulad ng kakambal niyang si Tyker.

"Bro, sumama ka na rin ba sa kulto ni Thalia--este ni Tyker?" Sabi ni Neil kay Tyler.

"Wang ya! Hindi ako kasali sa federasyon. Iniinis ko lang si Chase." Talagang naiinis ako sa mga taong binabaliktad, pinupunan at binabawasan ang mga salita. Katulad ng Eow po!, Jejeje, Aketch, Itey at marami pang iba.

Eh, kung mga bituka kaya nila ang pagbabaliktarin, pupunan o babawasan ko. Tss. Hindi na ginalang ang mga salita nating mga pilipino.

"Napakadepensive mo naman bro. Hahaha." Gatong naman ni Vien.

"Guys, be ready the concert will start in 10 minutes." Sabi ni Ate Jessie, pinsan ko at manager namin.

"Tingnan niyo yung babaeng nakaupo sa harap. Di pa nga tayo lumalabas nagtitili na. Hahaha." Sabi ni Quin habang nakasalip sa labas ng stage.

Nakisilip na din ako. Tama nga si Quin nagtitili na yung babae na may hawak ng banner. Tatalikod na sana ako ng maagaw ang atensyon ko sa katabi niya na parang nababagot.

Tss. Selos lang siguro to isang to, tili kasi ng tili yung girlfriend niya. Hahaha.

"Bro, mic mo, lalabas na tayo." Hinagis ni Vien ang microphone sa akin... at siyempre nasalo ko naman. Pumwesto na kaming lahat. Tyler on the drums, Quin is the lead guitarist, Neil is the rhythm guitarist, Vien is the bass guitaris, and me the vocalist.

"Guys, be ready in 3...2..1!"

Biglang tumaas tong kinatatayuan namin at tumambad sa amin ang libo-libong tao.

"I LOVE YOU, CHASE!"

"QUIN, BE MINE!"

"NEIL, YOUR SO HANDSOME!"

"VIEN, MARRY ME!"

"TYLER! TYLER! TYLER!"

"GOOD EVENING, WOOPSDOME! THIS SONG IS ALL FOR YOU GUYS!"

"KYAAAAAAAAH!"

Nagsimula ng magstrum ng guitara si Quin.

~She's been my queen since we were sixteen

We want the same things,We dream the same dreams, alright, alright

I got it all cause she is the one

Her mom calls me love, her dad calls me son, alright, alright~

Napatingin ako sa isang--wait babae pala yun, akala ko lalaki. Yung katabi nong babae kanina pa tumitili kahit hindi pa kami lumalabas ng stage.

~I know, I know, I know for sure~

Ang laki siguro ng problema ng babaeng to. Siya lang ang hindi nagtatalon at nagtitili, eh, halos lahat ng tao pati yung katabi niya ay nagtitili at kinikilig sa amin. Siya parang wala lang, nakaupo at bagot na bagot.

Tss. Nag-VIP pa siya kung di din naman niya ini-enjoy.

~Everybody wanna steal my girl

Everybody wanna take her heart away

Couple billion in the whole wide world

Find another one cause she belongs to me.~

Nakisabay din sa pagkanta yung mga audience na mas lalong nagpaingay sa buong woopsdome.

Boung kanta sa kanya lang ako nakatingin. Nakakainsulto kasi, hindi man lang siya nagpakita na kahit kunting enjoyment sa aming nagpeperform dito.

~Everybody wanna steal my girl

Everybody wanna take her heart away

Couple billion in the whole wide world

Find another one cause she belongs to me~

Nang matapos ang kanta nagsisigawan pa yung mga tao na MORE! MORE! MORE! Nakakataba talaga ng puso kung may nagkakagusto sa performance mo.

.

*Sa dressing room*

"CONGRATS BOYS! YOU DID IT!" Biglang pumasok si Ate Jessie kasama ang boyfriend niyang si James.

Para lang yung mga kontrabida sa pokemon na palaging palpak. Hahaha.

"Oo nga ate Jessie, ang daming tao." Neil

"Oo nga may sumigaw pa ni QUIN, BE MINE!Quin

"Idealman pa nga raw ako." Vien

"Buti pa kayo, eh, ako nga Tyler lang, wala namang kadugtong kahit gwapo man lang." Pagmamaktol ni Tyler sa tabi ko.

"Oh, Chase, bakit nakabusangot ka diyan? Di ka ba natutuwa success yung una niyong concert." Puna sa akin ni James.

"Nakakainsulto kasi, may isang audience kanina na bagot na bagot, parang hindi nagustuhan yung performance namin at take note nakaupo pa siya sa VIP section." Aist! Naiinis talaga ako.

"Yung nakapoker face? Oo nga pansin ko din yun. Sayang lang yung VIP ticket niya kung di naman niya ini-enjoy. Sana binigay nalang niya yung ticket sa iba na gusto tayong makita ng malapitan." Neil

Yun nga din ang sinasabi ko.

"Saan dun yung katabi nong kanina pa nagtitili kahit di pa tayo lumabas?" Tumango naman ako kay Quin.

"Ay! Ang daya hindi ko nakita." Tinapunan ni Neil ng face towel sa mukha si Tyler.

.

Maggie's POV

"~Find another one cause she belongs to me~ Grabe! Best, na LSS talaga ako kay Chase.__Nga pala best, nag-enjoy ka ba?" Nandito na kami sa kotse nila at binabaybay na namin ang daan pauwi.

Tss. As If namang mag-eenjoy ako sa ganoon kaingay at isa pa hindi ako fan ng Amiable Band.

"Oo naman best, lalong-lalo na yung vocalist nila na si Quin." Ayaw ko namang sabihin yung totoo baka malungkot na naman tong isang to.

"Anong Quin? Chase ang name nong vocalist. Si Quin yung nasa pinakakaliwa, katabi si Vien, sa kanan naman si Neil at yung drummer si Tyler." Pasensiya naman, hindi ako sa interesado sa kanila para kilalanin. Narinig ko lang naman yung katabi ko kanina pa sumisigaw ng I love you, Quin, malay ko ba di yun vocalist.

"Hehehe.__Oh! Best, dito nalang ako, lalakarin ko nalang yung kanto ma-off the way na kayo.__Salamat." Agad akong bumaba ng kotse baka pigilan na naman ako ng babaeng to at ihatid pa ako sa harap ng bahay namin.

"May magagawa pa ba ako? eh, nakababa ka na. Sige best, salamat sa pagsama. Sa uulitin." Naku! Wag na oy! Masasayang lang yung ibabayad mo sa akin at isa pa nakakabagot tingnan yung mga lalaking yun.

"Hehehe. Sige. Good night." Hinintay ko muna silang makaalis bago naglakad pauwi.

Hayyy! What a long night.

*****

Steal my girl by: 1D

DKC

 
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like DeeKeeCee's other books...