Unexpected Ending

 

Tablo reader up chevron

Unexpected Ending

Unexpected Ending

by: EMbabebyyy

//Prologue

Does happily-ever after and happy ending really exist?

Yan ang laging tanong ng mga kaibigan ko na bitter sa happily-ever after at happy ending. Hindi kasi sila naniniwala jan. Sino nga bang maniniwala sa mga salitang yan, kung sa panahon ngayon ay uso ang lokohan?

Ako, isa ko sa mga naniniwala sa mga salitang yan. Idagdag mo pa ang pagbabasa ko ng mga wattpad romance stories na karamihan ay nagtatapos sa happy ending.

Bihira na ang naniniwala sa mga salitang happily-ever after at happy ending dahil bihira nalang din ang mga taong kayang magparamdam ng mga salitang yan. Pero hindi ko akalain na isa ko sa maswerteng tao na mabibiyayaan ng bihirang tao na yun.

Ako si Margie Gonzales, isang simpleng babae na nag-akalang makakaranas ng happy ending. Pero hindi ko akalain na ibang ending ang nakasulat sa love story ko.

Hindi happily-ever after at hindi rin happy ending, kung hindi isang.. unexpected ending.

xxxxxxxx

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter One

Margie's POV

"Excuse me po. Excuse me.. Aish!" hinahawi ko yung mga taong nakaharang sa dinadaanan ko

Pagdating ko sa Roxas Hall agad akong tumakbo kahit pa sabihing puro hagdan ang dadaanan ko. Thursday ngayon at late na ko para sa first subject ko. English 213 pa naman yun at strikta pa yung prof namin. Naman oh! Bakit ba kasi hindi tumunog yung alarm clock ko?!

Bigla namang nagdiwang ang puso't kaluluwa ko nung makita ko ang RH 402, ang classroom ng first subject ko. Dali-dali akong tumakbo pero dahil sa katangahan ko may nabunggo akong tao. Tinignan ko siya at parang natulala ako dahil sa kagwapuhang taglay ng lalaking nasa harapan ko.

"Alam kong gwapo ko pero hindi mo kailangang maglaway" saka niya pinunasan yung gilid ng labi ko na para bang may tumulong laway

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to! Hmp! Gwapo nga pero mayabang naman!

"Sorry ha? Sorry" sabi ko saka ko pinulot yung mga libro kong nalaglag at nagdiretso na sa RH 402

Pero bago pa ko makaalis narinig ko pa siyang nagsalita.

"Its alright. Sanay na ko sa mga clumsy."

~~

"Lagot! Absent ka ng one hour!" sabi sakin ni Daena

"Psh! Kung hindi dahil dun sa lalaking mayabang kanina, ade sana aabot pa ko kahit 5 minutes" maktol ko

"Pero di ba sabi mo gwapo? Nalaman mo ba pangalan niya?" tanong naman ni Keana na halatang interesado dun sa mayabang na lalaking yun

"Hindi, at wala akong balak alamin ang pangalan niya. Oo gwapo siya pero ang yabang niya!" saka ko hiniwa yung manok na ulam ko

"Oh easy. Kawawa naman yung manok oh" sabi naman ni Yumi

Nandito ko sa canteen at kumakain ng lunch kasama ang mga kaklase ko. Education major in pre-school ang course namin at 2nd year college na kami dito sa Stanel State University.

Sila Daena Montourre, Keana Montourre at Yumi Stanel ang mga kaibigan ko since high school. Iisang university at iisang course ang kinuha namin. Coincidence? Yes. Hindi namin akalain na iisa lang ang pangarap namin. Nalaman lang namin 'to nung nag-apply kami for entrance exam.

"Eh kasi naman noh! Psh! Sinabihan pa niya kong clumsy! Bwisit!"

"Eh natandaan mo ba yung itsura niya? Baka makita mo ulit siya, turo mo naman samin!" sabi ni Keana

Si Keana Montourre at Daena Montourre, kambal yung dalawa na yan pero opposite ang ugali. Si Keana, mahilig sa gwapo, sa mga hottie's at nangangarap magkaroon ng perfect relationship. While si Daena naman ay bitter sa perfect relationship. Well, wala naman talagang perfect pero sabi ko nga, nangangarap si Keana. Si Daena naman, naranasan na kasi niyang maiwanan at talagang nasaktan siya ng sobra kaya ayan, bitter tuloy. Same with Yumi Stanel, ang anak ng may-ari ng Stanel State University, bitter din yan sa perfect relationship, naiwanan din kasi.

But unlike Daena na talagang bitter sa boys, si Yumi ay isang certified playgirl. Minsan nga nagkaroon pa yan ng limang boyfriend, and take note! Magkakasunod na araw niyang sinagot yung mga lalaking yun. Well, di ko naman masisisi ang mga lalaki, maganda kasi si Yumi.

"Tss. Sana nga hindi ko nalang siya ulit makita" sabi ko saka ko tinuloy yung pagkain ko

"Kyaaaahh! OMG! Nandito na sila!"

"The Growling Hot Tigers are here! OMG! I can't breathe!"

"Papa Jhi be mine!"

"Hoy akin si Jhi!"

"Ano ka?! Akin siya!"

"Manahimik nga kayo! Basta akin si Tristan!!"

"Xion is mine!"

"Hep! Akin si Kyle! Kyle baby! Marry me!!"

"Dave Dela Cruz masarap ako! Tikman mo naman ako pleaseee!"

Grabe naman yung babaeng yun. Desperada lang teh? Napatingin ako sa tinitilian ng mga kababaihan. May limang lalaki na pumasok sa loob ng canteen at lahat sila talagang gwapo kaya hindi ko masisisi si Ateng desperada.

Napako naman ang tingin ko sa lalaking nangunguna sa kanilang lima. Nakasuot ng white polo, black pants, nakasabit sa isang balikat niya yung backpack niya at naka-engineering ID lace. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan.

Naglagay siya ng earphone sa tenga saka pumikit. Pero maya-maya dumilat ulit siya at saka napatingin sakin. Nanlaki naman yung mata ko dahil nahuli niya kong nakatingin sa kanya.

Iiwas na sana ko ng tingin nung makita ko siyang nag smirk. Ang yabang talaga! Habang naglalakad din siya kanina talagang mapapansin mo yung mayabang na aura niya. Tss.

"Gosh! Ang hot talaga ni Jhisseun!!" rinig kong sabi ni Keana

"Tsk. Boys boys boys.. Pare-pareho lang sila" sabi naman ni Daena

"I wonder kung kelan ko matitikman si Dave" sabi naman ni Yumi then she lick her lips

"Yuck Yumi! Mandiri ka nga!" sabi ni Daena at saka binato ng tissue si Yumi

"Man hater!" sigaw ni Yumi

"Tse! Manahimik ka nalang jan!" sigaw din ni Daena at saka sila ulit kumain

Sanay na ko sa dalawang yan, laging nagbabangayan pagdating sa mga lalaki. Pero ganun lang talaga sila, after nun back to normal na ulit.

"Pero aminin niyo, ang gwapo nilang lima di ba?" sabi samin ni Keana habang tinataas-taas pa yung kilay niya

"Lahat sila mayabang" bulong ko

"Bitter ka na rin M?" tanong ni Keana sakin saka siya tumawa

M yung tawag nila sakin minsan. Ewan ko ba sa mga yan, ang ikli na nga ng name ko lalo pa nilang pinaikli.

"Si M magiging bitter? Hahaha! Himala kapag nangyari yun. Eh iyan yata ang certified writer of romance stories" sabi naman ni Yumi

"Tss. Hindi ako bitter. Nakakita lang ako ng hindi kanais-nais. See that guy who's wearing an earphone? Siya yung mayabang na lalaking nakabunggo ko kanina."

Sabay-sabay naman silang tumingin sa gawi nung limang lalaki. At kung sabay-sabay silang lumingon, sabay-sabay din nila kong tinignan habang nanlalaki ang mga mata.

"Seriously? Siya yung nakabangga mo?" tanong ni Daena, I nodded

"At sinabi mo na kinausap ka niya di ba?" tanong naman ni Yumi, I nodded again

"Hindi mo talaga siya kilala?" tanong ulit ni Daena, tumango ulit ako

"Seryoso ka?! Hindi mo siya kilala?!" pasigaw na tanong ni Keana

"Hindi nga sabi! Sino ba siya?" tanong ko sa kanila

"Siya lang naman po ang hottest guy sa university nato! Siya rin ang MVP ng basketball team mula nung high school siya at siya rin ang captain ng Growling Tigers. Siya rin ang pinaka sikat na dancer ng Hyper Dynamics group!" paliwanag ni Keana

"Yung group na sumayaw nung orientation?"

"Yup yup! At siya rin ang tagapagmana ng Rodriguez Company. Siya si Jhisseun Rodriguez!!" dagdag pa ni Keana saka nag twinkle yung mga mata niya

"Oh ngayon?" sabi ko pagkatapos niyang ipakilala yung.. Uhh.. Ano ngang pronounce sa name niya?

"M naman ehhh!! Hindi mo ba na-gegets?! Ikaw ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa dahil ikaw lang ang kinausap niya ng ganun!!"

"Oh ngayon? Di kita ma-gets. Anong kina-swerte nun eh hindi naman ako yumaman? Kung yumaman pa sana ko nung kinausap niya ko, baka nga ako na ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa."

Pagkasabi ko nun napa-face palm si Keana. Napailing naman si Daena at nag chuckled si Yumi. Ano bang problema nila? Ano ngayon kung nakausap ko yung mayabang na lalaking yun?

~~

"Bye bye Margie! Try mong kilalanin si Jhisseun ha? Para naman hindi puro si Joseph Marco ang kilala mo" sabi sakin ni Keana bago tuluyang umuwi

"Oo na! Bye!" nagpaalam na rin ako kila Daena at Yumi saka naglakad papunta sa sakayan ng jeep

Malayo yung school ko sa bahay namin kaya kailangan ko pang bumiyahe ng halos isang oras.

Habang naglalakad naman ako papunta sa terminal ng jeep may naramdaman akong sumusunod sakin. Medyo madilim na kasi dahil 7pm ang uwi ko ngayon. Binilisan ko yung lakad ko at hindi ako tumitingin sa likuran ko. Maya-maya pa may naramdaman akong humawak sa braso ko.

"Hi miss. Gusto mo bang maglaro?"

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nung marinig kong magsalita yung lalaking nakahawak sakin. Kung kanina natatakot ako, mas dumoble pa yung takot na nararamdaman ko ngayon.

"B-Bitawan m-mo k-ko."

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa hawak ko?" saka niya hinaplos yung braso ko

"Wag.. Please.."

Naramdaman ko yung hininga niya sa bandang leeg ko. Huminga ko ng malalim saka ko siya siniko. Napaatras naman siya at napabitaw sakin. Sinipa ko muna siya bago ko tuluyang tumakbo pero nahuli rin niya ko.

Pagkahuli niya sakin agad niya kong sinuntok sa tiyan dahilan para mapaupo ako. Sinubukan ko siyang sipain sa binti pero mali yung natamaan ko. Yung pinaka iingatan ng mga lalaki ang natamaan ko kaya mukang lalo siyang nagalit. Sinuntok niya ko ng paulit-ulit at pinagsisipa, dahilan para mapahiga ako sa daan. Pinunit niya yung damit ko at naramdaman ko nalang na hinahalikan na niya yung leeg ko.

Iyak lang ako nang iyak. Mahina ako. Wala akong magawa. Sinubukan kong lumaban pero lalo pang napasama. Pumikit nalang ako at nagdasal.

Lord, ikaw na pong bahala sakin. Pero sana may dumating na tulong. Please Lord.

Maya-maya naramdaman ko nalang na wala ng nakadagan sakin. Hanggang sa maramdaman kong may bumuhat sakin at tuluyan na kong nawalan ng malay.

~~

Friday

3pm

"Salamat ulit iho. Kung hindi dahil sayo baka napano na si Margie" rinig kong sabi ni Mama

"Wala po yun" rinig ko namang sabi nung lalaki

Hindi ko kilala yung boses niya. Sino naman kaya siya?

Unti-unti kong idinilat yung mata ko para malaman nilang gising na ko.

Lumapit naman sila sakin at tinanong kung kamusta na daw ako. Pinatawag din nila yung doctor para ma-check yung kalagayan ko.

Maya-maya lumabas si Mama para bumili ng makakain kaya naiwan kaming dalawa nung lalaking kausap niya kanina. Friday na ngayon at sinabi sakin ni Mama na halos mag-iisang araw na daw akong tulog.

Nakaupo yung lalaki sa upuan na nasa tabi ng kama ko. Umupo rin ako sa kama ko saka ko siya tinignan. Napatingin din naman siya sakin kaya bale nagtititigan kami.

Pinagmasdan ko yung mukha niya. Gwapo siya, matangos ang ilong, kissable lips at perfect eyes. Ang puti rin niya, yung katawan niya pang varsity ng basketball.

"Tapos ka na bang titigan yung mukha ko?" nun ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa

Namula ko bigla kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Oo, tapos ko ng titigan yung panget na mukha mo."

"Anong sabi mo? Panget??"

"Oo bakit? Ang panget mo kaya. Tumingin ka na ba sa salamin?"

"Aba! Hoy babae! Ikaw ang kauna-unahang nagsabi niyan sakin alam mo ba yun?!"

"Oh ngayon? Ibig sabihin nun lahat nang nakakakita sayo at nagsasabing hindi ka panget mga bulag yun!"

"Aba't!"

Napatayo siya sa kinauupuan niya at akmang babatukan ako o hahampasin pero nung mapalapit siya sakin bigla siyang tumigil.

Yung lalaki nato parang pamilyar sakin. Nagkita na ba kami? Ay teka, bakit nga pala siya nandito? Don't tell me siya yung nagligtas sakin?

"Hoy!" tawag ko sa kanya

"Ano?" inis na tanong niya

"Ikaw ba nagdala sakin dito?"

"Wow! Sa wakas napansin mo rin!"

"So ikaw nga?"

"Oo. Kanina pa nga ako naghihintay ng thank you eh, wala man lang akong matanggap."

"Nakatanggap ka na galing kay Mama ah?"

"Yung sayo yung hinihintay ko" napatingin ulit ako sa kanya at nagtama yung mga mata namin

"Green yung mata mo?"

"H-Ha? Oo, bakit?"

"Wala lang. Panget mo pa rin kahit green mata mo."

"Youre welcome ah! Youre welcome!" sabi niya ng medyo sarcastic

I chuckled, "Thank you"

Napatingin naman siya sakin nun tapos tinitigan ako. Yung totoo? Ang dalas naming magtitigan.

"Y-Youre welcome"

"Alam mo parang pamilyar ka."

"Syempre, sa gwapo ko ba namang 'to hindi mo pa ba ko makikilala?"

"Eh kung sabihin kong hindi nga kita kilala?"

Bigla namang nanlaki yung mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Seryoso ka? Hindi mo ko kilala?" saka niya inilapit yung mukha niya sakin

"Hindi. Sino ka ba?"

"Yung mukha nato hindi mo kilala?!" medyo pasigaw na tanong niya

"Hindi nga kasi! Sino ka ba?"

Napaupo siya sa upuan niya at saka sinabing, "Unbelievable"

Maya-maya dumating na rin si Mama kaya kumain na rin kami kasabay yung lalaking nagligtas sakin. Nung mag gagabi na nagpaalam na rin siya na uuwi na daw siya.

"Hoy panget. Uuwi na ko" paalam niya sakin

"Ade umuwi ka. Tsupi na!"

"Aba't! Hoy utang mo sakin buhay mo!"

"Babayaran kita pag nagka-pera na ko. Hintay lang."

Napailing naman siya, "Tsktsk. Iba talaga. Sige alis na ko."

"Kanina ka pa nagpapaalam" pambabara ko sa kanya

"Tsk. Naman oh! Di mo man lang ba itatanong yung pangalan ko?"

"Hindi ako interesado."

"Tsk! Ibang klase. Yung ibang babae halos magkandarapa sakin tapos ikaw kahit pangalan ko ayaw mong malaman?"

"Oo na oo na! Ano bang pangalan mo?!" inis na tanong ko

Ang kulit niya kasi. Ilang beses niya kong kinukulit kung hindi ko raw ba talaga siya kilala.

"Tristan Fernandez at your service! At ako ang magiging knight in shining armor mo!"

xxxxxxxx

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Two

Margie's POV

It's been four days simula nung mangyari yung muntikan nang pangrarape sakin. Nung weekends wala kaming ginawa nila Keana, Daena at Yumi kung hindi ang gumala. Pati sa bahay puro kalokohan lang ang ginagawa nila Mama, Papa at Kuya. At nung weekends din may laging nakabuntot sakin kapag lumalabas ako ng bahay. Kagaya ngayon, papunta na ko sa school at kung dati nag cocommute lang ako, ngayon nakasakay ako sa isang kotse kasama yung lalaki na nagligtas sakin.

"Panget" tawag niya sakin pero hindi ako lumingon

"Hoy panget!"

"Ano ba?" inis na tanong ko

"Chocolate oh" saka niya inabot sakin yung malaking hershey

"Eh? Ang aga pa kaya."

"Bakit, sinabi ko bang ngayon mo kainin?" I rolled my eyes on him

Si Tristan, mula nung Friday lagi na siyang nasa bahay. Kahit homeworks niya sa bahay niya ginagawa, minsan nga nagpapatulong pa siya sakin. Eh hello naman! Engineering siya, education lang ako. Math palang nila hindi ko na alam.

Nalaman ko na rin na isa siya sa players ng Growling Tigers, basketball team ng college of engineering. At oo, isa siya dun sa limang lalaking tinitilian ng mga kababaihan last Thursday.

Kay Tristan ko rin nalaman na ang basketball team nila ang pinaka magaling at pinaka sikat sa SSU at sa buong Malolos. Growling Tigers ang name ng basketball team nila at silang first five ay tinatawag na Growling Hot Tigers. Itinanong ko sa kanya kung bakit tinawag silang ganun pero nung sumagot siya bigla kong naisip na sana hindi ko nalang itinanong. Kung bakit? Eh pano ba naman kasi, eto yung sagot niya.

"Growling Hot Tigers ang tawag saming lima dahil sa lahat ng players ng GT, kaming lima ang pinaka magaling, pinaka sikat, pinaka hot, pinaka gwapo at uulitin ko, pinaka hot."

"Sure ka bang okay ka na?" napatingin ako kay Tristan nung magsalita siya

"Oo. Ayokong ma-miss ang pag-aaral."

"Sure ka talaga ha? Pwede ka namang mag-excuse, lalo na't kaibigan mo si Yumi."

"Ayokong makaroon ng special treatment."

Oo, kilala na rin niya sila Keana, Daena at Yumi. Sila kasi yung nakasama ko mula nung Friday.

"Saka nandyan ka naman di ba?" saka ko siya tinitigan

Nagulat naman ako nung bigla niyang inihinto yung sasakyan. Siya kasi yung nag-da-drive.

"Fuck! Ingat naman oh! Ikaw yata ang papatay sakin eh!" sabi ko pero hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya

Nakita kong nakatingin lang siya sakin. Tapos yung expression ng mukha niya parang hindi makapaniwala. May nasabi ba kong masama?

"Hoy!"

"H-H-Ha?"

"Napano ka? Papatayin mo ba ko?"

"E-Eh? Sorry. Nabigla kasi ko sayo."

"Alam mo mag drive ka nalang ulit. At please lang ha? Mag-ingat ka!"

"Oo na po! Eto naman oh, para kong driver."

"Bakit, hindi ba?" I chuckled

"Sa gwapo kong 'to, imposibleng maging driver mo ko."

"Pero simula nung Friday ikaw ang driver namin nila Keana."

"Heh! Wala lang akong tiwala sa mga kaibigan mo. Baka mamaya ibangga pa nila 'tong pinakamamahal kong kotse."

Natawa nalang ako sa kanya. Ang kulit niya talaga, minsan nakakainis ang pambabara pero masayang kasama.

Nakarating na kami ni Tristan sa school at sinabi niyang ihahatid daw niya ko sa first class ko. Habang naglalakad kaming dalawa nahahalata kong masama ang tingin ng ibang babae sakin.

Sino nga bang hindi sasama ang tingin sakin eh paniguradong iba ang nasa isip ng mga yan? Tsktsk. Excuse me lang, hindi nila ko kagaya na patay na patay sa mga lalaking kagaya ni Tristan.

Madali lang kaming nakarating ni Tristan sa room ko, first floor lang naman kasi.

"Oh pano, pasok na ko. Salamat sa paghahatid" paalam ko sa kanya

"Wala yun. Susunduin nalang kita mamaya sa last subject mo. Wag kang mawawala sa tapat ng room mo."

"Sure ka bang susunduin mo ko? 6pm pa last class ko, eh ang pagkakatanda ko 4pm lang ang last class mo ngayon."

"Okay lang yun. Sa basketball gym nalang ako magpapalipas ng oras. Sige na, pasok na. Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo oh" sumilip siya sa loob ng room namin kaya nagtilian yung mga babae

Ang malanding lalaki naman nato kumindat pa. Tsktsk.

"Sige pasok na ko. Salamat ulit."

Tumalikod na ko sa kanya at naglakad na papasok ng room pero napatigil ako nung may marinig akong ibang boses.

"Yow!"

Paglingon ko tama nga ang hinala ko, yung mayabang na lalaki nga.

"Why are you here?" tanong niya kay Tristan

"May inihatid lang. Tara na."

Lumingon siya sa loob ng classroom namin at nakita niya ko na nakatingin sa kanya.

"Clumsy" saka siya nag smirk at naglakad paalis

Argh! Ang yabang niya talaga!

~~

"So kamusta ka naman?" tanong sakin ni Yumi

"Eto, naka-recover na pero takot na kong umuwing mag-isa ngayon lalo na pag gabi."

"Hindi ka na naman uuwing mag-isa eh. Nandyan na si Papa Tristan!" sabi ni Keana sabay palakpak

"Psh" sabi ni Daena saka uminom ng pineapple juice niya

"Ayan na naman po si miss bitter!" pang-aasar ni Keana sa kambal niya

"Tss. Sadyang hindi lang maganda ang name na Tristan" sabi ni Daena

"Pero alam mo Daena, bagay kayo ni Tristan" sabi ko pero mukang wrong move dahil naibuga niya yung iniinom niya

"Margie! Yuck! Ako at yung conceited na lalaking yun?! Gosh! End of the world na! Pwe!" sabi niya saka inayos ulit ang sarili niya

Natawa nalang kaming tatlo nila Yumi at Keana. Bagay talaga silang dalawa kahit na lagi silang nag-aasaran.

Nandito nga pala kaming apat sa canteen, sa usual tambayan namin. Lunch time na rin kasi namin kahit na pass 10am palang, may klase kasi kami ng 11am-1pm kaya kailangan na naming kumain ngayon ng lunch.

Maya-maya lumapit samin si Ate Ria, yung president ng Pacesetter, ang official student publication of SSU. Sakin siya lumapit at may iniabot na form. Sinabi sakin ni Ate Ria na naghahanap daw sila ng bagong photojournalist. Dahil alam niyang gusto kong sumali dun kaya pinuntahan niya ko agad at binigyan ng form para makapag-apply.

Sinagutan ko na agad yung form pagkatapos kong kumain saka ako nagpunta sa Pacesetter Room. Nagpadala nalang ako ng excuse letter kila Keana para ibigay sa prof namin.

Pagdating ko sa PR may ilang estudyante rin ang nagpapasa ng form. Ipinasa ko na yung akin at laking gulat ko nung may mayabang akong nakatabi.

"Bakit ka nandito?" pabulong na tanong ko sa kanya

"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatan na mag-apply bilang photojournalist?"

"Mag-aapply ka rin?! Eh di ba engineering ang course mo?"

"How did you know?"

"Yung ID lace mo po nagsasalita."

Tumingin siya sa ID lace niya saka tumingin ulit sakin at ngumiti na parang nahihiya. Wow ngumiti si yabang!

"Sanay ka palang ngumiti?" tanong ko kaya lang biglang nagbago yung itsura ng mukha niya, balik sa masungit na itsura

"Ano tingin mo sakin? Manhid?"

"Tingin ko sayo? Mayabang"

Lalong sumama yung itsura ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Natawa naman ako ng mahina.

Maya-maya pinatawag na kaming lahat na nag-aapply at kapag sinuswerte ka nga naman, akalain niyong natanggap ako? Hooray! Ililibre ko mamaya yung tatlo. Hahaha.

Pinagpair kami ni Ate Ria para daw sa project na gagawin. At hulaan niyo kung sinong ka-partner ko, ade si yabang! Tinanong ko pa si Ate Ria kung bakit kami ni yabang ang naging partners pero ang sinabi niya lang pareho daw kasi kami ng experience sa journalism.

Lumabas ako ng Pacesetter Room na nakasimangot. Ayokong maka-partner yung mayabang nato. Huhu.

"Clumsy" tinignan ko ng masama si yabang habang naka-pout, "Wag kang mag-pout. Di bagay."

"Tse! Kaya ayokong ka-partner ka eh, aasarin mo lang ako!"

"Don't worry, the feeling is mutual" saka siya naglakad papunta sa exit

Ugh! That guy.. Makikita niya, maaasar ko rin siya! Hmp!

~~

"Okay, class dismiss" sabi ng prof namin sa PSE 213c

"Yey! Uwian na!" sigaw ni Keana

Lalabas na sana kami ng classroom nung biglang naghintuan yung mga classmates namin sa tapat ng pintuan. Nagtinginan silang lahat sakin at nag give way pa para makadaan kaming apat.

"Wow. Anong meron sa mga tao ngayon at feeling ko para tayong mga prinsesa?" sabi ni Daena saka kami lumabas ng classroom

"Ah, mukang alam ko na" sabi naman ni Yumi kaya napatingin kami sa tinitignan niya

Sa tapat ng classroom namin may isang lalaki na nakatayo at hawak ang cellphone niya. Halatang naiinis na siya base sa expression ng mukha niya at parang any minute maitatapon niya yung cellphone niya.

"Argh! Naman oh! Isa nalang 2048 na eh! Bwisit!" saka niya itinapon yung cellphone niya sa sahig

Nagulat kaming lahat sa ginawa niya at parang pati siya nagulat na nandun kami at nakatingin lahat sa kanya.

"Ehehehehe.. Uy Margie nandyan ka na pala! Tara na, uwi na tayo!" saka niya ko hinila paalis sa eksenang ginawa niya

Hila-hila lang ako ni Tristan hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya at bumubulong-bulong pa rin siya ng, "Bwisit na laro yan. Nasira tuloy yung cellphone ko."

Pinagbuksan niya ko ng pinto at saka siya umikot papunta sa driver's seat at sumakay na rin. Natawa ko nung marinig kong bumubulong pa rin siya. Napatingin naman siya sakin.

"Tinatawa-tawa mo jan ha?" tanong niya sakin at saka pinaandar yung sasakyan

"Ikaw, nakakatawa ka. Para ka kasing bata, ang cute!" then I pinch his nose

"Bitaw! Mamaya mamula yung ilong ko dahil sayo eh!"

"Eto naman oh. Pasalamat ka nga ginaganun kita eh, ibig sabihin nun na-cucute-tan ako sayo."

"Di kasi ko cute, gwapo kasi ko. Gwapo!"

"Hoo! Lakas ng aircon mo ah" pang-aasar ko sa kanya kaya sumimangot siya

Natawa nalang ako sa kanya.

Umalis na kami sa school at inihatid muna niya ko samin.

"Salamat sa paghahatid. Ingat ka sa pag-uwi ah" paalam ko sa kanya

"Di mo man lang ba ko papapasukin?"

"Wag na. Umuwi ka na. Gabi na oh, next time ka na dumalaw dito. Tsupi!"

"Hindi ako aso!"

Pumunta na ko sa tapat ng pintuan namin at iniwan ko na siya dun. Bago ko pumasok sa bahay sinigawan ko pa siya.

"Bye bye Tan-Tan! See you tomorrow!"

xxxxxxxx

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Three

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Four

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Five

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Six

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Seven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eight

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Nine

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Ten

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like EMbabebyyy's other books...