Ay Lab You, Ser!

 

Tablo reader up chevron

Simula

 “EKA!”

 

“Po?” Napalingon ako sa Inay ko na naglalaba ng mga damit. Agad-agad naman ako lumapit sa kaniya dahil kapag hindi ako sumunod sa kaniya agad eh iba magalit ang Inay ko.

“Bumili ka pa ng bareta. Naubusan na tayo. Dali!” pagkautos niya sa akin ay agad niya ako binigyan ng pera galing sa bulsa ng daster niya. Kinuha ko naman iyon at agad na lumabas ng kahuyan na gate namin.

Pagkabili ko ng bareta galing sa tindahan ni Aling Ligaya ay namamataan ko sa hindi kalayuan si Nanay na may kausap itong babae. Kung hindi ako nagkakamali ay si Aling Felicita yung kausap ni Nanay. Pagkadating ko sa bahay namin ay natigil si Nanay at Aling Felicita na mag-usap at lumingon sila sa akin.

Kita ko naman kung gaano kapagod at tagatak ng pawis sa noo ni Inay kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya at tinulungan sa paglalaba. Ito kasi ang hanapbuhay ni Inay simula bata pa lang ako noon. Nasaksihan ko rin kung gaano karami at kahirap siya maglaba ng mga damit na galing pa sa kabilang baryo dito sa amin.

“Ayun nga, naghahanap lang naman ako na pwedeng pumalit sa kakilala ko. Katulong kasi iyon sa Maynila kaso buntis na ito tsaka gusto ng asawa niya na umuwi na lang siya kanila para asikasuhin siya. Ang swerte nga ng babae kasi yung lalaki ang magtatrabaho para buhayin silang mag-ina.” Mahabang kwento ni Aling Felicita. Nakangiti naman na umiling si Inay dahil tatanggihan niya ito. Ayaw kasi ni Inay na maiwan niya ako dito na mag-isa. Kahit matanda na ako ay ramdam kong binebaby pa rin niya ako dahil na rin sa unica iha lang niya ako.

“Ayyy! Sayang naman. Ikaw, Eka? Gusto mo?” gulat na napalingon ako kay Aling Felicita dahil sa tanong niya. Lumingon naman ako sa Inay ko.

“Ay! Dili siya pwede. Ang bata pa niya para makapunta sa Maynila at magtrabaho.” Sagot ni Inay kay Aling Felicita. Malungkot na binaba ko ang ulo ko para kusutin ang damit na nilalaba ko. Gustung-gusto ko pa naman makapunta sa Maynila kasi maganda daw magtrabaho doon. Inangat ko ulit ang ulo ko at hinawakan ko ang kamay ni Inay.

“Inay, okay lang po sa akin iyon tsaka matanda na rin naman ako. Bente-dos na po ako Inay. Gusto ko rin naman tulungan kayo at gusto ko rin naman na makaahon naman tayo sa buhay.” Kumbinsi ko sa kaniya kaso mukhang ayaw talaga ako payagan ni Inay dahil bumalik lang siya sa pagkukusot ng damit.

“Ay dili talaga pwede Eka. Mahirap ang buhay sa Maynila.” Masungit na sagot sa akin ni Inay. Napasimangot naman ako sa kaniya.

“Inay!” padabog akong tumayo sa inuupuan kong bangko na maliit. “Sige na naman o! Para rin naman sa atin ito. Ayoko naman na makita kita ulit na nahihirapan.” Naiiyak kong sabi sa kaniya pero wala akong natanggap na kahit anuman na sagot sa kaniya. Patuloy lang siya sa paglalaba. Nang wala pa rin ako marinig sa kaniya ay nagdadabog na umalis ako at lumabas sa bakuran namin.

Hingal na hingal akong napahawak sa mga tuhod ko dahil sa pagod na nakuha ko galing sa kakatakbo ko ng mabilis. Tanging siya lang kasi ang taong palagi kong pinupuntahan kapag nag-aaway kami ng Inay ko.

“Lulu!” tawag ko sa kaniya. Agad naman siya lumabas ng bahay nila at nang makita niya ako ay agad naman siya lumapit ito sa akin.

“Uy Eka.” Binuksan naman niya ako ng gate nila dito at pinapasok na nga niya ako sa bahay nila. Mukhang wala yung mga magulang ngayon ni Lulu nung pumasok kami.

Pinaupo naman niya ako sa sofa nila dito at iniwan niya ako ng saglit para kumuha ng tubig. Ilang saglit lang ay may hawak na itong baso ng may laman na tubig at binigay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at dahan-dahan naman ako uminom. Nang naubos ko na ay nilatag ko ito sa lamesa nila.

“O ano na naman pinag-awayan ng Inay mo?” panimula niya sa akin. Tinitigan ko lang siya ng ilang saglit at napabuga ako ng malalim na hangin.

“Si Aling Felicita kasi, pumunta sa bahay namin. Naghahanap daw kasi siya ng katulong na magtatrabaho sa Maynila.” Sagot ko sa kaniya. Tumango naman ito sa akin. “O tapos?”

“Ayun, ayaw ni Inay kasi ayaw naman niya ako iwan dito na mag-isa. Ang sabi ko naman na kahit ako na lang pumunta sa Maynila para lang makaahon man lang kami sa hirap. Ayaw ko rin naman na nahihirapan pa muli si Inay na maglaba ng sangkatutak na mga labahin eh.” Paliwanag ko. Habang naalala ko yung mga pangyayari kanina ay hindi ko na naman mnapigilan yung inis ko ulit kay Inay.

“Bakit ba ang makasarili niya? Hindi man lang ba niya ako pinagkakatiwalaan?” naiinis kong sambit. Dahil na rin sa inis na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko sa mga mata ko.

“Shhh…alam mo naman na hindi naman makasarili ang Inay mo. Nag-aalala lang siya para sa iyo Eka.” Pagpapakalma sa akin ni Lulu. Ramdam ko naman na hinahagod niya ang isang kamay sa likod ko habang ang isa ay nakhawak sa balikat ko. Ngayon ay sobrang lapit namin sa isa’t isa.

Katulad pa rin ng dati ay hindi na nagbago ang ganito namin close sa isa’t isa. Tinuturing na naman ang isa’t isa na magkapatid dahil na rin parehas kaming iisang anak sa mga magulang namin.

“Pero sana naman maintindihan niya kung bakit gusto ko pumunta sa Maynila.” Naiiyak kong sabi. Yun lang naman ang gusto ko eh ang makapunta sa Maynila at magtrabaho. Hindi naman ako nagsasawa maging mahirap kami pero sawang-sawa na ako na makita ko yung Inay ko na naghihirap na magtrabaho.

“Sa palagay ko naman, maiintindihan ka rin ng Inay mo, Eka. Magkadugo kayo eh tsaka hindi ka rin niya matitiis. Tiwala lang.” nakangiti niyang sabi sa akin. Dahil doon ay kahit ako ay nahawa na rin sa ngiti niya. Pinahid ko naman ang mga luha ko at huminga ng malalim. Oo, tama kung anak niya ako ay hindi niya rin ako matitiis.

Isang oras rin ako nanatili sa bahay ni Lulu. Simula pagkabata ay naging kapitbahay at naging matalik na kaibigan ko si Lulu. Naging magkaklase rin kami ng anim na taon nung nasa elementarya pa lang kami pero hindi na rin kami naging magkaklase pa nung high school dahil na rin tumigil na ako mag-aral noon. Naisipan ko kasi na tulungan ang Inay ko na maglaba o magbenta ng mga kakanin sa amin para lang makadagdag panustos sa mga gastusin namin.

Gabi na rin nang nakauwi na ako sa bahay. Pagkapasok ko sa kubo namin ay nakita ko si Inay na naglalatag ng dalawang pinggan at dalawang pares ng kubyertos sa lamesa namin. Sunod naman ay ang plato na may ulam at kanin naman ang nilatag sa lamesa. “Mangaon kita, Eka. (Kumain na tayo, Eka.)” tawag sa akin ni Inay. Agad naman lumapit sa lamesa namin at umupo sa bangko namin.

Tahimik lang kami kumakain ni Inay pero kating-kati na ako na kumbinsihin ulit si Inay para sa pagpunta ko sa Maynila. Kaya mo yan Eka! Tapang at pursigido lang.

“Ina—“

“Kung tungkol lang yan ulit sa Maynila, mamaya na ulit tayo mag-usap para dyan.” Pagkarinig ko iyon ay tuwang-tuwa ako tumango sa kaniya bilang sagot. Ibig lang sabihin nito ay papayagan na ako ni Inay na mamasukan ako bilang katulong sa Maynila. Tama nga ang sabi sa akin ni Lulu na hindi rin niya ako matitiis.

Pagkatapos namin kumain ay seryoso niya akong tinitigan. Ilang saglit pa ay nagsimula na ito kausapin ako. “Alam ko at ramdam ko rin naman na hirap na hirap na tayo sa buhay natin Eka. Sa totoo lang bago pa yung kay Aling Felicita ay madami na rin tao ang lumalapit sa akin at nag-uudyok na magtrabaho ako sa Maynila.”

“Kaso lahat ng iyon ay tinanggihan ko iyon kasi bata ka pa noon nung mga oras na iyon. Dahil sa patuloy kong pagtanggi sa kanila ay hindi ko na namalayan na lumalaki at tumatanda ka na rin ni kahit ako ay hindi ko na rin namamalayan na tumatanda na rin ako na baka ilang taon lang ang makalipas ay hindi na ako makapaglaba na rin dahil sa maari kong maramdaman na sakit.” Nitong mga nakaraan taon rin kasi ay panay kami pumupunta sa kabilang baryo para lang bumisita sa health center at ipacheck-up yung kalusugan ni Inay.

Madami kaming naririnig sa doktor na maaring sakit ni Inay kapag patuloy pa niya pinapagod ang sarili niya pero dahil sa katigasan ni Inay ay binalewala lang niya yung mga payo sa kaniya ng doktor. Buti na nga lang at pinatigil ko siya maglaba ulit dahil panay ang ubo niya at sipon.

Kinonsulta ulit namin sa doktor at buti ay binigyan niya kami ng libreng gamot para sa sakit ni Inay. Pinagalitan pa nga siya nung doktor dahil sa katigasan ng ulo ni Inay.

“Pero sige, tutal sabi mo matanda ka na at sa palagay ko ay masyado na kitang kinukulong dito sa bahay ay papayagan na kitang magtrabaho sa Maynila.” Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko iyon sa kaniya. Unsa? Pinapayagan na niya ako? Biglang lumiwanag ang mukha ko nung nakita kong matamis na ngumiti sa akin si Inay.

Agad-agad naman ako sa kaniya lumapit at niyakap siya ng mahigpit. “Daghang salamat, Inay.” masaya kong pagpapasalamat sa kaniya. Lumayo ako sa kaniya ng kaunti at naiiyak na ningitian ko siya. “Inay, alam kong mahirap ito sa iyo kasi iiwan ko kayo dito ng mga ilang buwan pero sa palagay ko naman papauwiin naman ako ng amo para magbakasyon eh.” Nakangiti naman na umiling sa akin si Inay.

“Okay lang kahit hindi ka umuwi ng ilang buwan o taon kasi paano kung yung amo mo eh strikto diba? Magpapabalita na lang ako kay Aling Felicita tungkol sa kalagayan mo doon sa Maynila.”

Habang tinitingnan ko ang mukha ni Inay ay hindi ko mapigilan na maiyak sa tuwa at lungkot. Alam kong mahirap rin ang naging desisyon ko na lumuwas sa Maynila pero alam kong magiging kapakipakinabang naman ito para sa kinabuksan namin.

Nakalipas na nga ang tatlong araw at narito kami sa bakuran namin. Dalawang malalaking bag ang dala ko na ang tanging laman ay mga gamit ko at mga damit ko. Nandito rin si Lulu para daw sa huling pagkikita namin. Lumapit sa akin si Lulu at nakangiti itong binigay sa akin ang isang cellphone.

“O ayan! Binigay ko na sa iyo yung cellphone ko. Wag kang mag-aalala meron pa akong isa pero ito bago kong bili.” Tinaas naman niya ang isa pang cellphone na halatang bagong bili nga.

“Nakasave na rin dyan yung number ko at yung number ni Aling Felicita para naman kapag nagtext ka sa aming dalawa eh ibabalita namin iyon sa Inay mo.” Tuwang-tuwa naman ako na hawakan ng mabuti ang cellphone na binigay sa akin ni Lulu. Inangat ko ang ulo ko at matamis na ningitian siya.

“Salamat Lulu.” Pagkasabi ko sa kaniya ay mahigpit ko siyang niyakap ng mabuti. Hays. Mamimiss ko itong babae na ito.

“Mingawon ko nimo. (Mamimiss kita.)” naiiyak kong bulong sa kaniya.

“Makita sab ko nimo. (Mamimiss rin kita.)” naiiyak niya rin sagot sa akin. Nang kumuwala na kami sa isa’t isa ay unti-unti na rin ako lumayo sa kanilang dalawa ni Inay. Malungkot na ngumiti sa akin si Inay. Nilapitan ko naman siya at niyakap ng mahigpit.

“Mahimong usa ka maayong babaye. (Magpakabait kang babae ka.)” mabilis naman na tumatango sa kaniya bilang sagot.

“Halika na Eka, at baka mahuli pa tayo.” Tawag sa akin ni Aling Felicita. Lumayo na ako kay Inay at pinahid ang kanyang luha sa pisngi. Lumapit agad ako sa mga bagahe ko at kinarga ko ito ng dalawa kong kamay. Bago pa ako lumabas ay binigyan ko pa ulit sila ng matamis na ngiti.

 

Nandito na kami ni Aling Felicita sa terminal ng mga barko. Agad ko naman siya sinundan at nang nakasakay na kami ay magkatabi kaming tinitingnan ang tanawin dito.

“Hays. Sigurado akong mamimiss mo ito Eka kapag nasa Maynila ka na kaya lubus-lubosin mo na yung kagandahan ng tanawin dito sa Bohol.” Sabi sa akin ni Aling Felicita. Tumango naman ako sa kaniya. Tama si Aling Felicita, mamimiss ko rin ito.

Nakalipas ang isang araw at isang oras ay nakarating na rin kami sa Maynila. Mausok at madaming tao ang nandito sa Maynila. Ibang-iba ito kaysa sa amin.

“Eka! Halika rito!” tawag sa akin ni Aling Felicita. Agad-agad naman ako lumapit sa kaniya na may karga akong dalawqang bagahe sa dalawa kong kamay. Hingal na hingal naman ako lumapit sa kaniya.

“Hay naku Eka, wag kang mawala sa paningin ko kung hindi mag-aalala yung Inay mo sa Bohol. Delikado ang Maynila Eka, tandaan mo iyan. O siya sumakay ka na dito sa tricycle.” Pag-aaya sa akin ni Aling Felicita. Pinasok ko na muna ang dalawang bagahe ko at sumakay na ako.

Habang tinatahak namin yung daan ay puro mga bahay-bahayan na magkakatabi at mga tao na nasa kalsada. Talagang masikip o makipot ang naging daan namin dahil na rin sa mga sasakyan na sumisingit at sa mga tao na naglalakad sa gilid ng daan.

Ilang saglit lang rin ay nakalabas na rin kami sa wakas sa makipot na daan. Ngayon naman ay nakikita kong puro mga gusali at hindi katulad kanina ay puro mga sasakyan ang nasa kalsada. Ilang minuto lang ay napansin kong pumasok kami sa isang subdivision dito. Wow! Ang gaganda ng mga bahay dito. Malamansyon, iba-iba sa aming bayan.

Ilang sandali lang ay tumigil kami sa isang malaki pero simpleng bahay. Puti at mga pader nito at yung bubong naman ay pula. Meron rin silang malaking hardin na halatang alagang-alaga sa mga halaman. Nakanganga na bumababa ako sa tricycle at tinitigan pa rin ang bawat sulok ng bahay.

“Uy Eka! Kunin mo na yung mga bagahe mo.” Napabalik na lang ako sa huwisyo ng maalala ko yung mga bagahe ko. Agad-agad ko naman kinuha ang dalawang bagahe ko. Nang nakaalis na ang tricycle ay humarap ulit ako sa bahay.

“Dito ka magtatrabaho Eka, alam kong napakahirap linisin ang ganitong kalaking bahay pero alam ko naman na makakaya mo.” Nang marinig ko iyon kay Aling Felicita ay tuwang-tuwa naman ako tumango sa kaniya. Oo nga Eka! Makakaya mo iyan! Para sa Inay mo ito. Para sa Inay mo ito.

Tuluyan na nga akong pumasok sa gate nila dito. Woaaaahhh! Kung sa labas pa lang ay malaki, mas lalo rin pala dito sa loob ng bahay nila. Lumapit na ako sa pintuan para kumatok pero ilang beses na ako kumakatok eh wala pa rin sumasagot o nagbubukas ng pinto sa akin. Buti na lang at may mahabang bintana dito sa tabi ng pintuan. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bintana at pilit na sinisiksik ang buong mukha ko nito para lang tingnan ang nasa loob.

“Who are you?” bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang lalim at lalaking-lalaking boses sa likod ko. Dahan-dahan ako lumayo sa bintana nila dito at unti-unti ay umikot ako na nakapikit.

“I’ll ask you again, who are you and what are you doing in my house?” ramdam ko naman sa boses niya na pinipilit niyang huwag akong sigawan pero ramdam kong mainit ang ulo niya. Unti-unti ko naman binukas ang dalawang mata ko para ipakilala ang sarili ko sa kaniya.

Kaso mukhang naputulan ako ng dila at napalunok ng maraming beses dahil sa nilalang na nasa harap ko. Oh My Gosh. Diyos ko, kukunin niyo na ba ako? Lalaki-lalaking ang tindig niya at tagatak ito ng pawis sa buong katawan niya at kahit na rin ang damit na suot niya. Dahil sa nakasando itong itim ay kita-kita ang hulma ng mga muscles at abs nito. Ang kaniyang buhok ay basang-basa rin ng pawis niya. Halatang kagagaling lang niya sa pagjojogging. Shems! Ang gwapooo niya. Dagdag pa yung mga mata niyang kapag titigan mo eh lalamunin at kakainin ka niya ng buhay sa kama niya. Ay! Mahindot ka talaga Eka! Mahindot ka!

Pero kung siya lang rin naman ang magiging amo ko sa bahay na ito, ay gora akong magpabuntis sa kaniya.

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1

“Hey!” napabalik ako sa realidad na patay ang pitik ng kaniyang kamay sa harap ko. OMG. Nang napansin niya na bumalik na ako sa kahibangan sa sarili ay finold niya ang mga bisig niya at nilagay niya ito sa dibdib niya.. Kita ko kung paano nagflex ang abs at muscles nito. Tiningnan ko ulit siya at masama na pala ang tingin niya sa akin.

“Sino ka at ano ang ginagawa mo dito sa bahay ko?” matalim nitong tanong sa akin. Napalunok naman ako ng ilang beses, hindi dahil sa natatakot ako sa tingin niya kung hindi sa malalim nitong beses at sa kagisigan ng kaniyang mukha kahit masama na ito tumingin sa akin.

“A-eh, ako nga po pala si Erika Baltazar short for Eka. Ako po yung bagong katulong na magtatrabaho dito sa bahay niyo.” Pinagpapawisan kong pagpapakilala sa kaniya. Bakit ba ako pinagpapawisan? Mukhang natutunaw na ako dito sa pwesto ko dahil sa titig na binibigay niya sa akin.

Napatango-tango naman siya at lumapit ito sa akin. Pasimple naman ako inamoy siya at kahit pawis siya ay sobrang bango pa rin niya. Narinig ko naman na bumukas yung pintuan sa likod ko at napansin kong pumasok na pala siya sa loob. Ilang minuto pa ako naghintay sa labas dahil hindi naman niya ako pinapapasok pa.

“Where are you? Come here.” Nang marinig ko iyon galing sa kaniya ay agad agad ko tinanggal ang tsinelas ko at nakapaa na pumasok ako sa loob. Sinundan ko naman yung tunog na nanggagaling sa kusina niya dito.

Ayun! Nakita ko siyang kumukuha ng isang pitchel ng tubig at sinalin niya iyon sa baso. Binalik niya ulit ang pitchel sa ref at uminom ito sa akin paharap. Kitang-kita ko ulit kung paano yung adam’s apple niya ay bumababa akyat habang umiinom siya ng tubig. Sana ako na lang yung baso.

“Why are you barefooted?” nakakunot na tanong niya sa akin. Bigla naman ako napatingin sa mga paa ko at agad na humarap sa kaniya.

“A-eh, nakakahiya naman po kasi kung dudumihan ko po yung sahig niyo po dito. Hehehehehe.” Nanenerbyos kong tawa sa kaniya.

“Tsk. Wait here.” Pagkautos niya sa akin iyon ay agad siya umalis sa harap ko. Pansin ko naman na umakyat ito sa second floor. Inikot ko naman ang paningin ko at masasabi kong napakalinis at maaliwalas ang buong bahay niya dito. Kung magkakaroon ako ng bahay ay gusto ko ganito rin kaaliwalas.

“Here.” Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at may nilatag ito sa akin na papel. Umupo ito sa upuan at ako naman ay umupo na rin.

“So here’s your contract. Ang length lang ng contract nito ay within 2 years, kapag nagusutuhan ko ang serbisyo mo eh irerenew ko ulit ang contract mo pero kapag hindi ko nagusutuhan ang serbisyo mo ay kahit magmakaawa ka o umiyak ay hinding-hindi ko pa rin irerenew ang contract mo.” Tumatango-tango kong sagot.

“Ito naman yung mga rules na dapat mong sundin. Rule number one ay kailangan malinis na malinis ang buong bahay. Make it super shiny and dustless. Rule number two…” habang sinasabi niya ang mga rules sa akin ay binabasa ko rin ang lahat na nakalagay rin doon sa isang kapirasong papel. May pirma nap ala siya doon at pirma ko na lang ang kulang.

“So last one rule, never ever fall in love with me.” Gulat na napatingin ako sa kaniya. A-Ano sinabi niya? Binalik ko ulit ang tingin ko sa papel at sa kaniya. Wala naman nakasaad dito ah.

“Hindi ko nilagay dyan dahil gusto ko ikaw ang makaalala non. If may mga times na aware ako na may gusto ka na sa akin at nalimutan mo yung last rule na iyon ay expect mo na after one year ay wala ka na dito kahit hindi pa tapos ang kontrata mo.” Unsa? (Ano?) Grabe naman siya. Eh paano yan, nalove at first sight na ako sa kaniya kanina pa lang.

“Well, a while ago I know that you are attracted to me the way you looked at me. Halatang naglalaway ka na sa harap ko kanina so I’m giving you a warning Ms. Eka.” Ngisi niyang paalala sa akin. Napalunok naman ako ng maraming beses dahil nabuko na niya ako. Buti sinabi niya na attracted pa lang ako sa kaniya. Paano kapag sinabi ko sa kaniya na nalove at first sight ako sa kaniya?

“Doon pa lang alam ko na attracted ka na sa akin kaya ipagpatuloy mo lang iyan Eka at pagkatapos ng isang taon mo dito ay wala ka na dito sa bahay na ito. Maaari ka nang bumalik sa inyo.” Nang sinabi niya iyon ay naalala ko na hindi ako pwedeng umuwi ng ganun ganun lang. Hindi pa sapat ang isang taon na pag-iipon ko non ng pera.

“Remember malakas ang instinct ko, parang isang babae ang instinct ko.” Napansin ko naman na lumalapit ang mukha nito sa akin na nagpapalunok naman sa akin ng maraming beses. Bigla ko naman siya tinulak ng malakas. Nagulat naman siya sa ginawa ko sa kaniya.

Agad naman ako tumayo sa harap niya at inayos ang sarili ko. “Tan-awa kini, aduna pa siyay kahigayonan sa pagtintal kanako. (Tingnan mo ito, siya pa ang may ganang mangseduce sa akin.)” bulong ko sa sarili ko. Napansin ko naman na napakunot ito sa akin.

“What did you just say?” nakakunot na tanong sa akin. Marahan na umiling ako sa kaniya. Hindi naman niya maiintindihan kung uulitin ko pa sabihin sa kaniya iyon. Buti talaga at nakapag-aral ako ng Ingles noong elementary. Akala niya hindi ko maiintindihan lahat ng pinagsasabi niya? Huy! Honor student ako noon nung elementary ako. Bahala siya dyan.

“Pwede na po ba ako magsimulang magtrabaho?” tanong ko na lang sa kaniya. Umiling ito sa akin at tinuro naman niya sa akin yung blangko na linya na nasa ilalim non ay ang pangalan ko. Kinuha ko naman ang ballpen na nasa tabi niya at pinirmahan ko iyon.

“Okay, you can start now. Your room is beside that door.” Nang ituro na niya sa akin ang pintuan ng kwarto ko ay agad naman ako lumabas ulit at kinuha ang dalawng bagahe ko. Kita ko naman na nakatingin lang ito sa akin habang hirap na hirap akong buhatin ang mga bagahe ko. Psh. Hindi man lang ako tinulungan.

Pagkapasok ko sa loob ay simpleng kwarto lang ito pero maganda na rin. Iniwan ko ulit ang dalawang bagahe ko at binalik ko ulit ang pares ng tsinelas ko. Kinuha ko na nga ito at nang papasok ako ng kwarto ko ay tumikhim sa akin si Ser…Wait nga lang ano pala pangalan ni Ser?

“My name is Alexander. You shall call me Sir Alex.” Pagkasabi niya iyon sa akin ay may binigay siya sa akin na slippers. “You should also wear this instead of being barefoot in this house.” Tinanggap ko na nga iyon sa kaniya at nang nakaalis na siya ay kinikilig na inamoy ko ang slippers na binigay niya sa akin. Grabe, kapit na kapit talaga ang pabango niya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“EKAAAAAA!” agad ako napalingon sa bahay. Sino iyon? Bakit may tumitili? Tinigil ko na muna maglaba dito sa labas ng likod ng bahay niya at agad agad na umakyat sa second floor. Pangalawang araw ko na dito sa bahay niya pero ngayong araw lang ako nakarinig ng tili. Kinakabahan naman ako na lumapit sa pintuan na nakabukas. Agad-agad naman ako naghanap ng maari kong maipupokpok sa taong lampastangan na pumasok sa bahay ni Ser Alex.

Nang may nahanap na ako ay agad ko naman hinawak ang walis tambo. Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto at nang bumilang ako sa sarili ko ng isa hanggang tatlo ay pabigla akong pumasok sa kwarto.

Unsa kini? (Ano ito?) Nakatambad sa akin ang isang lalaking mas dinaig pa niya ako magshort ng pagka-ikli ikli at ang pangibabaw niya ay isang T-shirt na kulay pink. Kita ko rin sa mukha niya na naka-eye shadow rin ito. Mukhang hindi pa siya tapos magmake-up pero pamilyar ang mukha niya.

“Ano tinatayo mo dyan at bakit may hawak kang walis tambo?” pansin ko naman na nag-iba rin ang pananalita niya. Mas lalo pa niya ito pinaliit na akala mo eh binabae. “Halika nga Eka! Ang sabi ko naman sa iyo sa huwag na huwag mong gagalawin yung mga gamit ko dito sa kwarto na ito diba?” napakurap ako ng maraming beses ng bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin kahapon. I-Ito ba yung tinutukoy niya? Akala ko yung kwarto niya.

“What?” mataray nitong tanong sa akin. Lumapit naman ito sa akin habang ako naman ay napapaatras. “So? I think, nadismaya ka kasi yung napakagwapo at sexy mong boss ay isang napakaganda at sexy na bakla. Tama ba?” nang maramdaman kong wala na ako maatrasan ay unti-unti naman lumapit ang mukha niya sa akin. Shems.

“Hmph! Hindi-hindi talaga ako magkakagusto sa mga kirara at jongoloids na babae. Yuck!” nang marinig ko iyon ay napamaang ang bibig ko sa tinawag niya sa akin. Ano daw? Kirara at Jongoloids? Anong klaseng lenggwahe niya iyan? Yan ba yung beki words?

“Ano ba tinutunganga mo pa dyan? Bilisan mo at dadating yung jowa ko.” A-Ano? Jowa? May boyfriend pa siya niyan sa ganyang itsura? Napapailing na lumapit ako sa kaniya.

“S-Ser Alex?” mahina kong tawag sa kaniya.

“What?” mataray ulit nitong tanong sa akin. Napansin ko naman na nilalabas niya lahat ng makeup na nasa drawer.

“B-Bakla po talaga kayo at hindi kayo nangjojoke?” tumigil ito sa ginagawa niya at marahas na tumingin ito sa akin. “Sa palagay mo, nang-gogood time lang ako sa harap mo ngayon?” seryoso niyang tanong sa akin. Kita ko naman na seryoso pa rin siya kaya dahan-dahan na napailing ako sa kaniya. “Good.” Bumalik ulit siya sa paghahanap habang ako naman ay pinagmamasdan ko lang siyang tingnan sa mga ginagawa niya.

Hindi maari ito. Seryoso talaga siya? Bakla talaga siya? Pinagmasdan ko ang bawat kilos niya at malambot at may pilantik talaga siya. Hays. Sabagay, love is blind. Pero kahit ganun ay parang okay na rin sa akin iyon atleast wala akong kaagaw kapag sa babae, kasi hindi naman siya interesado sa babae hindi ba?

Pero, sino yung boyfriend niya? Matanong ko nga.

“S-Ser Alex, pwede pa ulit magtanong?” nahihiya kong tanong sa kaniya. Nang nakuha na niya lahat ng kailangan niya ay agad naman siya lumapit sa malaking salamin at upuan dito. Umupo na nga siya.

“Ano iyon?”

“Ah-eh gaano niyo na ito katagal na ginagawa?” tanong ko sa kaniya. Ayaw ko naman na biglain siya. Gusto ko muna kilalanin muna siya. Malay mo naman may dahilan kung bakit siya ganito.

“Ever since I was 6 years old, I think?” 6 years old pa lang? “Noong naglalaro pa lang ako ay ayoko na nang panglarong lalaki, I think it grew me attached to girl toys.”

“But since I’m the only son and child in my family, I must keep myself. I must show that I’m a strong-willed man and not a girlish gay to everyone including my family.”

“E-Edi alam po ng mga katulong na nagtatrabaho dito sa bahay na bakla po kayo?” hirit ko pang tanong. Tumango naman ito. “Mabuti nang malaman nila iyon pra hindi sila ma-inlove sa akin. Nakakasakit kaya sa bangs and I don’t like kirara at jongoloids girls like you.” Kahit hindi ko alam ang meaning ng dalawang words na iyon ay parang tinutusok naman ang puso ko doon.

“Eh paano po kayo nagkaboyfriend?” pang-iiba kong tanong. Nang marinig niya iyon ay bigla naman ito lumiwanag ng mukha.

“Well, I just met him at KTV bar. I was alone that time and pinapasaya ko lang ang sarili ko ng biglang siya dumating sa buhay ko. Nung una ay nagkunyari ako nagsusungit kasi alam ko naman yung mga pakay ng mga lalaki ngayon sa mga bakla pero siya? Iba siya eh. Hindi mo sa kaniya makikita nap era ang gusto niya makuha sa akin.” Hindi ko mapigilan na hindi masaktan sa pinagkwekwento niya sa akin. Una ay ang saya saya niya habang kinukwento niya ang love story nila at pangalawa ay nagmumukha siyang tanga dahil hindi niya pa rin alam na ang lahat ng lalaki ay ganun na sa mundo ito.

Pero, wag ka muna magconclude Eka baka naman mabait naman siyang tao. Hmph! Tingnan lang natin mamaya. Bwiset siya, may naging karibal pa ako. Tatanungin ko sana kung gaano na sila katagal nang may narinig kaming busina sa labas. Napansin ko rin naman na tapos na magmake-up si Ser Alex at ibang-iba na ang mukha nito.

“OMG! Nandyan na siya!” nagmamadali naman itong bumaba habang ako naman ay iniwan dito. Hays. Pangalawang araw ko pa lang dito pero heartbroken na agad ako.

Dahan-dahan naman ako bumaba at napansin kong nakatalikod sa akin si Ser Alex. Halatang nilalandi pa niya ang boyfriend niya bago ito papasukin sa bahay.

“For you babe.” Nakita ko naman na binigyan siya ng isang dosenang pulang rosas at rinig na rinig ko kung gaano kinikilig si Ser Alex.

“Ayiiiieeee! Ane be nemern niyan. Sana hindi ka na lang nag-abala pa.” Pft! Hindi ko mapigilan na matawa at masuka sa pinapakitang kilos sa akin ni Ser Alex. Dito ka ba talaga nagkagusto, Eka?

“Hahahahahahahaha! Pumasok na tayo babe, baka may makakita pa sa atin.” Nang papasok na yung lalaki ay agad agad naman na ako lumabas sa likod ng bahay ni Ser Alex, hindi pa pala ako tapos maglaba ng mga damit ni Ser Alex. Bwiset. Mamaya talaga magtutuos talaga kami ng boyfriend ni Ser Alex.

Hmph! Gagawin ko ang lahat para bumalik sa pagkalalake si Ser Alex o kaya kahit hindi na siya magpakalalake eh gagawin ko na lang ang lahat para magkagusto na lang siya sa akin.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 2

Padabog na umupo ulit ako sa maliit na bangko dito para ipagpatuloy yung paglalaba ko. Psh! Nakakasira talaga ng araw yung boyfriend ni Ser. Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang siya dumating dito?

“So, ikaw pala ang bagong katulong ni Axel.” Napatigil ako sa paglalaba at marahas na lumingon ako sa kaniya. Nakangising lumapit ito sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin at mataray na binalikan ko ang ginagawa kong paglalaba ng mga brief ni Ser. Bakit nandito ang lalaki na ito?

“Wow, ang sungit mo naman. Palaban ka ah.” Padabog na tinigil ko ang paglalaba at napansin kong kahit siya ay nagulat rin. Masama na tiningnan ko siya. “Nganong ania ka dinhi? (Bakit ka nandito?)” mukha naman ala siyang naintindihan sa sinabi ko kaya tumayo ako at nag-unat unat. Masyado na akong napagod sa kakalaba ko ng mga damit ni Ser. Sabagay, gusto ko rin naman na magtuos kami nitong boyfriend ni Ser.

“Bakit ka nandito? Diba, kasama mo si Ser?” masungit kong pagkakatanong sa kaniya. Ngumisi naman ito sa akin habang ako naman ay tiningnan ko ang buong katawan niya. May tindig rin katulad ni Ser Axel at may mga muscles rin siya na halatang napapanatili niya. Bakat rin sa T-shirt niyang itim yung abs niya pero kahit ganun ay mas gusto ko ang abs ni Ser Axel.

“Tapos ka na bang magsiyasat sa katawan ko?” napabalik ako sa realidad. Tumikhim ako at mataray na tiningnan ko siya. “Mas gusto ko pa rin ang katawan ni Ser Axel kaysa sa iyo.” Masungit kong pagkakasabi sa kaniya pero halatang hindi naman siya nagpatinag dahil ningisian lang niya ako. Bakit ba niya ako ningingisian?

“You know, nagkukunyari ka lang na mas gusto mo yung katawan ni Axel kaysa sa akin pero sa totoo eh mas maganda at mahulma ang katawan ko kaysa sa kaniya. Alam mo, kung ako sa iyo umamin ka na lang na mas gusto mo ang katawan ko kaysa sa kaniya. Don’t worry, mas dadalhin kita sa kalangitan in no time at mas lalo mo pa ako hahanap-hanapin kapag ginawa natin yung mga ganung bagay.” Nang marinig ko iyon sa kaniya ay agad ko siyang binuhusan na isang balde na may lamang tubig at sabon. Nagulat naman siya sa ginawa ko sa kaniya. Walang modo! Sino ba ang magulang nito at ganito siya makaasta.

“Fuck. Why did you do that?!” galit na asik niya sa akin habang nakahawak siya sa basa niyang T-shirt pero hindi naman ako nagpatinag sa mga tingin na binibigay niya sa akin. “Aba’t! Nakaharang ka kasi dyan tsaka napakabastos ng bibig mo kaya naisip kong buhasan ka ng tubig na may sabon atleast nalinisin ka naman kahit papaano.” Mapanukso kong ngiti sa kaniya.

“Babeee! Where are you?” sabay naman kami napatingin sa loob dahil boses iyon ni Ser Axel na may pagkatinis nga lang ng boses. Agad naman niya hinubad ang itim niyang T-shirt sa harap ko at tumambad sa akin ang mala-6 pack abs niya. Lihim na napalunok ako sa ginawa niya, shems babae rin ako kaya hindi talaga maiiwasan na magandahan talaga sa katawan niya.

Hinagis naman niya ang T-shirt niya sa akin at napakunot na tiningnan ko siya. “Tuyuin mo iyan kung ayaw mong matanggal ka sa trabaho ni Axel. May araw ka sa akin.” Pagkasabi niya iyon sa akin ay iniwan na akong mag-isa at pumasok na ito sa loob. Binelatan ko naman siya nung pumasok siya sa loob. Buti nga sa kaniya. Wag siyang haharang-harang sa pag-iibigan namin ni Ser Axel.

Padabog ko naman na tinapon ko ang T-shirt niya sa nilalaba ko pang mga damit ni Ser Axel. Psh! Nakakainis! May araw rin siya sa akin.

“Ekaaaaa!” nagmamadali naman ako lumapit kay Ser Axel ng may dalang bagong plantsa na T-shirt nung ugok na iyon. Isang oras na nakakalipas nang matapos akong maglaba at magsampay ng mga damit ni Ser Axel.

“Bakit po Ser Axel?” binigyan ko naman si Ser ng matamis na ngiti kahit alam ko sa sarili ko na sa kaloob-looban ay inis na inis ako dahil sa nakadantay ang isang braso ng ugok na iyon sa leeg ni Ser axel at komportable silang nakaupo sa sofa. Napansin ko rin na nanonood sila ng isang basketball game.

“Ahhh akin na iyang T-shirt ni Ace.” Agad naman kinuha sa akin ni Ser Axel ang T-shirt ng ugok na iyon at naramdaman kong nagkahawak ang aming kamay ni Ser Axel. Palihim naman ako na kinikilig dahil sa paghawak ng kamay namin. Hindi-hindi na ako maliligo mamaya.

“O ito babe, bakit ka naman kasi naging clumsy. Iinom ka na nga lang ng tubig, nabasa pa yung T-shirt mo.” Sinserong pinapagalitan siya ni Ser Axel habang ako naman ay masama ko lang siya tinitingnan. Buti talaga at nakatalikod sa akin si Ser Axel kung hindi eh baka tanggalin na ako ni Ser Axel sa trabaho.

“Wait lang babe, susuotin ko lang.” pagkasabi niya iyon kay Ser Axel ay lumingon sa akin si Ser Axel. “Bakit ka pa nandito? Linisin at diligan mo yung mga halaman sa labas. Dali! Hinding-hindi ko ipapakita sa iyo ang abs ng babe ko noh. Chupi!” pagkautos niya iyon sa akin ay agaran naman ako lumabas ng bahay at nagdilig-dlig muna ng mga halaman ni Ser Axel.

Psh! Kanina ko pa nakita yung abs at muscles ng boyfriend niya. Ano ulit pangalan ng ugok na iyon? Aish! Bahala siya. Pakielam ko ba sa kaniya. Hindi naman siya ganun kaimportante sa buhay ko.

­“Sorry babe ah, nagkaemergency lang talaga sa office ko. If you want, umalis ka na rin at pumunta ka sa mga kaibigan mo.” Malungkot na sabi ni Ser Axel sa ugok. Balik lalaki ulit ang tindig at suot ni Ser Axel ngayon, nakasuot siya ng pang-opisina na uniporme. Narinig ko kanina na pupunta siya sa office dahil nagkaroon ng emergency at kailangan siya doon.

Hays. Mas lalo tuloy ako naiinlab kay Ser Axel kapag ganyan yung itsura niya. Malinis na malinis tingnan at napakagwapo pa except nga lang sa boses na binibigay niya sa ugok na iyon.

“It’s okay babe, mukhang busy naman yung mga kaibigan ko ngayon tsaka hihintayin kita mamaya kaya sana pakibilisan mong gawin yung dapat gawin sa office para makauwi ka dito sa bahay natin.” Nanunuksong bulong nito sa kaniya kahit rinig na rinig ko naman. Nandito ako sa living room at nagwawalis ako ngayon.

“O Eka, wag na wag kang mangtatangka na isedue si Ace kung ayaw mong matanggalan ng trabaho.” Babala sa akin ni Ser Axel. Lihim na tiningnan ko yung ugok at nakangisi lang ito sa akin. Ako? Mang-aakit sa boyfriend niya? Baka yung boyfriend pa niya ang mang-akit sa akin.

“Yes, Ser hinding-hindi ako papayag na lumapit siya sa akin ni katiting ng buhok ko ay hindi ko sa kaniya ipapahawak.” Nakangiti na sabi ko kay Ser Axel. Tumango na nga siya at tuluyan na niya kami iniwan dito sa loob ng bahay. Nang marinig na namin ang pag-alis ng sasakyan niya ay mataray na tiningnan ko ulit siya.

“Narinig mo naman ata ang sinabi ng boyfriend mo diba?”

“Wala naman siyang sinabi na hindi kita pwedeng akitin.” Unti-unti naman siya lumalapit sa akin habang ako naman ay nakatayo lang ako doon at nakakunot na tinitigan ko siya. Nang nakalapit na siya sa akin ay agad ko naman siya sinikuan ng walis tambo sa tiyan niya. Nakita ko naman na napahawak ito sa tiyan niya at namimilipit sa sakit ang mukha niya.

“Ang tigas rin kasi ng bungo mo. Ano akala mo sa akin? Mapapasunod mo? Hoy! Hindi kita type, tanging si Ser Axel lang type ko.” Nang-aasar kong sabi sa kaniya habang siya naman ay namimilipit pa rin sa sakit na ginawa ko sa kaniya. Nakaluhod naman siyang lumapit sa sofa dito at umupo doon na parang akala mo eh hari.

Tumingin siya sa akin at nakangisi pa ang ugok habang hawak pa rin niya ang tiyan. “Hindi mo ba talaga ako kilala?” nang marinig ko iyon sa kaniya ay hindi ko mapigilan na makausap ko ang sarili kong utak. Bakit sino ba siya? Kasing sikat rin ba katulad ng pinakamamahal kong si Ser Axel? Nang mapansin niyang wala siyang nakuhang sagot sa akin ay napatawa ito ng malakas.

Gulat naman ako napatingin sa kaniya. Ano ba meron sa kaniya? Nababaliw na ba ito. Kinuha niya ang remote ng TV at binuksan niya ito. Tinuro niya gamit ang kanyang hintuturo sa TV. Sinundan ko naman ang tingin ko sa hintuturo at may nakita akong isang lalaki na nakatalikod at nakasuot ito ng jersey ng may numero na 12 at Magdrigal sa itaas ng numero na iyon.

Pagkalingon nung lalaki na iyon ay gulat na napatitig ako sa TV. Hindi ba siya iyon? Binalik ko ang tingin ko sa kaniya at sa TV.

“Now you know, I’m a varsity basketball player in one of the most famous university here in the Philippines.” Ahhh…basketball player pala siya kaya hindi talaga impossible na ganyan ang hulma ng katawan niya. Kumbaga, kailangan nila alagaan ang katawan nila.

“So what can you say? Mas maangat na ba ako kaysa kay Axel?” nakangisi nitong tanong sa akin.

“Hindi.” Nakita ko naman na gulat ang natanggap kong expresyon ng kaniyang mukha. Mukhang nagulat ito dahil sa sinagot ko sa kaniya. “Kasi una pa lang, si Ser Axel na ang nagpapatibok sa puso ko at loyal lang ako sa lalaking mamahalin ko ng habambuhay.” Pinagmamalaki kong sabi sa kaniya.

“Hahahahahahahahaha! So you mean, na love at first sight ka kay Axel?” natutuwa na tanong niya sa akin. Masaya naman ako na tumango sa kaniya. Si Ser Axel lang naman ang kauna-unahang lalaki na nagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis.

“Wow, well you know, ikaw lang rin ang kauna-unahang babae na nagkainteresado ako.” Gulat na napatingin ako sa kaniya. Unsay gisulti niini? (Ano pinagsasabi nito?) Tumayo ito at lumapit sa akin.

“Just kidding. Hinding-hindi ako papatol sa isang pangit na katulad mo.” Bigla napamaang ang bibig ko dahil sa sinabi niya sa akin. Pangit? Ganun ba talaga ako kapangit na nilalang? Nakita ko naman na tumatawa ito sa akin patalikod at napahawak na ito sa tyan niya.

“Hahahahahahahahahahahaha! Ang epic ng mukha mo kanina, akala mo talaga na magkakainteresado ako sa iyo?” naluluha niyang tanong sa akin. Naluluha siya dahil sa sobrang tuwa niya dahil naisahan lang naman niya ako.

“Wooh!” pinahid niya ang luhang nakatakas sa mata niya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Mukha naman na may tinatawagan siya. “Hello Georgia? Nandyan pa parents mo?” nakakunot na tiningn ko siya. Georgia? Babae niya?

“Oh okay, pupunta ako dyan. Wait ka lang dyan. Hmmm…bye.” Pagkababa niya iyon sa cellphone ay humarap siya sa akin at tumayo. “Well, pakisabi na lang kay Axel na may pinuntahan ako.” Pagkasabi niya iyon ay aakmang aalis na siya ng bigla ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

“Ano ginagawa mo?” madiin na tanong ko sa kaniya. Nakangisi na binawi niya ang braso niya sa akin. “What? I didn’t do anything wrong right? Lalaki pa rin ako at ang type ko ay babae.” Napamaang ako sa sinabi niya at lumayo ako sa kaniya ng kaunti. Oo nga naman, lalaki pa rin siya at may pangangailangan pero hindi naman tama na ginagawa niya ito patalikod kay Ser Axel.

“Don’t worry, alam naman ni Axel na matagal ko na siyang niloloko since alam niya na pangangailangan ko iyon bilang lalaki. Wala naman siya magagawa dahil una bulag siya sa pagmamahal niya sa akin at pangalawa dahil hindi naman niya kayang maibigay yung pangangailangan ko bilang lalaki dahil kapwa kami lalaki. I don’t want to ever try to fuck with another guy for pete’s sa—“ bigla ko siyang binigyan ng malakas na sampal. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Wala kang karapatan na sabihan mo ng masasama na salita si Ser Axel. Ano naman kung hindi niya maibigay yung pangangailangan mo bilang lalaki? Mahal ka nung tao pero ikaw binabasura mo lang?” hinanakit kong tanong sa kaniya. Hindi ko maiwasan na mainis sa kaniya dahil ilang araw lang ako dito sa pamamahay ni Ser Axel pero lumalalim na yung pagmamahal ko sa kaniya samantalang siya? Buti nga mahal siya ni Ser Axel at napapansin siya eh.

“Sige, ikaw ba papayag kang makipagsex sa same sex mo?” pagkatanong niya sa akin iyon ay parang naputulan ako ng dila. Sabagay, wala akong alam dahil hindi ko naman naexperience ang ganitong klase ng pag-ibig. Hindi rin naman ako naakit sa mga sexy na babae o kahit tomboy.

“I think, naputulan ka na nang dila dyan. Well, I have to go. Pakisabi na lang kay Axel na nauna na ako dahil nagkaemergncy. If you want, try mong sabihin yung totoo kay Axel na pumunta nga talaga ako sa bahay ng babae para makipagsex but it’s your choice kung gusto mo makita na masaktan si Axel or not kaya mas mabuti na lang na sikreto na lang natin dalawa ito. Okay?” pagkasabi niya iyon sa akin ay iniwan na niya ako mag-isa dito sa bahay.

Hinding-hindi ko papayagan na masaktan si Ser Axel dahil sa lalaki na iyon. Mas gusto ko pang ako na lang ang masaktan kaysa makita kong nasasaktan si Ser Axel dahil sa isang walang kwentang lalaki. Gagawin ko talaga ang lahat para lang sumaya si Ser Axel at maisip niya na hindi naman niya kailangan ang isang lalaki na pasayahin siya, dahil nandito naman ako para mahalin siya ng totoo.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like FloralBride's other books...