Kailan Ka Mapapasakin

 

Tablo reader up chevron

Prologo

Hindi madali sa lahat kapag ikaw ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May mga iba kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral eh meron manghuhusga agad sa iyo. May mga iba naman na kahit kapos ka na sa pera ay kailangan mong magtrabaho para lang makapagtapos o hindi naman ay para sa mga magulang mo. Hindi ka rin makakatrabaho ng gusto mong propesyon kapag hindi ka nakapagtapos ng kolehiyo. Hindi mo rin makukuha yung gusto mong kurso dahil sobrang mahal na hindi mo naman mabayaran.

 

Oo mahirap talaga kapag hindi ka mayaman o hindi ka anak ng mga mayayaman kasi hindi naman natin pwede labanan ang tadhana. Kailangan mo ay magsumikap, kailangan ay paghirapan, kailangan may dugo't pawis, at kailangan ay pagpaguran mo pa para lang makaahon naman ng konti.

 

Pero pagdating rin kaya sa pag-ibig mahirap rin ba makamtan? Kapag ba umibig ka eh may manghuhusga rin ba sa iyo? Kung umiibig ba ay kailangan nakapagtapos ka ng pag-aaral para lang mapasagot yung mga magulang niya ng matamis nilang "oo".

 

Simple lang naman ang gusto ko, ito ay makapagtapos lang ako ng pag-aaral, makakuha ng magandang trabaho para tulungan yung mga magulang ko at makapag-asawa. Madali lang naman yung mga gusto ko pero bakit parang ang hirap nun matupad? Ah, alam ko na kasi hamak lang ako mahirap o dukha.

 

Sa ngayon kaya meron pa rin kaya tatanggap sa akin at mamahalin ako ng lubos kahit mahirap lang ako?

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1

"And the Salutatorian of Elegante National Highscool S.Y. 2006-2007 is no other than Anthony Rey Cruz!" pagkarinig ko iyon ay tumayo ako sa aking kinaupuan at hinanap agad ng aking mga mata ang mga magulang ko. Nakita ko na tumayo sila at nakangiti na lumapit sila sa akin. Nang nakalapit na sila sa akin ay hindi nila mapigilan na ngumiti ng malawak sa akin. Nakikita ko sa mga mata nila na tuwang tuwa sila para sa akin.

Pumunta na nga kami sa stage at habang papunta kami doon ay naririnig ko yung mga hiyawan ng mga kaklase ko at yung mga kabatchmates ko.

"Woooh! Graduate na si kuya Anthony!"

"Yes! Graduate ka na Rey!"

"Ang talino mo Rey!"

"Tingnan mo nakagraduate ka pa bilang salutatorian!"

Yan yung mga naririnig ko habang umaakyat kami sa stage. Pagkalapit namin kay Ginang Edna Elegante. Siya ang principal at isa rin siya na may-ari ng paaralan na ito. Ang Elegante National Highschool ay isang public highschool sa bayan namin dito meron rin naman itong elementary pero hiwalay yung building namin sa kanila. Nakangiti na inabutan ng kamay yung mga magulang ko.

"Congratulations Mr. and Mrs. Cruz!" sabi ni Ginang Edna.

"Salamat po at sobra kami nagpapasalamat sa mga ginawa niyo po sa anak po namin." sabi ng mga magulang ko. Nakita ko na ngumiti si Ginang Edna at nung ako na ang kumamay sa kaniya ay

"Congratulations Rey at nakagraduate ka na rin sa wakas." pagkasabi niya ay ngumiti ako sa kaniya.

"Oo nga po tsaka rin po hindi ko ineexpect na masasali po ako sa honors at salutatorian pa." pagkasabi ko ay natawa si Ginang Edna sa akin at

"Dahil sa kasipagan at pagiging determinado mo iyan Rey kaya ka nakagraduate at naging salutatorian ka." pagkasabi niya ay

"Uhm...ma'am pwede niyo na po ibigay yung certificate at yung medal kay Rey, napapahaba na po ata yung usapan niyo." sabi nung amnouncer sa amin.

Narinig ko naman na tumawa yung mga nasa baba ng stage at kahit rin dito sa stage.

"Ah oo nga. Oh ito nanay at tatay ito po yung medal ng anak niyo at ito Rey yung certificate mo." pagkasabi ni Ginang Edna sa amin ay binigay na nga niya yung medal ko sa mga magulang ko at binigay na rin sa akin yung certificate.

Habang sinasabit yung medalya ko ay hindi ko mapigilan na maluha at katulad rin ng nanay ko ay nakikita ko na naluluha na rin ito. Pagkasabit niya sa akin nung medalya ay

"Graduate ka na anak." nakangiti na sabi sa akin. Tumango naman ako at nung humarap na kami sa stage ay itanaas ko ang medalya ko at yung certificate. Marami ako na narinig na naghiwayan sa akin. Pagkatapos non ay bumaba na nga kami sa stage.

Pagkabalik ko sa inuupan ko ay umupo ako at

"Iba nga naman kapag gwapo ka noh. Sa palagay ko pinikot mo yung mga teachers dito kahit na rin si Ginang Edna." bulong sa akin ng katabi kong babae. Napailing na nakangiti ako sa sinabi niya. May sasabihin sana ako sa kaniya ng

"And the Valedictorian of Elegante National Highschool S.Y. 2006-2007 is no other than Bernaden Louise Santimosa." pagkaanunsyo ng announcer ay binulong ko yung babae na nasa tabi ko.

"Pinikot pala ah, humanda ka sa akin mamaya. Umakyat ka na Miss Valedictorian." pagkasabi ko sa kaniya ay piningot niya ako sa tenga at

"Uy! Mamaya na yan!" sabi nung nasa likod ko. Napatawa na lang ako at tumayo na nga siya. May hinahanap siya at nung nahanap na nga niya yung hinahanap niya ay nakangiti na lumapit sa kaniya yung mga magulang niya.

Umakyat na nga sila sa stage at nung papaakyat na sila ay hindi pa rin mawawala yung mga hiwayan. Ganun rin at may sinabi si Ginang Edna at parang may sinasabi sa kaniya na nagpamula sa mukha niya sunod ay nakipagkamayan na nga yung mga magulang niya at kahit rin siya.

Ganun rin ay binigay na nga ni Ginang Edna yung medalya at yung certificate pagkatapos ay isinabit na nga nung mga magulang niya yung medalya habang siya ay nakahawak doon sa certificate na binigay sa kaniya pagkatapos ay ganun rin yung ginawa ko kanina ay itinaas niya rin yung medalya niya at certificate. Pagkataas nun ay maraming kalalakihan ang naghiyawan sa kaniya at pagkatapos non ay bumaba na nga sila sa stage.

Pagkalapit niya sa akin ay umupo na nga siya sa tabi ko at parang bigla na lang ito natahimik.

"And for the Valedictorian speech, may we call on Miss Bernaden Louise Santimosa." pagkatawag nung announcer kay Den ay tumayo na nga siya at umakyat na sa stage. Pagkalapit niya doon sa podium ay

"Eherm. Good afternoon students, parents, teachers and who attend this Graduation." panimula niya.

"Uhm...dahil dinudugo ako sa English at dahil Pilipino tayo ay magtatagalog na lang ako." pagkasabi niya ay madami natawa dahil sa sinabi niya.

"Okay. Sa totoo kinakabahan na ako ngayon at hindi lang halata sa mukha ko. Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kung wala siya ay hindi ko ata ito makakamtan itong medalya at certificate. Pangalawa ay nagpapasalamat ako kay Ginang Edna dahil kahit kami yung mga makukulit na batch ay nandyan pa rin kayo at ginagabayan kami. Sa mga guro namin na nagturo sa amin ay laki kaming nagpapasalamat dahil kayo nagturo sa amin ng mga kaalaman na hindi pa namin alam. Maituturing po namin kayong pangalawang magulang dahil kahit pasaway kami minsan ay pinapangaral niyo pa rin kami."

"Kay Miss William na adviser namin, Miss mamimiss po namin kayo kahit pasaway kami at maiingay kaming magkaklase ay nandyan pa rin kayo at tinuturing niyo po kami na anak niyo. Miss sana po kapag dumalaw kami dito eh sana po ay may asawa na po at may anak na rin po kayo." pagkasabi niya ay natawa na lang kami. Narinig namin yung sigaw ni Miss William ng

"Oy umayos ka Bernaden!" pagkasigaw ni Miss William ay natawa ulit kami.

"Hahaha peace Miss! Uhm...sa mga magulang ko nagpapasalamat po ako at nandyan lang kayo sa akin na kahit naghihirap na kayo sa pagtatanim ng mga gulay ay nandyan pa rin kayo at sinusuportahan kaming magkakapatid." pagkasabi niya ay nagsisimula na ito lumuha.

"Sorry po minsan kung nagtatanim po ako sa inyo ng tampo kasi minsan puro trabaho na lang kayo at palagi kaming magkakapatid ay naiiwan sa bahay. Tapos minsan ay hindi niyo po nabibili yung gusto namin. Ngayon po naiintindihan ko na kayo na mahirap talaga pag mahirap ka at hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral kasi kailangan mong magtrabaho at kailangan mong magsumikap para hindi kayo makatulad sa amin at ngayon nay tay ito na oh nakagraduate na ako at valedictorian pa yung panganay niyo."

"Pagbubutihan ko po nay tay at mag-aaral ako ng mabuti sa college para matulungan ko na po kayo at para mapatapos ko rin ng pag-aaral yung mga kapatid ko."

"Para sa mga kaklase ko ay mamimiss ko kayo at sana ay pagkatapos nito ay wag kayong sumuko na mag-aral ng college. Wag kayong tumigil mangarap at kung kapos kayo sa pag-aaral ng college eh magtrabaho tayo o magpart time job para kapag nakapag-ipon tayo eh meron na tayo pampaaral diba? Gayahin natin si Rey." pagkasabi niya ay tumingin siya sa akin.

"Tingnan niyo kahit mas matanda siya sa atin ay ngayon ay nakapagtapos na siya ng highschool. Kahit 24 na siya ay tingnan niyo dahil sa pagsusumikap niya at pagiging determinado niya ay ngayon nakapagtapos na siya ng highschool at naging salutatorian pa siya."

"Akala ko nga non ay baka napikot lang niya yung mga teachers dito dahil sa kagwapuhan niya pero hindi nakikita ko at sa mga teachers dito na nagsusumikap talaga siya para lang makapagtapos siya. So guys, palakpakan naman natin si Rey dahil sa dedikasyon niyang makapagtapos." pagkasabi niya ay pumalalpak sa akin yung mga nandito sa baba ng stage. Tumayo ako at nagbow sa kanila at ngumiti.

"Dito na matatapos yung speech ko at sana sa pagbaba ko sa stage na ito ay may mapulutan kayo ng aral." pagkasabi niya ay ngumiti siya at nagbow pagkatapos ay bumaba na siya sa stage. Habang bumababa siya ng stage ay nagpalakpakan yung mga tao at yung mga iba ay tumayo.

Pagkalapit niya sa inuupan niya ay umupo na siya at may binulong ako sa kaniya.

"Nice speech Miss Valedictorian." bulong ko sa kaniya. Bumulong naman siya sa akin.

"Magaling lang talaga ako." Sa pagmamalaki niya ay tumawa kaming dalawa.

Nakalipas ng isang oras ay natapos na rin yung graduation. Binalik na rin namin yung mga toga namin sa office para daw magamit pa sa next batch.

"Oh ano may handa ba sa inyo Rey?" tanong sa akin ni Monty.

"Ah simpleng handaan lang." sabi ko sa kaniya.

"Eh ikaw Miss Valedictorian may handa ba sa inyo?" tanong ni Roy kay Den.

"Mmm. Meron sama kayo? Ah oo nga pala Rey inimbita ko na sina Nanay Lydia at Tatay Lucio sabi nila uuwi lang daw sila sa bahay para daw masamahan na rin yung mga kapatid mo tapos ay didiretso na lang sa bahay namin." sabi sa akin ni Den.

"Huh? Paanong nangyari yun eh sabi nila may simple kami handaan." sabi ko sa kaniya.

"Mm. Ewan ko pero pumayag sila sa imbitasyon ko eh." sabi niya. Tumango na lang ako.

"Wow naman! Eh kami Den naimbita mo na rin ba yung mga magulang namin?" tanong ni Jay sa kaniya.

"Ah sa totoo si Rey pa lang kaya kayo na bahala sa mga magulang niyo pero kung gusto niyo samahan ko na lang kayo magpaalam." sabi niya sa kanila. Mukha naman payag yung tatlo ng may

"Bernaden!" tawag ni Ginang Edna sa kaniya. Lumapit sa amin si Ginang Eden at

"Pwede ko ba mahiram si Berden sa inyo?" tumango naman kami at ngumiti kay Ginang Edna.

"Sige Ginang kunin niyo na siya at baka importante iyan." sabi ni Jay kay Ginang.

"Salamat. Sandali lang naman at ibabalik ko rin naman siya." sabi ni Ginang Edna sa amin. Pagkatapos non ay umalis na nga silang dalawa.

Ako nga pala si Anthony Rey Cruz at 24 taong gulang na ako. Ewan ko kung nakakahiya pero oo matanda na ako para sa isang graduated student ng highschool. Ako ang panganay na anak ng mga Cruz at may dalawa pa akong kapatid, isang babae at isang lalaki.

Dapat ay nagtatrabaho na ako ngayon at tinutulungan ko na sina Nanay at Tatay kaso ayun nga hindi pa nga ako nakakagraduate ng highschool kasi nung elementary ako ay tumigil ako sa pag-aaral kasi wala na kaming pera nun at kailangan ko tuloy magtrabaho kaya naudlot yung pag-aaral ko ng elementarya.

Pagkatapos ng dalawang taon ay bumalik ako ng pag-aaral ng elementarya kaso matapos ng isang taon ay kailangan ko na naman tumigil kasi nagkasakit yung isa kong kapatid ng dengue kaya kailangan ko na naman magtrabaho hangga't umabot na ako ng dalawampu ay nakagraduate rin ako ng elementarya.

Oo mahirap at nakakahiya kasi ako lang yung pinakamatanda na naggraduate ng elementarya ng batch namin pero kalaunan ay natanggap ko na yung sarili ko na wag na mahiya at kailangan ko magpursigido para makapagtapos lang at doon nakilala ko sina Monty, Roy, Den at Jay.

Nakilala ko sila nung highschool ako at first year ako non. Una pasok ng klase ay wala akong kakilala non at naging mahiyain ako kasi ako lang yung pinakamatanda sa batch namin pero may apat na tao lumapit sa akin at gusto nila ako maging kaibigan na di kalaunan ay naging magkabarkada na kami. Doon ko nalaman na magkaklase silang apat nung elementary sila kaya silang apat rin ay lumapit sa akin at yung apat na iyon ay sila yung kausap ko kanina.

"Rey tawag ka ni Ginang Edna!" bumalik na lang ako sa realidad ng may tumawag sa akin at si Den na tumatakbo palapit sa amin.

"Bakit daw?" tanong ni Roy sa kaniya.

"Mm. Ewan ko. Oh siya Rey pumunta ka na sa principal's office. Kayong tatlo tutulungan ko pa kayo na magpaalam sa mga magulang niyo." sabi niya sa kanila.

"Oh siya pumunta ka na Rey." tapik sa akin ni Jay. Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya. Pagkatapos ay iniwan ko na nga sila at pumunta na sa principal's office.

Pagkapunta ko sa principal's office ay kumatok na muna ako. Nang narinig ko na yung signal na pwede na ako pumasok ay pumasok na nga ako. Pagkapasok ko ay nakita ko si Ginang na nakaupo sa upuan niya sa desk at nakangiti sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit ako pinatawag.

"Maupo ka sa harap ko Rey." magalang na utos sa akin ni Ginang. Sinunod ko naman siya at umupo na nga ako sa harap niya.

"Bakit niyo po ako pinapapunta dito Ginang?" tanong ko sa kaniya.

"Diba gusto mo makapagtapos ng pag-aaral?" tanong niya sa akin. Kahit nagtataka ako eh sumagot ako sa kaniya.

"Opo." sabi ko sa kaniya. Halos lahat naman ng estudyante eh gusto makapagtapos.

"Gusto mo makapagtapos dahil gusto mo tulungan yung mga magulang mo diba?" tanong ulit sa akin ni Ginang. Tumango naman ako.

"Desidido ka ba makapagtapos ng college kahit kapos kayo sa pera?" tumango naman ako. Alam ko na kapos kami sa pera pero pwede naman ako magtrabaho sa sakahan namin.

"Kung ganon, ano ba gusto mong kunin na kurso sa kolehiyo?" tanong niya sa akin. Napamaang ako sa tinanong sa akin ni Ginang. Sa totoo ay yun lamang ang nasa laman ng isip ko dati pa hanggang ngayon ay yung makapagtapos ako ng pag-aaral yun lang pero nasa isip ko rin kung ano ang gusto kong kurso pero

"HRM po. Gusto ko po sana makapagtayo ng sariling hotel Ginang." Natutuwa kong sagot sa kaniya.

"Ow. HRM, masyado mahal yung kursong iyon." sabi sa akin ni Ginang. Napangiti na lang ako ng mapait kasi totoo naman na sobrang mahal yung kursong iyon.

"Pero sige, okay lang naman. Nakikita ko naman sa mata mo na gustong gusto mong makapagtapos at yung kurso na pinili mo kaya tutulungan kita na makapagtapos ng college." pagkasabi ni Ginang iyon ay tumingin ako sa kaniya ng diretso.

"Po? Ano ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kaniya. Nakangiti siya sa akin.

"Bibigyan kita ng scholarship para sa college mo at para makapagtapos ka." pagkasabi ni Ginang iyon ay nabuhayan ako ng loob dahil onti onti ay natutupad na yung pangarap ko.

"Pero Rey." Bigla naman ako nakaramdam ng kaba dahil sa pangbibitin ni Ginang.

"Sa totoo kasi si Berden lang ang may scholarship at fully iyon ibig sabihin nun ay kahit 4-5 years yung kurso na gusto niya ay kami ang bahala sa bayad nung tuition fee niya at papag-aralin namin siya sa private university sa Maynila." tumango naman ako. Kaya pala tinawag si Den kanina.

"Eh kaso dahil nakikita ko na pursigido ka at may determinasyon sa pag-aaral ay bibigyan ka namin ng scholarship kaso ay pang one year scholarship lang iyon at sa public university ka mag-aaral kasi doon lang kaya ng eskwelahan na ito at yung Mayor natin dito ay nagbigay ng tulong para kay Bernaden at para sa iyo." patuloy na paliwanag sa akin ni Ginang. Kung ganon ay isang taon lang ako pwede mag-aral ng college kasi sa totoo ay mahal talaga iyon pero papag-aralan naman ako sa university pero public nga lang pero okay lang iyon sa akin basta makapagtapos.

Naisip ko naman na pwede naman ako magpart time job sa Maynila atleast nasa legal age na rin naman ako.

"Ano Rey, nakapagdesisyon ka na ba?" bigla akong tumingin kay Ginang at nakangiti na tumango ako sa kaniya.

"Opo, okay lang po sa akin kung isang taon lang ako binigyan ng scholarship pwede naman po ako magtrabaho doon sa Maynila." sagot ko sa kaniya. Nakangiti na tumango sa akin si Ginang.

"Pero mahirap doon maghanap ng trabaho at yung mga trabaho rin doon ay hindi katulad dito na magtatanim ka lang ng gulay o prutas." sabi sa akin ni Ginang.

"Okay lang po sa akin iyon Ginang basta makatulong lang ako sa pamilya ko at para mapatapos ko rin yung mga kapatid ko." sabi ko kay Ginang.

"Oh siya kung gayon ay Congrats at makakapag-aral ka na ng college sa Maynila Rey." pagkasabi niya iyon ay tumayo siya at ako rin ay tumayo rin at nakipagkamay sa kaniya.

"Sabihan mo na rin yung mga magulang mo Rey at sigurado akong matutuwa sila sa balita niyan." sabi sa akin ni Ginang. Tumango naman ako at pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kaniya at pagkatapos ay lumabas na ako sa kwartong iyon.

Habang papalabas na ako sa building namin ay hindi ko mapigilan na mapangiti abot tenga kasi sa wakas ay makakapag-aral na ako ng kolehiyo.

Nakita ko naman na hinihintay ako ng mga kaibigan ko. Bakit nandito pa sila? Akala ko ba magpapaalam sila sa mga magulang nila? Pagkalapit ko sa kanila ay

"Uy ba't ang tagal mo?" tanong sa akin ni Monty.

"Eh kayo? Bakit kayo nandito? Akala ko ba Den tutulungan mo silang magpaalam sa mga magulang nila?" tanong ko kay Den.

"Ano ka ba! Kanina ko pa sila pinaalam sa mga magulang nila. Ikaw lang talaga ang tanging hinihintay namin para umalis." Halata na kinokonsensya niya ako dahil sa pagiging matagal ko pero kung ganon naman ay dapat nauna na lang sila pumunta sa bahay niya.

"Aba may magandang ba sinabi si Ginang sa iyo?" singit na tanong sa akin ni Jay.

"Oh baka naman ay may magandang nangyari sa kaniya kanina." sabi ni Roy.

"Oy! Mamaya na iyan at kailangan na natin pumunta sa bahay ko at pinaghihintay na natin sila." sabi ni Den sa amin.

"Oo nga mamaya ko na lang sasabihin sa inyo at sigurado akong matutuwa kayo sa sasabihin ko sa inyo." sabi ko sa kanila.

"Siguraduhin mo lang Rey." sabi sa akin ni Jay. Napatawa na lang kami kasi namumula na sa galit si Den at kailangan na namin umalis kaya napagpasiyahan na namin umalis at baka maging dragon pa si Den. Nakakatakot pa naman ito magalit.

Umalis na nga kami sa eskwelahan namin at pupunta na nga kami sa bahay ni Den pero bago niyan ay naghuling sulyap muna ako sa magiging dati na naming school na ito.

Hindi ko mapigilan na mapangiti at maluha kasi ang daming alaala na hindi ko makakalimutan at mababaon ito sa isipan at puso ko.

"Hoy Rey! Nagiging dragon na si Den oh!" bumalik na lang ako sa realidad ng sumigaw si Monty. Tumakbo na ako sa kanila at humingi ako ng pasensiya nung lumapit na ako sa kanila.

Hindi ko na alam kung ano mararamdaman ko kapag wala sila at kahit yung mga mahal ko sa buhay. Sana patuloy yung maging ganito para naman ay sa susunod na magkikita kami ay baka maging successful na kami sa buhay.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 2

Pagdating namin sa bahay ni Den ay nandoon na nga yung mga bisita nila. Nanduon na rin yung mga iba pa namin kaklase at nanduon na rin yung mga magulang namin. Yung bahay ni Den ay isang kubo na katulad dito sa bayan namin. Wala naman nakatira ditong mamansyon na bahay kundi yung Mayor lang namin tsaka yung mga mayayaman talaga meron non kaso nasa kabilang baryo pa yung mga iyon.

"Kuya!" napatingin ako sa babaeng tumatakbo sa amin. Napangiti ako at binuka ko yung dalawa kong braso para yakapin siya.

"Reia!" tawag ko sa kaniya. Nang nakalapit na siya sa akin ay dinambahan na niya ako ng yakap.

"Kuya congrats at nakapagtapos ka ng highschool." pagbati niya sa akin.

"Kaya Reia gayahin mo si Kuya." sabi sa kaniya ni Den. Tumango naman at ngumiti si Reia sa kaniya.

"Opo, gagayahin ko talaga si Kuya." sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Oo nga pala Kuya tawag ka ni Nanay." pagkasabi niya iyon ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at humawak na ako sa kamay ng kapatid ko.

Oo nga pala si Reia ay kapatid kong babae at may isa pa akong kapatid na lalaki at iyon ay ang bunso namin. Si Reia ay first year highschool at sa pagpasok niya ay magiging second year na siya. Doon rin siya nag-aaral sa school na pinaggraduate ko kanina. Pagkalapit namin sa lamesa ng mga magulang ko ay

"Kuya!" tawag sa akin ni Jonathan. Si Jonathan ay yung tinutukoy kong kapatid na lalaki at bunso namin. Grade 2 na siya sa pasukan at nag-aaral naman siya sa Elegante National Highschool pero sabi ko nga kanina ay hiwalay yung elementary at highschool.

Pagkaupo ko sa lamesa namin ay

"Ba't ba ang tagal niyo?" tanong sa akin ni Nanay.

"Eh may sinabi sa akin si Ginang at bukas Nay may sasabihin ako sa inyo ni Tatay." sagot ko kay Nanay. Bukas ko na lang sasabihin kasi siguardo ako kapag uuwi na kami sa bahay ay diretso kami ng tulog.

"Oh kumain ka na." pagkasabi sa akin ni Nanay ay nakita ko na may pagkain nga. Nagsimula na nga ako kumain at habang kumakain ako eh may lumapit sa amin.

"Oh pare, halika inuman tayo." pagkasabi ni Tatay Rodrigo, tatay ni Ray

"Oh sige, paano Sinta doon muna ako sa kanila." sabi ni Tatay kay Nanay. Oo Irog at Sinta yung tawagan nila, ewan ko ba at uso pa rin yung tawagan na yun sa mag-asawa.

"Oh sige pero wag ka uminom masyado ah." sabi sa kaniya ni Nanay. Tumango naman si Tatay at umalis na nga. Sumusunod naman si Tatay sa mga sinasabi ni Nanay kaya nakakahanga si Tatay eh.

"Rey!" bigla akong tumingin sa tumawag sa akin at sina Den, Jay, Roy, at Monty na papalapit sa amin.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanila. Mabuti at patapos na rin ako kumain. Nang natapos ko na nguyain yung kinakain ko ay lumunok ako at uminom ako ng tubig at humarap sa kanila.

"Nanay Lydia pwede po ba hiramin si Rey?" paalam ni Jay kay Nanay. Ngumiti naman si Nanay at

"Sige basta ibalik niyo siya ah." sabi ni Nanay sa kaniya.

"Masusunod po Nay Lydia." Magalang na sabi ni Monty sa kaniya. Humarap ako kay Nanay at hinalikan ko siya sa noo.

"Sandali lang po Nay at babalik po ako." sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. Tumayo na ako at lumapit na sa kanila.

Ngayon ay papunta na kami sa sikreto naming tambayan. Nandito kami sa isang parang beach at umupo na nga kami sa buhangin. Tinatanaw namin yung buwan sa kalangitan at yung mga bituin.

"Grabe akala ko talaga hindi na ako makakagraduate." panimula ni Roy. Napatawa na lang kami dahil sa biro niya. Sa totoo ay hindi nga namin alam kung makakagraduate siya kasi paano ba naman pasang awa yung mga grades niya.

"Atleast ngayon natupad na. Tingnan mo sama-sama tayo nakagraduate." Ani sa kaniya ni Monty.

"Hmm...parang gusto ko lumangoy." Pambabasag na sabi ni Den. Napatingin kami sa kaniya at

"Oh bakit kayo ganiyan makatingin sa akin?" tanong niya sa amin. Umiling naman kami at

"Oo nga magswimming tayo. Ang init na rin eh, halika guys maghubad na tayo." aya ni Roy sa amin at tumayo na nga.

"Wow makaguys ito." asar ni Jay sa kaniya at tumayo rin siya at nagsimula na ito maghubad. Naghubad na rin si Roy.

"Oh kayong dalawa hindi pa ba kayo maghuhubad diyan?" tanong ni Den sa amin ni Monty. Umiling ako at

"Eh ikaw bakit maghuhubad ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya at

"Hindi ako maghuhubad. Ito na yung gagawin kong pangswimming, manghihiram na lang ako sa inyo ng T-shirt." sabi ni Den sa amin. Tumango na lang ako.

"Mamaya na lang ako." sabi ko sa kaniya. Humarap naman siya kay Monty at

"Ganun rin ako, mamaya na lang." sabi rin ni Monty sa kaniya.

"Okay. Halika na iwan na natin sila." Aya ni Den sa kanila at ayun nga tumakbo na yung tatlo at tumalon na nga sila sa tubig.

Nakikita ko na nagwiwisikan na sila ng tubig sa isa't isa. Ang saya nilang tingnan dahil ramdam na ramdam nila kung gaano sila kasaya dahil natapos na rin ang graduation namin.

"Ang ganda niya noh?" tanong sa akin ni Monty. Tumingin ako sa kaniya at

"Sino si Den?" balik ko naman tanong sa kaniya. Binaling niya ang kanyang ulo sa akin at nakakunot na nakatingin ito sa akin.

"Seryoso Rey? Sino pa ba kasama natin babae?" pilosopong tanong sa akin ni Monty. Napatawa na lang ako at humarap ulit sa mga kaibigan namin na ngayon ay nagkakarera sila kung sino ang mauuna sa finish line na ginawa nila sa bato sa dagat.

"Crush mo siya ano?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, mahal ko na nga siya eh." sagot niya sa akin. Napangiti na napailing na lang ako.

"Masyado ba obvious?" tanong niya ulit sa akin.

"Hindi naman." Pag-aamin ko sa kaniya.

"Nung una crush ko na siya nung Grade 4 pa kami. Ewan ko ba parang kinabukasan crush ko na lang siya at nung highschool tayo ayun naramdaman kong mahal ko na nga siya." kwento niya sa akin.

"Pero hindi ko alam kung aaminin ko yung nararamdaman ko sa kaniya." Ramdam ko sa kaniyang tinig ang pangamba at takot habang sinasabi niya ito sa akin.

"Ba't ayaw mo aminin?" tanong ko sa kaniya.

"Natatakot ako sa magiging sagot niya, ewan ko lalaki ako tsaka dapat kapag lalaki ka eh matapang ka kaso kapag nakakaharap ko na siya tsaka kapag kausap ko na siya bigla na lang tumitiklop yung dila ko kapag aamin ako sa kaniya." patuloy niya. Tumango na lang ako at

"Eh anu naman kung mareject ka niya o masaktan ka sa magiging sagot niya eh natry mo na ba tanungin siya? Hindi naman diba? Malay mo magsisi ka sa huli kasi hindi mo inamin yung totoong nararamdaman mo sa kaniya." payo ko sa kaniya.

"Tsk! Parang expert ka dito ah." Mapang-asar na sabi niya sa akin. Napailing na lang ako. Tsk! Tsk! Tingnan mo ito, binigyan ko na nga siya ng payo ako pa yung sinabihan ng ganyang bagay.

"Sinasabi ko lang yung tama." saad ko sa kaniya.

"Hmm...Sige. Itatary ko bukas. Aaminin ko na yung nararamdaman ko sa kaniya bukas na bukas." Ramdam ko naman na bigla itong sumigla ng sabihin niya sa akin iyon.

"Ayan! Yan ang totoong lalaki Monty." komento ko sa kaniya.

"Oy! Hindi pa ba kayo magswiswimming?" sigaw ni Den sa amin. Tumayo na kaming dalawa at naghubad na ng T-shirt. Napatingin naman sa akin si Monty sa katawan ko.

"Grabe pre! Paano ka nagkaroon ng ganiyang abs sa katawan? Paturo nga." tanong sa akin ni Monty. Binatukan ko na lang siya sa ulo at

"Baliw! Magsaka ka lang, magkargador sa taniman at magkakaroon ka nito tsaka bata pa naman yung katawan mo eh." sabi ko sa kaniya.

"Tsaka isipin mo muna kung paano ka aamin kay Den." bulong ko sa kaniya bago ako tumakbo palayo sa kaniya. Naiwan si Monty na nakakanga pero kalaunan ay tumakbo na rin at sumunod sa akin.

Pagkatalon namin ni Monty sa tubig ay naglaro na nga kaming lima sa tubig. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero kapag nakikita ko silang masaya ay nagiging masaya ako pero at the same ay nalulungkot ako dahil pagkatapos nito ay may sariling-sarili na kaming buhay. Makalipas ng tatlumpung minuto ay umahon na kami at lumalamig na rin.

Naghanap muna kami ng kahoy at nang nakakolekta na kami ng maraming kahoy ay pinagsama sama namin ito para makabuo kami ng parang camp fire ba yung tawag doon. Buti na lang at may dalang lighter si Roy at sinindahan niya ito muna sa dahon pagkatapos ay nilusot niya ito sa kahoy at ilang minuto ay sumindi na rin.

Nandito kami at nagpapainit. Napansin kong nilalamigan na si Den. Humarap sa akin si Den at

"Pahiram nga Rey ng T-shirt mo." sabi sa akin ni Den. Nagulat ako at agad na napadako ang tingin ko kay Monty. Humihingi ako sa kaniya ng tulong pero

"Uy Rey! Sabi ko pahiram." pagpupumilit sa akin ni Den. Tumango lang sa akin si Monty na parang bang sinasabi na sundin ko na lang at wala na akong nagawa kaya binigay ko nga sa kaniya yung T-shirt. Pagkabigay ko sa kaniya ng T-shirt ay sinuot niya ito at inaamoy amoy pa niya.

"Wow! Ang bango naman ng T-shirt mo Rey. Ano ba pangsabon mo dito?" tanong ni Den sa akin.

"Ewan ko kay Nanay. Siya lang naman naglalaba ng mga damit namin eh." Kaswal kong sagot sa kaniya. Tumango naman siya at umayos siya ng upo.

Nakapaligid kami sa apoy at nagpapainit ng biglang

"Oo nga pala ano sinabi sa iyo ni Ginang kanina?" pambabasag na tanong ni Roy kay Den.

"Ah yun ba kasi sabi ni Ginang bibigyan daw niya ako ng full scholarship tapos kahit 5 years yung course ko ay sila daw magbabayad ng tuition ko." kwento niya sa amin.

"Tapos sa pribadong university ako papag-aralin kaso ayun nga sa Maynila ako mag-aaral." sabi ni Den sa amin.

"Aw. Paano yan wala na yung bunso naming babae, hindi na namin ikaw mababantayan doon Den." sagot ni Jay sa kaniya.

"Eh ano ba kukunin mo Den?" tanong ni Roy sa kaniya.

"Uhm...gusto ko kunin ay Architecture. Gusto ko maging Architect." Halata sa kaniyang boses na gustong-gusto niya ito. Kahit naman nung nag-aaral kami bilang highschool students kapag nakakatabi ko siya sa upuan ay nakikita ko rin siyang gumuguhit ng istraktura ng bahay, masasabi ko naman na napakagaling ni Den gumuhit.

"Wow! Ang mahal nun ah pero sabagay sila naman magbabayad ng tuition fee hindi ba?" tanong ulit ni Jay. Napansin ko na biglang tumahimik si Monty.

"Yup!" masayang sagot ni Den sa kaniya.

"Eh ikaw Rey anong sinabi sa iyo ni Ginang at napatagal ka kanina?" napadako naman ang tanong ni Roy sa akin.

"Ah yun sa akin sa totoo ganun rin katulad kay Den kaso hindi full scholarship kasi hindi daw kaya ng budget kapag sabay kami ni Den na papag-aralin kaya isang taon lang ako pwede mag-aral ng college at sa public university ako papag-aralin pero kapag doon na ako mag-aaral sa Maynila eh maghahanap na rin ako ng trabaho para ako na magbayad sa susunod na year." kwento ko sa kanila. Napatango naman sila at

"Wow! Edi sabay tayo pupunta sa Maynila Rey?" excited na tanong sa akin ni Den. Tumango naman ako sa kaniya.

"Eh anong kukunin mong course Rey?" tanong sa akin ni Roy ulit.

"HRM. Gusto ko kasi makapagtayo ng Hotel at imanage ito." Habang sinasabi koi yon sa kanila ay hindi ko maiwasan na hindi mapaisip sa aking sarili na nagmamanage ako ng isang five star hotel.

"Wow! Big time!" sagot sa akin ni Jay.

"Eh kayo ano plano niyo sa buhay?" tanong ni Den sa kanila.

"Ah ako eh magtatrabaho muna ako sa community natin kasi kapos pa ako sa pera para makapag-aral ng college." sagot ni Roy.

"Ako naman ay magtatake ako ng Education sa kabilang bayan natin. Nag-ooffer rin daw sila ng scholarahip doon." sagot naman ni Jay.

"Galingan mo pre." sabi ko sa kaniya. Sa totoo naman masipag si Jay mag-aral sa aming lima at magaling ito sa Math kaya sa palagay ko ay kukunin nito ay Education sa Math. Sana maging matagumpay na guro siya sa Matematika.

"Aba siyempre, gagalingan ko talaga." Pagmamalaki niyang sabi ni Jay sa akin.

"Eh ikaw Monty? Kanina ka pa tahimik diyan." sabi ni Den sa kaniya. Bigla naman kaming napatingin sa kaniya dahil kanina pa ito tahimik.

"Ah-eh may kapatid si Tatay na nakatira sa Maynila tapos ay tutulungan daw nila ako makapagtapos doon ng pag-aaral." sabi ni Monty sa amin.

"Wow! Edi tayong tatlo pala ay mag-aaral sa Maynila." excited na sabi ni Den.

"Oh siya gumagabi na at baka hinahanap na tayo." aya ni Jay sa amin at tumayo na ito.

"Oo nga noh." Sambit naman ni Roy at tumayo na ito pagkatapos ay pinagpag na niya yung pwet niya na may buhangin.

"Oh sige." tumayo na rin si Den. Tumayo na ako at

"Ah Den pwede ko na ba kunin yung T-shirt ko?" tanong ko kay Den.

"Ah! Oo nga pala wait lang." pagkasabi niya ay hinubad na nga niya ito at binigay sa akin. Ako naman ay sinuot ko ito. Tumayo na rin si Monty.

"Halika na guys at baka hanapin na tayo." aya ni Roy sa amin.

"Wow talaga at kinareer mo talaga iyan ah." komento ni Den sa kaniya.

Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa bahay ni Den. Habang papalapit na kami ay nakita ko na hinhintay na ako ng mga pamilya ko kaya

"Alis na ako." paalam ko sa kanila. Tumango naman sila at bago umalis si Monty sa harap ko ay tinapik ko yung balikat niya at

"Goodluck bukas pre." sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya ng pilit at pagkatapos iyon ay umalis na ako sa harap niya at sumunod na ako sa pamilya ko na naglalalakad na palayo.

Pagdating namin sa kubo namin ay pumasok na kami sa loob at

"Matulog na kayo at kailangan niyo gumising ng maaga." utos ni Nanay sa amin. Sumunod na yung dalawa kong kapatid at pumunta na nga sa kwarto naming magkakapatid.

"Oh Irog, kaya mo pa ba?" tanong ni Nanay kay Tatay at tumango ito pagkatapos ay tumayo na ito sa upuan at dumiretso na sa kwarto nila.

Si Nanay naman ay dumaan sa harap ko at nilock niya yung pintuan sa likod ko. Pagkatapos ay lumapit sa akin

"Oh anak, matulog ka na at kailangan niyo gumising ng maaga." sabi ni Nanay sa akin. Tumango naman ako at pumunta na ako sa kwarto naming magkakapatid. Nakita ko na tulog na tulog na yung dalawa kaya nagpalit na muna ako ng damit at tumabi na ako sa bunso namin bale nasa gitna namin ni Reia si Jonathan.

Pagkagising ko ay umaga na at ramdam ko ang araw na tumatama sa aking mukha. Malapit kasi ako sa bintana. Bumangon na muna ako at tumingin sa katabi ko at ayun tulog pa rin silang dalawa.

Nag-inat na muna ako at ginising ko na silang dalawa.

"Reia, Jonathan gising na." pagyugyog ko sa kanilang dalawa ay gumising na nga sila.

"Mrm. Magandang umaga Kuya." sabay nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako sa kanila at

"Magandang umaga rin. Gumising na kayo diyan at kailangan na natin sila tulungan sina Tatay at Nanay." Binati ko rin sila. Tumango sila at tumayo na pagkatapos ay lumabas na sila. Ako naman ay inayos ko na muna yung kama namin pagkatapos ay lumabas na rin ako.

Pagkalabas ko ay nanduon na silang lahat at nakaupo na.

"Oh anak magandang umaga." bati ni Nanay sa akin. Ngumiti ako sa kanila at lumapit sa kanila.

"Magandang umaga rin po." bati ko sa kanila at nagmano ako kina Nanay at Tatay. Gawain namin iyon magkakapatid na magmano sa mga kamay nina Tatay at Nanay.

"Umupo ka na at ikaw ang maglelead ng dasal." sabi sa akin ni Nanay. Tumango ako at umupo na pagkatapos ay nagsimula na kami magdasal pagkatapos ay kumain ng almusal. Tuyo at kanin yung pang-agahan namin.

Habang kumakain kami ay "Nay, Tay may sasabihin ako sa inyo." sabi ko sa kanila.

"Ah oo nga pala...sabi mo nga pala iyan sa akin kagabi, ano ba iyon Rey?" tanong ni Nanay sa akin.

"Eh kasi Nay, Tay kinausap ako ni Ginang Edna na bibigyan daw ako ng scholarship pero hindi full iyon ibig sabihin ay isang taon lang ako pwede mag-aral ng college at sila daw bahala na magbayad ng tuition fee." kwento ko sa kanila.

"Tapos Nay, Tay papag-aralin nila ako sa Maynila at sa public university pa ako papag-aralin eh naisip ko po na kapag doon ako titira sa Maynila eh maghahanap na rin po ako ng trabaho don para sa susunod na year ay ako na po magbabayad sa tuition fee ko." patuloy ko.

"Kaya mo ba Rey?" tanong ni Tatay sa akin. Napatingin ako sa kaniya at humarap sa akin.

"Alam mo naman na iba ang mga tao doon o trato nila pagkatapos ay iba rin yung klase ng trabaho doon hindi katulad dito na magtanim ka lang ng gulay at prutas o kaya bigas." paliwanag ni Tatay sa akin.

"Alam ko po iyon Tay pero gusto ko rin naman po makausad tayo sa kahirapan na ito." sagot ko sa kanila.

"Gusto ko na mapatapos ko yung mga kapatid ko, gusto ko na tulungan ko kayo ni Nay, gusto ko na mapatunayan ko yung sarili ko sa inyo na kaya ko kahit gaano kahirap iyang trabaho na iyan kasi alam ko na nagmana ako sa inyo sa pagiging masipag at pagiging determinado." sabi ko sa kanila. Nakita ko na tumango si Tatay at hinawakan ni Nanay ko yung kamay ko.

"Nandito lang kami anak at susuportahan ka namin." sabi ni Nanay sa akin.

"Salamat Nay." sabi ko sa kaniya.

"Oh siya kung ganon ay pumapayag na rin ako tutal malaki ka na at matanda ka na." sabi ni Tatay sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Salamat Tay." sabi ko sa kaniya.

"Eh kuya kailan yung alis mo papuntang Maynila?" tanong sa akin ni Reia.

"Hindi ko pa alam pero pupunta ako sa school para tanungin ko si Ginang Edna." sagot ko sa kanila.

"Kuya kapag dumating ka sa Maynila ay pasalubong ah." sabi sa akin ni Jonathan. Napatawa na lang kami at

"Hindi pa nga nakakapunta yung kuya mo sa Maynila tapos nagpapasalubong ka na agad." sabi ni Tatay sa kaniya.

"Eh para po hindi makalimutan ni Kuya." sabi naman ni Jonathan kay Tatay.

"Oh siya kumain na tayo at magtatrabaho pa tayo diba?" tanong ni Nanay sa amin. Kumain na nga kami at pagkatapos namin kumain ay ako na nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos kong mag-ayos ay nasa sala na sila at hinihintay ako.

"Oh nandyan na si Kuya, halika ka na at para makarami tayo." sabi ni Nanay.

"Nay Lydia?" tawag kay Nanay. Kahit nagtataka kami ay binuksan ni Nanay yung pintuan at nandoon si Monty.

"Oh Monty bakit?" tanong ni Nanay kay Monty.

"Pwede po ba kay--Rey!" tawag sa akin ni Monty. Lumapit na nga ako sa kaniya at

"Oh bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Nay Lydia pwede ko po ba hiramin si Rey?" tanong ni Monty kay Nanay.

"Oh sige." pagkasabi ni Nanay ay lumabas na kami pagkatapos ay lumayo kami ng konti.

"Oh ano ba iyon?" tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi pre, pupunta daw ngayon si Den sa school natin ngayon." sabi niya sa akin.

"Oh ano naman?" tanong ko sa kaniya.

"Eh pre pupunta ka naman ata ngayon sa school diba para tanungin kay Ginang kung kailan kayo pupunta sa Maynila." sabi niya sa akin. Tumango naman ako at

"Eh yun naman pala eh, sige na pre samahan mo muna ako para doon na rin ako aamin sa kaniya." sabi ni Monty sa akin.

"Oh sige pero magpapaalam na muna ako kay Nay." sabi ko sa kaniya. Tumango naman ito at

"Salamat pre." pagkasabi niya ay umalis na ako sa harapan niya at pumunta ako sa kubo namin para magpaalam kina Nanay.

"Nay." tawag ko sa kaniya pagkapasok ko.

"Oh anak, nakaalis na yung Tatay mo at yung mga kapatid mo." sabi ni Nanay sa akin. Napansin ko naman halatang na aalis na rin si Nanay.

"Nay kung pwede ngayon na ako pupunta sa school para tanungin ko na rin kay Ginang kung kailan yung alis namin papunta sa Maynila." sabi ko sa kaniya.

"Oh sige, basta bumalik ka agad at dumiretso ka na sa taniman natin." bilin ni Nanay sa akin. Tumango naman ako.

"Oh sige pagkaalis mo ilock mo yung pinto ah." sabi sa akin ni Nanay pagkatapos ay lumabas na nga sa pinto at umalis na nga.

Sinunod ko naman yung sinabi ni Nanay at nilock ko nga yung pinto pagkalabas ko. Humarap na ako kay Monty at

"Tara na." aya ko sa kaniya. Naglakad na nga kami papunta sa school.

Sana pagdating namin sa eskwelahan ay maging maayos yung pag-aamin ni Monty kay Den. Halata naman kay Monty na mahal niya si Den kaso hindi ko na lang alam kung tatanggapin ni Den yung nararamdaman ni Monty sa kaniya. Sana nga maging sila kasi bagay naman sila eh.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like FloralBride's other books...