The Art of Painful Reality

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Nathan Hernandez. A successful businessman and a certified playboy. A friend and business partner of George Stephen Alvarez. He's known for being a multi-billionaire yet a happy-go-lucky person.

 

Gaille Anne Mendoza. A successful manager of Heaven's Café and a sweet girl. Bestfriend of Lucky Evangelista. She's known for being a hardworking and playful woman in their group of friends.

 

Andrei San Pedro. A successful photographer and a joker in his family and friends. Friend and a shoulder to cry on of Lucky Evangelista. He's known for being a kind and caring person especially to his grandmother.

 

Here are the informations that we know for these three persons, but what do you really know about them? At what extent?

 

Bawat isa sa kanila ay may malagim at nakakatakot na sikreto at nakaraan. Got tricky? Ang akala nating mga tao ay hindi pala ganun sa totoo nilang istorya, tanging sila lang ang nakakaalam.

 

Let's all find out what's the real story behind these three persons and all of you judge or decide of who is more suitable or must experience the so called "happily ever after" with Gaille Anne Mendoza.

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1: First Anniversary

NATHAN'S POV

"Ohhh you sure in a good mood today sweetie." Lumapit ako sa aking mabutihing ina then I kissed her in her cheeks. Umupo na rin ako sa katabi niya para kumain ng breakfast. Nang nakaupo na ako ng komportable sa aking kinauupuan ay doon ko lang napansin na wala si tanda. Napangisi na lang ako sa isip ko. Well at least I don't have to act again in front of him here like I'm listening to his rant against me.

"Well today is the first anniversary with my girlfriend." Pagkaanunsyo ko sa kaniya iyon ay bigla naman napatingin sa akin gilid si Mom. I just looked at her with a dashing smile. Kitang kita sa kaniyang mukha kung gaano ito nagulat sa aking inanunsyo sa kaniya.

"Really?! Oh my! Congratulations to the both of you. " Magiliw na pagbati sa akin ni Mom. After she congratulated me, I just gave her a wink and start to focus my food here in front of the table. Only me and my mother know about my relationship with Francesca, my girlfriend.

"Well thanks Mom. I'm sure that Francesca will love my surprise for her tonight." Sambit ko sa kaniya. I can't wait for this moment because I will make sure that today will be our special day to celebrate our first anniversary as couple.

"T-Tonight sweetie?" I looked at her with confusion. Is there a problem with that?

"Yes, mom. Is there a problem?" I asked her with a concerned voice.

"W-Well you see, before your father left in this house he said to me that you should prepare yourself tonight."

"What?! But why?" kitang-kita ko sa mukha ni Mom na namomoblema rin ito at sa palagay ko ay hindi niya masabi sa akin dahil surely ay hindi ko ito magugustuhan. Hinawakan ko ang kamay ni Mom para sabihin sa kaniya na okay lang at sabihin na niya. Ngumiti siya sa akin na may lungkot ito.

"Well your father just plan an arranged meeting with his business partner along with his daughter so for surely this will be your another arranged date with the business partner's daughter of your father, sweetie." Pagkasabi iyon sa akin ni Mom ay mas pinili ko na lang manahimik at magfocus na lang ulit sa kinakain kong almusal. Well, here we go again. Planning an arranged marriage to one of his business partners. Since I turned 18, my father would arrange a date for me with his business partners' daughter. Sa lahat na naging kadate ko ay lahat sila ay napauwi ko ng luhaan o kaya naman ay umuwi sila ng may hinanakit sa akin. Well, ang tanging ginagawa ko lang kapag iniiwan kami ng ama ko at ama niya ay it's either pinaglalaruan, binabastos o kaya naman ay ginogood time ko lang.

Wala sino mang babae na ipaarranged sa akin ni tanda ay nagtatagal ng isang araw. It's either I dumped them straightly or just play them with their feelings, that's all. Well to be honest, I'm known for being a playboy in my school since highschool but when I entered university it changed me from being a playboy.

There I met Francesca in my first year in Business Administration, all I can say about her that time is that she's gorgeous, hot, intelligent and has an angelic face but except in her attitude. Hindi ko alam na amazona pala ang babaeng makakaharap ko, hindi siya katulad ng babae na madaling mapasagot. Yes, I flirted her but I think hindi siya natablahan ng kagwapuhan ko but I'm thankful for that because since that time ay mas lalo ako nachallenge sa kaniya.

Yung pagiging masungit niya sa akin at snobber ay mas nagustuhan ko iyon sa kaniya. Simula non ay imbis na landiin ko siya ay niligawan ko siya and pinatunayan ko sa kaniya na seryoso nga ako, after 6 months of courting her, I just received her sweet "Yes". On that day, I can't contain my happiness because after all those months of suffering and showing my love on her.

"Hey sweetie, are you all right?" napabalik na lang ako sa huwisyo ng bigla akong hawakan sa balikat ni Mom. Hinawakan ko ito at binigyan ko ito ng matamis na ngiti.

"I'm okay, mom. Don't worry. Hmmm...maybe you can cover me up later." Pagkasabi ko iyon sa kaniya ay binigyan ko ito ng isang kindat.

"Sweetie, you can't do that." I can sense in her voice that she doesn't like my idea but I just smirked at her.

"I can do that mom. Ohhh yeah, it about's time for me to go." Tumayo na ako sa kinauupuan ko and binigyan ko ulit ng isang halik sa pisngi ng aking ina. Kitang-kita ko pa rin sa kaniya na nagpoproprotesta ito sa aking sinabi sa kaniya. Nang kinuha ko na ang bag ko sa katabi kong upuan ay lumayo muna ako ng konti.

Lumingon ulit ako sa kaniya at "Okay, I will go. Don't worry mom. I love you." Pagkatapos non ay humarap na ulit ako at tumakbo na papalabas sa bahay namin.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Hey man!" pagkalapit sa akin ni Troy ay inapiran ko ito. Well I'm here in one of our favorite spot or let's say tambayan in our university and this is where I met my two guy friends which is Stephen and Troy. For now, ay tanging kami palang ni Troy dahil wala pa si Stephen.

Well alam namin ni Troy na hatid sundo si Stephen sa girlfriend niyang na si Vivienne. As for Troy, he has so many girls here and out the campus since he's known for being a certified playboy in this campus.

"Oh right, bakit hindi mo pala hinahatid sundo yung girlfriend mo? Hindi ka tumulad kay Stephen na halos araw-araw eh hindi niya maiwasan na hindi niya makatabi yung girlfriend niya." Natatawang sambit niya sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot habang tumitingin sa mga estudyanteng naglalakad sa campus.

"Well my girlfriend doesn't like me to fetch her." Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napapailing na lang rin si Troy dahil sa kaweirduhan ng girlfriend ko.

"Tsk tsk. Iba talaga girlfriend mo sa iba diyang mga babae." May dumaang dalawang babae na nakashort ng pagkamaikli kasabay non ay ang pagsipol naman si Troy sa kanila. Lumingon naman ang dalawang babae sa kaniya at humahagikhik naman ito sa kaniya habang papalayo na ang mga ito.

"Well I love her of being unique." Sagot ko naman sa kaniya.

"Morning bros." paglapit sa amin ni Stephen ay nagbrofist kami sa isa't isa. Nakita ko naman na kasama niya ang girlfriend niya na si Vivienne. Ngumiti ito sa amin nang lumapit siya sa amin. Kitang kita ko naman na magkahawak ang kamay at masasabi mong napakapossesive talaga ni Stephen dahil imbis na magkahawak kamay sila kanina ay ngayon ay nakapulupot na ang braso nito sa bewang ng girlfriend nito.

Habang ginagawa niya iyon at nakikipag-usap kay Troy ay napansin kong may dalawang babae sa di kalayuan ay nakatingin dito at sa particular na dalawang tao ang nakatutok sila. If I'm not be mistaken one of those ladies there is Lucky Evangelista, she's famous for being an unlucky girl and one of a dean's lister in our department. 

Hmmm...the way she looks at this two, I can see jealousy and hurt in her eyes. Ohhh Ms. Lucky Evangelista likes my friend George Stephen Alvarez, how interesting. Tinambad ko naman ang tingin ko sa dalawang kaharap namin ni Troy na si Stephen at ang girlfriend niya at binalik ko ulit ang tingin ko kina Lucky. Woah! Hindi pa rin sila umaalis sa kinatatayuan nila.

"Hey brad." Tawag ko kay Stephen habang nakatingin ako sa dalawang babae na sa tingin ko ay napansin ako ng kasama niyang babae.

"Well don't you think it's time for your first class?" habang tinatanong ko iyon sa kaniya ay nakatingin pa rin ako sa kanilang magkakaibigan. Nakita ko naman na kinaladkad na nung kaibigan ni Lucky siya kaya nagpatangay na lang ito sa kaniya. Tiningnan naman ni Stephen ang relo niya at napakunot ito ng noo.

"Well it's just 7 o'clock and it's too early. What are you looking at?" bago pa siya tumingin sa tinitingnan ko ay nawala na agad ang dalawa at pumasok na ito sa building namin.

"Hahahahahaha! Nothing." Natatawa kong sagot sa kaniya na kahit ang girlfriend niya ay nakitingin rin at naguguluhang tiningnan niya ako. Ilang saglit lang ay parang may naalala ito.

"Oh yeah, congrats to you and to your girlfriend, Francesca." Nagulat naman ako dahil binati niya ako. Oh well, sabagay malalaman niya dahil naging magkaibigan sila ng girlfriend ko.

"Babe, why did you just congratulate him?" tanong sa kaniya ni Stephen. Natawa naman si Vivienne sa kaniya dahil sa inaakto nito. Medyo rin may pagkaseloso ang ugok nito kaya hindi talaga maiwasan na mainis ka talaga dito.

"Babe, today is their first anniversary. Don't you know that?"

"Why would I know that? I just focus myself to you and to my studies that's all babe." Sa pagkakasagot iyon ni Stephen ay hindi ko maiwasan na mandiri sa sunod na ginawa nila. Well you know the next part.

"Well babe, I need to go since it's time for my first class."

"Ohhh, do you want me to fetch you in your classroom?" umiling naman sa kaniya si Vivienne at hinalikan niya ito sa pisngi. Bago ito umalis ay tumingin ito sa akin. "Make sure to surprise her."

"Of course, I'm sure that she'll love it." Pagkabigay ko sa kaniya ng sagot ay ngumiti na ito sa akin at kay Troy at iniwan na kami ditong tatlo. Tumingin naman si Stephen sa relo nito at

"Ohhh paano mga brad, I need to go. Pupuntahan ko yung kagroupings ko sa Trigonometry. Kailangan kong bumawi sa kanila." Nagbrofist muna ito sa amin bago umalis na ng tuluyan. Sa totoo ay irregular student si Stephen dahil sa lumipat ito ng school.

"I just heard na sinampal daw siya ng isang babae." Biglang sambit ni Troy sa akin.

"Ohhh talaga? Si Stephen?" natatawa kong tanong kay Troy. Hindi ko inexpect na first time kong makarinig ng ganon.

"Oo, ahahahahahaha! Iyon yung ata na tinutukoy niyang kailangan niyang bumawi sa mga kagrupo niya dahil sa iniwan niyang iyon gawin yung project nila." Habang sinasabi niya iyon sa akin ay napatingin ako sa naglalakad na babae at hindi nga ako nagkakamali na siya nga iyon. Wala na akong pake kung iwan ko si Troy doon dahil importante ang taong lalapitan ko.

Patakbo akong nilapitan siya at habang nagbabasa ito ng makapal na libro sa kaniyang dalawang kamay ay agad ko naman ito niyakap patalikod. Nagulat naman ito ng yakapin ko ito at natatawang humarap ito sa akin.

Pagkaharap niya sa akin ay binatukan niya ako gamit ng makapal niyang libro. "Wag mo akong gulatin. Nakakainis ka." Natatawang niyang sabi sa akin. Tumawa rin ako sa kaniya habang pinipisil ang dalawang pisngi niya. "I'm sorry, I'm just feeling jealous to your book."

"Oh sus! Don't act like that Mr. Hernandez. Kailangan ko ng pumunta sa classroom para mag-aral dahil may quiz po tayo dito. Remember?" magiliw na tumango ako na parang bata na akala mo eh naiintindihan ko talaga siya. Sumama na lang rin ako sa kaniya at tiningnan ko si Troy kung nandoon pa siya pero kasamaang palad ay wala na ito. Psh, nakahanap na ata ng lalandiin.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Well love, I really need to go right now." Malungkot kong paalam sa kaniya. Ngayon ay sabay kaming naglalakad at uwian na rin namin ngayon. Isa rin ito sa mga plano ko para gawan ko siya ng surpresa para icelebrate namin ang first anniversary.

"Ohhh really?" nahihimigan ko naman na malungkot ito at nadidismaya. Buti at hindi niya napansin na natutuwa ako sa kaniya dahil ibig sabihin lang nito na nag-eexpect ito na ipapagdiriwang namin ang first anniversary.

"Yeah, I love you love. Take care!" hinalikan ko na ito sa labi bago ako umalis sa tabi niya. Sinulyap ko ulit ito at nandoon lang siya at nagwawagayway. Hihintayin kasi niya si Vivienne dahil sabay daw sila uuwi.

Pagkasakay ko ng kotse ko ay tinext ko sina Stephen, Vivienne at si Troy dahil mga kasangkot ko sila sa surprise ko para kay Francesca.

Nang nakarating na ako sa bahay ay dali-dali naman ako nag-ayos para sa arranged meeting na kailangan kong pumunta. Habang nag-aayos ako ng buhok ay may nagtext sa akin kaya binasa ko ito.

 

From: Mom

Sweetie, where are you?

 

From: Stephen

Brad, ano ba kulay ng rosas yung pinapabili mo?

 

From: Troy

Everything's set. May bayad ako nito pagkatapos nito.

 

Nang mabasa ko ang mga nagtext sa akin ay agad-agad ko naman sila nireplayan. Buti at hindi pa nagtetext sa akin si Vivienne dahil kasama niya si Francesca. Plinano ko rin na dapat samahan ngayon ni Vivienne siya papunta sa venue na tinutukoy ko.

Sumakay na ako ng kotse pagkatapos kong itext si Mom. Kailangan ko ng magmadali. Fuck! I can't wait for it. I hope this will be fantastic.

Habang nagdadrive ako ay hindi ko maiwasan na mainis sa ama ko dahil sa hindi niyang pagpayag sa relasyon ko kay Francesca. His reason is not good at all. His reason is that Francesca's family is not into business, like what the fuck is the problem with that? So what if her parent's work is not into business?

Well, nung una ay muntikan na kami magbreak ni Francesca but thanks to God because nag-usap kami ng masinsinan ni Francesca at sa pag-uusap na iyon ay napabago ko ang isip niya.

Nang nakarating na ako sa restaurant ay pinatay ko na ang makina at lumabas na sa sasakyan. Pumasok na ako sa restaurant at nakita ko na agad sila. Pagkalapit ko sa kanila ay tumayo agad si Mom at inalo ako. Habang papaupo ako ay napansin kong wala pa rin yung anak ng business partner ng tanda. Psh, if you don't know I call my father tanda because he looks older than my mom even if they are at the same age.

"Well by the way, here's my son Nathan." Pagpapakilala sa akin ng tanda sa kausap niyang panot na nakangiti sa akin.

"Ohhh well, he's truly a handsome man Mr. Hernandez, just like you." Gusto ko sana masuka sa harap nila dahil sa pinagsasabi sa akin ng panot na iyon. Seriously? Nakita ko naman na napatawa ng mahinhin si Mom dahil feel ko kahit siya ay natatawa rin sa sinasabi nung panot.

"Oh well, where's your daughter?" tanong ni Tanda sa kaniya habang ako naman ay pasimple na nagtetext sa mga kasangkot ko.

 

From: Vivienne

We're here! Where are you?

 

From: Stephen

Dude, I'm here. Where are you the fuck?!

 

From: Troy

I'm getting impatient dude.

 

From: Vivienne

Hey where are you? She's been waiting for like thirty minutes inside. You know what will be her reaction if you don't show up.

 

Pagkabasa ko sa text niyang iyon ay napatingin ako sa relo at mag-iisang oras na pala. Shit! Tiningnan ko naman ang katable ko at wala pa rin pala yung babae. Natagalan naman ako sa pagrereply sa kanila isa't isa dahil sumisimple lang ako sa pagtetext.

"Medyo late ang anak mo Mr. Suarez." Nahihimigan ko na rin sa boses ni Tanda na naiinip na rin ito. Hmp! Hindi ko mapigilan na mapangisi dahil isa ito sa traits ni Tanda na hindi mapasensyonadong tao.

"Ahhh sabi niya daw kasi na malalate ito ng konti dahil na rin sa last class nito."

"Ohh really? May I ask how old is your daughter Mr. Suarez?" nararamdaman kong tinatago na lang ni Tanda ang kainipan nito sa pagtatanong sa panot nitong kausap.

"Oh my daughter, she's 17 right now and she's second year in her college course of Business Administration." Ahhh the same age as Francesca.

"Well how about your son Mr. Hernandez?"

"Oh my son? He's 20 right now and he's studying Business Administration in his second year. I know you are confused about his age because when he was in highschool he entered in a university that has K-12 program." Nakita ko naman napatango tango naman ang panot dahil sa natanggap niyang sagot sa Tanda. Psh! Kung hindi lang ako pumasok sa school na iyon edi sana graduate na ako pero dapat pa rin ako magpasalamat dahil doon ay nameet ko si Francesca.

Pagkatingin ko sa relo ay natataranta na ako dahil mag-iisang oras na talaga. Alam ko naman kung ano magiging reaksyon non kapag napaghintay ko siya ng matagal. Nag-excuse ako para magCR. Pagdating ko sa CR ay naghintay muna ako ng 5 minutes, pagkatapos non ay unti-unti ay lumabas ako ng restroom.

Pagkalabas ko ay nagpasalamat ako dahil nakatalikod silang dalawa sa akin habang nag-uusap kaya hindi nila ako mapapansin pwera lang si Mom ko na katapat nila at nakatingin sa akin pero hindi niya pinapahalata na nakatingin siya sa akin. Binigyan ko naman ng isang ngiti si Mom bago ako lumabas sa restaurant.

Pagkalabas ko ay may nabangga akong babae dahil sa kakamadali ko sa paglabas. Humingi naman ako ng pasensya nang binangga ko siya hindi ko na rin siya pang tiningnan dahil nagmamadali na akong pumunta sa sasakyan ko.

Pagkasakay ko sa kotse ay agad-agad ko naman pinaandar ang makina at umalis sa lugar na iyon. 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2: Successful Date

NATHAN'S POV

"Shit." As I looked at my watch, I can feel na hindi na ako makakaabot sa surprise ko para kay Francesca but for pete's sake! Habang nagmamaneho ako ay nagdadasal na ako na sana hindi pa umaalis yung girlfriend ko. This is our special day for the both of us!

When I'm at the place, nakita ko na sina Stephen at Vivienne na masama ang tingin sa akin. Bumaba na ako agad sa sasakyan at lumapit na ako sa kanila. Kinuha ko na agad ang bulaklak na pinautos ko kay Stephen na bilhin at iniwan ko na sila.

While walking, I'm starting to get feel nervous because this is the first time that I must surprise my girlfriend but I think this is a huge disaster for a night like this. Shit! Nathan, man up! I'm sure she's there even though I'm one hour late.

Pagkahawak ko sa seradura ng pinto, ay nag-ilang ulit ako ng pagbuga ng hinga. As I open the door, I can't control myself to be surprised sa nakikita ko ngayon sa harap ng aking mata. Nandoon siya at natutulog na ito ng mahimbing. Nilapitan ko ito at sa paglapit ko sa kaniya ay dahan-dahan ko ito ginising.

Ilang segundo lang ay nagising ito at kinukusot niya ang kanyang mata. Nang makita niya ako ay agad-agad itong tumayo sa kinauupuan niya at niyakap ako ng mahigpit.

"I thought that you would not show up." Bulong sa akin ni Francesca. Sa pagkabulong niya sa akin iyon ay ginantihan ko rin siya ng yakap at mas lalo ko pang hinigpitan ito.

"Of course, I would come. This is our special day for the both of us. Importante ito dahil ito yung araw na ipapagdiwang natin yung first anniversary natin. I'm sorry love kung medyo nalate ako ng isang oras." Paghuhumingi ko ng paumanhin. Lumayo na nga kami sa isa't isa at napahawak naman ako sa batok ko, nang napansin kong hawak ko pa rin ang bulaklak ay agad ko naman sa kaniya iyon binigay.

Tiningnan niya muna ito at ilang saglit lang ay tinanggap na niya rin ito. Inamoy niya ito at sa pag-amoy niyang iyon ay nakita kong bumalik na ulit ang kaniyang ngiti. Her smile that I would protect no matter what.

"Hmmm...sige na nga pinapatawad na kita dyan, Mr. Hernandez. Let's go kain na tayo, hindi ako pwede gabihin." Pagkasabi niya iyon sa akin ay kinuha ko ang hawak niyang bulaklak at binigyan ko siya ng isang matamis na halik sa kaniyang labi.

Nakita ko naman na namula ito sa aking ginawa kaya napangiti ako ng malawak, atleast kahit dito man ay nakabawi pa rin ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I groggily woke up because of the sound that is making outside my room. I can almost hear the footsteps of two persons that are coming here in my room.

"Is he still sleeping?" base sa boses iyon ay si tanda na naman at halatang inis na inis na naman ito sa aking ginawa kagabi. I can't help but to smirk at what happened yesterday night. Iniwan ko lang naman sila doon sa restaurant na iyon.

Kahit nakakagulat dahil sa biglang bukas ng aking pinto ay hindi ako nagpatinag man lang at patuloy pa rin ako sa pagkukunyari kong tulog.

"Psh. You!" nakaramdam na ako na may kumuwelyo sa akin at dahan-dahan ay minulat ko na ang isa kong mata at tiningnan siya.

"Hon, wag naman ganyan. Please, stop it." Nakita ko naman sa gilid si Mama at nagmamakaawa na pinipigilan niya si tanda. Binalik ko ulit ang tingin ko sa tanda at seryoso lang ito nakatingin sa akin.

"What did you just do last night? Where did you go, you asshole?!" napapikit naman ako dahil sa lakas ng bulyaw sa akin ng tanda. Sinasabi na nga ba eh. Well, this is not the first time that he did this to me. I just looked at him with a serious face then I smirked at him.

"Asshole." Pagkatawag niyang iyon sa akin ay sinuntok niya ako sa bibig. Dali naman ako dinalo ng Mom ko dahil naramdaman kong sumugat ang bibig ko. Fuck! Napalakas ata ang suntok ng tandang ito ah. Hinawi ko naman ang bibig kong may sugat at nalalasahan ko na ang dugo nito.

"Sweetie, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mom. Tumango naman ako bilang sagot habang nakatingin pa rin ako sa tanda na masama na ang kanyang tingin rin sa akin.

Nagititigan kami hanggang sa may tumawag ito sa cellphone niya kaya doon lang rin natigil ang staring contenst namin ni tanda.

"Hello? What?" bigla itong tumingin ulit sa akin at ilang saglit lang ay nakita kong tumiim ang bagang niya. "Okay, thank you for the information that you've got." Pagkababa ng kaniyang cellphone ay tiningnan lang niya ako ng masama.

"So nalaman kong pumunta ka pala sa isang restaurant at sinurpresa mo ang girlfriend mo dahil sa first anniversary niyo kahapon, is that right Nathan?" he said it with a serious tone. Now, it my time to clench my jaw. I know, kung anong tumatakbo sa isip ngayon ng tandang ito and I know for sure ikakawatak namin ito ng girlfriend ko.

"So what old man? Ano naman kung pumunta ako doon para icelebrate namin ng girlfriend ko yung first anniversary namin?" nakangising kong tanong sa kaniya.

"I already told you that I don't want her to be your girlfriend right?!"

"Break up with her, Nathan if ayaw mo mapahamak ang girlfriend mo. Kapag ipapagpatuloy mo pa ang pagkikita mo sa girlfriend mo baka ikaw ang dahilan para masira ang kinabukasan niya." Pagkasabi niyang iyon ay aalis na sana siya sa kwarto ko ng biglang

"What's the wrong with you, old man?! She's intelligent and sh—"

"Isa lang naman ang pagpipilian mo Nathan. Choose! Break up with her or sisirain ko ang kinabukasan niya. And kahit matalino siya Nathan, ang pamilya niya ay hindi ganon sikat at kayamanan kaysa sa atin. Her family is not into business right?" After what he said that to me, hindi ko na napigilan na tumayo sa kama ko at dambahin ng suntok sa mukha niya. Natumba naman ito at tiningnan ko siya ng masama.

"Don't ever talk like that to my girlfriend!" galit kong bulyaw sa kaniya. Hinding hindi ko kailanman na minamaliit ang girlfriend ko ng ganyan. Imbis na magalit sa akin ang tanda ay ngumisi lang ito.

"Puntahan mo mamaya ang anak ni Mr. Suarez at magdate kayo mamaya." Pagkautos niya sa akin iyon ay iniwan na kaming mag-ina sa kwarto ko habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ngayon.

Wala na, nabuking na ako. Dahil sa malalim na pag-iisip ko ay naramdaman ko na lang ang kamay ni Mom sa kamay ko. Napansin kong nakakamao pa rin ang kamay ko. Ngumiti naman sa akin ang Mom ko at niyakap niya na lang ako.

Habang nakayakap sa akin ang Mama ko ay iniisip ko kung anong pwedeng higanti para doon sa babaeng idadate ko mamaya. Doon ko sa kaniya ilalagay lahat ng hinanakit at galit na nararamdaman ko sa tanda.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"Sweetie, be a good boy." Paalala sa akin ni Mom habang inaayusan niya ang kurbata ko. Well this is the night, kung kailan kailangan kong idate ang anak ng panot na iyon. This day has been a torture for me. Hindi ko maiwasan na masaktan ang girlfriend ko kanina dahil sa panay kong iwas sa kaniya, yeah I gave her cold treatment. Napansin ko rin kasi na may nagbabantay sa akin kaya kinakailangan kong umakto ng ganun sa kaniya. Ni hindi ko rin siya matext dahil kinonpiscate sa akin ng tanda yung cellphone ko.

"I will Mom, you better sleep early. Nakapagpacheck-up na po ba kayo?" tanong ko sa kaniya. Well, my Mom has a heart attack kaya hindi talaga pwede kay Mom na mastressed.

"Ahhh hindi pa sweetie, but I'll make sure that magpapacheck-up ako."

"If you want Mom, samahan ko na kayo bukas para pagkatapos non eh idadate kita." Binigyan ko ng matamis na ngiti ang Mom ko.

"Hahahahahaha! Okay. Sige na, umalis ka na. Wag mong pag-antayin yung babaeng iyon." Pagkasabi niya iyon sa akin ay hinalikan ko na ito sa pisngi niya. Dali-dali naman ako lumabas ng bahay at sumakay ng kotse ko.

Pagkapasok ko sa kotse ay nagsimula na akong mag-isip kung anong pwede kong paghihiganti sa babaeng iyon.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I'm here at the place where tanda gave me the name of the restaurant once again. Pagkapasok ko sa restaurant ay agad ko naman hinanap ng dalawang mata ko ang babaeng gagawan ko ng kalokohan. Lumapit ako sa isang lalaki na may inaasikaso sa kanyang pwesto.

"Uhm may I ask where is the reservation table of Mr. Hernandez?" pagkatanong ko iyon sa lalaki ay agad naman niya sa akin tinuro ang table. Nakita ko naman na may isang babae doon na nakaupo na at may binabasa itong libro.

Habang papalapit ako sa kaniya ay nag-iisip na ako kung ano pwedeng taktika na gawin. Nang nasa table na ako ay hindi ko mapigilan na magulat dahil first time lang ako nakakita ng isang babae na nagbabasa ng isang cooking book.

Weird girl.

"Eherm." Pang-iistorbo ko sa binabasa niya. Tumigil naman ito sa pagbabasa at tiningnan niya ako. Oh well, she's so plain to me. Mas maganda pa nga talaga ang girlfriend ko kaysa sa kaniya.

"Ohhh hi! Are you perhaps, Mr. Nathan Hernandez?" nakangiti nitong tanong sa akin. I just gave him my playful smile and hinawakan ko ang kanyang isang kamay para halikan ang ibabaw nito kaso it surprised me because agad-agad niyang tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"So totoo nga ang sabi-sabi nila na certified playboy and a heartbreaker ka." Pagkasabi niyang iyon sa akin ay umupo na ito sa kinauupuan niya habang ako naman ay napamaang sa sinabi at ginawa niya sa akin. I know that she's so very plain to me but I did not expect na ganito ang ugali niya. She just reminds me of Francesca but I don't think so because the way she acts and her aura, I think she's the complete opposite of my girlfriend. Masayahin ang babaeng ito samantalang masungit pero mapagmahal naman ang girlfriend ko.

Pagkaupo ko ay tinanong ko siya kung kanina pa siya dito. Sa totoo ay sinadya kong magpalate ng isang kalahati't oras.

"Ohhh, hindi naman. Kakadating ko lang rin naman, so don't worry." Pagkasabi niya iyon sa akin ay ngumiti ito ulit sa akin. Psh! Akala ko tumabla na eh.

"So I also heard na may girlfriend ka na and her name is Francesca right?" napapitlag naman ako sa pagkabanggit niya sa pangalan ng girlfriend ko. How did she know that? Eh magkaiba naman kami ng university na pinapasukan ah. Hindi ko tuloy mapigilan na lumapit sa mukha niya at ngisihan ito.

"Are you one of my stalker, young lady?" I smirked at her pero mukhang ako pa ang maiinis sa sitwasyon namin.

"Hahahahahahaha! Of course not, Mr. Hernandez. Hindi ako isa sa mga stalker or fans mo. Ipinaiinvestigate ko ang profile ng lahat na nagiging fiancé ko. Oh yeah, I forgot to introduce myself. I'm Gaille Anne Suarez." Nakita ko naman na nakataas ang isa niyang kamay para makipagshake hands sa akin kaso tiningnan ko lang ito. Nagulat na lang ako ng bigla niyang kinuha ang isang kamay ko at nagshake hands kami sa isa't isa.

"Don't worry, hindi ko naman plano na mang-agaw ng may karelasyon na pero nakakapagtaka kung bakit inaccept mo pa ang offer ng Papa ko ng arranged marriage, meron ka naman palang girlfriend." Napatingin na lang ako sa labas ng bintana at doon ay nagmasid masid ako sa mga sasakyang dumadaan at sa mga taong naglalakad. Habang iniisip ko pa rin iyon ay hindi ko mapigilan na magalit at mainis ulit sa tandang iyon.

"Ayaw ng ama ko sa kaniya. Well, she's intelligent and a hardworking student but my father doesn't like her because her family is not that rich like us and also her family is not into business." Seryoso kong pag-amin sa kaniya. For a few minutes, I got surprised to what I said. This is my first time na maglabas ng saloobin sa babaeng pinag-arranged marriage ako. Tumingin ako sa kaniya at malalim itong nakatitig sa akin pero ilang sandali lang ay ngumiti ito ulit sa akin.

"Ahhh kaya pala." Kinuha niya ulit ang cooking book at nagturn ito ng pahina. "Then, for sure pinagbawalan kang makipagkita sa girlfriend mo simula ngayon." Hindi ko maintindihan sa sarili ko ngayon kung bakit napapakunot ako sa noo sa binabasa niya. I find it disturbing?

"Well, of course. May I ask you, do you always bring that book? And yan talaga ang type mong libro na binabasa, cooking book?" nakakunot kong tanong sa kaniya. Tumingin muna ito sa akin at sa librong binabasa niya.

"Well what's wrong? Is it so weird for a girl na nagbabasa ng cooking book?" nakakunot na rin itong tanong sa akin. Tumango naman ako dahan-dahan bilang sagot.

"Ohhh sorry, but I don't care kung tingin niyo sa akin eh weird dahil nagbabasa ako ng cooking book. Ito lang kasi pampatanggal ko ng stress. Hmmm...maybe we should order some foods, nagugutom na rin kasi ako." Pagkasabi niya iyon ay binaba na niya ang cooking book niya at kinuha naman niya ang menu.

Pagkaalis ng waiter sa pwesto namin ay nagtanong tanong ito sa akin. Tungkol lang naman sa akin at sa girlfriend ko lang naman ang pinagtatanong niya. Sinasagot ko naman siya and I don't know why, I feel so comfortable around her. It's my first time that I feel like this towards a girl after so many years.

"Hmmm...Thank you for the successful dinner Mr. Hernandez. Hindi ko aakalain na magiging successful ito, ang alam ko kasi sa lahat na pinapa-arranged sa iyo ng Papa mo eh it's either umiiyak sila or may hinanakit sila sa iyo. Hmmm...but I think this is a rough day for you kasi kailangan mong umiwas sa girlfriend mo." Ngumiti muna ito sa akin bago ito umalis sa harap ko. So, as you can see kahit anong pang-iinis at flirty way na ginawa ko sa kaniya kanina ay hindi man lang siya tinablahan kundi tinawanan lang niya ako kanina. 

Aalis na rin sana ako ng may makarinig akong

"Thank you po Ate." Lumingon ako at nakita kong binigay ni Gaille ang isang plastic na tinake-out namin kanina sa dalawang batang lalaki.

"Walang anuman, oh siya sige. Umuwi na kayo sa bahay niyo at para makakain na kayo ng mga magulang niyo niyan." Pagkasabi niyang iyon sa kanila ay yumakap ang mga ito sa kaniya. Nagulat naman ito at ilang saglit lang ay ginantihan niya rin ito ng yakap.

Halata sa kaniyang mukha na masaya ito at walang bahid na pandidiri sa kaniyang katawan. Nang nakaalis na ang mga bata ay dumiretso na ito sa sasakyan niya. Sumakay na ito at ilang saglit lang ay wala na ito sa paningin ko.

Oo nga, ilang beses ko na sinabi na napakaplain niyang babae para sa akin but over that, she has a wonderful gold heart in her body. I hope this will be not our last time to spend with each other. I hope for another chance to date with her again.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3: Heartache

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like FloralBride's other books...