Pag-ibig-tiis

 

Tablo reader up chevron

Teaser

Iba't-ibang kwento ng pagtitiis.

Mula sa ibang tao,

na malapit sa ating mga puso.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1 - Mom in Arlegui

SA kanto ng Arlegui, may isang babae dun, nagtitinda ng kape at softdrinks.

Nakausap ko siya at ayon sa kaniya, siya raw ay biyuda na may apat na anak.

Yung asawa niya, namatay dahil na-aksidente. Hindi sila nakakuha ng claim dahil binigyan lamang siya ng limang daang piso bilang areglo. Buti na lang, tinulungan sila ng barangay na mairaos yung libing ng kaniyang namayapang asawa.

Yung panganay niya, namatay rin dahil sa polio. Palibhasa, noong bata ito ay hindi nila napa-bakunahan.

Yung ikalawa, nakakulong, dahil sa salang pagnanakaw. Pero kahit daw pasaway ito, mahal pa rin niya ito.

Yung ikatlo, babae, maganda. Pero naglayas. Ayun, nagahasa daw. Tapos ngayon, ang balita, rumaraket ito sa iba't-ibang club sa Ermita. In short, naging pok-pok ang anak niya at masama ang loob niya dito.

Yung bunso, ito yung katu-katulong niya sa paghahanap buhay.

TINANONG ko siya kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at pagtitiis para sa kaniya. Ang sagot niya ay...

"Ang pag-ibig, totoo yan. Pero kapag nasasaktan ka na at patuloy kang nagtitiis, yun-- yun ang tunay na pag-ibig.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Foo Bar's other books...