Pag-asa (Hope)

 

Tablo reader up chevron

Pag-asa (Hope)

Oh… Cubao Cubao Cubao, sigaw ng konduktor sa bus, paakyat na sa bus si Ricardo upang mamigay ng mga black and white na larawan ng kanyang anak na nawawala si Madeline, Si Madeline ay isang batang babae na pitong taong gulang na ngunit hindi nakakapagsalita. Halos paos na si Ricacrdo kakaulit ulit ng kanyang sinasabi sa mga tao sa bus, mula Monumento hanggang Welcome Rotunda palipat lipat ng bus upang mahanap lang ang kanyang anak na mahigit dalawang linggo na nawawala,

Mag hahapon na’t mukha muling hindi niya makikita ang kanyang anak sa araw na iyon, pagod na nagpahinga si Ricardo sa bus na kanyang nasakyan.

“ano ba yan Manong?! Kung gusto niyong magpakamatay kayo na lang.!” sigaw ng isang babae pasahero sa Driver ng bus.

Halatang mabilis magpatakbo ng bus ang Driver. Maya maya pa’y gumewang gewang ang bus tila matutumba. Nag sigawan ang lahat sa loob ng bus.

Ngunit sa mabilis na galaw ng bus ay tila lumilipad ang isip ni Ricardo. “wala na patay na. patay na ako.” Biglang ang lahat ay bumalik sa isip niya na tila isang kwento.

(bago mawala si Madeline)

Maagang umuwi si Ricardo galing sa pinapasukang trabaho, isa siyang janitor sa ortigas. May dalang kakaunting pasalubong sa kayang mag ina. Pagpasok sa kanilang inuupahang bahay ay naruroon ang kanilang anak sa sala’t naglalaro. Hinagkan niya ito at tinanong kung nasaan ang kaniyang nanay. Maya maya pa ay lumabas galing sa kusina ang kanyang kumpare.

“uy pareng Caloy” bati niya dito

“ui pareng Cards musta? Sagot naman nito.

“bakit ka naparito” tanung ni Ricardo

“hindi kakamustahin sana kita, saka nag patulong din si Kumare sa lababo niyo”

“salamat Caloy ha, Hon sira na naman yung lababo, pero na ayos na ni pare.” Ang sambit naman ng Misis ni Ricardo na si Manilyn,

“uy buti naman, maraming salamat pare” agad na pasalamat ni Ricardo.

Ilang araw nang pabalik balik si Caloy sa kanilang bahay, ngunit hindi ito pinapansin ni Ricardo sa kanya si Caloy ay isang kaibigan. Kapansin pansin din ang mga tsismis ng mga tsismosat tsimoso nilang mga kabit bahay.

Isang gabi ay nag kainuman ang barkada nila Ricardo sa labas ng kanilang bahay. Isang tipo ng inuman na nauuwi sa seryosong usapan. Si Ricardo ay napayuhan ng isang kaibigan. Na minsan “Kung may usok ibig sabihin ay may apoy” inisip isip ito ni Ricardo. At isang araw pa ay umuwi si Ricardo ng mas maaga pa sa dati niyang gawing uwing maaga pag uwi. Ang eksena ay parehas na parehas. Ang anak niya ay naglalaro sa sala at wala ang kanyang Misis.

Dahan dahan ay nag lakad siya papunta sa kanilang kusina at wala si Manilyn dun. Kaunting lakad pa ay nasa pintuan na siya ng kanilang kwarto biglaan niya itong binuksan ng malakas. Doon ay tumabad sa kanya ang kaniyang kumpare na nakapatong sa kanyang asawa na walang saplot. Nag dilim ang paningin ni Ricardo at agad na tinambangan si Caloy. Kinalakad niya ito palabas at duon ay unundayan niya ito ng malaking bato na tatama sana sa ulo ni Caloy. Ngunit hindi ito tumama dahilan na rin sa pagyakap ng kayang asawa sa kanya. Agad naman kumawala si Caloy at nag tatakbo, nagwala si Ricardo sa loob ng bahay at pinalayas si Manilyn.

At sinundan na ito na maraming araw paglalasing, walang araw na hindi lasing si Ricardo. lunudin ang sarili sa alak makalimutan lang ang lahat ng nangyari at lahat ng nasira. Tila ba hindi niya na rin pansin ang kanyang anak na si Madeline.

Papasok na naman si Ricardo at iiwan na naman niya si Madeline sa kanilang kapit bahay kapalit ng 100 piso. Nangyari na nga ang hindi inaasahan nalingat ang nagbabantay at nawala si Madeline, tila ba sa lungkot ng bata ay sinundan niya ang kanyang ama, ang haka haka ng ilan sa kaniila.

(balik sa bus)

Ang lahat ay nag sisisgawan at ang tanging nasa isip lang ni Ricardo ang kanyang anak. Sa isip isip niya ay “wag muna po ngayon kailangan ko pa po Makita ang anak ko, may anak pa ko at hindi ko siya bibiguin hindi katulad ng kanyang ina.”

Unti unting naibalik ng Driver ang control sa bus at pinagasgas ang gulong sa gater dun matagumpay na napahinto niya ito. Lahat ay dahang dahang lumabas sa bus, ang iba ay nagreklamo sa Driver ang iba ay tumabi muna para maibsan ang kaba na dulot ng pangyayari. Tanging si Ricardo lamang ang bumaba na ngumingiti ng parang baliw. Dahil hindi sa kalayuan ay nakita niya ang kanyang anak sa kahabaan ng ayala. Dali dali ay hinagkan niya ito habang umiiyak at tumatawa. “tara anak uwi na tayo”

“Uwi na tayo tay” ang sambit ni Madeline…..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like FrustatedWriting's other books...