Again

 

Tablo reader up chevron

Prologue: Na aalala ko na!

Prologue

 

<NAAALALA KO NA ANG LAHAT!!!>

 

 

“G…sing!!! Gi…ng!!”

Sa mundo ng kadiliman, nakarinig ako ng malungkot at napaka-pamilyar na boses. Nararamdaman ko din ang katawan ko na inaalog. Sa bawat alog ng katawan ko, nakakaramdam ako ng kakaibrang sakit. Para bang ang buong katawan ko hinahampas ng martilyo at sinasaksak ng matatalim na kutsilyo.

Shit, ano ba nangyayari?

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata, dito, nakita ko ang mukha ng isang batang babae na umiiyak at sumisigaw ng paulit-ulit. Mukhang siya din ang nag-aalog sa katawan ko. Pero nang nakita niyang dinilat ko na ang mga mata ko, mabilis siyang tumigil at niyakap ako.

“Sniff… buti gumising ka na…” Sabi ng batang babae habang umiiyak at nakangiti ng sabay. “.. Ak..kala ko ‘di ka na gigising…. E..”

Bakit naman ako hindi gigising? Teka ano ba nangyayari? Pagtapos kong itanong ‘to sa isip ko, naramdaman kong sumakit ang ulo ko. As in sobrang sakit! Iyong tipong pakiramdam ko hinahampas pinupunit ang lahat ng parte ng utak ko. Kasabay nito, iba’t-ibang impormasyon ang pumasok sa utak ko. Habang nangyayari ‘to, wala akong nagawa kundi mapasigaw habang tinitiis ang sakit. Tumagal ‘to ng ilang minuto, pero pakiamdam ko ilang linggo na ang lumipas.

“A-ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng batang babae. “.. Ma-mamatay ka… ba?” Pagtapos niyang itanong ‘to, nagsimula ulit siyang umiyak.

Nang nawala ang sakit nararamdaman ko, mabilis kong pinakalma ang buong pagiisip at pagkatao ko. Tapos, sinubukan kong pakalmahin ang bata sa tabi ko.

“A-ayos lang ako… Kaya…” Sinubukan kong ngumiti at-. “wag ka na umiyak…. Sofia.”

Ang batang babae, si Sofia, matapos marinig ang sinabi ko ay mabilis na kumalma. Gamit ang luma, madumi at tagpi-tagpi niyang damit, mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha at sipon na nagkahalo-halo na sa kaniyang mukha.

Ngayon, ano ba nangyayari dito? Hayaan niyong ikwento ko sa inyo!

 

….

 

Naninirahan ako sa maliit na bayan na tinatawag na Golgon. Isang payapa at matahimik na lugar. Napapalibutan ng matataas na bundok at gubat. Isang tagong lugar na minsan lang puntahan ng mga tao. Maliban sa uunting manlalakbay na napapadaan dito at ilang negosyante/merchant na magbebenta at bibili ng kung anong prudukto, halos wala.

Ang bayan na ‘to, katulad ng ibang bayan, ay binubuo ng iba’t-ibang distrikto.

Sa pinakadulong bahagi ng maliit na bayan na ‘to, makikita ang ika-labing-limang distrikto(15). Kilala din ito sa isa pang pangalan, “basurahan”. At lahat ng nakatira dito ay tinatawag na “basura”.

 Ang lahat ng bahay dito ay gawa sa tagpi-tagping kahoy, ang kalsada puno ng kalat, mapapansin din ang mabahong amoy sa twing dadaan ang hangin. Lahat ng nakatira dito ay walang matinong trabaho o hanap buhay. Madalas, para magkapera ang mga tao dito, karumaldumal o mga iligal na mga bagay ang ginagawa nila.

Sa lugar na ‘to, ako, si Andrei, ay pinanganak at lumaki.

Lumaki ako na walang ama, ang kasama ko lang sa maliit at barong-barong  na bahay namin ay ang aking Ina. Gamit ang dugo at pawis, binuhay niya ako gamit ang lahat ng makakaya niya. Ibang klase siya, okay? Pero, hindi mabuti ang tadhana sa’min. Nang umabot ako sa edad na lima, nagkasakit ang aking Ina, dahil dito, naging sobrang hina ng katawan niya, kaya lagi na lang siyang nagpapahinga sa bahay. Kaya para mabuhay kaming dalawa, ako, na isang bata, ay nagdesisyon na maghanap buhay.

Pero, ‘diba, sinong tatanggap sa isang limang taong gulang na bata para maging empleyado? Syempre wala.

Kaya, kahit labag sa kalooban ko, naghanap ako ng trabaho sa iligal na paraan. Dito, nakilala ko ang tito ko. Isa siyang “hunter”. Magaling siya sa paghahanap at paghuli ng mga biktima niya. Ang problema hindi hayop ang hinuhuli niya, kundi tao.

Mga bata, magagandang babae, lahat ng sa tingin niya maganda at madaling ibenta ay huhuntingin niya. At ako, dahil wala akong kayang gawin dahil isa lang akong bata, at dahil wala siyang magawa, tinanggap ako bilang isang trabahador.

Sa tuwing may nahuhuli siya, ginagapos niya ito at nilalagay sa isang abandonadong bahay. Ang trabaho ko, bantayan ang mga nahuli niya. Ako din ang bahala para pakainin ang mga produkto niya. Simple lang, tama?

Napakahaba ng panimula ko. Well, simulan na natin. Tama! Ngayon pa lang talaga magsisimula.

Isang araw, ang tito ko ay nakatanggap ng “order” galing sa isang mayamang negosyante/merchant. Naghahanap daw siya ng magandang batang babae na “mapaglalaruan”. Tama, isang nakakadiring manyak! Malaki daw ang matatanggap ng tito ko, kaya mabilis siyang pumayag. Madaling trabaho lang naman kasi ang paghuli sa isang bata. At dito nagkaroon ng problema, ang batang napagdeskitahan niya ay ang nagiisa kong kaibigan, si Sofia.

Nang nalaman kong ibebenta niya ang kaibigan ko, nanlaban ako. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko, pero siyempre, dahil walong taong gulang pa lang ako, nabugbog ako ng todo. Pero, dahil din sa pangkukulit ko, tinigilan niya si Sofia at naghanap ng ibang bata.

Nang binubugbog ako, mukhang nauntog ako ng malakas sa semento at nawalan ng malay. Kaya nandito tayo ngayon sa kasalukuyang kaganapan.

“U-umu… d-di na ‘ko iiyak.. sniff” bulong ni Sofia habang pinipigilang umiyak. “Kaya… wa-wag ka .. mamamatay… sniff”

Ang cute mo Sofia !!!

Dahil sa sobrang cute na batang ‘to, ang mga labi ko ay kusang kumurba pataas at naging isang ngiti. Hindi naman siguro masama mabugbog kung magagawa kong protektahan ang cute na nilalang na ‘to. Pero hindi lang iyon ang kinatutuwa ko.

Hindi ko alam kung bakit at sa paanong dahilan, siguro dahil sa nauntog ako ng malakas, pero ngayon naaalala ko na ang lahat.

Ang hilig ko dati, ugali, kakayahan, syempre pati ang holdapang event kaya ako, na isang ordinaryong college student, ay nabawian ng buhay. Naalala ko na ang lahat. Alam ko na ngayon na biniyayaan ako ng panibagong buhay sa isang panibagong mundo!

Ayos din!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1: Magic?! Astiiiig!!!

Chapter 1

 

 

<MAGIC?! ASTIIIIIGGGG!!!!>

 

Isa akong ordinaryong twenty year old na lalake. Ang buong pagkatao ko ay para bang sumisigaw na, “Average lang ako!”. Tama, mukha, pangangatawan, pagiisip---- kahit ano wala akong matatawag na special. Kaya simula pagkabata, wala akong ibang hiniling kundi ang ang maging “kakaiba”.

Alam niyo ‘yun, aksidenteng makakilala ng isang misteryosong tao, tapos binigyan ako ng kakaibang kapangyarihan. O kaya makapulot ng sinumpang bato at magkaroon kakaibang kakayahan. Kahit ano basta maging special ako!

Ito ang mga pinapangarap ko dati.

Hanggang sa naging college ako. Dahil ang buong mundo ko ay sobrang boring at walang excitement, na adik ako sa sa pag-babasa ng kung ano-anong libro (sinabi kong libro, pero ang tutuo nagbabasa ako gamit ang smartphone ko. Nagda-download ako ng mga pdf or epub format na libro sa internet.).

Hi-hindi dahil sa kuripot ako at walang pera pambili ng libro, okay?

Fantasy, mundo kung saan merong magic at mga mythical beasts. Romance, mga love story na sobrang nakakainggit, yung tipong handa mong ibenta ang laman loob mo para lang magkaroon ng buhay na katulad sa mga character sa story. Politics, kung saan mare-realize ng mga readers kung gaano kagahaman ang nilalang na tinatawag na tao. ----- Iba’t-ibang story na na-enjoy ko dahil boring ang buhay at pagkatao ko.

Sa university na pinagaaralan ko, wala akong naging kaibigan. Hindi ko rin alam kung paano nangyari ‘yun, basta nagulat na lang ako…. Lahat sila nakabuo na ng iba’t-ibang grupo at naiwan ako. Mag-isa.

Hi-hindi ako nalungkot, okay?

Dahil wala akong kasama…. palagi. Sa tuwing magpapalipas ako ng oras, lagi akong tumatambay sa mga bookstore at magbabasa-basa ng mga libro dun hanggang sa sitahin ako ng taga-bantay o kaya ng guard. Sasabihin nila bawal daw magbasa. Kaya mabilis akong aalis at lilipat sa ibang bookstore. Tapos mauulit-ulit  yon.

Hanggang sa dumating ang nakatakdang araw na namatay ako.

Katulad ng normal, pinaalis ako sa bookstore na pinagtatambayan ko. Kaya umalis ako at binalak na pumunta sa isa pa. Pero habang papunta ako, napagtripan kong pumunta sa convenience store at bumili ng kahit na anong makakain.

Pagdating ko sa convenience store, dumiretso agad ako sa mga lagayan ng junk foods at tinignan kung ano ang mga masasarap tirahin habang naglalakad. At habang pumipili ako, narinig kong may pumasok sa pinto, pero hindi ako tumingin. Maya-maya pa, narinig ko ang boses ng dalawang lalake na sumigaw ng, “holdap ‘to!”. Syempre, hindi ako nakagalaw agad. Tapos tumingin ako sa dalawang lalake. Ang nasa isip ko ng mga panahong yun, “Siraulo, holdap daw. Pfft.” Hanggang sa naglabas sila ng baril.

Hindi nagtagal, ang lahat ng customer, kasama ako, nag-iba ang expression sa mukha. Ang tutuo, ngayong inaalala ko ‘to, hindi ko mapigilang matawa. Yung mga mukha naming lahat--- nakanganga, dilat ang mga mata na para bang nawalan ng utak at mukhang tanga--- Priceless!

Bale, makalipas ng ilang saglit, ang isa sa mga lalake ay dumeretso sa cashier ang isa naman tinipon ang lahat ng customer sa iisang lugar at hiningi ang lahat ng may halagang gamit. May mga taong nagalangan, pero nang nakita nilang badtrip ang holdaper--- sumisigaw at tinututok ang baril sa mga ulo nila--- lahat sumuko at binigay ang lahat.

Nang akala ko, ayos na ang lahat. Isa sa mga hostage mabilis na inatake ang holdaper at sinubukang agawin ang baril. Nang naagaw niya ang baril, mabilis niya yung tinutok sa lalake at sa kasama niya. Tapos sumigaw siya ng, “Ako si Darna! Sumu-“

Sabi ko nga, magseseryoso na eh.. balik tayo!

’”baba mo ang baril! Pulis ako!”.

Dito na nagkaloko-loko ang lahat.

Ang holdaper na naagawan ng baril ay hindi natakot. Instead, kinuha niya ang kutsilyo na nakaipit sa short niya at sinubukang saksakin ang pulis! DAMN! Pakiramdam ko nanunuod ako ng action movie. LIVE!

Ang boring na buhay ko biglang naging astig sa ilang lang ng minuto! Ibang klase!

Habang nagaagawan sila ng baril at nagsasaksakan, ang mga hostage ay nagsisigawan. Ang iba nagsimula ng umiyak. Pero sa hindi malamang dahilan, kalmado ako. Ngayong napagtanto ko ‘to…. ‘di ba napaka-weird nun?  …. Fuck?

Si mamang pulis (daw), ay nasaksak sa hita at napasigaw. Pero hindi siya tumigil sa pagpupumiglas sa holdaper. Maya-maya pa, nawalan na siya ng pasensya at pinutok ang baril sa tagiliran ng holdaper! Napaatras ang holdaper habang nakahawak sa tagiliran niya.

Nang nakita ‘to ng isa pang holdaper, si kuya holdaper nagpanic at tinutok ang baril sa pulis. Pero mukhang hindi siya sanay sa paggamit ng baril, kaya ng pinutok niya, napataas ang kamay niya at tumama sa pader ang bala.

Hindi yun pinalagpas ng mamang pulis (daw) at tinutok sa isa pang holdaper ang baril at pinaputok ito. Kasama ng malakas ng “bang”, ang holdaper ay biglang nagkabutas sa dibdib at napaatras. Napatingin siya sa pulis saglit, tapos bumagsak.

Habang busy si mamang pulis (daw), ang holdaper na may gripo sa tagiliran ay mabilis na pumunta sa tabi niya at sinubukan siyang saksakin. Pero mabilis na naka-iwas si mamang pulis, kaya ang direksyon ng kutsilyo ay nagiba. Ang kutsilyo ay tatama sa isang babae!

Nang nakita ko ‘to, ang katawan ko ay kusang gumalaw. Hindi ko din alam kung bakit. Hindi ko naman kilala ang babae, wala naman akong mapapala kung ililigtas ko siya, at isa pa….. hindi ako hero! Isa lang akong ordinaryong college student na walang redeeming features!

Pero nang naisip ko ang lahat ng ‘to, ang katawan ko ay nakayakap na sa babae para protektahan siya. Sakto, ang kutsilyo ay bumaon sa likoran ko--- derekta sa puso.

Matapos akong masaksak, mabilis kumilos si Mamang pulis (daw) at binaril ang lalakeng may kutsilyo.  Namatay agad ang holdaper at biglang binalot ng katahimikan ang buong lugar. Kasabay nito, dugo ay mabilis na tumagos papalabas ng katawan ko.

Napa-ubo ako ng ilang saglit at dahan-dahang bumagsak sa sahig. Nang mga oras na iyon, aksidente kong nakita ang mukha ng babae na nailigtas ko. Expression niya ay gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko normal ‘yun, isang lalake ang nagligtas sa kaniya mula sa bingit ng kamatayan. Pero ang lalakeng ito ay hindi niya kakilala o kaano-ano.

Nang bumagsak na ako sa sahig, dun pa lang siya nagising at nagmadali na alalayan ako. Mabilis mapansin na puno siya ng pagaalala. Siguradong dahil yun sa niligtas ko siya. Nakukunsensya?

Maya-maya pa naramdaman ko ang katawan kong lumalamig at namamanhid. Hindi ko na maramdaman ang ilang parte ng katawan ko. Kasabay nito ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko. Nang mga oras na yun, bigla kong nakita ang babae na umiiyak at sumisigaw.

Umiiyak? Bakit? Mukhang malakas na konsenya ang tatama sa babaeng ‘to.

Kaya bago ako tuluyang mawalan ng malay, naisipan kong ngumiti at titigan siya sa mata. Ang gusto ko lang ng mga panahong iyon ay mapagaan ang nararamdaman niya. Dahil hindi naman niya kailangan makonsensya! Ang tutuo proud ako nun, dahil kahit papaano, bago ako mamatay, may nagawa akong sobrang astig!

I’m a fcking HERO!!!

 

….

At iyon ang dahilan kung bakit ako nawalan ng buhay. Kung itatanong niyo sa’kin kung bakit ako ngayon na-reincarnate sa ibang mundo, ang isasagot ko ay------ ‘ba malay ko!

Wag muna natin isipin yung mga bagay na walang kinalaman ngayon. Dahil may nadiskubre akong kasing lupet ng mga alaala ko.

“..Andrei, kumalma ka lang..” Isang malambing at mala-anghel na boses ng babae ang malumanay na bumulong sa tenga ko. “Gagamutin ka ni nanay. Saglit lang ‘to.”

Pagtapos kong marinig ‘to, ang buong katawan ko na punong-puno ng sugat at pasa, ay biglang niyakap ng kakaibang liwanag na nanggagaling sa mapuputlang kamay ng mahal kong ina. Komportableng init ang dahan-dahang dumaloy at kumalat sa buong katawan ko.

Shit , ano ‘to?

Ilang saglit lang ang lumipas, ang bugbog sarado kong katawan ay bumalik sa normal na parang walang nangyari!

Si Sofia na kanina pa nakatingin sa’kin na puno ng pagaalala, ay biglang napanganga at hindi makapaniwala sa mga nakita. Ilang saglit pa, ang mga mata niya ay biglang nag-bago. Mula sa gulat papuntang paghanga. Mapapansin din na para itong nagliliwanag. Kahit ako!

Matapos akong magkamalay, naghintay lang kami ng saglit hanggang sa medyo kaya ko ng magalaw ang katawan ko. Tapos inalalayan ako ni Sofia na maglakad. Dumeretso kami sa bahay ko. Dito, nakita ko ang aking ina na naghahanda ng makakain. Pero nang nakita niya akong bugbog at puno ng pasa, mabilis niyang tinigil yun at tumakbo papunta sa’kin. Isang tingin pa lang halatang nagaalala siya. Sorry.

Mabilis na kinuwento ni Sofia kay Ina ang lahat ng nangyari. Nang matapos ang kwento, hindi ako sinisi o pinagalitan. Ngumiti lang siya at yinakap ako.

Ahh! Pinagpala ako!

Dito na biglang nagliwanag ang mga kamay niya at nangyari ang himala!

“Yan… ayos na.” Pagkasabi ni Nanay nito, dahan-dahan niyang linayo ang mga kamay niya. Tapos ngumiti siya at tinignan ako sa mata. “Sa susunod wag mo kong pinagaalala ng todo, haa?”

Dahil sa mala-anghel na ngiti ng mahal kong Ina, at sobrang bilis ng pangyayari, wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. Nang makita ito ni Ina, ang ngiti niya ay lalong lumalim at napabulong ng, “buti naman..”. Kasabay nito, si Sofia na kanina pa nakanganga at nagliliwanag ang mga mata, ay biglang sumigaw na puno ng saya.

“Waa! Ang galing!” Sabay tingin kay Nanay na para bang nakakita siya ng diyosa. “A-ano yun? Yung liwanag… tapos.. pishing! Waa! Astiiig!!”

Narinig ito ni Ina at napatingin siya kay Sofia, sabay ngiti. Inabot niya ang kamay niya sa ulo ni Sofia at sinagot ang tanong sa malambing na paraan.

“Medyo mahirap ipaliwanag….. kaya tawagin na lang nating…. mahika.”

Makalipas ng walong taon ko na pamumuhay sa mundong ito. Ako, si Andrei, ay nadiskubre na ang mundong tinitirhan ko ngayon, ay hindi ordinaryo tulad ng inaakala ko!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Palalololele's other books...