That Girl in Black

 

Tablo reader up chevron

Part 1

4:00 pm, kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Ako nga pala si Kean Rey Donovan, 3rd year college sa University of the Philippines, BSCE. Umuulan ngayon pero may pasok kami, wala eh! College life suuuuucks!

Nandito na ko sa street namin ng maisipan kong dumaan sa isang convenience store at bumili ng chillz.

"Good afternoon sir! Welcome to Ministop!" sabi nung lalaki sa cashier.

"Isang order nga ng chillz, chocolate flavor." sabi ko naman. Agad na nag-serve yung lalaki.

Humanap ako ng bakanteng upuan. Konti lang ang tao dito ngayon kasi umuulan. Inilapag ko yung bag ko sa upuan at bumalik sa counter para kunin yung inorder ko.

Magpapatila lang ako ng ulan at pagkatapos ay aalis na rin ako. Napansin ko din na sa lahat ng tao dito ay ako lang ang umiinom ng chillz.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at ang earphone ko sa bag. Mukhang matagal-tagal pa kasi ang hihintayin ko bago humina ang ulan.

Matapos kong itext sina mama ay nagpatugtog naman ako. Tamang-tama ito para magpaka-senti ako. Hindi ako broken-hearted, gusto ko lang talaga yung mga mababagal na kanta kasi nakakarelax.

Habang nakatingin ako sa labas ng convenience store ay biglang may nakaagaw ng pansin ko. Yung babae... Ang weird niya... Naka-all black siya...

Black na dress, black na sapatos, black na bag, black na burloloy sa katawan, black na nail polish, black na payong, black na buhok na hanggang beywang at black na lipstick + naka-eyeliner ata siya? Ang weird niya diba.

Pinagtinginan naman siya nung mga estudyante rin na ngayon ay papasok sa convenience store. Parang maski sila ay na-weirdohan sa babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada.

"Nakakatakot yung babae. Para siyang serial killer in disguise." sabi nung isang babae dun sa dalawa niyang kasama.

(Baka naman mahilig lang siya sa black.)

"Para siyang may pinagdaraanang problema."

(Baka naman feel niya talaga yung pag-ulan.)

"Nakita niyo ba yung mata niya? Pulang-pula! Nakakatakot!"

(Di ba pwedeng napuwing lang siya?)

Mga baliw ata 'tong mga babaeng 'to eh. Tsk! Tsk! Muli kong tinignan yung babae pero wala na siya sa gilid ng kalsada. Agad kong kinuha yung chillz ko at ang payong ko tska ako lumabas. Di ko alam pero parang may something dun sa babae. Parang may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Nakita ko naman yung babae sa di kalayuan papunta ng main road. Baka papunta siya ng terminal. Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko at kusa itong sumunod sa babaeng nakaitim. Bakit ganoon? Parang may kakaiba sa kanya... She has her aura...

.

.

.

.

.

Nang makarating kami sa main road ay lumiko yung babae sa kaliwa. Mukhang papunta nga siya ng terminal. Mabagal lang ang lakad nito kaya mabagal lang rin ang paglakad ko. Haaaay! Bakit mo ba ginagawa 'to Kean?

Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad, naubos na rin ang laman ng chillz ko. Mukhang malayo na rin ako sa kabihasnan ah! Mula kasi sa kinatatayuan ko ay tanaw na ang mailaw na siyudad. Kay gandang pagmasdan.

Tumila na ang ulan kaya naman isinara ko na ang payong ko. Tuloy pa rin ako sa pagsunod sa babae. Nakasara na rin ang payong niya. Hindi ko napansin na paakyat pa rin pala ang daan na tinatahak namin. Yung lugar... pamilyar siya sa akin... napaka-pamilyar...

-----

eHy0ew p03wsz!... s4L4m@tsx ph0e s4h p4hqb4bHüas4h n1t0e xDh3h3h3! Please support T.G.I.Buntil the end :).

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Part 2

Huminto yung babae sa tapat ng nag-iisang gazebo. Luminga-linga ako sa paligid, bakit alam niya ang lugar na 'to?!

Tumingin ako sa ilaw ng buong siyudad. Sariwa pa rin sa akin ang lahat, parang kahapon lang siya nangyari. Marami ako..... kaming alaala sa lugar na 'to.

Dito kasi naging kami ni Aleia. Dito kami sumumpa na magtatagal ang relasyon namin at magsasama kami habang buhay. Sa lugar na 'to kami laging pumupunta tuwing nag-aaway kami, para ipaalala sa isa't-isa na kahit na ano man ang problemang dumating, hinding-hindi kami maghihiwalay. Ang lugar na 'to ang pinakasaksi ng lahat ng pinagdaanan namin ni Aleia sa loob ng dalawang taon. Pero hindi ko akalain na sa lugar na 'to rin pala niya ako sasaktan.

*flashback*

"Lei, bakit bigla mo akong pinapunta dito? Alas-otso na ng gabi ah." sabi ko sa kanya ng makarating ako.

"May importante akong sasabihin sayo." malungkot niyang sabi sakin.

Kinabahan ako sa naging tono ng pananalita niya. Parang ang lamig nito... Parang walang halong pagmamahal.

"Ano ba yun?" pinutol ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I'm breaking up with you." diretso niyang sabi. Para akong nabingi dahil hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yun.

"Nagbibiro ka ba Lei? Pwes, hindi magandang biro yan." sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro Kean." nakayuko pa rin siya kaya hindi ko makita yung expression ng mukha niya.

"P-pero bakit? Bakit Lei? Ipaliwanag mo sakin kung bakit? Kasi hindi ko tanggap." sabi ko sa kanya. Kahapon lang ay ang saya-saya namin tapos ngayon ay biglang ganito.

"Naisip ko kasi na hindi pala talaga kita mahal Kean." nakayuko pa rin siya hanggang ngayon. Napangiwi na lang ako dahil sa sinasabi niya. Si Aleia ba talaga ang nagsabi nun?

"WOOOOOOOOOOOOOOOOOOH!" bigla na lang akong napasigaw dahil sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Lei? Ano bang nagawa kong masama? Sabihin mo sakin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa mga traydor kong luha. Unang beses kong iiyak ng dahil sa breakup, ang masaklap pa ay dahilsa first girlfriend na first love ko pa mismo.

"HINDI PA BA SAPAT SAYO YUNG RASON NA HINDI NA KITA MAHAL KEAN?! ANO PA BA ANG GUSTO MONG IPALIWANAG KO SAYO?!" diretsong sabi ni Lei, para akong sinasaksak ng mahigit sa isang libong itak sa dibdib ngayon.

"Tumingin ka sakin Lei... Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong hindi mo na ko mahal." sabi ko sa kanya. Isa na lang ang dinarasal ko sa mga oras na 'to...

.

.

.

.

.

...na sana ay hindi niya sabihin ang mga salitang iyon.

Unti-unti siyang tumingala sakin. Umiiyak rin pala siya ngayon, pero hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit niya 'to kailangang gawin. Pinunasan niya muna ang luha niya bago siya huminga ng malalim...

"HINDI NA KITA MAHAL KEAN." simple pero may diin. Napayuko na lang ako habang kagat-kagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong humagulgol.

Nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko alam kung malayo na ba siya pero sinabi ko pa rin ang mga salitang lalong nagpadurog sa puso ko.

"Akala ko ba walang iwanan? Bakit mo ko iiwanan Lei..."

*end of flashback*

Pinigilan kong mapaiyak dahil sa mga alaalang yun. Sariwang-sariwa pa rin talaga ang lahat.

Naaalala ko yung babae sa gazebo. Nilingon ko siya at nakatingin lang din siya sa mailaw na siyudad. Malayo ako sa kanya kaya hindi niya siguro ramdam ang presensya ko.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay bigla na lang tumulo yung luha nung babae. Kahit naka-sideview siya ay alam kong umiiyak siya. Ilang sandali ko pang pinasadahan ng tingin yung babae at....

"Aleia?!"

-----

Last part na po yung susunod :)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Part 3

"Aleia?!" napalakas ang pagkabanggit ko sa pangalan niya kaya naman napalingon siya. Shit! Siya nga.

"Kean?!" halata namang nagulat ito dahil napatayo pa siya. Lumapit na rin ako sa kanya. All this time, kaya pala ganoon ang nararamdaman ko towards her.

Pumasok din ako sa gazebo. Bumalik na naman sa akin yung mga panahong sumasayaw kami sa gitna ng gazebo habang pareho kaming nagtatawanan dahil parang ang corny ng ginagawa namin.

Yung araw na sinagot niya ako, dito rin mismo sa loob ng gazebo. May mga lobo na nakalutang sa loob ng gazebo habang may mga nakasabit na pictures namin noong nililigawan ko pa lang siya.

Di ko namalayan na napangisi na pala ako sa kawalan. Buti na lang at bumalik ako sa ulirat ko ng tanungin niya ako.

"H-huh?" tanong ko sa kanya.

"Ano ka kong ginagawa mo rito?" tanong niya rin.

"Eeeeh.. Sinusundan ko kasi yung babaeng naka-black na weird ang porma which is you." sagot ko at naupo ako sa kabilang dulo ng upuan.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Just remembering the old times..." natahimik ako ng sabihin niya yun. Diba, siya ang nakipag-break? Bakit kailangan niya pang alalahanin ang nakaraan namin?

"Do you think that my reason is true when I'm breaking up with you?" out of nowhere na sabi ni Lei. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Nagsinungaling ako." nagulat ako sa sinabi niya. Halo-halong katanungan na naman ang pumapasok sa isip ko. Akmang magsasalita na siya ulit ng putulin ko yun.

"Tama na Lei... Nasaktan na ko eh... Wala ka ng dapat ipaliwanag pa..." oo na, bitter ako. Pero hindi pa rin kasi ako maka*move on eh. Tatayo na sana ako ng magsalita siya ulit.

"I'm dying Kean..." automatiko naman akong napaharap sa kanya. Sunod-sunod ang agos ng luha mula sa kanyang mga mata.

"That's why I broke up with you. Gusto kong makapag-move on ka na agad bago pa ako mawala." sabi niya.

"Isa't kalahating taon kaming naghanap ng doktor na gagawa ng operasyon. Pero iisa lang ang sinasabi nilang lahat... It's impossible for me to survive a brain cancer." napahagulgol na siya. Agad naman akong lumapit sa kanya ang niyakap siya.

"May taning na ang buhay ko Kean. At dalawang araw na lang ang natitira. Ngayon at ang bukas." naiyak na rin ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ay malinaw na sakin kung bakit talaga siya nakipag-break sakin. Yun ay ang hayaan akong makapag-move on ng mas maaga.

"Sana ay mapatawad mo ko sa ginawa ko Kean." lalong humigpit ang pagyakap ko sa kanya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagtingin ko sa kanya, it's still the same.

We treasure the memories that happened 5 hours ago. Alam naming pareho na maaaring yun na ang huling pagkikita namin dahil maaaring bukas ay wala na talaga siya.

Sabi niya sakin ay ang mapatawad ko siya ang huling misyon na gusto niyang gawin bago niya ipahinga ng tuluyan ang kanyang katawan. Sana talaga ay makita ko pa siya bukas, dahil gusto kong makapagsimula kaming muli.

*Kinabukasan*

Papunta ako ngayon sa bahay nila Aleia. Gamit ko ang bagong sasakyan na ibinili sakin ni Dad. Gusto kong puntahan si Aleia para yayain siyang makipag-date, dahil alam kong buhay pa siya... Na mali ang hula ng doktor.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang number ni Aleia ng sa di inaasahang pagkakataon ay nalaglag pa ito, pilit ko namang inaabot ang cellphone ko. Nang sa wakas ay mahawakan ko ito ay isang malakas na busina naman ang agad kong narinig.

Isang truck ang papalapit sa kotse ko bumubusina. Kinabig ko ang manibela pakanan, dahilan para tamaan ang kotse sa gilid ko na naging dahilan para magpaikot-ikot yung kotse ko at tuluyang salpukin ang parating na truck. Huli ko na lang na nakita ay ang mga nagmamadaling residente palapit sa kotse ko.

--------------------------------------

"Dr. Andrew Williams, please proceed to the Emergency Room immediately."

"Dr. Andrew Williams, please proceed to the Emergency Room immediately."

"Dr. Andrew Williams, please proceed to the Emergency Room immediately."

Puting kisame at mga taong naka-puti lang ang naanigan ko sa mga oras na 'to. Sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko rin maigalaw ang buong katawan ko. Dahil sa halong pagod at sakit ay ipinikit ko na lang ang mata ko at nagsimulang matulog.

--------------------------------------

Agad na tinawagan ng mga awtoridad ang mga magulang ni Kean at ininform na rin ang pamilya ni Aleia dahil sa nangyari sa binata.

Agad namang dumating ang mga ito sa nasabing hospital at kabadong nag-abang para sa ibabalita ng doktor. Hindi maipinta ang mukha ng mga magulang ni Kean dahil natatakot sila sa posibilidad na hindi maganda ang lagay ng kanilang anak.

Nang lumabas ang doktor ay agad silang napatayo. Agad na luminga ang doktor na wari'y hinahanap ang magulang ni Kean.

"Kamusta na po ang anak namin, dok?" tanong ng mama ni Kean.

Hindi agad nagsalita ang doktor, ilang segundo lang ay marahan itong umiling na kasunod naman ng paghagulgol ng mama ni Kean.

Hindi agad nag-process sa utak ni Aleia ang pagkawala ng binata kaya naman linapitan na rin ito ng kanyang mga magulang.

"Can I see him?" expressionless na tanong nito sa doktor. Tumungo naman ang doktor na sensyales na pumapayag ito.

Habang pinapakalma ng mga magulang niya at ng papa ni Kean ang mama nito ay pumasok na siya sa loob kung saan nakaratay ang katawan ng binata.

Hindi na niya napigilan ang mga luhang kumawala mula sa kanyang mga mata. Lumapit siya rito at niyakap ito.

"Keaaaaaan! Gumising ka dyan! Sabi mo walang iwanan diba? Ito ako oh! Buhay pa ko, pero ikaw?! Keaaaaaaaan!" pilit na ginigising ni Aleia si Kean pero wala itong epekto.

Iyak lang ng iyak ang dalaga. Rinig pa rin nito ang pag-iyak ng mama ni Kean mula sa labas. Hinawakan lang ni Aleia ang kamay ni Kean, hanggang sa makaramdam ang dalaga ng pananakit ng ulo.

"I love you Kean Rey Donovan, till death do us part." dahan-dahang pumikit ang dalaga at hinayaang magpahinga ang katawan nito... habang buhay.

THE END

-----

Lame ending TT___TT. Sorry guys, wala kasi akong maisip na magandang ending so naisip ko na tragic na lang :/. At least, magkakasama pa rin sila sa next life. Huhu! Bye-bye :). THE END...

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Gale Shin's other books...