The Rented Wife

 

Tablo reader up chevron

Introduction

 

Sometimes love comes in unexpected ways and sweep us off our feet--without us, knowing.

 

The Rented Wife - The Beginning

 

"You'll never find the right person if you're stuck with the wrong one."

 

‘Live with me and be my wife for 30 days. After that, you’re free together with a large sum of cold hard cash. And if you are impregnated by me, additional money shall be granted to you. We won’t be married then, but you will still be living with me, under my care until you give birth. I shall then keep the baby myself.'

 

- - - -

“I’m sorry Cory. Hindi kita mahal.” Daniel spoke, his eyes fixed on mine. Nagsilaglagan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan pagkarinig na pagkarinig sa sinabi niya.

Pinagsasampal ko ang pagmumukha niya. Niloko niya ako. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Parang dinudurog ang puso ko. Si Daniel na minahal ko, na halos ialay ko na ang buong sarili ko sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, ni minsan hindi niya ako minahal.

Hinawakan niya ang mga kamay ko para pigilan sa pagsasampal sa kanya pero mabilis ko ‘tong hinigit palayo sa kanya. Nandidiri ako sa kanya. Diring-diri. Ayokong mahawakan niya.

“Eh gago ka pala eh! Dahil ba hindi ko maibigay sayo ang kayang ibigay ng…ng…babae mo?!” pinagduduro ko sila ng kasama niyang babae na hanggang ngayon ay nakahiga sa kama na walang saplot maliban na lamang sa kumot na ipinantakip nito sa katawan.

Marunong pa palang mahiya ang babaeng ‘to!

“Cory please, don’t make a scene here.” He pleaded. Napapalatak ako sa ginawa niya. Si Daniel, nagmamakaawa. Tang ina! Ang kapal ng mukha!

“Me? Making a scene? Baka kayong dalawa ng hitad na ‘yan! Ah, oo nga naman pala. Ibang scene ang gusto mo di ba? You want a love scene. A bed scene. Kagaya ng ginagawa niyo di ba? Di ba? You and that whore! That slut---“

Napatigil ako sa pagsasalita ng dumapo ang palad niya sa mukha ko na dahilan para mapabaling ako sa ibang direksyon.

I heard a gasp. Hindi ko alam kung kanino galling. Sa akin ba o sa hitad na nakahiga sa kama.

“S-sorry Cory… hindi ko sinasadya…” Daniel’s voice was shaking. I turned my head to face him and there I saw guilt, regret and worry on his eyes.

Napatango-tango na lamang ako. Daniel just slapped me. He freaking slapped me. I waited for tears to flow pero parang bumaliktad. It’s as if bumalik lahat ng iniluha ko sa mga mata ko. Parang namulat ako’t natauhan.

“Hindi mo nga ako mahal.” I smiled bitterly. It was the first time na pinagbuhatan niya ako ng kamay. First and last.

“Cory…sorry…” he tried reaching for my hand but I took a step back. Ayokong mahawakan niya ako. Naninindig ang balahibo ko.

 “Diring-diri ako sa inyo. Sa’yo.” Sabi ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. A familiar boxer shorts was the only cloth he was on. It was my gift for him on his birthday. Putcha naman talaga.

Ni hindi man lang niya ako nirespeto. Kailangan pa talagang masaksihan ko pa ‘to. Sana sinabi na lang niya. Mas tatanggapin ko pa ‘yun.

“Magsama kayo ng hitad na ‘yan. Enjoy shoving your dick on that whore’s throat.” Pagkasabi nun ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.

“And oh,” I said turning to face him again. This time, nakalabas na ako pero hawak-hawak ko pa rin ang door knob. “In case you wanted to know, I came here to give my virginity to you. Buti na lang talaga at hindi natuloy. But thank you for slapping me, it woke me up.” Then I slammed the door shut.

 

Kasama ng pagsara ko sa pintuan ay ang pagsara ko na din sa nararamdaman ko para sa kanya. He can shove all the love I have for him up to his ass.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Online Mischief

I strutted my way papasok sa Porziah---a bar belonging to my boy best friend, Carlitos. I needed some distraction. Kailangan kong mag-unwind. Kailangan ko ng lugar para maipalabas ang sakit na nararamdaman ko and where else is the perfect place para gawin ‘yun? Edi sa bar! Sa piling ng alak at musika. Ngayon ay naniniwala na talaga ako na ang alak ang best friend ng mga sawi sa pag-ibig.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay bumungad na sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo pati na rin ang pawis at pabango sa loob ng bar. Halo-halo na ang amoy. I saw people grinding their bodies against each other and dancing their asses off, some making out in the dark corners of the place, not minding the people around them. What a sight to behold! Others were busy drinking their hearts out---which is what I am going to do. I’ll drink my heart out and drown my feelings for that stupid jerk.

 

“Vodka on the rocks please.” Sabi ko sa bartender na agad namang tumalima at nilapag ang isang basong naglalaman ng vodka at ice. Nasa labi ko na sana ang baso at iinumin na ito nang may umagaw nito mula sa akin. Aangal sana ako sa kung sino mang gumawa nun nang makita ko kung sino iyon.

 

“Cory!” Napangiti ako. Si Carlitos. Ang best friend kong boyfriend ng lahat. Matangkad si Carlitos, almost 6ft. Broad shoulders, toned muscles. Hindi naman siya sobrang maskulado, tama lang which makes him very attractive. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, malamlam ang mga mata. Malinis ang kanyang mukha, no trace of stubbles. Manipis na labi at may nakakamatay na biloy sa kaliwang pisngi. He’s still hot as ever.

“Carly.” I forced a smile at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit na alam kong ikinabigla niya. I don’t just hug him for no reason. Not this tight. He hugged me back. I knew he could somewhat sense that something was up.

“What’s wrong Cory?” His tone was serious. He was still holding both my hands, making me feel secure. Sasabihin ko ba sa kanya?

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “It’s Daniel…he…he fucked another girl.” I told him. Oh God I could feel the bile on my throat. Parang namanhid na rin ang dila ko matapos ko iyong sabihin. Until now, I just can’t believe that he cheated on me. Ba’t ang sakit?

“That jerk! Nasaan siya? Pupuntahan ko ang gagong ‘yun!” I saw his face harden. He was about to stand up pero pinigilan ko siya. It’s no use. Hindi nito maibabalik pa ang nangyari na at kalianman hindi nito mababago ang damdamin ni Daniel para sa akin. Para ano pa? Di nga niya ako mahal di ba?

“And you.” He said, looking at me straight in the eye. “Hindi ka man lang nakinig sa akin. He was my other best friend! Ex-best friend na pala. I knew him! His kind, our kind.” Panunumbat niya sa akin.

Yes he was right. He gave me countless warnings kung anong klaseng lalake si Daniel pero hindi ko siya pinakinggan. Karma ko na ata ‘to. I didn’t listen, now I have to face the consequences.

“I-I should’ve listened to you…” wika ko sa garagal na tinig at tumingin sa kawalan habang pinapaypayan ang mata ko para pigilan ang nag-aambang tumulo na mga luha. No I shouldn’t cry. He isn’t worth the tears dammit!

I heard Carly sigh habang nakatingin lamang sa akin. Kalaunan ay ibinaling niya ang atensiyon sa bartender na busy sa pagmimix ng inumin.

“Bigyan mo nga ng unlimited shots of our strongest drink itong tangang babae na ito.” Sabay turo sa akin. “’Wag kang titigil hanggat hinding-hindi siya nalalasing.” Dagdag pa niya na ikinalaglag ng panga ng bartender.

Kung nasa normal lang na sitwasyon ako ay tumawa na ako. Ang galing talagang kaibigan itong si Carlitos. Lalasingin ako ngayon para bukas, mas maramdaman ko ang sakit ng ulo ko gawa ng alak at hindi ‘yung sakit ko sa puso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

“S-sir?” takang tanong ng bartender sa amo niya habang naglilipat ng tingin dito at sa akin.

“You heard me right. Gawin mo ang inuutos ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” Seryosong saad ni Carly.

“Ye-yes sir.” Namumutlang sagot nito at natatarantang nagmix ng inumin ko.

 

Carly silently chuckled. He loves seeing his employees squirm under his presence. Pabiro ko siyang sinapak sa mukha sa inasal niya. He gave me the what-the-heck-was-that-for look. Pinandilatan ko naman siya and mouthed ‘Gago’ na itinawa lamang niya.

 

Di katagalan ay isinerve na ng bartender ang inumin ko. Medyo napakislot ako sa kulay at amoy nito.

“Sigurado ka bang naiinom ‘to?” tanong ko kay Carlitos habang patuloy na sinusuri ang inumin. Mabuti na ‘yung sigurado. Broken-hearted lang ako at walang sakit sa utak kaya hindi ibig sabihin nun ay magus-suicide na ako. I believe that all wounds heal and time heals them. At alam ko na darating din ang oras na maghihilom itong sa akin.

Kumunot ang noo ni Carlitos at nagtagpo ang makakapal niyang mga kilay. “Ibebenta ko ba ‘yan kung hindi naiinum?” sarkastikong tanong na sagot niya sa akin.

I just rolled my eyes at him and eyed the drink again. Iisipin ko na lamang na dugo ito ni Daniel. Tama. Dugo galling sa katawan niyang paulit-ulit kong sinasaksak at pinipiga.

“And what do you call this drink?” I arched my eyebrow at him.

“The drink for the broken hearts.” He simply stated with a laugh. I rolled my eyes at him and shifted my gaze back at the drink.

“Tititigan mo lang ba ‘yan o iinumin nang malasing ka na?” he commented. He sounded impatient as he kept on tapping the table with his fingers and was muttering profanities about my stupidities under his breath.

Hindi ko na lamang siya pinatulan at dire-diretsong nilagok ang inuming kanina ko pa sinusuri. Agad akong napangiwi nang malasahan ang naghahalong pait at tamis nito. Para akong sinilaban dahil sa nag-aalab na lalamunan at tiyan. But it felt good, really good.

I heard him clap. “O? Okay ba?” tanong niya sa akin at ngumiti ng nakakaloko habang nagta-thumbs up.

Napangisi na rin ako sa inasta niya at nag-thumbs up din. Ibang klaseng kaibigan ‘to! He averted his attention to the bartender and instructed him.

“10 shots in a row at siguraduhin mong bangag na ‘yan kung ayaw mong masesante.” Seryosong saad niya at muling ibinaling sa akin ang atensyon. “My treat.” He whispered and winked at me tsaka siya mabilis na umalis para hindi ko masapak.

 

Nakakapang-apat pa lamang ako na shot at masasabi ko nang bangag na nga siguro ako. Nagsisimula nang umikot ang buong paligid at parang may binabalanseng angkla ang ulo ko sa sobrang bigat nito. Umiindak na rin ang sarili kong katawan at parang hinihila ako papunta sa dancefloor. Kinailangan ko pa ng matinding control para pigilan ang sarili ko.

“What’s a pretty lady like you doing alone in a place like here?” nagitla pa ako nang may baritonong boses ang bigla na lamang nagsalita sa katabi kong high stool. Mabilis pa sa kidlat na napalingon ako sa kanya. Did he just sing? Napakending naman ang pwet ko nang maalala ang kanta ni Timbaland dahil sa mala sing-song niyang pagkatanong sa akin. And he seemed to notice it.

“Wanna dance?” He asked smiling na sanhi upang tumaas ang kilay ko. Is he crazy? Dance? Kasama niya? No way dude! Niliitan ko siya ng mata at pinilit na tignan siya ng maayos. His face was weird. Gumagalaw at parang distorted. He looks funny.

“No.” I replied while trying to contain my laughter and didn’t bother adding a ‘thanks’ on my answer. I mean, it really wouldn’t make a difference, would it? My answer will still remain a solid no.

He scowled at me for a second and left with a huff. I felt the corners of my mouth lift and I burst into a giggle. Anong akala niya sa akin, boba? Alam kong hindi lang dance habol ng impaktong ‘yun. At anong sumagi sa utak niya at naisipan niyang makikipagsayaw ako sa taong may dalawang ilong at tatlong bibig? Is he drunk? I snorted at the thought. Muli akong uminom at naubos ko nga ang sampung shots.

 

Di na rin ako nagtagal sa bar. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Carlitos dahil wala siya sa private office niya.

Kinapa ko ang switch ng ilaw sa sala at bumungad sa akin ang tatlong malalaking maleta na may sobre na nakaibabaw dito. Kinabahan ako nang mapansing pamilyar ang mga maletang ito. Kahit lango ay sinubukan kong maglakad ng maayos papunta roon at parang sumabog ang puso ko nang mapagtantong mga maleta ko nga ang nasa harapan ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa carpeted na sahig at inabot ang puting sobre. Sulat mula kay Daniel.

‘Cory, pasensya ka na pero mas makakabuting umalis ka na rito. I don’t think its right for you to stay here after what happened. I’ll give you your refund as soon as possible. Sorry. –Daniel’

Napatakip na lamang ako sa bibig ko at tahimik na humikbi. Nawala na ata ang pagkalasing ko dahil sa nabasa. Pinagpupunit ko ang sulat niya at iginala ang paningin ko sa buong apartment. Tumira lang naman ako dito dahil gusto niyang malapit kami sa isa’t-isa. Hindi gusto ng mga magulang ko ang pagbubukod ko sa kanila kung kaya’t pinutol nila ang komunikasyon namin at ni isang kusing ay walang ipinadala. Napilitan akong magtrabaho bilang isang waitress sa isang bistro at malaking tulong na sana itong apartment na pag-aari ni Daniel kasi 50% ang discount.

Tang-inang Daniel na ‘yan! Gago siya!

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang pisngi ko. Last na’to. Hindi na ako iiyak nang dahil sa kanya, promise. Simula sa oras na ito, aalisin ko na ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya. Kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang i-delete lahat ng picture naming dalawa. Nang masiguradong wala na lahat ay naglog-in ako sa facebook account ko. Agad kong hinanap ang username niya at dali-daliang binlock ito. Goodbye Daniel.

Nasa akto na ako ng pagla-log out nang nagfreeze bigla ang screen ng laptop ko. Natatarantang pinagalaw ko at itinuro kung saan-saan ang mouse at nagbasakaling maayos nito ang problema. Nang sa wakas ay gumana na ito, may bumukas na website tungkol sa mga naghahanap ng yaya, babysitter, driver, manager at iba pa. Naalala kong kailangan ko nga pala ng ibang trabaho ngayon kaya imbes na i-close ang website ay nagscroll down ako.

“Badtrip.” Naiinis kong bulong sa sarili dahil hindi pa rin ako nakakahanap ng trabahong kaya kong  gawin ngunit patuloy pa rin ang pag-scroll down. Nang mainip ay nirefresh ko ang website at nagpop ang isang announcement: ‘Wanted: Wife for rent; Send us a message if you’re interested and kindly fill the form below.’

“Wife for rent? Loko-loko ‘to ah!” May lakas pa sila ng loob para ipost ito! Hindi man lang ba sila naawa sa mga babae?! Maturuan nga ng leksyon!

Pinuntahan ko ang nasabing announcement at nag fill-up sa form.

 

Name: Cory Vidanes

Age: A tender age of 42

Address: Block ‘asa ka pa di mo malalaman’, Paasa city.

Email Address: shabupamore@gmail.com

Current Job: Pumunta ka na lang sa ABS-CBN

Vital Statistics: n/a hindi naman siguro ‘to ipapasa sa Ms. Universe di ba?

Special skills: If killing dickheads is a specialty, then that’s it.

Household chores you’re master at: Seriously? Asawa ba o yaya ang hanap niyo? Yung totoo po.

Define a perfect home: Buo, Masaya at nagmamahalan ang pamilya. That’s a perfect home for me.

Define a good husband: Malambing, makakapagprovide sa basic needs ng pamilya at asawa, mapagmahal, maalagain, masungit. At magaling sa ano.

 

Gago lang ang maniniwala sa mga sagot ko. Well, except dun sa last two. Matapos kong i-click ang send button ay naghanap ulit ako ng totoong trabaho at swerte ko lang dahil nakahanap nga ako.

I discarded my clothes only leaving my undergarments attached as I felt hotness creep through my body. Humiga na ako sa kamang hindi ko na hihigaan simula bukas and dozed off.

 

The annoying sound of the doorbell was banging my ears and startled me from my slumber. Bumangon na ako at pakiramdam ko ay may tumamang kutsilyo sa ulo ko. Napahawak ako rito at minasahe ito. Nang medyo mahismasan ay humiga ako ulit. Grabe ayoko nang umulit sa pag-inum.

Muling tumunog ang doorbell and I unwillingly groped for my clock and read the time. 8:10 am.

Great! What is someone doing here at this early hour? Don’t tell me si Daniel ‘yan? Kumirot naman ang puso ko sa naisip. Grabe, gusto niya na nga akong paalisin para mag-effrot siyang pumunta rito ng ganito kaaga.

I grumpily wore the shirt I used last night and combed my hair with my fingers. Hindi na ako nagtootbrush o nagmumog man lang dahil atat na atat ata ‘yung nasa labas at hindi nilulubayan ang doorbell. I could sue that person for harassing the poor doorbell. I opened the door wide enough to let two persons come in together.

“Ano bang problema mo?” diretso kong tanong sa kung sino mang nasa labas habang kinukusot ang mga mata kong may muta pa ata.

“Miss, I wanted to inform you of—“ My eyes flew open as I heard a man’s voice. Automatic na pumulupot ang kamay ko sa ibabang bahagi ng katawan ko. My bare legs and panties exposed to a stranger in an early morning.

“What are you wearing?” I saw fire in his eyes as he narrowed his gaze at me.

“Uh..clothes..?” who the heck is he?!

“How can you call those clothes?” kumunot ang noo nito at kumunot din naman ang sa akin. What, a see-through shirt and black lacy lingerie aren’t clothes anymore?

Oh wait. Shit!

“Ano bang kailangan mo?!” pagalit kong sabi upang takpan ang pagkahiya ko. “Kung nagbebenta ka ng bibliya o di kaya’y kukumbinsihin mo akong mag-iba ng relihiyon,” I said as I ran a quick glance at his black leather shoes, three-piece suit, brief case and the papers on is hand. “Umalis ka na dahil nagsasayang ka lang ng panahon. Unang-una, wala akong pera at pangalawa, hindi ako interesadong maglipat relihiyon. Goodbye!” Pinandilatan ko siya ng mata at padabog na isinara ang pintuan. Pero bago pa man itong tuluyang masara, naiharang na niya ang brief case niya.

“Ano ba?! Siraulo ka bang tao ka?! Hindi ka ba makaintindi?” inis na sigaw ko sa kanya. Bahala siyang maamoy ang hininga ko.

He cringed his nose before he gave me a paper where my pseudo informations were written. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig nang mapagtanto kung tungkol saan ang papeles na iyon.

Oh My God.

“Wife for rent, remember?”

I shot my head up as I heard his voice laced with mockery.

 

*Click* A flash made me close my eyes and later realized that he took a picture of me “For the boss.” He quickly said and hastily headed to the Volkswagen that was waiting for him.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Who is my Employer?

 

I gaped at his retreating back for a minute before slamming the door shut with all the strength left in me. What the hell? Is he even serious about it? Oh right. As if the visit isn’t a proof that he is, stupid. I massaged my temples and took deep breaths as I let the situation sink in. Mas sumakit pa ata ang ulo ko dahil sa mga iniisip kesa sa ininum ko kagabi.

 

“Okay, keep calm and think.” I chanted as I paced back and forth across the room. “Keep calm, think.” I expelled a heavy sigh and resorted on biting my nails. Ano nang gagawin ko? Alangan namang sumama ako di ba? Ipo-prove ko pa ba ang theory ng pagiging tanga ko?

 

Or should I just… run away and hide? Surely he won’t trace me. He wouldn’t go through all the trouble of finding me right? Besides, he could always find a replacement.

 

”Tama!” I exclaimed with glee as the idea seemed suffice. Aalis ako at di na magpapakita pa rito. I smiled at the thought and was heading to my room when once again the bell decided to ring.

I groaned. Not him again! I grumbled coarse words as I hastily made my way to the door. I grabbed the handle and opened it just enough to reveal my face. I am not gonna offer him a second view of my body. I can’t afford to be embarrassed further.

“May nakalimutan ka ba?” I calmly asked as I took in a deep breath with both eyes closed.

“Bakit may inaasahan ka bang iba?” a cold voice asked and my eyes fluttered open in surprise.

“I..uh..” why the hell am I stuttering. Get a grip on yourself Cory! “None of your business.” Iniwan ko lamang siya roon pati na rin ang nakabukas na pintuan. He’s here to collect the keys and to kick me out of the apartment that I used to call home, that for one is obvious.

“May pinapasok ka ba rito bukod sa akin?” he sounded angry but I didn’t mind him. He has nothing to be angry about.

“Cory! Answer me. Damn it!”

“And what’s wrong with your fucking outfit!?” I flinched as he raised his voice at me. “Anong klaseng damit yan ha Cory!?” Gago ka talaga! Tinagalog mo lang ‘yung sinabi mo e!

I placed a hand on my chest and faked a shocked expression. “Wag mong sabihing nahihiya ka para sakin? Hindi ka nga nahiya dun sa kinama mo di ba? Buti nga may damit pa ako, eh kayo hubad-hubad na.” That made him shut up and I knew I just hit a nerve right there.

“Ganyan rin ba ang tinatanong mo sa  lahat ng babaeng napasukan mo?” Alam kong dapat na akong tumigil sa pagsasalita dahil nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya. But a part of me was happy to see him in this kind of state.

“Napaka-possessive mo naman ata sa lahat ng napapasukan mo. Hindi na maganda ‘yan Daniel. Isang araw, lahat ng pinasukan mo, sisipain ka palabas.” Dagdag ko at iniwan siyang nakatulala sa salas.

Nasa kanya ang desisyon kung aalis ba siya o mananatili pa rin sa kabila ng nangyari. But I knew he’d go for the latter. After all yun naman ang rason kung bakit siya nandirito. I felt something tug my heart at the thought, it hurts so damn much and I cursed myself for even feeling something towards it.

 I did my morning routine in a jiffy and wore decent clothes. Nang matapos ay agad akong lumabas papunta sa salas at medyo nabigla pa ng nakitang naroon pa rin si Daniel na nakatayo at nakahalukipkip habang  nakatingin sa bagong dating na lalakeng prenteng naka-dekwatro ng upo sa sofa.

“Siya ba ‘yung inaantay mo kanina Cory?” bungad ni Daniel at hinarangan pa ako ng makitang lalapit ako sa lalake. I gave him a bored look at pinaalis siya sa harapan ko.

“Anong ginagawa mo rito? May nakalimutan ka ba?” nakapamaywang na tanong ko sa lalake na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan. Grabe, nakita niya na ang lingerie ko’t naamoy ang hininga pero di ko man lang alam ang pangalan ng Adonis na ito! Kaloka lang.

“Sino naman ‘yang lalake na ‘yan Cory?” singit na tanong ni Daniel. Tinapunan ko lang siya ng tingin bago itinuon ulit ang atensyon sa lalakeng mukhang nagdo-door-to-door ng mga bagay para ipautang dahil sa sobrang pormal na suot nito.

“Ano!? Meron ba?” inis na tanong ko sa kanya ng hindi siya sumagot. At mukhang wala siyang planong magsalita dahil parang aliw na aliw siyang panuorin ako at ang mga ugat ko sa leeg na nagbabanta nang pumutok dahil sa inis.

“Cory!” pagtawag ulit ni Daniel na hindi ko naman nilingon. “Cory!” Aba mapaos sana siya sa kakatawag sa atensyon ko. “Cory ano ba!” I felt myself being jerked towards him.

“What? Ano? Bakit!?” pagtataray ko sa kanya at agad na binawi ang braso kong hawak-hawak niya pa rin pero imbis na bitawan ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak dito. I could feel my heart jump with his warmth on my arm. At hindi ko gusto ‘yun.

“Sagutin mo nga ako!” he yelled in frustration and I could feel saliva sputtering on my face. I cringed at the contact. It’s funny to think that I used to taste and share my saliva with his when we kiss but now I couldn’t hide my disgust at the mere contact.

“I did!” I yelled back matching his frustration. “Sinagot kitang gago ka and I made a mistake in doing so. You took me for granted and tore me into pieces that even I couldn’t pick up. And I’m not committing another mistake by answering you again.” I couldn’t help but feel pity towards myself.  It came out bitter and the answer made no sense to his question at all but I knew I had to say it.

I swallowed hard and blinked as I felt tears prickle on the sides of my eyes. I will never cry again. Not for Daniel or any other person. His hold slowly loosened and I felt something missing as soon as his warmth left me.

“Cory naman—“ he started but I cut him off by shoving the keys of the apartment to his chest.

“Thank you for letting me stay here. I appreciate it, really, but I will pay you the remaining 50% of my rent as soon as possible.”

“You don’t have to. I’m so so—“ I raised a hand to stop him from talking. I don’t want to hear his apology. All I want is to get this done with.

“Fine.” He sighed and I admit I was a bit astounded to hear him give up that fast. He wasn’t like that when we were together. He was always so persistent and would always fight for what he wants— that was what I liked about him the most. I guess people change and we aren’t together anymore so that made sense.

“Here.” He handed me a white envelope and a plastic bag. Para saan ang mga ito? I frowned as I took them.“Refund mo, as promised.” He answered before I could even voice out my question. I accepted it too eagerly after hearing the word ‘refund’. Sino ba naman ako para tumanggi gayong kailangan ko ang dagdag na pera ngayon. Besides, hindi na ito pakapalan ng mukha. It’s my right. Nagbayad ako ng 1 year advance pero pinalayas niya ako dahil lang sa nahuli ko siya sa akto ng pangangaliwa kaya natural lang na bigyan niya ako ng refund.

“Eh ano naman ‘to?” I gestured to the plastic bag that was surprisingly light. May laman ba ‘to o balak lang akong pagmukhaing tanga’t kawawa ni Daniel just like what he did yesterday? He didn’t answer and instead, looked away. He had the same look as yesterday—the look you make when you get caught doing something. My curiosity just reached a new level and before I knew it, my hand was already inside the bag but another hand snatched it away from me.

“Hoy ano—Oh wait. Look who finally decided to stand up and do something!” sarkastiko kong saad nang makitang ang lalakeng kanina pa nakaupo ang umagaw nito.

“Well the scene just got boring darling.” He smirked and craned his neck to look inside the bag. He let out a whistle and winked at me. “This is hot stuff dear.” He chuckled and narrowed his eyes at Daniel.

“Akin na nga ‘yan!” sigaw ko at sinubukang abutin ang bag pero itinaas niya ito kaya kahit anong pilit kong talon ay di ko pa rin maabot-abot.

“Just give it to her!” Daniel’s voice made me stop from jumping and so did the stranger in front of me. I took the chance to seize the bag away from him.

Alam mo ba yung feeling na excited ka dahil nakakita ka ng container ng ice cream sa freezer ninyo tapos pagbukas mo isda pala ang laman? Ah mali, mas malala pa roon ang nararamdaman ko ngayon. Para akong binuhusan ng isang balde ng kumukulong tubig at pagkatapos ay nilunod sa Antarctic ocean dahil sa nakita.

Boxer shorts. Yun ang laman ng bag. Ang regalo ko sa kanya na ginamit niya nung nahuli ko siyang kinakalantaryo ang babae niya.

“Anong gusto mong gawin ko dito?”

“You can do whatever you want with it. Isinasauli ko na, I’ve washed it alrea—“ Hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinampas siya nung boxer shorts sa mukha. Ang kapalang kapal-kapalLetse ka!

“Pagkatapos ano, susuotin ko ‘to? Hoy kahit ibabad mo pa man ‘to sa milyon-milyong sachet ng downy o di kaya’y sa pinaghalo-halong brand ng mga sabon, ‘di ko tatanggapin ‘to!”

“I don’t need it anymore…you can have it back.”

I scoffed at his reply. “You don’t need it anymore? So sa palagay mo mas kailangan ko ‘to? Anong ulo ba ang gamit-gamit mo ngayon ha! ‘yang ulo mong may utak o ‘yang ulo mong walang alam na suotin kundi brief at condom?”

Dahil sa galit ko ay muli ko siyang hinampas sa mukha gamit ang boxer shorts.

 “Eh putangina ka pala eh! Anong akala mo sakin, abnormal? Oo may pagkatanga ako pero di ako baliw para sakyan ‘yang trip mong siraulo ka. Ano ‘yan, matapos mong pagsawaang gamitin nung gabing ‘yun, isasauli mo sa nagbigay?” napatawa ako ng mapakla. “Aba naman, hinigitan mo pa ang nag-one night stand. Matapos magpakasarap, kakalimutan mo na. Daniel, hindi ako tumatanggap ng basahan. Sayong-sayo na ‘to. Ingudngod mo sa babae mong dinaig pa ang labi ni McDonald sa kapal ng lipstick!”

Hindi siya sumagot at sa halip ay nakayuko lang siya na para bang naghihintay na saktan ko. Kung inaakala niyang di ako kikilos, pwes nagkakamali siya. Ibibigay ko ang gusto niya, sasaktan ko talaga siya!

“Tangina ka, tangina ka!” hinila ko ang buhok niya at sinimulang sabunutan siya. “Ginawa mo akong tanga! Wala kang pusong gago ka!” I clenched my fists and started to pound his chest. He did not speak nor made any move to stop me.

“Suotin mo ‘yang hayop ka!” marahas kong isinuot sa ulo niya ang boxer shorts at sinampal pa siya ng ilang beses hanggang sa manghina ako. “Pagsawaan mo hanggang sa magkalasog-lasog ‘yan kasama nung sayo!” I was just about to kick him in the crotch when warm hands wrapped around me from the back and pulled me slowly away from Daniel. I looked up only to see the stranger looking intently in my eyes; pity shown on his face.

Was I really that pitiful?

“That’s enough. Let’s go.” He said in a soothing voice that somehow earned a nod from me. “Mauna ka na sa kotse, ako na ang kukuha sa mga maleta mo.” He added with a small smile and gently pushed me towards the door. Wala akong nagawa kundi tumango na lang ulit. Wala na akong sapat na lakas para tumutol pa.

Nang makapasok sa kotse niya ay para akong gulay na nanlanta sa sobrang panghihina ko. I was frustrated, hurt and broken. I am surprised as to why my tears haven’t showed up yet. Are my eyes tired of crying? Saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin at gawin ang mga bagay na ‘yon? Masyado ba akong naging marahas? Masyado ko ba siyang nasaktan? Wala akong ideya. Ang tanging alam ko lang ay may kung anong mabigat sa dibdib ko ang nawala dahil dun.

 “Allright, we’re set to go.” I jumped a little as the stranger appeared from nowhere, sat on the driver’s seat and started the engine. The drive was quite and we managed to make our way out of the village neither talking nor glancing at each other.

“You know,” He started. “You could just return that refund to him as payment for the 50% discounts you’ve acquired since the day you resided there.”

I frowned at his sudden speaking. “No way.”

“Why?”

“Just because.”

“Why?”

“I said, just because!” naiirita na ako sa sandamakmak na ‘Bakit’ niya. He nodded but was surely unconvinced with the answer I gave him. I heaved a sigh and started to speak again.

“I accepted the money because I need it. Napalayas ako sa tinitirhan ko kaya natural lang na tanggapin ko ‘yun.” I sighed. “Babayaran ko na lang siya kapag nakapag-ipon na ako ng pera.”

“Is that the sole reason why you accepted the money?”

My heart skipped a beat at his question. Is that reallyit? May iba pa ba akong rason kung bakit tinanggap ko ang pera? Maybe because…NO! I shook my head and glared at him. What is he trying to say?

“At bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Maybe because it’s one way of seeing him again?” kahit patanong ang pagkasagot niya ay ramadam kong sigurado siya sa mga paratang niya sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya at hindi umimik na naging dahilan para mas tumindi ang paniniwala niyang ‘yun nga ang rason ko.

“You’re hoping to see him again through it.” This time he said it with full conviction. “Cory, some things are meant to be forgotten. And to forget, you must learn to let go. Let go of all the things that are connected to it; even the grudge you bear.” Sumapol sa akin ang mga pinagsasasabi niya. “Just because it makes you smile doesn’t mean its bliss. You need to know that so as not to get hurt, at least not that much."

Tumikhim ako dahil parang nagiging seryoso na siya. “Bakit nga ba ako sumama sa’yo? Pinlano ko pa naman sanang tumakas.” Naiinis na pag-amin ko sa kanya para lamang maiwala ang usapan at mukha namang nagtagumpay ako.

Tumawa siya at medyo umiiling-iling pa. “Maybe because you were caught up in a situation that you can’t escape on your own. Besides, you can’t run away from me.” He took a quick glance at me. “With my connections, tracing your location is just a piece of cake.”

 “Fine. Ano nga bang pangalan mo?”

“I have just one last question before I answer you.” The car went into a halt as the light went red which is why he’s got his whole attention on me. Ang galing niya talagang tumiming.

“Ano na naman ba?”

“Totoo ba na may dumaig na sa labi ni McDonald?” he looked so serious that for a second I believed him. Pero tumawa siya ng malakas ng makitang natulala ako sa tanong niya. “Just kidding.” He chuckled. “Alam kong walang tatalo sa labi ni McDo.” He laughed again and I could feel devil horns sprouting on my head.

“Ikaw!” nanggigigil na dinuro ko siya. “Ikaw! Naku! Masasakal na kitang talaga! Konting-konti na lang,” Pinagdikit ko pa ang hinlalaki at hintuturo ko para mas makuha niya ang sinasabi ko. “Konting-konti na lang talaga at madedemonyohan na ako sa’yo!” inirapan ko siya na tinawanan niya naman.

“I’m Marco, pleased to meet you.”

“I’m Polo.” Pabalang na sagot ko which earned another laugh from him. Kanina ko pa napapansin na tawa siya ng tawa. Baliw ba ‘tong sinamahan ko?

“Yes I’m Marco and no, you’re Corazon Escueta; 23 years old, single and female—that one I checked for sure.” He chuckled one more time na parang may nakakatawa talaga sa sinabi niya.

To say that I was shocked was an understatement. How the hell does he know that? And what other things does he know about me aside from those? Namula naman ako sa huling sinabi niya. “Grabe ang maniac.” I muttered to myself.

“Saan ba tayo pupunta?” I asked nervously nang makitang papasok kami sa liblib na lugar. Hindi naman siguro kami didretso sa Honeymoon namin ano? Kahit naman ganito kaganda ang mukha niya, hindi ako makakapayag na gawin ‘yun kasama siya.

Nilingon niya ako nang nakangisi.  “I’m taking you to your employer.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Employer? This stranger—Marco, he’s not my pretend-husband? Then…who is?

For the boss. Marco’s voice echoed and I remembered that time when he took my picture. The boss. The employer. Just…who is he?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Grasya VIllabas's other books...