Always Been You

 

Tablo reader up chevron

Always Been You

Dedication

To my family who doesn’t know I’m writing but I know will be supportive of me.

Prologue

“I’ve dreamed of this a thousand times before, but in my dreams I couldn’t love you more.”

Damang-dama ko ang kanta ko sa harap ng campus. Foundation day ng high school kaya naman maraming pakulong events ngayon. May mga iba’t ibang booths din na kinagigiliwan ng lahat, lalo na ng mga grade school.

Ilang high school at college students ang nakatingin at nanonood sa akin habang kumakanta. Intermission number ako ng battle of the dance floor ng colleges kaya naman maraming nanonood. Inaabangan kasi nila kung mananalo ang college nila.

I’m still in Grade 8 but everyone acknowledges my gift in singing. Simula pa bata ako ay kumakanta na talaga ako. My mother is a musical instructor and a director in some broad way plays in New York. Tinuruan niya akong kumanta noon pa lamang.

“You’re all I need, my love, my valentine.”

I ended the song and everyone applauded me. Pinsalamatan ako ng MC at bumaba na ako ng stage. I have never had a stage fright. I’ve always loved the spotlight. Maybe it’s an advantage for me.

“Galing mo!” Maligayang sabi sa akin ni Jeniah, my best friend.

I smiled and shook my head. Hindi pa ako ganoon kagaling. I need to practice more.

Jeniah and I walked around the booths when something caught my gaze. Sa wedding booth, may ikinakasal.

“Do you, Zachaeus Michael Villamontes, take Brittany Hale Pineda, as your newly-wedded wife to have and to hold for all of your lifetime?”

Nanliit ang mga mata ko nang marinig ang president ng student council, na siyang tumatayong pari, na itanong iyon.

Si Zac?

“Hala! Si Kuya kinakasal!” tawa ni Jeniah sabay hila sa akin palapit sa wedding booth na iyon. Jeniah’s brother is the hottest in the campus. Or at least para sa akin.

I’ve been crushing on Zachaeus simula pa noong una akong pumasok sa bahay nina Jeniah, noong mga bata pa lang kami. I could still remember that moment. Naglalaro siya noong mag-isa ng basketball sa mini-court nila sa bahay. He looked sweaty but he’s still handsome.

Isa pa, he had a dimple that looked so hot on him.

Anim na taon ang agwat niya sa amin. Dati, lagi niya kaming kasama ni Jeniah. Kapag may laro siya sa basketball, lagi niya kaming isinasama. Lagi rin niya kaming binibilhan ng pagkain kaya naman gustong-gusto kong sumama sa kanila.

Jeniah is so close to Zachaeus. Kahit ngayon ay sobrang close pa rin sila kahit na medyo nagkaedad na kami. Most siblings grow away when they mature but they didn’t. That’s what I’m envious of. I’m an only child. A miracle baby, in fact.

Noon ay akala nina Mommy at Daddy na hindi sila magkakaanak. But then they didn’t stop trying and there I came. Because of that, they cherished me so much.

“I do.”

Alam kong kunwari lang ang kasalang iyon pero hindi ko mapigilang masaktan nang marinig ko ang I do ni Zac. I wanted to be that girl, that’s why! Pretend or not, I want to be his wife!

The SC President asked the same to the girl who answered yes without further a do. Hindi man lang nag-isip. Basta na lang nag-I do.

“Sino ba yang girl?” Di ko na napigilang tanungin ni Jeniah.

Tumingin siya sa akin. “Si Brittany! ‘Yong girlfriend ni Kuya!” Aniya.

Nanliit ang mata ko. “Girlfriend?” May girlfriend na siya? Bakit may girlfriend na siya?

Tumango si Jeniah. “Oo. 3 months na nga ata sila, e.” Sagot niya.

3 months pa lang? Magbebreak rin ang dalawang iyan!

“Congratulations! I know pronounce you, man and wife.” Anang Pari. “You may now kiss the bride.” Dagdag nito.

Nanlaki ang mata ko. Kiss the bride?! What the?!

Kitang kita ko ang pamumula ni Brittany habang natatawa naman si Zac. What the hell? Did he want this?

Malamang, Yvon! Girlfriend niya iyan, e!

I tried my best not to look away when Zac leaned in and kissed Brittany on the lips but I couldn’t. Wala pa yatang isang segundo ay umalis na ako. I couldn’t see it.

“Yvon!” Rinig kong tawag ni Jeniah sa akin pero hindi ko pinansin.

Fuck. Kailangan kong umalis rito.

Tumambay ako sa malayong staircase. Doon sa walang makakakita sa akin. Alam ko namang wala akong pag-asa kay Zac dahil bata pa ako at gagraduate na siya ng college pero masakit pa rin ang makitang may hinahalikan siyang ibang babae.

Damn. What am I even talking about?

I must be going crazy!

Ilang text ang pinadala sa akin ni Jeniah. Ilang tawag rin ngunit wala akong sinagot dito. Nakakahiya ako. I’m just in Grade 8 pero puro crush na ang alam.

I pursed my lips in a thin line and ducked on my knees. Damn it!

Ang akala ko ay makakamove on sa pagkakagusto ko kay Zac. He’s a big brother to me. He wouldn’t see me more than a little sister. Lalo pa’t best friend ko ang nakababatang kapatid niya.

Ilang beses rin nagpapalit-palit ng girlfriend si Zac. I admit it hurt the first time but I’ve gone used to it. But I’ve never seen him kiss his exes that publicly. Mahal na mahal ba niya si Brittany?

Come on, Yvon Zendyla.

This is just a puppy love. Grade 8 pa lamang ako. When I grow up, I know I would realize what love really is. Maybe in the future, I’ll be able to find someone my age who would see me as a partner, a lover, not as a sister.

Pero dalawang taon ang lumipas ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko para kay Zac. If not, baka lumakas pa nga.

Si Zac na ang humahawak sa negosyo ng pamilya nila. Dalawang taon na siyang graduate pero dinadalaw pa rin niya si Jeniah sa school para sunduin o para ilibre ng lunch.

Minsan, sumasama ako, pero madalas hindi. Kailangan ko kasing magmove on, e.

Nang dumating ang graduation ng high school ay nag-iiyakan na kami ni Jeniah. Pupunta kasi ako sa states para mag-aral. Iyon ang napag-usapan namin nina Mommy. Pagkatapos ng high school ay lilipad na ako sa US para mag-college.

“May Viber naman at Skype.” I tried to console her. Hindi na kasi matigil sa pag-iyak si Jeniah.

I gave her the tightest hug I could ever give. “Babalik naman ako after college.” Sabi ko.

Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung anong makakapagpatigil dito. Marami pa akong consolation na sinabi sa kanya at unti unti na siyang kumalma.

I smiled. My best friend is such a cry-baby. Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya bago ako nagpaalam na susundan na sina Mommy sa kotse. Pinunasan ko ang luha sa aking mata habang naglalakad patungong parking lot.

“You’re leaving?”

Halos maestatwa ako nang makita ko si Zac na nakatayo at nakasandal sa pader. Damn. He looked so manly and handsome. Dear Lord!

Tumigil ako at tumango habang humaharap ako sa kanya.

“Are you coming back?” Tanong niya.

I gulped and shrugged. “Hindi ko pa alam.” Sagot ko.

It’s true. Ngayong aalis ako ay hindi ko pa rin alam kung makakabalik ba ako. By that time, I believe I will be working in the US.

“Hindi mo man lang ba babalikan ang kapatid ko?” Tanong niya.

“Hindi ko alam.” Sagot ko. “Pero gusto kong bumalik.”

Kitang-kita ko ang pagkuyom ng bagang niya. His perfectly chiseled jaw line. Damn it, Yvon! This isn’t the time for you to acknowledge the view!

Tumikhim siya bago tumango. “I hope you’ll come back, though.” Aniya.

I bit my lip as I felt butterflies in my stomach. Shit! Wala pa nga, Yvon! Wala pa!

“I’ll be very lonely.” Aniya.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang marinig ko iyon sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

“You won’t. Marami namang babae diyan.” Sagot ko. Hindi ko alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas para dito.

He scoffed and pursed his lips in a thin line. He stood properly and walked closer to me.

Ngayon ko lang napansin na pormal na pormal ang suot niya ngayon. He’s wearing a three piece suit that hugs all the muscles in his body. Shit! I want to be that suit!

Ano ba ‘yan, Yvon!

“I’ll be very lonely because I’ll see Jeniah sad without you.” Aniya.

Para akong nabagsakan ng hollow blocks. What the hell? Akala ko pa man ay malulungkot siya dahil mawawala ako! Well, so much for wanting him, Yvon! Katangahan ang isiping may gusto siya sa sa’yo!

I tried to smile at him. “Oh. That.” Iyon lamang ang naisagot ko. May gusto akong isagot pero nagpasya akong huwag na lang.

He smirked and tilted his head to the side. “What do you think did I mean by that anyway?” tanong niya.

I shook my head. “Wala.” Sagot ko. “Anyway, I’ll go. My parents are waiting.”

Akmang maglalakad na ako nang bigla niyang hinawakan ang pulso ko. I almost shivered by the mere contact. This is the first time he held me.

“Wait,” matigas na sabi niya. “I know what you feel for me, Yvon. Alam kong gusto mo ako.” Nanlaki ang mata ko. Nakakakapal ba ng mukha ang maging COO?

“But I can’t like you because you’re too young. You’re as young as my sister. So I’m sorry.” Aniya.

I scoffed and shook my head. “Asshole.” I muttered before yanking my hand away and leaving him.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1: Seduce

“Yvon, wanna dance?” Warren whispered as I gulped another shot of tequila.

Kakarating ko lang ng Pilipinas noong isang araw at ito na naman ang inaatupag ko. In the States, I would always go to the bar every weekend. It was my way to unwind and have fun.

And it’s no different now in the Philippines. In fact, maybe I should party harder now since I’m with Filipinos. And I’m in my homeland.

“Sure.” I giggled as Warren pulled me to the dance floor.

I just knew Warren tonight. Mag-isa kasi ako ngayon at hindi ako tinigilan ng isang ito kaya namang makikipaglaro na lang rin ako sa kanya. After all, this is what boys want to do, right? Play?

Warren and I danced amidst many people. His hand roaming all over my body. I smirked and almost shook my head. This fuckboy thinks he can score tonight.

No.

I continued dancing with him. In fact, I even pulled him closer. That way, I can frustrate him more kapag feel na feel na niyang bibigay ako. Yes, that’s how it goes.

Inilapit ni Warren ang mukha niya sa akin at umambang hahalikan ako nang bigla ko siyang itinulak palayo. Kumuyom ang panga niya.

Warren’s handsome. He’s half Spanish, half Filipino, he told me earlier. He also bragged about his business here in the country. He’s the owner of one of the most prestigious perfume brand in the country. Kanina pa niya ipinagmamalaki ang lahat ng accomplishments niya.

As if I’d get moved by that. If I was a normal girl, I would’ve. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang lalaking marami nang narrating gayong hindi pa siya umaabot sa taong thirty. He should be a really huge business man.

But I’m not. I can earn money on my own. I don’t need someone to feed me or give me precious gifts. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.

After college, Mom told me to start my own business. Gusto niya ay magpatayo ako ng music studio kagaya ng kanya sa New York. And that’s what I will do this time. Hilig ko ang music kaya dito ako mamumuhunan. Iba kasi kapag mahal mo ang trabaho mo.

Umulit ng amba sa paghalik sa akin si Warren pero itinulak ko ulit siya.

“Come on, Yvon. Just one kiss!” He almost pleaded in front of me.

I shook my head. “I don’t kiss strangers.” I told him.

And it’s true. Sa tinagal tagal kong nagpaparty sa America ay naranasan ko na lahat ng pagchachansing nila. Alam ko na rin lahat ng paraan para maiwasan iyon.

Natawa si Warren. “We’ve been talking for two hours. Am I still a stranger to you?” Tanong niya habang hinahawakan ang baywang ko.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. What a fuckboy.

“I don’t even know you for a day.” Sagot ko at inilayo ang sarili ko sa kanya.

Umigting ang panga nito. “You were dancing with me the whole time! You let me hold you!” He almost cried.

Tumaas ang kilay ko ay napahalukipkip. I can’t believe this fuckboy is so attached! Is this his first time in a club?

“Doesn’t mean I’d kiss you.” Iyon lamang ang naisagot ko bago ko siya itinulak at tinalikuran.

Damn. Too much for having fun!

“Yvon!” Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Warren. Hindi ba talaga siya titigil?

Binilisan kong maglakad palayo at palabas sa club. Damn! Sa ibang araw na nga lang ako magpaparty! Sirang-sira ang gabi ko sa manyak na ito!

Sa sobrang bilis ng lakad ko ay hindi ko na napansin na may tao sa harap ko.

“Ouch!” Sigaw ko nang matama ako sa dibdib ng lalaking nasa harap ko.

“Watch where you go, Yvon.”

Halos mailuwa ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. I can’t be mistaken. I’ve been crushing on him for all of my life so I’ve memorized everything about him.

Kahit ang boses niya ay hindi ko makalimutan.

“Zac?” Gulat na sigaw ko nang makita ko ang mukha niya.

Nakatitig ang kanyang mga mata sa akin. His eyes were blazing with something I couldn’t recognize. His jaw was clenched. But damn, he looked even more handsome compared to the last time I saw him. How could he do that to himself? Paano niya napapagwapo ang sarili niya?

He’s wearing a tight-fitting white V-neck shirt and a pair of jeans. Sa sleeves ng kanyang t-shirt ay kitang kita kong bakat ang biceps niya. Fuck! What is this growing feeling inside me?

For all the years that I’ve been in the US, I’ve been trying to forget about him. Pilit kong itinanim sa utak ko na hinding hindi niya ako magugustuhan. To him, I’m just a younger sister that he has to look out to. I am a kid in front of his eyes. He will not see me as a woman.

Kaya naman sa America ay pinilit kong magmature. See, I’ve been clubbing now when all I can think of doing before was sing with my piano and guitar. I’ve also started wearing mature clothes. Like now, I’m wearing a halter cropped top, a skirt and killer pumps. I’m trying to look like a woman.

For who?

I don’t know. Maybe there’s still that tiny space in my heart which longs for Zac to see me as a lady. Ayokong lagi na lang bata ang tingin niya sa akin.

He narrowed his eyes as he scanned my body. I smirked. Are you checking me out, Zachaeus?

Mas lalong kumuyom ang panga niya nang makita ang kabuuan kong suot. Well, I’ve never felt good about my body before. Kapag tumitingin ako sa salamin ay isang batang Yvon pa rin ang nakikita ko. But seeing how Zac eyes me from head to toe? I feel so fly!

“What are you wearing?” He asked in between his gritted teeth.

I shrugged. “Clothes?” I replied.

“You call those clothes?” Tanong niya sa akin.

Gusto kong ngumiti. Why are you turning red, Mr. Capable?

Parang nabuhayan ang gabi ko nang makita ang mukha ni Zac. Suddenly, I wanted to go back, dance and flaunt my body to him. Nasaan na ba si Warren nang masubok ang lalaking ito?

“What do you call them, then?” I asked him. Panunuya ang naririnig sa boses ko. “Come on, Zac. It’s the 21st century! Loosen up!” I beamed and patted his shoulder before turning back to the club.

What a nice mission tonight, Yvon.

Napangisi ako nang makasalubong ko si Warren. Hinihingal siya habang nakatingin sa akin. I bet he looked for me everywhere. I smiled at him.

“I’m sorry.” Iyon lang ang sinabi ko at hinila na niya ako pabalik sa dance floor.

Habang sumasayaw ay hinahanap ko kung nasaan si Zac. Hawak-hawak ni Warren ang baywang ko habang sumasayaw sa likod ko.

Ngumisi ako nang makita kung nasaan si Zac. He’s with his friends, I guess. Dalawang lalaki iyon na mukhang modelo. May lumapit na tatlong babae sa table nila. Agad-agad na nag-usap ang mga iyon at ang mga kasama ni Zac. Samantalang siya ay nakatitig lang sa akin.

Come on, Zac. I’m still a kid to you, right?

Tumalikod ako at hinarap si Warren. Ngumisi ito sa akin habang ipinupulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. I inched closer and he smirked even wider.

I’m sorry, Fuckboy. I’m not doing this for you.

Humigpit ang hawak sa akin ni Warren at hinayaan ko siya. We’ll see now, Yvon. Would he come and protect you?

Pasimple akong lumingon sa table nina Zac at napasimangot nang makitang busy ito sa pakikipag-usap sa isang blonde sa tabi niya. Sexy ito at nakasuot ng isang body con mini dress. Kitang kita ko ang pagkagat niya sa labi niya habang nakikipag-usap kay Zac. Fuck! This is not good.

Hinapit lalo ni Warren ang baywang ko para mapalapit ako sa kanya nang husto. My eyes widened when I felt his bulge on my stomach. What the fuck!

Nginitian ko siya at pasimpleng kumakalas sa yakap niya. Fuck. If I don’t do anything now, this fuckboy might think I want him.

Walang hiya!

Kung bakit kasi walang epekto kay Zac ang lahat ng ito?!

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang maramdaman kong magvibrate ang phone ko sa skirt ko.

“Wait. I have to answer this call.” I told Warren, slightly pushing him off me.

“Mamaya na.” Sagot niya habang pilit akong inilalapit sa kanya.

Nagtiim-bagang ako. “Baka importante.” Sabi ko at tuluyang kumawala sa kamay ni Warren.

Tinitigan niya ako. “I’ll wait for you here.” Aniya.

Tumango ako at naglakad palabas. No, idiot. I won’t come back. Uuwi na ako dahil wala lang rin naman pala ito sa Zachaeus na iyon. Sayang lang! Sana ay hindi ko na lang siya nakita dito!

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng skirt ko at nanliit ang mata sa caller ID. It’s an unknown number. Well, probably because the only numbers in my phonebook are Mom’s, Dad’s and Jeniah’s. Sila lang ang memorize ko ang number at tinawagan na nakarating na ako dito.

So, who’s this?

“Hello?” Sagot ko sa tawag nang makarating ako sa hindi masyadong maingay na lugar.

“Go home.” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Zac sa kabilang linya.

“Zac?” Tanong ko.

Tumikhim ito. “Bakit mo ba laging tinatanong kung alam mo namang ako?” iritado ang boses niya.

“I don’t want to assume. Bakit mo naman ako tatawagan, ‘di ba? You don’t have a reason to call me.” Nanunukso kong sagot at naglakad na palabas ng club.

“I have. So please go home and stop seducing me.”

Napangisi ako. Really, Zac? If you want me to stop, don’t make me hear how stressed you are. It makes me want to seduce you with all my might.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2: Rearview Mirror

I went back to my hotel room frustrated. Naiinis ako sa sarili ko dahil ginawa ko iyon sa harap ni Zac. Pero sa halip na magmukmok ay nagsimula na lang akong mag-isip ng gagawin para maipakita sa kanya na hindi na ako bata.

I’m not the same Yvon Zendyla Tejeros he used to know. I’ve grown. I’ve matured. Kitang-kita naman, hindi ba?

But what is it with him that he can keep my cool even if I’m at my wild state? Nakakainis! Is he really a man? Bakit hindi man siya naapektuhan?

Ilang araw ang lumipas at naging busy ako. Kahit na may mga plano ako para kay Zac ay hindi ko iyon nagawa dahil busy ako sa pag-aayos ng music studio.

Naghahanap rin ako ng condo kaya naman wala rin akong oras mag-club. Hindi ko kasi kayang balikan sa Diliman araw-araw kung nasa Makati ang negosyo ko. And besides, ayokong tumira sa bahay nang mag-isa.

“This is the best unit we have, Ma’am. Ang iba kasing mas magaganda pa rito ay nakuha na.” Iyon ang sabi ni Greg, iyong agent.

Tumango ako at nilibot ang unit. May living room, bar, kusina, dining area, dalawang kwarto at tatlong bathroom. Mayroon rin terrace na overlooking sa buong Makati. Ayos na ito. Mag-isa lang naman akong titira dito.

“Kailan ako pipirma ng kontrata?” Tanong ko.

“Pwede na po kayong pumirma ngayon. Iyong bayad naman po ay ihulog niyo na lang sa banko.” Sagot ni Greg.

Kaya naman dali-dali akong lumabas pagkatapos kong pumirma ng kontrata. This time, magshoshopping ako ng karagdagang appliances sa condo. Fully furnished na iyon pero maraming kulang para sa akin.

Minimalistic ang interior design ng unit kaya namili ako ng gamit na babagay doon. Namili na rin ako ng pwedeng mailagay sa studio at ibang damit ko.

Nang gumabi ay nagpadeliver na lang ako ng pagkain. Pagod na pagod ako para tumayo at magluto. Kinuha ko pa kasi ang lahat ng gamit ko sa hotel. Ilang maleta rin iyon.

Nang kumakain ako ay tumawag si Jeniah.

“Nasa condo ka na?” Maligayang tanong nito.

“Yup. I’m eating. Why?” tanong ko.

Tumawa siya. “Tara at manood ng live band sa Freaksting!” Pag-aaya niya sa akin.

“Not now, Jen. Pagod ako.” Sagot ko.

“Ay, sayang naman! Daanan ka sana namin ni Kuya sa unit mo.” Malungkot na sabi nito.

What did she just say? Kasama niya si Zac?!

“Wait! Papunta na kayo dito?” Tanong ko.

“Oo sana. Kaso pagod ka di ba?” Hindi ko alam kung may kung ano ba sa tono ng boses niya. “Kaya kami na lang! Hay nako, sayang! Ipapakilala pa naman sana kita sa mga kabanda ni Morgan. Kaso pagod ka di ba?”

Umirap ako sa kawalan. “Okay okay! Saan na ba kayo? Maliligo pa ako!” Tumayo ako at kinuha ang pagkain at inilagay sa loob ng ref. Shit. I craved for that lasagna for weeks.

“Malapit na! Mga 10 minutes andiyan na kami. Paliko na kami sa kanto, e.” Sagot ni Jeniah.

My eyes widened. “What? 10 minutes?”

Tumawa si Jen. “Come on. Magbihis ka na lang. Huwag ka nang maligo.” Aniya.

Tumikhim ako. Mabuti na lang at naligo ako pagkarating ko galing hotel. Dali dali akong pumili ng damit ko mula sa maleta. If Zac’s with us, then might as well wear my best, right?

Pinili ko ang isang tube top at mini skirt. Ngumisi ako habang iniimagine kung ano ang magiging reaksyon niya. Would he ask me what I’m wearing again?

Nang maisuot ko ang damit ko ay narinig ko agad ang doorbell. Andito na sila?

Dali-dali akong tumakbo sa pinto.

“Jeni—”

Napatigil ako nang si Zac ang nakita ko. Seryoso itong nakatingin sa pintuan at tila nagulat nang buksan ko ito. Naka-blue polo shirt siya na may tatak na Lacoste at black jeans. Kahit simpleng damit lang ay kitang-kita ang katawan niya.

I wonder if he works out. Because if he does, I need to catch up too.

Pero bakit siya ang umakyat?

“Where’s Jeniah?” Tanong ko bago pa ako mawalan ng isip sa pagtitig sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay bago tiningnan ang suot ko. Yes, that’s a part of my plan, Zac. Kumunot ang noo niya nang makita ang skirt ko. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga nito.

“She’s downstairs. May nakita siyang kakilala kaya nakipagkwentuhan muna.” Sagot niya at hindi pa rin maalis ang kunot ng noo niya habang nakatingin sa skirt ko.

What is my skirt doing to you, Zac?

“Uh…come in.” Anyaya ko at niluwangan ang buka ng pintuan. “You can sit there. Sorry. Kakalipat ko pa lang kasi.” Sabi ko at hinayaan siyang pumasok.

Tumango ito at nilibot ng mata niya ang unit ko. Bumaling siya sa akin. “Hindi ka pa ba tapos?” Tanong niya.

Umiling ako. “Magmemake up pa ako.” Sagot ko.

Umigting muli ang bagang niya. “You look fine.” Sabi nito.

Nagtaas ako ng kilay. “I know but I need to wear makeup because I’m going out.” Sagot ko habang naglalakad papuntang kwarto ko.

“You’ll just seduce men.” Aniya na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Nilingon ko siya at nakitang nakatitig ito sa akin habang nakapamulsa. His gaze is so intense and I don’t know if I should give up this staring match or what. Suminghap siya at naglakad palapit sa akin.

Napaatras ako habang pinapanood siyang papalapit sa akin. My heart is racing fast. Fuck! Ano ba ito? I should be the one making him feel this way. Not the other way around.

Napatigil ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang nasa harapan ko na si Zac. I can smell his manly scent and goddamn it because I’m so attracted!

He leaned closer and damn it. Wala akong ibang maisip kung hindi ang magmura. Fuck! He’s too close and I’m holding my breath for fuck’s sake!

Ikinulong niya ako sa pagitan ng dalawang kamay niya. Shit!

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang mga labi niya sa tainga ko. I feel like I’m new to this. I’ve been to clubs and I’ve been closer to most men. This isn’t even close. But what the hell because I’m so nervous right now.

“I told you to stop seducing me.” Bulong niya sa akin.

Napalunok ako at napakurap sa kiliting abot ng tainga ko. “Are you seduced?” Mahinang tanong ko. Hindi ko alam kung kaninong santo pa ako nakahanap ng lakas para magsalita gayong tingin ko ay nalunok ko na ang dila ko.

I heard him smirk. And damn that tickles.

“It’ll take more than that to seduce me, Yvon.” Suminghap siya sa tainga ko. “So stop it.”

Bumagsak ang balikat ko at nagkaron ng lakas para itulak siya.

“Ewan ko sa’yo!” Sigaw ko sabay takbo sa kwarto ko at bagsak ng pintuan.

Asshole!

O umasa na naman ako?

Kainis!

Pagkatapos kong magmake up ay lumabas na ako. Heavy make up ang inilagay ko para mainis siya lalo. I want to get into his nerves so bad. And later, I’m going to flirt with that band man para pagselosin siya. Tangina niya a!

“Let’s go.” Sabi ko nang hindi siya nililingon. Dumiretso ako sa pintuan. Sinundan niya ako at siya na rin ang nagsara nito.

Naglakad ako papuntang lift at pinindot ang down. Nasa 24th floor ako at B pa lang ang nakalagay sa LED ng lift. Fuck! Matagal na nga akong maghihintay. Matagal pa ako sa loob ng lift kasama siya! Kung sino ba kasi ang nakita ni Jen sa baba at nakipagtsismisan pa siya rito?!

Hindi ko nilingon si Zac nang maramdaman ko siyang tumayo sa tabi ko. Walang nagsalita. Kahit nang dumating ang lift ay hindi ako nagsalita.

Una akong pumasok sa lift at hinayaan si Zac na pumindot ng destinasyon namin. Malay ko ba kung nasaan ang kotse niya. Pinindot niya ang basement at napairap na lang ako.

Halatang-halatang wala ako sa mood kahit noong nasa kotse na kami. Salita nang salita si Jen sa shotgun samantalang sobrang tahimik ko sa back seat.

Pansin ko ang paglingon lingon sa akin ni Zac sa rearview mirror. Asshat!

Umirap ako at nanood na lang ng street lights sa labas. Wow! It’s my first them seeing these kinds of lights!

“Yvon, kailan ka maghahire ng empleyado para sa studio?” Tanong ni Jen sa akin.

“Pagkatapos na. Marami pang aayusin doon. Hinihintay ko pa ang mga gamit galing US.” Sagot ko.

“Hmm…” Ani Jen. “You can ask me to help some time para mapabilis ka.”

Tumango ako. “Sure. You can drop by when you’re free.” Alam ko namang busy rin siya sa trabaho niya. Hindi naman biro ang negosyo nila.

“That’s good! Punta kami ni Morgan!” Aniya.

“Morgan’s busy, Jen.” Sabat ni Zac. Napairap na lang ako.

Jen looked at her brother. “So, ikaw na lang?” Tanong niya.

Halos mabilaukan ako sa tanong ni Jeniah. What does she think she’s doing?

Tuminkhim si Zac. “If I’m not busy, why not?” Sagot niya.

Matalim siyang tinitigan ni Jeniah. “You’re always busy though. Walang tutulong kay Yvon kung ganoon!” Aniya.

Zac and I accidentally met eyes at the mirror. Umirap lang ako. I don’t need his help anyway.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3: Umigting

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 4: Punish

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 5: Mine

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 6: In The Eyes Of Everyone

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 7: Top That

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 8: Steak

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 9: Literally

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 10: BHZM

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 11: Respect

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 12: Palayo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 13: Colors

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 14: Open

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 15: Yours

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Hazel Joyce's other books...