Regalo ko , Pakaingantan Mo !( one shot ) [COMPLETED]

 

Tablo reader up chevron

Regalo ko ,Pakaingatan Mo ! ( one - shot ) [completed]

 

 

  " Diane Pagnakakita kana anong unang gagawin mo ? ". tanong ni Brent ang kasintahan ni Diane.

 

" hm .. anong unang gagawin ko ? .. teka mag-iisip muna ako ? ". sabi ni Diane 

 

" Ehh.. dali na kasi.. ".pagpapacute nito

 

" HAHA .. ito naman sobrang excited .. hm ang unang gagawin ko pagnakakita nako ay ang magpakasal sayo , Brent ".nakangiting sabi ng dalaga.

 

" Talaga .. Diane ? ".masiglang ani nito.

 

" oo , naman "tugon ng dalaga.

 

" I love you Diane ".sabi nito.

 

" I love you too .. Brent ".sagot nito

 

 Brent give her Girlfriend a Passionate kiss Pero hindi rin naman ito nagtagal dahil kumatok ang mama ni Diane.

 

" Diane , pwede bang pumasok may ibabalita ako sayo ".sabi nito sa labas ng kwarto.

 

" Kainis naman Oh !.. Bitin ".dabog na saad ni Brent natawa na lang si Diane sa inasal ng kasintahan .

 

" Ma , pasok ka .. bukas po yan ".saad ni Diane.

 

 agad namang pumasok ang mama ni Diane at masayang Lumapit sa Kinahihigaan ng anak.

 

" anak may magandang balita ako sayo..anak may pera na tayo..mapapa-operahan kana namin anak.. makakakita kana ".masayang tugon ng mama Ni Diane.

 


hindi naman makapaniwala si Diane sa Narinig . " talaga ma ? .. narinig mo ba yun Brent Ma-ooperahan na daw ako ".masayang sabi nito sa nobyo

 

" oo narinig ko nga ,masaya ako para sayo  Diane .. ahm tita .. kailan po ba ang operasyon ni Diane ? ".tanong ng binata kay Karen ang mama Ni Diane.

 

" bukas na .. kaya Diane kailangan mo ng matulog kasi maaga tayong pupunta dun .. at mag-iimpake pa ako ng gamit mo ".saad nito sa anak.

 

" oo , nga Diane.. tulungan ko lang din si tita mag-impake ng gamit mo ".sabi ni Brent at saka hinalikan ito sa noo yung mama naman ni Diane ang lumapit at inayos ang kumot nito saka hinalikan sa pisnge at silay lumabas na.

 

" brent salamat ha .. kahit bulag ang anak ko hindi mo parin siya iniwan ".saad ng mama ni Diane.

 

" wala po yun tita .. besides mahal na mahal ko po ang anak niyo tita..gagawin ko po ang lahat mapasaya lang po si Diane kahit buhay ko pa po ang kapalit nito.. ahm.. tita .. maglalakas loob na po akong magtanong sa inyo.. ahmm..pwede ko po bang hingin ang kamay ng anak ninyo ?".kabadong tanong nito habang nakatingin lang ang mama ni Diane sa Binata pero ilang minuto lang din ay ngumiti ito.

 

" diba Brent .. alam mo na nasa simula pa lang ikaw na ang gusto para sa anak ko .. kaya oo , pwede mong pakasalan ang anak ko ". nakangiting saad nito.

 

" talaga po tita ?". hindi makapaniwalang sabi ng binata

 

" tita ? .. mama na lang ang itawag mo sakin ".anito 

 

" salamat po ti--mama.. hindi po kayo magsisisi".nakangiting sabi ni Brent.

 

" ahm.. mama mauuna na po ako kailangan ko na pong maghanda para sa surprise wedding proposal ko para kay Diane".anito . tumango naman ang mama ni Diane at inihatid ito sa pinto.

 

" sige anak , mag-iingat ka ".saad ng mama ni Diane . tumango lang naman si Brent Bilang pagtugon.

 

 kinabukasan ay maagang nagpunta ang mag-ina sa Hospital pero isang masamang balita ang sumalubong sa kanila ..

 

" nagback-out po ang eye donor po ni Ms. Diane ma'am ... kailangan po nating makahanap ng bagong eye donor pero wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala na maghanap sa ngayon po dun po muna kayo sa ward " . sabi ng nurse , tumango lang naman si karen at inalalayan ang anak papasok sa ward na tinuro ng nurse at  pina-upo niya ang anak  sa may patient bed.

 

" ma ,  si Brent po ba pupunta  ? ".tanong ng dalaga.

 

" oo , anak ..teka tawagan ko lang para makasure tayo kung pupunta ba siya .. okay ? ".sabi nito sa anak at lumabas na ng ward.

 

 agad niyang nilabas ang kanyang phone at dinial ang # ni Brent. makailang ring ay may sumagot na.

 


* kringg * kringg *

 

[ hello ma.. ]

 


" nak asan ka ? hinahanap ka ni Diane ? "

 

[ ma..malapit na po ako ..SHEettttt !!! * Screeechhhss * Boomm !! ]

 

* toot * toot *

 

" hello , nak ? Hello !? " .anong nangyare dun ba't binaba nagtatakang tanong nito sa sarili pero kanya na lang itong binalewala bago bumalik sa ward ng anak ay bumli muna siya ang pagkain at tubig para sa anak.

 

 pabalik na sana siya sa ward ng anak ng may nakita siyang isang pamilyar na lalaki na isinusugod papasok sa ER  ng makalagpas ito sa kanya ay nabitawan niya agad ang dala-dala niyang pagkain dahil pamilyar ang lalaking duguan na nakahiga ..sa pag-aalala agad niyang sinundan ito.

 

" Sandali ".sigaw niya dahilan para tumigil ang mga nurse na papasok sa ER. agad niya itong nilapitan at tinawag ito sa kanyang pangalan.

 

" B-brent? ".nag-aalalang tanong nito .

 

 unti -unting minulat ng binata ang kanyang mga mata at nakita niya sa kanyang gilid ang mama ni Diane na bakas sa mukha ang pag -aalala.

 

" m-ma , si D-diane po . okay l-lang po ba s-siya .. m-ma pakisabi sa kanya na ... mahal na mahal ko po siya at sana po hindi niyo po sasabihin ... sa kanya kung ano man ang nangyare sa kin ngayon ".sabi ni Brent at Pinasok na ito sa loob ng ER.

 

 bumalik na tulala sa ward si Karen at hindi pa rin makapaniwala sa sinapit ni Brent nabalik lang ito sa realidad ng tinawag ito ng kanyang anak.

 

" mama ,nakausap niyo po ba si Brent ? ".tanong ng dalaga

 

" Huh ? ahh..ehhh  oo , anak ma--- "

 

[ Calling for Mrs. Ho please Proceed to the ER , Now... ]

 

 

[ Calling for Mrs. Ho please Proceed to the ER , Now... thank you ].

 

" anak , sandali lang ha..pinapupunta daw ako sa ER , dito ka lang ah ". sabi nito sa anak saka hinalikan sa pisnge at lumabas na.

 

 ng makarating sa ER ay sinalubong siya ng isang Nurse agad naman siyang pinapasok nito sa loob at doon ay nadatnan niya ang magulang ni Brent na umiiyak.

 

" Nicole ? anong nagyare kay Brent okay na ba siya ? ".tanong  ni karen sa mama Brent.

 

" Karen , w-wala na si Brent Patay na siya.. n-naaksidente kasi ang minamaneho niyang kotse habang papunta dito ".mangiyak-ngiyak na sabi ni Nicole kay karen hindi naman makapaniwala si Karen sa nangyare kay Brent kaya niyakap niya si Nicole at napuno ng iyakan ang loob ng ER.

 

" Karen ".tawag ni Nicolas ang papa ni Brent . hindi naman umimik si Karen bagkus ay naghintay lang ito sasusunod na sasabihin nito.

 

" ang huling habilin samin ng aming anak ay ... ibigay kay Diane ang mga mata niya ... para naman daw may maiwan siyang alala para sa pinakamamahal niya ... huwag ka ng pumalag dahil pinasundo ko  na si Diane para maisagawa na ang Operasyon ".sabi nito , tumango na lang si Karen bilang pagtugon.

 

 ilang minuto lang ang nakakalipas ay may pumasok sa ER na nurse.

 

" Ma'am / sir andito na po si Miss Diane ".sabi ng nurse lumabas ang lahat sa ER agad na lumapit ni Nicole mama ni Brent kay Diane at Niyakap ito sabay Bulong..

 

" be strong ,Diane ".  sabi nito Hindi na nakapagsalita si Diane dahil Pinasok na Ito sa Loob ng ER. Sa labas naman ay  tahimik na naghihintay ang lahat  ng makita nila na Pula na ang Box na may nakalagay na ER sa ibabaw ng pinto ay hudyat na ito na nagsisimula na ang operasyon ilang minuto pa ang nakalipas ay napagdesisyunan ng mga magulang ni Brent na Umuwi muna para makapagpahinga.

 

" karen , uwi muna kami , kailangan ng magpahinga ni Nicole ".sabi ni Nicolas tumango lang naman si Karen Bilang Pagtugon.

 

 tatlong oras ang nakalipas ng lumabas ang doctor sa ER agad na napatayo si Karen at sinalubong ang Doctor .

 

" doc , kamusta po ang anak ko ? ".nag-aalalang tanong nito.

 

" Misis , congratulations Successful ang operasyon ".nakangiting sabi ng doctor.

 

- - -

 

[ 3 days later ]

 

 " Miss Diane Pwede niyo na pong imulat ang mga mata ninyo ".sabi ng nurse unti -unti namang minulat ni Diane ang kanyang mga mata sa Umpisa ay blurr pa at pawang puti lang ang kanyang nakikita pero ng nakapag-adjust ang mga mata niya ay malinaw niyang nakikita ang buong paligid pati na ang kanyang mama.

 

" mama , nakakakita nako , ma ".masayang sabi nito .

 

" oo anak .. masaya ako para sayo ".nakangiting sabi nito at niyakap ang anak .

 

" anak gusto mo bang makita ang garden nila dito ? ".tanong nito sa anak .

 

" oo po ma ."parang batang sabi ni Diane. Inalalayan naman nito ang anak sa paglalakad palabas ng kwarto para pumunta sa rooftop kung saan makikita ang garden ng Ospital . pagkadating doon ay sobrang namangha si Diane sa Nakita para kasi itong isang paraiso sa sobrang ganda .

 

" ma , ang ganda po dito ".sabi ni Diane sa ina

 

" diba , ang ganda noh ? .. ay ..nga pala diane baba lang ako Ah , bilhan lang kita ng makakain mo ".sabi ni Karen sa Anak  tumango lang si Diane bilang pagtugon at binusog ang mga mata sa kanyang mga magagandang nakikita.

 

 habang si Diane ay manghanga-mangha sa nakikita nito ay hindi niya namalayan na may umupo pala sa tabi niya.

 

" Diane ". tawag ng isang tinig na nanggagaling sa isang boses lalaki na pamilyar sa kanya. Unti-unti siyang lumingon at inaalala kung kaninong boses iyon.

 

 Ng mapatingin siya sa kanyang tabi ay nakita niya ang isang maamong mukha ng isang lalaki pilit niyang inaalala kung kaninong mukha iyon hanggang sa naalala na nga niya.

 

" BRENT ? . Wahhhhh .. ikaw nga  .. brent napakasaya ko kasi nakikita na kita pwede na tayong magpakasal hindi nako magiging pabigat sayo ". masayang sabi nito kay Brent. Hinawakan Nito ang mukha ng binata gamit ang dalawang kamay niya at pinatingin ito sa kanya.

 

" Brent .. hindi kaba masaya na nakakakita at nakikita na kita ? ".malungkot na sabi nito sa binata habang nakatingin ito sa mga mata nito pero wala siyang nakuhang sagot galing sa binata.

 

 Napansin ni Diane na diretso lang ang tingin ng binata kaya winawagayway niya ang kaniyang isang kamay sa mukha ng binata saglit siyang nagulat at nabigla pero hindi niya ito pinahalata.

 

" Brent wag ka namang magbiro ng ganyan oh .".sabi nito sa binata pero wala parin siyang sagot na nakuha.

 

" Diane , gagawin mo pa rin kaya yung sinabi mo saking nung gabing yun ? ". tanong ng binata.

 

 saglit na napaisip si Diane pero agad din niyang sinagot ang tanong ng binata .

 

" Hindi .. hindi ko na gagawin yun kung ang mapapangasawa ko naman ay isang bulag.. hindi ko kayang magpakasal sa taong bulag na katulad mo !! ..ayaw kung may pasanin sa buong buhay ko.. tapos hindi ko pa magagawa ang mga gusto kung gawin dahil hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko dahil BULAG siya !!.. HAHAHA !! kaya sorry to tell you Brent but i will not marry you hindi ako nababagay sa  taong bulag na tulad mo !! ..at ang bagay sayo ay yung kaparihas mo rin..BULAG !! ". sigaw ni Diane sa Mukha ni Brent ..

 

 Si Brent naman ay nanatili lang tahimik at tinitignan ang mukha nito .. ngumiti ito na siyang ikinagulat ng Dalaga.

 

" Diane , Lagi mo lang tatandaan .. mahal na mahal kita...sana..yung regalo ko paka-ingatan mo" .sabi ng binata at lumapit ito sa may tenga ni Diane at bumulong.

 

" I love you Diane , Always and Forever..Advance Happy Birthday ".sabi ng binata at naglakad na palayo habang si diane naman ay nanatili lang na nakayuko may isang parte sa kanya na gustong habulin si brent para bawiin yung mga sinabi niya na mahal niya  pero hindi niya ginawa.

 

" Diane ito na---"

 

" Ma.. break na kami ". nakayukong sabi ni Diane .

 

" Huh ? ..break ? .. hindi ko maintindihan.. Nino ? ".tanong ng ina nito kasi sa pagkakatanda niya si Brent lang ang naging Boyfriend nito.

 

" NI BRENT MA !! BREAK NA KAMI !! NI-BREAK KO SIYA KASI BULAG SIYA !! MA..BA'T HINDI MO SINABI NA-----".hindi natuloy ni diane yung dapat ay sasabihin niya sana.

 

* PAAAAKKKKK !!! *

 

" M-ma .. b-ba't "..

 

" ba't ko ginawa yun ..HAH !! you know what Diane ikaw !!.. ikaw ang pinakawalang kwentang girlfriend at selfish na anak !! alam mo bakit .. kasi si brent wala na !! wala na siya !!.. alam mo bang sa mga panahon na nag-aagaw buhay ang boyfriend mo ikaw pa rin ang unang kinamusta niya .. yang kalagayan mo pero..anak hindi mo parin ba naiintindihan Mahal na mahal ka ni Brent ng higit pa sa buhay niya..yan !! ..yang mga mata mo !! alam mo ba kung sino ang nagdonate ng mga yan sayo , HA ?!!.. Si BRENT anak ang BOYFRIEND MO !!. ".sigaw nito Kay Diane.

 

" anong ibig mong---"

 

" ang ibig kong sabihin ay siya ang nagbigay ng mga matang yan sayo ..yan ang huling bilin niya samin bago siya ...NAMATAY !!! ". sigaw ulit nito ..

 

" n-namatay ? ".naguguluhang tanong ni Diane sa ina.

 

" oo , namatay na si Brent nung araw na pupuntahan ka sana niya dito ... yun ang araw na naaksidente siya at hindi kinaya ng katawan niya pero bago siya mamatay yan ang hinabilin niya samin na i-donate ang mga mata niya sayo para kahit wala na siya may alaala parin siya at para hindi mo siya makalimutan pero nagkamali ako sana hindi na lang kita pinagamot nagbago kana..hindi na ikaw ang anak kung si Diane noon.. kasi ang anak kung si Diane hindi.. makasarili at hindi mapanghusga ".sabi nito sa anak saka tumalikod.

 

" wag kang mag-alala wala ka na namang papakasalan malaya ka na ".yun ang huling sinabi ng kanyang ina at umalis.

 

" P-patay ?.. Brent Diba Hindi totoo yun .. h-ha ? diba ? ". sabi nito habang nag uunahan ang mga luha sa pagpatak nito.

 

" Brent diba sabi mo walang iwanan bakit ?..diba hindi ka pa naman patay .. BREEEEEEENNNTTT !!!! ". sigaw nito at unti-unting napaluhod.

 

" B-Brent s-sorry..s-sorry kung naging s-selfish ako ..sorry..Brent bumalik kana.. Brent p-please hindi k-ko kayang mabuhay p-pagwala ka..Please ..B-brent binabawi ko na yung sinabi ko kanina sayo..please brent bumalik kana oh.. Brent..hindi totoong hindi kita mahal hindi totoong ayaw ko sayo hindi yun totoo..Brent Please bumalik k-kana ". sabi ng dalaga habang nakaluhod at lumuluha.

 

 isang malamig na hangin ang dumapo sa mga balat ng dalaga na wari ba ay may yumayakap sa kanya .. lumipas ang ilang minuto ang lamig na kanyang naramdaman ay naglaho at naging mainit para talagang may yumayakap sa kanya ng tumingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang kasintahan na nakangiti sa kanya .. napaiyak naman si Diane sa tuwa.. kaya niyakap niya ito pero hindi nito magawa dahil tumatagos siya. Hinawakan ng binata ang mukha ng dalaga at nakangiting nakatingin sa mukha ng dalaga.

 

" Diane , Advance Happy birthday ..mag-iingat ka palagi .. hindi mo man ako nakikita pero palagi kitang babantayan.. tandaan mo Diane ..Mahal na Mahal kita ". sabi ng binata sa dalaga at ito'y kanyang hinalikan naramdaman ng dalaga ang mainit na labi nito .. ng maghiwalay ay unti-unti ng nawawala ang Binata. Nagulat naman si Diane dali-dali niya itong nilapitan at pilit hinahawakan.

 

" no..no Brent ..B-Brent huwag mo akong iwan .Brent ". iyak na sabi ng dalaga at pilit hinahawakan at inaabot ang kamay nito.

 

" Mahal .. na .. Mahal kita Diane ". yang ang mga huling katagang sinambit ng binata bago ito nawala. iyak na lamang ang nagawa ni Diane dahil totoo ngang patay na ang kanyang kasintahan at pinakamamahal.

 

" mahal na mahal din kita Brent.. pangako ... yung regalo mo ..iingatan ko .". sabi ni Diane..

 

' The End '

 

 [a/n ; hi guys ,,kamusta ..okay po ba ? any violent reaction ? .. Comment naman kayo :) .. Salamat sa mga magbabasa .. Vote niyo din po .. MARAMING SALMAT PO ]. 

 Kisses :***

like

share

vote :*

comment ;*

 

Synonym_O8

 

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Synonym_O8's other books...