The Missing Gangster

 

Tablo reader up chevron

Introduction

 

 

Puti.

 

Lahat ng makikita mo sa lugar na ito ay nakaputi. Di kaya nama'y itim ang suot ng mga bisita.

 

Umiiyak.

 

Ang mga tao sa lugar na ito ay walang tigil ang pag'iyak. Mapababae man, lalaki, o gangster.

 

Ano ang meron sa lugar na ito?

 

LIBING.

 

Libing ngayon ng pinakakilalang tao sa tinatawag nilang gangster world.

 

Ryuji Hiroshi Iwanaga

 

Kilala sa pangalang 'Silent Death Master' ang pinakamagaling sa patayan, sa labanan at sa kinatatakutan ng lahat.

 

Pero isang araw, bigla na lang siyang nawala. Ilang buwan din siyang pinaghahanap ng pamilya niya at miyembro niya sa numero unong Gang Group na 'Silent Enigma'. Hanggang sa natagpuan siya sa isang abandunadong lugar sa Murcia. Malamig ang katawan. Hindi na humihinga. At walang buhay.

 

Pero nang ibinurol ang katawan ni Ryuji ay hindi kailanman binuksan ang kabaong nito sa utos ng kanilang 'Ikalawa' sa Grupo. Pati pamilya niya ay walang magawa dahil iyon ang patakaran ng grupo. Walang nakakaalam sa tunay na istorya sa likod ng patakarang iyon na hanggang ngayon ay pinaninindigan pa rin ni 'ikalawa'.

 

Habang ang lahat ay nagluluksa sa kamatayan ng pinakamaimpluwensyang tao sa buong Pilipinas na naging mabait sa kanila sa kabila ng pagiging gangster niya ay may isang taong nakatingin lang at ni hindi umiyak. Buong pagtataka ng lahat ay ganoon lamang magluksa ang long time girlfriend ni Ryuji na si Ayanna. Pero lingid sa kanila ay iba ang paniniwala ni Yanna.

 

"Hindi pa patay si Ryu." pilit niya iyong sinasabi sa mga kaibigan at pamilya niya ngunit hindi siya nito pinaniniwalaan. Ayon daw kay Kierwin Yung, na kilala sa pangalang 'Silent Breaker' at si ikalawa sa grupo nila, ay nakita niya mismo ang patay na bangkay ni Ryu at walang duda na matagal na iyong nakatago doon. At kung hindi lang nila nakita ang katawan ni Ryu ay paniguradong maaagnas na ang katawan nito.

 

Habang nilalapag na ang kabaong ni Ryu para dasalan ng pari ay hindi na napigilan ni Ayanna na umiyak ng umiyak at pagpipilit ulit sa nag'iisang magulang ni Ryu na Lolo nito na hindi patay ang apo niya.

 

"Lolo.. Lolo.. Maniwala ka po sa akin! Hindi pa patay si Ryu! Maniwala ka po!" pagpipilit niya kay Mr. Iwanaga pero pinapatahan niya lang ito.

 

Nang ibababa na sana ang kabaong niya sa lupa ay biglang tumakbo si Ayanna sa kabaong at aksidenteng naitulak ito na naging sanhi ng pagkakasira ng kabaong..

 

Nagulat ang lahat ng naroon nang makita ang kabaong..
 

 

 

 

 

 

 

 

Na walang Ryuji Hiroshi Iwanaga sa loob.

 

Nagkagulo ang buong lugar nang makitang walang laman ang kabaong. Pati ang mga miyembro ng Silent Enigma ay nagulat. Galit na galit si Kierwin sa nakita at tinawagan kaagad ang ahensyang kinuhanan nila ng serbisyo. Si Mr. Iwanaga ay biglang nahimatay pero si Ayanna ay nanatiling nakatingin sa nasirang kabaong. Walang bakas na may nakahigang karawan sa kabaong na iyon. Tama siya. Wala nga si Ryu doon. Hindi nga siya patay. Pero nasaan siya?

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

Chapter 1 – Missing

 

“Today we are here to say our last goodbye to our son, grandson, and brother, Ryuji Hiroshi Mendoza-Iwanaga who passed away last March 26, 2014 at the age of eighteen. May his soul be with our dear Lord in heaven….”

 

Andito kami ngayon sa Garden of Saints Cemetery kung saan ililibing ngayon ang pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko. Si Ryu. Maraming umiiyak sa pagkawala niya. Mga kaibigan at kamag-anak. Ilang buwan siyang nawala pagkatapos naming mag’away. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil kung hindi kami nag’away, hindi din siya aalis at magpapakalayo.

 

FLASHBACK

 

“Yanna naman! Hanggang ngayon ba naman pag’aawayan pa rin natin ang bagay na ‘to? Ilang beses na ba nating napag’usapan na hindi ka pwede kailanmang makialam sa gangster world!” 

 

Nakakunot lang ang noo ko at napanguso. Bakit ba ayaw niya talaga akong manood ng brawl shushuness ever nila? Ang awesome kaya nun! Tsaka, nakita ko na naman siyang lumaban ah! Wala na siyang dapat ikahiya sa akin. Ako pa ang magiging Number One cheerleader niya!

 

Bakit galit si Ryu ngayon? Kasi nung papunta sila ay palihim akong pumunta sa Barrio Central at sinundan sila papuntang underground para panoorin ang battle nila. Never pa kasing pumapayag si Ryu na manood ako sa mga laban nila ng SEG. Kaya bukod sa kaba na baka mapagalitan niya ako ay nandoon pa rin ang excitement dahil makikita ko ulit kung paano siya makipaglaban!

 

SEG? Sila ang Silent Enigma Gang. Kilala sila dito sa lugar namin at sa buong Pilipinas. Well, yung iba walang pakialam dahil puro patayan lang naman daw ang mga gangster pero marami ding nag’aapreciate sa kanila. Pogi kasi eh! XD Sila ang member ng SEG. 

 

-Ryuji Hiroshi Iwanaga a.k.a. The Silent Death Master (Uno)

 

-Kierwin Yung a.k.a. The Silent Breaker (Ikalawa)

 

-Jasper Jimenez a.k.a. The Flash Prince (Ikatlo)

 

-Sixto Miranda a.k.a. The Sharp Shooter (Ikaapat)

 

-Ham Sarmiento a.k.a. The Hitler (Ikalima)

 

Sa Underground Brawl na ginagawa taun-taon ay sila ang palaging nagna-number one! Dito kasi nadidetermine ang kung anong grupo ang pinakakinatatakutan ng lahat. At kung sino man ang mangunguna ay sila ang magiging Administrators ng ‘United’. Ito ang pinakamalaking gang group sa buong Pilipinas pwera sa mga AlphaPhiOmega, Akhro chuchu or something like that. Brotherhood daw kasi ang tawag doon ayon kay Ryu, at iba daw ang Gangster sa Brotherhood.

 

May sampung gang sa lugar namin na tinuturing na pinakamagaling at nangunguna sina Ryu doon. Kailangang ulit ulitin no? Ganun talaga. Supportive girlfriend eh! Pero may sampung rookies pa at baguhan kaya hindi basta basta ang lugar namin. Kaya nagiging normal na din sa karamihan ng nakatira dito ang mga away at patayan dahil halos lahat ng residente dito ay ganun.

 

At ngayong nakikipaglaban sina Ryu sa isang Rookie group na I think their name was BLADE MASTERS. Tch. Ampangit naman ng pangalan ng group. Mas maganda pa rin ang Silent Enigma Gang! Nagtago kasi ako sa may hindi mataong bleacher para makita lang si Ryu na lumaban. Isang beses ko pa lang siyang nakitang lumaban, nung una kaming nagkita. Pero bago pa nagsimula ang brawl ay may nakakita sa akin. Mula sila sa second best na Bloodbath Gang at napagtripan ako. Nahuli tuloy ako ni Ryu. Yun ang dahilan kung bakit kami nag’away, umalis na lang siya bigla at ang round niya ay pinasa niya kay Ham na pumayag din naman kaagad.

 

Isa iyon sa pinakamalaking away namin sa buong dalawang taong pagsasama namin. Hindi kasi niya inaapreciate ang mga suporta ko sa kanya. Hindi niya ako hinahayaang suportahan siya kung saan siya magaling. Minsan tinatago pa niya sa akin na may laban siya at hindi ko iyon malalaman kung hindi pa madudulas si Six sa akin. Mapapahamak daw ako. Yan ang palagi niyang idinadahilan sa akin. Bakit? Wala ba siya para ipagtanggol ako? Andyan din naman sina Kierwin ah? Pero ipaglalandakan pa rin niyang hindi daw basta basta ang mga kumakalaban sa kanila kaya baka daw ako ang ipapahamak nila.

 

Pagkatapos naming mag’usap ay umalis siya sa bahay nang hindi nagpapaalam sa mama ko. He’s not his usual self. Dati kasi magpapaalam yan kay mama kahit alam siyang malelate siya kapag ginawa pa niya iyon.

 

Of course Yanna! Pinainit mo na naman ang ulo niya malamang he would not be in his usual self!

 

Tatawagan ko sana siya para alamin kung bumalik ba siya sa Underground pero cannot be reached. And that was the last time we talked. Hanggang sa nabalitaan kong nawawala na pala siya. And one thing led to another. Hinanap siya ng SE  boys at ng mga tauhan ng lolo ni Ryu. Hanggang sa.. Etong balita ang sumalubong sa akin.

 

END OF FLASHBACK

 

Inabot sa akin ni Lolo Roku ang Holy Water na ibabasbas sa kabaong ni Ryu. Matagal ko itong tinitigan kaya kinuha na lang ni Lolo ang kamay kong nanginginig na at iminuwestra ang kamay ko para masabuyan ng holy water ang kabaong ni Ryu. Hindi ako makapaniwalang nakaya kong ibuhos ang holy water nang hindi na ginaguide ni Lolo Roku. Nilingon ko ang katabi ko at nanginginig na ibinigay ang bote sa kanya. Auntie siya ni Ryu. Wala na kasing parents si Ryu. Tanging auntie at lolo niya lang ang natitira sa kanya.

 

Unti-unti nang inaayos ang kabaong ni Ryu para ibaba. NO! T-teka! Hindi.. Hindi pwede! Hindi pa patay ang mahal ko! Imposible yun! Imposible siyang mamatay! Ipinangako niya sa akin na hinding-hindi niya ako iiwan! Hindi pwede ‘to! Ryu! NO!

 

“Ryu? Ryu! Ryu! Hindi! Hindi pwede. Lolo! Pigilan niyo sila! Pigilan niyo sila Lolo! Hi-hindi pa patay si Ryu! Lo!” unti-unti nang bumagsak ang mga luhang ilang araw nang hindi tumutulo. Bakit naman ako iiyak diba? Hindi naman kasi patay si Ryu!

 

Hinawakan ako ni Six sa braso ko para pigilang mapalapit sa kabaong ni Ryu! Sigaw lang ako ng sigaw doon na pakawalan nila ako pero hindi sila nakikinig.

 

”Kalma lang Yanna! Yanna! Shhh..” sabi ni Ham sa akin. Si Kierwin hinahagod na ang likod ni Lolo Roku na humihikbi na sa nakikita habang si Jasper nakatingin lang sa akin. Problema niya?

 

“Hindi! Jasper! Pigilan mo sila! Please!” desperado na talaga ako! Nilalagay na nila ang kabaong sa may butas ng lupa para doon ibaon! No! Ryu! Please! You promised me!

 

Mas uminit naman ang ulo ko nang iniwas ni Jasper ang tingin niya sa akin. Nagmakaawa ako kay Sixto na pakawalan niya ako pero umiiling lang siya.

 

“Kumalma ka muna bago kita pakawalan.” Aniya.

 

Unti-unti ko namang kinalma ang sarili ko. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha sa pisngi ko. Marahas na pinahid ko iyon at tiningnan ang mga tauhang nag’aayos ng kabaong ni Ryu. Naramdaman ko namang binitawan na ni Six ang braso ko. Nakita ko ang pagkakataong makalapit sa kabaong kaya tumakbo kaagad ako papunta doon.

 

“Ryu!”

 

“Ma’am, wag po kayo dito, ma’am..” pinipigilan na ako ng mga tauhan pero tinutulak ko lang sila. Lumapit naman kaagad sina Ham at Six sa akin at hinila ako pabalik. I gave in all my strength para makawala sa pagkakahawak nilang dalawa at nagawa ko din naman. Pero sa lakas ng magkakahila ko ay na’out of balance ako at aksidenteng natabig ko ang kabaong at nahulog iyon sa ilalim. Sigaw at singhap ang narinig ko nang unti-unting nasira ang kabaong.

 

Bigla namang tumigil ang mundo ko sa nakita ko. Ryu..

 

Nakiusisa ang mga tao kaya mas lumapit sila para makita ang kabaong nasira. Pati sina Kierwin, Jasper, Six, Ham, si Lolo Roku at si Auntie Zeny ay lumapit din. Bigla namang sumigaw si Auntie nang nakita niya ang sinapit ng kabaong. Ang SE boys naman ay namutla sa nakita nila..

 

Dali daling bumaba ang mga tauhan para iakyat ang kabaong na walang laman. Tama. Walang Ryu na nakahiga sa kabaong na iyon at walang niisang bahid ng nakahiga sa kabaong na iyon. Nagsimula nang magkagulo. Nahimatay si lolo Roku at si Auntie naman ay nanghina. Naikayat na ang sirang kabaong at sumunod sa kanila ang lahat leaving me.. And Jasper.

 

Nakatingin lang ako sa lupang pinaghulugan ng kabaong habang nakatingin sa kawalan si Jasper.

 

Si Jasper Jimenez, o kilala sa gangster world bilang ‘The Flash Prince’ at ang pangatlo sa Silent Enigma. Dati siyang runner na umabot ng Internationals. Pero yun ang naging huli niyang laban dahil sa isang aksidente. Sinabi ng doktor niya na hindi na siya kailanman makakapagtakbo pa. Pero ang tatay Jasper ay isang Scientist kaya gumawa ang tatay niya ng gamot para makapagtakbo siyang muli. At nang natapos ang gamot ay pinainom niya ito. Yes. Nakakapagtakbo na siya pero abnormal ang bilis niya dahil kaya niyang maunahan ang tumatakbong ambulansya kung gugustuhin niya. Ang tatay niya ay nagtatrabaho sa Assasin ng mga Yung. Doon niya nakilala sina Ryu at Kierwin. Marami yang tinatago sa kabila ng pagiging palakaibigan niya. Lalo na kapag tungkol sa Silent Enigma at sa pagiging gangster.

 

“I knew it.” Naramdaman ko namang lumingon si Jasper sa akin.

 

“I knew it. Hindi siya patay.”

 

“Paano mo naman nasabi iyon?” Tanong ni Jasper sa akin. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya. Agad naman siyang umiwas ng tinigin. Pinag’isipan ko naman ang tanong niya. Paano ko nga ba nasabing hindi pa siya patay kung ang sabi ni Kierwin ay nakita niya mismo ang katawan ni Ryu? At hindi lang siya ang nakakakita non. Marami siyang kasama. At isa na dun si Six..

 

“Paano?” nilingon ko si Kier na kasalukuyang tinatawagan ang funeral na nagservice kay Ryu. Galit na galit siya. Nakita niya namang nakatingin ako at binigyan niya ako ng ‘sorry-look’. Ibinalik ko kay Jasper ang tingin ko. “He’s my boyfriend. I.. just know.” Tumango naman siya at tumayo. Hindi siya pumunta sa kumpulan ng mga taong nandito bagkus ay pumunta siya sa isang malaking puno malapit lang sa kinaroroonan namin. Nakatingin pa rin siya sa kawalan.  Hindi na ako sumunod. Alam kong katulad ng lahat ay gulat din siya sa nangyari.

 

“Yanna..”

 

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Kierwin pala.

 

Siya si Kierwin Yung, ang Pangalawa sa grupo. Si Kierwin ang pinakaseryoso sa kanila. Masungit. May dala dala atang malaking galit sa mundo. Bestfriend siya ni Ryu mula pagkabata. Magkaibigan daw ang mga magulang nila. Kierwin’s father owns a Assasins' League Organization kaya doon siya nahasa sa mga skills niya. Nakilala siya bilang Silent Breaker dahil sa signature move niya na Silent Break. Nakakapatay iyon. Pupuntiryahin niya ng palihim ang parte ng katawan mo na kapag nabali ay mapupuruhan ka talaga. Minsan pa ay it will lead you to your death. I never see him do that kasi never pa akong nakasaksi niisang laban nila dahil ayaw ni Ryu. Hay. Ryu..

 

“Bakit?”

 

“H-Hindi rin alam ng service na kinuha ko kung paanong walang laman ang kabaong. Wala na daw ang nag’ayos kay Ryu. Patay na daw..”

 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pa-patay?

 

“Kinausap ko na si Mr. Iwanaga at si Tita Zeny. Papaimbestigahan natin ang nangyari at ipapahanap atin si Ryu.”

 

Tumango ako sa sinabi niya. Kahit na hindi na sila kukuha ng maghahanap kay Ryu ay ako mismo ang maghahanap sa kanya.

 

Gulantang pa rin ang mga tao sa nangyari. Hindi pinayagang makapasok sa sementeryo ang media dahil makakagulo sila sa ceremonya. Mas magkakagulo naman kung malalaman nila na walang laman ang kabaong kaya kinausap ni Kierwin ang mga bisita na bawal ipagsabi sa media ang nangyari. Buti nalang malalapit na kaibigan at kamag’anak lang ang naririto.

 

“PAANO iyon nangyari eh kitang kita natin ang patay na katawan ni Ryu sa vacation house niya sa Murcia?!” galit na sabi ni Six.

 

Sixto Miranda, ang pang’apat sa grupo. 6 years old pa lang siya ay tinuruan na siya ng tatay niya na General ng Military na gumamit ng baril. Hanggang sa naging eighteen na siya ay naging dalubhasa na siya sa iba’t ibang klase ng baril. Kaya siya tinawag na Sharp Shooter. Mayroon din siyang sensitive sense na naiiwasan niya agad ang bala, gaano man kadami iyon. Playboy. Kung gaano siya sa bilis sa mga baril ganoon din siya kabilis sa babae.

 

Andito kami sa bahay nilang apat na tinawag nilang ‘hideout’. Hindi naman talaga siya hideout na madilim, masikip at marumi. (teka, parang linya yan sa movie ah?) Kung ngayon ka lang nakapunta dito iisipin mong vacation house ito dahil nasa tapat ng beach ang malaking bahay na ito.

 

”Napakaimposible naman iyon. May kumuha ng katawan ni Ryu? Sino naman ang may gustong magtago ng patay na katawan diba?” sabi naman ni Ham na kinakain ang sarili niya—ah este kumakain din ng ham.

 

And he is Ham Sarmiento, ang panglima sa grupo. Bukod sa pagiging matakaw niya ay pagiging seryoso niya sa labanan, magaling rin siya sa mga baril katulad ni Six pero magaling din siyang gumamit ng matatalim na bagay. Kahit ano. Name it. Mapacutter papatusin niya maigamit niya lang pangsandata sa kalaban. And mind you. Nagagamit niya ng maayos ang mga iyon. Bubbly siya na tao. Masayahin. Uhh.. Nasabi ko na bang matakaw siya?

 

“Hindi natin alam bro. Baka obsessed kay Ryu? Kaya kinuha ang katawan.” Sabi naman ni Six.

 

“Ano? So babae ang kumuha?” narinig kong tumatawa si Ham habang sinasabi niya iyon. Sinamaan ko siya ng tingin. Natahimik naman siya kaagad at nilamon ang natitirang ham na kinakain niya. Inirapan ko na lang siya at umalis. Aakyat ako sa kwarto ni Ryu. May susi naman ako eh. Sa aming lima, ako lang ang may extra key sa kwarto ni Ryu. Ayaw niya kasing may ibang makakapasok dito bukod sa akin.

 

Narinig ko pang nagtawanan sina Six dahil binato ng throw pillow ni Kierwin si Ham. Umiling na lang ako sa kanila. Kahit hindi nila masyadong pinapakita ay nag’aalala talaga sila para sa kaibigan nila. At pati sa akin. Sa lahat ng tao ay sila ang nakakaalam sa nararamdaman ko. Sila parati ang kasama ko simula nung naging kami ni Ryu. Wala naman kasi akong ibang kaibigan bago ko sila nakilala. Sa di ko malamang dahilan ay ayaw akong lapitan ng mga tao. Kaya nabuhay na din akong ako, at ang mama ko lang ang kasama ko. Until I met them.

 

Pinasok ko ang kwarto ni Ryu. Napangiti naman ako. Naramdaman ko namang may namumuong luha sa gilid ng mata ko nang biglang nagflash sa akin ang mga memories naming dalawa dito sa kwarto niya. Nung una akong nakapunta dito.

 

FLASHBACK

 

“Wow!” bigla kong nasambit nang makapasok ako sa hideout nila. No! More like beach house siya or vacation house.

 

Nilingon ko siya at nakita ko naman ang ngiti niyang nakakainlove. Yiiie! Inlove na inlove na talaga ako sa grumpy-baby ko! Hihihi. Kinilig naman ako nang inakbayan niya ako tapos umakyat kami sa kwarto niya. Dalawang floor lang siya na may limang kwarto. Ah! Siguro sa mga kaibigan niya ang ibang kwarto. Nang makapasok kami ay tumakbo ako papunta sa malaking teddy bear na nakaupo sa kama niya. Color white ito at may I love you sa gitna. Agad ko itong niyakap.

 

“Yiieeee. Sayo ‘to? Ikaw Ryu ah! Ba’t ka may ganito? Bakla ka? Bakla ka no!? Umamin ka!” seryoso kong sabi pero nagbibiro lang naman ako.

 

“Shut up. I’m not gay.” Nakapokerface na sabi niya. Naiimagine niyo ba? Hihihihi.

 

“Ah wala! Bakla ka! Bakla! Bleh! Bleh!” sabi ko sa kanya tapos hinagis ang teddy bear papunta sa kanya.

 

“I SAID I’M NOT!” sumigaw siya tapos buong lakas na hinagis pabalik sa akin ang teddy bear. At dahil malakas siya dahil palaging nagwowork out ay napahiga ako sa hagis niya. Natamaan kasi ang mukha ako. Napapikit ako sa sakit. Nakaramdam naman ako ng basa mula sa mata ko. Umiiyak na pala ako.

 

Naramdaman ko namang may sumampa sa kama. Niyakap ako ni Ryu at pinaghahalikan ang ulo ko. Nakapikit ang mga mata ko dahil sa pag’iyak.

 

“I’m sorry. I’m sorry. I’m sorry. Sorry na. Sorry na cutie baby.”

 

Agad naman akong tumahan nang marinig kong sinabi niyang ‘cutie baby’. Gusto ko kasing yun ang tawag niya sa akin pero ayaw niya dahil corny daw. Ngayon niya lang ako tinawag niyan. Puro Yanna lang kasi eh.

 

“*sniff* A-anong sabi mo? Pakiulit?”

 

Ngumiti naman siya, “I said, I’m sorry cutie baby.” Sabi niya habang punipunasan ang pawis ko sa noo.

 

“Ulitin mo nga.”

 

Kumunot na naman ang noo niya. “What? No. Sinabi ko na yun. Bawal na ulitin.”

 

Nagpout naman ako saka umaaktong umiiyak. Bumuntong hininga naman siya.

 

“Fine. Cutie baby. Masaya ka na?” tumango naman ako saka niyakap siya.

 

“I love you Ryu.”

 

“I love you too.” Hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya at dahan dahang ibinaba. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya sa mga labi ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo. My first kiss. Our first kiss.

 

END OF FLASHBACK

 

Naririnig ko na ang mga hikbi ko habang inaalala yun. Ryu. Asan ka na ba? Magpakita ka naman oh! Kahit ngayon lang. Kahit sa akin lang please? Kung patay ka na nga, kahit multo mo ang magpakita okay lang sa akin. Gusto ko lang na mayakap ka. Halikan ka. Gusto kong mag’I love you sa iyo ng paulit ulit hanggang sa mainis at mabingi ka na. Please Ryu.. Don’t do this to me.

 

Kinuha ko ang isang unan para yakapin. Wala na kasi ang teddy bear. Nasa bahay na dahil akin daw talaga yun. Nilagay niya lang daw sa kama niya para surprise. Natawa nga ako ng sinabi niya yun sa akin. Nakapokerface na naman ulit kasi siya nung sinabi niya iyon.

 

Nang makuha ko ang unan ay may nakita akong parang notebook na nakasilip mula sa ilalim ng matres ng kama ni Ryu. Kulay itim iyon. Nacurious ako kaya kinuha ko iyon. Nagulat naman ako nang mabasa ko ang nasa unahan ng notebook.

 

‘The Bylaws’

 

Binuklat ko ito at sinimulang basahin ang laman na ikinagulat ko.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like iammeakira20's other books...