Change

 

Tablo reader up chevron

Introduction

 

Author's Note

First of all, I would like to tell you guys that this story is not English. It's Tagalog-English (Taglish) Story because I'm not that good at speaking in English. But don't worry, maybe if I have enough time I'll be writing an English book.

This is my first time writing here and it's either I'm serious at writing it or not. 

 

At sa mga kapwa kong Pilipino, Hi! Haha. Sana magustuhan niyo. Try ko lang mag sulat ng story dito. 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Prologue

Bakit nga ba nagbabago ang tao?

Dahil broken hearted at gusto mag move on?

Dahil may gustong patunayan?

Dahil gustong makalimot?

Dahil sobrang pagod na?

Dahil sawang sawa na? o dahil nasaktan ka at hindi mo na kaya?

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Change

Nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas. Tss nandyan na pala sila.

 

Pumasok ako sa aking banyo at nag hilamos. Pag labas ko ay naghanap ako ng isusuot ko. Simple white shirt, ripped jeans, black leather jacket, at sneakers. Sinuklay ko ng maayos ang buhok ko at naglagay ng light make up. Sinuot ko ang aking favorite bracelet at necklace.

 

Pag labas ko ag nakita ko sila na kinakausap ang mga katulong namin. Tss.

 

Palabas na sana ako ng pinto ng tawagin nila ako.

 

"Lillia! Saan ka pupunta? Nakita mo naman na kakauwi lang namin ni hindi mo man lang kami binati." Pang sesermon sakin ni mama.

 

"Pupunta lang ako sa kaibigan ko." Lalabas na sana ulit ako nang tawagin ako ulit ni mama.

 

"Sa kaibigan mo? Ng ganitong oras?   Hindi mo man lang kami kakamustahin?" sabi ni papa. 

 

"Oo sa kaibigan ko ako pupunta ng ganitong oras, may problema ba? Tsaka bakit ko naman kayo kakamustahin? Eh mukang okay na okay naman kayo." Kalmadong sagot ko sakanya habang nakatalikod parin sakanya. 

 

"Ano ba Lillia? Hindi kita ganyan pinalaki! Sumasagot ka na ngayon! Ganyan ba natututunan mo ng wala kami ng papa mo hah?" 

 

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Humarap ako sakanila at sumagot 

 

"So kasalanan ko pa ngayon? mom?" Malamig kong sagot

 

"Sasagot ka nanam-" bago pa niya tapusin ang sinasabi niya ay nagsalita na ako.

 

"Kasalanan ko na nagbago ako? Kasalanan ko na walang magulang ang  gumabay sakin? Anong sinabi mo 
kanina? 'HINDI kita ganyan Pinalaki?" sabagay, hindi naman ikaw nagpalaki saakin. Dahil wala ka sa tabi ko. Nung grade 1 ako, nandyan ka ba sa tabi ko para turuan ako? Lagi kitang hinihintay umuwi mom para ipakita sayo na lagi akong may star sa kamay. Pero ano sinasabi mo? "Pagod na ako Lillia. Maybe tomorrow. " yan lagi mo sinasabi pero hindi naman natutupad. 
Nung grade 5 ako top 3 ako, sobrang natuwa ako dahil tumaas ang rank ko, hinintay ulit kita pero hindi ka umuwi dahil nasa ibang bansa ka, nalungkot ako, hindi dahil hindi ka umuwi, pero dahil hindi mo sinabi sakin na aalis ka pala. Nung Highschool ako ang daming nangbubully sakin sabi sakin ng teacher ko sabihin sa parents ko, sinabi ko naman sayo pero anong sagot mo? "kaya mo na sila, malaki ka na
Sinabihan ko na silang tumigil pero patuloy lang sila ng pangbubully sakin, loner ako, outcast at konti lang ang kaibigan, sila lang ang nag che cheer up sakin, diba dapat kayo yun? Nung family day sa school namin kailangan namin isopresa pamilya namin. Na excite ako, nag reserve ako ng table sa isa nating restaurant, sabi mo pupunta ka.  Kaya naghintay ako kahit magmuka na ako tanga kaka hintay ng ilang oras. Tinext kita pero sabi mo may dinner kayo ng business parner mo, so mas importante pa pala sila? Sobrang sakit ma! Sobrang sakit! Lahat ginawa ko para mapansin niyo naman ako pero lagi nalang mali ko yung nakikita niyo! Kung alam niyo lang na tuwing kaarawan niyo umaasa akong nasa bahay kayo, pero wala. Nawalan na ako ng gana sa lahat. Nagbago na ako. Hindi na ako yung dating Lillia. Sobrang sakit na. Kung dati natutuwa ako dahil nandyan kayo sa bahay. Pwes ngayon hindi na. Umuwi man kayo o hindi, ganun parin nararamdaman ko, yung parang wala kayo dyan sa tabi ko. Alam niyo ba na naiingit ako ng sobra sobra sa mga kaklase ko, dahil kahit busy sila, may oras parin sila sa ANAK nila. Unti unting nawawala yung dating ako. Sobrang sakit!" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Lahat ng gusto kong kalimutan ay bumalik. Lahat ng ayokong matandaan o maisip man lang ay unti onting bumabalik sa aking isipan. 

 

Tiningnan ko ang aking mga magulang at nagulat ako. Nakita ko ang kanilang luha na umaagos. 

 

Umiiyak sila? 

 

"A-anak.. patawarin mo kami..h-hindi namin sinasadya. Gusto lang namin gumanda ang kinabukasan mo kaya nag ta traba-"

 

"Yan! Yan nalang lagi line niyo. Para sa kinabukasan ko. Sabihin na nating maganda nga ang kinabukasan ko. Pero ang nararamdaman ko? Lagi nalang ba ganyan?" Pagputol ko sa sinabi ni mama.

 

"Patawarin mo kami anak.. patawad!" Lumapit sila saakin at niyakap ako ng mahigpit. Parang nag kusa ang aking mga kamay at niyakap sila pabalik. 

 

Sa totoo lang, namiss ko yung ganito. Yung lagi kaming nagyayakapan. Laging masaya. Yung parang walang problema.
Nakakamiss ng sobra. Namiss ko sila. Sobra sobra. Pero pagod na ako. Pagod na pagod

 

----  ----  ----  ----

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Julia Hermida's other books...