Kabataan

 

Tablo reader up chevron

 

Kabataan
Libro, Kuwento, Pagkatao Ko

 

 

 

 

 

 

 

JM Salgado

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ang nilalaman ng koleksiyon na ito ay ilan sa mga tulang nabuo sa loob ng klase noong ako ay nasa unibersidad pa. Mahigit apat na taon na ang nakalilipas. May ilang mga tula lamang na binago para sa taong ito. Sana'y magustuhan ninyo. 

 

JM Salgado

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

----------------------------------------------------------------------------------------

    Madilim, malalim, malayo at malawak ang saklaw ng gabing naghahatid sa akin ng panahong mag-isa sa aking kuwarto. Tanging kasama ko lamang ay ang iilang mga librong naiwan ng aking kabataan. Malamig ang haplos ng hanging dala ng papalapit na bugkos ng maiitim na ulap. Ang mga ito ay marahang inaaninag ng bagyong dala ng Setyembre. Mistulang nilalamon ng gabi ang noo'y alas-kuwatro pa lamang ng hapon na araw.

    Ang sakit na dulot ng pag-iisa sa kuwarto ay dali-daling pumaloob sa akin. Ang katawan ko ay mmistulang nawalan ng lakas, uhaw sa mga salitang nagmumula sa aking mga binabasa. Masakit din sa ulong intindihin ang bawat salitang banyagang kaakibat ng nobelang kailangan kong tapusing basahin pero marami aking nakilalang mga taong kahit minsan ay hiniling kong maging kaibigan. Iba-ibang mga imahe at ideya ang nagsisipumiglas sa aking isipan. May mga panahon pa ngang sa tingin ko'y npakaganda na ng isang ideyang kumakawala sa aking isipan ngunit ang nakalulungkot, saglit lamang ang dumaan, wala na ito agad. Ang mga ideya at imaheng ito ay kailangan magkaroon ng katawan, ng konkretong pagkatao dahil kung hindi, silang lahat na nananalong makalabas, ay tiyak na maglalaho na lamang bigla. 

    Sa isang manunulat, ang mga ideya ay nariyan lamang sa ating mga utak. Maaaring dahil sa mga salitang nababasa at maaari rin namang dala ito ng mga nakatagong ideya sa ating isipan na gustong kumawala noon pa. Ngunit ako ay natakot at hindi ko hinayaang maglaro ang mga ito sa papel. Baging sa bawat iniisip ng isang mambabasa, hindi ito nananatiling isang ideya lamang. Ito ay nagiging totoo at nagdadala sa kanila sa ibang mundo. Ang isang sikat na katha ngayon ay maaaring isang napakaswerteng ideya lamang na nakahanap sa kanyang pagkatao sa pamamagitan ng ballpen at papel. Ang mga ideyang nabuo sa isipan ay nagsisimulang magbigay ng imahe na kilala natin sa relidad ngunit mabibigyan lamang ng pagkakataong makasayaw at makapagmarka sa makinis at malawak na katawan ng papel na gagamitin ng manunulat.

    Ang pagsulat ay hindi simpleng gawaing naipapamalas ng isang indibidwal. Maramin g maaaring makapagsulat ng isang simpleng salita, pangungusap, talata, kung minsan pa [kung sila ay nasanay na] ay nagkukulit ang mga utak at nakabubuo ng mga taludtod na napakagandang pakinggan. Minsan pa ay masasabing nakakukuha ang bawat isa ng inspirasyon para makapagsulat mula sa kahit pinakasimpleng bagay. Ilan ay magsasabi naitulak sila na magsulat dahil sa: batang nagbenta sa kanila ng sampaguita; tumaob na puno; basahang basa; iilang natapong kendi sa lamesa; isang kantang narinig sa may jeepney; pelikulang napanuod sa sinehan; o maging ng mga pinakakilalang pulitikal na usapin sa bansa. Lahat ng nasa paligid natin ay maaaring mapagkunan ng inspirasyon sa pagsusulat. Ang mga ito ay maaaring makapagdala ng kakaibang emosyon na makapagpapasiklab ng isang itinatagong ideya at unti-unti itong makipagdugtong sa iba pang maliliit na mga ideya. SA ganitong paraan lahat ay may pagkakataong makabuo ng salita, pangungusap, talata, kuwento, nobela, o maging sa larangan ng panitikan ay mga taludtod, at tula.

    Sa aking kabataan, hindi ako gaanong nakapagbasa ng mga kuwentong tinaguriang canons. Hindi nagtatago ng mga librong ganoon sa bahay. Kahit pa bumili ay hindi rin nagawa. una, sa dahilang wala naman daw babasa noon sa panahong iyon. Pangalawa, hindi raw namin maiintindihan ang nilalaman ng mga iyon. At huli, dahil mahal ang mga librong iyon kaya hindi kami makabili o makakuha ng kopya kahit pa gusto itong ipabasa sa amin ng aming ina.

    Kahit pa sa ganoong sitwasyon, kami ay lumaki ng aking mga kapatid na namulat din sa iba't ibang klase ng literaturang Filipino, Mula komiks, alamat, bugtong, mga awiting bayan, at mga mangilan-ngilan pang akda mula sa aming libro sa paaralan. Hindi matutumbasan ng anumang materyal na bagay ang mga emosyong nadama ko sa bawat kuwentong nabasa ko. Sa musmos na isip pa lamang ay lubos na ang pagkamangha ko sa mga imahend naipakikita ng mga binabasa ko. Lahat ay tila nagdala sa akin sa ibang panahon. Nakita ko ng personal ang bawat tauhan na kasama ang kuwento. Pinagana nito ang imahinasyon ko hanggang sa pinakahindi ko inaasahang pagkakataon. 

Ang pagsusulat ay isang paraan din ng pagtatala ng mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ito ay maaaring maging daan upang tayo ay makalampas sa isang yugto sa ating buhay na hindi natin makalimutan o maiwanan. Ang pagsusulat ang isang sandalan ng mgma nangungulila't nahihirapan. WAlang maling kuwento, lahat ay may pinanghuhugutan. Ito pa ay madalas nagiging daan upang magdala ng ating mga nararamdaman. Isa siyang bintana ng ating mga alaala at karanasan. Hindi man sa paraan na napakadetalyado naipakikita ang ating mga damdamin at alaala, ngunit may bahid pa rin ito ng ating pagkatao.

Sa huli rin naman, kahit nasaang institusyon ka sa ating mundong makatao, makahahanap at makahahanap ka ng akdang pampanitikan na naglalaman o nagpapakita ng iyong pagkatao. Ito ay maaaring naisulat na at kailangan mo lamang hanapin o ito ay dapat mo ng simulan ngayon upang isulat at ipakilala sa mundo. Ano ang gagawin mo?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Munting Bighani

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Awit ng Alaala

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like J.M. Salgado's other books...