The Lost Sister

 

Tablo reader up chevron

Introduction

                   The Lost Sister

“Haley, babalik ako. Pupunta lang ako ng CR ha.” Ate Hera said habang nag-che-check ang mga gamit namin dito sa cabin ng barko.

“Sige Ate pero ‘wag ka nang lalayo ha. Pasama ka na lang sa mga bodyguards natin para maging safe ka. Nakakatakot kasi parang anytime n’andyan lang ‘yung mga taong may tangka sa buhay natin.” I am so worried for my sister kaya ko nasasabi ang lahat ng ito. Ayoko na mangyari sa kanya ang sinapit ko nang muntik na akong mamatay sa kamay ng mga taong dumukot sa’kin last week.

“Sis don’t be so paranoid! Sa CR lang ako. Babalik din ako agad, ‘wag ka mag-alala thirty minutes pa bago umalis ang barko.” Wika niya na para bang pinapanatag lang ang loob ko.

“Nag-aalala lang ako Ate. Akin na ‘yang mga gamit mo, itatabi ko na rito.” She gave me her stuffs and I gave it to yaya para maisama niya sa pag-che-check.

“Sige na Sis. Naiihi na talaga ako! Babalik ako agad ! Promise. Hiramin ko muna ang mga guards ha! For sure safe ka naman dito, may mga pulis naman na nag-iikot dito sa barko.”

“Ingat ka Ate! Balik ka agad ha.” After our conversation she left and ako tinulungan ko na lang si Yaya Lina pero after twenty minutes ay hindi pa rin siya bumabalik. I tried to call her pero nag-ri-ring lang ang phone niya at hindi niya sinasagot. Tinawagan ko rin ‘yung head bodyguard naming pero hindi rin siya sumasagot, Nag-aalala na ako kasi malapit nang umalis ang barko pero hindi pa rin siya dumarating. Kinakabahan na ako at bumibilis na ang tibok ng puso ko. Paano kung may nangyari nang masama sa kanya?

“Yaya! ‘Wag ka nang aalis dito ha. Hahanapin ko si Ate!” paalam ko kay Yaya para hanapin si Ate.

“’Wag na po Ma’am Haley! Ako na lang po. Dito na lang po kayo sa loob baka may kung ano pa pong mangyaring masama sa inyo.” Yaya said.

“No Yaya. Stay here! Sandali lang ako. Pupunta lang ako ng CR! Babalik ako agad promise!”

“Sige po mag-ingat po kayo ha!”

Agad naman akong tumakbo palabas ng kwarto pagkatapos sumagot ni Yaya. Nag-aalala na talaga ako at hindi na matahimik ang kalooban ko. Nasaan na si Ate?

Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla kong narinig ang pagtawag ni yaya sa akin, “Ma’am Haley! ‘Yung locket niyo po.”

“Pakitabi na lang po Ya! Kailangan ko pong makita si Ate. Balikan ko na lang po mamaya. Ingatan niyo po ha!” paalala ko kay Yaya. Wala na akong time bumalik, it’s a matter of life and death, kailangan kong makita si Ate. Hindi pwedeng mawala siya kailangan naming makalayo.

“Sige po. Ingat po kayo!” huli kong narinig mula kay Yaya.

Agad akong pumunta sa CR kung saan nagpaalam si Ate na roon siya pupunta pero hindi ko siya nakita. Kahit isa sa mga bodyguards naming wala rin akong nakita. Kinakabahan na talaga ako, pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko. Inikot ko na halos buong barko kaso hindi ko talaga siya makita. Five minutes left bago umalis ang barko pero wala pa rin , hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

“Ate nasaan ka na ba?” bulong ko sa sarili ko. Isa na lang ang choice ko, kung wala siya rito sa loob ng barko for sure nasa labas siya at pinapanalangin ko na safe siya. Kahit alam ko na may bodyguards siyang kasama hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Naalala ko marami sila at pwede pa rin silang patumbahin ng mga mandurukot na iyon. Bakit ba nangyayari sa pamilya ko ‘to?

Tumakbo ako palabas ng barko kahit alam ko na sandaling oras na lang ay aalis na ‘to. Pero wala akong choice, hindi ako aalis hangga’t wala si Ate, anuman ang mangyari kailangan magkasama kami. I tried to call her again pero patay na ang cellphone niya. Sobrang namamwis na ang mga kamay ko sa sobrang kaba at paulit-ulit na tinatanong ang sarili ko kung nasaan na siya. Gusto ko nang umiyak at sumigaw pero hindi ko magawa.

I looked for her outside, inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at pumunta rin ako sa waiting area at umaasang n’andun siya pero wala pa rin siya hanggang sa naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko tanda na may tumatawag. I reached for my phone in my pocket and umaasa ako na si Ate ‘yun pero bigo ako, nang makita ko ang caller ID, si Yaya lang pala.

“Hello Ya? Bakit?”

“Ma’am aalis na po ang barko nasaan na po ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Yaya.

“Yaya listen to me. Hindi ko pa nakikita si Ate at mukhang hindi na ako makakasakay. Ya, mauna na po kayo. Hintayin niyo na lang po kami doon sa pier, sasakay na lang po ako sa next ship na darating, at Ya! ‘Yung locket ingatan niyo po, kung kinakailangan na isuot niyo, suot niyo po para hindi mawala. Ingat po kayo Ya!” habang nagsasalita ay umiikot pa rin ang paningin ko upang hanapin si Ate hanggang sa narinig ko ang pag-ugong ng barko signaling na aalis na ito.

“Ma’am umaandar na po! Ingat po kayo ha. Hihintayin ko po kayo!” after the conversation. Muli kong ginala ang paningin ko at this time nakita ko si Ate. Nasa tabi siya ng isang sasakyan na nakaparada sa pier, nakangiti at nakatingin sa barkong papaalis. Bakit siya nakangiti? Pero wala na sa isip ko ‘yun, ang importante ay nakita ko na siya at makakahinga na ako ng maluwag. “Ate Hera!” tumutulo na ang luha sa mga mata ko habang patakbo sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig dahil sa layo ng distansya naming dalawa.

“Ate He- Ayyy!“ napatigil ako at napatakip sa aking tenga nang may marinig akong isang malakas na pagsabog at nang lumingon ako sa dagat ay nakita ko ang barkong kaaalis lang na nagliliyab at tuloy-tuloy pa rin ang pagsabog. Ito ang barlong dapat sana ay lulan ako. Napaluha ako dahil sa tindi ng nakikita ko. Kitang-kita ko kung paano nilalamon ng apoy ang barkong kanina lang ay sinasakyan ko. Kailangan ko nang makaalis dito, hindi man ako sigurado pero kinakabahan ako na baka may kinalaman ang pagsabog sa mga taong nagtangka ng buhay ko pero ikinagulat ko ang naging reaksyon ni Ate nang muli akong humarap sa kanya, tumatawa siya, hindi lang tawa, it’s an evil laugh. Nakikita ko sa mga mata niya ang tuwa sa pagsabog ng barko at halos mapaiyak na siya sa sobrang ligaya habang nakatingin sa barko, umaapoy ang mata niya dala ng repleksyon ng apoy na tumutupok sa barko at para bang gusting-gusto niya ang nangyayari.

Anong nangyayari? Bakit tuwang-tuwang ka ate gayong alam mo na nasa loob ako ng barko?  Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Gusto kong lumapit kay Ate pero parang may pumipigil sa akin. Bakit ganoon ang reaksyon niya? May kinalaman ba siya sa lahat ng mga nangyari?

 

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Khim Villamor's other books...