Fall with Him If You Dare

 

Tablo reader up chevron

Chapter One

Masasabi ko na siguro na, today is my luck day. ^____^

Bakit? Dahil natanggap akong bilang private tutor ng isang anak na mayaman. Ayyiiee! And I'm sure, malaki ang suweldo nun!

By the way, I'm Akira Park. Taray ng pangalan ko nuh? Mukhang pang-mayaman, pero hanggang pangalan lang. Haha! I'm a second-year masscom student sa isang public university, at dahil sa consistent top student ako, naging scholar ako ng bayan. Curious with my name? sabi ni tita, my father is a Korean and my mother is a pure Filipino. My father and mother met in Japan, my mother was a performer in Japan. At ang kwento ni Tita, umuwi na lang daw si Mama na dala-dala ako sixteen years ago. My mother died because of a complicated disease when I turned 5 years old. At ang tatay ko? I don't have any informations about him. Hindi ko na hinangad na makilala pa siya, kung bata pa ko pinabayaan na nga niya ako e, pano pa kaya ngayon? Si Tita na ang nagpalaki sakin, hindi kami mayaman, hindi naman kami ganun kahirap. Sakto lang. Pero ngayon na college ako, I need to work para naman din makatulong ako kay Tita. Kaya sobrang pasalamat ko na lang, at natanggap ako na maging private tutor. And one thing pa, dun muna ako titira sa Akiyama Mansion kaya medyo excited din ako ^___^

First day ko na ngayon, kaya I'm on my way sa Akiyama Mansion. And yes, Japanese ang pamilya nila, hindi man pure, pero halata sa mga mukha nila. Medyo marunong din ako mag-niponggo, pero konti lang. Haha! Anyway, andito na ako na sa front gate ng Akiyama Mansion, and woah, ang laki, as in na malaki talaga.

*doorbell*

May lumabas na isang babae, matanda na at mukhang masungit.

"Ikaw ba yung bagong private tutor ni Senyorito?" Tanong nung babae habang naka-taas yung kilay niya. Ang taray, ang taas ng pagkatas ng kilay. Kaya yung kilay ko, nahahawa na din ata -___-

"Opo." sagot ko habang binibigay yung ID ko.

"Ano naman yang kilay mo?"

Bigla akong napahawak sa kilay ko, Ay, haha! yung kilay ko din nakataas :3 nakakahawa kase talaga. haha! Yumuko na lang ako, dahil ang hirap magpigil ng tawa. haha!

"Pumasok ka na at sumunod ka sakin."

Sumunod na ako sa kanya gaya ng sinabi niya. Ang lawak lang talaga ng mansyon ng mga Akiyama tulad ng sinabi ni Tita. Pumasok na kami sa loob, at nakita ko si Mr. Akiyama. Nakilala ko siya dahil siya mismo ang nag-interview sakin.

"Goodmorning po Mr. Akiyama." Magalang na bati ko.

"Good you came."

"Opo naman Sir, marami po talagang salamat at ako po ang napili niyo sa lahat ng nag-apply."

"Ikaw lang naman angnag-iisang nag-apply Ms. Park."

"P-po???" Eh? Hindi ko maintindihan -__-

"Kaya I'm so thankful na hindi ka umatras Ms. Park, I know na kayang-kayang mong i-handle si Martin."

"Ah, eh... Salamat po." Pero naguguluhan pa din ako sa mga sinasabi ni Mr. Akiyama.

"Pwede ka ng magsimula ngayon. Aling Sabel, paki-hatid na lang si Ms. Park sa magiging kwarto niya."

"Opo, Senyor."

Yumuko ako kay Mr. Akiyama bilang paggalang bago ako sumunod kay Aling Anabelle? Ay ewan. Umakyat kami dito sa second floor hanggang sa may binuksan si Aling Anabelle na kwarto.

"Whoah. Eto po ba kwarto ko Aling Anabelle?" Ang ganda, at parang isang buong bahay namin.

"Ayaw mo? Dahil private tutor ni Senyorito ang posisyon mo dito kaya ganto kalaki ang kwarto mo. Marami ng sumubok na mapunta dito sa kwarto na to, pero isa o hanggang dalawang linggo lang ang tinatagal nila dito."

"Bakit naman po Aling Anabelle?"

"Madami pa kong gawain. At teka, Sabel ang pangalan ko at hindi Anabelle."

Sinarado ng malakas ni Aling "Sabel" daw at hindi Anabelle ang pintuan. Tsh, ang sungit na nga, snobber pa -___- Pero bakit naman walang nagtatagal dito? sa ganda ba naman ng kwartong to sino pa ba ang aatras? Wooh, humiga ako sa kama, hindi lang basta kama ha, pang-mayaman siya!

Ay anak ng kabayo!

O____O

May pumasok na lalaki dito sa kwarto ko!!

"Sino ka ba? Di ka ba marunong kumatok sa pintuan?!"

"Oh."

May inilapag siyang papel dito sa kama kung saan ako naka-upo. Kinuha ko ang papel atsaka ko tiningnan.

?___?

Mga mukha ng mga tao, may mga pangalan sa baba at date. Teka? Bat andito yung mukha ko? Aba, pati pangalan ko ha? at may date pa..

Akira Park (January 07, 2015 - January 14, 2015)

"Ano naman to? At bakit meron akong picture dito?"

"Iyan lahat ang naging private tuitor ko, kasama ka na dyan, and as you see, Mukhang di ka pa nga ata magtatagal ng isang linggo dito tulad ng naka-state diyan."

Woah, baka di niya alam? wala sa bokubolaryo ko ang sumuko!

"Siguro ikaw si Martin Akiyama? Well, dahil sa sinabi mo, mas lalo akong ginanahan na turuan ka, lalo na ng GMRC. Mukha kaseng never ka pang pumasok ng GMRC."

Matapang na sabi ko, totoo, mas ginaganahan ako lalo na pag sinusubukan talaga ko.

"Really? Haha. You made me laugh."

Pasalamat tong Martin na to at siya ang amo dito, dahil kung hindi, baka nagkaron na na ng bahid ng dugo sa maganda niyang mukha na galing sa kamao ko.

Pinunit ko yung papel na inilapag niya sa kama sabay kong nilukot at tinapon sa sahig.

"Did I? Lubusin mo na Mr. Martin Akiyama, baka kase yan na ang huling tawa na magagawa mo ^___^"

Biglang sumeryoso ang mukha niya, unti-unti siyang naglakad, teka? papunta ba siya sakin?

"Teka... Anong ginagawa mo??"

Hindi siya sumagot, pero patuloy pa din siya sa paglapit sakin. Oh my gulay. biglang na lang bumilis yung tibok ng puso ko.

*Dug dug.. dug dug..*

"Huwag mong subukang lumapit sakin dahil hindi mo magugustuhan yung gagawin ko."

Pero tila talaga siya bingi, hanggang sa nasa tapat ko na siya. Umupo siya sa harap ko na naging dahilan para pumantay yung mukha niya sa mukha ko.

O___O

Shemaysss! Ang gwapo niya :3

"Baka naman, gusto ma naman kase talagang makita ako araw-araw? ^___^" NIlapit niya ang mukha niya sakin. Shemay talaga! Nararamdaman ko yung puso ko na gusto ng tumalon sa kaba!

"Speechless Ms. Park? Maybe, I'm right ^____^"

Tumayo na siya sa pagkaka-upo. Ugh!! Bakit ba bigla nalang tumiklop ang dila ko!! >__<

"But, I like your confidence Ms. Park. Welcome to the hell life." Yan ang mga huling sinabi niya bago siya umalis ng kwarto ko.

Woah, as in woah talaga. Hindi ako natatakot sa kanya. One week huh? Hell-in niya life niya!

 

--

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Two

Maaga akong gumising dahil maaga yung pasok ko. Medyo nakakapanibago talaga yung kapaligiran na tinitirahan ko ngayon. Yung tipo na dati, pag-imumulat ko yung mga mata ko, isang madilim na yero ang bumubungad sakin, pero ngayon, isa ng malaking ceiling fan na umiikot. Grabe, at baka nakalimutan kong sabihin sanyo na air conditioned tong kwarto kaya pakiramdam ko prinsesa na ko haha. Kaya hindi na ko tumanggi pa sa alok ni Mr. Akiyama nang sabihin niyang ganto pala ang magiging buhay ko dito at hindi nga ako nagkamali  ^__^

Lumabas na ko ng kwarto ko, sa labas na din ako mag-a-almusal since nagbigay naman sakin si Mr. Akiyama ng paunang bayad. And guess what kung magkano? 9,000 lang naman bilang advance payment. Wala pang fixed na sweldo dahil nga daw magiging depende yung sa pag-handle ko kay Mr. Martin Butiki. Aish, naalala ko na naman yung butiki na yun. Tch, mamaya na ako magsisimula bilang private tutor niya, medyo kinakabahan din ako dahil sa ugali niya. Feeling ko talaga na hindi kami magkakasundo pero isa lang ang sisiguraduhin ko sa inyo. "I will never quit kahit gaano pa siya ka-gago."

 

"Hoy Manang"

 

Napalingon ako kung saan galing yung boses na yun. And there he is again, ang antipatikong tagapag-mana ng Akiyama. Like a boss talaga kung maka-upo e. Andito siya sa sala ngayon, nanunuod ng TV.

 

"Goodmorning po Sir Martin." Mariin na sabi ko at dumiretso na ko sa paglalakad.

 

"Sinabi ko na bang umalis ka? Babaeng walang ka-sense-sense sa pananamit."

 

Ako ba yung tinatawag niyang Manang? Ang aga naman mang-bwisit nitong lalaking to. Pinilit ko na lang ngumiti dahil napag-isip-isp ko kagabi na kahit balikta-baliktarin ko pa yung mundo, eh siya pa din ang amo sa loob nitong mansyon na to. Eh ano naman kung ganto suot ko? Naka-pants at t-shirt ako plus yung two years na doll shoes ko. At least kagalang-galang. Hindi tulad ng ibang babae, kulang na lang eh sumayaw sa gitna at magmumukhang G.R.O na sa kalsada.

 

"May sasabihin po ba kayo or may ipapagawa Sir?" Nilambingan ko na lang yung boses ko, pero deep inside, gusto ko na siyang ipadala sa planetang Namek e.

 

"Kuha mo nga ko ng tubig."

 

"HA?!"

 

"Bingi ka ba? tagalog naman yung sinabi ko. Kala ko ba matalino ka?"

 

Wow ha, he's really getting into my nerves.

 

"FYI MR. MARTIN AKIYAMA. PRIVATE TUTOR AKO DITO AT HINDI PERSONAL MAID MO."

 

"Hahaha! I'm sorry, di ka kaseng mukhang private tutor e. Haha, sige na, umalis ka na. Hahaha!"

 

Ang ligaya niya -___- Huwag kang papa-apekto Akira, relax lang. Inhale, exhale, wag mo ng patulan.

 

Tumalikod na ko at daretso na nga kong lumabas ng mansyon. Sumakay na ko ng FX, may pera naman na ako pang-bayad sa FX. 

 

Aish, manang ha? Fine! Makikita niya ang tunay na manang mamaya. Tch.

 

--

Andito na ko sa University na pinapasukan ko. 

"Goodmorning Akira ^__^"

 

"Goodmorning din."

 Minsan talaga, dito na lang talaga ako sa school nakakapagahinga. Siguro, parang eto na din yung comfort zone ko, dahil dito, I can feel peace.

 

"Goodmorning class."

Dumating na ang professor namin, and as usual, puro lecture na naman ang gagawin namin.

 

--

 

Natapos na yung classes ko nga yun, almost five hours din ako naka-upo ha, madami pa kong kailangang gawin na homeworks and kailangan ko na siyang tapusin ngayon dahil for sure, mamaya, papahirapan ako ng antipatikong yun.

 

"Akira? Punta tayong mall, gusto mo bang sumama? Window shopping lang naman gagawin natin. haha!" - Si Olive, classmate ko.

 

"Hindi na muna Olive, madami pa akong gagawin e. Baka sa library muna ako ngayon. Ingat na lang kayo ^___^"

 

"Ah oh sige. Ingat na lang din Akira."

Umalis na din sila pagkatapos nilang mag-ayos ng bag. Habang ako dito, napapa-isip sa mangyayare mamaya.

 

"Welcome to the hell life.".


Aishh!! Hell life? ugh. Aaminin ko, medyo kinakabahan din ako sa Martin Akiyama na yun. Bukod sa mukha siyang sira-ulo, napaka-yabang pa -___- He's the type of a person na kayang gawin ang lahat. Kaya kung gusto niya akong ipa-salvage, makakaya niya talaga gawin yun. Tama ba tong pinasok ko?

--

Nandito na ko sa library, kaharap ang mga papel, ballpen at libro. Sana naman matapos ko to bago akong maka-uwi sa Akiyama Mansion.

"Uy Akira."

Napalingon ako ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Si Dereck pala, ang lagi kong ka-partner pag may Quiz Bee Competition, yeah, matalino siya, matangkad, maputi at gwapo, kung tutuusin, eh hearthtrob siya dito sa University. Aaminin ko, mas matalino siya sakin kaya siya lagi ang representative ng school pag may mga conferences.

"Andito ka pala Dereck, gagawin ka din ng assignment?"

Umupo si Dereck sa tabi ko. Infairness ha, ang gwapo niya sa suot niyang long-sleeve na polo. Mukhang businessman na tong lalaking to.

"Nope, napadaan lang ako dito, may inuutos kase si Ms. Quijano. Gusto mong sumama?"

Kahit gusto ko, di naman pwede dahil madami pa akong gagawin.

"Hindi na siguro, madami pa kong gagawin e."

"Pwede naman kita tulungan e, tsaka sayang kung hindi ka makakasama. It's a summit conference, at lahat ng Universities nandun mapa-private or public. At mga succesful individuals daw ang mg guests."

"Talaga?"

"Yup, kaya amina, ako na gagawa ng iba mong mga assignment."

Kinuha ni Dereck yung ibang notebook ko, di na ko tumanggi dahil sa totoo lang, gusto ko naman talagang sumama lalo na't para maganda yung summit conference na sinasabi ni Dereck. At sa tingin ko, magiging exciting yun.

"Thank you Dereck ha?"

"Ayan ka na naman sa thank you mo, kung sinagot mo na ko, mas tatanggapin ko pa."

-____-

"Tch."

Oo nga pala, sinabi sakin dati ni Dereck na gusto daw niya ko. Nagpaalam pa nga siya na manliligaw siya e. Pero di ako nanniwala, sa dami ng magagandang babae dito sa University namin, idagdag mo pa yung mga ibang babae na nakikita niya sa mga conference na pinupuntahan niya. Di naman maipagkakaila na mas angat sila sakin. 

"Ano bang ayaw mo sakin Akira?"

Bigla nalang humarap sakin si Dereck at tiningnan ako. Eto na naman pagiging seryoso niya -__-

"Dereck naman, alam mo naman na wala akong ayaw sayo, ayoko lang talaga munang...''"

"I know. Pero sana pagdumating yung panahon..~~ Aray!"

Hinampas ko ang loko. Ang drama niya e.

"Tapusin na lang natin to kesa magdrama ka diyan."

"Aish, pasalamat ka mahal kita." Rinig kong bulong ni Dereck pero nagkunwari na lang akong walang narinig at tinuloy ko na ang ginagawa ko, ganun din siya..

After one hour..


"Done." - Dereck.

Hay salamat, at natapos namin ng mabilis. Ewan ko lang kung hindi matapos to lalo na't pinagtulungan namin ni Dereck ^___^ Niligpit ko na ang gamit ko.

"Let's go."

O____O

Bigla-bigla na lang hinawakan ni Dereck ang kamay ko at hinila ako papalabas ng library. Shemay -__-

"Dereck... sasama naman ako. Pwede mo ng bitawan yung kamay ko."

"Ano ka ba Akira, walang malisya to kaya relax. Haha, tsaka kailangan na nating bilisan. may pupuntahan muna tayo."

Wala daw malisya eh. Pero bawat dinadaanan namin na mga estudyante eh nakatingin samin at binibigyan ng malisya -__-

"Sila na ba?"

"Si Dereck and Akira na ata e."

"Bagay naman sila, parehas naman silang matalino."

Yan ang mga naririnig ko sa mga estudyanteng nakatingin samin. Magtsi-tsismisan na nga lang, yung rinig ko pa. Psh.

Nakarating na kami ni Dereck dito sa sa school van ng University namin.

"Saan ba tayo pupunta muna?" Tanong ko kay Dereck habang pasakay kami ng van.

"It's a formal conference Akira, we must look presentable."

"H-ha? Teka James, baka hindi ako papasukin sa suot ko." 

Aish, bat di ko napansin yun? kaya pala ganto ka-gara suot ni Dereck -__-

Ngumiti lang siya sakin.

"Manong, daan mo na tayo sa Blitz Department."

BLITZ DEPARTMENT???! O__O

*lunok*

"Blitz Department?! Yung tindahan ng mga damit napang-mayaman?!"

"They have the best quality of clothes dun kaya dun tayo."

Eh?? Seryoso siya? Anak ng tokwa naman, mukhang magiging bula agad yung advance payment na binigay ni Mr. Akiyama!!

 

------

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Three

Tumigil na ang school van na sinasakyan namin dito sa tapat ng Blitz Department Store.

Sobrang laki nga talaga ng BDS. Bihira lang ako mapadaan dito, at sa tuwing napapadaan naman ako dito, never kong binalak na pumasok dito. Itsura pa lang ng Department Store, eh mukhang bubutasin na yung bulsa ko. At isa pa, yung isang damit dito is equal sa benteng damit na mabibili sa mga tiangge-an. Oh diba? Para sa isang dukha na tulad ko, mas prefer ko pang makipagsiksikan at kapalan ang mukha ko para lang makahingi ng tawad sa mga tiangge-an.

"Welcome to Blitz Department Store Ma'am and Sir."

Magiliw ang pagbati ng mga sales lady dito sa BDS. Ngumiti na lang ako sa kanila. Tch, minsan talaga nagiging plastic ako pagkaharap ko mga sales lady e. Sa totoo lang kase, asar ako sa kanila -__- everytime kase na pipili ako ng mga damit sa mga department store na ganto, magugulat ka na lang dahil bigla na lang silang susulpot sa tabi mo. At kung makasunod naman sila sakin, daig ko pa convicted.  Kaya imbis na makapili ka na maayos, maiilang ka na lang sa pagsunod nila sayo.

"Dun tayo sa Ladies."

Umakbay sakin si Dereck habang papunta kami sa ladies section. Wag kayo, walang malisya. Sanay na ko sa mga gantong akbay ni Dereck.

Paikot-ikot kami dito sa ladies section. Grabe lang, andaming magagandang damit at siempre kaakibat nun, ay yung mga presyong mapapamura ka talaga. Kaya ako, ang hanap ko ngayon ay yung pinaka-simpleng damit. In short, yung mura. Haha! Wala eh, poor kid ang lola niyo.

"Wala ka pa bang nagugustuhan?"

"Wala pa." Daretsong sagot ko. Eh wala akong makitang mura e -___-

"Ano pong hanap niyo Ma'am?"

Oh diba, di ko man lang narinig yung yabag ng paa nitong sales lady. Nakakatamad ng mamili -___-

"Get the best dress for her."

"Okay po Sir."

Batas naman kung maka-utos tong si Dereck. tsaka, best dress?? Eh pag best dress, worst naman ang price!!

"Teka Miss!" Napatigil naman yung sales lady sa pagsigaw ko. Pati mga ibang customer, napatingin din sa direksyon kung nasaan kami. Nakakahiya :3

"Ahehe, yung pinaksimple lang miss." Mahinahon pa kesa kay Maria Clara ang tono ng boses ko.

"Po?"

"She means, yung pinaka-simpleng best dress. Tama ba Akira?"

"H-ha?" Nakita kong kumindat sakin si Dereck.

"Tama, yung pinaka-simpleng best dress." - sabi ko.

Ano daw? Simple pero yung best?

?____?

Nakita ko ding naguluhan yung sales lady bago siya umalis.

Wala pang isang minuto nang bumalik yung sales lady at may dala siyang isang simple pink dress. Woah, parang alam ni ate yung favorite color ko ah. Inabot ko yung dress na hawak niya. Simple lang siya, as in napaka-plain niya pero magarang tingnan at maganda ang tela. Agad kong tiningnam yung price.

O____o

"F-five thousand??" Pasigaw na bulong ko ng makita ko yung mala-gintong presyo ng damit na 'to. Aray ko bhe, mukhang maba-bankcrupt ang very dear wallet ko -__-

"Do you like it?"

Lumapit ako kay Dereck at bumulong.

"Alam mo Dereck, may alam akong tiangge-an. Maganda din mga bentang dress dun. 300 lang yung ganto nila dun."

"Hahaha!" Hala? Kung makatawa naman para akong nagjoke. Tch. "Amina na nga yan."

Kinuha ni Dereck yung dress na hawak ko.

"Favorite color mo?"

Naguluhan ako sa tanong ni Dereck.

"Pink?" Sagot ko pero patanong din ang tono. Eh bakit kase bigla na lang ata naging Autograph tong si Dereck.

"Anong size ng paa mo?"

"Six. Teka? Para saan ba yang mga tanong mo?"

Hindi sumagot si Dereck, bagkus tumingin siya sa sales lady at kumindat, tumingin naman ako sa sales lady at nakita ko ang pagtango at pagngiti niya. Woah, hello? Kung balak nikang maglandian, wag sa harap ko -__-

Binalik ko ang tingin ko kay Dereck.

O___o

Naka-tingin si Dereck sakin. At ang malala pa, ngiting palaka pa ang loko.

"Okay ka lang?"

Mukha kase siyang timang e.

"Yeah, ikaw? Okay ka lang?"

"Ako? Okay lang... pero yung pera ko, mukhang di magiging okay." Bulong ko sa sarili ko.

"Eto na po sir."

Bumalik ulit tong sales lady at may inabot siyang pink  sandals kay Dereck. Ang ganda nung sandals, para siyang binalutan ng silvers sa sobrang kinang. Pero para saan naman yung sandals??

o____o

Hinawakan ni Dereck yung kamay ko, at pinasok ako dito sa loob ng fitting room. Anong gagawin ko dito?

"Fit this."

Inabot niya sakin tong pink dress kanina at itong sandals na pang prinsesa.

"Ano to Dereck?"

"Libre lang mag-sukat Akira."

At bigla niyang isinara yung pinto nitong fitting room. So seyoso siya? Aish, nakakahiya kaya na sukatin tong mga mamahaling damit at sandals na to tapos di ko naman bibilhin diba? Ugh, humanda talaga sakin yang si Dereck!! >__<

---

Nasuot ko na tong dress at sandals. Medyo hindi ako sanay, dahil above the knee tong dress, parang masyadong maikli, eto namang sandals, masyadong mataas, kaya mahirap maglakad.

Binuksan ko na yung lock nitong fitting room.

?___?

May kausap na babae si Dereck, nasa couch sila ngayon naka-upo. Ang ganda niya, mukhang mayaman at nakapa-sopistikada ng pananamit niya. Mukhang magkakilala sila ni Dereck, hindi lang siguro bastang magkakilala, mukhang super close pa sila. As I see, parang may namamagitan na something, the way na tumingin yung babae kay Dereck, masyadong napakalagkit.

"Andyan ka na pala."

Nagising ang diwa ko ng marinig ko yung boses ni Dereck.

"Ah, oo."

"Is she the girl?"

Lalong bumilis yung daloy ng dugo ko sa tanong nung babae. Tsaka anong is she the girl??

"You look so gorgeoues Akira."

Agad nanginig yung katawan ko. Hindi ko man nakikita yung sarili ko ngayon, pero ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya kase, lalo na't puruhin ako sa tapat ng gantong kagandang babae. Kung ikukumpara mo ko sa kanya, eh di hamak namang mas mukha siyang reyna kesa sakin.

"Well, mukhang malakas nga ang tama sayo ni Dereck ^__^"

"A-ah?"

Napapansin kong papalapit saking yung babae. Tumigil siya sa harapon at inabot niya ang kamay ko for a shake hand.

"By the way, I'm Rianne Lopez. And you are?"

Shemay, nakaka-starstruck yung ganda niya.

"Akira, Akira Park."

Nakipag-shake hamds ako sa kamya kahit sobrang nakakahiya, ang puti at ang kinis ng kamay niya. Kaya hindi ko maiwasan na tumingin sa kanya.

"Would you excuse us Rianne? May conference pa kaming pupuntahan e."

Umeksena si Dereck sa gitna natin.

"Oh, no problem Dereck, thank you for coming. And, Akira? Right? Nice to meet you and I Hope to see you again soon ^__^"

Niyakap niya ko at sabay siyang bumeso.

O__o

Niyakap din niya si Dereck at hinalikan ito sa pisngi. Ay grabe :3

"Take care Rianne. Di ka ba muna talaga magpapaalam sa kanya?"

"I don't think so, alam kong ayaw pa din niya kong makita."

Sino ba yung tinutukoy nila? Tila lang akong alien na napadaan dito -___-

"If that's what you want. Sige, we'll go ahead."

Hinawakan ni Dereck yung kamay ko at sabay akong hinila papalabas dito sa Department Store. Yumuko at ngumiti naman ako kay Rianne bilang paalam.

Hanggang sa makalabas na kami ng BDS nang maalala kong..

"Teka Dereck!!"

"Bakit?"

Tinuro ko tong dress at sandals ko. For sure naman mage-gets niya yung gusto kong sabihin.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

Oh diba? Di niya nagets :3

"Hindi yun." Lumapit ako sa kamya at ibinulong ko na lang dahil andaming tao dito.

"Ah, binayaran ko na."

"A-ano?"

Eh? Binayaran niya talaga??

Binuksan na niya yung pintuan ng van at pinauna niya kong sumakay at sumakay na din siya.

""Dereck oh."

Inabot ko sa kanya yung 7000 na natitira sa bag ko. Alam kong kulang pa tong 7000, pero ayoko namang magkaroon ng utang na loob.

"Tsaka ko na babayaran yung balance." Pahabol ko.

Pero hinawakam niya ang kamay ko at isinira niya ito na hawak-hawak ko yung pera.

"Pag yan inabot mo pa sakin ulit, hahalikan na kita."

-____- letse din tong lalaking to e.

"Pero Dereck... Libo din yun, alam kong mahirap kitain yung ganung kalaking pera, nakakahiya sa magulang mo."

"Haha, ano ka ba, Don't worry, naka-discount naman ako kay Rianne."

"Si Rianne?"

"Yeah, she's the owner of that BDS."

"A-ANO??!"

Teka, tama ba yung narinig ko?? Eh??

"Kaya wag ka nang makonsensya diyan."

Ngumiti si Dereck sakin. Pero naguguluhan ako, talaga bang magkakilala sila? At ngayon ko lang nalaman na may ganun siyang kayaman na kaibigan!!

"Paano kayo nagkakilala ni Rianne, Dereck?

Tanong ko lang, bigla na lang lumabas sa bibig ko e.

"She's a friend of fine since childhood."

Ah kaya.

"Mukha ngang super closed kayo e."

"Yeah."

Malamig na sagot ni Dereck. Pero feeling ko, may somethimg between them e. The way na tumingin si Rianne kay Dereck, na-feel ko na e. Hindi lang ako masyadong sigurado.

--

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Four

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Five

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Six

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Seven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eight

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Nine

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Ten

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eleven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Twelve

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Thirteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Fourteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Fifteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Sixteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Krisia Garvez's other books...