My Best Friend's Father

 

Tablo reader up chevron

My Best Friend's Father

By:

Fleur de Liz

“...The moment I touched your hand, I knew you were destined for me...

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter One

Marion

Dear Mr. Sands,

I lost my bestfriend. I feel so alone. I don’t know what to do. It’s as if everything is nothing but a nightmare and I’ll wake up soon but no, everything is real. We are not going to be with him anymore.

Mr. Sands, have you felt this kind of feeling?

I lost one of the people who accepted me for real, just like you. I will truly miss my bestfriend. I will always miss Marion.

I’m sorry if I have to share to you this event. I know you will understand and right now, as you read this letter, I know you’re patting my back and giving me a hug, assuring me that everything will be fine soon. That’s you, my ever supportive friend and father.

Thank you for always been there with me. I love you, Mr. Sands.

Love,

Celie

P.S. Extend my greetings to your son.

Napasandal si Celie sa backrest ng sofa. Kanina sa burol, habang pinagmamasdan

niyang inililibing ang kanyang kaibigang si Marion, ilang beses niyang naihiling sa Diyos na sana ay nananaginip lang siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ito. Parang hindi totoo.

“Celie?”

Napatingin siya sa kaibigan at ka-housemate na si Micah. Nandoon rin ito sa burol kanina. Magang-maga na ang mga mata nito sa kaiiyak. Silang tatlo ang mag-best of friends.

Lumapit si Micah sa kanya at tumabi ng upo.

“Micah, nami-miss ko na siya agad” aniya na nakatingin sa kawalan.

“I miss him too” lumuluha nitong sabi. “He’s my bestfriend and brother, my very reliable confidant.”

“He’s too young to die. Sabi niya, ipapasyal pa niya ako sa Disneyland. Ni hindi pa siya nag-aasawa” at agad ng nahulog ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. She’s trying to be strong pero ngayon niya tila nararamdaman ang impact ng pagkamatay ni Marion. “Ang daya-daya niya kasi” at humagulhol na siya ng iyak. Nagyakapan sila.

“Best, iiyak tayo ng iiyak ngayon at sa susunod pang mga araw pero hindi tayo pwedeng maging ganito forever. Remember, Marion always wants us to be happy and move on with our lives. Kung nandito siya ay magagalit sa atin ang timang na ‘yon.” Tumango siya kasi tama ito. And they went on crying their hearts out. ‘Yon lang kasi ang paraan upang maibsan ang mga hinanakit nila dahil sa pagpanaw ng kaibigang matalik.

Napapangiti si KC habang tinitingnan ang mga childhood pictures ng namayapang anak. Mas tinutukan niya ng husto ang pagpapalaki rito kesa sa career niya. Higit pa man sa kahit ano’ng kayamanan sa mundo, ang kanyang nag-iisang anak na si Marion ang pinakamahalaga sa kanyang buhay.

“KC?”

Binalingan niya ang babaeng kapapasok pa lang sa kanyang studyroom. “Hey” aniya

sa biological mother ni Marion. Lumapit ito sa kanya at tumabi. Napangiti rin ito nang makita ang mga pictures ng anak nila. Ilang saglit pa ay napaluha na naman ang babae.

“I will miss our son” lumuluha nitong sabi.

“We will miss him” aniya. Tumingin ito sa kanya. Marianne Garces-Millers is still very beautiful at the age of forty-five. Ni hindi halata na meron itong tatlong anak, Marion as the eldest. Matanda ito sa kanya ng limang taon. Ito ang tumugon sa pangarap niyang magkaroon ng anak at tagapagmana noon. But other than being Marion’s biological parents and friends, wala na silang ibang naging relasyon pa.

“Be strong. I know you’re strong” anito.

“I will.”

“I have to go now. My family is waiting for me.” Tumango siya. Inihatid niya ito sa labas kung saan naghihintay ang asawa nito at dalawang anak. Marian is married to a good man who’s an Australian and they have two beautiful children, half-brothers ni Marion. Nang malaman ng mga ito ang nangyari kay Marion ay agad na pumunta ng Pilipinas ang mga ito.

“Thank you for coming” aniya kay Christopher Millers, asawa ni Marianne.

“Thanks also, KC. Visit us if you’ve time.”

“Sure.” Tumingin siya sa magkapatid na Christian at Marcus, age twelve and ten. Kahit lumaki ang mga ito na malayo kay Marion ay naging malapit ang magkakapatid. Hindi naging hadlang sa mga ito ang pagkakaroon ng magkaibang mga ama. Nakuha ng dalawa ang hugis at kulay ng mga mata ni Marianne which is nakuha rin ni Marion.

“Goodbye, Uncle KC” sabi ni Marcus saka yumakap sa kanya.

“Please visit us” sabi naman ni Christian. Tumango siya. He hugged him too.

“You can always visit here also” aniya. “Your Kuya Marion will be happy if you would.”

“We will. Promise!” sagot ni Marcus. They said their goodbyes to each other and after

a moment ay umalis na ang mga ito pabalik ng Australia. Now, he’s alone again just like after he lost both of his parents in a plane crash thirty years ago. Pumasok siya sa bahay at nagpunta sa kanyang itinuturing na sanctuary roon, ang music room. Naupo siya sa harap ng piano.

Thirty years ago, he was an orphan. Five years later, he had a son. A week ago, he learned that his only son died. Tears fell from his light blue eyes.

“Marion…please, tell me you’ll be back. Please tell me I’m just dreaming and you’ll be back here, son. I’m so lost” bulong niya. And he let himself drown in the sorrow of losing his happiness and triumph.

Marion was very free-spirited and always on the go but he is also a man of honor and dedication to his work, hindi nang-iiwan sa ere at napaka-protective. He is a crime fighter, an agent, a warrior. He died trying to protect a hostage from a kidnap for ransom group. The hostage is alive while he was badly wounded. Naitakbo pa ito sa ospital. The doctors tried to save him but the bullets hit some of his abdominal organs. It was too much for him to bear, seeing his son in a very awful state, almost lifeless.

“Marion…” tawag niya sa anak. Nagkamalay pa ito matapos itong mag-undergo sa ilang operations. “Son, it’s me, KC.”

“KC…” usal nito sa pangalan niya.

“Yeah, it’s me.” Tumingin ito sa kanya pagkuway ngumiti. Nginitian niya ito but tears were already streaming from his eyes. Tears also fell from Marion’s eyes.

“KC…Dad” mahina nitong usal bago tuluyang pumikit.

“No... Don’t leave dad like this. Marion, son…” umiiyak niyang tawag sa anak.

And that’s how he lost his precious son.

White Condor is a detective and security agency own by two of the toughest and renowned lawyers of the country, Mikhael La Tierra and Klaus Carolus Clarion. Dito nagtatrabaho si Celie bilang isang agent at bodyguard. Most of the time ay ina-assign siya sa mga undercover missions o kung merong pina-iimbestigahan sa kanya ang isang kliyente. Dito rin nagtatraba- ho noon si Marion. Minsan ay mag-partner sila sa mga misyon.

Naitatag ang White Condor sa kagustuhan ng dalawang founding members nito na iresolba ang mga krimen at makatulong sa gobyerno. May mga naging misyon ang agency na may kinalaman sa gobyerno pero hindi pwedeng malaman ng mga tao. Kung minsan ay hina-hire ang mga agents para sa mga sekreto at delikadong missions kasama ang mga awtoridad. But mostly, private security, investigation and rescue operations ang ginagawa nila at dahil puro criminal lawyers ang mga boss nila, meron ding lawfirm doon.

Ang opisina ng White Condor ay mayroong limang palapag. Sa ikalawang palapag makikita ang Clarion-La Tierra lawfirm. Doon sumi-segue ang mga boss niya at doon rin nagtatrabaho si Atty. Micah La Tierra, ang kanyang housemate at bestfriend na pamangkin ni Mikhael La Tierra.

Wala siyang ganang pumasok sa araw na iyon. Kahapon lang inilibing si Marion pero kung mananatili siya sa bahay at walang gagawin ay mas lalo lang niyang maiisip ang mga nangyari. Nang pumasok siya sa opisina ay naabutan niyang tahimik ang iba niyang mga kasama roon. Bilang agent ay bihira siyang tumuntong sa opisina dahil mas madalas ay nasa field siya at ang iba pang mga agents na gaya niya.

“Roxas, akala namin hindi ka papasok ngayon” sabi ni Noel nang makita siya. Hindi siya tumugon pero agad siyang napatingin sa bakanteng mesa na naroon. Doon tumatambay si Marion kapag naroon ito. Doon nito ginagawa ang mga reports nito tungkol sa natapos na misyon o kung meron itong nire-research na mga information.

“Nami-miss mo siya?” tanong ni Sherwin. Tumango siya. Most of her co-workers are

men. Kung meron mang babae doon, madalas ay sa opisina naka-assign but not her. She prefers to be on the field and in action.

“O, bakit para kayong namatayan diyan?” tanong ng kararating lang na lalaki. Napa- baling siya sa nagsalita. It’s one of their bosses, ang James Bond slash Sherlock Holmes ng agency nila, si Mikhael La Tierra. Kapag suot na nito ang signature leather jacket at dark glasses nito, gaya ngayon, ibig sabihin ay may lakad itong maaksyon. Malamang na sa training field ito tutungo at magpapahirap ng ilang agents-to-be.

“Boss naman eh” napakamot sa batok si Noel.

Bumuntong-hininga ito. “Truth hurts but we must accept it because it’s the truth. We can’t fight death kahit gustuhin pa natin. Our lives will end whether we like it or not, and in this kind of profession, expect death. Nami-miss ko rin ang inaanak ko. Alam kong naging napakabuti niya sa inyong lahat. That’s Marion. Pero alam niyo rin na ayaw no’n na may nakasimangot o nagmumukmok. ‘Wag natin iyong gagawin. Let’s try to move on and make him happy out there. Compare to us, he is blessed dahil hindi na niya kailangang magtrabaho at tiisin ang ugly side ng mundo ng mga buhay. I’m sure nakukulitan na si God sa kanya doon gaya ng nakukulitan tayo sa kanya noon dito.” Napangiti siya sa huling nabanggit ni Mikhael. “Instead of being sad, let’s smile and think that he’s just having his dream Caribbean cruise. Good morning.”

Nagsitanguan ang mga kasama niya at pumunta sa kanya-kanyang trabaho. Maaaring

matapang at astig si Boss Mike pero alam niyang sobra itong affected sa pagkawala ni Marion. Mike is Marion’s god-father. Mike treats Marion like his own son. Lumaki ang bestfriend niya na iniidolo ang agent-lawyer.

“Boss Mike” nilapitan niya ang lalaki na aalis na sana.

“Yes, Roxas” anito.

“Papasok po ba siya ngayon?” tanong niya. He instantly knew kung sino ang tinutu-

koy niya. Napatingin ito sa wall clock. Ganon din ang ginawa niya. Ilang segundo na lang at alas-otso na ng umaga. “Ganitong oras siya pumapasok. Halos kasabay parati ni Marion.”

“Good morning.”

Napabaling sila sa kararating lang na lalaki. Naka-office attire ito, three-piece suit. Sa

kabila ng nanlalalim nitong mga mata ay hindi maikakaila ang kakisigan nitong taglay. Kahit siguro tumanda pa ito ay hindi na yata mawawala sa karakter nito ang taglay na kakisigan na pinaghalong Swedish, Dutch, American at Filipino. Sa totoo lang ay hindi talaga ito mukhang Filipino, gaya rin ni Marion.

“You’re here” sabi ni Mike.

“Why? Saan ba ako dapat pumunta?” kaswal na tanong ng bagong dating.

“Can we talk?”

“Sure.” Napatingin ito sa kanya saka ngumiti pero hindi umabot sa mga mata. “Good morning, Agent Roxas.”

“Good morning Atty. Clarion” bati rin niya rito. Halatang hindi pa rin talaga ito naka- kapagluksa. Ilang sandali pa ay nagtungo na sa opisina ang dalawang executives ng agency. Siguro iisipin ng iba na nahihibang na siya. Marami ang nagsasabi na bagay sila ni Marion pero dinedma niya ang mga iyon. Friendship lang kasi talaga ang nararamdaman nila para sa isa’t isa dahil lingid sa kaalaman ng lahat, maging ni Marion, matagal ng may nagmamay-ari ang kanyang puso.

Yes, she is in love with her bestfriend’s father since she was thirteen years old!

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Two

Her Childhood

“Celing!”

Nagkukumahog na bumaba mula sa bubungan ng orphanage si Celing nang marinig ang mabagsik na boses ni Aling Tasing. Kapag inabutan siya no’n na nasa bubungan ay hahatawin siya no’n ng walis-tambo.

“Hala ka Celing! Sikat ka na naman” natatawang tukso sa kanya ng matabang si Chuckie. Gaya niya ay doon rin ito nakatira sa bahay-ampunan. Kung meron man silang pagkakapareho ng mga batang nandoon, iyon ay pare-pareho silang wala ng mga magulang at wala ng kamag-anak na gustong kumupkop.

“Shaadap, Chubbibo!” tukso niya rin rito saka ito binelatan.

“Pangit!”

“Mas pangit ka! Mataba ka pa! Puno ka ng unwanted fats!” sigaw niya rito na ikina-pula ng mga pisngi ni Chuckie. Tatawa na sana siya nang maramdaman ang pinong kurot sabay paghila ni Aling Tasing sa kaliwang tainga niya. Napahiyaw siya sa sakit.

“Araaaay! Tama na po!” pakiusap niya. Nagtawanan ang mga batang nakasaksi lalo na si Chuckie na halos lamunin na ang buong bahay-ampunan sa sobrang laki ng bunganga. Hinila siya ni Aling Tasing patungo sa opisina ng directress ng ampunan.

“Miss Olive, hindi ko na talaga mapapalagpas ang batang ito. Parati na lang niyang ginagawa ang kanyang gusto!” sumbong ni Aling Tasing. Napayuko siya ng tingnan siya ni Miss Olive. Mabait ito pero strikta. Ayaw nito ng sumusuway sa rules. Oldmaid na ito, nasa mid fifties pero mahahalata na maganda ito noong kabataan.

“Ano ang naisipan mo at umakyat ka ng bubungan?” mahinahon pero tila nagpipigil

lang ng galit ang directress. “Alam mo bang delikado ang ginawa mo?”

Tumango siya. “Gusto ko lang pong malaman kung kaya ko pong tumalon mula roon

hanggang sa lupa.”

“Aba, at talagang may balak ka pa palang magpakamatay!” nahintakutang bulalas ni Aling Tasing. Pati si Miss Olive ay nagulat.

“Bakit mo ‘yon gagawin?” tanong ng directress.

“Eh ginagawa naman po iyon ng mga action stars sa pelikula. Ginagawa nga iyon ni James Bond eh, mas matataas pa nga iyong mga tinatalon niya.”

“Naku ikaw talagang bata ka! Kuuuu!” tila gigil na gigil na si Aling Tasing na pata- maan siya ng walis-tambo. Napapailing naman si Miss Olive.

“Celestia, makinig ka sa akin” sabi ni Miss Olive. “Hindi lahat ng nakikita mo sa telebisyon at pelikula ay totoo. Ang mga taong gumagawa ng stunts ay mga eksperto. Kahit ang ilang mga artista ay may ka-double na stuntman o eksperto na gumagawa ng delikadong mga stunts o eksena para sa kanila. Hindi ka eksperto, Celestia. Maaari kang mamatay kung tatalon ka mula sa bubong nitong ampunan. Naintindihan mo ba ako?” paliwanag nito. Tumango siya.

“Sorry po.”

“Mag-sorry ka rin kay Aling Tasing. Pinakaba mo siya ng husto.”

“Sorry po, Aling Tasing.”

“At bilang parusa, aayusin mo ang mga higaan ng mga bata rito. Maliwanag?”

“Opo” sagot niya. Pinaalis na siya nito. Lulugo-lugo siyang lumabas ng opisina at sinimulan ng gawin ang kanyang parusa.

Dose anyos na siya. Morena. Hindi siya pangit pero hindi rin naman siya maganda. Ordinary lang siyang bata kaya walang nagka-interes na siya’y ampunin. Tanggap na niya sa sarili na hindi na nga siya maaampon pa dahil kadalasang pinipili para ampunin ay iyong mga baby o mas bata pa kesa sa kanya. Pero alam niyang makakaalis rin siya roon kapag nasa tamang edad na siya. Maghahanap siya ng trabaho. Mag-aaral rin siya para maging ganap na siyang secret agent o detective gaya ng pinapangarap niya. Magiging tulad siya ni James Bond o kahit na sinong crime fighter na lalaban sa kasamaan at magliligtas sa mga tao.

“Kuya Gerson, may bago ka bang pelikula diyan?” tanong niya sa isa sa mga nagta-trabaho doon bilang katiwala. Pinuntahan niya ito sa likod ng ampunan. Nagbubunot ito ng mga damo sa hardin.

“Naku, wala pa eh kasi hindi pa ako ulit nakakabili ng CD doon sa bayan. Balita ko naparusahan ka raw. Ikaw naman kasi, masyado mong dinidibdib ‘yong mga pinapanood mo eh hindi naman ‘yon totoo.”

“Pero pangarap ko pong maging tulad nina James Bond.”

“Naku, magulo ang buhay nila.”

“Ayos lang po ‘yon. Aykanmanejet!” aniya.

“Ano kamo? Sino’ng midget?”

“Kuya Gerson naman eh. Ang sabi ko, ay-kan-manej-et!”

“Ah! I can manage it! ‘Yon pala ‘yon. Ang bobo ko. Hindi ko agad nakuha.”

“Dats rayt, kuya.”

“Alin? ‘Yong bobo ako?”

“Ay hindi po” napakamot siya ng batok. “Wat I mean is dat, yo ar rayt about wat yo say-ing! Ang galing ko ng mag-english!” tuwang-tuwa niyang sabi saka nakipag-high five pa sa lalaki.

“Celing!” boses iyon ni Aling Tasing.

“Naku, alis na po ako” aniya saka kumaripas ng takbo. Nang makita siya ni Aling

Tasing ay inutusan siya nitong linisin ang banyo sa opisina ni Miss Olive. Doon nga siya na- destino. Mahigit thirty minutes rin ang ginugol niya sa pagkukuskos sa sahig ng banyo. Lalabas na sana siya nang pumasok sa opisina si Miss Olive. Bahagya niyang isinara ang

pinto. Nag-ring ang telepono sa opisina nito na agad nitong sinagot.

Oh Mikey. Sorry, hijo kung hindi ako nakadalo sa kasal mo. Nagka-diarrhea kasi ako.Nagtaka siya dahil sa pagkaalala niya, isa sa mga baby sa ampunan ang nagka-diarrhea one month ago at hindi ito. “So, why the sudden call?” kaswal na tanong ng directress.

“Your friend wants to support a young girl?... How old?”

Biglang kinabahan si Celing sa narinig. May mag-aampon?

“Bihira ang ganyang benefactor. Mostly ay mga babies ang unang inaampon pero ang friend mong ito ay gustong mag-support ng isang ten to twelve-year-old na bata?”

Ten to twelve-year-old? Pasok siya sa banga!

May iilang batang babae rito na maaaring mag-qualify sa gusto niya.”

Bigla siyang nakakita ng opurtunidad na makaalis sa ampunan nang mas maaga.

Dalawang araw ang dumaan ay may magarang kotse na dumating. Dalawang araw na rin niyang pinagdadasal na sana ay siya ang magustuhan ng benefactor. Akala niya ay personal silang titingnan ng lalaki pero sa halip ay kinausap nito si Miss Olive sa opisina ng directress. Matagal natapos ang meeting. Lahat ng mga batang babae na ang edad ay ten to twelve ay inipon sa nagsisilbing classroom nila roon. Lima sila na naroroon at sa kanilang lima, siya lang ang sutil at matigas ang ulo.

Makalipas ang mahigit isang oras ay dumating si Miss Olive. Seryoso ang mukha ng directress ng ampunan.

“Maaaring isa sa inyo ang mapili ng benefactor ngayon” anito. Lalo siyang na-tensed.

“Pero kailangan niyo munang ipasa ang pagsusulit.”

“Test?” paniniyak ni Amara. Hindi ito gaano kagaling sa written exam.

“Parang ganoon na rin pero hindi kayo magsusulat. Kukunan ko kayo ng video isa-isa at panonoorin iyon ng benefactor. Meron lang kayong kailangang sagutin na tanong.”

“Ano po yon?” tanong ni Johanna. Ito ang pinakamatalinong bata roon at sigurado siyang determinado ito na masuportahan ng benefactor.

“Ano ang pinakagusto mong gawin sa buhay at bakit?”

Napangiti siya. Madali lang pala ang tanong. Siya ang huling bata na isinalang sa video recording. Sa una ay nahiya siya pero kinalaunan ay nakapagsalita rin sa harap ng camera. Inisip lang niya na ito na ang pagkakataon niyang makapag-aral at matupad ang mga pangarap niya sa buhay.

“Hello po. Ako po si Celestia Roxas. Labing dalawang taong gulang. Baby pa lang po ako nang iwanan ako sa labas ng ampunang ito. Wala po akong ideya kung sino ang mga magulang ko at kung saan ako galing. Tungkol po doon sa tanong niyo. Ang pinakagusto kong gawin sa buhay ko ay ang maging isang secret agent gaya ni James Bond!” walang preno niyang sabi. Nakita niyang nagulat si Miss Olive na siyang naroon at kumukuha ng video. “Bakit? Dahil gusto ko pong resolbahin ang mga krimeng hindi maresolba ng mga pulis. Pipigilan ko rin ang anumang kasamaan. Magiging alagad ako ng katarungan. Kapag naging secret agent ako o isang detective, magiging madali na rin para sa akin hanapin ang sinumang nawawala at malaman ang mga bagay na makakatulong sa pagsugpo ng mga krimen. Salamat po.”

Napansin niya ang pag-ngiti ni Miss Olive matapos siyang magsalita. Bigla tuloy siyang kinabahan. Tama ba ang ginawa niya?

Habang naghihintay sa resulta ng test ay lumabas na muna siya. Nakita niya ang kotse

ng benefactor. Nilapitan niya iyon. Napakakintab no’n at bagong-bago. Hindi niya makita ang nasa loob. Habang nakatingin sa tinted na bintana ng kotse ay napansin niyang magulo ang kanyang buhok. Inayos niya iyon habang nakaharap sa car window. Ngumiti siya.

“Beautiful! Ganyan ka, Celestia Roxas. Kapag nagkapera ako, papalitan ko ang pangalan ko. Ano kaya ang pwede?” nag-isip siya. “Ah! Jamie Bond para katunog ng pangalan ng idol ko” natatawa niyang sabi. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa loob ng ampunan.

Lumipas ang isa na namang oras pero hindi pa rin lumalabas si Miss Olive at ang benefactor. Nainip na siya sa kahihintay. Nakatulog na siya sa labas ng opisina ng directress.

“Celing. Celing, gumising ka.”

Naalimpungatan siya. Mukha ni Miss Olive ang una siyang nakita. “Miss?”

“Ba’t diyan ka natutulog?”

“Eh hinihintay ko po kasi ‘yong desisyon.”

“Tapos ng mag-desisyon ang benefactor.”

Nagulat siya. “Po? A-ano po ang desisyon?” kinakabahan niyang tanong.

“Kalalabas lang ni Mr. Nicholas Sands. Ikaw ang napili niya.” Napatanga siya sa narinig. Naiyak siya sa tuwa. Sa wakas, makakaalis na siya ng ampunan! Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay narinig niyang may papaalis na sasakyan. Agad siyang nagma-madaling lumabas ng ampunan. Nang makalabas siya ay umaandar na palayo ang kotse nito.

“Mr. Sands!” sigaw niya saka hinabol ang kotse. “Sir!!!” sigaw niya habang ikinaka-way ang mga kamay. Biglang tumigil ang kotse. Patakbo niya iyong nilapitan.

“Mr. Sands, thank you po!” naluluha niyang sabi. “ Hindi ko po kayo bibiguin. Mag-

aaral po akong mabuti, promise po!” itinaas niya pa ang kanang kamay na tila nanunumpa. Natigilan siya nang bahagyang bumaba ang salamin ng right window sa passenger seat, sapat lang upang mailabas nito ang kanang kamay doon. Nakasuot ito itim na gwantes at meron itong suot na singsing na kulay ginto sa index finger nito na may malaking simbolo. Letrang

S ang nakaukit roon.

“Mr. Sands?” tawag niya rito. Hindi niya pa rin ito maaninag. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang kamay nito. He shook her hand. Hindi ito nagsalita pero sapat na ang paghawak nito sa kamay niya upang malaman niya na isa itong mabuting tao.

“Salamat po.”

Ilang sandali pa ay binitiwan na siya nito. Umandar na papaalis ang kotse. Hinatid niya ito ng tanaw. Sa araw ding iyon ay alam niyang magbabago ang ikot ng kanyang buhay.

Dalawang buwan matapos siyang piliin ni Mr. Sands bilang beneficiary nito ay sinundo siya ng personal assistant nito sa bahay-ampunan, si Mr. Jorge Perez. Ilang araw iyon bago ang pasukan. Hinatid siya nito sa girl’s dormitory na katabi lang ng papasukan niyang private school, ang William Montgomery Memorial High School. Ilang metro ang layo mula sa girl’s dorm ay ang boy’s dorm.

“Little miss, tatlo kayong magkakasama sa iisang silid. Lahat ng gamit mo ay narito na at kung may kailangan ka pa ay tawagan mo lang ako” sabi ni Jorge saka iniabot sa kanya ang isang cellphone. Iyon ang unang beses na nakahawak siya ng cellphone. “Naka-phonebooked na rin diyan ang landline number ko sakaling kailangan mo akong tawagan via phone” anito. Tumango siya.

“Sir Perez, kumusta na po si Mr. Sands?”

“Mabuti naman. Abala siya ngayon dahil meron rin naman siyang anak na siya lang

ang nag-aalaga” sagot ng lalaki.

“Wala na po siyang asawa?”

“Parang ganon na rin.” Naisip niya na dalawa lang ang pwedeng dahilan kung bakit wala ng asawa ang benefactor. Una, hiwalay ito at pangalawa, patay na ang asawa nito.

Naipasok na ni Mr. Perez lahat ng gamit niya. “Little miss, mag-iingat ka rito parati.

Pagbutihin mo ang pag-aaral.”

“Opo. Ikumusta niyo po ako kay Mr. Sands at sa anak niya.”

“Sige.” Ilang sandali pa ay umalis na ito. Inilibot niya ang paningin sa kanyang magiging silid. May tatlong higaan roon. Ang kanyang kama ay nasa sulok sa kaliwa. Naupo siya sa kanyang kama at sinimulang ayusin ang kanyang mga damit sa cabinet. Meron din siyang study table. Excited siya na kinakabahan sa magiging buhay niya sa lugar na iyon.

Hindi pa man siya natatapos sa ginagawa nang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang dalagita. Natigilan ang mga ito nang makita siya.

“Hi” bati niya saka ngumiti.

“Hello” ganting-bati ng isa. Maganda ito at mestiza. Mukha itong mayaman habang ang isa ay maganda rin pero parang Chinese. “Roommate ka namin?”

“Ah, oo” sagot niya saka tumayo.

“I’m Andrea Hellene Mikhaela La Tierra. You can call me Micah” nakangiti nitong pakilala sa sarili. Ang haba ng pangalan nito.

“I’m Jasmine Ching or Jazz” pakilala naman ng isa.

“I’m Celestia Roxas.”

“Celestia? Wow! Cool name” sabi ni Micah.

“Salamat.”

“Malamang na maging magkaklase tayo. I bet we’re all freshmen here kaya kopyahan

tayo ng mga assignments ha?” patawa ni Micah. Natawa sila. Iyon ang simula ng friendship nila ni Micah.

First day of class. Kabadong-kabado si Celestia. Ngayon niya kasi naramdaman ang pagiging iba niya sa kanyang mga kaklase. Sa itsura pa lang, halatang mga anak-mayaman ang mga ito. Para yatang siya lang ang dukha doon. Ubod din ng gaganda at gagwapo ng mga kaklase

niya. Wala siyang binatbat.

“Are you okay?” tanong sa kanya ni Micah. Magkatabi kasi sila ng upuan.

“Huh? Ah, oo” kaila niya. Nagsisimula na ang kanilang klase at nagkakaroon sila ng getting-to-know-each-other activity kung saan magpapakilala sila isa-isa at sasabihin sa

buong klase ang kahit na anong pwedeng malaman ng mga ito.

Ano naman kaya ang pwedeng malaman ng mga ito tungkol sa kanya? Na isa siyang ulila na galing sa isang ampunan at nakakapag-aral lang dahil sa kawang-gawa ng isang mabuting tao? Ano ang pwede niyang sabihin na interesante tungkol sa buhay niya?

“Next” sabi ni Miss Alcaraz, ang class adviser nila. Tumayo ang isang binatilyo. Mas matangkad ito kesa sa iba nilang kaklaseng lalaki. Mukhang ito rin ang pinakagwapo roon. Brown ang kulay ng buhok nito. Maputi ito at pinkish ang mga pisngi. Nang ngumiti ito ay tila lumiwanag ang kulay brown nitong mga mata. Meron din itong dimples sa magkabilang pisngi. Parang namatanda ang mga kaklase niyang babae.

“Hindi yata siya pinoy” sabi ko.

“Hindi nga. He is a mix of Swedish, Dutch, American and Filipino” sabi ni Micah.

“Hello everyone” bati ng binatilyo. “I’m Marion Carolus Clarion. Twelve. I’m from Manila. I was born in Miami, Florida but I am raised here in the Philippines. My mother is Marianne Garces-Millers and she is residing in Australia with her husband. She is a nurse. My father is Klaus Carolus Clarion, a lawyer, a crime fighter and single.”

“Your parents were separated?” komento ng isa nilang kaklase.

“No, they’re not. They were not married. They were both single when they got me.”

Para yatang nagkabuhol-buhol ang utak ng mga kaklase niya sa narinig. Maging siya

ay naguluhan din habang natatawa lang si Micah.

“My biological parents were never married to each other. Nevertheless, I’m loved by both of them. They are friends. And oh, I forgot to tell you, I have now a baby brother. He’s

two months old and his name is Christian.”

Namangha siya sa kakaibang ugali ni Marion. Wala itong tinatago sa kahit na sino at hindi ito nahihiyang sabihin ang totoo kahit pa isipin ng iba na weird ang family background nito. “I want to become a crimefighter someday or a lawyer like my dad and god-father. They are my models. I want to become like them, honorable and brave.” Nagpalakpakan sila matapos itong magsalita. Bilib na bilib siya sa binatilyo.

“That’s Marion” proud na sabi ni Micah.

“Personal mo siyang kilala?”

“Yeah. Ninong ko ang daddy niya at ninong niya ang uncle ko.”

Nagpatuloy ang activity nila hanggang siya na ang nagsalita.

“I’m Celestia Roxas. Twelve years old” aniya. Tahimik lang ang buong klase. Ano pa ba ang sasabihin niya? Hindi niya alam kung saan at kailan siya ipinanganak. Ang sini-celebrate niyang birthday ay ang araw kung kailan siya iniwan sa ampunan. Hindi niya alam kung sino ang kanyang mga magulang. “Ulila na ako. Lumaki ako sa bahay-ampunan.” Nagkatinginan ang mga kaklase niya. Malamang ngayon pa lang nakakilala ang mga ito ng kagaya niya. Napatingin siya sa gawi ni Micah. Nakangiti ito na tila ini-encourage siya.

“Nakakapag-aral ako ngayon dahil sa tulong ng isang benefactor or sponsor. Hindi ko

siya kilala. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero alam kong mabuti siyang tao. Hindi ko nakilala ang biological parents ko pero si Mr. Sands ang itinuturing kong ama at mag-aaral akong mabuti para maging proud siya sa akin. Gusto kong maging isang agent or detective balang araw. Tutulong ako para malutas ang mga kaso. Magiging magaling akong crime fighter” aniya. Tahimik ang buong klase and then she heard a clap. Napabaling siya kay Marion sa siyang pumalakpak. Nagpalakpakan na rin ang iba. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya at tinanguan siya. Napangiti na rin siya.

“You were so honest kanina. I like that” sabi ni Micah sa kanya habang kumakain sila ng lunch sa canteen ng school. “Kaya pala unang kita ko pa lang sa’yo ay naramdaman ko ng iba

ka. You are something, Celestia.”

“Thanks.”

“And guess who’s here. My beautiful kinakapatid and her new friend” sabad ng isang tinig. Nang lingunin niya ang nagsalita ay si Marion ang kanyang nakita.

“Hello Marion. Meet Celestia. Celestia, Marion, my makulit na kinakapatid.”

“Hi” bati niya rito. Tumabi ito sa kanya.

“Celie, may libro ako ni Sherlock Holmes, gusto mong basahin?” tanong ni Marion sa kanya. Napatanga siya, hindi dahil sa tanong nito kundi dahil sa itinawag nito sa kanya.

“Celie ka diyan” sabi ni Micah. “Wag kang manira ng pangalan.”

“Celestia is nice but Celie sounds cute. Parang sosyal na version ng Sally” anito sa kanya. “Marami akong mga James Bond films sa bahay.”

“Talaga?” na-excite siya bigla.

“Oh no, nakakita ng kakampi ‘tong isa” napapailing na sabi ni Micah. Hindi na nila pinansin ang babae dahil pareho na silang nakatutok ni Marion sa mga bagay na pareho nilang gusto. Their friendship started.

Madaling lumipas ang isang school year. It was summer already. Ang ilan sa mga kaklase niya ay umuwi na. Naisip niyang umuwi sa bahay-ampunan para doon magbakasyon pero isang suggestion ang sinabi sa kanya ni Micah.

“Spend your summer with me and Marion. Ipapakilala kita sa Daddy Andrew ko at kay Uncle Mike. They are both lawyers and my uncle is very astig. Doon na rin natin ipagpa- tuloy ang celebration ng birthday mo.” Few days ago was her birthday. Thirteen na siya.

“Humingi ka ng permiso sa benefactor mo na doon ka sa amin magbabakasyon.”

Nag-alangan siya pero sinubukan niya pa rin. She called Mr. Perez. Sinabi niya rito ang kanyang request. Laking tuwa niya nang pumayag si Mr. Sands na doon siya magbakasyon kina Micah. According sa kanyang benefactor ay maganda iyong experience para sa kanya. Pinadalhan pa siya nito ng pocket money para meron siyang pang-gastos.

Kagaya nga ng napag-usapan ay nagbakasyon nga siya sa tahanan nina Micah. Unang kita pa lang niya sa bahay ng kaibigan ay nalula na siya. Mayaman kasi talaga ito. Sa kabila no’n ay maayos siyang tinanggap ng mga magulang ni Micah. Mabait si Atty. Andrew La Tierra at ang asawa nito na si Helen. Tito at tita agad ang tawag niya sa mga ito.

Nang hapong ring iyon ay nagpunta sila sa bahay nina Marion. Gaya nina Micah ay mayaman din ang binata, mas mayaman. Masaya silang sinalubong nito.

“Welcome!” masaya nitong salubong sa kanila. “Welcome to my home, Celie!”

“Salamat” aniya. Ang totoo ay naiilang siya. Nang magpunta sila sa sala ay para siyang nailang ng maapakan ang carpet. Halos lumubog kasi ang mga paa niya sa sobrang lambot niyon. Pati ang sofa ay napakalambot, pwedeng higaan. Napansin niya ang isang picture frame na nasa center table. Picture iyon ng isang teenager na hawig kay Marion na may kargang cute na bata.

“Good news nga pala. Nanganak na si Ninong Mike!” masayang anunsyo nito.

“Si Uncle, nanganak?” paniniyak ni Micah. Natampal ni Marion ang noo.

“Mali pala. May anak na pala si Ninong. Si Ninang Mitch ang nanganak” pagtatama nito saka ngumisi. Micah was so happy with the news. “Ipinihanda ko na ang movie room. Manonood tayo ng James Bond films ngayon!” announced ni Marion. “Right, Jude?” Tumango ang butler na nasa tabi nito.

“Hay naku, James Bond na naman” reklamo ni Micah.

“Yes!” na-excite siya sinabi ng mga ito. Paborito niya ang mga movies na iyon.

“We have a visitor” sabad ng isang baritonong boses sa likuran nila. Napabaling sila

sa nagsalita. Napakurap siya ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip. Hindi ito nawala. Hindi siya mahilig sa kahit na ano’ng fairytale dahil para sa kanya ay napaka-OA ng mga iyon lalo na ang paglalarawan kay Prince Charming pero ng mga sandaling iyon ay parang gusto na niyang maniwala na meron ngang Prince Charming.

Matangkad ang lalaki at gwapo. Kahawig ito ni Marion, asul nga lang ang mga mata nito hindi gaya ng kay Marion na kulay deep brown.

“Celie, meet my father, Klaus Carolus Clarion. KC, meet Celie, my new found friend” pakilala ni Marion sa kanila. Napatanga siya at parang bahagyang nabingi. Parang hindi totoo pero iyon nga ang katotohanan.

“Hello Celie” and the handsome prince held up his hand. Maagap niya iyong tinanggap. They shook hands. Sa araw na iyon ay nagkagusto siya kay KC, ang ama ng kanyang bestfriend.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Three

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Four

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Five

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Six

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Seven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eight

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Nine

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Ten

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eleven

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Twelve

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Thirteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Fourteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Fifteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Sixteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Seventeen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Eighteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Nineteen

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Twenty

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter Twenty-One

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Liz Diamond's other books...