Sulyap

 

Tablo reader up chevron

Panimula

Marso 16, 1521 - ika 5 ng umaga

Nagmamadaling nagtungo ang isang lalaki  sa isang silid upang katukin ang kanilang pinuno. Matapos lamang ang ilang saglit ay bumungad na sa kanyang harapan ang isang ginoo na inaasahan na yata ang pagtawag sa kanya.

"Senyor, may namataan po kaming isang isla sa hindi kalayuan" Agad na ulat nito pagkabukas ng pinto.

Walang sinayang na sandali ang lalaki at agad na lumabas sa kanyang kabina.

Gamit ang kanyang largabista ay sinipat niya ang sinasabing isla ng kanyang tauhan.

"Ihanda ang mga bangka at dadaong tayo."   Utos nito sa kanyang mga alalay.

Ngunit bago pa man maisakatuparan ng mga ito ang utos ng lalaki ay may biglang nag-ulat na tauhan na nasa tuktok ng layag.

"May paparating na pangkat ng mga bapor patungo sa direksyon natin!"  

Gamit muli ang kanyang panipat, sinipat ng lalaki ang nasabing paparating na grupo. Sandaling nabigla ang ginoo sa kanyang  nakitang grupo na tila barkong pandigma. 

"Ihanda ang mga kawal at ang mga kanyon, may mga bisita tayo."

Hulyo 1, 2020 - ika 10:45 ng gabi

Sakay ng isang coaster bus, kalmadong naguusap ang anim na sakay nito patungo sa isang tila, paliparan sa gitna ng kagubatan.

"Okay guys, upon reaching our drop point, we will immidiately enter the shuttle and gear up for launch." Ang maikling paliwanag ng isang babaeng nakasuot ng damit militar.

"I have a question officer, can we take pictures when on board the shuttle?" Pabirong tanong ng isang binatang lalaki sa opisyal.

"You know the protocol Dr. Enriquez." maikling tugon naman nito sa makulit na lalaki.

"Pare, talagang type mo yang si Ma'am Santos at panay ang pagpapa-pansin mo sa kanya ah?" Ang biglang bulong naman ng isang lalaki kay Dr. Enriquez.

"Alam mo Sir Allan, huwag mo akong itutulad sa iyo na tumandang binata..."  Bawi naman nito. 

"Hahahaha! Wala tayong magagawa, busy palagi sa trabaho eh!" Sabay buntong hininga nito.

"Bakit ayaw mong pormahan si Ms. Lee? Diba sabi mo type ka nun?" Bago pa man makasagot si Allan ay huminto na ang sasakyan nila.

"Time check is 10:47 pm, we've arrived earlier. We shall begin the departing procedures now." Muling ulat naman ni Officer Santos sa grupo.

Nagsimulang naghanda ang lahat ng lulan nito at isa-isang bumaba sa sasakyan tungo sa kanilang paroroonan.

Umaga ng Hulyo 6, 2020

Nagising sa pawis at init si Lawren at hindi sa alarm clock na inihanda niya kagabi. Masama ang timpla, at pawisang bumangon sa kanyang kutson, agad niyang napansin na hindi gumagana ang electricfan.

"Shit, nag brownout na naman!"  Inis na bulong nito sa sarili. Tinungo niya ang palikuran nang makapaghanda na sa kanyang trabaho.

Matapos makapag-ayos ay kampanteng bumaba ng kanyang apartment si Lawren at naglakad na patungo sa kanyang ikinakabuhay.

Dahil sa walking distance lamang ito sa kanyang tinutuluyan, at dahil mas maaga siya ng 30 minuto kumpara sa tipikal niyang pagising ay naisipan niyang dumaan sa 7Eleven dahil sa dalawang dahilan,

Una: Babawiin niya ang init na dinanas niya sa apartment at Pangalawa: Para makapag-almusal. 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 1 - Pagdaong at Paglayag

Hulyo 6, 2020  ika 7:30 ng umaga - 7Eleven

"Mukhang maaga kayo ngayon sir ah!" bati ng staff kay Lawren sa counter.

"Oo eh, mainit kasi dahil brownout. Buti nalang may generator kayo dito." 

Tugon nito habang bumubunot ng pambayad sa kanyang biniling siopao at iced tea.

Maya't maya ay biglang nanumbalik na ang kuryente at biglang dumagsa ang mga mamimili sa loob ng tindahan dahil nagsimula nang umambon sa labas.

"Iba na talaga ang panahon ngayon, kanina init init, ngayon naman biglang uulan." 

Ang animoy komento ng security guard habang nakatingin  kay Lawren.

"Oo nga kuya eh, may payong kaba diyan?" agad na tugon ni Lawren. 

"Meron Sir! malakas naman kayo sa akin eh." sabay abot ng isang payong mula sa estante.

"3 araw na yang nandito madaming nakakaiwan minsan dito ng mga ganyan eh." 

Dugtong ng guard. Matapos mabusog at makadiskarte sa payong eh agad na nagtungo palabas si Lawren kasalubong ang ilang balak din magalmusal sa loob ng tindahan.

Kampanteng tinatahak ni Lawren ang corridor ng kanyang pinagtatrabahuan kasabay ang ilang mga tao sa paglalakad, kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at wari'y may hinihintay siyang mensahe na dapat ay dumating na sa oras na iyon.  

"Ayan na si Sir!" 

Gulat na ulat ng isang dalaga matapos niyang masulyapan mula sa pinto ang paparating na si Lawren. 

"Good morning Sir Magadya!" 

Bati ng mga mag-aaral sa kanilang guro.

"Sir! ang aga niyo ngayon ah!

Kantsaw ng isang binata.

"Anong maaga, himala sir at on-time kayo ngayon sa klase?" 

Pabirong banat naman ng isang dalaga sa guro nilang patuloy parin sa pagkutingting sa kanyang cellphone.

"Wala eh, ginanahan akong gumising ng maaga ngayon eh. O sya sige, get 1 whole yellow pad and we will have our quiz today."  

Tugon ni Lawren sa kanyang mga magaaral sa kolehiyo. 

 

*      *     *

 

Marso 16, 1521 : ika 5:46 ng umaga

Masusing pinuwesto ng Senyor ang kanyang mga kawal at tauhan upang salubungin ang paparating na grupo ng mga sasakyang pangdagat.

"Senyor, nasa kanilang mga posisyon na ang lahat." 

Matikas na ulat ng isa sa kanyang mga opisyales.

"Mahusay kung gayon." Sabay sipat muli sa kanyang lente. "Ihanda ang layag." Utos nito sa kanyang opisyal.  

Sa hindi kalayuan ay huminto sa pagusad ang grupo at namataan ng taga-matyag ng galleon na may mga bangka na inihanda ang mga bisita ng kanilang Senyor. Lulan ng paparating na grupo ng mga bangka ang animo'y isang opisyales din ng kabilang  panig. Pansin sa kanyang kasuotang tadtad ng mga ginto't pilak na palamuti. Dumaong sa gilid ng barko ng Senyor ang mga bangka at tahimik na lumulan ito paakyat sa barko.

"Tawagin mo si Enrique, ngayon din."

Utos ng senyor sa kanyang tauhan bago pa lumulan ang mga banyaga sa kanilang galleon. Ilang saglitlang ay dumating sa tabi ang pinatawag niyang tauhan.

"Enrique, pamilyar ka ba sa mga ito?"

Tanong ng senyor sa wikang espanyol sa tauhan.

"Si, senyor..."

"Mabuti kung gayon, sabihin mo sa kanila mamaya na tayo ay nandito bilang kinatawan ni Haring Carlos ng Espanya at naglakbay tayo ng mahabang panahon upang makapunta rito..."

Paliwanag nito sa kanyang tauhang tagasalin ng wika.

Mayamaya ay lumulan na ang mga dayuhan sa kanilang Galleon.

"Mabuhay! Ako si Raha Humabon ang pinuno ng pulo ng Samar binabati ko kayo sa inyong  maayos na paglalakbay patungo dito sa aming Emperyo!" 

Nagulat ang lahat sa narinig nilang sinambit ng ginoo.

"Marahil kayo ay nagtataka kung paano ko nalaman ang inyong wika. Ngunit hindi iyon  ang mahalaga. Ang mas mahalaga eh tinatanggap namin kayo ng mapayapa at hahayaan namin ang inyong pagdaong sa aming pantalan." 

Dugtong nito sabay alok ng kanyang mga kamay sa Senyor na gulat parin sa kanyang narinig na malinaw na pagsasalita ng Espanyol.

Agad namang nakipagkamay ang Senyor at nagmwestra sa kanyang mga tauhan ng tanda sa pagdaong.

"Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon ginoo ngunit salamat  sa iyong maayos na pagtanggap sa amin." 

Ang tugon ng Senyor kay Raha Humabon. 

 

*      *      *

Hulyo 1, 2020 : ika 11:01 ng gabi

Habang nagaayos ang grupo nila Officer Santos sa kanilang paglalakbay ay tumunog ang isang radyo at may nag-ulat.

"Captain Santos, the Hope Crew had just arrived in the their launch pad. Simultaneous launch will commence in 23:25 hours."

Matapos ayusin ang mga mga gamit ay Umupo na sa kanyang pilot seat si Officer Santos at muling nag-anunsyo sa grupo. 

"Gentlemen, we shall depart in 20 minutes. Please secure yourselves before the launch." 

Ang kaninang masiglang binatang Dr. Enriquez ay animo'y seryoso na at nakadungaw nalang  sa bilog na bintana ng kanilang Space Shuttle. 

"Ano pare, matamlay kana ata ngayon?" 

Ang muling bati ni Allan sa kanyang nakakabatang kasamahan.

"Hoy, ano bigla ka naging senti diyan?" muling tanong nito sa kaibigan. "Maybe he has some flight issues." Komento ng isa nilang kasamahan na Singaporean.  

"Flight Issues? We had enough space flight training hours. It could be that she misses the girls he's with last night at the bar?" 

Biro naman ng isa nilang kasamahan na may burda ng bandila ng Malaysia sa kanyang uniporme.  

"I am just thinking that after this flight, what will happen to us next?" - "I mean, yes, we will be famous and all of that, but I feel something different regarding this mission of ours."  

Litanya ni Dr. Enriquez sa sarili.

"Feeling of something different? It's called Excitement my friend." muling tugon ng Malaysian sa kasamahan sabay tawa. 

"Baka naman na si-CR ka lang ha Edward, meron pa naman tayong 10 minutes bago tayo pumunta sa kalawakan. hehehehe." 

Pabirong bulong naman ni Allan sabay suntok sa braso ni Dr. Edward Enriquez.

"Loko ka talaga Lolo Allan." 

Pabirong tugon ni Edward sa kaibigan 

"Yun oh! kala ko mag sesenti ka na diyan magdamag eh!" 

 Idinaan nalang sa biruan at kantahan ng grupo ang kanilang galak sa nalalapit nilang paglipad. 

Naputol ang masayang harutan ng 4 na lalaki ng tumunog ang intercom device sa kanilang pwesto at lumabas sa screen ang mukha ng isang matipunong lalaki.

"Okay boys, Simulatneous launch of Space Shuttles Dream & Hope shall commence in T-minus 30 seconds..." Anunsyo naman ng Co-Pilot nila.

"Check your seatbelts and make sure to remember the trainings that we had. This is it & Goodluck to us!." Anunsyo naman ni Officer Santos sa lahat.

"10...9...8...7...6...5...4...3...2...1..."

 
Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 2 - Engkwentro

Hulyo 6, 2020 - Pamantasan ng Intramuros

"Number 1, Taon kung kailan namataan ni Ferdinand Magellan ang isla ng Samar?"...

"Number 2, Tawag sa mga katutubong Pilipino na puno ng burda ang kanilang katawan?"...

"Number 3, Sinong Raha ang unang nabinyagan bilang mga Kristyano nila Magellan?"...

Seryosong sinasagot ng mga mag-aaral ang bawat tanong na binabato sa kanila ni Sir Magadya.

Matapos ang quiz ay maagang pinaawas ni Lawren ang kanyang mga mag-aaral at nagtungo sa Faculty Room upang checkan ang mga papel ng mga bata. Bago pa man siya makapasok sa silid ng mga guro ay may bumati sa kanyang lalaking naka-puting polo barong.

"Good Morning Mr. Magadya, I am --- "  Ngunit hindi pa man matapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ay sinaraduhan na siya ng pinto ni Lawren sabay sabi

"See my consultation hours outside."  

Walang nagawa ang lalaki kung hindi hayaan na lamang ang supladong propesor.

Matapos ang isang oras ng paglalagi sa loob ng Faculty Room ay sumilip muna si Lawren upang hanapin ang lalaking gustong kumausap sa kanya. Nakita niya itong nakaupo sa mga benches sa hallway.

Dahil ang ayaw sa lahat ni Lawren ang harapin ang mga magulang ng kanyang mga mag-aaral eh sa kabilang panig ng pinto siya dumaan upang iwasan ang lalaking nagaabang sa kanya. Habang binabagtas ang daan patungo sa susunod niyang klase ay napansin niyang nakabuntot ang lalaking naka barong.

Dali-dali siyang naglakad at pumasok sa silid ng kanyang klase. Sinilip niya muli ang lalaki, at ito'y muling naupo sa gilid ng corridor.  

Maghapong tinakasan at iniwasan ni Lawren ang sumusunod sa kanya hanggang isang hapon ay hindi na niya ito namataan. Kalmadong nagtungo sa silid ng mga guro upang umidlip saglit dahil sa malamig doon at mala-impyerno ang turing niya sa kanyang apartment. Kaya naisipan niyang mamalagi muna doon hanggang sa mag-gabi.

Marso 16, 1521 : Pagsikat ng Araw - Pantalan ng Samar

Gulat at mangha ang grupo ng Senyor sa kanilang mga nasaksihan mula palang sa unang paghaharap nila ng grupo nila Raha Humabon. Ngayon ay hindi nila lubos maisip na may isang maunlad na sibilisasyon tulad nito na puwedeng makipag sabayan sa Europa.

Pagdaong palang ng kanilang mga Galleon sa pantalan ay tanaw na nila ang isang tore ng palasyo ng Raha sa hindi kalayuan at ang mga makukulay na mga bahay na gawa sa bato at kahoy sa paligid nito.

Nasaksihan din nila habang binabaybay ang pantalan ang palitan ng mga kargamento ng mga mangangalakal na sa palagay nila ay nagmula din sa malalayong panig ng daigdig. 

"Paumanhin Senyor at nakalimutan kong tanungin ang inyong pangalan?" Ang muling sambit ng Raha.

"Fernando de Magallanes mula sa malayong Kaharian ng Espanya." sagot naman nito. 

"Ah tama nga! Ikaw si Magellan kung tawagin sa aming mga nasusulat!" Naguluhan si Fernando sa kanyang narinig mula sa Raha.

"Tamang-tama lang ang iyong pagdating ginoo, at nandito ngayon sa aming isla ang aming Datu. Ipakilala namin siya anu mang sandali ngayon." 

Tanaw din mula sa pantalan ang isang parke na napaliligiran ng mga malalaki at mayayabong na puno. sa gitna nito ay may isang nakatayong poste na may simbolo sa tuktok.

Ang mga tao dito ay payapang nagpapahinga at ang mga bata nama'y masayang naglalaro. Agad na nabighani  ang Senyor sampu ng kanyang mga kasamhang dayuhan sa lugar.

"Mga Ginoo, kung maari po ay sumakay kayo sa mga karwaheng inihanda namin para sa inyo." Ang sabi ng kanang kamay ni Raha Humabon sa wikang Espanyol.

"Senyor Magallanes, dito po tayo..."  turo naman ni Raha humabon sa dayuhang hanggang ngayon ay gulat parin sa kanyang mga nasaksihan.  

Lulan ng karwahe marami pang mga kakaibang natunghayaan ang mga dayuhan. Kasama na rito ang pagdaan nila sa animo'y isang malaking pamilihan sa gitna ng siyudad na kung maituturing na lugar na kanilang pinagdaungan.

Ilang sandali lamang ay napahinto ang grupo sa isang hardin puno ng mga makukulay at kakaibang bulaklak. Dito ay binati sila ng mga kawal na nagbabantay sa lugar. 

"Malapit na tayo sa Bulwagan ng mga Datu." ulat ni Raha Humabon sa kanyang kasama na dayuhan. Ilang saglit pa ay narating na nila ang sinasabing Bulwagan.

Ito ay nakatayo sa tuktok ng isang burol, kung saan tanaw mo ang kalawakan ng lugar hanggang sa pantalan. Muling napansin ni Magallanes ang Mataas na tore na may parehas na simbolo sa tuktok tulad nung nasa parke sa may pantalan.

"Mga Ginoo, at Senyor Magallanes, tayo ay papasok na sa bulwagan ng mga datu. Kung maari po ay paki-iwan ng inyong mga sandata sa aming tagapag-alaga ng armas na si Ka-Nayon." Ang anunsyo ni Raha Humabon sa lahat.

Agad na napatingin ang mga tauhan ni Magallanes sa kanya at muli itong nag mwestra ng pagsunod sa patakaran ng lugar. tahimik na inihabilin ng mga dayuhan ang kanilang mga dala.

"Maraming salamat sa inyong pagsunod." Malugod na bati ng Raha sa lahat.

Ilang saglit pa at bumukas ang malaking tarangkahang gawa sa kahoy at bakal na may mga palamuting ginto at pilak sa likod ng Raha, ito pala ang pasukan mismo sa bulwagan ng mga datu.

Nakahanay na pumasok ang mga dayuhan sa loob at agad na natanaw ni Magallanes ang isang tila dayuhan din sa lugar na nagbibigay ng tributo sa lalaking nakaupo sa isang trono. 

"Marahil ito ang sinasabi nilang Datu." wika naman niya sa sarili. Mga porselana at sutla ang handog ng dayuhang bisita ng Datu. Agad naman nitong nilisan ang bulwagan kapalit ng grupo nila Magallanes.

Tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang isang matipunong lalaki na may malking kwintas na bilog na gawa sa purong ginto, sa gitna nito ay isang puting hiyas. hindi tulad ng karamihan sa mga mamamayan na nakita ni Magallanes kanina na balot ng maayos damit, ang lalaking ito ay tila  may kasuotang pangdigma kung saan litaw ang halos kalahati ng katawan may bandana sa ulo at isang pang-ibaba na damit na tila maiksi pero mahaba ang sa may tagiliran.

"Mabuhay! Muli ko kayong binabati sa inyong pagdating sa aming Imperyo! Maari ko bang malaman kung saan kayo nanggaling?"  Ang malakas nitong bungad sa wikang lokal sa mga dayuhan.

"Mahal na Datu, sila po ay galing Espanya." ang tugon naman ni Raha Humabon sa lokal nilang dayalekto.

"Espanya? Ah! Kung Gayon! Tama nga ang nasasusulat! Maligayang pagdating sa aming lugar!" Muling bati nito, na ngayon ay sa wikang Espanyol na.

"Maari ko bang malaman ang ngalan Senyor?" tanong ng Datu kay Magallanes.

"Fernando de Magallanes, kami ay napunta dito upang ---"

 Bago pa man matapos ang kanyang sasabihin ay muling nagsalita ang Datu.

"Aba! napaka-husay talaga ng nasusulat. Pati ang iyong ngalan ay kuhang kuha! Hahahaha!"  -- "Paumanhin sa aking pagputol sa iyong sasabihin Senyor, ngunit alam na namin ang inyong pakay dito sa aming lugar." dugtong ng Datu sa kanyang sambit. Dito na tuluyang naguluhan si Magallanes.

"Paano nalaman ng mga indiyong ito kung maituturing ang aming pakay sa lugar na ito?"  bulong nito sa sarili. 

"Ganun pa man mga ginoo, ay malugod namin kayong tinatanggap sa aming lugar!" wika ng datu sa mga dayuhan sa wikang espanyol. "

Maari ko bang malaman Senyor ang inyong pangalan?" Ang nagiisang nai-sambit ni Magallanes.

"Ah! Pasensya muli, nadala ako ng akinggalak sa inyong pagdating. Ako ang Datu ng Kaharian ng Sebu. Ako ang nangangalaga sa bahaging ito ng Imperyo...

...Ako si Datu Lapu-lapu."

Kinagabihan, Faculty Room ng Pamantasan...

Naalimpungatan ang propesor at napansing nag-alisan na ang mga kapwa guro sa silid.

Nakita niya ang mga kamay ng orasan, 6:47 na.

Sandali niyang inayos ang kanyang mga gamit at nagtungo sa labasan ng paaralan. Sa hindi kalayuan ay muli niyang natanaw ang lalaking kanina pang umagang naghihintay sa kanya. 

"Aba, mapilit itong tatay na ito ah..." Bulong ni Lawren sa sarili.

Sadyang lumihis siya ng landas upang magtungo sa gate sa likod ng gusali. Tuwang-tuwa siya ng walang mamataang tao sa labasan sa likod. Binunot niyang muli ang kanyang cellphone at meron siyang mensaheng natanggap mula sa hindi kilalang numero.

Dali-dali niya itong binuksan: 

"Oi Law, kamusta na?"  

Dahil iilan lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya ng ganun, nagtatakang tinahak ni Lawren ang eskinita hanggang sa may muli siyang naramdamang sumusunod sa kanyang likuran.

"Teka-teka, magaling itong mokong na ito ah."

Muling bulong nito sa sarili. Nang huminto na siya upang harapin ang lalaki na bumubuntot sa kanya. Napansin niyang may binubunot ito sa may bewang.

"Baril! Holdap! Kidnap!" sigaw ni Lawren sa sarili. Kumaripas siya ng takbo papalayo sa lalaki at nagtungo sa mataong lugar ng Intramuros.

Hindi pa man nakakalayo ang  propesor sa humahabol sa kanya ay may nakita siyang isa pang lalaking nakabarong na patungo sa direksyon niya na tila siya rin ang pakay.

"Shit, Plano ata akong ipadakip!"  

Hinanap niya agad ang una niyang makitang himpilan ng Pulis upang magtungo roon at humingi ng tulong.

Nang may nasulyapan na siyang signage na may nakalagay na PULIS ay dali-dali siyang kumaripas papunta roon.  Nagulat siya ng may biglang isang lalaking nakabarong din ang humrang sa kanyang harapan. Agad niyang iniwasan ito at ng sa akto na ng paghawak sa kanyang braso nito ay may biglang may tumulak  sa lalaki.

"Sir! tara, dito!" sigaw ng magaaral niya kaninang umaga. Nagsuot sila sa isang eskinita at sa dulo nito ay may pulang Hyundai Getz na nagaabang.

"Sir sakay!" Sigaw naman ng isang dalaga na nasa driver seat nito. Namukhaan ni Lawren ang dilag at ito ay isa din sa mga estudyante niya sa unang klase niya sa umaga ng araw na iyon. Agad na pinakaripas ng dilag ang kanyang sasakyan, lulan sa tabi ang kanilang propesor na may humahabol at sa likod naman ang binatilyong unang tumulong sa kanilang guro.

 "Sir sino ba yung mga humhabol sa inyo?" Tanong ng binata sa likod. "Hindi ko alam AJ eh..." hingal na sagot ni Lawren.

"Buti nalang sir nakita ka ni Kathy kanina nung nasa Starbucks kami. Napansin niya na natataranta kayo at may mga lalaking humahabol sa inyo. Kaya ayun pina-sundan ka niya sa akin pra tulungan ka sir."  ang patuloy na pagkwento ng magaaral sa mga nangyari. 

"Nandyan na sila sa likod!" ang mahinahong sabi naman ni Kathy sa dalawa habang nakatingin sa side view mirror ng kotse.

"Ano?! " sigaw ni AJ. "Iliko mo dyan sa may mga kainan sa kanto!" Agad na utos naman ni Lawren. Pinaharurot ng dilag ang kanyang Getz sabay kambyo pataas sa tersera at pina-drift ang kanyang kotse upang madaliang maka-liko sa makitid na kalsada. 

"Nakasunod parin sila! mga 3 itim na kotse!" Pasigaw na ulat ni AJ sa nagda-drive.

"Bang!" 

biglang may dumaplis na nguso ng kotse sa bumper sa likod ng saskyan nila Lawren. 

"Apat na yung humahabol sa atin!"  muling sigaw ni AJ. Itininaas ni Kathy ang kambyo sa quarta hindi alintana ang mga estante ng mga pagkain na nababangga at sa mga taong posibleng mahagip.

Pinasok ng sasakyan ang mga eskenita upang makaiwas sa mga humahabol sa kanila.

"Kathy may isa pang kotse ang nasa may interseksyon!" banta naman ni Lawren sa babaeng driver.

Nagtaka ang ang dalawang lalaki kung bakit sa halip na bagalan nalang ni Kathy ang sasakyan para hindi mabangga ang kotse sa harapan ay mas lalo pa nito binilisan ang takbo.

Napapikit si AJ at napatakip naman ng mukha si Lawren ng bigla iginewang ni Kathy pakaliwa ang kanyang kotse at pinarampa sa isang tabla na nakalatag sa tumpok ng buhangin ng ginagawang gusali sa gilid.

Sandaling sumang-hipapawid ang pulang Getz at naungusan ang nakabarang kotse sa intersekson. Bumangga naman ang ilan sa mga ibang sasakyan sa kalsada.

Kumaskas ng todo ang ilalim na bahagi ng sasakyan ni Kathy pagkalapag nito sa kalsada, ngunit humarurot parin ito papalayo sa 5 kotseng humahabol sa kanila.

Nagulantang naman ang mga tao sa paligid sa kakaibang pangyayaring nasaksihan nila.

Pagkalabas sa isa sa mga Puerta ng Intramuros ay kumaliwa sila patungo sa direksyon ng Quiapo. Sa akalang naisahan na nila ang mga humahabol sa kanila ay biglang may tumabing dalawang itim na SUV sa magkabilang gilid at isa likod nila. Sa harap naman ay isa pang grupo ng mga SUV na nakaharang sa Jones Bridge.

Wala nang nagawa ang mahusay na dilag kung hindi pabagalin at pahintuin ang kanyang minamaneho.

Muling naka-receive ng mensahe si Lawren mula sa parehong hindi kilalang numero kanina. 

"Game Over Law, tama na ang habulan, nataya na kita. :P" 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 3 - Ang Kalawakan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 4 - Simbolo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 5 - Lihim na Motibo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 6 - Mga Pinto

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 7 - Pagtitipon

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 8 - Sinag

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 9 - Noon at Ngayon

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 10 - Himlayan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 11 - Kisapmata

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 12 - Bagong Buhay

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 13 - Plano

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 14 - Pintados

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 15 - Ang Kilusan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 16 - Pagtalima

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 17 - Pagharap sa Katotohanan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 18 - Buwelo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 19 - Ang Hudyat

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 20 - Dugo at Pawis

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 21 - Paghimbing

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 22 - Pagkataok

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 23 - Ang Kabanalbanalan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 24 - Mga Susi

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 25 - Kolektibong Diwa

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 26 - Arangkada

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 27 - Hakbang para sa Kalinawan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 28 - Ito na nga

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 29 - Sanga-sanga

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 30 - Tapatan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 31 - Hantungan

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Kabanata 32 - Bagong Mundo

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 33 - Ugnayan Uno

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 34 - Ugnayan Dos

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 35 - FRAP

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 36 - Atas

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 37 - Ang Pantas

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Ikalawang Yugto: Kabanata 38 - Ugnayan Tres

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Lorre Riftnak's other books...