"She keeps me warm"

 

Tablo reader up chevron

She keeps me warm (Lesbian Story)

She keeps me warm (Lesbian Love Story)

LoveAnarchist © 2012

 

A/N: Dedicated to my one and only @BlaireAndres :) Medyo ganito kasi sitwasyon namin sa totoong buhay. Enjoy reading!

-----------------

 

[Kaye's POV]

"Wag mong hawakan ang kamay ko.. Pinagtitinginan tayo ng mga tao.." Halos pabulong kong sabi sa kanya. But she ignored what I said at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"AJ! Ano ba?!" I shouted at her nang makalagpas na kami sa kumpol ng mga estudyanteng nasa tapat ng gate. Hinila ko pabalik ang kamay ko at tinignan siya ng masama.

"Halika, punta muna tayo ng mall." Sabi niya at aakmang hahawakan ulit ang kamay ko.

"Tama na AJ! Ayoko na! Alam na nila ang tungkol satin." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Sumeryoso ang tingin niya sakin at sabay sabing, "Oh di okay. At least, wala na mangungulit pang manligaw sayo dahil alam na nilang tayo." Tapos ngumiti siya. Naglakad na siya at nakapagtatakang sumunod naman ako.

"AJ.. Ayaw sayo ng mama ko.." Mahina kong sabi. Maya-maya ay tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Ayaw ko din naman sa mama mo eh.. Di ako pumapatol sa matanda Kaye. At saka isa pa, ikaw lang ang loves ko.." Ngumiti siya sakin at hinawakan na ulit ang kamay ko. "Tara punta na tayo sa mall.. Libre kita ng fries.. Tapos maglaro tayo ng arcade.. Di ba magaling ka sa..."

"Ano ba AJ?! Ayoko na! Maghiwalay na tayo!" Sigaw ko sa kanya. Napatigil siya sa sinasabi niya. Halata namang nagulat siya dahil sa reaksyon ng mukha niya.

"Ah.. Eh di sige.. U.. uuwi na ko.. Kita na lang tayo bukas. I love you.." Hinalikan niya ko sa pisngi at pagkatapos ay naglakad na siya palayo. Pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko..

"Sorry AJ.. Pero ito ang tama.. Mahal kita pero susundin ko ang mama ko.. Paalam.."  Bulong ko sa sarili.

~

Gumising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Di ko alam kung bakit parang ang sakit-sakit ng gagawin ko. Simula kasi ng malaman ng mama ko na may relasyon kami ni AJ ay nagbigay na siya ng ultimatum sakin. Kailangan ko siyang hiwalayan kung hindi ay dadalhin ako ni mama sa States na ayaw ko namang mangyari. Ayaw kong mapalayo kay AJ kaya napagdesisyunan kong sundin na lang ang mama ko kesa malayo ng tuluyan sa kanya.

Kumuha ako ng box at inilagay ang lahat ng mga bagay na binigay niya sakin at may koneksyon sa kanya. Ang mga iniregalo niya sakin. Pati si Chichay bear na niregalo niya sakin nung birthday ko. Pagkatapos ay inilagay ko na sa walk-in closet ang box.

It's time to move on.. Makakalimutan ko din naman siguro siya. At makakahanap din siya ng ipapalit niya sakin. Habang iniisip ko yun ay umiyak na naman ako. Di ko kaya.. Pero kailangan kong gawin.

Tinignan ko ang phone ko at puro messages niya.

From: AJ <3

Good morning babe. :)

From: AJ <3

I miss you. Kita na lang tayo sa school ha?

From: AJ <3

Bakit di ka nagrereply? :(

Tumulo na naman ang luha ko. Isa kasi to sa mamimiss ko sa kanya, ang good morning messages niya. Bakit ba kasi napaka-optimistic ng taong to? Kahit na sinabi ko na sa kanya na ayaw ng mama ko sa relasyon namin, binabalewala niya pa rin ito.

Bumaba na ako pagkatapos kong maligo. Kailangan kong pumasok dahil exams na next week. Kumain ako ng almusal na di kami naguusap ni mama. Hindi kami masyadong close ng mama ko at last year lang din kami nagkasama. She worked in the States at umuwi siya rito para may makasama ako. I lived independently nung nasa States pa siya.

Ako at si yaya Meding lang ang magkasama sa bahay. Masaya naman ako nung wala pa si mama. Madalas naman kasing umuwi si papa galing Singapore kung saan siya nagtratrabaho bilang engineer. Mas close kami ni papa ko. Nung iniwan kasi kami ni mama para magtrabaho ay siya ang nakasama ko bago pa niya tanggapin ang offer sa Singapore. Alam din niya ang relasyon namin ni AJ pero hindi siya tumutol di gaya ng kay mama.

"Kaye, umuwi ka ng maaga. Wag nang kung saan-saan pumupunta.." Sabi sakin ni mama bago ako umalis ng bahay. Bumuntong-hininga na lang ako bilang pag-oo.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep kung saan ko unang nakilala si AJ. Umuulan noon at wala akong dalang payong. Tumakbo ako sa waiting shed para di na tuluyang mabasa pa ng ulan. Pero sa kasamaang palad, butas ang bubong waiting shed na ito.

[Flashback]

"Badtrip!" Sigaw ko. Basa na ako, paano ako makakapasok nito?

"Bakit badtrip?" " Biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Ay kabayo!" Bulalas ko.

"Uyy di ako kabayo ha? Mukha ba?"  Natatawang tanong niya. Pagtingin ko sa taong nagsalita, OMG! Ang gwapoooooo! Nakasuot siya ng hoodie at nakapameywang. Kung su-suwertihin ka nga naman.

"Ay hindi! Nagulat kasi ako. Akala ko kasi walang tao." Natawa na din ako, pero more on kinikilig. Landi. Pagkatapos noon ay katahimikan. Lumakas pa lalo ang ulan at lalo pa akong nababasa.

"Urong ka dito miss.. Di masyadong butas ang bubong dito.." Umurong naman ako at halos magkadikit na kami. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.. Napakaganda ng mga mata niya at may kung anong something na nakakamagnet sakin para titigan iyon..

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

OMG! Ano ba to? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Pagkatapos ay biglang may kung anong liwanag at biglang.. *KULOG*

""Waaaaaahhhh!" Napayakap ako sa kanya.

"Takot ka sa kidlat?" Tanong niya habang nakayakap sa akin.

"Ah sorry.. Oo eh.." Oh no! Nakakahiya! Umayos na ako ulit ng upo. Nangangatog na ko sa lamig at mukhang masususpende ang klase dahil sa lakas ng ulan.

"Giniginaw ka na ata." Hinubad niya ang suot niyang hoodie. "Ito oh.. Gamitin mo muna.." Inabot niya sakin ang hoodie na hinubad niya.

Nakakahiya man pero tinanggap ko na rin. Mukha naman siyang harmless saka nangangatog na talaga ko sa lamig.

"Thank you.. Ano nga pala name mo?" Nahihiya kong sabi sa kanya. Nakatingin naman siya sakin.

"AJ, call me AJ. Ikaw?" Tanong din niya.

"Kaye pala." Tapos nakipagshake hands ako sa kanya. At least, di na kami total strangers.

"Lumalakas na ang ulan.." Nakahalukipkip na siya sa tabi ko habang sinasabi ito.

Tama siya. Habang tumatagal ay palakas nga ng palakas ang ulan. Basa na rin kami pareho dahil sa malakas na hangin kaya nagdecide na akong umuwi. Malapit lang naman ang bahay namin kaya pwedeng-pwede kong takbuhin. Ang kaso, maiiwan siya ritong magisa. Basa na rin ang suot kong pinahiram niyang hoodie. Bahala na!

"Tara na. Baka lalo lang tayong mastranded dito pag di pa tayo umalis." Sabi ko sa kanya.

"San tayo pupunta? Wala ngang masakyan oh?"" Nagtatakang tanong niya.

"Malapit lang ang bahay ko dito. Dun ka na muna magstay hanggang di pa tumitila ang ulan. Para na rin makabayad ako sa pagiging good samaritan mo." Sabay turo ko sa hoodie na suot ko.

"Sure ka?" Tanong niya.

"Oo nga! Di ka naman siguro rapist no?" Pabirong tanong ko. Tapos bigla siyang tumawa ng tumawa na parang nababaliw.

"Huy! Ano ka ba? Ano nakakatawa dun? Tara na dali! Baka kumulog at kumidlat pa dito lalo tayong di makakaalis." Pagkatapos ay hinila ko na siya. Tumakbo na kami ng tumakbo hanggang makarating kami sa village kung saan ako nakatira. Buti na lang at nasa bungad lang ang bahay namin.

Kinuha ko na ang susi at binuksan ang pinto. Umalis si yaya kanina at mukhang hindi pa rin nakakabalik. Pinaghintay ko sa pinto si AJ at kumuha ng tuwalya.

"Dun ang banyo kung gusto mong maligo. Kukuha lang ako ng damit na pwede mong pampalit." Itinuro ko sa kanya ang banyo at umakyat na para magshower at kumuha ng pampalit niyang damit.

Pagkatapos ko maligo ay naghanap na ko ng damit na pwede niyang maisuot. Bumaba din ako agad at baka giniginaw na yun.

Kumatok ako sa banyo para ibigay sa kanya ang tshirt at short na pamalit niya. "Ito muna gamitin mo."

"Salamat." Dumungaw siya ng konti at nakita ko ang wet look na nilalang. Ang pogiiiii!

Pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng mainit na kape. Dinala ko sa salas ang kape at hinintay siyang matapos.

"Ito kape oh. Hachoo!" Alok ko sa kanya kaso nabahing ako kaya natapon. Oh no! Ito na nga bang sinasabi ko eh. Mukhang magkakasakit pa ata ako.

"Naku mukhang nalamigan ka na." Pagkatapos ay kinapa niya ang noo ko. "May lagnat ka na."

Nahihilo ako at napakasama na ng pakiramdam ko nun. Pero dahil andiyan siya at napakabait niya, inalagaan niya ako nun hanggang mag umaga. Di pa kami masyadong magkakilala nun pero inalagaan niya ako. She kept me warm during that cold night. She never left me.

Tama, SHE, isa siyang babae. Ang poging yun, di ko aakalaing isa palang babae. Tomboy siya, at di madali para saking tanggapin na ang gwapong nilalang na yun ay isang babae kagaya ko. At simula nun, kada may sakit ako at malamig ang panahon, andiyan siya para sakin. Lagi niya kong niyayakap at ang feeling ko pag andiyan siya secure na secure ako. She always give me that warm feeling that I love.

Dumating nun si manang at nagulat na may kasama ako sa bahay. Ipinakilala ko siya sa lahat bilang best friend ko. Marami ang nagtaka nung una dahil ngayon lang nila nakikitang magkasama kami. Pero parang ganun na ang turingan namin.

[End of Flashback]

Hanggang sa isang araw, nagtapat siya ng pagibig niya sakin. Di ko alam ang magiging reaksyon ko noon..

[Flashback]

"Uy AJ! Galit ka ba?" Hinabol ko siya sa corridor hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng university ay di pa rin niya ko pinapansin. kahapon niya pa ko iniiwasan at di ko alam kung bakit.

"Mauuna na ko Kaye. Marami pa kong gagawin.." Pagmamadali niya.

Hinarang ko siya dahil gusto ko siyang makausap. Di ako sanay na ganito siya. "Galit ka sakin! Di kita papauwiin kala mo!" Tapos ay halos magpatintero na kami.

"Ano bang problema?!" Napasigaw na ko. Kanina pa kami parang tanga dito.

"Alam mo kung anong problema Kaye? Lagi kang nakadikit sa Mark na yun! Akala mo pogi! Mas pogi naman ako dun ah!" Nakakunot ang noong sabi niya.

"Nagseselos ka? Ikaw naman best friend!" Tapos nilambing-lambing ko na siya.

"Wag mo na nga akong tawaging best friend! Ayokong maging kaibigan mo lang!" Seryosong saad niya.

Ayokong maging kaibigan mo lang..

Ayokong maging kaibigan mo lang..

Ayokong maging kaibigan mo lang..

Ayokong maging kaibigan mo lang..

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang may kung anong nakakakiliti ang naramdaman ko sa tiyan ko nung narinig ko yun mula sa kanya.

Speechless ako. Nagulat ako pero di ako nabahala. Bakit ganun? Di ba mali na mahalin niya ko kasi pareho kaming babae? Gusto ko din ba siya?

Bago ko pa malaman ang kasagutan ay hinila niya ako papalapit sa kanya..

Pagkatapos ay dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko..

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

Tug-dug.. Tug-dug.. Tug-dug..

Mas bumilis ang tibok ng puso ko at kusang pumikit ang mga mata ko. May kung anong nakakakiliting kung ano na naman sa tiyan ko.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay ngumiti siya.

Di ko alam kung bakit pero kinikilig ako. Yun kasi ang first kiss ko.

Gusto ko nga siya.

"Gusto kitang maging girl friend Kaye.." Nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasambit yun. Nakita ko ang sincerity sa mga mata niya.

"Sure ka ba? Kasi pag naging girl friend mo ko, di ka na pwede mang chix." Pabiro kong sabi ko sa kanya.

"Oo naman. Ikaw na lang chix ko. PROMISE!" Sagot naman niya sakin.

Masyado kasing lapitin ng babae tong si AJ. Pogi kasi siya. At kahit malaman pa ng ibang babae na tomboy siya at hindi lalaki, di pa rin siya tinatantanan ng mga ito. Nariyan ang nagpapacute sa kanya at kung anu-anong regalo ang ibinibigay. My gahd! Naiirita lang ako sa mga yun. Kaya kung sakali mang sagutin ko na siya ay gusto kong ako lang ang babaeng pwedeng lumapit sa kanya, wala ng iba.

 "Okay sige.." Sagot ko sa kanya.

"I.. Ibig sabihin.. tayo na?" Tanong niya sakin.

"Oo.. Ayaw mo? Sige iba na lang sasagutin ko!"

"Wala ng bawian! Akin ka na! YEEEEEESSSS!" Sigaw niya.

[END OF FLASHBACK]

Nagsimula na naman akong maiyak dahil sa mga naaalala ko. Bakit ganito? Ang hirap-hirap. Mahal ko si AJ at alam kong mahal din niya ako. Mahirap para sakin ang layuan siya pero ayokong suwayin ang utos ni mama. I have to choose between the two people na mahalaga sakin.

Pumara na ako ng jeep, kailangan ko pa rin pumasok kahit na alam kong magiging mahirap para sa akin ang iwasan si AJ sa school. Alam kong kukulitin na naman niya ako at magpre-pretend na parang walang nangyari. Ganun si AJ kahit na nung times na nagaaway kami dahil sa maliliit na bagay.

Pagbaba ko ng jeep ay nasa tapat ng gate si AJ. Hinihintay niya ako, as usual.

"Hi babe!" Nakangiting bati niya sa akin.

Binilisan ko ang lakad para makarating sa room agad. Sana lang ay maagang dumaitng ang prof namin.

Pagdating ko sa room ay dumating na rin ang prof namin. Salamat naman! Kaso ang malas ko lang dahil absent ang katabi ko. At automatic naman na tatabi sa akin tong si AJ. Jusko! Tukso layuan mo ako.

Nagsimula na rin naman agad ang klase, kaso di ako makaconcentrate dahil kung anu-ano ang ginagawa nitong katabi ko. 

Nagsulat ako sa papel at ibinigay ko sa kanya.

Pwede ba, wag kang magulo AJ.

Pagkatapos ay may sinulat din siya sa papel at iniabot yun sakin?

Bakit AJ na lang? Di na babe? Di mo na ko love?

Pagkabasa ko niyon ay nilukot ko na ang papel. Ayaw ko ng malaman pa niya ang sagot.

Mahal na mahal kita AJ, kung alam mo lang. Pero ayaw kong mahiwalay ng tuluyan sayo. Kung maari lang na wag mo na kong pansinin. Magalit ka na sakin para di mo na ko kulitin. Mas gugustuhin ko na lang na tignan at mahalin ka sa malayo kesa malayo sayo at hindi ka na makita kahit kailan.

Nanahimik naman na siya pagkatapos kong gawin yun.

~

Natapos ang exam week. Hindi ko pa rin pinapansin si AJ, tumigil na rin siya sa pangungulit sakin.

Namimiss ko na siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at halikan pero pag ginawa ko yun, malaki na naman ang magiging problema ko.

Nagsimula na rin si mama sa pagpapakilala sa akin ng mga anak ng mga amiga niya. And seriously, they're bunch of jerks. Feeling ko hindi ako safe sa kanila at yun ang nakakaasar kay mama. Palagi niya kong nirereto sa mga lalaking kahit siya mismo, di kilala.

Si AJ naman, madalas magisa at walang pinapansing kahit na sino kapag nakikita ko siya sa school. Malungkot lagi ang aura niya. Syempre dahil mahal ko siya at balak kong mahalin na lang siya ng patago, stalker ang peg ko.

Nabalitaan ko din na siya na naman ang nakakuha ng pinakamataas na score sa lahat ng colleges ngayong sem. Napakatalino niya talaga, at di malayong magtagumpay siya pagkagraduate.

Madalas na din akong sinusundo ni mama at isinasama sa mga lakad niya, kahit ayaw ko.

Papunta kami ngayon sa isang welcome party ng isa sa mga anak ng amiga niya. Darating daw kasi ang unico hijo ng amiga niya kaya ininvite kami. Baka raw sakaling magustuhan ako nun.

My mom's really desperate na magkaroon na ng apo, kahit ayaw ko pa. Masyado na raw siyang matanda at gusto na niyang makita ang mga magiging apo niya sa akin.

I'm wearing a little black dress paired with red stilletos. Yun daw ang suotin ko sabi ni mama para mapansin ako. Simple pero elegante.

Dumating kami sa hotel, kung saan ang venue ng party ng bandang alas otso ng gabi. Mukhang sosyal ang party na to dahil sa mga nakita kong ipinapark na sasakyan. At take note, hindi lang basta-basta ang venue na to.

Pumasok na si mama at nakasunod ako sa kanya. Nakikipagbeso-beso pa ang lola niyo sa mga amiga niya. Paniguradong maiinip lang ako sa party na to.

Naupo na lang ako sa designated na table na itinuro ni mama. Mukhang reserved pa talaga samin ang pwesto na to. Malapit siya sa mini stage. Naupo na ako at kinuha ko ang cellphone ko. Ito lang kasi ang lagi kong kakampi kapag ganyang di naman ako makarelate sa mga party at gatherings na inaattendan namin ni mama. Kung bakit ba kasi lagi pa niya kong isinasama.

"Hi miss.. Bored?" Naglalaro ako ng Flappy Bird at 29 points na ako ng bigla akong magulat sa isang lalaki.

"Ay palaka ka!" Sambit ko dahil sa pagkagulat ko. Nadead tuloy ako.

"Hindi ako palaka ah. Ako si Prince." Sabi niya naman. Wow ah. Frog Prince ikaw ba yan?

"Sorry. Nagulat naman kasi ako sayo. Bigla-bigla ka nagsasalita, nadead tuloy ako." Pagkasabi ko nun ay tumungo na ulit ako at naglaro ulit.

"Bored na bored ka nga siguro. Pinagtiya-tiyagaan mo kasi yang si Flappy Bird eh." Pangiti-ngiti pa niyang sabi.

Pagkatapos nun ay tumayo na siya. Naiwan na naman akong magisa. Yung iisang chance na may makausap akong kasing edad ko, inignore ko pa dahil naglaro lang ako, umalis tuloy.

Maya-maya ay nagsalita na yung emcee, meaning start na ang program ng party. I sat properly. Tapos tumabi na din si mama sakin pati na rin yung ibang amiga niya.

Pagkatapos ng mahaba-habang pagpapakilala ay tinawag na yung unico hijo ni Mrs. Delos Santos na Prince Delos Santos ang pangalan. At siya pala yung lalaking kumausap sakin kanina. So ayun, after ng pagpapakilala niya sa public ay nagsimula na ang kainan.

After 48 years, makakakain na rin. Gutom na ko dahil di na kami naglunch ni mama. Paano ba naman, kinayag niya ako sa parlor para magpaganda, di na tuloy kami nakakain.

Nagserve na ang mga waiter. At syempre lafang na agad ako. Gutom na eh. So ayun, habang kumakain ako, bigla naman entra ni mama at ng amiga niya.. Kasama pa yung Prince.

"Hija, I would like you to meet Prince.. Prince this is my daughter, Kaye.." Bonggang intro ni mama samin.

"Nice to meet you.." Sabi ko.

"Nice to meet you too." Sagot naman niya.

Pagkatapos nun ay nagusap na ang mama ko at ang mama ni Prince. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Paniguradong irereto na naman sakin ni mama ang lalaking ito gaya ng ginawa niya nitong huli.

~

Tama ang hinala ko. After the party ay madalas na akong sunduin ni Prince sa school. He's nice and he's a gentleman kaya naman di ako nahirapan ientertain siya.

Minsan lumalabas kami at nagpupunta sa mall. Where I and AJ always go. Like today..

"Do you want to eat or watch a movie?" Tanong sa akin ni Prince.

"Is it okay if we go to the arcade first? Gusto ko kasi maglaro.." Tanong ko sa kanya.

"Sure.." Sagot naman niya. He always agree with me pag ganitong umaalis kami. He treated me like his princess, cause he's Prince.

Umakyat na kami gamit ang escalator.. Inaalalayan ako ni Prince at habang papunta kami sa Quantum ay nakita ko si AJ na nakatingin sa amin.

Agad akong nagiwas ng tingin para hindi niya mapansin na nakita ko siya. Hinila ko na lang si Prince papasok sa Quantum para di ko na makita ang reaksyon ni AJ. Alam kong selosa ito at kahit na kanino ay ayaw akong palapitan. Ngunit ito na lang ang nakikita kong paraan para layuan na ako ni AJ.

Bumili na si Prince ng token kaya naman naiwan akong naghihintay sa kanya. When he's talking to the cashier, someone grabbed my arm at hinila ako palabas ng Quantum..

"Hey! Stop it!" Pagpupumiglas ko. Hindi niya ako pinapansin at dire-diretso pa rin siya hila-hila ako hanggang sa makasakay na kami ng escalator. "Please let me go AJ!" Sigaw ko sa kanya ng tuluyan na kaming makababa ng escalator.

Humarap siya sakin at nagkatitigan kami ng mata sa mata..

"Siya ba ang ipinalit mo sakin Kaye?! Yung lalaking yun ba ang ipinalit mo sakin!" Sigaw niya sakin, hawak niya ang mga balikat ko. May galit at sakit sa mga mata niyang nagsisimula nang lumuha..

Naiiyak na rin ako.. Hindi ko kayang saktan si AJ.. Mahal na mahal ko pa rin siya.. Kung meron man akong taong hindi dapat saktan ay siya yun.. 

Hinila ko siya palabas ng mall. Alam ko at alam niyang siya ang mahal ko at hindi na mababago yun. Kung ayaw sa kanya ni mama, gagawa kami ng paraan.. Kung kaya naming itago kung ano ang meron kami ay gagawin ko.. Mahal na mahal ko siya at handa akong gawin lahat para lang di kami magkahiwalay..

Lumabas kami ng mall na magkahawak kamay.. Umuulan pala.. Kagaya nung unang araw na nagkita kami. Tinignan ko siya, tumigil na siya sa pagiyak. Ayaw ko na siyang makitang umiiyak ulit kaya naman ay gagawin ko ang lahat para maayos ang kung anong meron kami.

Pumara na ako agad ng taxi dahil nababasa na kami ng ulan. Sakto naman na may tumigil na taxi sa tapat namin..

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sakin ng makasakay kami ng taxi.

"Manong, sa pinakamalapit na hotel po." Sabi ko sa driver at nagsimula naman siyang magdrive.

"Ano bang binabalak mo Kaye?" Tanong niya ulit sa akin.

Kinuha ko ang panyo sa loob ng bag ko at ipinunas sa kanya. Nabasa kasi kami sa ulan. Nakatingin lang siya sa akin.. Nagtataka siguro siya.. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang lahat.. At gusto kong sa isang pribadong lugar namin gawin iyon.

Pinatay ko ang cellphone ko dahil alam kong tatawagan ako ni mama at ni Prince. Ayoko muna ng distractions ngayon..

Pagdating namin sa isang motel, dumiretso na kami agad sa kwartong ibinigay ng receptionist. Naiilang pa ngang pumasok si AJ pero dahil pinilit ko siya ay pumasok na rin siya.

"Ano bang gagawin natin dito Kaye?" Tanong niya.

"Gusto kong ipaliwanag sayo ang lahat AJ.." Sagot ko sa kanya.. "Alam kong nasasaktan ka dahil umiiwas ako sayo.. Alam kong nasasaktan ka dahil ganito tayo.." Pagpapatuloy ko. Tahimik lang siya at matamang nakikinig sa akin.

"Gusto kong itago natin ang relasyon natin AJ.. Dahil yun lang ang tanging paraan para hindi tayo magkahiwalay.. Balak ni mama na dalhin ako sa US nung nalaman niya na tayo.. Kaya ako lumayo sayo dahil kapag ipinilit pa natin ang gusto natin ay malalayo ako ng tuluyan sayo.. Ayokong mangyari yun.." Paliwanag ko..

"Kaya ka umiwas ay dahil ayaw mong ilayo ka sa akin ng mama mo?" Tanong niya..

"Oo.. At dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, mas pipiliin ko na lang na iwasan ka kesa umalis ako.. Ayokong malayo sayo AJ.. Mahal na mahal kita.." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun ay niyakap ako ni AJ.

"Kung gusto mong itago natin ito, masusunod mahal ko.. Mahal na mahal kita at kung ito lang ang paraan natin para di ka tuluyang umalis.. Maiintindihan ko.." Sabi niya habang magkayakap kami.. Nawala na ang lahat ng nararamdaman kong takot dahil alam kong maiintindihan niya ako..

Pagkatapos niyon ay nahiga kami sa kama. Gusto kong sulitin ang natitira pa naming oras na magkasama. Pagkatapos kasi nito ay mabubuhay na kami sa isang relasyong itinatago sa lipunan lalo na sa mata ng mama ko.

"Malakas pa kaya ang ulan?" Tanong niya sa akin habang nakahiga siya sa tabi ko..

Tinignan ko siya.. "Siguro.. Malamig eh.." Sagot ko.

"Giniginaw ka?" Tumingin siya sakin.. Tumango ako.. Niyakap niya ako pagkatapos..

"Feeling better now?" Tanong niya.

"Yup.. Warmer.. And I love how you make me feel warm.." Sagot ko. Niyakap niya pa ko ng mas mahigpit..

Pagkatapos nun ay hinalikan ko siya. Ewan ko.. I just felt like kissing her.

We kissed passionately. Napakasarap nun sa pakiramdam. At ayaw kong hindi na maulit muli ang mga halik na ganito. After that, she kissed my forehead and we went back cuddling.. Mas gusto kong yakapin siya hanggang matapos ang oras namin rito.

~

Pagkatapos ng paguusap namin ni AJ ay nagkaintindihan na kami. Mahirap itago ang relasyon namin pero magtutulungan kami para hindi kami tuluyang magkahiwalay. Mabubuhay kami ngayon sa patago-tago, sa pagdedeny. Mas maigi na ang ganito kesa maghiwalay kami. Dahil after I saw the pain in her eyes, narealize kong hindi ko siya kayang saktan.. Hindi ko siya kayang iwan dahil mahal ko siya.

Madalas akong patagong magtext sa kanya. Bumili pa nga ako ng extra phone na pangtext lang para hindi ako mahalata ni mama. Madalas din kasi niyang kalkalin ang phone ko, kaya naman hindi ko rin yun magagamit pangtext kay AJ.

Hindi ko na masyadong ineentertain ang mga imbitasyon ni Prince na ikinagalit naman ng mama ko. Ayoko na kasing magselos si AJ. Madalas akong nagkukulong sa kwarto ko dahil mas gusto kong makatext si AJ.

"Katerine! Katerine!" Sigaw ni mama habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko. Kelangan full name?

Binuksan ko ang pinto dahil paniguradong sisigaw na naman siya hangga't hindi ako lumalabas.

"Bakit ma?" Tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Ano ba yang itsura mo Katerine! Magayos ka nga. Andiyan si Prince sa baba. Hindi mo raw sinasagot ang mga text niya at tawag.." Tinulak niya ako papasok ng banyo sa kwarto ko.

"Wala akong load ma. At saka may tinatapos akong project. Kailangan ko na ipasa yun bukas.." Sabi ko sabay turo sa desktop computer kong naka-on.

"Hay naku basta! Magayos ka riyan at bumaba ka dun. Nakakahiya naman kay Prince kung di mo man lang bababain.." Sabi niya sabay labas na ng kwarto ko.

Ano ba naman to si mama! Nakakainis na talaga. Iniiwasan ko na nga yung tao para di umasa tapos ganito. Arggggh!

Pero dahil no choice ako, nagsuklay na rin ako ng buhok. Pagkatapos ay kinuha ko ang private phone ko at tinext si AJ. Magpapaalam ako sa mahal ko syempre. Para naman kahit paano eh bawas guilt.

Bumaba na rin ako after 5 minutes. Nakakahiya rin naman kung magtatagal pa ko. Nakita kong nakaupo si Prince sa may sofa kaharap ang isang baso ng orange juice at isang platito ng mamon.

"Finally!" Sabi niya ng makita niya ako.

"Sorry Prince, marami kasi akong school works ngayon kaya busy at di ako nakakapagreply sa mga calls and texts mo.." Paliwanag ko naman agad. Di dahil sa guilty ako. Wala lang akong ibang alam na sabihin ngayon. At saka busy naman talaga ako sa school at syempre kay AJ.

"No, it's okay. Gusto lang kitang makita. I missed you." He said, that made me feel awkward.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa side ko. Ewan ko ba. Wala talaga akong masabi o sadyang di lang ako interesadong kausap siya. I just don't want to be mean to him dahil naging mabuti naman siya sakin.

"Kainin mo na yung meryenda mo, magtatampo sayo si mama kapag nakita niyang di mo ginalaw yan.." At last, may naisip na rin akong sabihin sa kanya.

"Eh ikaw? Gusto kong sabayan mo ako." Sabi niyang may pagpout pa.

"Sige, kukuha lang ako ng makakain ko sa kitchen. Wait lang ha?" Kumuha na ako ng juice at cupcakes sa kitchen, actually nagugutom na rin naman ako.

Pagkatapos ay sabay kaming kumain. Si mama naman ininsist pa talagang dun na magdinner si Prince. Mejo naaasiwa na nga ako kasi sila nagtatawanan at nagkwekwentuhan ni mama. Di naman ako makarelate.

After dinner ay nagpaalam na ako kay mama at Prince na aakyat na ako dahil marami pa akong gagawin. Nagpaalam na din si Prince na uuwi na dahil busy na raw ako. Hinatid na namin siya ni mama sa labas. Pagkaalis niya ay kinausap ako ni mama.

"Bakit ba ang lamig ng pakikitungo mo kay Prince? Ayaw mo ba sa kanya? Siya lang ang gusto kong lalaki para sa'yo anak, kaya pakitunguhan mo siya ng maayos. Gusto kong magpakasal kayo pagkagraduate mo dahil napagusapan na namin iyon ng pamilya niya." Sabi ni mama.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko. Kami ikakasal? Kelan ba ko pumayag? Nagusap sila ng pamilya ni Prince na wala man lang akong kaalam-alam? Hindi man lang niya kinonsider ang feelings o ang permiso ko sa bagay na yun? I didn't know na ganito kadesperate ang mama ko na ilayo ako kay AJ. Ganito siya kadesperada na pati ang buhay ko ay minamando na niya.

Hindi na ako sumagot at umakyat na ako agad sa kwarto ko. Gustong-gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi niya. Nakakainis siya! Paano naman ang feelings at ang mga gusto ko? Siya na lang ba lagi ang masusunod? Why is she so unfair?! Inilock ko ang pinto at saka agad na nagtungo sa kama ko at nagsimulang umiyak.

Ang sama-sama ng loob ko at parang gusto kong sumabog dahil sa galit ko kay mama at sa mga gusto niyang mangyari.

Tinawagan ko si AJ, gusto ko siyang makausap. Siya lang ang gusto kong makausap kapag ganitong masama ang loob ko, dahil alam kong makikinig siya sa akin.

"Hello?" Bungad niya sakin. Lalo naman akong naiyak. Namimiss ko na siya. "Umiiyak ka ba?" Tanong niya. Narinig niya siguro yung paghikbi ko.

"Sasama ka ba sakin pag sinabi kong lalayas ako?" Tanong ko sa kanya nung medyo nahimasmasan na ako sa kakaiyak.

"Ano bang problema babe? Bakit ganyan tanong mo? Saka bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod niyang tanong. Sasagutin ko sana kaso habang iniisip ko kung bakit ako namomroblema, naiiyak na naman ako.

"Eh.. kasi.." *hikbi* "Si mama.." *hikbi* "Ipapakasal.. ako kay.. Prince.." *hikbi* Pagkatapos nun ay tuluyan na naman  akong umiyak. Tahimik lang yung line pero andun pa rin siya sa kabilang linya. Hindi siya nakasagot agad, alam kong nagulat din siya.

"Sasama ako sayo Kaye.." Saad niya. Seryoso ang tono ng boses niya. Nabuhayan naman ako ng loob. Makakatakas na rin ako sa pagmamando sakin ni mama.

Pagkatapos nun ay narinig kong kumatok si mama. Kaya nagpaalam na ako kay AJ. Ayaw kong buksan ang pinto pero ayaw ko rin marinig niya na nakikipagusap ako sa cellphone.

Bukas, tatawagan ko si papa. Gusto kong malaman niya ang mga ginagawa ni mama. Mas close ko si papa, maiintindihan niya kung bakit ko ito gagawin. Si papa kasi kasiyahan at pagiintindi ang palagi niyang ibinibigay sa akin. Magkaibang-magkaiba sila ni mama.

Natulog na ako dahil pagkatapos kumatok ni mama ng ilang beses ay hindi na rin naman siya nangulit pa. Hindi ako nakatulog agad kaya naman naisipan kong itext na lang si AJ. Kailangan malaman niya ang plano ko.

Ang gusto ni AJ ay tapusin lang namin ang sem na ito para di naman daw sayang. Nagbago ata ang isip ko. Mahalaga sakin ang edukasyon ko at ganun din siya. Tama, titiisin ko na lang muna hanggang matapos ang sem na to. Tapos ay aalis na kami ni AJ.

Pero kakayanin ko bang tiisin lahat? Iniisip ko pa lang na ipipilit talaga ni mama ang ipakasal kami ni Prince ay di ko na matake. Baka pati ang pagkakaron ng anak ay planuhin niya pa para sa amin. Kilala ko si mama, pag ginusto niya at gagawin niya.

~

Akala ko ay magiging ayos ang mga susunod na araw para sa akin, but it turned out worst. Mas naging mapilit si mama the next few days, gusto niyang paunlakan ko palagi ang invitation ni Prince. Minsan ay hindi ko na lang sila pinapansin lalo na kung pumupunta si Prince sa bahay para dalawin ako. Ngayong alam ko na ang plano nila para sa akin ay hindi na ako magpapauto. Papalapit na rin naman ng papalapit ang end of semester kaya hindi na ako mahihirapan pang iwasan sila.

Alam na ni papa ang plano ko at pumayag naman siya. Dun muna daw kami tumira sa bahay ni papa sa Quezon. Pamana iyon ng lola ko sa kanya na hindi pa napupuntahan ni mama. Maigi yun, at least di kami masusundan ni mama.

Kakagaling ko lang sa school, talagang pinipilit kong late na makauwi para pagdating ko sa bahay ay may alibi na ako kay mama sa pagakyat at pagpapahinga ng maaga.

Pagpasok ko ng pinto ay naroon si Prince, kakwentuhan si mama. Badtrip naman talaga oh. Di ko sila pinansin. Aakyat na sana ako sa taas ng bigla akong tawagin ni mama.

"Katerine, di mo man lang ba ieentertain si Prince? Lagi siyang nagpupunta dito para bisitahin ka." Seryosong sabi ni mama na tipong gusto niya talagang ientertain ko si Prince.

"Pagod ako ma. Marami pa akong kailangan tapusin. Matatapos na rin naman ang sem kaya wala na kayong proproblemahin kung dadalaw dito si Prince.." Tapos I faked a smile. Tama.. Wala na silang proproblemahin dahil aalis na ako dito.

"It's okay tita. I understand Kaye.. Ganyan din ako last year. Maraming tinatapos, pero pag nakagraduate naman siya ay paniguradong malaking fulfillment ang mararmdaman niya.." Sabi naman ni Prince.

"Mauna na ako sa taas.. Pasensiya ka na Prince.. I'm really tired.." Pagkatapos ay umakyat na ako. Hindi naman talaga ako pagod, gusto ko lang makatext si AJ. Namimiss ko na kasi siya dahil hindi kami nagkita sa school ngayong araw.

So ayun, we exchange mushy messages and all. Medyo napagusapan na rin namin yung magiging set up namin pag magkasama na kaming dalawa sa Quezon. Naeexcite na kami pareho kasi matagal na kaming hindi nagkakasama. Kahit nga nitong last 3 monthsaries namin ay hindi kami nakapagcelebrate dahil nga hindi kami pwedeng magkita at makita na magkasama.. Dahil pag nakarating kay mama, tapos ang maliligayang araw namin.

I felt something weird in my tummy, medyo masakit siya kaya naman nagpaalam ako kay AJ na magbabanyo lang saglit. Hindi naman na siya nagreply. Medyo natagalan ako sa banyo kasi naman talagang masakit ang tiyan ko, di naman ako nadudumi basta masakit lang siya.

Narinig kong nagring yung private cellphone ko ng ilang beses. My gahd! Nakalimutan kong isilent. Baka tumatawag si AJ sakin.. Tapos ay nagmadali na ako lumabas ng banyo, baka kasi marinig ni mama yung phone.

Paglabas ko ay nagulat ako ng makita kong hawak ni mama yung phone ko, nakatapat pa sa tenga niya. Oh no!

"At talaga palang matigas ang ulo niyo ha! Layuan mo na ang anak ko dahil hinding-hindi ako papayag sa mga binabalak niyo! Imoral! Hindi kayo pwedeng magkasama dahil ilalayo ko na siya ng tuluyan sayo! Dadalhin ko na siya sa Amerika at ipapakasal ko siya sa LALAKI. Naiintindihan mo ba? Ipapakasal ko siya sa lalaki dahil iyon ang tama.." Narinig kong sabi ni mama.. Kahit na nagulat ako dahil sa mga sinabi niya, I managed to snatch the phone.

"Napakabastos mong bata ka! Wala kang utang na loob! Hindi ka sumusunod sa gusto ko? Pwes sa Amerika kita pagbabaguhin! Ipapakasal kita kay Prince sa ayaw at sa gusto mo! Akin na yang cellphone na yan!" Sigaw niya sa akin.. Pinipilit niyang kunin ang phone na hawak ko pero ayaw kong ibigay. Sinampal niya ako ng malakas, causing me to drop the phone. Bumagsak naman ang phone at nahati sa 3.

"Hindi na matutuloy ang plano niyong lumayas Katerine! Pati yang magaling mong ama kinukonsinti ka! Babantayan na kita sa lahat ng oras. At itong cellphone na ito.." Tinapak-tapakan niya ang cellphone at kinuha ang simcard.. Pinutol niya rin ito. Tapos ay tuluyan na siyang lumabas ng pinto.. Narinig ko na lang na nilock niya ito. Agad akong tumakbo sa pintuan para buksan ito, kaso nilock na niya.

"Mamaaaaaaaaaa! Buksan mo tong pinto! Wag mo tong gawin sakin!" Sigaw ko pero hindi naman siya sumagot.

Dahil sa pagkashock ko sa ginawa niya at sa sampal niya ay napadausdos ako habang umiiyak sa may pinto. Ang sama-sama ni mama. Paano na kami ni AJ nito kung dadalhin niya ako sa Amerika?

Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa sahig. Nakatulog na pala ako dito kagabi.. Bumangon na ako at pumunta sa kama ko..

Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto..

"Katerine bumangon ka na riyan! Nasa baba si Prince, ihahatid at susunduin ka niya sa school niyo simula ngayon.." Niyugyog pa ako ni mama.

"Ayokong pumasok!" Sagot ko naman.

"Ayaw mong pumasok? Pwes ikukulong kita rito.. Kukunin ko lahat ng gadgets mo para di mo na makausap iyong tomboy na yun.." Pananakot niya. Wala naman akong choice kundi ang sumunod. Mas maigi nang pumasok ako dahil mas may chance na makausap ko si AJ. Gagawa ako ng paraan para makatakas at makaalis kami..

Bumangon na ako at naligo. Nang matapos na akong magayos ay bumaba na ako. Bumungad sa akin si Prince na nasa pintuan. Kinuha naman niya ang bag ko at inilagay sa kotse. Sumakay naman na ako. Hindi ko siya pinapansin nung nasa kotse na kami. Ayoko munang pagusapan ang mga maaring mangyari. Makakagawa pa ako ng paraan para makatakas.

Pagdating sa school ay bumaba na ako ng kotse niya. Hindi ko na rin siya nilingon. Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang ako na nag-aagree siya sa mga gusto ni mama. Siguro dahil gusto niya talaga ako.. Pero hindi ba niya naiintindihan na si AJ ang mahal ko at hindi siya?

"Susunduin kita mamaya!" Sigaw niya. Hindi ko pa rin siya nilingon.

Dumiretso ako sa room ng 1st subject namin. Wala si AJ. Tinanong ko ang kaibigan niyang si John na kaboarding house niya rin. Hindi naman daw niya napansin kanina sa kwarto nito. Baka late lang daw.

So naghintay naman ako. Nagumpisa na yung klase pero wala pa rin. 2nd subject na siya pumasok. Nagpaquiz lang yung prof namin tapos umalis na rin kaya nagkaroon ako ng chance na lapitan siya at kausapin tungkol sa nangyari..

Umupo ako sa tabi niya, nagsilabasan na kasi ang mga kaklase namin dahil wala na kaming klase pagkatapos. Tinignan niya ko sa mga mata bago siya nagsalita. "Sorry Kaye.. Hindi ko naman akalain na mama mo pala ang makakasagot ng tawag ko.." Tapos yumuko siya.

"It's okay.. Makakagawa pa ko ng paraan para makatakas.. Aalis pa rin tayo, kahit hindi na sa Quezon.. Kahit sa ibang lugar na basta makasama kita.." Sabi ko naman. Mangiyak-ngiyak na ako nun.

"Mahal na mahal kita Kaye.. Ayokong mawala ka sakin.." Tapos nun ay niyakap ko siya kasi nagsisimula na siyang umiyak. Niyakap niya rin ako. Pagkatapos ay nagdecide kami na magstay na lang dito sa room. Nagkwentuhan kami habang magkaholding hands. Masaya akong nakausap at nakasama ko siya.

Pero yun na pala ang huli naming paguusap at pagsasama.. Hindi na tinapos ni mama ang semester. Inayos na rin kasi niya lahat ng papeles ko, wala na naman akong kaalam-alam.. 

Nagulat na lang ako isang gabi ng sinabi niyang mag-empake na daw ako dahil mamayang gabi na ang flight namin pa-Amerika. Iyak pa ko ng iyak nun dahil nagmamakaawa akong wag na niya kong dalhin dun pero matigas si mama. Nakahanda na rin daw ang kasal namin ni Prince, isang buwan na lang daw at magiging tama na raw ang takbo ng buhay ko. Matututunan ko rin daw mahalin si Prince..

Pero paano ko tuturuan ang puso kong mahalin siya? Paano ko kakalimutan si AJ na nagiisang taong minahal, minamahal at mamahalin ko? Wala na ba talagang pagasang magbago ang isip ni mama? Pinilit ko pa siya nun. Lumuhod pa ko sa harap niya, pero wala na akong nagawa.

~

Umuulan nun. Nakaempake na ang lahat ng gamit ko. Si mama ang nagmando sa akin para gawin yun. Kung hindi daw ako susunod sa kanya ay patayin ko na lang daw siya.

All the while ay umiiyak ako. Gusto ko sanang dalhin yung ilang memorabilia na makakapagpapaalala sakin kay AJ pero hindi ako pinayagan ni mama. Matigas talaga siya sa desisyon niya.

Sinundo kami ni Prince nung gabi.. Yung driver niya ang naglagay ng lahat ng gamit namin sa dala nilang van. Pagkatapos ay sumakay na rin kami ni mama.

I looked out the window and saw raindrops falling.. Medyo malakas yung buhos ng ulan.

Nakaramdam na ako ng ginaw kaya naman kinuha ko ang jacket ko at isinuot yun. Pero wala pa rin. Giniginaw pa rin ako..

I guess I'll be living this cold life from now on..

No one will ever make me feel the warmth that AJ gave me..

THE WARMTH OF LOVE THAT I ONLY FELT WITH AJ..

I WILL MISS THE WAY SHE KEEPS ME WARM..

-------------------

A/N: Whoa! Natapos ko din! :) This is one hell of a plot. Medyo nakakarelate ako dun sa characters ko. T.T May pinaghugutan kumbaga. I enjoyed writing it kaya sana mag enjoy din kayo magbasa kahit medyo hindi maganda ending. May sequel pa naman to. Abangan niyo na lang po. :)

LoveAnarchist © 2012

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like LoveAnarchist's other books...