UNDER CONSTRUCTION: Eroplanong Papel

 

Tablo reader up chevron

Chapter One

“I’m sorry, Fred. Hanggang dito na lang ang kaya ko.”

Walang ganang wika ni Dara sa kaharap habang sinisipat-sipat ang bago niyang nail art. Pang bente na ata ang lalakeng ito sa dinispatsa niya this week.

“What?!” di makapaniwalaang sagot ng binata. “Dalawang oras pa lang nagiging tayo tapos sasabihin mong hanggang diyan na lang ang kaya mo?”

‘Come on. Stop with the drama. As if hindi ko alam na pagkatapos ng usapan na’to may girlfriend ka na ulit.’

‘“You can’t do this to me, Dara.”

“I just did,” napahikab siya at tumingin sa kanyang relong pambisig. “Let’s end this conversation. Nag-aaksaya lang tayo ng laway at oras.”

“Hindi ako nakipagbreak kay Monica for this shit!”

Napatingin na sa kanila ang mga tao sa canteen na iyon dahil napataas na ang boses ng binata.

“Hindi kita inutusan gawin yun. Just to remind you,” tumayo ang dalaga. “And wag ka na rin magpanggap na aping-api ka. Alam ko naman na makakahanap ka agad ng bago paglabas ko dito.”

“You bitch!”

Ngumiti si Dara.

“Thanks for the compliment. Ciao!”

Sandara Chriselle Vergara.

Matangkad. Sexy. Morena. Hindi mo siya mahahanay sa magaganda dahil may sarili siyang depinisyon nun. Kaya hindi nakakapagtaka na humaling na humaling sa kanya ang halos lahat ng kalalakihan sa university.

All women hate her. Men drool over her. Kahit na ba hindi maganda ang reputasyon niya sa eskwelahan na yun ay patok na patok pa rin ang beauty niya.

Pero ganun pa man wala siyang naging seryosong relasyon. Lahat flings lang. Kundi naman ay aakitin niya, paaasahin pagkatapos ay bibitawan na lang niya na parang nagtapon lang ng tissue paper sa basurahan.

Dakilang pa-fall.

Bitch of all season.

‘Bagay lang sa mga katulad mong babaero yan.’

*****

“Yes! Malapit na. Go birdie!”

Gigil niyang sambit habang hawak ang kanyang Ipad. Konti na lang kasi ay mata-topscore na niya ang level niya sa Flappy Bird. Pigil niya ang hininga ng makarating na sa huling tubo.

“Not again! Nakakaimbyerna talaga.”

Sa pagkadismaya niya ay hilong ibon na may malaking bibig ang nakuha niya. Inis na luminga siya sa paligid pagkatapos damputin ang lumipad na papel sa ibabaw ng kanyang tablet.

“Peste talaga. Ang galing mong tumayming!” asar niyang sambit habang nililibot ang mga mata sa lugar. “Whoever you are, magpakita ka na.Nakakainis. Level 2 na sana e!”

Padabog niyang binuklat ang papel na hawak. Nakatupi yun na parang isang eroplano at sa tuwina’y may note na nakasulat sa loob. Isang linggo na rin siyang nakakatanggap ng mga ganito. Ngunit sa tuwing titingin siya sa paligid ay wala namang tao. Kung meron man ay wala naman siyang mapagbintangan at walang umaamin.

Nasilaw sa’yong pagdating

Pintig ng puso ko ngayon ay tila isang daing

Na kahit saglit man lang ay magtama ang ating mga paningin

Isang bulong na ipaparating ko sa’yo sa pamamagitan ng hangin’

Malakas siyang napatawa. Sigurado siyang hindi isa ‘to sa mga bitter na flings niya dahil wala naman siyang syino-syota na apo sa tuhod ni Balagtas. Pero maari din namang nantitrip lang. Ganun pa man, unti-unti na siyang nacu-curious kung sino ang matiyagang nilalang na nagtatanim ng mumunting kilig sa mapaglaro niyang puso. Itinupi na lang niya ulit yun at ipinormang eroplano ulit.

“Look who’s here, girls.”

Nawala ang ngiti ng dalaga sa labi nang makita kung sino ang lumapit sa harapan niya. Tamad na tinignan niya ito.

‘Te baka naman gusto mo mag-pluck ng kilay? May tumutubo na, e.’

“How dare you, Dara!” nakapamewang na sabi nito sa kanya. “Malandi ka. Naubusan ka na ba ng mga lalake at pati si Caloy ko hinaharot mo.”

‘Naku, hindi rin bagay ang kulay ng sapatos mo sa damit mo. Anong fashion sense meron ka? My gosh!’

“See Camille?” gatong ng isang kasama ng babae. “Hindi makapagsalita.”

“She makes titig lang like an idiot,” sabi pa ng isang kasama nito.

“What now? Wala kang masabi ha, Dara? You bitch!”

Sasampalin sana siya ng ni Camille ng tumayo siya at lumapit dito.

“Anong shampoo ba gamit mo?” hawak niya sa buhok nito. “Magpalit ka na. Puro ka split ends at ang dry ng buhok mo. Goodness!”

Gigil na pumiksi si Camille at lumayo ng konti kay Dara.

“Hindi ako pumunta dito para pakialaman mo kung anong shampoo ko,” gigil na sambit nito dahil sa dami ng sinabi niya e hindi naman pala yun pinakinggan ng dalaga. “Tigilan mo na si Caloy or I’ll scratch your face forever.”

“Susme, Camille. Antanda mo na naniniwala ka pa rin sa forever? Walang ganun. Lokohan meron. Atsaka ayokong makipag-away sa’yo sa walang kakwenta-kwentang bagay,” inikot niya ang eyeballs at inilahad ang mga daliri. “Masisira ang bago kong nail art. Kita mo?”

Pagkatapos ay walang anuman na umupo ulit sa bench si Dara and flipped her long hair.

“By the way, you can have Caloy. Isaksak mo na rin siya sa lungs mo,” sabi niya pa na nakataas ang kilay. “We’re done.”

“So, ano ako aso na bibigyan mo ng tira-tira mo? Ginagalit mo talaga akong malandi ka! Nagmana ka siguro ng kalandian sa nanay mo at lahat ng lalake dito sa campus gusto mo tikman!”

Mabilis na tumayo si Dara at pinadapuan ng malakas na sampal ang kaharap.

“Wag na wag mong idadamay ang nanay ko sa mga isyu mo sa buhay!”

‘Bwiset na’to! Nawawala ang poise ko.’

Akmang sasampalin din siya ni Camille ng may dumating.

“Hep! Subukan mong gawin yan nang maitiklop kita ng walong beses.”

Napangiti naman si Dara ng makilala kung sino ang dumating. Tinabig nito ang mga babaeng nakahara sa daan at umupo sa tabi ng kaibigan.

“O, ano pang tinatanga-tanga niyo diyan mga baklang gansa? Alis na, maglublob na kayo sa putik,” nakangising sabi pa nito sa mga babaeng hindi na maipinta ang mga mukha. “Dun kayo bagay.”

“Ang harsh mo Luna,” nakatawang sabi naman ni Dara.

“May araw din kayo sa’kin. Mga leche!” galit na sambit ni Camille sabay walk out.

“Okay, pakitweet na lang sa’min yung schedule. Busy din kasi kami e.”

Natawa na lang si Dara sa pang-aasar ng katabi sa mga nag-alisang babae.

“Ang balahura mo talaga, friend.”

“Psh. Wag mong sabihin may nilandi ka na naman na kasama sa sphere of men niya at galit na galit yun?”

“Asa much lang yun. Hindi naman niya boylet yung Caloy na yun kung makaselos wagas,” ismid ni Dara. “And hello, ni hindi nga marunong humalik yung punggok na yun kaya isaksak na niya sa baga niya.”

“Alam mo, nae-eskandalo pa rin ako sa mga pinagsasabi mo sa buhay. Tigilan mo na nga yang pagiging playgirl mo. Hindi na maganda yung mga tsismis sayo.”

“I don’t care,” kibit-balikat ng dalaga. “Ine-enjoy ko lang ang buhay. Kung inggit sila e di lumandi din sila.”

Napailing na lang si Luna sa kaibigan at sa klase ng panuntunan nito sa buhay ngayon. Kung makapagpalit ng boyfriend ay akala mo nagpapalit lang ng underwear. Araw-araw. No, siguro oras-oras. Pwede ding minu-minuto. Hindi na tuloy maganda ang mga tsismis tungkol sa kanya. Minsan kasi ay muntik na siya mapaaway ng siya mismo ang makarinig sa isa nitong naka-fling na nagke-kwento ng tungkol sa nangyaring one night stand daw ng mga ito. Hindi siya nag-atubiling pagsabihan si Dara ngunit sa pagkagulat niya’y nagkibit-balikat lang ito at ngumiti.

“Si Rhaz? Parang di mo ata kasama?”

Tinignan niya ng makahulugan ang katabi.

“Wag mong sabihin siya naman ang puntirya ng hormones mo, Dara?”

“Hello naman friend. As in like, duh? Kahit kating-kati na’ko lumandi at siya na lang ang lalakeng available sa mundo, hindi ko yun papatulan ‘no?” tawa ng dalaga. “I mean, he’s so boring. Isnaberong frog pa. Minsan feeling ko, bakla yun e.”

“Wag mo iparinig sa kanya yan baka sagasaan ka nun,” tawa din ni Luna. “O kaya ipa-rape ka sa mga tropa niya. Yari ka.”

“Ay bet! The more the merrier.”

“Ibang klase! Pwede ba kapatid ibulsa mo muna yang kalandian mo? Nakakahiya dun sa mamang nakatingin sa’tin kanina pa.”

“Where?” mabilis namang linga ni Dara.

Sinundan niya ng tingin ang tinutumbok ng mata ng kaibigan. Nakita niyang may nakasandal na lalake sa mataas na puno katapat ng library. May sukbit itong gitara sa likod. Matangkad at moreno ito. Nag-iwas ito ng tingin at nagsimulang lumakad palayo ng tapunan niya ito ng tingin.

‘Teka, parang hindi ko naman siya napansin kanina diyan.’

“You know him?”

“Oo naman. Si Mhagz yun. Prospect namin ni Santi na maging gitarista. Type mo?”

“Kanina pa ba siya diyan?”

“Pagdating ko nakita ko na siya diyan,” sabay tumayo na si Luna. “Tara na. Nag-aantay na si Anika sa canteen. Sabi ko dun na lang natin siya pupuntahan. Tapos na ang klase niya.”

Tahimik na tumayo si Dara na tila ba nag-iisip. Sumunod siya kay Luna na nauna ng naglakad. Dumerecho nga sila sa canteen para puntahan si Anika. Isasabay niya kasi ang mga ito papunta sa bahay nila. May practice session kasi ang mga ito kasama ang kuya niyang si Santi sa banda.

Pagpasok sa canteen ay natanaw nila sa dulong mesa si Anika at nagbabasa. Lumakad sila patungo dun.

“Hi, baby!”

Mariin siyang napapikit at bumilang ng sampu. Wala na bang natirang kahit isang slice man lang ng katahimikan para sa kanya sa araw na ‘to? Eto na naman kasi at sinalubong siya ng bwiset na babaero ng bayan.

‘Okay. Relax ka lang, girl. Don’t stress yourself. Alalahanin ang mga wrinkles.’

“Ah, RL pwede lumayas ka sa harapan ko? Dadaan ako.”

“Sure, Luna. Basta ikaw,” sagot nito na may tumataginting na ngiti sa labi. “I’ll just have a little talk with your friend.”

Binigyan nga nito ng daan ang kaibigan at muling humarap sa kanya. Mas malapit kesa kanina. Hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti nito sa labi.

‘Eto na nga yata yung sinasabi nilang ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw, inis na sabi niya sa sarili.

Parehas lang naman sila ng reputasyon dito sa campus pero ang init talaga ng dugo niya sa playboy na’to. Hindi kasi nagmimintis ito sa paninira ng araw niya simula ng magkita sa registrar ng araw na inaasikaso niya ang pagtransfer sa eskwelahang yun. Ang akala pa naman niya ay doon din nag-aaral ang binata kung makaasta ito, yun naman pala ay transferee din katulad niya. At sa kamalas-malasan pa ay kaparehas pa niya ito ng kursong kinukuha. Nasa ika-apat na taon na ito sa kolehiyo samantalang siya ay 2nd year.

“Pwede ba kitang maging sidecar?” kindat nito sa kanya. “Single kasi ako e.”

‘Ouch! Sa kanya yata ako lalabasan ng sign of aging.’

Kahit sinasabi na ng utak niya na hambalusin ito ng mga lamesang nandun ay nagawa pa rin niyang bigyan ito ng mapanuksong ngiti. Para saan pa’t tinawag siyang bitch kung magpapakita siya ng kahinaan dito.

“I’m sorry to tell you this, ah- what’s your name again?” kunot noo niyang sabi.

“RL Guevarra, at your service beautiful.”

“Whatever,” sabi niya while flipping her hair. “Tantanan mo na’ko, okay? Wag ka sanang bitter kung di kita type patulan.”

“Come again? Itanan?” nakangising tanong ni RL. “Walang problema yun sa’kin, kahit ngayon na ba e.”

“Itanan mo your face! Bingi!”

Kasabay nun ay hinawi niya ito ng dalang bag at mabilis na lumakad papunta sa mga kaibigan na pinipigil ang tawa sa kanya.

Kahit naman malandi siya nungkang hindi niya haharutin ang isang ‘to. Baka kung anong sakit pa ang dumapo sa kanya pag pinatulan niya ang lalakeng ‘to na gabi-gabi ata iba-iba ang kasamang matulog. Kung sa itsura lang naman, lamang na lamang na talaga ito sa text votes ng bayan.

Matangkad at maputi. High profile ang dating at porma. Parang mga kahanay ni James Reid ang aura. Nagpatindi pa sa angas nito ang hikaw na nasa kaliwang tenga. Presensiya pa lang nito makalaglag panty na. Kaya naman andaming nagkakandarapang gansa dito.

Pero aanhin naman niya lahat yun kung magkaka-aids siya sa pagpatol dito? Ini-imagine pa lang niya na hinahawakan nito ang kamay niya ay nasusuka na talaga siya. Kung pwede lang paliguan ng pesticide ang mga kauri ng lalakeng yun ay ginawa na niya.

Mga manloloko at manggagamit.

“Wala, dre. Basted.”

Napalingon siya sa mga nang-aalaskang tropa nito na nasa kabilang table. Pagkatapos ay kay RL na nakatingin din pala sa kanya. Hindi niya mabasa ang nasa mata nito ngunit maya-maya ay ngumiti ito at kinindatan ulit siya. Mabilis naman niyang inirapan ito at ibinaling ang tingin sa bintana sa gilid niya.

“Bakit pag kay RL naka-off ang landi mode mo, Dara?”

Tinapunan niya ng masamang tingin ang kaharap na si Luna. Katabi nito si Anika na napapangiti lang din.

“Ayoko sa kanya, friend! Look at him. Tila daing na binabad sa suka ng ilang taon,” tila diring diri na sambit ng dalaga. “Hiyang hiya naman ang kutis ko sa kanya. Nakakadiri. Maramdaman ko lang na nasa malapit siya nalalansahan na’ko. Babaero!”

Lalong lumakas ang tawa ni Luna na siniko ng katabi dahil pinatinginan sila ng mga estudyante.

“Sareeh naman,” pigil nito sa tawa. “Eto kasing ang kaibigan natin babe nagpapatawa.”

“Anong nakakatawa sa sinabi ko, friend?” irap ni Dara. “True naman na babaero siya. Mas madalas pa yata siya magpalit ng jowa kesa sa briefs niya.”

“Pfft.! Ano ka ba? Talagang yung pagpapalit ng briefs pa yung concern mo? Tama na nga. Sumasakit na ang tiyan ko,” sabi ni Luna na hindi na magkandatuto sa kakatawa. “Naririnig mo ba yang sinasabi mo?”

“Of course! Stop laughing. Malapit na kitang kalmutin ng bagong nail art kong kuko.”

“E kasi naman, parehas lang naman kayong malandi. Matakot nga kayo sa karma.”

“Exactly,” sang-ayon ni Anika. “So, walang basehan yang minamaktol mo na babaero siya and so on dahil ikaw lang naman ang girl version niya. Tsaka, pa’no mo naman nalaman na madalas siya magpalit ng girlfriends? How can you be so sure? Stalker ka ba niya?”

‘Aba’t pinagtulungan pa’ko ng dalawang ito.’

“Yung totoo? May paligsahan ba kayong dalawa na hindi namin alam?” biro ni Luna. “E lahat na ata na-link sa inyo. Pati yung kalahati ng kabilang university nabiktima niyo na rin. Pero kayo? Never pang naging committed sa isa’t isa.”

“If you’re trying to say na patulan ko yung pinsan mong hayok sa babae,” she said flipping her long hair again. “Never. Over my dead and sexy body.”

“Ngayon ka pa naging choosy. Gulpihin kita diyan e,” tayo ni Luna. “Tara na nga. Late na tayo. Baka umusok na naman ang ilong ng kuya mo.”

*****

“Pre wild talaga ang babaeng yun.”

“Ba’t dinispatsa mo agad?”

Nakaupo siya sa may hallway nun at nagrereview dahil may long quiz siya sa susunod niyang subject ng marinig niya ang usapan na yun. Inangat niya ang ulo at nakitang naglalakad palapit si Caloy at isang kaibigan nito.

“Alam mo namang yung mga katulad ni Dara hindi sineseryoso. Tinitikman lang. Pero, pustahan pag sinuyo ko ulit yun, bibigay agad yun sakin.”

Tumikhim siya.

Hindi namalayan ng mga ito na nakalapit na pala siya. Tila naman nabigla si Caloy sa kanyang pagsulpot. Napatingin ito sa kasama pati na rin sa mga estudyante na nasa hallway na ngayon ay nagbubulungan.

“Dara, my labs!” lapit nito at akmang aakbay sa dalaga.

“Hold it,” sita ni Dara. “I already ‘dumped’ you kaya wala ka ng karapatan sa mga balikat ko, jerk.”

Lumapit pa siya sa lalake at nakangiting inayos–ayos ang polo nito.

“And by the way di pala ako nag-enjoy,” sabi niya at ngumisi. “Supot.”

Nag-galawan naman ang mga muscle sa mukha ng kaharap na napahiya sa sinabi niya.

“Sino ka ba sa tingin mo ha?” galit na sabi nito. “Maganda ka nga. Pokp*k ka naman.”

Lalong pang ngumisi si Dara.

“Whatever you say,” pang-iinis niya na sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa ang kaharap. “Di bale ng maganda at pokp*k, matalino naman. Ikaw, may ulo nga wala namang laman. Kinulang pa sa size.”

“Aba’t sinasagad mong pasensya ko-”

Napatigil si Caloy ng may lumipad na papel sa harap niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Dara na makita ang lumipad na bagay sa mukha nito. Kasunod nun ay paglapit ng isang lalake.

“Ang babae minamahal hindi sinasaktan.”

“Wag ka mangialam kung ayaw mong ikaw ang masaktan!”

“Relax. Ang sinasabi ko lang naman, pare e ikaw din ang mapapahiya pag nanapak ka ng babae.”

“Tsk. Pasalamat kang babae ka,” duro niya kay Dara. “Anlakas mo sa swerte. Pero sa susunod wala ka ng kawala sakin.”

Banta nito na marahas na lumakad palayo. Napapailing na lang na pinulot ng binata ang eroplanong papel na pinalipad niya kanina at nakangiting humarap sa dalagang titig na titig sa kanya.

“Miss, okay ka lang ba?” kaway niya sa mukha nito. “Wala na yung nambubully sa’yo.”

Tila naman natauhan si Dara. At ngumiti ng walang landi sa kaharap. Ang mga mata ay nakatuon pa din sa hawak nito.

“Salamat,” inilahad niya ang kamay na inabot naman ng binata. “I’m Dara.”

“Angelo,” pakilala ng kaharap. “Call me Gelo na lang. Classmates tayo sa next subject.”

“Talaga? Hindi kita napapansin.”

“Busy ka kasi sa mga admirers mo.”

“Hindi naman.”

Ewan niya at hindi niya alam kung bakit tila tinablan siya ng hiya habang kausap ang binata. Kinikilig ata siya sa usapan nilang hindi naman nakaka-kilig in the first place.

“Teka, ikaw ba ang gumawa niyan?” turo niya sa hawak nitong eroplano.

“Eto ba?”

“Ay hindi yan. Etong librong hawak ko,” biro ng dalaga. “Siyempre yan.”

“Palabiro ka pala,” tawa naman ng binata. “Oo. Bakit? Naiinip kasi ako kanina kaya nagpunit ako sa binder ko.”

“A-anong papel mo?”

“Maging tagapagligtas mo?” nakangiting sagot nito.

“Papogi ka din e. I mean yung nasa binder mo.”

“Pinapatawa lang kita. Cattleya, bakit?”

‘Cattleya?CattleyaDi kaya siya nga yung nagbibigay sa’kin ng mga yun?’

Hindi na namalayan ng dalaga na napakunot na pala siya ng noo at nahulog sa malalim na pag-iisip.

“Tara na, Dara. Pumasok na si Prof.”

Tahimik lang siyang sumunod sa binata at sa sobrang lagalag ng isip niya ay may nabangga na pala siya pagkahakbang niya. Nagkandahulog ang mga gamit nilang pareho.

“Sorry, miss.”

“Okay lang,” sabi ni Dara habang kinukuha ang mga nahulog na libro at binder.

“Sorry, talaga. Di ko sinasadya.”

Sabi nito ng makatayo sila. Tinignan niya ito at nginitian. Nagulat siya ng mamukhaan ito.

“Di ba ikaw yung kakilala ni Luna?”

“O-Oo. Sige, u-una na’ko.”

Nakayukong lumakad na ito palayo matapos sabihin yun. Pasimpleng inamoy ng dalaga ang sarili.

‘Hindi naman ako mabaho ah? Bakit parang ayaw niya kong kausap. Weird.’

Nagkibit-balikat na lang siya at pumasok sa classroom. Agad naman siyang tinawag ni Gelo at pinaupo siya sa tabi nito.

“Thanks.”

“Your welcome.”

Ginantihan na lang niya ng ngiti ang katabi. Hindi naman ito ganun kagwapuhan pero pasado na sa taste niya. Isa pa, napaka-friendly ng aura nito. Laging nakangiti. At pakiramdam niya ay naa-attract siya dito.

“May malisya na ba yang titig mo, Dara?”

“Wala. A-Ano,” bawi niya ng tingin. “May naalala lang kasi ako.”

“Biro lang,” ngiti ni Gelo. “Ankyut mo pala pag nagba-blush.”

‘Hala ka. Puso ano naBakit bigla ka atang naging Maria Clara?’

Pinili na lang manahimik ni Dara at binuklat ang binder. Uso nga yata ang biglaan ngayon dahil talaga namang nabigla siya dahil may nakaipit na eroplanong papel sa binder niya. Kinuha niya yun at napatingin sa katabi na lumingon din. Ngumiti ito atsaka itinuon muli ang atensyon sa propesor sa unahan.

Agad niyang binuklat yun at tama ang hula niya na may nakasulat nga dun.

‘Daing na binulong sa hangin

Agad natawag ang iyong pansin

Bulong ng pusong naninimdim

Abutin ang iyong damdamin’

Malaki ang mga matang napalingon ulit siya sa katabi na kanina pa pala nakatingin din sa kanya.

“Gelo?”

“Makinig ka sa propesor,” sabi nito na may ngiti sa mga labi.

‘OMG! Kailangan ko ata ng oxygen. Could it be? No, siya lang naman ang may hawak na eroplano kanina. I’m gonna die. As in, now na.’

©kaneng_lameg/11.14

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2: Kissing Bandit

Chapter Two

“Friend!”

Tili niya habang palapit sa kaibigan na nakaupo sa harapan ng library. Napakunot ito ng noo at napatakip ng daliri sa tenga dahil sa lakas ng boses niya.

“OMG! I found him,” yugyog ni Dara sa balikat ni Luna. “Sigurado ako siya yun!”

“Teka lang naman,” pigil ng kaibigan sa pagkokombulsyon niya. “Naa-alog yung utak ko sa kaka-uga mo sa’kin e. Mukha ba’kong gamot sa lagnat? Shake well before use?”

Umayos naman ng upo si Dara sa tabi ng kaibigan habang may nakapagkit na ngiti sa labi.

“Mukhang alam ko na kung sino yung nagpapadala ng mga notes sa’kin, friend.”

“Notes? Yung idinadaan sa airplane na papel?”

“Oo, friend. And you know what?” humawak siya sa braso ng katabi. “We’re classmates. My gosh! Architecture din ang course niya.”

“Akala ko ba hindi uso ang kilig sa’yo, ‘bitch’?” tinaasan ni Luna ng kilay si Dara at diniinan pa ang pagbigkas ng huling salita. “Bakit parang gusto mo ng magbalik loob dahil lang sa eroplanong di ka naman madadala kahit sa Spratlys?”

“Buti pa ako may puso. Ikaw? Waley!” ismid niya sa kaibigan. “Pero friend, iba talaga ‘to. Di ko rin maintindihan yung sarili ko.”

“Kahit ako di rin kita maintindihan e,” iling ni Luna. “Mag-ingat ka. Baka ginogoyo ka lang nun. Alalahanin mo di ka pa nasisingil ni karma sa dami ng atraso mo sa lahi ni Adan.”

“Grabe ka naman!” hampas ng dalaga sa braso ng katabi. “Dapat maging masaya ka kasi magpapaka-bait na’ko.”

“Naku po!” natampal ni Luna ang noo. “Eto na ang sinasabi ko. Oy neng, hinay-hinay ha? Gusto kong mabago ang pananaw mo sa buhay pero gamitin mo pa rin ang utak mo. Wag puro kilig at landi hormones ang paganahin.”

“I know,” sagot niya na napatingin sa relo. “Alis na’ko, friend. Niyaya niya ako mag-lunch e.”

“Psh! Easy to get.”

“Okay na yun. Kesa walang lovelife, katulad mo.”

Napailing na lang si Luna sa papalayong kaibigan.

‘Paanong nangyari yun?’ kunot noo niyang tanong sa isip.

*****

‘Naririnig mo ba ang bulong  ng hangin?

Nagsusumamong dapuan mo man lang ng tingin

Ang abang nakatanghoy sa malayo

Sinusuyo ang minimithing puso’

Automatic na napalinga siya sa paligid. Nasa hallway siya at medyo maraming estudyante ang nandoon. Sa kanan ay nakita niya ang isang grupong maingay na naghaharutan.

Inilibot pa niya ang paningin at natanaw si Mhagz na nakaupo sa loob ng katapat niyang classroom na agad bumawi ng tingin nang nginitian niya. Ang totoo ay naweweirduhan siya sa lalakeng yun. Sa sobrang tahimik mukha ng creepy. Nalaman lang niya na kaklase niya rin pala ito sa isang subject niya nang maisipang magroll call ng Prof nila kahapon.

Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa paligid. Dumapo ang mga mata niya kay RL na buong gilas at tikas na nakatingin at nakangiti sa kanya. Nakaupo ito sa may hagdanan sa may bandang kaliwa niya. Kumaway naman din sa kanya ang katabi nitong lalake na sa pagkakatanda niya ay Ryan ang pangalan. Sinama kasi ni Luna ito minsan sa bahay nila para tignan ng kuya niya kung papasa ba na drummer ng binubuo nilang banda.

Inismiran niya ito at ibinaling ang ulo sa ibang direksyon.

“Hi, Dara.”

Agad siyang napangiti ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Umupo ito sa tabi niya.

“Hi, kamusta?”

“Eto kumakabog ang puso,” nakangiting sagot ng katabi. “Nakita na naman kasi kita.”

“Bolero ka rin pala, Gelo.”

“No, I’m not. Totoo yun, I swear.”

Warning: Kilig meter reached maximum level.

Di alam ni Dara kung maiihi na ba siya sa kilig o ano.

Wala ng duda.

Si Gelo nga ang Mr. Balagtas ng buhay niya.

“Salamat ha?”

“Para saan, Dara?”

“A-ano.. para dito.”

Bahagya niyang itinaas ang hawak na papel. Ngumiti lang ang katabing binata.

“Ang emo mo naman. Wag mo na yan alalahanin,” tumayo ito. “Tara, lakad lakad tayo. Mamaya pa naman ang klase e.”

*****

Ilang araw ang lumipas at mas lalong naging close si Dara at Gelo. Ngunit kasabay nun ay pagtigil  ng mga nakakakilig na notes na animo’y kinalkal pa sa baul ng lola niya.

At namimiss niya yun.

Pero sa isang banda ay okay na rin dahil sa presensiya ng binata.

Ipinakilala na rin niya ito sa mga kaibigan at ano pa bang iniexpect niya sa mga ito? Katakot takot na sermon, advice at panlilibak ang nangyari pagkatapos ng araw na yun. Na hindi naman niya pinansin dahil kinikilig siya pag kasama si Gelo. First time din na tumagal siya sa isang lalake, well hindi pa naman sila pero parang ganun na rin ang turingan na ikinataas ng kilay ng mga galit sa kanya at ikina-trending niya sa loob ng university.

“Baby!”

“Ano na naman bang problema mo, Rowel?”

Rumehistro ang inis sa mukha niya. Kahit saan kasi siya magsuot sa campus ay nakikita niya ang lalakeng ito.

“RL hindi Rowel,” nakangiting pagtatama ng binata. “RL Guevarra. Tandaan mo yung pangalan ko. Dalawang letra na nga lang hindi mo pa matandaan.”

“At bakit ko tatandaan? Siyota ba kita.”

“Hindi pa,” ngisi nito. “Pero, malay mo malapit na.”

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kita type?”

Kung kay Gelo humahampas sa maximum level ang kilig niya, sa isang ‘to parang gusto na lang niya manghampas to the super duper maximum level. Irita overload. Pati landi hormones niya ayaw sa pagmumukha ni RL. Tiklop pag nandiyan ang binata. Nagpunta muna sa moon at nagkape.

“Alam ko naman na di mo talaga ako type,” nginitian siya nito ng pagkatamis-tamis at hinawakan siya sa ulo. Tsaka inilapit ang bibig sa tenga niya. “Kasi mahal mo ‘ko.”

Nangilabot ang dalaga dahil naramdaman niya ang banayad na hininga ng kaharap sa kanyang leeg dahilan para hampasin niya ito ng dalang bag.

“Ang kapal ng mukha mo talaga!” inis na tili niya dito. “Mas makapal pa sa make-up  ko. Bwiset! Ano bang problema mo sa buhay at ako ang pinagdidiskitahan mo, ha?!”

“Dalawa lang naman ang problema ko e,” ngisi nito. “Una, yung araw-araw na magising na gwapo at hinahabol ng mga babae. Pangalawa, e yung isipin kung anong meron diyan sa puso mo.”

“Ha? A-Anong-”

 “May butas ba ang puso mo, Dara?” seryosong tanong ng binata ngunit maya-maya’y unti-unting sumilay ang mga ngisi sa labi. “Na-trap kasi ako e. I can’t find my way out.”

Sa sandaling yun ay tila gusto umikot ng paningin ni Dara. Umakyat na kasi ang dugo niya sa utak. Daig pa ang cholesterol sa lakas maka-highblood.

“Leche! Bwiset ka! Dapat sa’yo ipatapon sa sun. Di ka nakakatulong sa Pilipinas!”

Malakas na hinampas niya ng paulit-ulit ang binata na panay salag at tumatawa.

“That’s enough. Nasasaktan na’ko. Anlaki kaya ng bag mo.”

“Bagay lang sa’yo yan para maalog yang utak mong walang laman kundi magpaduding! Bwiset ka!”

“Pag di ka tumigil hahalikan kita.”

“Subukan mo ng maisubsob kita.”

“Di bale ng masubsob,” hawak ni RL sa magkabilang braso ng dalaga na ikinatigil nito. Inilapit nito ang mukha ni Dara. “Basta sakto sa labi mo.”

Uminit ang pisngi ni Dara hindi dahil sobrang lapit ng mukha nila at sa sinabi nito kundi parang gusto niyang tuhurin ito at tadyakan.  

Nang paulit-ulit.

‘Kadiri! Aids layuan mo’ko.’

Walang anu-anong tinuhod niya ito sa ‘where-the-party-at’ part ng katawan nito sabay mabilis na lumakad palayo. Nasapo ni RL ang parteng yun at napaluhod sa semento.

“Tsansing!” sigaw ng binata kahit na namimilipit na sa sakit.

“Woooh!” lapit sa kanya ni Ryan na pababa ng hagdan at tinapik siya sa balikat. “Score pa more, brad.”

“Gago!” sagot niya sa biro ng kaibigan. “Hindi ko naman hahalikan yun talaga.”

Iiling-iling na inalalayan siya nitong tumayo.

“Bakit ba kasi nagpipilit ka dun? Andami namang babae,” ngiti ni Ryan. “Katulad ni Audrey. Na nandiyan sa likod mo ngayon at paparating.”

Umayos ng tayo si RL at ngumiti ng lingunin ang dalaga kahit na ba ang totoo ay sobrang sakit pa rin ng ‘little friend’ niya.

“Hi, guys.”

“San ka papunta, dear Audrey?” tanong ni Ryan.

“Pauwi na sana. Kayo?”

“Sa tambayan. May meeting daw kami e,” sagot ni RL. “Tara sabay ka na sa’min.”

****

“Tsansing?! Ako pa talaga ang manyakis ngayon?” iritang bulong niya sa sarili. Di kasi nakaligtas sa pandinig niya ang sinigaw ni RL. “Nakakapagsalita pa talaga ang hinayupak. Dapat pala dinalawa ko ng mawalan na siya ng kinabukasan!”

Lalo pa siyang nainis ng lingunin niya ito at maayos ng nakakapaglakad kasama ng isang babae.

“Grr! Babaero talaga!”

“Wala akong babae, swear.”

Kunot noo niyang lingon muli sa harap niya. Nakangiting Gelo ang bumungad sa kanya. Walang nagawa ang puso niya kundi mapangiti na rin. Mas malaki pa rin ang kilig niya kay Gelo kesa sa inis niya kay RL.

“Yan. Mas maganda ka pag nakangiti.”

“Makabola ka naman wagas.”

‘Eeeeehh..Ano ba kinikilig ako.’

“Hindi nga ako marunong magbasketball, mambola pa kaya?” biro pa ng binata. “Totoo yun.”

“You know what, Gelo?” sabi niyang pilit itinatago ang kilig. “Architect ka nga. Ang galing mo mag-drawing.”

“Malapit na nga deadline ng pasahan, hindi mo pa rin ako sinasagot e.”

“Deadline?”

“Wala. Kailan mo ba’ko sasagutin?”

“Soon.”

Nakangiting sabi ni Dara.

“Tara na nga. Ihatid na kita sa inyo.”

*****

“Una na’ko sa inyo guys,” nakangiting paalam ni Dara matapos mag-ayos ng buhok at mukha.

Nasa tapat sila ng library na paborito nilang tambayan pag bakante ang oras nila. Kanina pa talaga siya pinag-uusapan sa tingin nina Luna at Anika dahil kulang na lang ay dalhin nila sa mental hospital ang kaibigan. Ngumingiti kasi ito mag-isa.

“San ka naman pupunta? Bagong booking?” tanong ni Luna.

“Sa puso ni Gelo, ibibigay ang matamis kong ‘Oo’.” Nakangiti pa ring sagot ni Dara na binati pa ang nakasalubong na binata. “Hi, Rhaz. Ang guwapo mo sa kulay red.”

Nagkatinginan lalo ang dalawang kaibigan niya na tinabihan ni Rhaz. Nakakunot noo rin nitong hinatid ng tingin ang papalayong si Dara na kulang na lang ay lumukso-lukso sa paglalakad.

“Anong kinain nun at nang mapakain din dito kay Rhaz,” iiling-iling na tanong ni Luna. “Gusto mo ba nun, bespren? Para sumaya naman yang buhay mo. Gwapo daw sa kulay red e ang negro mo kaya. ”

“Tss,” dedma sa kanya ng binata na humalukipkip lang at sumandal.

“Hayaan mo na, babe. Baka tinamaan talaga ni Kupido,” sabi ni Anika na pinagpatuloy ang pagbabasa.

“Ano bang nakita niya sa Gelo na yun? Tsaka sigurado ba siya na yun si Mr. Balagtas na nagpapadala ng pahaging sa hangin?Psh.”

“Wag mong sabihing type mo si Gelo at nanggagalaiti ka diyan?”

“Babe naman. Asan ang hustisya diyan sa sinasabi mo?” kunot noong sagot ni Luna na kinuha ang cellphone sa bag pagdaka’y bumaling sa katabi habang nagtetext. “Oy, bespren. Ayaw mo ba talagang magbanda ulit? Pogi points din yun.”

“Tss. I don’t give a damn.”

“Puro ka ‘tss.’ Tssipain kita diyan e. Hindi ako nanghihingi ng dam,” gulo niya sa buhok ng binata. “Bahala ka. Ang KJ mo talaga.”

 

****

Excited siyang naglakad patungo sa Engineering building kung saan niya sosorpresahin si Gelo. Dumerecho siya sa likod dahil sabi ng pinagtanungan niya ay dun daw ito papunta kanina.

‘This is it, Dara. Follow your heart.’

Kumakabog ang puso niya sa bawat hakbang niya. Ngayon pa lang kasi siya magseseryoso sa isang relasyon at ganito pala ka-intense ang feeling.

Lumukso lalo ang puso niya ng mahagip ng mata niya si Gelo na nakaupo sa upuan na nakatambak dun. Tatawagin na sana niya ito ng bigla itong tumayo at ngumiti.

Ngunit hindi sa kanya.

Kundi sa babaeng bumaba sa hagdanan. Sinalubong ito ng binata at nagulantang siya sa sumunod na eksena. Nagyakapan ang mga ito at naghalikan na para bang wala ng bukas.

‘Alalahanin mo, di ka pa nasisingil ng karma sa mga atraso mo sa lahi ni Adan.’

“Eto na ba yung sinasabi ni Luna?” tanong niya sa sarili nang maalala ang sinabi ng kaibigan.

 Nanikip ang kanyang dibdib. Gusto niyang umiyak dahil nasasaktan siya.

Pero hindi niya magawa dahil nakakapagtakang hindi naman puso niya ang naapakan ng walanghiyang Gelo na yun.

Kundi ang pride niya.

Ang dakilang playgirl at bitch na si Sandara Chrissele Vergara nagoyo lang ng isang di kagwapuhang nilalang?

Hiyang-hiya naman ang inner goddess niya at nag-susumigaw ng katarungan!

“Hey, Gelo.”

Mabilis na naghiwalay ang dalawang naglalampungan ng may mga dumating.

“Pare, wrong timing naman kayo talaga o!” biro ni Gelo na umakbay sa kasamang babae at nakipag-kamay sa mga dumating.

Naningkit ang mata ni Dara na napasiksik sa pinagtataguan nang makilala yung dalawang lalake.

Sina Caloy at Fred.

‘Nagsama-sama ang mga manyak!’ gigil na sambit niya sa sarili.

“Anlapit lang kasi ng hotel dito pa kayo,” sabi ni Caloy.

“Nagtitipid ata ‘pre,” sagot naman ni Fred. “Remember, magbabayad pa yan sa’tin. Olats din ang gago.”

Tumawa naman si Caloy sa napakamot na si Gelo.

“Sabi ko naman sa’yo di uubra yang mga pa-good boy effect mo sa Dara na yun,” sabi nito. “Dapat talaga dun dinadahas e.”

“E, kung ini-extend niyo pa kasi kahit ng mga ilang araw ang deadline ko, sana may pang-date na kami nito ni Minsie. Bibigay na yun e. Sakyan ko ba naman yung pagkahumaling niya sa eroplano.”

‘Pinagpustahan niyo pala ang beauty ko, ganun? Lintik lang talaga ang walang ganti!’

Bitch mode activated.

Umayos siya ng tayo at taas noong naglakad papunta sa mga nagtatawanang ulupong. Nakita niyang nagulat si Gelo dahil tinanggal nito ang braso sa balikat ng babae. Napangisi naman si Caloy at Fred.

“Magkano pala ang at stake pag napasagot mo ko, Mr. Angelo ‘Manloloko’ Aldovar?” mataray niyang tanong na hinawi pa ang makintab at malambot niyang buhok para magmaganda kay Minsie na umirap sa kanya. Aba, nag-creamsilk ata siya.

“Let me explain,” sabi ni Gelo.

“Just answer my question, loser. Magkano?”

“Labs ang init ng ulo mo,” nakangising lapit ni Caloy na lalapit sana sa dalaga para umakbay.

“Hold it, punggok!” taas niya ng palad sa mukha nito. “Wag na wag mong ilalapat sa balat ko ang nakakadiri mong katawan. Magkano nga?”

“Dalawang libo,” iritang sagot ni Fred. “At yang katawan mo. Andami mo pa kasing arte. e kung naging mabait ka lang sana samin hindi ka namin pagpupustahan.”

“Ganun na ba kayo naglalaway sa katawan ko?” mahinang tawa ni Dara. “Pathetic. Sorry na lang guys, you don’t deserve this.”

Namewang pa siya at lalong ipinakita ang hubog ng katawan sa suot na fitted pants at sleeveless blouse.

“Dahil losers naman kayo, pagtyagaan niyo na lang yang isang yan. Tutal from the looks of her, willing naman siya ipamigay sa charity ang gasgas na puri niya.”

“You bitch! Wala kang karapatan na insultuhin ako ng ganyan,” lalapit sana ito at sasampalin si Dara ngunit pinigilan ni Gelo. “Nagmamalinis ka pa. E kung hindi ko pa alam ang mga tsismis sa’yo, whore.”

“I don’t really care. Not a bit,” ngiti ni Dara. “Sa tingin mo ba kung totoo yun, tutulo ba ang laway ng mga yan na parang mga ulul na aso maamoy lang ako?”

“Aba’t talagang ginagalit mo kong babae ka ha!”

Mabilis na lumapit si Caloy sa dalaga ngunit mas mabilis ang kilos ni Dara. Nawisikan niya agad ng pepper spray ang pagmumukha ng binata na ikina-atras nito sapo ang mukha.

“I swear, I’m gonna kill you bitch!”

“Go! Push mo yan punggok,” sarcastic na sabi ni Dara at bumaling kay Gelo. “Thank you ha? Mag-teatro ka baka sakaling sumikat ka. Ang galing mong umarte.”

Nadagdagan pa ang inis ng dalaga ng ngumisi ito.

“Wag mo’kong sisihin kung nagpauto ka,” mayabang na sabi  nito. “Aminin mo man o hindi, konti na lang bibigay ka na. No hurt feelings, pero hindi ko kasi type yung mga katulad mo.”

Tumaas ang kilay niya hanggang outerspace sa sinabi nito. Mukhang kaka-vulcanized lang ng tuktok nito. Nasobrahan sa hangin.

“Well, masyado na kasi akong bored dahil puro gwapo ang umaaligid sa’kin kaya sinubukan ko naman makipaglandian sa panget,” maldita niyang sagot. “Nakakasuka pala.”

“Iniinsulto mo ba ang boyfriend ko?”

“Ooops! Tinamaan ka din ba? Pasensya na ha? And Gelo wag ka din sana maging bitter kung kahit lips ko hindi mo makuha. ”

“Hinahamon mo ba’ko?”

“Sandara!”

Mabilis siyang napalingon pero hindi niya masyadong napasadahan ng tingin ito dahil ibinalik niya ang paningin kay Gelo dahil baka dambahin na lang siya nito bigla sa inis.

‘Hulog ng langit! Sino bang magsasabing ang creepy na si Mhagz ang sasagip sa beauty ko.’

Sigurado siya si Mhagz yun dahil ito lang naman ang may gitara lagi sa likod. Agad niyang hinawakan sa braso ang dumating nang maramdaman niya ito sa tabi niya.

“Oh, hindi kita hinahamon Gelo,” sabi niya. “Yung kiss na hinihingi mo nung isang araw? Ibibigay ko yun. Pero, hindi sa’yo.”

‘For the sake of bitchiness. Makaganti man lang sa panloloko mo.’

“Kundi dito sa katabi ko.”

Pagkatapos sabihin yun ay walang dalawang isip na hinawakan niya sa batok ang binatang katabi at pikit matang hinalikan ito sa labi habang nakatingkayad ang mga paa.

Hindi niya alam kung bakit niya ginawa yun.

Siguro dahil galit siya at napaglaruan ang pride niya.

Well, hindi na rin masama at mukhang matino namang tao ang lalakeng kadikit ng labi niya ngayon. Hindi na rin niya pagsisisihan na isinakripisyo niya ang kanyang first kiss para lang makaganti sa tukmol na si Gelo.

Pero, bakit parang may something siyang nararamdaman?

Parang may maliliit na kuryenteng dumaloy mula sa labi nitong ang bango-bango papunta sa katawan niya that made her heart slammed through her chest. Sa sobrang aligaga nun, masakit na at hindi na siya makahinga.

Ang init ng mga labi nito na at para bang pamilyar na pamilyar sa kanya ang sensasyong nararamdaman.

Naramdaman niya ang pagkilos ng mga kamay nito na humapit sa kanyang bewang.

‘My gosh! Is this really for real?’

It felt almost like a dream.

Mabilis niyang inilayo ang labi at iminulat ang mga mata. At napagtanto niyang hindi pala yun isang panaginip.

 Kundi isang bangungot.

Dahil nakangiting mukha ni RL ang bumungad sa kanya na tila ba nanalo sa lotto habang siya ay ilang libong ulit na naglaslas sa utak niya. At pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa ginawa niyang kagagahan.

“Kissing bandit,” nakangisi nitong sabi. “Now, it’s my turn. Babawiin ko lang ang ninakaw mo, Sandy.”

Her heart skipped a beat when her eyes met his gaze. Parang may kung ano sa klase ng titig nito sa kanya.

Masuyong hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at sinakop muli ang kanyang mga labi.

And to her surprise, she found herself returning the kiss.

 

©kaneng_lameg/11.14

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like MARCI CARBONELL's other books...