Diary ni Gelie

 

Tablo reader up chevron

Panimula

 

Alam mo yung feeling na..

Pinagkatiwala mo na sa kanya yung buo mong puso pero sa huli, SASAKTAN ka lang pala nya. .

Ang sakit .. Pero kailangang tanggapin..

Kasi kung di mo tatanggapin, lalo mo lang sasaktan ang sarili mo..

-Gelie </3

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Unang Pahina

Naranasan mo na bang mainlove sa isang taong di mo aakalaing mamahalin mo ng sobra??

Ako naranasan ko na eh..

Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa kanya, ni hindi ko nga inexpect na mahuhulog ang loob ko sa kanya...

Ikukwento ko sa inyo kung paano nangyaring nagkagusto ako sa isang taong .. KINAIINISAN KO SIMULA PA LANG NOONG UNA ...

Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Gelie.

Isa akong .. sabihin na nating ... may ugaling MALDITA at MATARAY.

Nag-aaral ako  sa isang Catholic School

3rd year high school ako.

Well, madaming tao ang may ayaw sa akin.

Masama daw kasi ang ugali ko , masungit,mataray, maldita, etc. etc ..  Haistt.. Ok lang naman sa akin kung ayaw nila sa akin eh, wala na akong pakialam

Eh kasi naman, nasanay na ako. Kahit naman anong gawin mo, marami pa ding masasabi ang mga taong nakapaligid sayo. Pag gumawa ka ng mabuti o gumawa ka ng masama, pare-pareho lang ang sinasabi nila. Minsan nga naiisip ko, bakit kaya may ganung tao? Imbes na punahin nila yung sarili nila, mas inuuna nilang punahin ang kapwa nila. Tsk. Tsk.

Kahit madaming taong ayaw sa akin, meron din namang may gusto sa ugali ko. Iyan ay ang pinsan kong loka-loka na si Anna, at ang dalawa kong kaibigan na si Sam at Alex. Minsan nga, tinanong ko kung bakit nila ako napiling maging kaibigan. Ang sabi nila, masyado daw kasi akong prangka at di marunong magsinungaling. Gusto nila akong maging kaibigan kasi daw, TOTOO akong TAO.

Nag-iisa akong anak ni Mama. Wala na din akong Papa, namatay na siya noong five years old ako because of stroke. Di ko na nga masyadong matandaan ang mukha ni Papa kasi itinago na ni Mama ang lahat ng picture ni Papa. Siguro dahil nasasaktan pa din siya sa pagkawala ni Papa. Anyway..

Wala nga pala akong boyfriend. Ang totoo niyan, madaming nanliligaw sa akin ang kaso, mga duwag. Eh kasi naman, pag nalaman kong may gusto sa akin ang isang lalaki, pinaprangka ko na. At least alam na nila ang ugali ko.  Mayroon namang mga naglalakas loob na ligawan ako pero binabasted ko lang. Kakabored kasi. Kung may sinasagot man ako, hindi ko sineseryoso. Saka di rin naman kami natagal. Bine-break ko na din kasi.

Oo nga pala, may boyfriend pala ako. . . sa Txt .. Si Mike. Taga-probinsya namin siya, matagal na daw niya akong gusto kaya sinagot ko kahit wala naman akong nararamdaman para sa kanya.

Meron din pala akong secret ADmirer. Secret admirer ang tawag ko, kasi sabi nila Anna gwapo daw yun. Yah, sila Anna ang may kakilala sa secret admirer ko . Lagi akong binibigyan ng bulaklak at chocolate ni Mr. Admirer. Minsan naman pag recess, makakakita na lang ako ng pagkain sa bag ko. Minsan tuloy nacu-curious ako kung sino yung nag bibigay sa akin noon eh. KAso ayaw sabihin nila Sam, baka daw sungitan ko lang. Sabi naman ni Alex, pag nagkaroon na daw ng lakas ng loob. Pero sa loob-loob ko, mayroon akong taong ine-expect na magbibigay ng mga bagaya na iyon. Walang iba kundi si Kuya Lance...

Nandito nga pala ako ngayon sa loob ng room, nag-aantay ng prof. namin. As usual, late na naman siya.. =___=

"Gelie !!!!"

napalingon ako bigla ng marinig ko ang isang kilalang boses..

Automatic akong napangiti ng makita ko ang paglapit ni Kuya Lance sa akin.

"Kuya, Aga natin ah," nakangiti kong sabi. Tinabihan ako ni Kuya saka ako inakbayan.

"Syempre, ayokong ma-late eh."

"Malamang, kaya ka nga maagang pumasok eh. " - (^__^)

"Ayy ... Binabara agad ako.." - (>3<)

"Hehe, joke lang." - (^_____^)V

"Asan nga pala ang mga BFF mo ha?"

"Wala pa. As usual, mukhang male-late na naman ata."

"Speaking of BFF .. ayan nasila oh." sabay nguso ni Kuya Lance sa may pinto.

Paglingon ko, nakita ko ang pagpasok ng 3 kong kaibigan .. habang may hawak na .. BULAKLAK???

"Oh, para sayo," nakangising sabi ni Anna sabay abot sa akin ng bulaklak.

"Bakit, manliligaw ba kita?" biro ko

"Loka-loka, bigay ni Mr. Admirer sayo," - Anna

"Na naman?" - AKo

"Yah.. Na NAMAN .. HEhe." - Alex

"Ang sweet niya noh? Gwapo pa!" - Sam

"Kayo lang naman ang may kakilala doon eh," - AKo

"Syempre natatakot sayo, mukha ka kasing laging kakain ng tao eh! AHAHA !!" - Anna

"So, kasalanan ko pa?" - Ako

"OO !!" - silang tatlo.

Sabay- sabay pa silang tumawa. Sumali pa itong si Kuya Lance. Haist ...

"GOOD MORNING CLASSMATES !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Oh, oh .. Boses pa lang, alam ko na agad kung sino itong HINAYUPAK na ito. Nakita kong tumingin sya bigla sa akin.

"Good morning, Miss Sungit !!" sabay ngisi. Tiningnan ko siya agad ng masama.

"Walang good sa morning pag ikaw ang makikita ko." sabi ko sa bay irap sa kanya. Kainis talaga 'yung mukha nya. Nakaka-aduwa.

"Bakit, sobrang gwapo ko ba?" sabay tabi niya sa akin.

"Lumayo-layo ka nga sakin, sisirain mo na naman ang araw ko."

"Eh di maganda! HEHE!!"

"Sayo lang maganda, shunga."

"Sus, ang arte nito."

"Pakialam mo ba, naaalibadbaran ako sa mukha mo. Lumayas ka nga, chupi!!"

"Sus, naga-gwapuhan ka lang sa akin eh."

"Kapal ng mukha mo ah, feeling ka."

"Hehe, choosy ka pa."

"Alam mo, ang kapal na nga ng mukha mo, ang gaspang pa!"

"Gwapo naman talaga ako ah."

"Saan banda?"

"Sa mukha."

"Hindi ka mukhang tao , tange. Mukha kang Hayop."

"Hayop? Agad? Akala mo naman maganda ka."

"Bakit, sinabi ko ba?

"Hindi."

"Hindi naman pala eh."

"Hindi naman pala eh."

"Tigilan mo nga ako"

"Tigilan mo nga ako"

"Sige, gayahin mo pa ako."

"Sige, gayahin mo pa ako -- Aray!!!"

(Bigla ko kasi siyang hinampas)

"Bakit ka nanghahampas?" - sabi nya habang hinihimas ang braso niya.

"Bwisit ka kasi."

"Pikunin na nga, sadista pa."

Nang iaakto kong hampasin ulit siya ng tumayo na siya at lumayo bigla sa akin.

"Hehe, Pikunin !!!" sabay takbo niya sa labas ng room namin.

" BWISIT KA TALAGA !!! MAMATAY KA NA SANA !!!!!!! ARGGGHH !!!!!!!"

ARRGGGHHH !!!! Bwisit talaga ! Mamatay ka na sana, Rafael ka!! Oo nga pala, si Rafael iyan. Ang pinaka nakakabwisit na lalaking nakilala ko. Simula first year pa lang, kaklase ko na siya kaya simula pa lang nung first year, bwisit na talaga siya. Ewan ko ba, ayoko talaga sa kanya. Bukod sa mapang-asar, ang yabang-yabang pa. GRRRRR !!!!!!! Bakit kasi di pa siya mamatay eh !! Bwisit talaga! Bwisit !!! >_____<

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Pangalawang Pahina

Maraming bagay sa mundo ang di mo mae-expect na mangyayari. Naranasan mo na ba yung feeling na.. may bigla kang matutuklasan araw na halos isumpa mo na ang lahat ng tao sa paligid mo??

Ang araw na iyon.. Ang dahilan kung bakit madami akong mararanasan at malalaman sa buo kong pagkatao..

I Hate everything !! I hate all !!

Nandito ako ngayon sa may tabi ng daan sa loob ng school ko. Umiiyak. Ayoko na talaga sa mundo. Galit ako sa mundo, galit ako sa lahat ng tao. Lalong-lalo na sa Mama ko. ..

Flashback....

"No, Ma!! You can't marry him!" galit kong sabi kay Mama ng sabihin niya sa aking pakakasalan niya si Tito Darwin.

"And why not? Mabait naman ang Tito mo ah."

"Ayoko sa kanya Ma! Pera mo lang ang habol niya!"

"Gelie, wag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi ganyan ang Tito Darwin mo."

"Hindi? Ha! Wow naman. Eh anong ie-expext mo na isipin ko Ma? Na pakakasalan ka niya dahil mahal ka niya?"

"Nagmamahalan kami, Gelie. Kaya stop talking like a brat!"

"Brat? Ang sabihin mo, gusto mo lang may pumalit sa pwesto ni Papa! Pero kahit magpakasal kayo, hinding-hindi niya mapapalitan ang pwesto ni Papa. Hindi ng katulad niyang hampas-lupa!!"

PAAAKKKK!!!!!!!!!!

Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang lakas ng sampal ni Mama sa akin. Bigla niya akong dinuro.

"Wag na wag mong pagsasalitaan ang Tito mo ng ganyan! Anak lang kita, kaya kahit anong gawin mo, ang desisyon ko ang masusunod! Maliwanag?!"

End of Flashback ...

Humahagulgol na akong mag-isa. Wala na akong pakialam kong nagmumukha na akong tanga sa kakaiyak. Nasaktan ako, Oo .. Pero hindi dahil sa sampal ni Mama, kundi sa mga salitang binitawan niya sa akin. Bakit ganun, ganun na lang ba kadaling palitan si Papa? Pati ako ipagpapalit niya? Shit! Ang sakit!

"Gelie, tumayo ka na dyan."

Pagtingala ko, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kuya Lance. Pero imbes na sundin ko siya, hinampas ko ang nakahawak niyang kamay sa balikat ko.

"Pwede ba , Kuya? Layuan mo nga muna ako, gusto kong mapag-isa!!"

Kapag kasi galit ako, ayokong may lumalapit sa akin. Ayokong may naaawa sa akin. Wala din akong sinasabihan ng mga problema ko, kaya ayokong nandito si Kuya Lance.

"Pero Gelie, Uulan na. Tumayo ka na dyan, baka magkasakit ka pa."

"Umalis ka nga sabi eh! Alis !! ALISSSSSSS!!! "

Sigaw ko. Walang nagawa si Kuya kundi ang umalis. Humagulgol pa akong lalo. Kainis !

Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng mga ulan sa buo kong katawan. Wala na akong pakialam kung umuulan. Wala na din akong pakialam kung magkasakit ako. Gusto ko ng mamatay. INis!!!!

Napatigil ako sa paghagulgol ng maramdaman kong tumigil ang pagtulo ng ulan sa katawan ko, pagtingin ko ay pinapayungan na pala ako ni Kuya Lance.

"Bakit ka ba naandito?!"

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo eh!"

"Pakialam mo ba! Umalis ka na nga!"

"Ayoko, baka mapatay pa ako nung isa."

"Ano?! Umalis ka na dito ,pwede?!"

"Ayoko!"

"Bahala ka nga!"

At pinagpatuloy ko na lang ang pag-iyak ko hanggang sa magsawa ako. Bigla akong tumayo ng mag-sawa ako.

"San ka pupunta?"

"Uuwi na."

"Ihahatid na kita."

"Wag na, kaya ko, ok?"

"Basta, ihahatid kita."

"Bahala ka nga!!"

AT hinatid na nga ako ni Kuya Lance. Pagdating ko sa bahay ay dare-daretso ako sa kwarto ko. Pero kinagabihan, lumabas din ako at pumunta ako sa playground kung saan malapit sa bahay namin. Sakto. Walang katao-tao sa paligid. Tahimik akong naupo sa swing., Nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa may ilalim ng slide.

Bigla kong naalala ang mga kwento na may multo daw dito sa playground. Pero di naman ako naniniwala kaya minabuti kong lumapit sa may slide.

"Sino ang naandiyan?"

TOINK!!!

Pagkakita ko, nakita ko si Rafael sa ilalim ng slide habang hawak-hawak ang ulo. Mukhang nauntog pa yata. Buti nga sayo..

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong sabi.

Imbes na sumagot ay tumayo siya at lumapit sa akin. Seryoso ang mukha niya.

"Gelie, pwede ba tayong mag-usap?"

Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso. Tumango ako saka naunang naupo sa may swing. Naupo naman siya sa tabi ng swing ko.

"Ok ka lang?" tanong niya bigla.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging ok?"

"Umiiyak ka pa rin ba?"

Bigla akong napatingin sa kanya . Nakatingin lang din siya sa akin.

"P-PAano mo nalaman?"

"Naandun ako kanina."

"Psh .. Ano namang ginagawa mo dun? Stalker ba kita?"

"Hindi.. Secret admirer mo lang ako."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Secret Admirer? You mean..

"S-Secret admirer? Y-You mean .."

"Yah .. Ako nga 'yun."

Biglang umurong ang dila ko. Di ko alam ang sasabihin ko. Si Rafael? Secret Admirer ko? Un believable. Tumingin ako bigla sa may daan. Umiwas ako ng tingin.

"B-BAkit?"

Inantay ko ang sagot niya, pero walang sagot. Bigla akong nagulat ng maramdaman ang biglang pagdampi ng isang bagay sa labi ko.. No .. H-Hinalikan niya ako..

Nang tumingin ako sa kanya, nakaluhod siya sa harap ko habang umiiyak. Hawak-hawak niya ang kamay ko. Ano ito??

"G-Gelie.. Wag kang magalit sa akin kung di ko pinagtapat sayo. Natatakot lang kasi ako na baka bigla kang umiwas pag nagtapat ako sayo. Ayokong lumayo ka sa akin, mahal na mahal kita Gelie.."

"B-Bakit? P-Paanong.."

"Kinutsyaba ko sila Anna na gawin iyon para sa akin. Sinabi kong magpapakilala naman ako sa iyo sa pagdating ng panahon eh. Pero di ko na kayang magtago. Di ko na kayang itago ang nararamdaman ko para sayo.."

"Kailan pa?"

"Simula pa noong grade 6 ako. Naging ka-school mate kita noon. At.. may gusto na talaga ako sa iyo simula pa noon. Kaya nung malaman kong dito ka papasok, nagpalit ako. Gusto kong lagi kitang nakikita, nakakausap. Kaya kahit ayaw kong asarin ka, ginagawa ko para lang makausap kita. Alam ko kasing di ka msyadong palakaibigan. Sorry, Gelie.. Sorry.."

Tinitingnan ko lang siya. Parang di kasi kapani-paniwala ang nangyayari. So, kaya pala niya ako laging inaasar, dahil pala dun. Nakakatawang isipin..

Naramdaman ko na lang ulit ang paghalik niya sa akin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam ang mararamdaman at sasabihin ko sa mga oras na iyon ....

Matapos ng pangyayaring iyon, minabuti kong sagutin si Rafael. Binreak ko si Mike. Ayoko kasing man-timer. Kahit medyo nakokonsensya ako, kailan kog gawin. Mas mabuti na iyon kaysa lokohin ko silang dalawa.

Kahit di ko alam ang nararamdaman ko para kay Rafael, naging KAMI..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Pangatlong Pahina

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Huling Pahina

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Mar Ina's other books...