Project: Deviante

 

Tablo reader up chevron

Part I

 

meiamysty stories
"Project: Deviante"

 

Part I:
Downfall of the Young Hope

 

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 1

"Ang galing mo naman, ikaw gumawa nito?" napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa seatmate kong nakatingin sa poem notebook ko. Scratch that, binubuklat ang notebook ko.

Bigla akong kinabahan at baka makapunta siya sa classified section ng notebook ko pero buti na lang at nilapag na niya iyon sa desk ko.

"Ah. Oo eh. Salamat." Sabi ko sabay ligpit sa mga gamit ko nung natapos ko na yung seatwork namin at ipinasa sa aming class representative iyong paper ko. Wala kasi ang prof namin pero nag-iwan siya ng gagawin namin for this day.

"Bakit hindi mo i-post to sa Wattpad? Tapos gawa ka na rin ng storya? For sure million reads ka kaagad atsaka makukuha ka kaagad ng publisher."

Kinagat ko ang labi ko habang ipinapasok sa loob ng bag ang mga gamit ko.

"Wattpad?" Patay malisya kong tanong.

"Oo. Yung online writing platform. Marami na ngang nakukuhang stories doon na napa-published na eh," patuloy niyang paliwanag habang nililingkis ko ang bag ko sa balikat ko at naglalakad na palabas ng classroom namin.

"Thank you sa info. Pag-iisipan ko," sabi ko dito sabay ngiti.

Nang nakalabas na ako ng classroom at papunta sa Skyvale freedom hall para sana magpalipas oras sa mahaba kong break ay parang nag slow motion ang paligid ko except for myself. Patuloy pa rin ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ko ang paligid na naka slow motion. It's a fascinating view. Kitang-kita mo ang mga expressions and gestures nila.

Then eventually, nag freeze ang lahat. Napahinto ang paglalakad ko at napaawang ang labi ko. Umikot ako para makita ang paligid. They are like statues!

Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay may nakita akong movements kaya napatingin ako kung saan iyon galing.

Dalawang tao from different directions ang papasalubong sa isa't isa without them noticing because they are too engrossed on their own worlds. Ang lalaki ay tila may hinahanap sa bag at ang babae ay may binabasang notes. And they are both in slow motion!

Dahan-dahan akong napangiti habang sinasaksihan ang eksena. After they bumped on each other and they traded glances, biglang bumalik ang normal pace.

Napakurap-kurap ako at tinitigan ulit ang dalawang tao kanina pero nawala na sila sa pwesto nila kanina.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

I am experiencing that again. Might as well write it down to my classified section.

--

Habang nagsusulat ako ay napapalingon ako sa katapat ko sa freedom hall na panay ang tapik sa table na unfortunately ang magka-share kami habang may ginagawa siya sa mga gadgets niya. From phone, to tablet, to laptop ay ang busy niya. Somehow, I am amazed sa multi-tasking niya, but still, the sound he produce is very annoying.

Tumigil ako sa pagsusulat at tinapik ang table. Napatingin ito sa akin saglit at may kinalikot lang sandali sa mga gadgets niya before ibigay sa akin ang full attention niya.

I wish hindi ko na lang pala kinuha ang atensyon niya. His full attention on me is very intimidating!

Tumango ito sa akin. "It's you again, Minimalist."

Napakunot ang noo ko sa kanya. "Huh?"

Sumandal siya sa sandalan ng upuan niya. "Notebook. Minimalist?"

Napatingin ako sa cover ng notebook ko. "Oh."

"Before you freak out, mind to remind you that we've been seated here same place, same time for three weeks in a row without minding each other's business," sabi niya sabay balik sa ginagawa niya.

"Really?" Oh. Masyado ata akong nakakulong sa sariling mundo ko at hindi ko siya napapansin... sort of. Napansin ko siya ngayon.

"Ahm. So... Pwede bang paki minimize yung ahm tapik?"

Napatingin siya sa akin at sumimangot.  Kinagat ko ang ballpen ko at ginaya ang ginagawa niya kanina. May hint ng smile akong nakita sa kanya habang nakatingin pa rin sa akin pero nawala agad iyon. Sumaludo siya sa akin at bumalik sa ginagawa niya.

Bumalik ako sa ginagawa ko. Nang makita kong tapos ko na pala ang outline ay kinuha ko ang phone ko at binuksan ang isang app para mag-type.

"You write stories, hmm?"

Tinignan ko siya saglit bago bumalik sa ginagawa ko.

"It's still a mystery to me that you chose to hide the outline of your stories and make the poems the front."

Napatigil ako sa pagtatype at binaling sa kanya ang atensyon ko. Nakapatay na ang lahat ng gadgets niya at nasa akin ang atensyon niya.

Lumunok ako at ngumiti. "Paano---"

"Tuwing dumarating ako dito, lagi mo tinitigan yung mga poems mo then pupunta ka sa isang section ng notebook na yan. Then magtatype ka sa phone mo."

"Okay, mister." Ngumiti ako sa kanya at tinitigan ang phone ko.

"Ewan ko ba. I love sharing my poems pero nahihiya akong i-share ang stories ko. Hmm. Ay hindi pala. Maybe it's my identity. Pag sa poems, okay lang pero pag sa stories, parang alinlangan ako," nanlaki ang mata ko, "Sorry sa biglaang  pag-share ko. Maybe because we're strangers. Ang dali lang mag open ng mga ganitong bagay na ayaw kong i-share sa mga kakilala ko. Hmm. I'm deviant like that, I think."

Ngumiti siya sa akin at nag-tap ulit sa lamesa. "Are you not feeling threatened that I might share this info? And saan mo nga pala nilalagay lahat ng stories mo?"

Tinitigan ko siya. "No. I think you're not that kind of person. Hmm. Notes ganun. Nilalagay ko rin sa Tablo app. Wattpad rin."

He raised his both eyebrows and pouted a little. Oh stop. This man is adorable! Oooops.

"I guess you are living it out sa pen name mo rather than recognition of your true self."

Nagkibit balikat ako. "Maybe."

Tinanguan ko ang mga gadgets niya. "So sa three weeks row na andito tayo sa table na ito, same time, same place and masyado akong... engrossed sa mundo ko, ano yang business mo? I mean, you know my business."

"Some stuff." Ngumiti ito nung sinimangutan ko siya. "I'm just messing around, you see, I'm working on this 3D shit and I finished earlier than expected so I mess around. It's complicated. If I put it in your own word, I'm deviant as well."

I bite my lips to stop me from laughing.  "Welcome to the club, I guess."

...Little did we know, on that talk, we started something.

**

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

"Okay, wow. That's cool," napatingin siya sa akin nang saglit sabay balik sa ginagawa niya.

"I think you should review on your World Geography, Minimalist, rather than be amazed on my assignment that's still a skeleton."

I pouted. "Fine."

Babalik na sana ako sa pagrereview nang bigla niyang tinapik ng tatlong beses ang table.

Tinanguan niya ako. "Stephanie Reeve Altamirano."

"Yes, Hiro Giovanni Felices?"

Ngumiti lang siya at umiling sabay bumalik sa ginagawa niya. Kahit kailan talaga iba ang trip nito!

Bumalik ako sa pagrereview ko pero nadidistract ako sa ginagawa niya.

"Spill it. Alam kong may umiikot diyan sa creative mong utak, Stephie."

Tinitigan ko ang world map at notes ko. "Walang lang. Ang talented mo. Arts major ka pero kaya mo rin yung mga decode chuchu sa computer. Basta about technological stuff alam mo rin ata. Ikaw na pinagpala."

"Wag ka nang mainggit at mas nakakainggit ang talent mong one second buffer. Isang segundo lang nasasabi mo na kung saan nakaposisyon yung isang country. For example, Netherlands..."

"Traffic Conference 2. Sub-area: Europe..." I blurted out without thinking.

"See?" Nakangiti siya sa akin sabay tap sa ilong ko.

"Oh. Before I forgot. Nasa tablet ko na yung graphics na sinasabi ko sayong ginawa ko, tignan mo at para hindi mo titigan tong ginagawa ko. Baka matunaw eh."

"Grabe ka sa akin," bulong ko pero nag gesture siya sa tenga niya na nagsasabing I heard you kaya tumahimik ako at binuksan ang tablet niya.

Passcode.

Tinitigan ko muna siya bago ko tinap ang passcode niya.

0 6 1 8 2 0 1 5

Itatanong ko muna kung saan nakalagay pero ito ang unang bumungad sa akin pagkabukas ko. Napaawang ang labi ko.

"It's beautiful..." Bulong ko.

Nag zoom in-zoom out ako nang may nag text sa phone ko. Nag group message ang isa kong classmate sa isa kong subject na kailangan daw niya ng tulong. Tinignan ko muna si Hiro bago ako magreply.

Ibinalik ko ang tablet ni Hiro sa kanya at niligpit ang gamit ko.

"Oh, saan punta?" Tanong nito habang tumigil sa ginagawa at nakasimangot sa akin.

Iniabot ko ang kamay ko sa pisngi niya at ngumiti. "May tutulungan lang po. See you?"

Tumango ito. "See you."

Ngumiti ako at tumango.

--

Simula nang unang pag-uusap namin ay lagi na kami nag-uusap. Pero tuwung free time lang namin iyon. Tuwing nasa hallway ay nagtatanguan lang kami. Hindi ko rin alam kung bakit o paano pero hindi na ako nagtatanong. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan niya... kahit na malakas ang trip niya.

I swear na nakakatakot ang aura niya. Medyo stiff siya kung titignan na hindi mo aakalaing malakas ang trip niya. And sa unting oras na magkasama kami lagi, sino ang magiging victim niya? Siyempre ako.

Nakakainis, oo. Pero somehow, nakakatuwa dahil sa tanan ng college days ko, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. At maloko pa inside!

"Stephanie!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kumakaway ang nag-message kanina sa cellphone ko na classmate ko sa isang subject. Not sure in which one. I don't really pay attention... Unless it's the slow motion slash freeze thing-y.

Habang lumalapit ako sa kanya ay doon ko lang napansin na may kasama siyang dalawang babae na kakaiba ang tingin sa akin. Tinititigan nila ako at biglang bumubulong sa classmate ko na nakalimutan ko ang pangalan (I should check my Messages for her name!) na panay naman ang tango sa bawat bulong ng mga kasama nitong babae.

Nang nakalapit na ako at binigay sa akin ng classmate ko ang isang papel.

Project: In a group of three, create a blog that has a posts related to poems or short stories.

Napatingin ako sa classmate ko na ngiting-ngiti sa akin habang ang mga kasama naman nito ay panay pa rin ang tingin sa akin.

"Stephanie, ako yung pumuri sa mga poems mo nung isang araw, remember? Dahil doon naisip kita nung may project kami sa Creative Writing namin na ganito. Pwede bang patulong kaming gumawa ng mga poems? Naka-ready na yung blog namin."

Napakunot ito ng noo at tumingin sa paligid bago tumingin sa akin ulit at ngumiti ng matamis.

Bago pa man niya ituloy ang sasabihin niya ay may tumigil na cute na babaeng may braces at nakasalamin sa gilid ko. Nagtaas siya ng daliri, a sign for us to wait for her to catch her breath. She then turn to my classmate and smile. Nakita ko ang pagngiwi ng mga kasama nito.

What, girls? Look! She has a very adorable smile!

"Thank goodness, you're here, Candy," sabi ng isang kaibigan ni classmate sabay irap.

"Actually, it's Candice," paliwanag ng bagong dating na cute na babae sabay ayos sa salamin niya.

Pumalakpak ang isa sa mga kaibigan ni classmate at ngumiti sa mga kaibigan niyo, "Duh, Carmelle, plural ng candy ang pangalan niya!"

Nagkatinginan kami ni Candice at sabay na bumuntong-hininga.

"Shut up, Margo! Ariana, sure ka ba talaga na eto ang mga tao natin?" Inis na sabi ng isang kaibigan ni classmate na Carmelle pala ang pangalan.

"Oo naman! So anyway, Stephanie, Candice, magpapatulong kami sa inyo about sa project namin, okay ba yun?" Sabi ni classmate, si Ariana!

"Ayos lang sa akin," sabi ko sabay lingon sa freedom hall. Andun pa kaya si Hiro?

"I'm okay as long as I have treats..." Sabi ni Candice kaya napalingon ako sa kanya.

"In treats, I mean fruits. I love fruits. So much."

Ariana blinks several times before shaking her head.

"Fine."

Napatingin ito sa akin at ngumiti. "Ikaw, Stephanie, may gusto kang treats?"

Napailing ako agad. "Nope. I don't want anything."

Ngumiti ito nang mas malawak at tumingin sa mga kaibigan niya na ngayon ay nakangiti na rin.

"If that's so, then we will go now. Thank you. Text ko na lang sa inyo yung ibang information about project namin."

Sa pagtalikod nila sa amin ni Candice ay biglang nag slow motion ang lahat. Slow motion ang lakad nila Ariana, Margo at Carmelle palayo sa amin habang kitang-kita ang paglingon ng mga tao sa kanila.

Nag-blink ako at biglang nag freeze ang lahat. Ang tanging bagay na napansin ko ay ang titig ng isa sa mga tumitingin sa kanila--- a certain man that has a longing stare to one of them. Then everything comes back to normal.

"Ahm. Ate?"

Napabaling ako kay Candice na nakatitig sa akin ngayon.

"Ano yun?"

"May... may alam ka bang taong mapaghihiraman ko ng laptop? Dumaan kasi ako kanina sa multimedia eh punong-puno yung mga gumagamit ng computer dun. Gusto ko na simulan yung pinapagawa nila kahit basic lang para kung ibibigay man nila yung information madali na lang ilagay-lagay?"

Napangiti ako sa kanya.

"Let's hope that the person I know doesn't leave the spot yet."

In that scenario, I've met a very adorable girl that binds what we started from the scratches up to what it is now...

**

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Meia's other books...