My Wife Secret

 

Tablo reader up chevron

"Ressa"

 

Ano nga ba ang papel ko sa mundong ibabaw? Bakit lagi ko na lang nararanasan ang maiwan ng taong aking minamahal. Oo, at may pamilya at kapatid ako. Mahal ko sila at sinusuklian nila iyon ng respeto at pagmamahal. Pero ibang usapan na kapag pag-aasawa na ang paksa.

 

Kuwarenta anyos na ako pero wala pang asawa. Kaya nagpasya na ako na bumukod sa aking mga magulang. Sa pagbukod kong iyon, naging masaya ako at nagkaroon ng magandang trabaho. Pero lagi pa rin akong bigo sa pakikipagrelasyon. Lahat kasi ng babaeng aking nililigawan, sinasagot ako. Kaya lang, inaabot lang ng isang linggo ang aming mga relasyon. Lagi nilang sinasabi na ayaw ng magulang nila sa akin. Hindi ko lubos maisip ang dahilan. Hindi sa pagmamayabang, guwapo ako at medyo malaki ang aking katawan. Mabango rin naman ang hininga ko.

 

"Hi Ressa!" bati ko sa aking katabi sa opisina. 

 

Nahihiya pa nga akong batiin siya dahil baka hindi ako pansinin.

 

Lumingon siya sa akin na may matamis na ngiti sa kanyang labi. "Hello Kipoy!" balik na bati ni Ressa sabay lahad ng kamay niya.

 

Ikinabigla ko ang kanyang ginawa. Pakiramdam ko ay natapakan niya ang pagkalalaki ko. Pero maliit na bagay iyon para bigyan ng malisya.

 

"Nangangawit po ako," pagrereklamo ni Ressa.

 

"Ay! Pasensya Ressa," natatawa kong sabi sa kanya.

 

Hinigit ni Ressa ang kamay ko at naramdaman ko ang init ng palad niya. Para akong kinukuryente habang magkahawak ang aming kamay.

 

Tumingala siya at tinignan ako sa mata, "Kamay pa lang 'yan Kipoy, napapalunok ka na ng laway. Paano pa kaya kung—“ sabay halakhak ni Ressa.

 

Kunwari ay hindi ko nakuha ang ipinupunto niya, "Anong ibig mong sabihin Ressa?" tanong ko.

 

Muli na namang humalakhak si Ressa. "Sabi ko, nagugutom na ako." Natatawang sagot niya sa tanong ko.

 

"Ganun ba? Mamaya libre kita, sabay tayo mag-break." Nakangiting sabi ko.

 

Inalis niya ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang dibdib. "Break agad? Hindi pa nga tayo. Ouch ouch ang sakit Kipoy!" Naluluhang sabi ni Ressa.

 

Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan siya sa mata.

 

"Sasagutin mo ba kung sakaling ligawan kita?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

Tumayo siya at hinawakan din ako sa mukha. "Bakit kailangan mo pa akong ligawan? Wala tayo sa probinsiya Kipoy. Saka dati ko pa napapansin ang mga tingin mong kakaiba."

 

Bumibilis ang kabog ng dibdib ko ng sandaling 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pagtibok ng puso ko.

 

"Hindi ka makapagsalita Kip—“ naputol ang kanyang sasabihin ng bigla siyang maubo.

 

"Okay ka lang ba Ressa? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko.

 

Hinawakan ko ang noo niya, "Mainit ka ah?" sabi ko.

 

Hinawi niya ang kamay ko, "Natural! Buhay pa ako E." Aniya sabay balik sa kanyang upuan.

 

"Hindi Ressa, iba, e..." pakiramdam ko talaga may sakit siya. Sana hindi na lang muna siya pumasok sa trabaho.

 

"Ano ka ba Kipoy. Okay lang ako, huwag kang mag-alala," sambit niya.

 

Mabilis na nagdaan ang oras, araw, linggo, buwan at taon. Nagtuluyan kami ni Ressa at naging mag-asawa. Limang taon na kaming nagsasama, ngunit wala pa rin kaming anak. Ayaw naman magpacheck-up ng aking asawa. Kaya hindi namin alam kung ano ang dahilan. Hanggang sa mapagpasyahan naming umalis na sa trabaho. Dahil baka ang pagiging abala namin ang dahilan.

 

"Kipoy..." malumanay na sabi ni Ressa sa akin.

 

Itinigil ko muna ang pag-aayos ng higaan namin at umupo ako sa tabi niya.

 

"Bakit Ressa?" tanong ko. 

 

Pakiramdam ko'y may problema ang aking asawa.

 

Iniwas ng asawa ko ang kanyang tingin sa akin at yumuko siya. "May ipagtatapat ako sa'yo," aniya habang nakakuyom ang kamay.

 

"Ano 'yun? Kinakabahan ako sa'yo asawa ko." Nag-aalala ako sa kanya, kaya kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ng mahigpit.

 

Mabilis namang tinanggal ng asawa ko ang kanyang kamay at hinubad ang pang-itaas niyang damit.

 

"Ressa?" nagtatakang tawag ko sa kanya kung bakit niya 'yon ginawa.

 

"Kipoy, natatakot ako. Natatakot ako na baka iwan mo ako kapag sinabi ko sa'yo ang tunay kong pagkatao," sambit niya habang nanggigigil sa damit na hinubad niya.

 

Tumayo ako at pumuwesto sa harapan ng aking asawa. Hinawakan ko siya sa mukha at nakita ko ang naghihinagpis niyang mga mata.

 

"Huwag kang matakot asawa ko. Sabihin mo, ano ang iyong problema? Ano ang iyong ipagtatapat sa akin?" sabi ko na may ngiti sa aking labi.

 

Pilit niyang iniyuyuko ang kanyang ulo at mabilis na namugto ang kanyang mata dahil sa pag-iyak na ginagawa niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang taong nagtiis at nagmahal sa akin ng totoo.

 

"Ressa... Asawa ko! Sabihin mo na, ano bang problema mo? May sakit ka ba?! Halika pumunta tayo sa hospital, ipapagamot kita. Nahihirapan ako kapag nakikita kitang umiiyak! Akala mo ba hindi ko alam? Alam ko Ressa! Alam ko ang tunay mong pagkatao!"

 

Kahit hindi ko alam, sinabi kong alam ko para mapilitan siyang sabihin sa akin ang problema niya.

 

"Alam mo na Kipoy? Kailan pa? Galit ka ba sakin?" aniya na litung-lito. Nagsusumamo ang kanyang mukha. Habang ako ay nahahabag kapag napapatingin sa namumugtong mata niya.

 

Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi importante ang ipagtatapat niya. "Matagal na asawa ko. Hindi ako galit. Kaya huwag ka ng umiyak, suotin mo na ang damit mo ah? Please? Ang lamig-lamig ngayon asawa ko, ayokong magkasakit ka," wika ko.

 

"Maraming salamat asawa ko," sagot niya. 

 

Sa wakas, tinawag na rin niya akong asawa. Dati kasi laging pangalan lang ang tawag niya sa akin. Sobrang sarap sa pakiramdam.

 

'Ako ang dapat magpasalamat sa'yo Ressa. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko masasabing kumpleto na ang buhay ko,' usal ko sa aking isipan habang kaming dalawa ay magkayakap.

 

- ^ - ^ -

 

Kinaumagahan habang ako ay nakahiga pa sa aming higaan. Naaamoy ko na ang masarap na almusal na ihahain ng aking asawa na pagsasaluhan namin.

 

"Asawa ko..." sambit ko habang nakahiga.

 

"Ano 'yon asawa ko?" mabilis na sagot niya.

 

Nag-isip ako ng paraan na maaabala ko siya sa kanyang ginagawa. "H-hindi ako makabangon asawa ko. Ang sakit ng katawan ko!"

 

Narinig kong may nalaglag at sa tingin ko ay epektib ang sinabi ko.

 

"Relax ka lang muna d'yan asawa ko. D'yan na lang tayo sa kuwarto kakain," sambit ng asawa ko.

 

Nagkamali ako, akala ko'y kakaripas ng takbo si Ressa para puntahan ako. Mas inuna pa niya ang pagluluto. Kaya tumayo na ako sa higaan at naglakad palabas ng kuwarto.

 

"A-akala ko ba hindi ka makabangon?" nagtatakang tanong ng asawa ko — bitbit ang almusal namin.

 

Hindi ko siya pinansin at tumungo na ako sa bangko. Alam kong hindi naaayon sa edad ko ang inaarte ko. Gusto ko lang naman ng nilalambing ako paggising ko. Gaya ng ginagawa niya sa akin noon.

 

"Tampupurot ba ang asawa ko? Sayang naman at pupunta ngayon sina Mommy at Daddy para makilala ang lalaking nagtanan at tumanggap sa akin," seryosong sabi niya sa akin.

 

Nasorpresa ako sa sinabing 'yon ng asawa. Makikita at makaka-usap ko na rin ang magulang ng asawa ko. Noong nagpakasal kami sa west, wala sila. Kaya naisip kong hindi nila ako gusto para sa anak nila.

 

"Talaga bang pupunt—“ nabitin pa ako sa sasabihin ko ng biglang may kumatok sa pintuan.

 

Humakbang palapit sa hapag-kainan ang asawa ko para ilapag ang almusal namin. Sa tingin ko'y bubuksan niya ang pinto. Kaya sinabi kong umupo na lang siya at ako na ang magbubukas.

 

"Magandang umaga po," bati ko sa dalawang tao na nakita ko pagkabukas ko ng pintuan.

 

Hindi pamilyar ang mukha nila sa akin. 

 

"Sino po sila?" nakangiting tanong ko.

 

"Mommy! Daddy!" sigaw ng asawa ko.

 

Nanlaki ang aking mata nang marinig kong tinawag ng asawa ko na Mommy at Daddy ang dalawang taong nasa labas. Hindi ko naiwasang tignan sila, mula ulo hanggang paa.

 

"Hindi mo ba kami patutuluyin?" tanong ng Daddy ng asawa ko.

 

Napalunok ako ng laway at pinatuloy ko ang magulang ng asawa ko. Hiyang-hiya ako ng sandaling 'yon. Habang ang asawa ko'y pasimpleng natatawa.

 

"Mommy, Daddy, siya po si John Denver. Tawagin niyo na lang po siyang Kipoy," pagpapakilala sa akin ng asawa ko sa magulang niya.

 

"Ang bantot ng pangalan!" Narinig kong sabi ng Mommy ng asawa ko.

 

Pagkatapos magsalita ng Mommy ng asawa ko. Narinig ko rin ang sinabi ng Daddy ng asawa ko. "Ang tanda na pala niya." Sambit nito at pasimple siyang tumingin sa akin.

 

Hindi porket sa isang maliit na bahay ko lang binahay ang anak nila'y lalaitin na nila ako. Pasalamat sila at mahal ko si Ressa kaya ilalabas ko na lang sa kabilang tenga ang mga naririnig ko.

 

"Ricardo, halika nga rito. Sobra akong nangungulila sa'yo," sambit ng Mommy ng asawa ko. Pero teka... sinong Ricardo? Hindi kaya nakakakita sila ng multo?

 

Nandilat ang aking mata ng lumapit ang asawa ko. Huwag niyang sabihin na siya si Ricardo? Naubo ako at pakiramdam ko'y masusuka ako.

 

"Asawa ko, halika’t ipapakilala kita sa magulang ko." Nakangiting tawag sakin ni Ressa.

 

"T-teka lang, humilab ang tiyan ko," sambit ko sabay takbo sa banyo.

 

"Asawa ko... okay ka lang ba?" tanong ni Ressa habang kumakatok.

 

Huwag mo kong tawaging asawa! Nasusuka ako, hindi ko maatim na kapwa lalaki ko pala ang nakasama ko ng limang taon. Kaya pala hindi siya mabuntis-buntis kasi—

 

"Ayos lang ako. Asikasuhin mo muna ang magulang mo. Lalabas din ako maya-maya." Palusot ko.

 

"Sige asawa ko."

 

Masaya ngunit nag-aalala ang tono ng boses na naririnig ko kay Ressa. Wala siyang kasalanan dahil nagkunwari akong alam ko na ang ipagtatapat niya kagabi. Minahal ko siya hindi lamang sa panlabas niyang kaanyunan. Minahal ko siya dahil minahal na niya rin ako. Sumama siya't umalis din sa trabaho para kami'y magsama. Pero hindi sapat iyon para magtawagan kaming mag-asawa. Kaya pala pabago-bago ang boses niya. Akala ko ay minamalat lang siya. 'Yun pala ay parehas kaming lalaki, nasusuka ako kapag naiisip ko ang halinghingan naming dalawa. Sukang-suka ako!

 

Point of view ni Ressa

 

Maligayang-maligaya ako dahil alam na ng asawa ko ang sikreto ko. Hindi ko alam kung paano at saan niya nalaman. Kaya no'ng gabing nakatulog na siya. Tinawagan ko ang aking magulang para sabihing nag-asawa na ako at kung saan ako nakatira.

 

"Ricardo! Pupunta kami ng Daddy mo. Nasasabik akong makita kang muli." Masiglang sabi ni Mommy sa telepono.

 

Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy, natulog na ako. Alam kong nakangiti ang aking labi habang ako'y natutulog katabi ang lalaking pinakamamahal ko.

 

Kinaumagahan maaga akong nagising para ipagluto ng masarap na almusal ang asawa ko at ang magulang ko na pupunta.

 

Nang sabihin ng asawa ko na hindi siya makabangon, hindi ako nabahala dahil alam kong nagbibiro lang siya. At nang sabihin kong sa kuwarto na lang kami kakain. Nakita ko na bumangon siya at nakasimangot. Pasimple akong natawa sa nangyaring 'yon. Dahil, bukod sa mabait at maaalalahanin si Kipoy. Matampuhin din siya. At 'yon ang katangiang nagustuhan ko sa kanya.

 

'Nakumpleto mo ang pagkatao ko Kipoy. Dahil sa'yo naramdaman kong babae talaga ako. Nakakalungkot lang, dahil hindi ako mabubuntis. Salamat Dok kasi ang parte ng katawan ko,' usal ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siyang nakabusangot sa upuan.

 

Maya-maya'y may biglang kumatok sa pintuan ng aming bahay. Naisip ko na sila Mommy na iyon kaya inilapag ko muna ang almusal namin sa lamesa. Hindi rin kasi kumikilos ang asawa ko. Tampupurot talaga siya.

 

Nang humakbang na ako palakad sa pinto, nakita kong tumayo na ang asawa ko at binuksan ang pintuan. Pagkabukas niya'y nakita ko na sila Mommy at Daddy pero hindi muna ako nagsalita. Gusto kong marinig ang sasabihin ng asawa ko. Pero dahil sa hindi pa sila nagkikita, natural lang na magtaka sila. Kaya sumigaw na ako at binati ang aking magulang.

 

Natawa ako nang tignan ng asawa ko sina Mommy at Daddy mula ulo hanggang paa. Kahit may pera si Kipoy, hindi niya iyon pinagmamalaki. Hindi rin siya mahilig sa alahas at magagandang damit. Napaka-simpleng tao talaga niya.

 

"Ricardo, halika nga rito! Sobra akong nangungulila sa'yo!" Paglalambing ni Mommy.

 

Kahit na katawan at itsurang babae na ako, Ricardo pa rin ang tawag nila sa akin. Minsan nga ay nahihiya ako sa mga kaibigan ko kapag tinatawag nila ako sa totoo kong pangalan. Mabuti na lang at tanggap na ako ni Kipoy kaya wala akong dapat na ikabahala.

 

Nang makalapit ako kay Mommy, agad kong tinawag ang asawa ko para ipakilala sa kanila. Subalit umasim ang mukha niya at sinabi niyang humilab ang kanyang tiyan kaya napatakbo sa banyo.

 

Sobra akong nag-alala sa asawa ko kaya sinundan ko siya at kinatok sa banyo.

 

Nang tanungin ko siya kung ayos lang na siya, "Ayos lang ako. Asikasuhin mo muna ang magulang mo. Lalabas din ako maya-maya." Sagot niya.

 

Nabahala ako dahil hindi niya sinabi ang asawa ko o 'di kaya'y ang pangalan ko. Pero naisip ko baka dahil sa sumama ang pakiramdan niya kaya hindi niya 'yon nasabi.

 

Bago ako bumalik sa sala kung saan naghihintay sila Mommy at Daddy. Inayos ko muna ang aking sarili at nakangiti akong naglakad. Ngiti na parang pang-beauty queen.

 

"Nasaan na ang iyong asawa?" tanong agad ni Daddy.

 

Sinigundahan naman siya ng sagot ni Mommy, "Sumama raw ang sikmura. Siguro natakot sa'yo Daddy!" Natatawang sabi ni Mommy.

 

"Mabuti pa at kumain na po muna kayo Mommy, Daddy. Habang hinihintay natin si Kipoy." Sambit ko na may pekeng ngiti sa labi.

 

Kinuha ko sa lamesa ang almusal na dapat ay sa amin ng asawa ko. Mabuti na lang at sinobrahan ko ang luto. Bago pa maging goma ang bacon na almusal namin. Ipapakain ko na kanila Mommy at Daddy habang mainit pa.

 

"Alam mo Ricardo suwerte ng asawa mo sa'yo. Bukod sa maganda na, magaling pang magluto." Pagpupuri ni Mommy sa akin.

 

Sinigundahan din siya ni Daddy, "Maganda nga, Ricardo naman ang pangalan. Hay naku!"

 

"Hayaan mo na Daddy." Natatawang sagot ni Mommy.

 

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa pinag-uusapan nila Mommy at Daddy. Bakit kasi hindi nila ako matawag sa pangalang Ressa.

 

'Ang tagal naman ng asawa ko.' bulong ko.

 

Nag-aalala na talaga ako kay Kipoy. Natapos na't lahat sina Mommy sa pagkain ng almusal, hindi pa rin siya lumalabas ng banyo.

 

"Kinain na yata ng inidoro ang asawa mo Ricardo." Pang-aasar ni Daddy sa akin habang nagpupuas ng bibig.

 

"Baka marami lang dini-deposit Daddy." Usisa ni Mommy.

 

Magkasundong-magkasundo talaga sila pagdating sa kalokohan. Pero kapag may sosyalan silang pupuntahan, hindi ko sila marinig na nagbibiro at humahalakhak.

 

"Pupuntahan ko lang po Mommy, Daddy." Pagpapaalam ko sa aking magulang.

 

Habang ako'y humahakbang palapit sa banyo na nasa bandang kusina, may kung anong bumabagabag sa aking damdamin. Hindi ko gusto ang kakaibang nararamdaman ko. At nang makarating ako sa harapan ng banyo. Nanginginig ang aking kamay, animo'y ayaw nitong kumatok.

 

"A-a-asawa ko... a-ayos ka lang ba diyan?" sambit ko, pero hindi ako kumatok.

 

Paulit-ulit ko siyang tinatawag ngunit hindi siya sumasagot. Kaya lubos na ang aking pagkabahala. Ipinuwesto ko na ang nanginginig kong mga kamay sa pintuan para itulak. Wala kasing kandado ang aming banyo. Saka dalawa lang naman kami sa bahay.

 

"K-K-Kipoy..." mahinang banggit ko sa pangalan ng aking asawa habang dahan-dahan kong itinutulak papasok ang pintuan.

 

Nandilat ang aking mata at napatingin sa sala kung saan naroon sila Mommy at Daddy. Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong subalit walang boses na lumalabas sa aking bibig.

 

Mabilis na tumulo ang aking luha, walang humpay sa pag-agos sa aking pisngi. Ang lalaking nagtanan sakin at pinakasalan ko, ngayo'y nakabigti at wala ng buhay. Kaya pala hindi ako mapakali kanina pa. Dahil may nangyari ng hindi maganda. Hindi ko inaasahan na magpapakamatay ang asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kinuha ko ang cellphone ang niya sa kanyang bulsa at una kong napansin ang notipikasyon sa itaas na bahagi ng kanyang cellphone.

 

Pinilit kong pindutin iyon. Kahit na ayoko. Labis ang aking hinagpis sa kanyang ginawa. Hindi makatarungang patayin niya ang kanyang sarili. At nang mapindot ko na ang notipikasyon nakita ko ang mensahe na ipapadala niya sana sa akin.

 

To: Asawa ko

 

Message: Ressa, asawa ko. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Huwag kang mag-alala wala kang kasalanan. Sariling desisyon ko ito. Magpapakamatay ako hindi dahil sa nalaman ko ang sikreto mo. Kusa kong tinapos ang aking buhay para makaiwas sa pangungutya. Hindi kita ikinahihiya, bagkus pinagmamalaki kita. Dahil nagawa mong maisikreto sa akin ang iyong pagkalalaki. Sino nga ba ang makakapagsabi na isa kang lalaki? Malapit o malayo mukha kang babae, katawan at boses mo ay pambabae. Kaya malayong mabuking ka. Tandaan mo Ressa. Nagpakasal na tayo, itinali na kita sa apelyido ko. Kaya kahit wala na ako, huwag mo sana akong kalilimutan. Alam kong makasarili ako sa mensahe kong ito. Bata ka pa, kalahati ng edad ko ang edad mo. Kaya sigurado akong makakahanap ka pa ng iba. Uulitin ko Ressa, nagpakasal na tayo, mag-asawa tayo.

 

PS: Hindi mabantot ang pangalang KIPOY at hindi pa ako matanda!

Mahal na mahal kita asawa ko!

 

‪#‎JohnDenverAgustin‬‪ #‎RessaVillafuerteAgustin‬ #05012015

 

Message not sent 08:01am

 

Nang mabasa ko ang kanyang mensahe. Naging tuliro ang aking isipan, gulung-gulo. Iniisip kung bakit nagawa ni Kipoy ang magpakamatay. Hawak ang kanyang paa, hinihiling na sana ay mamatay na rin ako. Gusto ko nang sumunod sa asawa ko.

 

"Ricardo ang tagal niyo naman diyan!" Sigaw ni Mommy.

 

Sinabi ko ng hindi na Ricardo ang pangalan ko. Ressa! Ressa na ang pangalan ko!

 

Nagdidilim ang aking paningin. Tumayo ako at kinuha ang kutsilyo sa kusina. 

 

"Papatayin ko kayo! Dahil sa inyo nagpakamatay ang asawa ko!" sabi ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa sala.

 

"Anong gagawin mong bakla ka!" sigaw ni Daddy nang makita ako.

 

"Ricardo bitawan mo 'yang kutsilyo," natatakot na sabi ni Mommy.

 

"Hindi ako bakla, lalong hindi na Ricardo ang pangalan ko! Ressa ang pangalan ko! Kahit kailan talaga puro pasakit na lang ang idinudulot niyo sa akin! Puro sama ng loob! Dahil sa inyo nagbigti ang asawa ko! Pinatay niyo siya!"

 

Pagkatapos kong sabihin iyon. Agad kong ibinaon sa ulo ni Daddy ang kutsilyo na hawak ko. Pinaikot-ikot hanggang sa mamatay siya!

 

"Tulong!!!" sigaw ni Mommy.

 

Sinabunutan ko si Mommy, "Isa ka pa! Puro ka Ricardo! Ricardo! Ricardo! Sinabi ko sa'yo na Ressa hindi ba? R E S S A, RESSA! Lilimang letra hindi mo mabanggit! Anong klaseng ina ka!"

 

"Ressa tama na. Mommy mo ako Ressa. Ako ang nagsilang sa'yo Ressa. Kasalanan sa diyos ang gagawin mo!"

 

"Ngayon naman sobra-sobra sa pagtawag ng Ressa. Nang-aasar ba kayo, Mommy! Saka huwag n'yong idamay ang Diyos dito! Hindi siya kasali sa usapan natin!"

 

"Nababaliw ka na Ricardo! Baliw ka na!"

 

"Oo! Siguro nga nababaliw na ako! Baliw na baliw! Alam mo kung bakit? Gusto mong makita? Gusto mong malaman?"

 

Kinaladkad ko si Mommy papunta sa banyo. Gusto kong ipakita sa kanya kung bakit ako nababaliw, kung bakit magagawa kong patayin sila. Pinatay nila ang asawa ko.

 

"Nakikita mo? Tignan mo mommy! Tignan mo ang itsura ng kawawang asawa ko. Nagpakamatay siya dahil kinutya ninyo siya!" sambit ko habang pinipilit na itingala ang ulo ni Mommy.

 

Naiinis ako dahil ayaw niya tignan. 

 

"HUWAG KANG UMIYAK MOMMY! HINDI KAILANGAN NG ASAWA KO ANG LUHA MO! HINDI NAMIN KAILANGAN!"

 

Inagaw ni Mommy ang kutsilyong hawak ko. "Papatayin mo ako? Sige gawin mo! Tutal wala na rin namang silbi ang buhay ko! Wa—“

 

"Ricardo, Ressa, Anak ko. Una sa lahat hindi namin alam ng Daddy mo na seseryosohin niya ang biro namin. Humihingi ako ng kanyang kapatawaran. Para sa ikaliligaya mo anak. Ako na mismo ang tatapos ng buhay ko. Para na rin sa ikatatahimik ng asawa mo." Naiiyak na sabi ni Mommy.

 

"Wala akong pakialam!"

 

"Anak, gagawin ko ang iyong nais. Sasaksakin ko ang aking sarili para sa ikaliligaya mo. Kasi kung ikaw ang kikitil ng aking buhay. Hinding-hindi ako matatahimik — kahit sa kabilang buhay. Basta tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. Bumili kami ng bahay sa Laguna para tirahan ninyo ng asawa mo. Paalam, Ressa. Anak."

 

Sinubukan kong agawin kay Mommy ang kutsilyo nang marinig kong mahal nila ako. Akala ko ay wala silang pakialam sa akin. Akala ko ay puro pasakit at pamamahiya lang ang kaya nilang isukli sa respeto at pagmamahal ko sa kanila. Nagkakamali ako, talagang nagkakamali ako. Ngayong wala na sina Mommy at Daddy, wala na rin ang asawa ko. Mabuti nang mawala na rin ako, susundan ko sila. At doon hihingi ako ng tawad kanila Mommy at Daddy.

 

Kinuha ko ang kumot sa aming kuwarto. At nang makakuha ako ay naglakad ako pabalik sa banyo kung saan nakabigti ang aking asawa.

 

Pumasok ako sa banyo at inayos ang kumot na gagamitin pambigti sa aking sarili. Nang handa na ang kumot, agad kong isinukbit sa aking ulo ang kumot at sinipa ko ang bangko na nasa aking paahan.

 

Walang bakas ng pagsisisi sa aking gagawin. Malalagutan ako ng hininga na nakangiti at masaya. 

 

THE END

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Miecky Sarenas's other books...