There Will Be Love There

 

Tablo reader up chevron

Chapter 1

Nung natapos kong hulugan ang binili kong bahay, pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik. Siyempre, nawalan ka na ng kargo’t may maipagmamalaki ka nang pinagpaguran mo matapos ang matagal na pagtatrabaho. Pero di ko maiwasang maramdamang parang kadena ‘tong bahay sa akin, considering kung ano ang plano ko dito noon – hindi, plano pala naming dalawa na di rin naman natuloy.

Tatlong oras ang biyahe mula sa bahay ng parents ko papunta sa Bulacan. Corner lotsa socialized housing lang naman iyon pero hindi birong hulugan kung wala kang matinong sweldo. Kahit ilang beses kong sinabing sila na ang tumira roon ayaw nila, lalo na ang nanay ko dahil di daw niya mabibisita mga amiganiya.

Akala ko isang ghost townang lugar pagdating ko. Nag-iisa lang ang subdivision na iyon sa gitna ng talahiban, walang pinagbago ang paligid simula nang tinayo iyon 10 years ago. Karamihan sa mga bahay ay merong may-ari pero walang nakatira, madalas dahil nasa ibang bansa sila’t pinapabayaran lang sa mga kamag-anak ang mga iyon.

“Nandyan ka na ba, anak?” Tanong ng nanay ko matapos sagutin ang biglang tawag niya. Tinitignan ko noon ang mga furniture na binili niya - lahat mukhang sosyal para sa isang hamak na row house, balot pa sa plastik at halatang walang gumalaw.

“Nandito na po ako.” Magalang kong sagot. Masaya man akong maganda ang taste niya, di ko napigilang isiping di ata bagay sa personality ko yung mga gamit. Para bang...napaka-macho’t boring. Kung nandito lang sana ako noon, kinulit ko mga kaibigan kong pinturahan ang mga pader ng inspirational quoteso kaya nagpagawa ako ng bookshelf abot kisame hanggang sahig, para bang kung paano namin inisip ang magiging itsura ng bahay na ‘to noon.

Pero wala naman na siya kaya kaya kung anumang balak kong gawin sa bahay, sa akin na lang iyon.

“Ayan ha, di mo masasabing tinipid namin iyang bahay mo. Kumpleto lahat ng gamit diyan.” Pagmamalaki niya habang binubuting-ting ko ang mga appliances sa kusina. Kung nandito lang siya, mapagluluto kaya niya ako habang sinasabay ang pagkanta gaya ng dati?

“Grabe naman ma, sana ginastos mo na lang sa bahay yung pinambili mo kaysa dito sa akin.” Yung bahay niya sa Fairview ang tinutukoy ko. “Ayos lang naman sa aking simple, eh.”

“Umiiral na naman pagka-kuripot mo! Nag-abroad ka pa kung titipirin mo sarili mo. Ayaw mo pang bumili ng kotse, wala ka namang anak. Saan mo balak ilagay pera mo niyan?”

“Hindi ko rin sigurado kung titira ako dito...” Magulong isip ko.

“Anak, ilang beses ko nang sinabi sa iyo, di ako interesadong lumipat diyan. Di ko maiwan ‘tong negosyo.” Yung sub-conng mga garments ang tinutukoy niya, na pinondohan gamit ang remittances ko noon. “Saka sa iyo nakapangalan iyan, kaya ikaw ang may karapatang gumamit. Akala ko ba pinangako mo sa aking di ka na babalik abroad ngayong tapos na iyang bahay?”

“Sayang naman kasi ang opportunity, ma.”

Alam kong pinangako ko sa kanya iyon, pero hindi ko matanggihan ang opportunity na mag-abroad ulit. Nakakahinayang ding iwan ko yung maganda ko nang trabaho abroad para lang magpalipat sa Pilipinas. Mukhang umaayos naman ang mga bagay-bagay sa bagong gobyerno pero kapag nasa gitna ka ng traffic, di mo pa rin maiwasang mawalan ng gana. Sa bagay, mas mahirap ang buhay sa ibang bansa kahit malaki ang sweldo. Imposibleng makabili ng bahay na wala pang isang milyon abroad.

“Puro na lang trabaho ang iniisip mo; wala ka bang balak mag-settle down? Mag-asawa, magka-anak, ganun?” Sabay tawa ng kausap ko sa kabilang linya. Alam kong biro lang iyon dahil simula nang makilala ko siya, alam ng nanay kong di niya ako mapipilit maghanap ng babae. O kahit sino siguro.

Heto nga, mukhang pinapamukha niya iyon sa akin dahil sa picture frame na nakalagay sa kusina. Picture naming dalawa, nung pumasa ako sa board exam dalawang taon matapos niya. Panahong di pa namin sigurado anong meron sa amin at ang alam lang ng nanay ko’y masyado lang kaming close.

“Nakita mo na ba yung kusina?”

“Ah, oo...maganda.” Sabi ko tungkol sa mga appliances. O baka tungkol sa picture na iyon. “Dito siguro muna ako matutulog ngayon, ma.”

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 2

Gaya ng maraming millenialnung panahon namin, umikot sa social media ang mundo namin ni Jordan. Parehas kaming may blog noon at gaya ng maraming social media warriors, lagi kaming nagtatalo sa kung anu-ano na madalas dinadaan sa patama. Old school siya, conservative at mukhang laki sa relihiyosong pamilya sa probinsya habang ako naman laking Maynila at liberal.

Natural lang siguro bilang teenager na maging opinyonado kahit sa pinakamabababaw na bagay. Kung pabor ako sa RH Law, siya hindi. Gusto ko si Noynoy, siya ayaw niya. Mula sa Spratlys, si Obama, same-sex marriage at kahit kung totoo ang Iluminati, lagi kaming may opinyon na madalas di pareho. Pero hanggang doon lang ang kababawan namin dahil di iyon nauuwi sa personal, na siyang pinagpasalamat ko.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagka-crush ako sa kanya. Hindi naman siya gwapo pero lahat ng picture niya, tama ang angulo’t mala-model. At base sa lahat ng posts niya para bang wala siyang kaproble-problema sa buhay: mayaman, top sa klase, lider sa kung anu-ano at madaming kabarkada. Samantalang ako mukhang stressed, alanganin ang grades at wala halos kaibigan. Kahit nasa hamak na State Usa probinsya lang siya noon di siya nauubusan ng panablang mga theory at philosophical quotes - siguro nga di lahat ng matatalino makikita mo sa Maynila.

Sa pefect life niya noon, isa lang ang lagi niyang problema: mga girlfriend. Hindi naman talaga problema kasi kahit itapon niya sila, lagi namang may papalit. Ipamigay na lang niya sana sa akin, isip ko. Kaya laking gulat ko nung isang beses siyang nagparamdam sa akin sa chat:

“Huy, di ba expert ka naman sa contraceptives?” Pagbibiro niya...maybe not. Napakunot na lang ako sa simula ng convonaming iyon.

“And why you’re asking me that? May Google naman. Saka akala ko ba...”

“Eh kasi, I’m afraid mabuntis ko girlfriend ko.” Shet, Indian pana kakana-kana pala itong loko. Matinik.

“Bakit? Nag-sex kayo? Saan? Paano? Akala ko ba old school ka’t you’re reserving virginity for marriage blah blah blah?” Sunud-sunod kong tanong out of curiosity. Nakakatawang isiping magtatanong itong ipokritong ‘to sa akin.

“Kailangan ko ba talagang sagutin iyan? Ganito, nagkainuman sa bahay ng kaibigan ko, ayun, frailties of a man, napasubo...”

“Baka siya kamo napasubo sa iyo.”

“Gago!” Umuusok na siguro siya dahil sa joke ko. “Pero ugh, ano ba itong napasukan ko...baka isang araw sumugod na lang sila ng parents niya sa bahay tapos pilitin akong pakasalan siya!” Reaksyon niya na may kasama pang umiiyak na emoji.

“Di ko aakalaing matalino kausap ko sa kung paano ka magsalita ngayon...” Sa browsernapilitan akong mag-search ng tungkol sa morning-after pills. Wait, paano ba ‘to? Hindi naman ako babae at wala pa akong babaeng kailangang gumamit nito. Sa edad nilang dalawa makakabili ba sila nun na parang candy sa botika?

In the end wala rin akong napayong matino. Paasa daw ako, reklamo niya. Natawa na lang ako sa kanyang moment of helplessness.

Naghiwalay din naman sila nung babae at gaya ng dati, may bago na naman siyang kapalit na binida sa Facebook. Simula noon, napalitan na ang aming usapang pulitika ng normal na kababawan - siya tungkol sa girlfriend niyang love of his life at forever na daw, habang ako nagpapatulong sa mga subjects ko. Padalas ng padalas ang usapan namin; para bang nakakapanibago kung di lumalabas pangalan niya sa notifsko at least once isang araw.

Di nagtagal may nag-notify din sa puso ko: in love na daw ako. Pero tinanggi ko sa sarili ko iyon - paano mo malalaman ang hindi mo pa naranasan? Sa mga kwento lang niya nakabase mga ideya ko sa pag-ibig: sweet nothings, selfies na may stickers, mga dates sa mall at sa amusement park, short stays sa mga motel...lahat iyon lumalabas sa mga panaginip ko. Siya, magtatapat ng feelings sa akin, kakain kami sa labas, magpapalitan ng love letters, iinom at magyayakapan sa kwarto pagdating ng gabi…shet, di ito pwede. Inggit lang ‘to. Wala akong pagtingin sa kanya. Imba lang ako sa kanya kung gaano ka-astig ang buhay niya compared sa akin.

Isang araw bigla na lang ako nagdesisyon...lilipat ako sa Accountancy. Kailangang may patunayan ako sa sarili ko.

“Di ba 2nd year ka na? Sure ka bang makakapasok ka if ever?” Parang gusto pa akong hamakin nito. “Kung alam mo lang kung gaano kahirap buhay dito!”

“That’s why I want to prove something-”

“Ano naman yun?” Pagtataka niya.

That what I feel about him is admiration, not love...gusto kong sanang sabihin. “Wala lang, I just thought of doing something challenging. Namiss ko na kasi nung adik pa ako sa Bookkeeping class ko dati...”

“Whoa, nag-Accounting ka dati nung high school?” Curious niyang reaksyon.

“Yup, I even joined contests back then. Perhaps I don’t want to regret not pursuing it before it’s too late...”

“O baka naman in love ka sa akin kaya gusto mong gayahin course ko?” Pagsakay niya sa usapan.

“Feelingero!” Biro ko, even if jokes are half-meant. “Pero seryoso, parang gusto kong magturo ng Accounting sa high school.” Paghahanap ko pa ng dahilan.

“Well if you say so, let’s make this a deal...” Gusto niya akong hamunin bigla. “Kung natapos mo iyan at nakapasa ka ng board, pupunta akong Manila at sasamahan kita sa oath-taking mo.”

“As if naman I’d be motivated with that! But yeah, no sweat.”

“That’s settled then.” Sabay kindat pa niya. Itanggi ko man sa sarili ko, kinilig ako kahit sabihing di iyon seryoso. Iyon ang promise na pinanghawakan ko sa loob ng apat na taon: matapos ko lang ‘to, magkikita kami. Hindi ko lang ‘to ipapasa, papasok pa ako sa top ng board para lang may maipag-mayabang ako sa kanya.

Ano bang point ng lahat ng iyon? Sarili ko lang niloloko ko kung sabihin kong para sa sarili ko lahat ng effort ko noon. Para iyon lahat sa kanya, baka sakaling mapansin niya ako. May ginagawa kaming parehas na nakaka-relate at hahaba yung online friendship na pwedeng mawala kapag na-bore na siya’t may ibang taong kalolokohan.

Four years para matanggi kong may feelings ako para sa kanya. Every day I wished na bumilis ang mga araw at makita ang ngiti niya sa personal, na magkausap kami sa wakas para matapos na ang kalokohang ‘to.

Eventually dumating ang araw na pareho kong inantay at kinatakutan. Nandoon siya flesh and bone, suot ang muscle shirt at jeans; kitang-kita ang mukhang nagpabaliw sa akin sa di mabilang na mga gabi.

“Kilala mo pa ba ako?” Biro niya. “Masyado mo atang sineryoso dare natin dati.”

“Himala’t wala kang kasamang girlfriend.” Subok kong ibahin ang usapan. Pero sa totoo lang gusto ko siyang yakapin. Ito lang ang chance na makasama siya at gusto kong sulitin iyon. Pagkakita ko sa kanya sure nang pag-ibig ang nararamdaman ko, di lang basta friendship o bromance.

“Ang daya mo, this is your day. This is our day.” Kung marami lang sana kaming oras. Literal na nandoon lang siya para samahan ako, kumain saglit at babalik sa probinsya pagkatapos. Wala man lang leisurely walk o confession scene sa tapat ng baywalk o sa gitna ng ulan.

Umuwi akong dala yung mga luha na matagal kong pinigil. Hindi lang siguro talaga kampi ang tadhana para sa amin. Kaibigan lang niya ako, isang mukhang binubuo ng bits and atoms na walang panabla sa mga tunay niyang kaibigan. May halaga lang anong meron kami kung walang hindi offline sa aming dalawa.

Kaso isang tawag lang pala ang sagot para matapos ang pagdu-duda kong iyon...

“Hello? Gising ka pa? Pupunta ako diyan bukas-” Ano? Bakit? “Hindi ko na kaya, I don’t want this chance to disappear from us anymore...”

“Anong pinagsasasabi mo?”

“Umamin na ako sa parents ko...” Halata sa paghinga niya na pinipigilan niyang umiyak. “Fuck it man, I’ve tried to hold it for years! Di mo pa ba gets?”

“Bakit di mo pa sinabi iyan nung magkasama pa tayo?”

Parehas lang kaming umiyak sa magkabilang dulo ng linya. Nag-out na daw siya sa mga magulang niya, na ikinagalit nila ng husto at dahilan kaya siya aalis.

“Kung alam mo lang ilang taon ko tiniis ‘tong nararamdaman ko?” Dugtong ko na may parehong ngiti at lungkot sa mukha ko. Buti pa siya nakahanap ng tapang na di ko man lang sinubukang hanapin para sa sarili ko. “Huwag ka namang ganyan, kahit hanggang ngayon pinapamukha ko sa aking wala akong panabla sa iyo eh...”

Bago pa mag-umaga, dala niya lahat ng kaya niya at sumakay ng bus pabalik ng Maynila. Wala na rin akong nagawa kundi magmadaling umalis para lang masalubong siya. Nakatayo lang siya sa labas ng terminal, halata ang takot para sa kinabukasan namin. Ilang taon din naming ‘tong hinintay tapos ganito magsisimula. Bahala na si Batman.

“Aba, bakit kasama mo siya ulit?” Pagtataka ng nanay ko pagdating namin sa bahay. Di na kailangan ng intro pagkaupo namin sa sala, magkahawak-kamay. Kahit anong mangyari kailangan naming panindigan ang desisyon namin.

In the end wala rin akong narinig na sumbat. Sabi pa nga ng nanay ko, “Ang guwapo naman niya, dapat noon mo pa siya pinakilala sa akin.” Pumatak ang mga luha sa mata ko. Kung may lakas ng loob pala ako noon, di sana nasayang ang maraming pagkakataon. Yung mga pantasya at pangarap na naiisip ko dati matagal na sana naming nagawa.

“Ang daya mo naman, ang bilis mo namang magdesisyon...” Pang-aasar ko sa kanya habang kaharap siya sa higaan. “Magco-confess na sana ako eh.”

“Naisip ko kasi di ko na ‘to dapat palagpasin...” Malungkot niyang reaksyon. “Ang reckless ko, no? Basta suportahan mo ‘ko dito. Panindigan mo ‘to.”

“Yep. I’ll stick with you whatever happens.”

Tumira siya sa bahay na parang kapamilya namin. Naalala ko pa nga, paborito niyang magluto ng currylalo na kapag nakikita akong depressed. Kapag kumakain kami, nakakalimutan kong temporary lang lahat ng iyon at baka mawala na lang siya ulit. Ang mahalaga nasusulit ko ang mga oras na kasama siya.

Gaya ng usapan namin noon, naisipan kong magturo kaysa sumali sa isang accounting firm, at ang loko ginaya din naman ako. Pero sa liit ng kita namin dumating ang puntong kailangang mag-sakripisyo – pupunta daw siyang ibang bansa, at pagbalik niya bibili siya ng bahay at doon na kami titira. Takot man ako, naniwala pa rin ako sa promise niyang babalik siya at magagawa na naming lumagay sa tahimik.

Nung una, madalas pa kaming naguusap at masaya pa ang mga kwentuhan namin. Pero isang message lang ang nagpabago ng lahat – humingi siya ng tawad sa akin, at sinabing di ko na daw siya deserve. Natauhan na siya, na isang bangungot lang pala lahat ng nangyari at bumalik na siya sa wisyo. May girlfriend na siguro siya ulit doon at siguradong wala akong panapat kung ganun. Ang daming araw at gabi na napaiyak ako’t parang lutang bago ko naisip na walang silbing mag-drama pa at dapat na siguro akong masanay na mag-isa gaya dati.

Pumunta akong ibang bansa, nagkukunwari sa sariling gusto ko ng bagong direksyon sa buhay pero sa puso ko, nagbabaka-sakali akong makita siya. Pag-alis ko, I made sure na may bahay akong babalikan, o marahil kami. Di pa rin ako natapos umasa na aayos din ang lahat.

Dahil wala namang laman ang kusina, napilitan akong lumabas ng subdivision para bumili ng makakakain. Pero nauwi iyon na gusto kong parusahan ang sarili ko sa pagbili ng ingredients ng curry na paborito naming dalawa. Kung siguro matikman ko ‘to ulit, baka tuluyan na akong maka-move on at matanggap na kailangan ko nang tapusin ‘tong kahibangan ko.

Magsisimula na sana akong magluto nang biglang lumiwanag sa labas, rinig ang pagdating ng mga truck, na nakakapagtaka dahil halos wala namang tao dito. May bagong lipat ba? Mukhang masyadong gabi na para sa ganito?

Napasilip ako sa labas at di ako ready sa nakita ko – abalang-abala siya sa pagbubuhat ng gamit papasok ng bahay niya sa kabilang dulo ng row house. Nagbibiro ba ang tadhana sa amin? Bakit siya nandito? Paano ko siya haharapin?

Wala pang split-second bago ako mapansin ng bago kong kapitbahay – si Jordan. Alam kong siya iyon sa kanyang mukha pero di ko malaman kung tumanda lang siya masyado – humaba ang buhok niya, makapal ang salamin at parang walang sigla ang balat. Gusto ko siyang tanungin ng kung anu-ano; magalit at umiyak sa harap niya ngayong nandito siya’t ilang lakad na lang mula sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka niyang tanong. “Akala ko nasa ibang bansa ka?”

“Ah, eh...” Napakamot na lang ako sa ulo. “Kauuwi ko lang. Binisita ko lang yung bahay na binili ko. What should I say, long time no see?”

“Ang troll talaga minsan ng nasa taas, no?” Pagpapatawa niya. Pinipilit kong magmukhang galit sa kanya pero sa loob ko, masaya ako sa realidad na kausap ko siya ulit. “Kauuwi ko lang din. And I meant to stay here for good, gaya ng sinabi ko sa iyo noon-”

“Wait, hindi ito teleserye, tumigil ka diyan sa ilusyon mo...” May halong biro at pagkaseryoso ang sagot ko. “Baka kailangan mo ng tulong diyan sa mga gamit mo?”

Tinanggap naman niya ang offer para ibaba ang mga gamit na binili niya pala sa mall. Halatang gusto niya akong kausapin pero sinusubukan kong iwasan ang mga tingin niya para magmukhang impersonal ang pagtulong ko; tulong kapitbahay lang. Kaso di ko maiwasang maisip na gusto niya akong akitin sa kung paano siya makangiti. Hindi ko talaga ma-gets ugali nito hanggang ngayon.

“Baka gusto mong kumain, mukhang pagod ka ata sa biyahe mo?” Alok ko matapos maibaba lahat ng gamit niya.

“Naks naman, ibang klaseng kapitbahay ka pala.”

“Excited lang. Akala ko kasi puro multo magiging kapitbahay ko, may dadagdag palang kapre.” Dinaan ko na lang sa pang-aasar ang inis ko sa kanya.

“Anong ulam mo?”

“Curry.”

“Wow naman, buti alam mong lutuin.” Nahalata niya siguro na inisip ko siya nung nagdesisyon akong lutuin iyon.

“It was not meant for you, huwag kang feelingero.” Sabay lakad ko paloob sa bahay at alok sa kanyang pumasok din.

“Kailangan ko bang matakot diyan?”

“Oo. Lalagyan ko yung ulam ng droga.” Di ko alam kung matatawa siya o kinakabahan sa itsura ng mukha niya pagkasabi ko noon. “Unless ready kang ma-interrogate at sagutin lahat ng tanong ko sa iyo?”

“Like bakit ako nandito at bakit ako magiging kapitbahay mo?”

“Yeah, as well as...”

“Bakit ngayon lang ako nagparamdam ulit, after so long?” Sabay lapit niya sa refrigerator at sinilip ang laman na para bang dito talaga siya nakatira.

“Walang alak diyan, saka wala ka nang mabibilhan sa oras na ‘to...”

Pero nagkasya na lang siya sa malamig na tubig. “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong halos nabaliw na ako nung nasa ibang bansa ako?”

“Oh c’mon, hindi ito Wattpad, pero sige I’ll listen-”

Saglit na tumahimik ang kusina at ang tunog lang ng kumukulong ulam sa kaldero ang maririnig sa paligid.

“Seryoso, di ko malaman anong sapak nangyari sa akin noon...” Sabay inom sa tubig sa baso na parang alak talaga hawak niya. “Halos mawalan ako ng trabaho, homesick ako, nabiktima ako ng bad influence...”

“At biglang iniwan mo na lang ako sa ere?” Napapasa ko na ata yung pait na nararamdaman ko sa niluluto ko.

“Alam ko, ang jerk ko noon. Hindi ko nga mawari saan ka humuhugot ng kung ano’t nagagawa mo pang magpatawa sa akin ngayon-”

“Kung nangyari ito a few years ago, di ko malaman kung sasapakin kita o magmamaka-awa ako sa iyo. Ngayon di na tayo mga jejetweens, kaya nahaharap na kita ng ganito. Hindi naman ako selfish, kaya I tried na intindihin kung anumang desisyon mo noon...”

“And it was too late nung na-realize kong mali pala yung desisyon ko-”

“If that was the case, ang dali-dali lang namang i-message ako, tawagan ako, humingi ka ng tawad sa akin, pero di mo nagawa?” Doon na nagsimula ang litanya ko tungkol sa nakaraan. “Hindi ko alam sa iyo pero ako, nagtiwala ako sa iyo noon pa eh, I trusted you nung umalis ka’t sinabi mong you’re betting for our future, tapos yun pala namomoblema ka na sa ibang bansa di mo man lang sinabi sa akin? Ganun lang ba kababaw lahat ng pinagsamahan natin? Sinundan pa kita sa Singapore na walang idea kung buhay ka pa or what-”

“Actually lumipat na ako noon sa Malaysia...”

Hindi na ako nagbaka-sakali’t linayo ko na ang kaldero at baka maging pampa-alat pa ang luha ko sa pagkain. “Diyos ko, di ko malaman kung paniniwalaan kita; isang tulay lang pala pagitan nating dalawa pero lagi na lang tayong nagkaka-salisi?”

“Tapos biglang magiging magkapit-bahay tayo ngayon...”

“Yun nga eh. Ang sarap isipin na second chance ‘to, third chance, fourth chance? Tapos ano, maghihiwalay tayo ulit? Nakakapagod na, ayoko na sumugal pa…”

Tinignan lang niya ako sa buong mental breakdown ko na iyon. Pinagpasalamat kong di niya ako sinubukang yakapin o kung anuman dahil di ko sigurado ano magiging reaksyon ko – itutulak ko ba siya palayo, gaya ng pag-tulak niya sa akin bigla noon?

Hindi naman ito parang nobela na basta nagkita lang ulit, bati na agad at may happy ever after. Hindi na kami bata pareho, at pareho naming alam na ang pagpatawad ay di parang kapeng nabibili sa tindahan – hindi siya instant. Pero kahit na ang bilis ng pangyayari may katiting pa ring awa sa puso ko – bakit iba na siya ngayon? Siya ba talaga ang gwapo, medyo hambog at pilosopong lalaki na naging peg ko noon, na nauwi sa pinangarap na forever?

“Tayo 'to, di ba?” Sa lahat pa ng pwedeng pagkakataon, doon pa niya napansin yung picture na magkasama kaming dalawa. “Grabe, ang bilis talaga ng panahon…”

“At ang bilis mong nawala di ko alam kung nakilala ba talaga kita.”

Nagmadali na kaming ubusin ang linuto kong curry bago pa ito lumamig. Ang pait daw, pag-amin niya na di ko na rin kinagulat. Kung may oras lang daw ako, ipagluluto niya ako kina-umagahan pero tinanggihan ko siya dahil wala naman akong balak talagang magtagal. Hindi ko alam kung kailan ako babalik sabi ko, sabay paalala niya ulit na doon na siya sa subdivision titira ng permanente kaya pwede niya akong ipagluto anumang oras.

Nagpa-alam kami sa isa’t isa na para bang walang dramang nangyari. Binuksan niya ang gate ng bahay niya, sabay lakad papasok na parang kumbinsido nang wala na akong balak ituloy ang usapan namin. Pero pahamak talaga minsan ang dila, minsan nadudulas at nalalabas ang sinasabi ng puso.

“Nakalimutan ko, meron nga palang 7-Eleven sa highway.” Nagmadali siyang lumabas nang narinig iyon. “Bilisan mo bago pa tayo datnan ng ban.”

Ilang Empi Lights kaya mauubos namin nito? Bahala na, kulang pa ang isang gabi para sa isang masinsinang kwentuhan. Online man ang mundo ngayon, wala pa ring tatalo kapag kaharap mo ang kausap mo.

Ayos lang naman sa akin kahit abutin ng umaga ang kuwentuhang ito, o kahit ilang araw pa…

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Chapter 3

Mabuti na lang at nakarating kami ni Dan sa 7-Eleven 30 minutes bago ang liquor bannila. Ang hinayupak pa naman kasi, sinabi ko nang magtawag na kami ng tricycle pero trip daw niyang maglakad kami papunta sa gate ng subdivision, para daw romantic. Kung di rin siya timang.

"Louie! Anong gusto mong inumin?" Wala talaga siyang pinalagpas na oras at dumiretso agad sa stante ng alak. "Saka anong gusto mong chaser?"

"Kahit tubig lang, ayos na iyan..." Sagot ko habang naghahanap ng tsitsirya para sa pulutan.

"Hanggang ngayon nakakaya mo iyon? Seryoso ka?"

"Hindi ka rin mabiro, no?” Halakhak ko. “Anyway, may Sprite ba sila?" 

May basis rin naman ang tanong niya. Naalala ko pa nung una naming inom ni Dan sa bahay, parang tubig lang kung inumin ko ang Emperador kahit na para siyang lasang Tempra. Pero siya, todo tiis sa pag-inom at halatang nasusuka sa lasa. Ganun nga siguro kapag lumaki kang isolated sa mundo.

Kaya kahit nung kaming dalawa na lang ang magkasama, di pwedeng walang juice o softdrink kasabay ng inuman. Di rin pwede ang isaw o sisig, kaya puro junk food o tinapay ang nilalantakan namin.

"Okay lang ba sa 'yo? Mahal na pala softdrinks dito sa Pinas!"

"Ikaw nag-aya, ikaw din dapat magbayad. Kulang pa iyon sa lahat ng kasalanang ginawa mo." Di ko pa ring maiwasang sagutin siya ng pabalang kahit mukhang di na seryoso sa kaniya iyon.

"Oo na..." Madali rin namang nauto ang ewan. "Teka, sale Ice Cream nila dito..."

Napatingin ako sa fridge na puno ng iba't ibang flavor ng ice cream. "Ube! Isa lang pwedeng flavor ng ice cream sa bahay, wala nang iba..."

"Kahit Chocolate hindi? Cookies and cream? Black forest?"

"Mas kadiri iyon, lasang gamot iyon!"

"Parang di lasang gamot ang Emperador..."

"Iba iyon!" Sabay tingin ng ex ko sa akin, halata ang judgement sa mukha niya. "Kasalanan ko bang iyon lang pinapa-inom ng mga kaklase ko sa akin noon?"

"Sa bagay, beer is boring..." Kahit na ilang bote ng San Mig light ang kinuha niya sa ref? "Ay, buwisit, nakalimutan ko palang magpa-load..." Sabay tingin sa loading machine ng 7-Eleven na lagi namang offline sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

"Huwag ka nang mag-abala diyan, wala iyang kwenta..." Inabot ko ang cellphone ko para loadan siya online. "Bayaran mo na lang ako later."

"Yieee, kinukuha niya ang number ko..." Grabe siya, inisipan pa talaga ako ng malisya!

"Di ako mahilig sa text, sorry." Banat ko pabalik.

"Facebook? I-add mo na rin kaya ako since nandito na rin naman tayo..."

"Wala kang makikita doon. Puro Facebook group at online shopping na lang tinitignan ko doon. Nakaka-stress ang memes at pulitika nauso lang ang Android!"

Wala akong kamalay-malay na na-offend ko na pala siya until nakita ko yung cellphone niya - seryoso, di man lang niya afford kahit Oppo or Vivo? Mas maliit pa ata screen nung phone niya kaysa sa junior ng average Pinoy...alam mo yung phones na may mapa sa likod? Iyon.

"Sorry naman, proud Pinoy kasi ako. Saka di na ako nago-online masyado...tawag and text okay na sa akin iyon. Wala rin naman akong makakausap in the first place."

"Ows, kahit hook-ups sa Grindr di mo ginawa ever? Ipokrito, ha."

"Oo na. Baka matunaw pa yung ice cream mo." I just let Jordan get off that track. Hindi ko alam pero kahit na kanina pa namin pinagtatawanan mga kalokohan namin, para bang he takes things too seriously. Everything I say seems to be offensive, kahit na feeling ko ako dapat yung mas may lisensyang maramdaman iyon?

"Okay, tapos na ang break. Spill the beans...or the tea...or whatever..." Bumalik ang seryoso kong mood habang nakalatag ang mga alak at pulutan sa mesa. Mukha tuloy interrogation room ang kusina dahil sa ilaw na nakatutuok sa gitna ng mesa, habang magka-harap kami sa magkabilang dulo. "Akala mo I'll let you off ng ganun-ganun na lang?"

"Anong bang kailangan kong ikuwento?"

"Everything. Lahat ng nangyari nung nasa Singapore ka. Sinong mga ka-chuk-chakan mo doon. At bakit iniwan mo na lang ako bigla without any notice?"

"Nakipag-break naman ako sa iyo noon, ah?" Kapal talaga ng mukha ng megane na 'to?

"I just want closure okay-" At napatakip ako ng bibig para bang nagsabi ako ng salitang taboo. "Oh God, I'm sorry, di ko dapat sinabi iyon, it's just...too corny..."

"Bakit corny?"

"Nababanas kasi ako pag naririnig ko iyon, okay?" Justification ko habang naghahanap ang ex ko ng shot glass sa kitchen cabinet. "I don't know bakit yung iba sobrang adik na adik sa mga ex nila kailangan pa nilang magmaka-awa sa radyo and things like that. If they failed, just fail early and forget that it happened. Bilyon-bilyon tao sa mundo tapos nagpapaka-baliw ka sa isang tao?"

"Parang ikaw, ngayong kausap mo na ako." Bingo. Sobrang galing talaga sa observation nitong gago.

"Fine, you win." Pagsakay ko sa banat niya. "But it doesn't let you off the hook. Umupo ka diyan at inumin mo na iyang Empi since ikaw na rin naman ang naglagay."

Ilang minuto din bago nagawa ni Jordan na magsalita...scratch it, mapa-iyak pala. Alam mo iyon, busy ako dito lantakan yung ube ice cream sa tub tapos makikita mo siyang ngumingiwing parang nasa acting workshop siya? Di mo ako maloloko, huy.

"Umiiyak ka diyan? Star Magic lang? Starstruck? PBB?"

"Hindi, makati lang mata ko..." Sabay hugot ng panyo mula sa pantalon niya. "Hindi mo talaga pwedeng takasan ang kasinungalingan, no?"

"Wala tayo sa spoken word, sige na...I'll listen." Assurance ko kahit na asar na asar na akong hindi pa rin niya magawang magsalita. Eventually, nakahanap rin naman siya ng buwelo.

"Totoo iyon na na-homesick ako nung nasa Singapore ako..." Pagsisimula niya habang hawak ang basong may laman na Sprite. "Namiss ko Pilipinas, namiss ko si tito't tita, mga friends ko, ikaw...alam mo yung feeling na sa sobrang depressed ka yung luha mo na ata yung ginagamit mong lube sa sarili mo?"

"Kadiri ka, dinamay mo pa talaga ako sa libog mo!" Sa bagay, we're getting older. Di na dapat pabebe mga usapan namin. But the imagery was so intense di siya mawala sa isip ko...like those times when we were young and we play with ourselves instead of video games.

"Real talk lang. Sabi mo sabihin ko yung totoo, di ba?" Dumiretso ang tagay sa lalamunan niya, walang paki sa lasa nuon. "Ayun na nga, I was tempted, putting it lightly. Marami akong nakilala doon, tapos mabili pa net nila doon kaysa sa Pinas tapos..."

"Basically...lumandi ka 'doon. Right?" Nakakagulat kung paanong walang paligoy-ligoy itong usapan namin. Gusto ko 'to. "Gwapo pa naman saka buff mga Singaporeans..."

"Iyan din ba yung reason kaya nahilig ka bigla sa muscle shirts?" Seryoso niyang tanong habang tinitignan ang black punk-rock kong damit na di ko naman talaga sinusuot masyado.

"Not really, di ako nagpaka-borta because of that. But go on..."

Teka lang, parang sunod-sunod ata ang pag-inom niya, di man lang niya ako bigyan? "Alam ko di ka maniniwala sa akin, Louie. Pero sinubukan kong di matukso. Kaso may ka-work ako, mabait siya tapos lagi niya akong kinakausap, iyon pala may motibo siya sa akin..."

"Pinoy?" Tuloy-tuloy na interrogasyon ko.

"Yeah."

"Babae?"

"Hindi, siyempre."

"Oo nga naman, nabanggit ko na rin naman yung mga bortang Singaporeans..." Realization ko. "So...masarap?"

"Di ko malaman yung galit ka ba talaga o napaka-dali lang sa iyo na mag-move on?" Pagtataka ng ex ko. "Ang dali lang sa iyong tanungin ako ng ganito..."

"No, because 10 years ago na rin naman iyon. Gusto ko lang talaga malaman what happened, that's all. Curious lang ba. Saka matatanda na 'tayo..."

"We're not even 40, Louie."

"But we're getting there."

Siguro nga niloloko ko lang sarili ko sa pag-deny na gusto ko talaga ng closure. Or may katiting pa ring hope sa puso kong we can have this fixed somehow. Sa tagal naming magkalayo - more than 10 years na rin - ganun lang ba iyon kadali? Our bodies have changed, so as our friends and our beliefs. Nasanay na akong wala siya and here he is, bumalik bigla at nagkukunwaring lahat ng masamang nangyari sa amin ay bangungot lang, gaya ko.

"So nag-confess nga siya sa akin. Nung una, tinatanggihan ko siya pero todo talaga siya sa pag-insist..." Pinaglalaruan lang ni Jordan ang fake veggie sisig sa harap niya gamit ang tinidor; hindi rin naman niya kakainin iyon kahit wala iyong baboy. "Tapos isang araw, nalasing kami pareho tapos ng isang party, tapos ayun..."

"Pag may alak, may balak." Sabi nga sa isang kanta. Parang kami lang ngayon.

"As if naman na-enjoy ko iyon..." Justification niya. "Pero na-guilty ako. Tapos naisip kita, kaya ayun, lahat ng katangahan nagawa ko ata noon..."

"Seryoso ka? Di mo man lang naisip na mag-sorry kung ano man? Akala ko pa naman matalino ka."

"Di natuturo sa eskwelahan ang pag-ibig, Lou." Pero sa bandang huli napilitan siyang kumurot sa sisig nang sinabi kong gawa iyon sa tokwa. "Alam mo naman kadalasan di ba, lalo na sa mga straight, 'pag nalaman ng mga girlfriend nila na may iba sila, may away-away sila sa kalsada ganun, tapos hiwalayan tapos i-dedelete lahat ng posts saka picture nilang magkasama? Inisip ko ganun din mararamdaman mo kung nalaman mo iyon. Tinablan lang ako ng hiya."

"Buti naman nakaramdam ka noon pagkatapos..." Di ko namamalayang naubos ko na yung laman ng ice cream tub nang di man lang siya nakatikim. "Pero di mo ba naisip na malay mo, mabait pala ako? Na tanga pala ako't mapagbibigyan pala kita? Hindi naman ako pabebeng babae, Jordan. I'm a man, too. Even back in our 20s nage-gets ko nang those phases will happen."

"Ang mature mo talaga." Pag-hanga niya pabalik.

"Hindi, one-time lang 'to.” Pagharang ko sa kanyang attempt into flattery. “Pero di rin, baka napabili din siguro ako ng ticket ng de-oras noong panahong iyon para sapakin ka. But probably iiyakan ko rin lang iyon pagkatapos tatanungin kita like in the movies... 'Am I not enough? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?' Ganun. Then I'll ask you how we can work it out."

My gosh, I'm becoming such a blabbermouth. Umeepekto na ata itong alak sa akin.

"So iyon na nga, kung ikaw ba tanungin kita ngayon, anong isasagot mo?"

Laking-gulat ko nang sagutin niya ako agad-agad, iyon pala wala rin pala yung laman na hinahanap ko sa sagot niya. "Wala, it's all my fault. Di ko nakontrol sarili ko."

"Huwag mo 'kong lokohin, Dan, you know di mo ako mabobola ng ganyan."

Binuksan muna niya ang isa sa mga pouch ng potato fries bago siya bumuwelo. "Bakit? Pag sinabi ko bang ginawa ko iyon kasi na-miss kita kasi parehas tayong busy at halos di mo na ako nakakausap nuon, tatanggapin mo ba iyon? Pag sinabi ko bang mas may oras ka sa trabaho mo noon, tatanggapin mo ba iyon? Hindi, di ba?"

"Ayan, at least nagiging honest na tayo sa isa't isa. But in reply to that, 10 years ago di ko matatanggap iyon. Mataas pa pride ko noon."

"Pero ngayon?"

"Mas madali ko nang matatanggap iyon. Sabi nga nila, millenials are receptive to feedback. Natutunan ko iyon sa coaching sessions ko sa trabaho."

"So kahit sa personal mong buhay, tatanggapin mo mga negative tungkol sa iyo kahit masakit?"

"Nasanay na. Kahit na nung nag-out ako sa pamilya namin."

"Yung totoo, saan ka humugot ng lakas ng loob?" Mukhang may tutulo na naman sa mata niya kung di ko lang inabang sa kanya ang paper towels galing kusina. O kaya, sipon. "Ayun na nga, long story short, nabaliw ako matapos nung nangyari. Natanggal ako sa trabaho, tapos nagpalakad-lakad ako sa kalsada for a while; kung di lang ako nakita nung Family Services tapos hinanap mga kasama ko sa boarding house. Tapos ayun, may nag-alok sa akin na lumipat na lang sa Johor Bahru."

"Don't tell me yung ahas iyan."

"Parang...ganun na nga." My God, di ko malaman saan nanggagaling ang apog nito. "May mga kamag-anak kasi siyang may chicken farm doon. So nagtrabaho muna ako doon, taga-audit ng mga nakatay na manok."

"Tapos kinakana pa rin niya after shift, ganun?!"

"No...not really. To my surprise di naman siya nagpaparamdam masyado doon. Pero inaaya pa rin niya ako minsan kumain, magshopping, dates..."

"Nagpa-ubaya ka rin naman. Kung di ka rin tanga, eh no?"

"As if may choice ako..." His mood turned sour, mas maasim pa ata sa Nestle Dalandan. "Alam ko itatanong mo sa akin, 'Bakit di ka na lang bumalik sa Pilipinas?' Alam mo namang wala naman akong babalikan dito, tinakwil ako ng magulang ko para lang sa iyo..."

Of all the things na pwede kong kalimutan, iyon pang fact na tinakwil siya ng ultra-conservative niyang mga magulang matapos na maging kami. Siguro nga hindi enough ang isang baldeng Betadine at isang bond paper na Band-aid para mahilom yung mga sugat ng pagkabata namin. Akong isa pang taklesa, lalo pang pinapahapdi iyon.

"Like I said kanina, di mo ba naisip na pwede mo naman akong balikan?" May sugat din naman akong di gumagaling di ba? Siguro naman pwede ko itong itanong? "You know, narealize ko tuloy siguro nga di talaga ganung ka-strong yung relationship natin nung bata pa tayo. Iba nga rin siguro talaga kapag sa internet lang nagkakilala."

"Kanina tinatanong mo ako anong mali tapos ngayon binabalik mo yung sisi sa akin. Iba ka rin, eh no?"

"I know, I know...ang hipokrito ko talaga!" Napatawa na lang ako na daig pa si Dracula. "Pero alam mo, thank you for facing this with me head-on. Honesty is the best policy talaga."

Sa lalim ng usapan di namin namalayang naubos na pala yung Emperador na binili namin. Yung San Mig Light na original na balak lintikan ni Jordan, nakalimutan na niyang nasa ref. Siguro in the mood lang siya for something...hard.

"May kailangan pa ba akong ikuwento?" Tanong niya. "Huwag mong sabihing gusto mo ding malaman hanggang sa paano kami mag-sex?"

"Kadiri, huwag na." Sa puntong iyon medyo nabubulol na ako't napapatigil sa pagsasalita - dala na siguro ng kalasingan, o dahil sa may limit lang ang pasabog na pwede kong malaman. "Napagkwentuhan na natin siya't lahat-lahat pero di mo nabanggit ang pangalan niya."

"Ganun ako ka-determined na kalimutan siya." Pagyayabang niya. "Tawagin mo na lang siyang Gio."

"Right. Di ko na rin aabalahing tignan pa ang Facebook niya." Kahit na pwede ko namang gawin iyon out of curiousity, bilang nagpapanggap na rin akong mature individual.

"At di mo pa rin nababanggit anong nangyari sa iyo pagkatapos nating maghiwalay."

"May kailangan pa ba akong ikuwento?" Alangan kong sagot. "Wala eh, si Rihanna spirit animal ko that time. Work, work, work lang ako. Saka dessert."

"Ni boyfriend, wala? Kahit hook-ups?"

"Oh no, don't challenge me on that...buff, twink, scruffy, bear, daddy, kahit foreigners I've tried after you." Pagyayabang ko naman. "Minsan top, minsan bottom, kahit nga orgy napagtripan ko din out of spite..."

"Ikaw na may safe and satisfying sex life."

"Hindi naman, it only worked out for a time." Napa-ubo na lang ako sa lamig ng tubig na nalunok ko ng biglaan. "Nagsawa rin ako kasi kahit anong gwapo ko, in the end one-time lang naman lahat ng iyon. Kasalanan mo 'to kaya di na ako naniniwala sa forever, eh. Kaya nakakaya kong kumain ng isang platong ampalaya kasi di na siya ganung kapait versus yung naramdaman ko sa iyo noon."

"Umamin ka ding naging bitter ka rin." Iba talaga nagagawa ng alak para mailabas mo emosyon mo.

"Hindi naman. But kung real talk na rin naman ang usapan, aminin na natin ang hirap makahanap ng matinong relasyon these days. Straights nga naghihiwalay, people like us pa kaya? Kaya sabi ko sa sarili ko, magtratrabaho ako ng todo. Kailangan may milyon sa bank account ko bago ako umuwi. Tapos ko na 'tong bahay, though I hope I can retire bago man lang mag-sikwenta..."

"Pero alam mo namang in the end malulungkot ka ring mabubuhay mag-isa, kahit marami kang pera?"

"Not a problem. Magpapa-aral ako ng pamangkin ko, o kahit yung Badjao diyan sa mga jeep. Or kung wala talaga, nandyan naman Spada sa Cubao."

"Mahal iyon."

"Hindi ko naman sinabing araw-araw!"

"Saka nandito naman ako, libre pa di ba..."

Iba din, lasing na nga talaga ito. "Now we're talking, Jordan. But no. Huwag mo akong biruin ng ganyan."

"I'm not even joking..." Iba din, napa-English na siya. Tapos bigla na lang siyang tumayo sa upuan niya at lumapit sa akin, linalapit ang ulo niya na para bang gusto niya akong halikan. "Can I?"

"Nope." Pagtanggi ko. "Saka lasing ka na talaga. Maghumus-dili ka."

"Alright, then. Naniniwala naman ako sa consent." Kumindat na lang siya bigla na parang may tinatago siyang malagim na balak. I should kick him out hangga't kaya pa.

But in the end di ko rin nagawang palayasin si Jordan. Buti na lang naka-ready na ang internet sa bahay, kaya napag-tripan niya ang Netflix sa smart TV saka siya naghanap ng mapapanuod. Kaysa Bird Box or some generic chick flick ang panuorin heto siya, nakatutok sa isang documentary tungkol sa mga umiinom ng gamot sa Oregon para mamatay na sila. How To Die In Oregon daw ang title.

"Napanuod ko 'to dati sa isang film festival..." Pag-amin niya sabay sabing kasama daw niya si "Gio" nung pinanuod niya iyon. "Noong mainstream na ang Netflix pinapanuod ko siya palagi kapag depressed ako. Nare-realize ko kasi na may ibang taong mas malala ang problema sa akin, na kahit anong laban nila di na sila pwedeng mabuhay. Doon ko naisip na di ko pwedeng sayangin ang buhay ko."

"Hindi ka ba nagpatingin sa psychologist noong nasa Malaysia ka?"

"Nah, sayang pera lang iyon." Mas lalo akong nag-alala sa sagot niya. "Saka di na rin naman masyadong bumabalik iyon. Iba lang talaga today kasi nakita kita."

"Sinisi mo pa talaga ako diyan sa drama mo."

"Nah, one day babalik din naman iyon ulit." Banat niya sabay kuha ng isa sa mga potato chips. "At least ngayon, may makakausap na ako. May pipigil na sa akin."

"Tumigil ka nga diyan, Dan. Diyos ko!"

Eventually, napahiga siya sa sahig na para bang pusang naghahanap na mayakap ng amo niya. To my surpise, kahit na naiiyak na ako doon sa mga bida sa documentary, poker-face na lang siyang nakatutok sa TV. Training daw iyon kung paano maging manhid, kasi ganun daw ako.

"Pero alam mo, thank you."

"Thank you ka diyan."

"And I'm sorry."

"Di mo na kailangang sabihin iyan. Matagal na iyong mga nangyari." Assurance ko dahil it's the most adult thing to do. "Though last question na, kumusta na kayo ni Gio?"

"Wala na. Inasikaso ko iyon bago ako umuwi." Kumpirmasyon niya pabalik. "Enough na ba iyon sa iyo?"

Hindi pa, dapat. Pero sige, hiramin natin yung title ng isang trending na kanta dati - nadarang. Iyon siguro ang isip ko nang naglapat ang mga labi namin.

Who knew a kiss can feel this good?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like mikkieugenio's other books...