A Love Too Great To Die

 

Tablo reader up chevron

A Love Too Great To Die

By: MitchikoSweetheart

Nikki was hurt when she was fooled by one of the campus hearthrobs, Red Alcantara of Gianci Sapphire University. Despite the love she gave him, pinaglaruan lamang nito ang kainosentehan niya. She bowed herself she will not fall into his charms again.

Years passed. Bigla na lamang itong nagpakita sa kanya sa unang araw ng pagbabalik niya sa Pilipinas and said he is determined to win her back. Kahit anong taboy niya dito ay hindi ito natitinag. He protect and cared for her, the same things which made her fall in love with him before.

Unfortunately, fate has another plan. She ended up eating her own words..

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
MitchikoSweetheart

Sana mabasa nyo ang A Love Too Great To Die ;)

CHAPTER ONE

OH my God! Look at her! She’s so Eww!”

Nakayuko ang ulo na ipinagpatuloy ni Nikki ang paglalakad sa pasilyo ng Gianci Sapphire University kung saan siya nag-aaral. Hindi na bago sa kanya ang naririnig niya sa mga kapwa niya estudyante simula nang tumuntong siya sa prestihiyosong Unibersidad na iyon tatlong taon na ang nakalilipas.

Can’t blame them.. malungkot na sabi niya habang nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ng girl’s restroom. Doon siya dumiretso bago tumuloy sa klase niya.

Thick eyeglasses, T-shirt, rugged pants at rubber shoes ng porma niya. Ang buhok niya na lagpas-bewang ang haba at natural na kuloy ay simpleng naka-pony tail lang. Bukod sa mga mata niya na natural na kulay berde na namana niya mula sa yumaong ina niya ay wala na siyang maituturing na espesyal sa pisikal na kaanyuan niya. Alam niyang walang mali sa pananamit niya pero hindi naman niya masisisi ang ibang estudyante na laitin at pagtawanan siya dahil masyadong “antiquated” ang pananamit niya kumpara sa mga ito na liberated at mga sopistikada. For her, it’s not a big deal if no one notices her. Mas gugustuhin niyang mag-isa na lamang siya kaysa paligiran ng ibang magiging impluwensya at sagabal lamang sa tulad niya.

Para sa kanya, pumapasok siya sa eskwelahan para matuto, hindi para makipagsosyalan sa mga ito.

Nasa ikatlong taon na siya sa kursong BS Psychology. Ang kursong iyon talaga ang first choice niya dahil gusto niyang pag-aralan ang utak ng tao at ang mga posibleng nakakaapekto sa mga ugali ng bawat isa. Her dad told her that studying Psychology isa good. Madami daw siyang malalaman sa mga bagay-bagay. She didn’t have friends. Bahay-eskwela lang ang routine niya. Five years old siya ng mamatay ang mommy niya dahil sa sakit nitong leukemia. Simula noon, hindi na muling nag-asawa ang daddy niya at ibinuhos na lamang ang atensiyon sa kanya at sa kompanya nila. She is the only child of a business tycoon, Ryan Ocampo. Yes, they’re rich. But despite that, wala pa din siyang maituturing na kaibigan. Kahit anong pilit ng daddy niya na sumama siya sa mga business trip nito sa abroad ay hindi siya nito mapilit. Hindi dahil wala siyang interes sa kompanya nila kundi dahil ayaw niya lang mapahiya ang daddy niya dahil sa kanya.

For eighteen years, pinalaki siya ng daddy niya ng tama at sobra-sobrang pagmamahal ang binigay nito sa kanya. From then, ibinuhos niya ang sarili sa pag-aaral at iniwasan ang pupuwedeng makasagabal sa kanya bilang bayad sa lahat ng paghihirap ng kanyang ama para sa kinabukasan nilang pareho at ipinagmamalaki niya ang ama niya dahil doon. Kung ang ibang kaedad niya ay mga nobyo o kaibigan ang inspirasyon sa pag-aaral, iba siya. para sa kanya, ang Daddy niya ang inspirasyon niya sa lahat ng bagay na ginagawa at gagawin niya.

In school, she was known for being a campus nerd dahil sa pagiging bookish niya at palaaral. Okay lang ‘yon sa kanya. She’s just being true to everyone at para sa kanya ay mahalaga ‘yon. Though she didn’t want any attention, hindi pa din maiwasan ‘yon kapag dumadaan siya at ipinagwawalng bahala ang pagbubulungan ng mga nadadaanan niya.

As long as alam niya na wala siyang ginagawang masama at wala siyang nasasaktan, hinding-hindi niya babaguhin ang sarili niya para sa mga ito para lamang tanggapin siya. Masaya naman siya kaya hindi issue sa kanya ang mga ganoong bagay. As long as he is living with her Dad in a very peaceful life.

*****

OKAY class. That’s all for today. Be ready for our practical test tomorrow.”

Isa-isa nang nag-alisan ang mga kaklase ni Nikki dahil tapos na ang ikatlong klase nila para sa araw na ‘yon. Tumingin siya sa relo niya at napagtantong lagpas alas dose na pala ng tanghali.

“No wonder..,” bulong niya sabay hawak sa sikmura dahil biglang tumunog ‘yon.

“Ahm, Ms. Ocampo?”

Gulat na napabaling ang pansin niya sa kanyang propesor. “Yes po, Mam?” kinakabah

“Nothing. I just want to congratulate you for getting high grades. Keep it up Ms. Ocampo,” nakangiting sabi nito bago tinungo ang pinto at lumabas.

Napangiti siya. Kung may maipagmamalaki man siya, ‘yon ay ang pagiging honor student niya since elementary at highschool. She is proud of herself, of course. She overcome those insults na kung tutuusin ay ginawa niyang inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

Nang maramdamdaman niyang muli ang kumakalam niyang sikmura, biglang bumalik sa isip niyang kailangan na nga pala niyang kumain dahil may susunod na klase pa siya. Nagsimula na siyang maglakad para tunguhin ang kainan ng Unibersidad.

SHE’s an old-fashioned”

Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng tingin si Red sa kaibigang si Mikael na mas kilala bilang Mike na nakaupo sa kaibayo niya at sinundan ng tingin ang tinutukoy nito. Nakita niya ang babae na yukong-yuko habang naglalakad na sa tingin niya ay pupunta sa canteen. She’s wearing a thick eyeglasses with her hair into a ponytail and a plain shirt and a rugged pants. He found himself watching her every move. Kita niya kung paanong tingnan ito ng mga kapwa nila estudyante habang nakataas ang kilay at hindi makapaniwala ang tingin ng mga ito dahil na din siguro sa paraan ng pagdadamit nito. Hindi katangkaran ang babae.

Nang mag-angat ito ng tingin at igala ang paningin ay hindi sinasadyang napadako ang tingin nito sa gawi nila. She walks in the door.Her eyes meet his and instant attraction is felt.Her eyes are green.

Napamaang siya.

“She looks innocent..,” aniya sa isip.

He felt strange. There’s something he couldn’t explain ng magtama ng ilang segundo ang kanilang mga mata. There’s—

“Hoy Red! Natulala ka na yata?” nakangising tudyo ni Mike sa kanya ng balingan niya. “Don’t tell me you like her?” Sabay halakhak ng malakas na ikinalingon ng iba sa gawi nila.

“Me?” sabay turo sa sarili. “Naaa… Of course not! There’s nothing interesting about her,” sabi niya kahit alam niyang nakuha na ng babae ang buong atensyon niya. “She’s nobody,” dagdag niya pero parang gusto niyang bawiin agad ang sinabi nang makita niyang nag-iba ang ngisi nito.

“Really huh,?” nanunuyang tanong nito habang matamang nakatingin sa kanya. “She’s Nikki Ocampo-“

“How did you know her name?”sansala niya.

Pero hindi nito pinansin ang tanong niya. “coming from a well-known family and known as a nerd, old fashioned lady. Opps? Is she a lady?”

Mikael Perez was making a double shit, he knew.

“Anyway Red, sa ganyang klase ng babae, was it possible for you to fall in love with someone like her?”

“You’re crazy man! Ako pa talaga ang tinanong mo?” natatawang sabi niya sabay sulyap sa babae na tinutukoy nito na mag-isa nang kumakain sa sulok.

“Baka kako ganyang babae na ang nakakakuha ng atensyon mo, bro.”

“Hah! Nunca mangyayari ‘yon Mikael,” mayabang na sabi niya dito.

“Talaga ha? Wanna bet?”

“Sinusubukan mo ba ako?” He asked.

“Ilag siya sa karamihan, hindi mo ba napapansin ‘yon? Sa lahat ng babae, siya lang ang wala akong nakikita na kausap na kaibigan o kasabay man lang kahit sa pag-uwi. Make her fall in love with you in 3 months time, Red.” kundisyones nito.

“Anong mapapala ko sa pustahan kapag nanalo ako?” tanong niya.

“You’ll get a brand new sports car.”

Napangisi siya. Alam na alam nito kung paano siya mapapapayag. Ilang sandali muna siyang nag-isip. Brand new sports car? Not bad.. aniya sa isip at sinulyapang muli ang babae sabay tayo. “Deal”

Sobrang gwapo niya talaga!!”

Nag-angat ng tingin si Nikki nang marinig ang pabulong na sinabi ng isang kaklase niya na nakatingin sa labas ng bintana. Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito na walang iba kundi si Red Alcantara. Yes. She knows him. Red Alcantara is one of their campus heartthrobs. Sa pagkakaalam niya ay nasa ikaapat na taon na ito ng kursong Architecture kaya hindi niya alam kung anong rason nito para magawi sa building nila. Nang matingnan niya ito ng husto ay bumalik sa isip niya ang pagtatama ng kanilang mata noong isang araw sa canteen kung saan niya naisipang kumain. She felt unusual. Parang mas gusto niya pang titigan ito pero ipinasya niyang magbawi na lamang ng tingin dahil baka kung ano pang maisip nito kapag nahuli siyang pinagmamasdan ito.

“Hi, Nikki.”

Nagulat siya ng makitang sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang binata.

“He knows me?” pabulong na sabi niya sa sarili nang makabawi sa pagkakabigla.

Mukhang narinig nito ang sinabi niya. “Of course, kilala kita! Schoolmates tayo eh,” nakakaloko ang ngiti na sabi nito.

She noticed his dimple sa ngiti nitong iyon na lalong nag-angat sa anging kakisigan nito.

He’s still standing in front of her. Intensely staring na para bang walang pakialam kahit pagtinginan na sila ng mga estudyante na tulad niya ay mukhang gulat na gulat din dahil kinakausap siya nito.

“May klase ka ba?”

Hindi tumitinging tumango siya sa tanong ni Red.

“Hindi ka ba nangangalay? Sa tuwing makikita kita, palagi kang nakatungo.”

Gulat na napa-angat siya ng ulo. Napasinghap din ang mga estudyante na nag-uusyoso sa labas nang maring ang sinabi nito. Her eyes widened nang mapagtanto ang sinabi nito. Mukhang matagal na siya nitong kilala at pinagmamasdan.

In your dreams… angal ng isip niya.

Nang akmang uupo ito sa silyang katabi niya ay bigla siyang napatayo.

“Whoaaa! Wala akong nakakahawang sakit kaya pwedeng pwede ka nang maupo, Nikki,” anito habang tinatapik ang inalisan niyang silya.

“Aren’t you going to leave yet?” aniya dito.

“Ang sungit mo naman,” he blurted. “Kapag nakikita kita, palagi kang nag-iisa. Wala ka bang friends?”

Nagulat siya sa diretsong pagtatanong nito. Sa bibig na nito mismo nanggaling na palagi siyang nakikita na nag-iisa, then he blatantly asked her if she have friends? He’s weird. Upang itago ang pagkapahiya, sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit niya.

“Hey! Saan ka pupunta?” nakaawang ang bibig na sabi nito.

“Sorry. I have to go.” Sabi niya at mabilis nang tinungo ang pinto at walang lingon likod na lumabas.

Iniwan niya itong hindi makapaniwala.

What’s gotten on her?

Paulit-ulit na tanong ni Red sa isip habang naglalakad papunta sa school cafeteria upang puntahan ang mga kaibigan niya na alam niyang kanina pa inip na inip dahil almost 20 minutes na siyang late.

Nang bigla na lamang siyang iwan ni Nikki na sinadya niya pang puntahan sa classroom ng mga ito para sa plano niyang pakikipaglapit dito ay hindi niya inaasahang iiwan siya nito sa hindi niya alam na kadahilanan ng nakanganga, ay binalak pa din niya itong sundan. Pero mukhang may 5 itong paa na hindi niya nakikita dahil bigla na lang nawala sa paningin niya ang dalaga. Gusto pa sana niya itong hanapin ng bigla siyang makatanggap ng tawag galing kay Lemuel, isa sa mga kaibigan niya at sinabihan siyang pumunta sa school cafeteria ng Cross Sapphire. Habang kausap niya ito kanina ay parang naulinigan pa niyang buong barkada nila ay katabi nito kaya hindi niya masyadong naintindihan ang iba pang sinabi nito sa sobrang gulo nang naririnig niyang mga boses.

Napangiti siya. Mukhang lahat silang magkakaibigan ay bakante ng ganoong oras. Matagal-tagal na din simula nang huli silang magkasama-sama which happened to be on their highschool graduation. Ang iba kasi sa mga kaibigan niya ay nagpasyang sa ibang bansa magkolehiyo pero mukhang mas nanaig sa mga ito ang pagkakaibigan nila dahil pagkatapos ng isang taon ay sa eskwelahan na niya ang mga ito nagtransfer. Ayos naman din sa kanya ang ideya nang mga ito dahil iisa lamang ang ibig sabihin niyon: araw-araw na silang magkakakasama.

“Anong meron?” tanong niya pagkalapit sa mga ito na mukhang hindi na talaga siya nahintay dahil sa mga pruweba na nagkalat na mga balat ng junkfoods sa mesang okupado nila.

“Reunion,” maigsing sagot ni Lemuel na nakaupo sa may bandang kanan niya.

“Anong---?” hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang umimik si Mike.

“Pero mas gugustuhin ata niyang si Lemuel na maiwan na lamang dito at titigan na lang si Mex sa kabilang mesa,” nanunuksong saad nito na ang mga mata ay nakatuon sa kabilang mesa ilang metro lamang ang layo sa mesang opkupado nila.

Napabaling ang atensyon nila dito. He saw a cute girl with a Japanese look. Kilala niya ito. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang President nang school paper nila at base din sa mga naririnig niya na bukod sa pagiging pianista at modelo ay aktibong atleta din ito. The cute girl seemed to have all the things any woman would envy for. Hindi na niya napigilan ang sarili at tinawag ito, “Mex!”

Mukhang nagulat pa si Lemuel sa pagkuha niya ng atensiyon nang dalaga na ngayon ay nagtatanong ang mga matang nakatingin sa direksyon nila.

Itinuro niya si Lemuel, “Napag-utusan niya lang ako.” aniya rito sabay kindat.

Mukhang nakuha naman nito ang mensahe niya at pansamantalang nagpaalam sa mga kausap nito.

“Talaga? How sweet of you naman, Lems!” nakangiting sabi nito na titig na titig sa kaibigan niya.

“Lems? Ang pangit naman ng endearment mo sa kanya, Mex.”

“Pangit ba? What do he wants ba?” kunwari ay nag-isip ito. “Baby? Babe? Honey? Darling? Or Me?” sabay kindat.

Nabigla sila nang biglang tumayo si Lemuel at walang salitang umalis. Nagtatakang sinundan na lang nila ito ng tingin. “Sandali lang. Araw-araw talagang red days ‘yong kaibigan nyo,” nakasimangot na sabi ni Mex bago mabilis na sinundan ang kaibigan nila.

“Something fishy,” komento ni Tj na abala sa pagtatype sa laptop nito.

Bumaling siya dito at nakakunot ang noong tinanong ito. “Eh ikaw, Tj? Kalian ka magiging cheesy?”

“Falling in love is a joke,” kaswal na sabi nito sa tanong niya na ang mga mata ay nakatuon pa din sa screen ng laptop.

Napailing siya. Hindi niya talaga maintindihan ang mga kaibigan niya. Maaaring magkakaiba nga sila kung ugali ang pagbabasehan pero parang magkakapatid na din ang turingan nila.

“Ikaw Red? Anong balita? Any improvements? Did she fell in love? O ikaw ang na-inlove sa kanya?”

Binalingan niya si Mike. He’s grinning.

Nakakunot ang noong nag-angat ng ulo si Tj nang marinig ang sinabi nito.

“Who are you referring to?

May itinuro ito sa bandang likuran niya. “Oh! There she is!”

Napalingon siya. At biglang nagulat sa nakitang eksena.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER TWO

Nikki was on her way to their school cafeteria. She was about to pull the door when someone inside the café pushed it. To her horror, na-out of balance siya at paupong lumanding sa lupa. Hindi niya alam kung aksidente lang ba ‘yon o sinadyang isampal sa mukha niya ang glassdoor. She felt dizzy. May pakiramdam din siyang mainit na likido na umaagos mula sa noo niya.

Damn! Four na nga ang mata mo, pero mukhang kulang pa din! Can’t you see na papalabas kami? Nerd ka na nga, Idiot ka pa!” singhal at maarte ang tono na sabi sa kanya nang sa tingin niya ay siyang tumulak sa glassdoor.

Kahit hindi siya nakatingin, alam niyang nakakakuha na sila ng atensyon sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya sa pinto at sa lakas ng boses ng babae na para bang ito ang nasaktan sa kanilang dalawa at hindi siya.

Damn! She didn’t want to get any attention! Kaya ipinasya niyang pulutin ang tumilapon niyang mga gamit at isa-isa iyong inilagay sa kanyang bag para makaalis agad sa lugar na iyon.

“I happened to see the whole incident Miss. Sinadya mong itulak ng malakas ang pagbukas sa glassdoor,” sabi ng baritonong tinig na kilalang kilala niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao niya.

Bago pa niya madampot ang notebook niya ay naunahan na siya nito. Napasinghap ang mga nakikiusyoso nang bigla na lamang siya nitong pinangko.

Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa mga mata ni Red na may bahid ng pag-aalala. Tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan ng mga tsismoso at tsismosa sa school nila.

“I want you to say sorry to her for what you did. Siya ang nasaktan pero ikaw pa ang may ganang magtaas ng boses sa kanya na kung tutuusin ay wala naman siyang ginagawang masama sayo,” pormal ang mukha na sabi nto sa babae na hindi makapaniwalang nakatitig dito.

“Me?” sabay turo sa sarili. “You want me to say sorry to this nerd?! Are you crazy, Red?! And, d-do you even know her?!” kandautal na tanong nito patungkol sa kanya.

“Kung hindi ka mag sosorry sa kanya, ora mismo I’ll report this incident to the deans office!” sigaw ni Red na may bahid nang pagbabanata ang tono.

Mayamaya pa ay may narinig silang nagsalita.

“Apologize to her before anything harmful happened to you Christina. You don’t know who you’re messing with.”

Napalingon siya. She saw a teen girl who looked like a Japanese doll na may hawak na raketa at seryosong nakatingin sa babae na tinawag nitong Christina. Ngayon niya lang nakita ang babae sa tinagal na niya sa Gianci Sapphire University.

“I’m sorry

Awtomatikong nalipat ang kanyang tingin kay Christina. Matalim ang mga matang tumingin muna ito sa kanya bago umalis kasama ang mga alipores nito.

“I’ll take you to the clinic,” nakayukong sabi ni Red sa kanya.

Gusto man niyang magprotesta ay wala na siyang ngawa. Masakit na masakit ang sugat niya sa noo at alam niyang hindi niya kakayanin na maglakad ng mag-isa. Nang mapatingin siya sa mga kaibigan nito na nasa di kalayuan na mukhang nakita din ang nangyari ay napansin pa niya ang palitan ng tingin ng dalawa at ang nagtatakang ekspresyon ng mukha ng mga ito.

HI!”

Gulat na nilingon ni Nikki ang babae na umagapay sa kanya sa paglalakad. Si Japanese doll ang nabungaran niya.

“Japanese doll.

Natawa naman ito. “Japanese doll? Do I look like a Japanese doll to you?”

Nahihiyang napayuko siya. Hindi siya sigurado sa kung ano ang isasagot dito.

“Hey! I’m just kidding!” untag nito. “Call me, Mex.”

Tumikhim siya. “Mex? Mexican ka ba?”

“Unfortunately not. I’m a Japanese.”

“What’s your real name then?”

“Mex Mitchelle”

Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Pero mayamaya ay ito na ang bumasag niyon.

“Where are you going? Wala ka bang klase?”

“Vacant”

“So, where are you going nga?” kulit nito.

Honestly, hindi ko din alam kung saan ako pupunta….

Agad na nagtanong ulit ito nang mahalata na hindi siya sumagot. “Nakapagpakilala na ako. But you still didn’t tell me your name.”

“Nakikipag-usap ka sa hindi mo kilala?” gulat na balik tanong niya dito.

“Is it a normal tradition for Filipinos to answer a question with a question?” curious na tanong nito na hindi sinagot ang tanong niya.

“Who told you that?” kunot noong tanong niya na ikinatawa nito nang malakas.

Napangiti siya nang marealize niya ang kanyang sinabi. She found Mex friendly and interesting to talk too. Palagi din itong nakangiti, showing her beautiful set of teeths. Singkit na singkit ang mga mata nito na bumagay sa cute nitong aura.

“My name is Nikki.”

“Oh! Akala ko naman Red’s girl.” Ngumiti ito. “To answer naman your question kung bakit ako nakikipag-usap sa mga hindi ko pa naman kilala, well honestly, I don’t know either. Siguro kaya I decided to have a walk with you is I have a feeling that you’re nice. And I thought, you’re Red’s girl dahil nung nagyari last time.”

Red’s girl…

Nagbalik sa isip niya ang nangyari nang dalhin siya nito sa school clinic nila dalawang lingo na ang nakalilipas.. .

Wala silang naabutan na school nurse dahil lunch break nang araw na ‘yon kaya ito na mismo ang gumamot sa sugat sa noo niya kahit anong pilit niyang iwan na lamang siya nito doon at siya na lang ang bahala bukod sa nahihiya siya dito.

“You shouldn’t do that…” mahinang usal niya.

“Alin doon? Ang ipagtanggol ka?” kunot noong tanong nito sa kanya habang abalang nilalapatan ng betadine ang sugat niya na nagpapangiwi sa kanya.

Umiling siya. “Hindi mo dapat siya ipinahiya, babae pa din siya.”

Napatigil ito sa ginagawa at mataamang tinitigan siya. Her heart skipped a beat. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ito sa malapitan dahil sa tuwinang lalapitan siya nito ay umiiwas siya.kahit alam niyang magkakapareho lang naman ang mga mata ay parang naiiba ang sa isang ito. His eyes are brown. Just those two beautiful sets of eyes locked on hers. “At hayaan kong ipahiya ka niya, ganoon ba? She’s still a girl, yes. Pero babae ka din kaya dapat alam niya kung anong mararamdaman mo nang ipahiya ka niya, Niknik.”

Niknik… His endearment to her sounded like music to her ears.

She bowed her head. She didn’t know exactly what to say. Natouch siya sa sinabi at ipinapakitang concern ng mga mata nito na kahit kailan ay hindi niya nakita sa kahit na sinong tao na nakakasalamuha niya bukod sa ama niya.

“And please, wag kang palagi na yumuyuko. Hindi lahat ng bagay ay ikinakahiya at sinusukuan. Wala ka naming dapat ikahiya. Your choices, your actions, your life. Live it the way you want, and don't let anyone tell you otherwise.There’s nothing wrong being who you are. Maaaring walang pumapansin sayo, but beautiful things don’t ask for an attention.”

Titig na titig siya dito at hindi malaman kung anong sasabihin. Pagkuwa’y nginitian lamang siya nito at ipinagpatuloy ang paggagamot sa sugat niya.

Pagkatapos ng insidenteng ‘yon ay hindi na niya ulit ito nakita…

“Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita na umakto nang ganoon ang isang Red Alcantara. First time on my entire college life! Mukhang may topic na akong maisusulat for our Smarties schoolpaper but knowing him, mukhang hindi siya basta basta papaya. Kung ikaw na lang kaya ang magtanong sa kanya?” nanunukso ang mga matang sabi nito sa kanya.

She blushed. Pakiramdam niya ay higit pa doon ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya.

Napahinto sa paglalakad si Nikki nang may humintong pulang Mercedes Benz sa harapan niya. Tapos na ang klase niya para sa araw na ‘yon pero kailangan pa niyang magpunta sa library para gawin ang mga project niya. Hindi niya namalayan ang oras kaya ginabi na siya. alam niyang mag-aalala ang Daddy niya dahil wala pa siya sa bahay.

Bumaba ang sakay niyon. “Kanina pa kitang hinihintay. Ihahatid na kita.”

Tumanggi siya. “Hindi na. Malaki na ako at kaya ko nang umuwi nang mag-isa.”

“Sa ganitong oras? Hindi magandang tingnan na mag-isang umuwi ang mga babae na katulad mo. Baka mapahamak ka pa.” salubong ang mga kilay na sabi nito.

Wala na siyang nagawa nang hawakan siya nito sa siko at igiya papasok sa loob ng sasakyan bago lumigid sa drivers seat. Chance na din niyang magpasalamat dito sa paggamot nito sa sugat niya at pagdadala sa clinic noong nakaraang araw. Nagpalinga-linga muna siya para masigurado kung may natitira pang mga estudyante.Baka kung anong isipin ng mga ito kung sakaling makita sila. She can even hear rumors that she is Red’s toy. Naaawa lamang daw sa kanya ang binata kaya siya tinulungan. They even say that no one will try to help her again because she is a freak. She is an abhorrent. Still, hindi niya pa din maiwasang masaktan sa sinasabi ng mga ito patungkol sa kanya. No matter how many times she assured herself she is okay, she still can’t accept the fact that they treat her like a complete mess. Pakiramdam niya ay mas masahol pa siya sa isang tao na may nakahahawang sakit kung ituring ng mga ito. Baka nga ang may nakahahawa pang sakit ang lapitan ng mga ito at hindi siya.

She knew Red Alcantara is a certified playboy. Lahat nang babae na magustuhan nito ay nakukuha nito. Hindi niya pa din lubos maisip kung bakit ang isang tulad nito ay pinag-aaksayan siya nang panahon, kung bakit ang isang katulad nito ay lumalapit sa kanya na pinandirihan ng iba, kung bakit nilalapitan siya nito gayong alam niya na hindi lingid dito ang reputasyon niya bilang nerd sa Gianci Sapphire.

Kunot-noo na tumingin siya dito at nagtanong. “Tell me, why are you doing this? You act as if I am an obligation.”

“Normal lang naman na ihatid ng isang lalaki ang nagugustuhan niya diba?” sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.

Napanganga siya. Hindi niya inaasahan na ganoon ang isasagot nito sa kanya. Pakiramdam niya ay namanhid ang katawan niya. She stared at him while he is concentrating on driving. Straight forward ito?

This can’t be but he looked so damn serious.. she thought.

Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nito. Tumikhim siya para alisin ang bikig sa kanyang lalamunan. “Look, if this is one of your joke, I am not interested Mr. Red Alcantara. I asked you in a good way so you better answer me----“

“Seryoso ako. Drop the formality, Niknik.”

Tumahimik siya.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na sila nang mansyon nila. Hindi na niya ito tinanong pa kung paanong nalaman nito ang bahay nila. Alam naman niyang madami itong koneksiyon.

Nagmamadaling umibis na siya ng sasakyan nito nang pagbuksan siya nito ng pinto.

“About doon sa pagdadala mo sa akin sa clinic at paggamot sa sugat ko, maraming salamat. Thank you na din sa paghahatid. ”

“Huwag mong hayaan na apakan ka ng kahit na sino. Minsan matuto ka din na lumaban,” sa halip ay sabi nito. “See you tomorrow, Niknik.”

Hindi na niya ito nilingon. Mayamaya pa ay narinig niya ang ugong ng papalayong sasakyan nito. Kapag ipinagpatuloy pa nito ang pakikipaglapit sa kanya, she knew something unbelievable will happen on her part. She knew there isn’t anything perfect in this world, but when she is with him, she feel perfect. At ayaw niyang malagay sa peligro ang puso niya..

So, class. Are you familiar to IQ and EQ? They say a person na may mataas na IQ, which is an Intelligent Quotient ay mababa ang EQ or Emotional Quotient. So, class ano ba kapag sinabi na mababa ang Emotional Quotient?” tanong ng propesor nina Nikki.

Nikki raised her hand.

“Yes, Ms. Ocampo,” tawag nito nang mapansin ang pagtataas niya ng kamay.

“It means that they can’t communicate well with other people Mam. Takot silang makipag-usap sa iba o sa mga higit pang nakakataas. Mas nadevelop ang Intelligent Quotient nila compared to their Emotional Quotient, sagot niya.

Tumango ang propesor nila. “Another answer?”

Her classmate raised her hand as well. “It means, bobo po sa love?” tila hindi pa siguradong sagot nito.

Some of her classmates laughed.

“That’s right. They say na kapag mataas ang Intelligent Quotient, tanga sa pag-ibig, which is definitely correct. Walang tao na matalino when it comes to love. They are only academically genius. And very rare ang tao na mataas ang parehong Intelligent Quotient at Emotional Quotient,” mahabang paliwanag ng guro nila.

Kinabahan siya. Nakuha ng mahabang paliwanang na iyon ng propesor nila ang buong atensiyon niya. Is it possible? Posible kayang mangyari ‘yon sa kaya?

Kasalukuyang nakaupo si Nikki ng isang pamilyar na pabango ang nanuot sa ilong niya. Ang nakangiting mukha ni Red ang natunghayan niya na matamang nakatingin sa kanya.

Tumabi ito ng upo. “Bookworm ka talaga eh, ano?”

“Masarap magabasa, lalo na kapag nag-iisa ka,” aniya.

“Katulad ka pala ng kapatid ko, mahilig din siyang magbasa.”

Napatingin siya rito. Hindi niya alam na may kapatid pala ito. Bumaling ito sa kanya. “May kapatid talaga ako, babae din siya,” anito na wari ay nabasa ang tumatakbo sa kanyang isip. “pero sa bahay lang siya,” dugtong nito sabay pikit.

She felt something she couldn’t explain. Halata sa mukha nito ang lungkot ngang sabihin ‘yon. She knew something was bothering him.“Bakit sa bahay niyo lang siya? Hindi siya pumapasok?” puno ng kuryosidad na tanong niya.

Matagal bago ito muling nagsalita. “Do you want to see her?” Tila naniniguradong tanong nito.

Tuluyan nang nawala sa librong binabasa niya ang atensiyon niya. She nodded.

“Let’s go,” aya nito sabay lahad ng kamay para alalayan siyang tumayo.

Tiningnan niya ang kamay nito. Nagdadalawang isip siya kung aabutin ba ‘yon o hindi. Ipinasya niyang abutin ‘yon para bawiin din agad dahil sa tila kuryente na dumaloy nang magdikit ang kanilang palad. Tila naman hindi nito napansin ang naging reaksyon niya dahil ito na ang kusang kumuha ng kamay niya at hinila siya patayo.

Mayamaya pa ay magkahawak kamay na nilang tinungo ang parking area. Her heart raced, pounding so fast, that it doesn't sound likeheartbeats, but to adullandobstinatehum. It felt like apressure cooker. His hand waswarm, yet she felt like anuclear reactor. Kahit anong bawi niya sa kamay niya ay lalo lamang nitong hinihigpitan ang pakakahawak doon. She felt as if electricity was going through her body.

Ramdam niya ang mga matang matamang nakatingin sa kanilang dalawa. Alam niyang maging ang mga ito ay nagtataka sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng isang Red Alcantara sa isang katulad niya na iba ang reputasyon sa reputasyon nito.

Tumigil ito sa paglalakad at iginila ang paningin sa paligid pagkatapos ay hinarap siya nito.

“Why worry if people are jealous at you? Relax and absorb the attention,” nakangiting sabi nito sabay pisil sa pisngi niya.

Napangiti siya pero agad na sinupil iyon. Nang tingnan niya ito ay naguluhan siya nang mapansin ang tila kinang sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nanigas siya nang dampian nito ng halik ang kanyang noo. Nagtatakang tiningnan niya ito.

“Your smile is literally the cutest thing I’ve ever seen in my entire life, Niknik. Gusto kong simula ngayon ay palagi ka nang nakangiti.”

She could feel the sincerity in his tone. Ito pa lamang ang lalaki na nagbigay halaga sa kanya bukod sa Daddy niya.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER THREE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FOUR

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FIVE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER SIX

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER SEVEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER EIGHT

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER NINE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER TEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like MitchikoSweetheart's other books...