Kwento ng Pogi(Filipino, English)

 

Tablo reader up chevron

******************************************************

Book Title: Kwento ng Pogi Book 1

Former Hey Mr.Pogi

Author: MK Franco

Genre: Romantic Comedy

Year Written: 2014

******************************************************

******************************************************

PROLOGUE

Gaano ba kahalaga ang panlabas na itsura?

Kung pipili ka ng mamahalin ano ang gusto mo? Gwapo/Maganda? Mabait/Matalino? Mayaman or all of the above.

Siguro all of the above ang pipiliin niyo. Marami ang itsura muna ang tinitingnan sa isang tao. Binabase nila sa itsura kung mapagkakatiwalaan ba o hindi? Pero minsan kung sino pa ang gwapo siya pa ang mas delikado kung sino ang panget siya pa ang mapagkakatiwalaan at seryoso. Hindi naman kasi pare-pareho ang uri ng tao may gwapong mabait may gwapong bwisit. May gwapong seryoso may gwapong playboy. Swertehan nalang kung saan ka matatapat para tuloy isang malaking roleta ng kapalaran ang buhay.

Sa panahon din ngayon hindi lang gwapo ang babaero. Pati panget babaero na minsan nga choosy pa. HAHAHA charot lang.

Pano simulan na natin ang nobelang ito. Ihanda niyo na ang panyo niyo pangpunas sa inyong luha..

Luha dulot ng kakatawa :D

Luha dulot ng kakiligan <3

Luha dulot ng kalungkutan T_T

******************************************************

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 1

"Happy monthsary Tin."

"Happy monthsary din Sky."

"Break na tayo."

"Hah? What?"

"I said break na tayo, hindi mo ba narinig?"

"Pero Sky, bakit?"

"Tinatamad na kasi ako sayo, sawa na ako. Tutal tumagal naman na tayo ng one month okay na siguro yun."

"P-Pero diba sinabi mo forever na tayo?"

"Joke ko lang yun Tin para sagutin mo ako naniwala ka naman."

"S-Sabihin mo nagbibiro ka lang diba?"

"Im serious Tin and this is my final decision."

"Mahal na mahal kita Sky, wag mo ko iwan please."*cry*

"Sorry Tin hanggang dito nalang tayo, pano I need to go na may pupuntahan pa ako. Bye."

"Sandali, Sky wag mo gawin sakin 'to."

Tumalikod ako kay Tin at mabilis na umalis. Pakay ko lamang talaga ay i-break siya kaya ako nakipagkita sa kanya ngayong araw ng aming monthsary. Siya ang pang-25th na girlfriend ko at pang-sampung babaeng brineyk ko ngayong taon.

Hi Im Sky Lee, 19 at isang third year Information Technology student sa Gallego University. Ayoko mang ipagyabang pero isa akong campus hearthrob, siguro halos kalahati ng babae sa university ay may crush sa akin. Araw-araw akong nakakatanggap ng mga bulaklak, love letters, chocolates etc. Marami akong followers sa twitter at may sarili akong fanpage sa facebook na umaabot ng 10K likes. Siguro iniisip niyo na mayabang at mahangin ako dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng 'to. Pero ano ang magagawa natin? Wala eh.. ito talaga ang totoo tanggapin natin ang reyalidad na pogi ako at binabasa niyo ngayon ang aking kwento.

ANG KWENTO NG POGI!

Pagkatapos kong iwan si Tin ay dumiretso ako sa isang mall para makipagdate kay Mich, ang bagong babaeng nililigawan ko at nililigawan din ako. Parang magulo noh? Ganito kasi yun, hayaan niyong ipaliwanag ko.

*FLASHBACK*

Nakilala ko si Mich noong nakaraang linggo sa isang birthday party ng kaibigan.

"Sky your here na pala, Come in."

"Happy birthday Minerva, sorry wala akong dalang gift wala kasi akong time para dumaan sa department store."

"It's okay Sky, the most important is your presence today. Lets go and meet some of my friends."

Palusot ko lang na wala akong time na bumili ng gift pero ang totoo ayoko lang talaga bumili ng gift para kay Minerva.

"Hello girls may ipapakilala nga pala ako sa inyo. Meet Sky, schoolmate ko."

"Hmmm is he your boyfriend Minerva?"

"Nope, were just friends."

Singit ko agad na sagot. Baka kasi isipin nila na magnobya nga kami, hindi ko naman type si Minerva saka naisip ko agad na pano ako makakadiskarte sa mga magaganda niyang kaibigan kung mapagkakamalan kaming magsyota.

Nabasa ko sa mga mata ni Minerva na nadismaya siya. Nag-aasume ba siya na may gusto ako sa kanya? Nevahh. . .Yan talaga ang hirap sa katulad kong pogi kapag napalapit ako sa isang girl mag-aasume sila na may gusto ako sakanila.

"Oh sorry akala ko kasi, by the way my name is Jackie"

"Nice to meet you Jackie."

"Nice to meet you too Mr. Goodlooking and Handsome and also Mr.Yummy Guy."

"You're also yummy oh I mean you are pretty."

Nagshakehands kami ni Jackie at napansin ko ang isang girl sa tabi niya na napangiti.

"And you are?" binaling ko ang tingin sa kanya at nagtanong.

"Im Michelle but you can call me Mich."

"Nice to meet you Mich."*smile*

"Nice to meet you too Sky."

"So, pwede bako tumabi sayo?"

"Sure why not?"

"Thanks."

Pagkaupo ko sa tabi ni Mich ay biglang tumalikod si Minerva.

"Wait girls, I will get some drinks."

Alam ko na nasaktan si Minerva, halata naman. Pero wala akong magagawa, hindi naman kasi maiiwasan na may masaktan ako dahil sa dami narin ng nagkakagusto at naghahabol sakin. Sanay nako at kaya ko ng ihandle ang mga ganitong sitwasyon, sa pogi ko ba naman nato. *wink*

"So, Mich meron ka na bang boyfriend?"

pagtatanong ko kay Michelle habang kami ay umiinom ng SanMig Lights. Hindi ako malalasing sa alak nato pero ang mga girls halata kong mga nahihilo na.

"Uhm wala Sky, bakit mo natanong?"

"Actually nahihiya man akong aminin pero nalove at first sight kasi ako sayo."

"Hmm eh ikaw? Do you have girlfriend? Or should I say girlfriends?"

"Wala. .wala single na single ako Mich."

Palusot ko kahit na ang totoo ay may girlfriend ako at yun ay si Tin. Pero hindi din yun alam ni Minerva dahil magaling akong mambola, kahit nasa isang university kami nag-aaral ay kumikilos ako na isang single kaya nga sangkatutak ang naghahabol sakin. Pano kasi ako makakapangbabae kapag nalaman nilang taken nako diba? Saka iniisip ko din kasi ang girlfriend ko baka bugbugin siya ng mga fans kong baliw na baliw sa taglay kong kagwapuhan

"So, How about Minerva?"

"We're friends nga lang diba?"

"Hmm parang nakita ko kasi sa mga mata niya na may something beetween the two of you."

"Alam mo kasi sa totoo niyan may gusto sakin si Minerva pero hindi ko naman siya type noh."

"Uh okay."

"So, pwede na kita ligawan?"

"What? Di pwede noh."*shock*

"Bakit?" kunwaring pagtataka kong tanong sa kanya. Alam ko naman kasi na pakipot lang siya, alam ko na mga lines niyo girls noh. Sa una kunwari ayaw magpaligaw pero konting bola lang bibigay na agad.*grin*

"Masyado ka naman yatang mabilis kakakilala palang natin."

"Eh ano magagawa ko tinamaan ako sayo. Ang ganda mo kasi."

"Nako Sky, sa itsura mo palang bolero at babaero ka na."

"Hindi hah, hinusgahan mo naman kaagad ako. Iba ako sa lahat ng lalaki noh. Matino ako at pagdating sa love, stick to one. Huh san ka pa?"*pout*

"Hmm sige pag-isipan ko."

"So, payag ka na ligawan kita?"

"Pag-iisipan pa nga diba."

"Hehe okay."*smirk*

Oh diba sa huli bibigay din pala? Pakipot lang sabi 'to.

Kinuha ko agad ang number niya at binigay naman niya ito, siya pa ang nagtype ng cellphone number niya sa phone ko.

Nakikita ko si Minerva na patingin-tingin sakin pero sorry nalang siya echapwera na siya sakin.

Dalawang linggo mula ngayon sigurado ako na mapapasagot ko si Mich, baka nga isang linggo lang o baka mamaya sagutin na niya ako. Baka ibreak pa niya ang record ng dati kong naging girlfriend, isang oras ko palang nakilala sinagot na bigla ako. Tumagal naman kami ng one week kahit papano.

Pero bago yan may malaki akong planong naiisip. Kapag nalasing si Mich dadalin ko siya sa isang kwarto, sa sobrang lakas ng sex appeal ko ay magagawa niyang ibigay sakin ang kayamanang kanyang pinagkakaingatan.*grin*

Nilibang ko siya sa mga funny jokes ko habang patuloy ang pagbibigay sa kanya ng alak. Complete package talaga ako, mataas ang sense of humor at bonus marunong din akong kumanta at sumayaw hindi ko lang ipinush kasi baka laging sold out ang concert ko sa Araneta Coliseum. \Ö/ \ö>

Hmm at hindi nagtagal ay unti-unti na siyang nahilo at dumukdok sa balikat ko.

"Okay ka lang Mich?"

"Okay lang ako Sky."

"Gusto mo muna magpahinga sa loob?"

"Sige Sky."

"Tara alalayan na kita."

"Pano girls alalayan ko muna sa loob si Mich." Nagpaalam ako kina Minerva and Company.

"Sige lang Sky."

Bulol narin ang boses nila dahil katulad ni Mich ay nahihilo na rin ang mga ito.

Inilagay ko na sa balikat ko ang kamay ni Mich at inalalayan siya papasok sa loob.

Nakahuli na naman ako ng malusog na isda. Maligayang maligaya na naman ang mga tawa sa utak ko, mabubusog na naman ako nito.BWAHAHAHA.

Dinala ko si Mich sa guest room para makahiga at makapagpahinga. Ni-lock ko ang pintuan para walang makaistorbo sa makatindig balahibo kong pakay sa kanya.

"Ano okay ka na dito Mich?"

"Hmm." nagnod lang siya sapagkat hindi narin makapagsalita dahil sa pagkahilo

Ito na ang sandali, maisasakatuparan ko na ang aking plano. Tumabi ako ng paghiga sa kanya. O-Wow \(*o*)/ ang lambot lambot ng kama saktong sakto sa magaganap na bakbakan. Hinawakan ko ang kanyang mga mukha para iharap sa akin, pinagmasdan ko siya ng mabuti at dahan-dahan kong inilapat ang aking mga labi. Naramdaman ko na nagustuhan ni Mich ang ginawa ko dahil gumalaw din ang kanyang mga labi. Hindi pa pala siya tuluyang nakakatulog, sabi ko na nga ba gusto niya rin to. Pogi ko talaga.*glint smile*

Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya ganun din siya sakin lumalaban ng paghalik. Nanggigil na ako at nag-init unti-unti ko ng inilalapit ang mga kamay ko sa kanyang boobs para ito ay hawakan pero bago makalapit ang aking mga mapagpalang kamay ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"What are you doing guys?" malakas na sigaw ni Minerva.

"Anak ng kamote mahahawakan ko na ba naman ang Mt. Apo naunsyami pa."

"Sky." sigaw ulit ni Minerva.

Agad akong tumayo at nagpatay malisyang lumapit sakanya.

"Sky ano ang ginagawa mo?"

"Wala Minerva, nagpapahinga lang. Bakit bigla kang nakapasok nakalock yan ah?"*rolleyes*

"Syempre may susi ako ng room dahil bahay namin to. May balak ka kay Mich noh?" sumisigaw si Minerva habang sinusuntok niya ang dibdib ko.

"Wala Minerva sinasamahan ko lang siya magpahinga."

"Sinasamahan eh naghahalikan na kayo."*angry*

"Hindi, hinihipan ko lang ang ilong at pisngi niya kasi may alikabok. Diba Mich?" sabay lingon ko kay Mich para matulungan ako sa pagpapalusot pero nakita ko siya na nakahiga parin, nakapikit na parang walang kaalam-alam sa nangyayari. Siguro pinili niya na magpanggap na tulog para hindi narin matanong pa.

"Pano, magpapaalam nako para umuwi its getting late narin naman. Bye Minerva." umalis ako ng kwarto at tumakbo papalabas sa bahay nila. Itinodo ko ang booster ng aking sapatos para hindi niya ako mahabol.

"Skyyyy."

Ayoko narin naman kasing lumaki pa ang usapan. Agad na akong sumakay sa aking kotse at mabilis na pinatakbo ito pauwi.

KINABUKASAN

Pagtingin ko sa aking cellphone pagkagising ay napansin ko na marami akong text message na natanggap. Inopen ko ang isa.

Sms 1

From: 092622nog2nog

Goodmorning Sky, Mich to :)

Inopen ko naman ang pangalawa

Sms 2

From: 092622nog2nog

Kain ka na pagkagising mo :)

at sunod-sunod ko ng inopen ang mga natitirang message

Sms 3

From: 092622nog2nog

Hindi ka pa gising? Hmm nalasing ka ba kagabi?

Sms 4

From: 092622nog2nog

Ingat ka Sky, wala ka ba load?

Bago ko replyan ang mga message ay sinave ko muna ang number niya.

Mich. . . .Saving to contacts. . . Contact Saved!

Tiningnan ko ang relo ko. OMG, 10:00 am na pala (O_O)

"Hello Mich, sorry late reply kagigising ko lang kasi."

Bumangon na ako para magtootbrush at gumayak dahil 9:00 am ang pasok ko at late nako sa school.

Habang nagbibihis ay tiningnan ko ulit ang cellphone ko

1 message receive

Click Read. .

From: Mich

Ah ok, kumain ka na niyan?

Options->Reply

"Hindi pa, late na kasi ako sa school dun nalang ako magbreakfast. Text nalang kita mamaya."

Click Send. . .Sending. .Message Sent!

Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na agad ako sa aking kotse. Pero bago ko i-start ay tiningnan ko ulit ang aking cellphone.

1 message receive.

From: Mich

Sige. Take care. Mua :)

Yun oh may MUA pa.*grin* Sabi ko naman kasi type din ako nito pakipot pa kunwari, pogi ko talaga.

Pagkapasok ko sa room ay dumiretso nako sa aking upuan at hindi pinansin ang professor na nagdidisscus.

"Ehem, Mr. Lee hindi ka man lang ba maguGOOD MORNING sakin?" O_O

"Good Morning po sir, sorry hindi ko kayo napansin."

"Bakit ka late?"

"Sorry sir napuyat kakareview."

"Pinaglololoko mo na naman ba ako Mr. Sky Lee?"

"Hindi sir, peksman cross my heart cut my fingers and I will cry." T__T ^_^

"Sir wag niyo na pagalitan si Sky, pagpatuloy niyo na ang tinuturo niyo." sigaw ng mga classmate kong girls.

"Ayan na naman kayo. Bakit ba baliw na baliw kayo sa ALIEN na lalaking to?"

"Ano? Sinabihan mong ALIEN si Sky?" Nagalit ang mga girls ko este classmates at sabay-sabay silang tumayo nanlilisik ang kanilang mga mata na parang gustong pumatay ng isang kalbong professor.

"A-Ah E-Eh. .Joke lang, hindi ba pwedeng magjoke class? Kayo naman hindi mabiro woh."*scared*

"Sige Sky umupo ka na."

Umupo ako sa aking arm chair. Nakatingin ako sa aking professor habang malaki ang pagkakangiti ^___^ ngiting pambubwisit! Inis na inis siya sa akin pero wala siyang magawa dahil kukuyugin siya ng mga fans ko, sa pogi ko ba naman na 'to.

Pagkatapos ng klase 1:00 pm ay tiningnan ko ang aking cellphone. Uy 3 message receive

Click. . .Read!

SMS 1

From: Mich

Hello. Busy pa din sa school?

Next. .

SMS 2

From: Mich

Pwede ka ba mamaya? Kita tayo sa mall after lunch treat ko :)

Next. .

SMS 3

From: Mich

Uy Sky. Busy ba?

Options. .Reply!

"Hello Mich, sorry late reply ulit kakatapos lang kasi ng klase ko. Sige meet tayo sa mall."

Click Send. .Sending. . Message Sent!

Beep

1 message receive

From: Mich

Sige gayak na ko. See you later :)

Options. .Reply!

"Sige, on the way na ko."

1 message receive

From: Mich

Ingat ka Sky :)

Nagkita kami ni Mich sa isang restaurant at doon ay nilibre niya ko ng lunch. Kapogi ko talaga, tingnan mo parang ako pa ang nililigawan. Bumaliktad na talaga ang mundo simula ng ipinanganak ako.BWAHAHA.

"Uhm Mich sorry kagabi hah."

"Sorry for what?"

"Dun sa alam mo na. Hehe."*wink*

"Sa paghalik mo sakin?"

"Oo buti naaalala mo?"

"Hello, hindi naman ako masyadong lasing noh."

"So, gusto mo din pala?"

"Aaminin ko oo."

"Bakit nagpanggap kang tulog nung pumasok si Minerva?"

"Para umiwas sa intriga."*smile*

"Sus eh intriga na nga ang ginawa natin na yun dahil nahuli tayo."

"Atleast pwede ko namang sabihin na natutulog ako at hindi ko alam ang nangyari. Haha."

"Sabi ko na nga ba. Magaling ka din huh! Haha."*grin*

"Naman." :)

So, yun nga ang kwento kung paano kami nagkakilala ni Mich.

*END OF FLASHBACK*

******************************************************

TIP NG POGI: Ang tunay na pogi ay mahilig sa babae pero hindi nasasabihan na babaero.

******************************************************

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 2

******************************************************

"Mich kanina ka pa?"

"Hindi naman Sky, kakadating ko lang din."

"Sorry hah, may pinuntahan pa kasi ako."

"Ok lang Sky, so pano tara na."

"Lets go."

Katulad ng dati treat na naman ni Mich ang lahat, kahit isang kusing wala akong ginastos. Ganito talaga kapag nakikipagdate ako sinasagot lahat ng kadate ko, naipon na nga ang mga kwintas, bracelet, perfume, shirts etc sa drawer ko kasi sa tuwing nakikipagdate lagi nila akong ibinibili ng gift kahit hindi ko naman birthday. Remembrance daw ganon lagi ko daw isusuot hmm ganun ba talaga pag pogi?*smirk*

By the way habang kumakain kami sa isang restaurant.

"Sky I have something to tell you."

"Ano yun Mich?"*shock*

"Sinasagot na kita."

"Talaga? Totoo ba yan?"*shock*

Medyo nilakasan ko ang boses ko para kunwari nabigla ako. Nakaprogram na kasi sa utak ko kung ano ang mga magiging reaksyon ko sa bawat eksenang maaaring maganap, halimbawa nakipagbreak ako sa mga karelasyon kong tumagal ng two months pataas, minsan pinapatulo ko ang aking luha para kunwari nasasaktan din ako. Kapag nag-aaway naman at tipong yung babae ang makikipagbreak sakin ay magdadrama ako sasabihin kong "Mahal na mahal kita, huwag tayo magbreak" at yun nga hindi makikipagbreak sakin yung girl, ayoko kasi na sila ang magsasabi ng break na kami gusto ko ako ang makikipagbreak sa kanila. Kapag sinagot naman ako ng nanliligaw sakin este nililigawan ko ay umaacting ako na parang nakajackpot sa lotto "Yes may girlfriend nako" yan ang signature line ko.

Kilala niyo naman ang papa niyo daig ko pa ang artista sa galing kong magdrama.*wink*

"Oo Sky totoo ang narinig mo sinasagot na kita"

"Yes my girlfriend na 'ko"*pout* (Uy signature line)

"Pssh kaingay mo."

Tanakpan ni Mich ang bibig ko. Nagtinginan ang mga katabi namin sa restaurant pero okay lang hindi naman nila kami papagalitan dahil sa charming ko, isang kindat lang katapat nyan.Hehehe

Ilang oras palang ang nakakalipas matapos kong ibreak si Tin ay heto na ulit may bago na naman akong girlfriend. Ang pogi ko talaga!Yahoo

Pagkatapos namin kumain ay inaya ako ni Mich manuod ng sine. HEHEHEHE naiisip niyo ba ang naiisip ko boys? Gawain niyo din ba ito kapag kadate niyo girlfriend niyo? Dumarami na talaga ang kalahi ni Boy Kapa, Boy Hipo at Boy Sundot. Mukang maaarok ko na ang tuktok ng Mt. Apo BWAHAHAHA!

Dinala ko si Mich sa dulo bandang taas ng sinehan, sakto konti lang ang nakaupo dun. Romance ang aming pinanuod, pelikula ni John Loyd Cruz at Bea Alonzo. Habang kumakain ako ng popcorn ay hinaplos ko ang mga braso ni Mich at hinolding hands siya, bigla naman niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Uminom ako sandali ng tubig at heto na ang inaabangan niyo mga boys susunggaban ko na 'to. Rak na. . <o>

"Mich." nilambingan ko ang boses ko para maseduct sya.

"Hmm bakit?"

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Nagets na niya agad kung ano ang gagawin ko kaya agad siyang pumikit. Pinuntirya ko kaagad ang kanyang mapupulang labi at torid ko itong hinalikan, lumaban din siya ng halik sakin. HMM HMM HMM (^3^) hindi ako makapagsalita dahil sa ninanamnam ko ang kanyang matatamis na labi.

Heto na ipoporma ko na ang mga palad ko para dakmain ang kanyang hinaharap. Dahan-dahan hinawakan ko ang kanyang suot na damit O-Wow ang lambot lambot O_O

Habang pinagsasawaan ng aking mga palad ang Mt. Apo ay tinanggal niya ito "Wag Sky" mahina niya tinig sabay sunggab ulit sa aking mga labi.

Pero makulit ako kaya ibinalik ko ulit si Pedrong Hipo pero hindi na muli ito nakapasok dahil iniharang ni Mich ang kanyang mga kamay, wala tuloy akong nagawa kundi umatras at nakuntento nalang ako sa paghalik.

Hindi ko na naubos ang aking popcorn dahil nabusog na ako sa pagpapak kay Mich. Tumayo siya at nagpaalam na pupunta sa cr, siguro mag-aayos siya ng sarili niya. Pinunasan ko ang aking mga labi baka kasi namantsahan ito ng lipstick. "WOOH SOLVE."*grin*

Natapos ang pelikula na wala akong naintindihan. Yamu na bibili nalang ako ng dvd at sa bahay mapanuod.

Pagkalabas namin ng sinehan ay inaya niya akong pumasok sa department store. Palingon-lingon lang ako habang siya ay busy kakahalungkat sa mga nakadisplay na damit. Akala ko ay bibili siya ng mga blouse niya pero hindi pala dahil nandito kami sa male section ng bigla siyang may inabot sa aking polo shirt.

"Sky oh, itry mo ngang isukat mukang bagay sayo."

"Hindi Mich, wala akong balak bumili wala kasi ako extra budget." (Uy acting na naman. Hehehe alam ko na ulit to)*grin*

"Ano ka ba Sky, ako bahala."

"Nakakahiya Mich wag na."

"Sige na Sky please."*wink*

"EEEH. Nakakahiya talaga Mich."*pout*

"Ano ka ba girlfriend mo ko wag ka na mahihiya."

"O sige na nga." >:D

(Yan ang tinatawag kong pakipot effect style. Kunwari mahihiya muna sa una pero alam ko naman na ipipilit niya na ibili ako ng damit tulad ng iba kong nakakadate kaya sa bandang huli no choice na ko kundi pumayag)

Mabilis kong sinukat ang polo shirt at nang lumabas ako sa dressing room ay nakaabang na sakin si Mich.

"Bagay ba?" tanong ko sakanya sabay gamit ko ng aking tantalizing eyes na madalas ginagawa ni Jose Manalo. Ewan ko ba bakit idol ko si Jose gayong sampung kilometro ang pagitan ng pagkapogi ko sa kanya.

"Bagay na bagay Sky." ang sagad tengang ngiti na tugon sa akin ni Mich.

"Tara bayaran na natin yan."

Agad naman akong bumalik sa dressing room para magpalit ng damit.

Habang binabayaran namin ang polo shirt ay tingin ng tingin sakin ang cashier, siguro type ako nito kaya kinindatan ko at ayun nga kinilig ang loko. Pamatay talaga charming ko.

"So Sky saan mo pa gustong magpunta?" tanong sakin ni Mich habang naglalakad kami palabas ng department store.

"Ahm uwi na tayo Mich."

"Bakit?"

"Napapagod na kasi ako."*sad*

"Ayaw mo na ba akong makasama?"

"Siyempre gusto. Kung pwede nga lang wag na tayong maghiwalay, maghapon magdamag tayong magkasama kaso napapagod na ko masama pakiramdam ko kanina pa ito sa school hindi ko lang agad sinabi sayo AHUHUHU." >;(

"Hmm ganun ba, kawawa naman ng boyfriend ko. Tara umuwi na tayo para makapagpahinga ka."

"O sige. Hindi na kita magagawang ihatid sa inyo Mich ah."

"Okay lang Sky, magcommute nalang ako."

Hinatid ko sa terminal ng bus sa likod ng mall si Mich.

"Ingat Mich, I love you."

"I love you too Sky, inom ka ng gamot pagkauwi mo tapos magpahinga ka na. Itext mo pala ako pag nakauwi ka na."

"Yes, ma'am." ^_^

Umalis na ang bus na sinasakyan ni Mich. Ako naman ay dumiretso na sa parking area para kunin ang aking kotse, 6:00 pm na pala pagkatingin ko sa relo. Hmm late na ko sa isa ko pang date. BWAHAHAHA tama kayo may isa pa akong date kaya nagpalusot ako kay Mich na masama ang aking pakiramdam. Ayos ba?*grin*

Kaagad akong nagtungo sa isang park apat na kilometro mula sa mall kung saan nakaset ang pagtatagpo namin ng aking next date na si Ariann. Pero bago ako bumaba sa aking kotse ay nagtext muna ako kay Mich.

"Nakauwi na ko sa bahay. Magpapahinga na ko katatapos ko lang uminom ng gamot."

Mich replied

"Sige Sky get well soon. Mua"

Hindi na ko nagreply kay Mich kunwari nakatulog na ko sa sama ng pakiramdam. BWAHAHAHA.

May gusto sakin si Ariann kahit hindi man niya aminin halata naman, sa pogi ko ba naman nato pero hindi ko balak na ligawan siya o sagutin kapag siya ang nanligaw sakin. Kahit hindi kagandahan ay sayang naman kung papalagpasin ko lang siya, laman din siya ng tiyan.BWAHAHA

Hayaan niyong ikwento ko kung paano kami nagkakilala ni Arian.

*FLASHBACK*

Uminom kami ni Minerva sa isang bar malapit sa kanila. Oo si Minerva na naman ang kasama ko, ang assuming na girl na ito balak ko na ngang iskoran kung saan-saan ba naman ako dinadala.

Umorder agad siya ng 6 bottles na beer para sa aming dalawa adi tigtatlo kami. OMG O_O balak niya kong lasingin tapos dadalin niya ako sa isang motel para pagsamantalahan?? Mura pa ang aking katawan, wag po wag po. JOKE *grin*

Naubos ko na ang pangalawang bote ko ng beer. Ramdam ko na ang hilo kaya hindi ko muna agad ininom ang pangatlo samantalang si Minerva ay napagkalahati na ang pangatlo niyang bote. Mukang may pinagdadaanan ang bruha.

Nakita ko ang ibang costumer na nagsasayawan sa dance floor. Para mawala ang hilo ay nagpaalam ako kay Minerva na sasayaw muna sandali at tumango naman siya.

"Ikaw Minerva ayaw mong sumayaw?!"

"No Sky, sige ikaw nalang."

Kasabay ng masasayang tugtugan ay iginigiling ko ang malambot kong katawan. Wooh sige pa sayaw pa Wooooooh YEAH YEAH YEAH. \o/ \o/

Sa sobrang likot ko sa dancefloor ay natabig ko ang isang babae.

"Oops Miss Im sorry."

"It's okay."

"Ano? Hindi kita marinig malakas kasi ang music."

Tapos inilapit niya ang mukha niya sa akin at nagsalita ulit siya.

"Sabi ko okay lang."

"Im Sky nga pala." malakas na boses na pagpapakilala ko sa kanya.

"Im Ariann."

"Nice to meet you."

"Nice to meet you too Sky."

Yun na nga, nagsayawan kaming dalawa sa mga saliw ng pangparty na music. Lets the party started YEAH YEAH YEAH. \o/ \o/

"Sino kasama mo?" tanong ko sa kanya habang umiindak.

"Wala, ako lang mag-isa."

"So, anong oras ka uuwi?"

"Ahm I dont know. Baka hanggang madaling araw na."

"Gusto mo samahan kita at hatid kita pauwi mamaya?"

"Kung yan ang gusto mo pwede."

"Oh sige, teka lang saglit hah wait mo ako dito."

Umalis ako at pumunta kay Minerva para ayain siyang umuwi.

"Minerva tara iuwi na kita lasing ka na."

"Ayoko pa Sky gusto ko pa uminom tawagin mo ang waiter."

"Tama na Minerva hindi mo na kaya tara na."

Inalalayan ko na siya para maihatid pauwi. Habang nakaakbay ay sobrang kulit ni Minerva.

"Sky, tell me you love me."

"Lasing ka Minerva."

"Alam ko naman na may gusto ka din sakin. Please Sky sabihin mong mahal mo ko gusto kong marinig."

"Madami kang nainom Minerva lasing ka lang."

Binuksan ko na ang aking kotse para maipasok si Minerva sa passenger seat pero bigla niya akong sinunggaban ng halik

HMMM (^3^) lumaban din ako ng halik syempre masarap eh. Mga 10seconds din tumagal ang aming paghahalikan tapos bumitaw na ako para maipasok siya sa kotse.

Para siyang maamong tupa na sumunod agad, halik lang pala ang kailangan para tumahimik.

Ibinaba ko siya sa harap ng kanilang bahay at bumalik na kaagad sa bar para balikan naman si Ariann. HEHEHEHE dalawang ibon kaagad ang nabaril ko. Kapogi ko talaga.

"Ariann Im here na."

"Saan ka nagpunta?"

"Nag-cr lang."

"Uh okay."

Hindi naman kalayuan ang bahay ni Minerva kaya mabilis akong nakabalik. Hindi narin nagtaka si Ariann kung saan talaga ako totoong nagpunta.

Nagpatuloy lang kami sa pag-indak kasabay ng musika at ng mapagod na ay umupo kami at umorder ulit ng alak. Binola-bola ko siya para makuha ko ang loob niya. Playboy Style Activated: Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan ko siya sa mata at unti-unti kong nilapit ang aking mukha.

"Alam mo Ariann sobrang ganda mo pala."*pout*

"Sky?"*mumble*

"Nalove at first sight yata ako sayo." O_O

Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ng malapit na magdikit ang aming mga labi ay pumikit siya. HEHEHE Victim No. hindi ko mabilang!

Hinalikan ko siya sa labi at lumaban din siya ng paghalik, halatang gustong gusto niya. Hindi ko tinagalan ang paghalik dahil PDA na kami. Pigilan mo muna Sky ang init na iyong nararamdaman.*grin*

Pagkatapos ng halik ay nagpatuloy na ulit kami sa pag-inom hanggang sa maubos namin ang alak na inorder.

"Pano hatid na kita?"

"Sige Sky."

"Tara na."

Pagkabayad namin ng bill ay hinawakan ko ang mga kamay niya para kiligin HHWW Holding Hands While Walking. Agad ko na siyang inakay patungong parking area.

HABANG NAGDADRIVE

"Sure ka ba na gusto mo muna umuwi? Baka may gusto ka pang puntahan?" tanong ko na may pagpapahiwatig HIHIHI.

"Ikaw bahala kung saan mo ako gustong dalin."

"Gusto mo dun sa may privacy tayong dalawa?"

"Sige okay lang kahit saan."

Pinatakbo ko ng mabilis ang aking kotse at naghanap ng pinakamalapit na motel. BWAHAHAHA

Paktay na nun.

"Bakit dito mo ako dinala?"

"Para may privacy tayo diba?! Ayaw mo ba?" Hmm kunwari pang ayaw, alam ko na yan Pakipot Style ka pa.

"Pero. ." -__-

"Wala ng pero pero. . Lets go?"

Pagkapasok namin sa kwarto ay pinatay ko kaagad ang ilaw. Sinunggaban ko kabod si Ariann dahil gigil na gigil na ko. Rak na beybe.*grin*

Igiling-giling Igiling-giling Igiling mo hanggang matunaw ang taba.

Igiling-giling Igiling-giling Igiling mo hanggang matunaw ang taba.

Gimme Gimme Gimme Gimme Gimme 10x

Gimme Gimme Gimme Gimme Gimme 10x

Itaktak mo Itaktak mo

Itak itak Itaktak mo

Itaktak mo Itaktak mo

Itaki takitakitakitakitakitakitakitak. . .Itaktak mo woh oh. . .

Spageti pababa pababa ng pababa

Spageti pataas pataas ng pataas

Spageti pababa pababa ng pababa

Spageti pataas Spageti pababa at pataas. . .Get get aw. . .

Pagkatapos ng nangyari ay nagbihis na kaming dalawa. Pinagpawisan ako ng todo kaya medyo nawala ang tama ng alak. Daig ko pa tuloy si Manny Pacquiao na napasabak sa 12 rounds ng boxing.BWAHAHA

Hinatid ko siya sa kaniyang bahay at mabilis na kong umuwi.

Bagsak ang poging si Sky, hindi ko na nagawang magpalit ng damit at agad nang humilata para matulog.

At yun nga ang kwento kung paano kami nagkakilala ni Ariann. ^__^

*END OF FLASHBACK*

Tinext ko si Ariann na nasa harap na ko ng park. Agad naman siyang nagtungo para makita ako.

"Ariann." pagtawag ko sa kanya ng makita ko siya habang hinahanap ako

"Oh Sky nandiyan ka na pala."

"Kanina ka pa ba?"

"Hindi naman masyado."

"May dinaanan pa kasi ako sandali kaya ngayon lang ako. So, tara na?"

"Tara."

Binuksan ko ang kotse para papasukin sya. Siyempre gentleman ang papa nyo.

HABANG NAGDADRIVE

"Gusto mo uminom?"

"Okay lang, pwede rin."

"Tara sa bar."

"Sige."

Dinala ko si Ariann sa bar kung saan kami nagkakilala gusto ko rin kasing uminom. Umorder agad ako ng 6 bottles na beer para sa aming dalawa. Nakakondisyon ako ngayon kaya hindi ako malalasing.

Nang medyo may tama na ay kung ano-ano na ang aming pinagbibidahan. Mga walang kasense-sense na bagay ay aming pinagtatawanan. Magkaholding hands narin kami at paminsan-minsan niyayakap ko siya, gustong gusto naman ng bruha. HIHIHI.

Natapos ang aming pag-inom. Inaya ko na siya para umuwi kahit gusto pa niyang magsayaw sana sa dance floor. Wag ka mag-alala pwede ka naman magsayaw mamaya kapag tayo nalang dalawa.*grin*

Pagkaalis namin ng bar ay dinala ko ulit siya sa isang motel. Hindi na siya nagtanong dahil otomatic na yun basta nakainom kami. Wala talagang tumatanggi sa aking malakas na sex appeal. BWAHAHA \O/

Pagkatapos namin magpakasasa sa kasalanan ay inihatid ko na ulit siya sa kanila.

"I love you Sky." ^.^ nakangiti siya habang nakatayo sa kanilang gate.

Tumango lang ako at ngumiti din sa kanya. Asa naman siya na mag-I love you too ako. Habol ko lang sa kanya ay ang bilugan niyang katawan at ngayong napagsawaan ko na siya ay hindi na ko magpaparamdam at magpapakita pa sa kanya. Medyo badboy huh, pero ganyan talaga ang pogi! BWAHAHAHA.

Pagkapasok ko sa school kinabukasan ay para akong lantang gulay. GRRR Hang over sucks gusto kong iumpog ang ulo ko >_<

Pero kahit ganon ay cute pa rin ako feeling ko nga kahit ano gawin ko sa sarili ko ay hindi mababawasan kahit 1% man lang ang pagkapogi ko.BWAHAHA <O> \O>

Lahat ng makasalubong ko ay kinikindatan ko. Kindat sa kaliwa at kindat sa kanan wish ko lang hindi ako magkaroon ng stiff neck. Lahat naman sila ay kinikilig meron pa nga yatang hinimatay pero hindi ko na nilingon. Pakiramdam ko tuloy mayroon akong HAKI na kapag nadaanan ko ang isang tao ay hinihimatay ito.

Pagkapasok ko sa room ay binati ko kaagad ang kalbo kong professor na paboritong paborito akong pagdisketahan pero kahit kailan ay hindi makaporma kasi makukuyog siya.

"Good Morning Sir Herminihildo Elseven." nakasuper duper killer smile kong pagbati.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Herminihildo pangalan ko kundi Herminio, Herminio Elseven GRRR."*angry*

Tawanan na naman ang aking mga kaklase dahil napakakunot noo na naman ang kalbo naming professor. Makintab na naman ang taluktok ng ulo nito na parang sikat ng araw, nagmumukha tuloy summer.*grin*

HAHAHAHA HAHAHAHA

"Sagad na sagad na talaga ang pasensya ko sayo Mr.Leeee. GRRR"

Lalapitan na niya ako para pukpukin ng kanyang hawak na libro pero bigla na naman siyang pinagmulatan ng mata ng mga kaklase kong girls. GRRRR Sir. Ano gagawin niyo kay Papa Sky?

Wala siyang nagawa kundi magU-turn at bumalik sa kanyang desk.

"GRRR Mr. Sky Lee, may araw ka din."

Habang abala ang lahat sa pakikinig kay Sir Elseven ay biglang may estudyanteng pumasok sa room namin at hinihingal.

"Sky." ang sigaw niya.

"Oh Mr. may problema ba?" pagtatanong sa kanya ni Sir Elseven.

"Gusto ko lang po makausap si Sky."

Agad naman akong tumayo at nilapitan ang estudyante.

"Sino ka?"

AUhm Ivan ang name ko at isa ako sa tagahanga mo."

"Oh tapos?"

"Nagkakagulo sa gym. May nagwawalang babae dahil sayo idol."

"Ano?"

"Mr. Lee hindi ka pwedeng lumabas."

Pinigil ako ni Sir Elseven pero bigla akong tumakbo. KJ ba siya bakit niya ko pipigilan.BWAHAHA >;D

Hindi ko napansin na nakaholding hands na pala sakin si Ivan habang kami ay tumatakbo.

Agad kong binitawan ang kamay niya.

"Bakla ka ba pare?"

"Ano? Ako bakla? Hindi huh. .Pare naman oh lalaking lalaki 'to oy."

"Bakit nakaholding hands ka sakin?"

"Inaalalayan lang kita idol baka madapa ka."

"Muka mo."

Nagpapalusot pa ang bruha halata naman. Grabe, sagad na sagad na talaga ang kapogian ko hindi ko na keribels ituu. EKLABU ECHOS CHAROT.

Dumating na kami sa gym. Madami ang tao at mga nagkakagulo.

"Padaanin niyo si Fafa Sky." sigaw ni Ivan at bigla ko siyang tinitigan.

"Padaanin niyo ang idol kong si Sky." inulit niyang sigaw.

"Hah hindi pala bading ah. Papa Sky daw."*rolleyes*

Agad na nagtilian ang mga fans ko ng makita ako sa pintuan ng gym.

"Papa Sky, Papa Sky, Papa Sky"

ang mga boses na naririnig ng aking lumalaki-laking tenga.

Habang naglalakad patungo sa stage kung saan may nagwawalang babae ay hindi rin sila magkamayaw sa kakatanong sakin.

"Totoo ba Sky na girlfriend mo yung babae na yun?"*cry*

"Papa Sky diba ako ang magiging first girlfriend mo?"*sad*

"Papa akala ba namin hindi ka pa nagkakagirlfriend bakit sabi ng babae sa stage girlfriend mo siya?"

"Papa Sky sagutin mo kami" T_T

"Papa Sky sagutin mo tanong ko."

Teka lang girls relax lang kayo, wag kayo magmuryot diyan. Pero teka sino nga ba ang babae na yun na nagkakalat na girlfriend ko daw siya?

Papalapit na ako sa stage para makipagnegosasyon. Naks ka talaga Sky negosasyon talaga? Parang may tatalon lang sa billboard hah.

Pagtingin ko kung sino..

OMG si Tin pala O_O

Bakit nagwawala siya? Malaking gulo ito makukuyog siya ng mga fans ko.

Umakyat kaagad ako sa stage para siya'y awatin..

"Tin ano ang ginagawa mo?"

"Ipinapaalam ko lang sa kanila na girlfriend mo ako."

"Wag ka mag-iskandalo Tin. Break na tayo."

"Makipagbalikan ka sakin ititigil ko 'to."

"Malandi kang babae, malandi kang babae." sigawan ng mga nababaliw kong fans.

"Sinungaling ka, sinungaling ka."

"Pwes kung ayaw mong makipagbalikan ipagpapatuloy ko to."

Humarap si Tin sa mga audience habang hawak ang mikropono.

"Makinig kayong lahat, kakabreak lang namin ni Sky kahapon at may ebidensya ako na naging kami. Actually pang 25th girlfriend na niya ako kaya wag kayong magpapaniwala sa mokong na ito na hindi pa siya nagkakagirlfriend. Binibilog lang nito ang mga ulo niyo."

Binuksan ni Tin ang isang projector.

"Ito ang selfie namin ni Sky tingnan niyo."

"Woah totoo ba yan?" "Oo nga selfie nila" "OMG Sky bakit nagawa mo samin ito."*sad*

Malalakas na bulungan ng mga audience matapos makita sa screen ang picture namin ni Tin.

"Edit lang yan wag kayo maniwala." malakas kong announce sa mikropono.

"Oo nga edit lang yan." "Oo tama hindi magagawa ni Sky na lokohin tayo" bulungan ulit ng lahat.

"Edit edit edit edit edit."

"Photoshop photoshop photoshop." sigawan na ng lahat.

"GRRR ang dami mo talagang nauuto Sky."

Biglang isinaksak ni Tin ang kanyang cellphone sa amplifier.

"Heto pa ang isang ebidensya. Pakinggan niyo ang pag-uusap namin ni Sky sa cellphone. Nirecord ko.."

Nagplay ang voice record..

Sky: Hello Tin.

Tin: Hello Sky.

Sky: Ano ginagawa mo?

Tin: Heto nakahiga habang kausap ka. Ikaw?

Sky: Ganun din.

Tin: Namimiss na kita Sky.

Sky: Namimiss na din kita Tin. Magkita tayo bukas?

Tin: Sige sure.

Biglang inistop ni Tin ang voice record..

"Oh ayan naniniwala na ba kayo?"

Natahimik ang lahat sa narinig. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon pero nagsalita ulit ako..

"Inaamin ko totoo ang voice record na yan..."

Biglang nanggilid ang mga luha ng audience. Nadurog ang puso nila AHUHUHU.

"Pero...Tinawagan ko lang si Tin para manghiram ng reviewer sa exam. Kaya narinig niyo na sinabi kong makikipagkita ako para maibigay niya ang reviewer sakin."

Bigla ulit sumigla ang mga audience..

"Reviewer Reviewer Reviewer." ang sigaw nila.

Napaniwala ko ulit ang lahat. Magaling talaga ako magpalusot.BWAHAHA

"GRRR ano ba pinakain mo sa kanila Sky at bakit lahat ng sinasabi mo pinapaniwalaan nila Argghh.."

Binuksan ulit ni Tin ang projector..

"Heto last na ebidensya..Isang video.."

Sinaksak ni Tin ang dvd..

"OMG ano ang ipapalabas niya? Sex scandal ba? O__O Pero malabo yun, wala pang nangyayari sa amin ni Tin. Sana Spiderman the Movie nalang ipanuod niya sa amin PLEASE."

Nagplay ang video at lumabas ang video namin ni Tin habang masayang namamasyal sa isang theme park.

"Oh ayan naniniwala na ba kayo? Walang edit yan."

Hindi ulit nakakibo ang mga audience.*sad* Sumingit ulit ako syempre para magpaliwanag..

"Oo totoo ang video na yan at walang edit."

Hindi na naman maipinta ang mukha ng aking mga fans T_T AHUHUHU.

"Pero..Ginayuma lang niya ako para maisama sa theme park. Hindi ko kagustuhan yan."

Sumigla ulit ang lahat

"Gayuma Gayuma Gayuma Gayuma." ang sigaw nila..

"GRRRR Sky Lee...."

Bumaba si Tin sa stage para magwalk-out pero bago tuluyang makaalis ay hinawakan ko siya sa braso.

"Ayaw lang kitang magulpi."

"Gulpi gulpi ka pa diyan, gulpihin ko mukha mo weh. Tandaan mo Sky hindi pa tayo tapos."

******************************************************

TIP NG POGI: Ang tunay na pogi ay magaling magpalusot :)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 6 (BONUS CHAPTER)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 11 (Bonus Chapter)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 16 (Bonus Chapter)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 21 (Bonus Chapter)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER 26 (Bonus Chapter)

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like MK Franco's other books...