Her Heart of Stone

 

Tablo reader up chevron

Her Heart of Stone

SYNOPSIS

Hindi pa nakaka-get over si Benj sa heartbreak na naranasan niya two years ago nang makilala niya si Monica, isang suplada, masungit, misteryosa at aminadon mayroong stone heart.

Benj’s friends have been talking him out of his broken-hearted state, telling him to get a girl already dahil ‘yung babaeng hindi niya makalimutan ay masayang-masaya na sa buhay niya – sa buhay na hindi na parte si Benj. Kaya naman para tumigil na sa panunudyo at pamimilit ng mga barkada niya na i-set up siya sa blind dates at ireto sa mga kaibigan nila, nagsinungaling siya at sinabing may nagugustuhan na siyang babae – isang babaeng hindi niya kayang abutin. Hindi naniwala ang mga kaibigan niya roon hangga’t hindi niya ipinapakita sa mga ito ang babaeng tinutukoy niya.

His friends didn’t like the girl at first dahil sa pagiging suplada nito. But Benj discovered something about the mysterious girl that made him want to talk to her – kahit na sungitan pa siya nito. There, knowing the girl’s situation, he had a plan that would be beneficial to both of them. That is…

Aabot kaya sa totohanan ang pagkukunwari ni Benj? Mapalambot kaya niya ang nagmamatigas na pusong-bato ni Monica o siya ba ang dudurog sa mga pinagdikit-dikit na piraso nito?

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER ONE

“Dude, seryoso ka? Wala ka pang nililigawan ngayon? Huwag mong sabihing umaasa ka pang babalikan ka ni Jasmin. ‘Tol, masaya na siya sa buhay niya. Two years na,” direktang sabi ni Oliver sa akin. ‘Tong lalaking ‘to talaga. Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ‘to, e.

Halos mabatukan ko na siya kung hindi lang siya mabilis sa pag-ilag. “Sige, ‘Tol. Ipagduldulan mo pa sa pagmumukha ko ‘yan. Isampal mo sa magkabilang pisngi ko na masaya na si Jasmin na wala ako sa buhay niya. Sige, ‘Tol. Hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa ramdam,” sabi ko sa kanya. “Hindi ko alam kung tropa nga ba kitang talaga o nandito ka lang para mas pabigatin pa ang loob ko."

“’Tol, utol tayo. Bro kita. Hindi ko naman gustong lalo kang saktan, e. Kaya lang, ‘Tol, medyo katangahan na kasi ‘yang ginagawa mo. Ayokong nakikita kitang nagmumukmok d’yan habang yung ex mo, ayun, nagpapakasaya sa buhay niya. You deserve a life, Bro!” Umakbay siya sa akin bago niya sinabing, “Uso ang mag-move on, Dude.”

Ewan ko ba rito sa kaibigan kong ‘to. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto niyang itawag sa akin. Bro, ‘Tol, Dude at iba pa, kung ano-ano na lang. Pero okay lang naman ‘yon. Ako lang kasi ang tinatawag niyang gano’n. ‘Yung iba naming tropa, sa pangalan niya lang tinatawag. Kaibigan ko na siya mula elementary pa lang. Hanggang ngayong college na kami, sanggang-dikit pa rin kaming dalawa. Kaya alam niya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Siya lang din ang binigyan ko ng permisong batukan ako sa tuwing inaatake ako ng katangahan ko, na hindi naman madalas. Ngayon lang. Ngayon ang una. May punto naman kasi ang lahat ng sinasabi niya. Tama naman siya.

Ano ba naman kasing magagawa ko? Mahal ko si Jasmin. Sa lahat ng naging girlfriend ko, si Jasmin ang pinaka-sineryoso ko. Siya yung pinakamatagal kong naging girlfriend. Siya yung pinakaminahal ko. Tatlong taon kami. Bago pa man kami tumuntong ng college, girlfriend ko na siya. Binago ko ang pangarap kong maging businessman para sa kanya. Nag-iba ako ng course na gusto para magkasama kami hanggang college. Pero ano ang ginawa niya? Ipinagpalit niya lang ako sa iba. Niloko niya ako, tinu-taym. Ang masaklap pa ro’n, ang course ng ipinalit niya sa akin ay ang course ko sana kung hindi niya lang ako nahatak na mag-Nursing. Mabuti na lang at pinangarap ni Oliver na maging nurse kaya kasama ko pa rin siya hanggang college. Magkaklase pa rin kami. Kaya heto, alam niya ang buong kwento ng relasyon namin ni Jasmin.

Masaya na sana ako na nasa tabi ko si Oliver at ang tropa kung hindi lang talaga sila mapilit na ireto ako sa ibang babae. Ang kukulit nila. Palagi pa nilang ipinagduduldulan sa akin na masaya na si Jasmin – masaya na siyang wala ako sa buhay niya. Ni hindi nga raw siya umiyak noong nakipag-hiwalay siya sa akin. Kitams, pati ‘yon, alam nila. Paano ba naman kasi, pagkakinabukasan pagkatapos ng break-up namin, pinalitan agad ang relationship status. Masyadong mababaw para isipin nila na ni minsan ay hindi umiyak si Jasmin sa hiwalayan namin? Hindi rin. Kasi imbes na from ‘In a relationship with Benj Gonzales’ to ‘Single’ ang ipinalit niya sa Facebook, ang inilagay ba naman, e, ‘In a relationship with Alex Clemente’. Ang bilis, hindi ba? Wala pa kaming bente-kwatro oras na magkahiwalay, may kapalit na agad ako. Kaya hindi ko rin masisi si Ober kung halos sampal-sampalin na niya ako ng katotohanang hindi na ako mahal ni Jasmin – na kahit kailan, hindi niya ako minahal. Ako lang talaga ‘tong tanga na ayaw pang mag-move on. ‘Tong pesteng puso ko kasi, hindi magawang kalimutan siya. Sumabay pa sa katigasan ‘tong utak ko na wala nang ibang inisip kundi si Jasmin.

“Benj, naka-graduate ka na’t lahat, ‘yang puso mo, repeater pa rin?” banat naman ni Zeke. “Gaano katagal mo pa bang hihintayin si Jas? Hindi na ‘yon babalik sa’yo, Benj.” Isa pa ‘to. Ang laki na talaga ng galit nila kay Jasmin. Kahit pa sabihing highschool batchmate namin siya at naging parte rin ng tropa, hindi pa rin magawang patawarin siya.

“Zeke’s right, Benj. You don’t deserve to be this miserable,” ani Aila, girlfriend ni Zeke. Saludo ako sa dalawang ‘to. Simula first year highschool pa lang, sila na. Hanggang ngayon, sila pa rin. Ang tatag nila. “You deserve better than that two-timer,” dagdag pa niya. Isa rin si Aila sa mga tropa kong malaki ang galit kay Jas. Silang mga tropa naming babae ang talagang sumusumpa sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin.

“Ai, who said I’m miserable? I’m not, okay? Stop over-thinking. Kayo talagang mga babae.” Napailing na lang ako. “Just because I don’t date anyone, doesn’t mean I’m miserable. P’wede bang ayoko na lang magpadalos-dalos para sa next relationship ko?”

“Really, huh?” Nakataas ang kilay ni Barbie habang naka-akbay kay Ober. “E, bakit lahat ng nirereto namin sa’yo, hindi nagwo-work?” tanong niya.

“It just didn’t,” depensa ko. Sabay-sabay nila akong tiningnan. Alam ko ang mga tingin na ‘yon. Hindi sila naniniwala sa sinabi ko. “Okay, hindi ako gumawa ng move. Hindi ako nag-initiate ng meeting o ng follow-up date. Anong magagawa ko? I’m not interested in them. Do’n pa lang, alam ko nang hindi magwo-work kung ano man ang dapat mag-work.” Nagbago na naman ang tingin nila sa akin. Nanlaki ang mga mata nila at napaawang ang mga bibig. “Oops. It’s not what you’re thinking. I’m not gay, okay? It’s just that after my break-up with Jas, naging mapili na ‘yung puso ko. Hindi gano’n kadaling ma-in love sa isang tao.”

“Kaya nga tinutulungan ka namin. We’re giving you options,” sagot ni Aila.

“You wouldn’t understand. Basta –“ May iniabot sa akin si Ober. “Ano ‘to?” Pagtingin ko sa iniabot niya, cellphone ko pala. Nakabukas ang Messenger app nito. May bagong message.

Umupo si Ober sa mesa sa gitna ng kubo na pinagtatambayan namin. “Kinausap ko na si Olga. Okay lang daw sa kanya na mag-meet kayo. Ikaw na mag-set ng araw at kung saan. I-backread mo na lang yung usapan para may idea ka tungkol sa kanya.”

“Fuck, Oliver!” Hindi ko napigilang mapamura. “Ginalaw mo ‘yung phone ko? Pati Facebook ko? Dude naman!” Sira-ulo talaga ‘tong loko-lokong ‘to. Kita na niyang nanggigigil na ako sa sobrang inis, nakuha pang mag-peace sign at magpa-cute.

“May ginawa pa ako sa Facebook mo, pero hindi ko na muna sasabihin sa’yo kung ano. Baka hindi na ko makauwi nang buo kapag sinabi ko sa’yo.” Tumayo na siya at lumusot sa bintana ng kubo palabas. Nakaharang kasi ako sa pinto. “Uuwi na kami. Umuwi ka na rin. Huwag ka nang mag-senti d’yan.” Naglakad na silang apat pero hindi pa man sila nakakalayo, nagsalita na naman si Ober, “Hindi ka na nga kasi mahal no’n.”

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga, hindi ko kayang magalit nang matagal sa kanila.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER TWO

Ang baliw talaga nitong si Ober. Talagang in-add niya pa si Olga as a friend sa Facebook account ko. Nagpakilala pang ako sa chat para lang matanong si Olga kung okay lang makipag-meet. Kaibigan ni Barbie si Olga. Maganda naman siya kung ang pagbabasehan ay ang group pictures nila nina Barbie at Aila. Mahaba ang mapula niyang buhok, bilugan ang mga mata at mestisahin din.

Masayang kausap si Olga. Ang daldal niya kahit sa chat. Nadadala niya yung conversation namin kahit na madalas na like na lang ang inirereply ko sa kanya kapag wala na akong masabi tungkol sa topic. Ang dami niyang gustong pag-usapan kaya kapag like na ang sagot ko sa kanya, may bagong topic naman siyang io-open. Nakakatuwa.

Olga: Ui, nga pala nagbabalak kaming mag-overnight swimming nina Barbie. Baka gusto n’yo ring sumama na boys.

‘Yan yung message niya sa akin isang umaga. Naisip ko, okay na ‘yun na para mag-meet na kami. Tingin ko naman, mas hindi kami magkakailangan kung kasama ang tropa sa first meeting namin. Nagreply ako sa kanya.

Benjamin: That’s cool. Pero baka girl’s night out n’yo ‘yan. Makagulo pa kaming boys sa bonding n’yo.

Olga: No, I’ve already asked Barbie and Ai and they agreed.

Olga: Actually, they think it’s romantic. Triple date daw sabi ni Ai.

Olga: Parang mga ewan lang, sila lang naman ‘yung may date.

Benjamin: Haha. Yeah, gan’yan talaga ‘yang mga ‘yan. Pagpasensyahan mo na lang sila. Mas excited pa’ng mga ‘yan na magka-lovelife ako kaya panay ang reto sa akin.

Olga: Hahaha…

Doon na natapos ang usapan namin. Wala naman na kasi akong isasagot sa kanya.

***

“Excited na ‘ko! Tara na! Dali!” mataas na energy na sigaw ni Barbie. Pinuntahan nila ako dito sa bahay. Mas malapit daw kasi dito sa bahay ‘yung resort na pupuntahan namin. Bagong resort daw ‘yon. Six months ago lang nagbukas. Kaya pala hindi ko nabalitaan. Kasagsagan kasi ‘yon ng internship ko sa hospital kaya nag-board muna ako sa Mandaluyong para mas convenient. Shifting kasi kami sa internship. Madalas akong panggabi kaya minsan, ilang oras lang akong magpapahinga galing sa shift, papasok na ulit sa university.

“Hindi nga halatang excited ka ‘no?” tanong ni Aila. “Pati yung inflatable vest ng pamangkin mo, suot-suot mo na agad,” pang-aasar niya pa.

“S’yempre, we’re going to the pools. Mas maganda sanang we’re going to the beach, pero wala namang beach dito sa Rizal. Puro bundok,” tumatawang sabi ni Barbie. “Pero may iba pa akong ikinaka-excite. May idea ba kayo kung ano ‘yon?” Tiningnan niya ang bawat isa kina Ober, Aila at Zeke. Sabay-sabay naman silang apat na tumingin sa akin at binigyan ako ng makahulugan na ngiti.

“Mga baliw kayo! Huwag kayong guman’yan sa harap ni Olga, ha. Baka mailing ‘yung tao. Hindi niya mae-enjoy ang outing.” Isiniksik ko na lang ang t’walya ko sa dala kong gym bag. “May hinihintay pa ba tayo?” tanong ko sa kanila. Ngumisi na naman sila sa ‘kin. “Ano?”

“Wala,” sabay-sabay nilang sagot bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay namin. Nagpaalam na ako kina Mama at sumunod sa kanila. Pagkalabas ko sa pinto, bigla akong inakbayan ni Ober.

“Excited kang makita si Olga?” tanong niya. Pataas-taas pa ang dalawang makakapal na kilay niya.

Siniko ko siya sa tiyan. “Excited ka d’yan? Siraulo talaga kayo. Kapag ‘yon, nailang sa’kin, kasalanan n’yo,” sagot ko sa kanya. Hindi na siya kumibo nang tanggalin niya ang pagkakaakbay sa balikat ko.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa resort. Malapit nga lang talaga – kayang lakarin. Pagdating namin sa resort, wala pa si Olga. “Nasa tricyle na raw siya paakyat,” sabi ni Aila habang nagte-text. Hinintay na namin siya sa labas ng resort para sabay-sabay na kaming magbayad ng entrance fee at cottage.

“Ayan na siya.” Tinapik ni Zeke ang braso ko nang may tumigil na tricycle sa harap namin. Saktong may palabas na van galing sa resort kaya gumilid kami at doon nagkamustahan ang mga babae.

Ang mga babae talaga, walang kupas ang ingay kapag nagsama-sama. Halos manginig na lahat ng tutuli ko sa tinis ng mga boses nila. Pero yung kina Aila at Barbie ang mas nangingibabaw. Parang bulong lang ang naririnig kong boses ni Olga. Nanonood lang kaming tatlong lalaki sa mga babae.

“Takte! Kung makapagkamustahan, parang wala nang bukas. Huwag nga kayong humarang sa daan! Doon kayo sa loob, mas maluwag. Pwede kayong magsipag-tumbling habang nagkakamustahan,” sabi ng isang babaeng palabas ng resort. Hindi namin napansin na ‘yung maliit na gate pala ng resort ‘yung nilipatan namin. Nakaharang nga naman kami sa daanan.

Para kaming red sea na naghiwalay sa magkabilang side ng gate. Kulang na lang espada, para na kaming mga gwardya sibil na nakabantay sa pagdaan ng isang prinsesa. Nang tumapat siya sa akin, nagbago ang isip ko dahil sa suot niya. Naka-short siya na hanggang itaas ng tuhod, medyo maluwag sa kanya ang T-shirt niya at naka-baseball cap. “’Yun nga lang, ‘yung prinsesa natin, may pagka-boyish.” Nagtinginan silang lima sa akin. Pati ‘yung babaeng dumaan, napalingon. Nasabi ko pala ‘yung nasa isip ko. Ang tanga. “Ang sabi ko, pumasok na tayo sa loob. Bilis!” pagpapalusot ko. Inismiran lang ako ng babae. Maganda sana siya kaya lang ang suplada.

Pumasok na kami at nagbayad ng entrance fee at cottage. Maganda ang ambience sa resort. Kahit na katapat siya ng kalsada, hindi naririnig sa loob ng resort ang ingay ng mga tricycle na dumadaan. May mga puno ng niyog sa paligid na may mga nakasabit na plastic lanterns na may bumbilya sa loob. Sinamahan kami ng lalaking resort staff sa cottage namin. Maganda ang kubo na ibinigay sa’min. Sulit na ‘yung two hundred fifty pesos na binayad namin. Mas malaki siya ng kaunti sa tinatambayan naming kubo na malapit sa bahay. Napapaligiran ito ng maliliit na mga halaman.

“In fairness, hindi malamok dito kahit na maraming nakapaligid na halaman,” komento ko sa paligid.

“Baygon tree raw kasi ‘tong mga ‘to. Nire-repell ng amoy niya ‘yung mga lamok. Ayaw ng mga lamok sa amoy n’yan,” paliwanag naman ni Barbie.

Inakbayan siya ni Ober. “Ang talino naman ng mahal ko,” sabi niya sabay halik sa bunbunan ni Barbie.

Naglambingan na silang dalawa kaya itinuloy ko na ang pag-aayos ng mga pagkaing dala namin. Puro tsitsirya lang at mga iihawin ang dala namin at kaunting kanin. Sapat lang para sa hapunan namin. Ang matitirang mga inihaw at tsitsirya, papapakin na lang namin kapag nagutom kami sa paglangoy. At baka pulutanin din namin kapag sinarado na ang mga pool sa hatinggabi.

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER THREE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FOUR

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FIVE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER SIX

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER SEVEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER EIGHT

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER NINE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER TEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER ELEVEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER TWELVE

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER THIRTEEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FOURTEEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

CHAPTER FIFTEEN

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like nikolojeyb's other books...