Twisted Fate

 

Tablo reader up chevron

Prologue

Prologue

 

 

“What if one day, may ipakilala ako sayo, I mean, boyfriend, something like that?” Napaharap ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

 

“Why? Are you planning to introduce someone to me?” Tanong ko at inilipat ang page ng librong binabasa ko. Tinignan ko siya saglit at ibinalik ang tingin ko sa librong hawak ko.

 

“Well yeah, I was planning, sana. Pero kung ayaw mo naman, okay lang.” She said. I laugh at her, “Mom, ano ka ba? It’s your happiness, so bakit naman hindi ako papayag? It’s okay with me as long as you’re happy with that guy you’re saying.” Ibinaba ko ang libro sa tabi ko at tinignan si Mommy na nakaharap sa laptop niya.

 

“So? Who’s the lucky guy?”

 

-

 

“Sorry. Can’t make it tonight.” sabi ko habang nagmamadali na itinatali ang aking buhok.

 

“What? Why?” napairap ako. “May family dinner kami. Ipapakilala ni Mommy ‘yung napupusuan niya.” He sigh in defeat. “Fine. Let’s meet next time.” Tumango-tango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. “Yeah, yeah. Bawi ako next time.” And then I ended the call.

 

Ipinasok ko ang phone ko sa aking purse at nagmamadali na pumasok sa loob ng restaurant kung saan ipapakilala ni Mommy ang ‘boyfriend’ niya daw.

 

Inikot ko ang aking paningin at nakita ko si Mommy, kaya pala ang hirap hanapin dahil nasa sulok ang table. Mommy is smiling from ear to ear. Napailing ako at napangiti na lang din.

Hindi ko makita completely yung lalaki dahil nakatalikod siya sa akin. But I guess they’re having a good time kasi kitang-kita naman sa mukha ni Mommy ang maaliwalas niyang ngiti.

 

Palapit ng palapit, palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Am I nervous? Why? Dahil ba ipapakilala sa akin ni Mommy ang boyfriend niya? Umiling ako at ngumiti ulit. My Mom is introducing her boyfriend so I should be happy, right? Right?

 

Napalingon bigla si Mommy sa side ko kaya napatayo siya bigla. “Andito na siya.” bulong niya na parang kinakabahan na teary-eyed, napatawa na lang ako ng mahina.

 

Tumayo sa pagkakaupo ang lalaki, at unti-unting humarap sa akin. He offered his hand, tinitigan ko iyon at tinignan siya sa kanyang mukha, I’m dreaming right? Siguro dala lang ‘to ng trabaho, or baka naman pagod lang ako?

 

Pero, para atang nabingi at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sabihin ni Mommy ang mga katagang,

 

“Anak, meet my boyfriend, Seven. And Seven, meet my daughter, Nica.” Hindi ako makagalaw, tumigil din ata ang paghinga ko at nanatili lamang akong nakatitig sa kanyang mukha, at siya, nakatingin sa akin na parang naguguluhan, pero unti-unti at ngumiti siya sa akin.

 

“Hi Nica.” at tuluyan ng nablanko ang isip ko.

 

-

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

First Encounter

1st Encounter

 

I must be insane! Ginulo ko ang buhok ko at halos sabunutan ko na ang sarili ko ng dahil sa kahihiyan na ginawa ko sa buhay ko. Mommy must be upset. I’m so sure she is! Argh! Stupid Nica! Stupid!

 

Ibinato ko ang purse ko sa kama at sinabunutan na talaga ng sarili ko. My God! My God! Why am I so stupid? Why?!

 

Pag naaalala ko ang mga pinagsasabi ko kanina, parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Napailing ako at agad na pumasok sa banyo upang maghilamos. Halos ilubog ko na ang mukha ko sa lababo makalimutan lang ang ginawa ko kanina. Nakalimutan ko nga, pero mukha naman niya bigla ang nakita ko. Why? Why do I have a weird feeling after seeing him again? Maybe, goosebumps? Or maybe? Ah! I don’t know!

Lumabas na ako ng banyo at agad na ipinulupot ang sarili ko sa kumot. Feeling ko wala na akong mukhang maihaharap kay Mommy. Napailing na lang ako at ipinikit ng madiin ang mga mata ko.

 

 

-

 

 

Breakfast. Hindi man lang ako kinikibo ni Mommy. Hindi siya nagsasalita, pero hinahanda niya ang pagkain sa lamesa dahil maya-maya ay aalis na siya. Tinitignan ko lang siya, parang siyang robot ngayon na synchronize masyado ang galaw. Napailing na lang ako at nagsimula ng kumain.

 

Umupo siya sa harapan ko at nagsimula na din kumain, pero, hindi niya pa din ako kinikibo at hindi man lang niya ako tinatapunan kahit isang tingin lang. Mommy is always like this whenever she’s disappointed or galit, magaling siyang hindi mamansin.

 

“Mom,” pagsisimula ko, hindi pa din siya natingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain, “About last night,” napatigil siya bigla, at tumingin sa akin, “Sorry.” Sabi ko na halos pabulong. Ibinaba niya ang hawak na tinidor at tinignan ako. Bumuntong hininga siya at tumayo bigla, pumunta siya ng sala at may kinuha sa bag niya.

 

“Kung gusto mong magkabati tayo, meet your Tito Seven and personally say sorry to him. Anak kita pero I won’t tolerate you and your actions last night.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy at napatingin sa inilapag niyang calling card sa table.

 

“But..” napatigil ako sa pagsasalita ng tignan ko si Mommy at ang seryoso niyang mukha. Napapikit ako ng mariin at humigpit ang pagkakahawak sa tinidor na hawak ko, “Fine.”

 

Umalis na si Mommy matapos ang pag-uusap namin. Iniipat-lipat ko ang channel ng tv at halos pudpudin ko na ang remote control sa kakapindot ko.

 

Gagawin ko ba talaga? Syempre hindi.

 

Pero, pag ‘di ko ginawa, hindi kami magkakabati ni Mommy.

 

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Kaya ko ‘to! Ako pa ba? Tsk! Gaano ba kalala ginawa ko kagabi at ganito kami ni Mommy ngayon?

 

-

“Hi Nica.” No! No! No! No it can’t be real! This is just your illusion Nica, hindi ‘to totoo! Nababaliw ka lang! Okay Nica, inhale, exhale. Now open your eyes.

 

Pero pagbukas ko ng mga mata ko, nasa harapan ko pa din siya, andun pa din ang kamay niyang inaalok ako ng shake hands, at andun pa din ang ngiti sa labi niya na hindi maalis-alis.

 

“Are you even real?” Tanong ko, nagulat ata siya at si Mommy. Mommy held my hand, “Anak ano bang sinasabi mo?” bulong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti ng peke. Huminga ako ng malalim.

 

“Hi…. Seven.” I shake hands with him, pero binawi ko agad ang kamay ko dahil pakiramdam ko nakukuryente ako. Si Mommy naman, ngiting-ngiti.

 

Umupo na kami at naiirita ako dahil kaharap ko pa siya ng upuan. Napairap ako at nagpanggap na busy sa phone ko habang nag-uusap sila ni Mommy.

 

“I do planned going abroad but I postponed it when I met you.” Rinig kong pambobola ni Seven. Napairap ako.

 

Hindi ko ata napigilan ang bibig ko at kusa na lang bumuka ang bibig ko, “Then why did you postponed it? Actually, mas better ata kung andun ka sa abroad.” They both look at me. Narealize ko naman ang sinabi ko at napayuko ako bigla.

 

“Anica.” may pagbabanta sa boses ni Mommy. Right now, feeling ko ay isa akong bata na pinapagalitan ng aking nanay dahil may ginawa akong masama. Umirap na lang ako ng palihim.

 

“It’s okay.” Nakita ko sa peripheral vision ko na hinawakan ni Seven ang kamay ni Mommy at nginitian. Umirap na naman ako. Ilang beses kaya akong iirap ngayong gabi?

 

Dumating na ‘yung menu at dahil wala akong gana ay inilipat-lipat ko lang ang pages ng menu. Nang kukunin na ang order ako lang ang walang masabi kaya sinabi ni Mommy na kung ano na lang ang sa kaniya ay ‘yun na lang din daw ang akin. Tumango lang ako.

 

They started talking again at hindi man lang ako maka-relate. Minsan ay gusto kong sumabat pero hindi na lang dahil baka kung ano na naman lumabas sa bibig ko once na ibuka ko ang bibig ko.

 

Feeling ko napakatagal ng oras pero pagtingin ko sa cellphone ko ay isang oras pa lang ang nakakalipas magmula ng dumating ako dito.

 

Nang dumating na ang pagkain, medyo nabawasan ang boredom ko, pero still, out of place ako.

 

“So how did you met my Mom?” pagsingit ko sa usapan nila. Mommy look at me tapos bigla siyang tumingin kay Seven.

 

“We met at a hospital few months ago.” sagot nito sa akin. Tumango lang ako. “So you just bumped into each other at a hospital? Nice, that’s a sweet one.” Sabi ko at nakita ko ang maliit na ngiti ni Mommy sa labi niya. Tinignan ko ulit si Seven, pero nakatingin siya kay Mommy. Umubo ako, “And then? Paano mo linigawan ang Mommy ko?” Tanong ko. Napakamot siya bigla sa batok niya at parang walang maisagot kaya kusa na naman bumuka ang bibig ko,“Or perhaps hiningi mo ang number ng Mommy ko at tinawagan gabi-gabi and then one day you’ll confess na gusto mo siya at tatanungin mo siya kung kayo na? Ganun ba?” Pinilit ko naman gawin normal ang boses ko pero kahit anong gawin ko, sarcastic pa din ang pagkaka-deliver ko sa tanong ko.

 

Ibinaba ng padabog ni Mommy ang hawak niyang tinidor. Tinignan niya ako ng masama, umiwas ako ng tingin. Si Seven naman, parang shock pa din at hindi makapagsalita. Napayuko ako at pabulong na pinagalitan ang sarili ko. Bakit ba hindi ko lagi mapagilan ang bibig ko?

 

Tumayo ako at kinuha ang purse ko, “Kailangan ko na palang umalis. Nice to meet you, Seven. Bye Mom.” at agad-agad na akong umalis. Rude man, pero… God! Makauwi na nga!

 

-

 

Napakamot ako sa noo ko at halos umiikot-ikot na sa kakaisip kung pupuntahan ko ba yung address na nasa calling card. Napapikit ako ng mariin. Kung ‘di lang sana ganun lumabas sa bibig ko e ‘di sana okay ngayon, walang meet personally, diba?

 

Bigla akong napadilat, kung tawagan ko na lang kaya siya? Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko at kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa kama ko, tinignan ko ang calling card na binigay ni Mommy. Napabuntong hininga ako at ibinato ang phone ko pabalik sa kama. No, I shouldn’t call him using my personal number.

 

Lumakad ako papunta sa telephone at doon idinial ang number niya.

 

Umubo-ubo ako ng peke, “H-Hello?” Patanong na sabi ko. “Hello. Who’s this?” narinig kong tanong niya sa kabilang linya. Halos lumabas na ‘yung puso ko sa rib cage ko sa kaba.

 

“Ahm, this is me, Nica.” onti na lang ay mapuputol ko na ang dila ko sa kakakagat ko dito. Mas lalo akong kinabahan ng wala akong marinig na response sa kabilang linya, “Ah. So, anong maitutulong ko sayo?” tanong niya. Pinikit ko ang mata ko, minsan lang naman ako magbababa ng pride ‘di ba? At over phone pa ito, so kaya ko ‘di ba?

 

“I just want to say sorry for my actions last night. Pagod lang talaga ako kaya kung ano-anong nasabi ko.” Paghihinging tawad ko. Narinig ko ang mahinang paghinga niya sa kabilang linya, “Yeah.” ‘yun lang ang sagot niya at hindi ako makapag-complain na after kong magsabi ng sorry ay simpleng ‘yeah’ lang ang sasabihin niya.

 

“’Yun lang ba? Kung ‘yun lang, ibababa ko na ‘tong tawag.”

 

“Ah! Wait!”

 

“What?” medyo bakas na ang pagkairita sa boses niya. Wow! Siya pa may ganang mairita. Napairap ako at pinilit ikalma ang sarili ko.

 

“If Mommy ask you kung personally akong nag-apologize, can you please say yes?” Paghinging pabor ko. “Yeah. If that’s all, ibababa ko na ‘to. May sasabihin ka pa ba?” Inis ng sabi neto. Napanganga ako, wow! Just wow! I didn’t expect this!

 

“Wala na. Thanks!” pasigaw kong sabi at ibinaba na ang tawag bago niya pa magawa. Napatingin ako bigla sa hawak kong calling card. Linukot ko iyon at pinunit-punit ng dahil sa inis na nararamdaman ko.

 

 

-

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...

Second Encounter

2nd Encounter

 

Napahilot ako sa noo ko habang tinitignan ang napakadaming folders sa table ko. Bakit ba kasi naisip kong mag-leave ng dalawang araw. Ilinagay ko ang bag ko sa couch na nasa tabi ko lang at pumunta sa table ko. Habang tintignan ko ang mga folders ay nanlulumo ako.

 

Napaupo ako sa upuan at inikot-ikot lang habang nakapikit ako. Hindi pa ako nagsisimula sa trabaho ko eh masakit na ‘yung ulo ko at feeling ko ay sumasakit na agad ang katawan ko.

 

Kelan ba ako sisipagin? Mula ata highschool ako ganito na ginagawa ko sa buhay ko. Umayos ako ng upo ng may kumatok sa pintuan. Agad akong kumuha ng isang folder at nagpanggap na nagbabasa.

 

“Uh? Doc?” inangat ko ang paningin ko at nanlumo na naman ako ng makita kong may hawak na folder ang isa sa mga intern dito sa hospital. Nginitian ko siya, “Why?” Tanong ko at hindi ipinahahalata ang panlulumo.

 

“Yung mga reports po.” Lihim akong napa-frown. Bakit ba kasi hiningian ko pa sila ng report regarding dun sa batang in-admit dito na may mental disorder? For sure ang haba na naman ng babasahin ko.

 

“Pakilagay na lang diyan sa gilid.” nakangiti kong sabi. Habang linalapag niya ang mga folder ay nakatingin siya sa binabasa ko, tinignan ko din ito at ngayon ko lang na-realize na nakabaliktad pala ang folder.

 

Nginitian ko siya, “You should all try this. As a psychiatrist, mas magandang nagbabasa ng pabaliktad dahil kahit isang word ay hindi mo malalagpasan. Mostly when it’s an information you need to take note.” pag-payo ko, well, pag-payo sa akin ng palabas na pinapanood ko, at ngayon ay ipinapayo ko sa kanya. Nag-bow siya sa akin at ngumiti at lumabas na. Napabuga ako bigla ng hangin. Mapapahamak ako sa ginagawa ko sa buhay ko. Napailing ako at ngayon, seryoso na talaga, kailangan kong matapos lahat ‘to ngayon.

 

-

 

Humihikab akong lumabas ng hospital habang hawak-hawak ang isang in-can na kape. Napatingin ako sa wrist watch ko at alas-5 na ng hapon. Matapos kong basahin ang mga reports na nasa table ko ay agad na may tumakbo sa akin dahil may emergency daw, at, here am I, ngayon pa lang uuwi.

 

Pag-uwi ko ay hindi pa din ako pinapansin ni Mommy kaya nagtaka ako. I ask for a sorry yesterday at um-oo naman si Seven so ano pang ikinagagalit ni Mommy ngayon?

 

Linapitan ko siya, “Mom what’s wrong?” I ask. Tumingin siya sa akin ng malamig. Napakamot ako sa noo ko, “Mom, what’s wrong?” tanong ko ulit.

 

“I told you, don’t talk to me hangga’t hindi ka nagso-sorry personally kay Tito Seven mo.” Napanganga ako bigla.

 

“But I do said sorry!” I frowned. “Yes you do say sorry, but it’s through phone.” sabi niya. Once again, napanganga ako. “Did Seven told you na sa phone lang ako nag sorry?”

 

“Yes! So you should personally say sorry to him dahil in-upset mo siya!” sigaw sa akin ni Mommy at iniwan ako dito sa kusina. Umakyat siya at rinig ko pa ang pagdabog niya sa pinto. Pero wait, akala ko ba sasabihin ng lintek na Seven na ‘yun na personal akong nag sorry sa kanya?

 

Uminit agad ang ulo ko at umakyat agad sa kwarto ko. That guy! Dapat hindi ako naniwala sa ‘yeah’ niya!

 

Tatawagan ko sana siya ulit kaso naalala kong pinunit ko pala ang calling card niya. Napasabunot ako sa sarili ko out of frustration.

 

Napahilot ako sa noo ko matapos kong sabunot-sabunutan ang sarili ko. Napakagat ako sa labi ko, is he taking a revenge on me? Pero wait, saan naman siya maghihiganti? Eh wala naman akong ginagawa sa kanya!

 

Sumakit bigla ang ulo ko kaya napahiga ako sa kama.

 

I hate him. So much. To death.

 

-

 

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Kung hindi ako kikilos, mas tatagal pa ang issue na ‘to at mas lalaki. Kung hindi niya ako mapapatawad through phone, then might as well meet him personally.

 

Bago ako umalis ay hinanap-hanap ko pa kung saan siya nagtatrabaho. Why is he such a pain in ass?

 

Nang mahanap ko na kung saan ay agad akong umalis ng bahay para lang mapuntahan siya. He should be thankful dahil nag apologize na ako through phone, at ngayon, mag-aapologize naman ako personally. Wow! A first time for me.

 

Pagkapuntang-pagkapunta ko sa university na pinagta-trabahuhan niya, nakita ko agad siya. Holding a pile of books while talking to a lady.

 

Agad akong lumapit, “Excuse me?” Pagsingit ko sa kanilang usapan. Seven look at me, at yung babae, ngumiti sa akin bigla.

 

“Yes? How may I help you?” Lihim akong napairap. “Can I talk to my Tito Seven for a while please?”

 

“Oh sure, take your time.”

 

Sinamaan ko ng tingin si Seven. “I ask for forgiveness already, so ano pa bang problema mo?” Tumawa siya ng mahina at linagay pa ang kanyang kamay sa bibig niya. Napaawang ang labi ko. Is he seriously laughing at me?

 

“Your mom told you to say sorry personally, right? And so, I did your mom a favor at e ‘to ka nga sa harapan ko. Wow! A first time for you to say sorry personally, I feel so grateful.” Sabi niya na parang namamangha pa.

 

“Alam mo…” napatigil ako dahil tumataas na ang boses ko at narealize ko na  nasa gitna kami ng maraming mata ng mga estudyante at professors. Napairap ako.

 

“Pwede bang sa private na lugar na lang tayo mag-usap?”

 

And so here we are, in the library. Seriously? Private ba ‘to?

 

“I said a private place.” Bawat salita may diin habang lumalabas sa bibig ko ang mga salita. “I know, dito lang kita dinala para hindi mo ako sigaw-sigawan. Always remember that I’m a respected professor in here.” sabi niya at napairap ko.

 

“Fine. So, let’s get straight to the point.” Ipinatong ko ang bag ko sa mesang nasa harapan ko.

 

“Sorry, and tell that to my--” Napatigil ako sa pagsasalita ng tanungin niya ako bigla.

 

“Kamusta na?” Suddenly, para akong napipi bigla. I can’t talk. I also can’t move.

 

“It’s been a long time.” Sabi niya. I can’t utter a single word. He smiled at me, “Kamusta ka na? Are you happy?” Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ko. Mali, tumigil na talaga ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

 

This isn’t the usual me. Hindi umuurong ng ganito ang dila ko. Kilala ako sa pagiging matalas ang dila at walang pinipiling salita pag bumuka na ang bibig ko. Pero ngayon, ayaw ng bumuka ng bibig ko.

 

Tumawa siya ng mahina, “I guess, I make you f

Nag-ring bigla ang phone ko at ‘yun ang natatanging naging signal para makagalaw ako. Kinuha ko ang phone ko sa purse ko at sinagot agad ang tawag.

 

“Hello?” patanong kong bati at sumulyap ng kaunti kay Seven na ganun pa din ang pwesto. Umiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa akin.

 

“Nica?” tanong ng kausap ko. Parang nabalik ako sa ulirat, “Y-Yes? Why?” tanong ko.

 

“Asan nga ba ‘yung files ni Mary?”

 

“Nasa right side na drawer. Hanapin mo dun.” Sabi ko at napabuntong-hininga.

 

“Found it. Thanks!” At ibinaba niya na ang tawag, pero still, nakadikit pa din ang phone sa tenga ko. Hindi ko maalis kasi alam kong once na ialis ko ang phone na ‘to sa tenga ko, mapapako na naman ako sa kinauupuan ko.

 

“Ah. Sige, bye.” Pagpapaalam ko kahit na wala na akong kausap. Inilagay ko ulit ang phone ko sa purse ko at humarap na sa kausap ko.

 

“I-I’m fine.” Sagot ko. Feeling ko nakahinga ako bigla ng maluwag. Ngumiti naman siya sa akin, “That’s nice.” tumatango siya habang sinasabi niya ‘yun. I look at him, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. “Do you have something to say?” tanong ko.

 

“Nica, I love your Mom.” pagkasabi niya nun, napatitig ako sa kanya.

 

“I know.” Sagot ko at napakapit ng mahigpit sa dress na suot ko. “Please. Just please. Allow me to love her. Please.” and then, he knelt in front of me.

 

-

 

Comment Log in or Join Tablo to comment on this chapter...
~

You might like Nishi's other books...